48
OPISYAL NA PATNUBAY NA IMPORMASYON PARA SA BOTANTE Sertipiko ng Katumpakan Ako, si Debra Bowen, Kalihim ng Estado ng Estado ng California, sa pamamagitan nito ay nagpapatunay na ang patnubay na ito ay ay inihanda alinsunod sa batas. Saksihan ang aking kamay at ang Dakilang Selyo ng Estado sa Sacramento, California, ngayong Ika-10 araw ng Marso, 2014. Debra Bowen Kalihim ng Estado Ang mga botohan ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng hapon sa Araw ng Halalan MARTES, IKA-3 NG HUNYO, 2014 HALALAN PRIMARYANG PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG

PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

OPISYAL NA PATNUBAY NA IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Sertipiko ng KatumpakanAko, si Debra Bowen, Kalihim ng Estado ng Estado ng California,

sa pamamagitan nito ay nagpapatunay na ang patnubay na ito ay ay inihanda alinsunod sa batas.

Saksihan ang aking kamay at ang Dakilang Selyo ng Estado sa Sacramento, California, ngayong Ika-10 araw ng Marso, 2014.

Debra BowenKalihim ng Estado

Ang mga botohan ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng hapon sa Araw ng Halalan

MARTES, IKA-3 NG HUNYO, 2014HALALANPRIMARYANGPAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG

Page 2: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mahal na Kapwa Botante:

Sa pagpaparehistro upang makaboto, gumawa kayo ng unang hakbang sa pagganap ng isang aktibong papel sa pagpapasiya ng hinaharap ng California. Ngayon, upang matulungan kayong gumawa ng inyong mga desisyon, nilikha ng aking opisina itong Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante—isa lamang sa mga kapaki-pakinabang na kasangkapan para sa pagkuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa makikita ninyo sa inyong balota at kung paano gumagana ang halalan.

Ang impormasyon tungkol sa mga kandidato at mga panukala na bukod-tangi sa inyong rehiyon ay makukuha sa librito ng halimbawang balota ng inyong county. At para sa iba pang mga detalye tungkol sa proseso ng halalan—kabilang ang kung paano aalamin ang katayuan ng inyong pagpaparehistro bilang botante, saan boboto, o kung ang inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay natanggap—bisitahin ang www.sos.ca.gov/elections o tawagan ang aking walang-bayad na nakahandang linya sa (800) 339-2957.

Ang pagboto ay madali, at sinumang nakarehistrong botante ay maaaring bumoto sa pamamagitan ng koreo o sa isang lugar ng botohan. Ang huling araw upang humiling ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo mula sa opisina sa mga halalan ng inyong county ay Ika-27 ng Mayo. Sa Araw ng Halalan, ang mga botohan ay mananatiling bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.

Maraming iba pang mga paraan upang lumahok sa proseso ng halalan.

• Maging isang manggagawa sa lugar ng botohan sa Araw ng Halalan, tutulong na gawing mas madali ang pagboto para sa lahat ng mga karapat-dapat na botante at poprotektahan ang mga balota hanggang mabilang ang mga ito ng mga opisyal sa mga halalan.

• Palaganapin ang salita tungkol sa mga huling-araw ng pagpaparehistro ng botante at mga karapatan sa pagboto sa pamamagitan ng mga email, mga tawag sa telepono, mga polyeto, at mga paskil.

• Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong tumatalakay o paglahok sa mga pakikipagtalakayan sa mga kaibigan, pamilya, at mga lider ng komunidad.

Ang patnubay na ito ay nagtataglay ng mga titulo at mga buod ng mga panukala sa balota ng estado na inihanda ni Pangkalahatang Abugada Kamala D. Harris; mga walang-pinapanigang pagsusuri ng mga panukala sa balota at maaaring maging mga gastos ng mga nagbabayad ng buwis na inihanda ni Pambatasang Manunuri Mac Taylor; mga pangangatwirang panig at laban sa mga panukala sa balota na inihanda ng mga tagapagtaguyod at mga kalaban; teksto ng mga iminumungkahing batas na inihanda at binasa para sa katumpakan ni Pambatasang Abugada Diane F. Boyer-Vine; at iba pang kapaki-pakinabang na mga impormasyon. Ang paglilimbag ng patnubay na ito ay ginawa sa ilalim ng pangangasiwa ni Tagalimbag ng Estado David Gerald "Jerry" Hill.

Isang magandang pribilehiyo sa isang demokrasya na magkaroon ng karapatang pumili at ng karapatang isatinig ang inyong opinyon. Gaya ng alam ninyo, ang ilang mga labanan ay talagang pinagpapasiyahan ng maliit na kalamangan na ilang mga boto lamang. Hinihimok ko kayo na mag-ukol ng oras upang basahing mabuti ang tungkol sa bawat kandidato at panukala sa balota—at alamin ang inyong mga karapatan sa pagboto.

Salamat sa pagiging seryoso ninyo sa inyong pananagutang sibil at pagpaparinig ng inyong tinig!

Kalihim ng Estado

Page 3: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Talaan ng mga Ni la laman | 3

TALAAN NG MGA NILALAMANMADALING-MASASANGGUNING PATNUBAY 9

MGA PROPOSISYON41 Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay. ............... 10

42 Mga Pampublikong Rekord. Mga Bukas na Pulong. Pagbabayad ng Estado sa mga Lokal na Ahensiya. Pambatasang Susog sa Saligang-batas. ....................................................................... 14

PANGKALAHATANG-TANAW SA UTANG SA BONO NG ESTADO 18

MGA PAHAYAG NG LAYUNIN NG PARTIDONG PAMPULITIKA 20

MGA BOLUNTARYONG LIMITASYON SA PAGGASTA SA KAMPANYA PARA SA MGA KANDIDATO PARA SA

PAMBUONG-ESTADONG INIHAHALAL NA KATUNGKULAN 22

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO 24

TEKSTO NG MGA IMINUMUNGKAHING BATAS 40

BATAS SA MGA KARAPATAN NG BOTANTE 47

MGA PAHINA NG IMPORMASYON Paano Bumoto ............................................................................................................................ 4 Mga Halalan sa California .......................................................................................................... 5 Hanapin ang Inyong Lugar ng Botohan ...................................................................................... 6 Mga Pang-estado at Pederal na Iniaatas sa Pagkakakilanlan ng Botante ....................................... 6 Pagpaparehistro ng Botante ......................................................................................................... 6 Tulong sa mga Botanteng May Kapansanan ................................................................................ 7 Tungkol sa mga Pangangatwiran sa Balota .................................................................................. 8 Espesyal na mga Pakikipag-ayos para sa mga Botante ng California na Militar at Nasa Ibang Bansa .. 8 Maglingkod Bilang Manggagawa sa Lugar ng Botohan ............................................................... 8 Mapa ng mga Distrito ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis ......................................................... 34 Mga Opisina sa mga Halalan ng County .................................................................................. 44 Mga Online na Tagapagdulot .................................................................................................... 46 Lumipat Ba Kayo Mula Noong Huli Kayong Bumoto? ............................................................. 46

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan sa pagboto, tingnan ang pahina 47 ng patnubay na ito.

Page 4: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

4 |

Paano BumotoKayo ay may dalawang mapipili kapag boboto. Maaari kayo bumoto nang personal sa isang lugar ng botohan sa inyong county o maaari kayong bumoto sa pamamagitan ng koreo.Hindi ninyo kailangang bumoto sa bawat labanan sa inyong balota. Ang inyong boto ay ibibilang para sa bawat labanan na binotohan ninyo.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan sa pagboto, tingnan ang pahina 47 ng patnubay na ito.

Pagboto sa Lugar ng Botohan sa Araw ng HalalanAng mga botohan ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan. Ang ilang mga county ay nag-aalay din ng maagang pagboto sa ilang mga lugar ng botohan bago ang Araw ng Halalan.Pagdating ninyo sa inyong lugar ng botohan, kukunin ng isang manggagawa sa botohan ang inyong pangalan at titingnan ang isang opisyal na listahan ng mga nakarehistrong botante para sa lugar ng botohan na iyon. Pagkapirma ninyo sa tabi ng inyong pangalan sa listahan, ang manggagawa sa botohan ay magbibigay sa inyo ng isang papel na balota, walang-katulad na passcode, o kard ng memorya ng kompyuter, depende sa sistema ng pagboto na ginagamit ng inyong county. Pumunta sa isang pribadong kubol at simulan ang pagboto.Ang mga manggagawa sa botohan ay naroon upang tulungan ang mga botante sa proseso ng pagboto. Kung hindi kayo pamilyar sa paraan ng pagpapatala ng balota, magtanong sa isang manggagawa sa botohan para sa mga tagubilin kung paano gamitin ang sistema ng pagboto. Kung nagkamali kayo sa pagmarka sa balota, magtanong sa isang manggagawa sa botohan para sa mga tagubilin kung paano iwasto ang isang pagkakamali sa balota. Kung kailangan ninyo, maaari kayong humingi ng bagong balota at muling magsimula.Ang pang-estado at pederal na mga batas ay nag-aatas na ang lahat ng mga botante ay magkaroon ng kakayahan na ipatala ang kanilang mga balota nang pribado at independiyente. Ang ilang mga sistema ng pagboto ay talagang idinisenyo upang tulungan ang mga botanteng may kapansanan. Ang bawat lugar ng botohan ay inaatasan na magkaroon ng kahit isang makina sa pagboto na nagpapahintulot sa mga botante, kabilang ang mga bulag o may kapansanan sa paningin, na magpatala ng balota nang walang tulong. Ang makina sa pagboto ay dapat ding magpahintulot sa inyo na maberipika ang inyong mga piniling iboto at, kung may pagkakamali, pahintulutan kayo na itama ang mga piniling ito.

Pagboto sa Pamamagitan ng KoreoKung kayo ay hindi permanenteng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo (dating kilala bilang botanteng nagpapadala lamang), maaari pa rin kayong pumiling bumoto sa pamamagitan ng koreo sa halalang ito. Ang librito ng halimbawang balota ng inyong county ay nagtataglay ng aplikasyon para sa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Ang huling araw upang humiling ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo mula sa opisina sa mga halalan ng inyong county ay Ika-27 ng Mayo.Pagkatapos ninyong markahan ang inyong mga pinili sa inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, ipasok ito sa opisyal na sobre na ibinigay ng opisina sa mga halalan ng inyong county at sarhan ito. Pirmahan ang labas ng sobre kung saan itinagubilin. Maaari ninyong ibalik ang inyong binotohang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa pamamagitan ng:

• Pagpapakoreo nito sa opisina sa mga halalan ng inyong county;• Pagbabalik nito nang personal sa alinmang lugar ng botohan o opisina sa mga halalan sa loob ng inyong

county sa Araw ng Halalan; o• Pagbibigay ng awtorisasyon sa isang legal na pinahihintulutang ikatlong partido (asawa, anak, magulang, lolo

o lola, apo, kapatid, o isang taong naninirahan sa bahay kung saan nakatira rin kayo) upang ibalik ang balota para sa inyo sa alinmang lugar ng botohan o opisina sa mga halalan sa loob ng inyong county sa Araw ng Halalan.

Ang mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay dapat matanggap ng mga opisina sa mga halalan ng county bago sumapit ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan, kaya tiyakin na ipakoreo ang inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo maraming araw bago sumapit ang Araw ng Halalan.Kahit na natanggap ninyo ang inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, maaaring magbago ang inyong isip at bumoto sa inyong lugar ng botohan sa Araw ng Halalan. Dalhin ang inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa lugar ng botohan at ibigay ito sa isang manggagawa sa botohan upang palitan ng balota ng pagboto sa lugar ng botohan. Kung hindi ninyo dala ang inyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, pahihintulutan kayong bumoto sa pamamagitan ng isang pansamantalang balota.

Page 5: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

| 5

Mga Halalan sa CaliforniaAng Batas sa Bukas na Primarya ng Nangungunang Dalawang Kandidato ay nag-aatas na ang lahat ng kandidato para sa isang iminumungkahi-ng-botante na katungkulan ay ilista sa iisang balota. Dating kilala bilang mga partidistang katungkulan, ang mga iminumungkahi-ng-botante na katungkulan ay mga pambatasang katungkulan ng estado, mga katungkulang pangkongreso ng U.S., at mga katungkulan ayon sa saligang-batas ng estado.

Sa pareho ng bukas na primarya at pangkalahatang halalan, makakaboto kayo para sa sinumang kandidato anuman ang kinakatigang partido na ipinabatid ninyo sa inyong porma ng pagpaparehistro ng botante. Sa primaryang halalan, ang dalawang kandidatong nakatanggap ng pinakamaraming boto—anuman ang kinakatigang partido—ay susulong sa pangkalahatang halalan. Kung ang kandidato ay nakatanggap ng mayoriya ng boto (50 porsiyento + 1), ang isang pangkalahatang halalan ay dapat pa ring ganapin.

Ang bukas na sistema ng primarya ng California ay hindi umaaplay sa mga kandidatong kumakandidato para Presidente ng U.S., sa komite sentral ng county, o mga lokal na opisina.

Ang batas ng California ay nag-aatas na ang mga sumusunod na impormasyon ay ilimbag sa patnubay na ito.

Mga Iminumungkahi-ng-Botante na KatungkulanAng mga partidong pampulitika ay hindi karapat-dapat na pormal na magmungkahi ng mga kandidato para sa mga iminumungkahi-ng-botante na katungkulan sa primaryang halalan. Ang isang kandidatong iminungkahi para sa isang iminumungkahi-ng-botante na katungkulan sa primaryang halalan ay ang iminungkahi ng mga tao at hindi ang opisyal na iminungkahi ng alinmang partido sa pangkalahatang halalan. Ang isang kandidato para sa pagmungkahi sa isang iminumungkahi-ng-botante na katungkulan ay dapat maghayag ng kanyang kinakatigang partido, o kawalan ng kinakatigang partido, sa balota, pero ang pagtatalaga ng kinakatigang partido ay pinipili ng kandidato lamang at ipinakikita para sa impormasyon ng mga botante lamang. Ito ay hindi nangangahulugan na ang kandidato ay iminungkahi o inendorso ng itinalagang partido, o may pagkakaugnay sa pagitan ng partido at kandidato, at walang kandidatong iminungkahi ng mga botante na dapat ituring na opisyal na iminungkahing kandidato ng alinmang partidong pampulitika. Sa librito ng halimbawang balota ng county, ang mga partido ay maaaring maglista ng mga kandidato para sa mga iminumungkahi-ng-botante na katungkulan na tumanggap ng opisyal na pagrekomenda ng partido.

Sinumang botante ay maaaring bumoto para sa sinumang kandidato para sa isang iminumungkahi-ng-botante na katungkulan, kung sila ay nakakatugon sa ibang mga kuwalipikasyon na iniaatas upang makaboto para sa katungkulang iyon. Ang dalawang nakakuha ng pinakaraming boto sa primaryang halalan ay susulong sa pangkalahatang halalan para sa iminumungkahi-ng-botante na katungkulan kahit na ang parehong kandidato ay tumukoy ng pagtatalaga sa iisang kinakatigang partido. Walang partido na karapat-dapat magsulong ng isang kandidato na may itinalagang kinakatigang partido sa pangkalahatang halalan, maliban kung ang kandidato ay isa sa dalawang pinakamarami ang mga nakuhang boto sa primaryang halalan.

Mga Di-partidistang KatungkulanAng mga partidong pampulitika ay hindi karapat-dapat na magmungkahi ng mga kandidato para sa mga di-partidistang katungkulan sa primaryang halalan, at ang isang kandidato sa primaryang halalan ay hindi ang opisyal na iminungkahi ng alinmang partido para sa partikular na katungkulan sa pangkalahatang halalan. Ang isang kandidato para sa pagmungkahi sa isang di-partidistang katungkulan ay hindi maaaring magtalaga ng kanyang kinakatigang partido, o kawalan ng kinakatigang partido, sa balota. Ang dalawang nakakuha ng pinakamaraming boto sa primaryang halalan ay susulong sa pangkalahatang halalan para sa di-partidistang katungkulan.

Page 6: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

6 |

Hanapin ang Inyong Lugar ng BotohanAng mga lugar ng botohan ay itinatatag ng mga opisyal sa mga halalan ng county.Kapag natanggap ninyo ang inyong librito ng halimbawang balota ng county sa koreo ilang mga linggo bago ang Araw ng Halalan, hanapin ang inyong lugar ng botohan sa panlikod na pabalat ng librito.Maraming opisina sa mga halalan ng county na nag-aalay ng tulong sa paghahanap ng lugar ng botohan sa pamamagitan ng mga website o walang-bayad na mga numero ng telepono. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado sa www.sos.ca.gov/elections/find-polling-place.htm o tawagan ang walang-bayad na Nakahandang Linya ng Botante sa (800) 339-2957.Sa Araw ng Halalan, ang mga botohan ay mananatiling bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Kung nakapila kayo sa inyong lugar ng botohan bago sumapit ang ika-8 ng gabi, makakaboto kayo.Kung ang inyong pangalan ay wala sa listahan ng botante sa inyong lugar ng botohan, may karapatan kayong botohan ang isang pansamantalang balota sa alinmang lugar ng botohan sa county kung saan kayo ay nakarehistro para makaboto.Kung lumipat kayo sa inyong bagong tirahan pagkaraan ng Ika-19 ng Mayo, 2014, maaari kayong bumoto sa inyong dating lugar ng botohan.

Pang-estado at Pederal na mga Iniaatas sa Pagkakakilanlan ng BotanteSa karamihan ng mga kaso, ang mga botante ng California ay hindi inaatasan na magpakita ng pagkakakilanlan bago magpatala ng mga balota. Kung kayo ay boboto sa unang pagkakataon pagkatapos magparehistro sa pamamagitan ng koreo at hindi nagbigay ng inyong numero ng lisensiya sa pagmamaneho, numero ng pagkakakilanlan sa California, o ng huling apat na bilang ng inyong numero ng social security sa kard ng pagpaparehistro, maaaring hingin sa inyo na magpakita ng isang porma ng pagkakakilanlan pagpunta ninyo sa mga botohan.

Ang sumusunod ay isang di-buong listahan ng higit sa 30 tinatanggap na mga porma ng pagkakakilanlan. Magagawa rin ninyo na bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado at hanapin ang "Mga Pamantayan sa Pagkakakilanlan ng Batas na Tulungang Bumoto ang Amerika" sa www.sos.ca.gov/elections/elections_regs.htm.

• Lisensiya sa pagmamaneho o inisyu-ng-estado na kard ng ID

• Pasaporte

• Kard ng Pagkakakilanlan ng Empleyado

• Kard ng kredito o debito

• ID ng Militar

• ID ng Estudyante

• ID ng klab na Pangkalusugan

• Kard ng Pagkakakilanlan ng plano sa seguro

Pagpaparehistro ng BotanteKayo ay responsable sa pagsasapanahon ng inyong pagpaparehistro ng botante kung papalitan ninyo ang inyong direksiyon ng tirahan, papalitan ang inyong direksiyong pangkoreo, papalitan ang inyong pangalan, o gustong magpalit o pumili ng kinakatigang partidong pampulitika.Ang pagpaparehistro para makaboto ay mas madali ngayon sa pamamagitan ng online na porma sa http://registertovote.ca.gov. Ang mga porma ng pagpaparehistro ay makukuha rin sa karamihan ng mga tanggapan ng koreo, mga aklatan, mga opisina ng pamahalaan ng lunsod at county, at ng opisina ng Kalihim ng Estado ng California.

Page 7: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

| 7

Tulong sa mga Botanteng May KapansananAng librito ng halimbawang balota ng inyong county ay may kasama ring mga tagubilin kung paano nakakaboto nang pribado at walang katulong ang mga botanteng may kapansanan, at ito ay magpapakita ng Pandaigdig na Simbolo ng Kakayahang Magamit kung ang inyong lugar ng botohan ay madaling mapupuntahan ng mga botanteng may kapansanan.

Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagmarka ng inyong balota, maaari kayong pumili ng hanggang dalawang tao na tutulong sa inyo na ipatala ang inyong boto sa kondisyon na alinman ay hindi inyong tagapag-empleyo, o inyong ahente ng unyon ng paggawa.

Kung ang pagboto sa gilid ng daan ay magagawa sa inyong lugar ng botohan, maaari kayong lumapit hanggang magagawa sa lugar ng botohan at ang mga opisyal sa mga halalan ay magdadala sa inyo ng isang listahan upang pirmahan, isang balota, at anumang ibang mga materyal sa pagboto na maaaring kailanganin ninyo, kayo man ay aktuwal na nasa gilid ng daan, sa isang kotse, o sa ibang lugar. Makipag-ugnayan sa opisina sa mga halalan ng inyong county upang malaman kung ang pagboto sa gilid ng daan ay magagawa sa inyong lugar ng botohan.

Ang Kalihim ng Estado ay lumilikha ng mga bersiyong audio at nasa malalaking letra ng Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa mga Botante upang matiyak na ang mga botante na bulag o may kapansanan sa paningin ay makakakuha ng mga impormasyon sa pambuong-estadong balota. Ang mga patnubay ay nililikha sa Ingles, Tsino, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Espanyol, Tagalog, Thai, at Biyetnamis. Upang kumuha ng anumang bersiyon ng mga patnubay na ito nang walang gastos, tawagan ang walang-bayad na nakahandang linya ng Kalihim ng Estado para sa botante sa (800) 339-2957 o bisitahin ang www.sos.ca.gov.

Maaari ring makuha ninyo ang magagawang i-download na bersiyong audio MP3 ng Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante sa www.voterguide.sos.ca.gov/audio.

Page 8: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

8 |

Tungkol sa mga Pangangatwiran sa BalotaAng opisina ng Kalihim ng Estado ay hindi sumusulat ng mga pangangatwiran sa balota. Ang mga pangangatwirang panig at laban sa mga panukala sa balota ay ipinagkakaloob ng mga tagapagtaguyod at mga kalaban ng mga panukala sa balota.

Espesyal na mga Pakikipag-ayos para sa mga Botante ng California na Militar at Nasa Ibang BansaBilang isang botanteng militar at nasa ibang bansa, magagawa ninyong ipadala sa pamamagitan ng fax o koreo ang inyong balota sa opisina sa mga halalan ng inyong county. Kung ipapadala ninyo sa pamamagitan ng fax ang inyong binotohang balota, dapat ding isama ninyo ang isang pinirmahang porma ng Panunumpa ng Botante na tumatalikdan sa inyong karapatan na botohan ang isang kompidensiyal na balota. Lahat ng mga balota ay dapat matanggap ng opisina sa mga halalan ng county bago magsara ang mga botohan sa ika-8 ng gabi (PST) sa Araw ng Halalan. Ang mga tatak-pangkoreo ay hindi isinasaalang-alang.Magagawa ninyong magparehistro para makaboto at kumpletuhin ang aplikasyon para sa isang espesyal na balota ng nagpapadala lamang sa www.fvap.gov.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro para makaboto bilang isang botanteng militar at nasa ibang bansa, pumunta sa www.sos.ca.gov/elections/elections_mov.htm.

Kumita ng Pera at Gumawa ng Pagkakaiba . . . Maglingkod bilang Manggagawa sa Botohan sa Araw ng Halalan!Bilang karagdagan sa pagkaroon ng tuwirang karanasan sa mga kasangkapan ng ating demokrasya, ang mga manggagawa sa botohan ay maaaring kumita ng ekstrang pera para sa kanilang mahalagang serbisyo sa Araw ng Halalan.Makipag-ugnayan sa opisina sa mga halalan ng inyong county, o tumawag sa (800) 339-2957, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging manggagawa sa botohan.

Page 9: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Madal ing-Masasangguning Patnubay | 9

MADALING-MASASANGGUNING PATNUBAY

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

BUOD Inilagay sa Balota ng LehislaturaBUOD Inilagay sa Balota ng Lehislatura

MGA PANGANGATWIRAN MGA PANGANGATWIRAN

ANG KAHULUGAN NG INYONG BOTO ANG KAHULUGAN NG INYONG BOTO

PANIGCoalition for Veteran Housing777 S. Figueroa St., Suite 4050Los Angeles, CA 90017(213) [email protected]

LABANGary [email protected]

PANIGPeter ScheerFirst Amendment Coalition534 Fourth St. #BSan Rafael, CA 94901(415) [email protected]/prop42

LABANGary [email protected]

Ang Proposisyon 42 ay magsususog

sa Saligang-batas ng California upang ipataw ang gastos sa pagsunod sa Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California at batas sa bukas na lokal na pulong sa mga kaugnay na lokal na pamahalaan. Ang isang alternatibo, hindi iniaalay ng proposisyong ito, ay ipataw ang gastos sa pamahalaan ng estado.

Isesemento ng

Proposisyon 42 sa Saligang-batas ang karapatan ng publiko na malaman ang ginagawa ng pamahalaan at paano nito ginagawa ito. Ang mga lokal na ahensiya ay hindi dapat pahintulutan na tumanggi sa isang kahilingan para sa pampublikong impormasyon o magsara ng pinto ng pulong batay sa gastos. Bumoto ng OO sa Proposisyon 42.

Ang Proposisyon 41 ay

magpapahintulot sa Estado na humiram (sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bono) ng $600 milyon mula sa $900 milyon na mga bonong naunang inaprobahan ng mga botante noong 2008 para gamitin ng CalVet Home and Farm Loan Program. Ang isyu ay kung ang naturang paglipat ng mga pondo ay matalino.

Ang Prop. 41, ang

Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay, ay naglilipat ng $600 milyon ng naunang inaprobahan, hindi pa nagagastang mga pondo ng bono upang magtayo at magbagong-tatag ng pabahay para sa malaking populasyon ng walang-bahay na mga beterano ng California. Ang Batas na ito ay magtatayo ng abot-kaya, sumusuporta, at pansamantalang pabahay para sa walang-bahay at halos walang-bahay na mga beterano nang hindi nagtataas ng mga buwis.

Ang botong HINDI sa panukalang ito ay

nangangahulugang: Ang estado ay aatasan pa rin na magbayad sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos upang sundin ang mga batas ng estado na nagbibigay ng kakayahan sa publiko na makakuha ng impormasyon tungkol sa lokal na pamahalaan.

Ang botong OO sa panukalang ito ay

nangangahulugang: Ang estado ay hindi aatasan na magbayad sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos upang sundin ang mga batas ng estado na nagbibigay ng kakayahan sa publiko na makakuha ng impormasyon tungkol sa lokal na pamahalaan.

Ang botong HINDI sa panukalang ito ay

nangangahulugang: Ang estado ay hindi magbebenta ng $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono upang pondohan ang abot-kayang pangmaraming-pamilya na pabahay para sa maliliit ang kita at walang-bahay na mga beterano.

Ang botong OO sa panukalang ito ay

nangangahulugang: Ang estado ay magbebenta ng $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono upang pondohan ang abot-kayang pangmaraming-pamilya na pabahay para sa maliliit ang kita at walang-bahay na mga beterano.

Nag-aatas ng pagsunod ng lokal na pamahalaan sa mga batas na nagtatadhana ng kakayahan ng publiko na mapuntahan ang mga pulong ng lupon ng lokal na pamahalaan at makuha ang mga rekord ng mga opisyal ng pamahalaan. Nag-aalis ng pagbabayad para sa mga nagastos sa pagsunod. Epekto sa Pananalapi: Mga kabawasan sa mga pagbabayad ng estado sa mga lokal na pamahalaan na nasa sampu-sampung milyong dolyar taun-taon. Posibleng mga gastos sa hinaharap sa mga lokal na pamahalaan na nasa sampu-sampung milyong dolyar taun-taon.

Nagpapahintulot ng $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono para sa abot-kayang pangmaraming-pamilya na sumusuportang pabahay upang mabawasan ang kawalan ng bahay, para sa abot-kayang pansamantalang pabahay, abot-kayang inuupahang pabahay, o mga kaugnay na pasilidad para sa mga beterano at kanilang mga pamilya. Epekto sa Pananalapi: Tumaas na mga halaga ng pagbabayad ng bono ng estado na pangkaraniwang humigit-kumulang na $50 milyon taun-taon sa 15 taon.

MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA NAGASTOS NG MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

PROPBATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY.

OO HINDI

SANG-AYON KONTRA

OO HINDI

SANG-AYON KONTRA

PROP

Page 10: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

10 | Ti tu lo a t Buod / Pagsusur i

OPISYAL NA TITULO AT BUOD INIHANDA NG PANGKALAHATANG ABUGADO

PROPOSISYON BATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY.

BATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY.• Nagpapahintulot ng $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono para sa abot-kayang

pangmaraming-pamilya na sumusuportang pabahay upang mabawasan ang kawalan ng bahay, para sa abot-kayang pansamantalang pabahay, abot-kayang inuupahang pabahay, o mga kaugnay na pasilidad para sa mga beterano at kanilang mga pamilya.

• Nagkakaloob ng pagpopondo para sa mga programa upang tugunan ang walang-bahay na mga beterano at ang mga nanganganib na mawalan ng bahay at taunang mga pagtaya ng pagiging mabisa ng mga programang pabahay na pinopondohan ng mga bono.

• Naglalaan ng pera mula sa Pangkalahatang Pondo upang bayaran ang mga bono.

Buod ng Tantiya ng Pambatasang Manunuri sa Netong Epekto sa Pananalapi ng Estado at Lokal na Pamahalaan:• Tumaas na mga halaga ng pagbabayad ng bono ng estado na pangkaraniwang humigit-kumulang na $50

milyon taun-taon sa 15 taon.

Mga Tantiya ng Halaga ng Bono ng EstadoIpinahintulot na paghiram $600 milyon

Pangkaraniwang taunang halaga upang bayaran ang lahat ng bono $50 milyon

Malamang na panahon ng pagbabayad 15 na taon

Pinagkunan ng pagbabayad Mga kita sa pangkalahatang buwis

BATAYANMga Programa sa Pabahay ng Estado. Sa karamihan ng

mga taon, humigit-kumulang na 150,000 bahay at apartment ang itinatayo sa California. Karamihan ng mga yunit na ito ng pabahay ay buong itinatayo sa pamamagitan ng mga pribadong dolyar. Ang ilan, gayunman, ay tumatanggap ng pinansiyal na tulong mula sa mga pederal, pang-estado, o lokal na pamahalaan. Halimbawa, ang estado ay nagkakaloob ng mga murang pautang sa mga lokal na pamahalaan, di-nagtutubo, at pribadong tagapagtayo upang pondohan ang isang bahagi ng mga gastos sa konstruksiyon ng mga yunit na pabahay. Pangkaraniwan, ang pabahay na itinatayo sa pamamagitan ng mga pondong ito ay dapat ibenta o iparenta sa mga Taga-California na maliliit ang kita.

Ang isang bahagi ng mga yunit ng pabahay na itinatayo sa pamamagitan ng mga pondo ng estado ay inilalaan para sa walang-bahay na mga Taga-California. Kabilang dito ang mga tirahan ng walang-bahay, panandaliang pabahay, at sumusuportang pabahay. Ang sumusuportang pabahay ang nagsasama sa pabahay ng partikular na mga serbisyo, kabilang

ang pangangalaga ng kalusugan ng isip at katawan, mga programa sa pag-abuso ng gamot at alkohol, at pagsasanay para sa trabaho. Ang pagtatanong ng Enero 2013 ng pederal na pamahalaan ay tumukoy sa 137,000 walang-bahay na Taga-California, kabilang ang humigit-kumulang na 15,000 beterano. Ang mga beterano sa California ay higit sa dobleng malamang na mawalan ng bahay kaysa mga di-beterano.

Programang Pautang sa Bahay. Ang pang-estado at pederal na pamahalaan ay nagkakaloob ng tulong sa pautang sa bahay sa ilan sa 1.9 milyon na mga beteranong naninirahan sa California. Sa ilalim ng programa ng estado, ang estado ay nagbebenta ng mga pangkalahatang obligasyong bono sa mga mamumuhunan at ginagamit ang mga pondo upang bumili ng bahay para sa mga karapat-dapat na beterano. Ang bawat kalahok na beterano ay gagawa naman ng buwanang mga pagbabayad sa estado, na nagbibigay ng kakayahan sa estado na mabayaran ang mga mamumuhunan. Ang mga pagbabayad na ito ay laging sumasaklaw sa halagang dapat bayaran sa mga bono, ibig sabihin ang programa ay tumatakbo nang walang tuwirang

PAGSUSURI NG PAMBATASANG MANUNURI

MGA PANGWAKAS NA BOTO NG LEHISLATURA SA AB 639 (PROPOSISYON 41) (Kabanata 727, Mga Batas ng 2013)

Senado: Mga Oo 36 Mga Hindi 0Asembleya: Mga Oo 78 Mga Hindi 0

Page 11: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

Para sa teksto ng Proposisyon 41, t ingnan ang pahina 40. Pagsusur i | 11

PROP

PAGSUSURI NG PAMBATASANG MANUNURI IPINAGPAPATULOY

gastos ang mga tagabayad ng buwis. Mula noong 2000, ang bilang ng mga beteranong tumatanggap ng bagong mga pautang sa bahay sa ilalim ng programang ito bawat taon ay nagkaroon ng malaking pagbaba. Maraming bagay ang tumulong sa pagbabang ito, kabilang ang: (1) mababang antas ayon sa kasaysayan na interes sa pautang sa bahay, (2) ang kahandaan ng pederal na tulong sa pautang sa bahay, at (3) ang bagong krisis sa bahay. Noong ilagay ng Lehislatura ang panukalang ito sa balota, ito ay nagbawas din ng $600 milyon sa halaga ng mga bono na magagamit para sa programang pautang sa bahay ng mga beterano. Bilang resulta, humigit-kumulang na $500 milyon na mga bono ng estado ang namamalaging makukuha para sa mga pautang sa bahay ng mga beterano.

MUNGKAHIBagong mga Pangkalahatang Obligasyong Bono

para sa Pabahay ng mga Beterano. Ang panukalang ito ay nagpapahintulot sa estado na magbenta ng $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono upang pondohan ang abot-kayang pangmaraming-pamilya na pabahay para sa mga beteranong maliit ang kita. Ang mga pangkalahatang obligasyong bono na ipinahihintulot ng bonong ito ay babayaran gamit ang mga kita sa buwis ng estado, ibig sabihin ang mga tagabayad ng buwis ay magbabayad para sa bagong programa. (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng estado ng mga bono, tingnan ang "Pangkalahatang-tanaw sa Utang sa Bono ng Estado" sa dakong huli ng patnubay na ito.)

Pabahay para sa mga Beteranong Maliit ang Kita. Ang panukalang ito ay nagpopondo sa konstruksiyon, pagbabago ng yari, at pagtatamo ng abot-kayang pangmaraming-pamilya na pabahay, tulad ng mga grupo ng apartment. Gagawin ito ng estado sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan, mga di-nagtutubong organisayon, at mga pribadong tagapagtayo ng pinansiyal na tulong, tulad ng mga pautang na mababa ang interes, upang pondohan ang bahagi ng mga gastos sa proyekto. Ang pabahay na itinatayo sa pamamagitan ng mga pondong ito ay ipaparenta sa mga beteranong maliit ang kita (at sa kanilang mga pamilya)—iyon ay, ang mga kumikita ng mas maliit kaysa 80 porsiyento ng kita ng pangkaraniwang pamilya, gaya ng iniakma batay sa laki ng pamilya at county. Halimbawa, ang pangkaraniwang halaga sa buong estado para ituring ang nag-iisang tao na maliit ang kita para sa programang ito ay humigit-kumulang na $38,000. Ang batas ng estado ay nag-aatas na ang mga yunit na ito ay maging abot-kaya, ibig sabihin ang mga pagbabayad ng renta na ginagawa ng mga beterano ay hindi makakahigit sa 30 porsiyento ng limitasyon sa kita para sa programa.

Pabahay para sa Walang-bahay na mga Beterano. Ang batas ng estado ay nagbibigay ng priyoridad sa pagpopondo sa programang ito sa mga proyektong titirahan ng walang-bahay na mga beterano at mga beteranong nanganganib na mawalan ng bahay. Sa partikular, hindi kukulangin sa kalahati ng mga pondo ay gagamitin upang magtayo ng pabahay para sa mga beteranong labis na maliit ang kita. Ang mga beteranong ito ay kumikita ng mas maliit kaysa 30 porsiyento ng halagang kinikita ng pangkaraniwang pamilya sa county kung saan sila naninirahan. (Ang pangkaraniwang halaga sa buong estado para ituring ang nag-iisang tao na maliit ang kita para sa programang ito ay humigit-kumulang na $14,000.) Ang isang bahagi ng pagpopondo para sa mga beteranong labis na maliit ang kita ay gagamitin upang pondohan ang sumusuportang pabahay para sa walang-bahay na mga beterano.

Ibang mga Tadhana. Sa ilalim ng panukalang ito, ang Lehislatura ay makakagawa ng mga pagbabago sa hinaharap upang pabutihin ang programa at ang estado ay makakagamit ng hanggang $30 milyon ng mga pondo ng bono upang masaklaw ang mga gastos sa pangangasiwa ng programa. Bilang karagdagan, ang estado ay aatasan na maglathala ng taunang pagtaya ng programa.

MGA EPEKTO SA PANANALAPIMga Gastos sa Bono. Ang panukalang ito ay

magpapahintulot sa estado na humiram ng hanggang $600 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pangkalahatang obligasyong bono sa mga mamumuhunan, na babayaran gamit ang mga kita sa pangkalahatang buwis. Ang gastos sa mga bonong ito ay depende sa mga antas ng interes ng mga ito at sa panahon na ang mga ito ay binabayaran. Sa palagay namin (1) ang antas ng interes para sa mga bonong ito ay magiging 5 porsiyento sa kalahatan, (2) ang mga ito ay ibebenta sa loob ng limang taon, at (3) ang mga ito ay babayaran sa loob ng sampung taon. Batay sa mga palagay na ito, ang gastos ng mga tagabayad ng buwis upang mabayaran ang mga bono ay pangkaraniwang humigit-kumulang na $50 milyon taun-taon para sa 15 taon. Ang halagang ito ay mas mababa kaysa isang-ikasampu ng 1 porsiyento ng badyet ng estado.

BATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY.

Bisitahin ang http://cal-access.sos.ca.gov para sa mga detalye tungkol sa mga pinansiyal na

kontribusyon para sa proposisyong ito.

Page 12: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

12 | Mga Pangangatwiran Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga awtor at ang katumpakan ay hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya.

BATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY. PROP

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON 41

Sa pangkalahatan, responsibilidad ng pederal na pamahalaan na pangalagaan ang mga beterano ng militar; gayunman, kapag nagkulang ang pederal na pamahalaan at walang nagpuno sa kakulangan, angkop na tumulong ang mga pamahalaan ng estado sa mga taong nakapaglingkod—kahit na kung boluntaryo—sa militar.

Bigyan ng kredito ang Lehislatura ng California dahil sa pagmungkahi sa Proposisyon 41 na ilipat ang $600 milyon sa ipinahintulot-ng-botante na paghiram sa mga programang mas higit na makakatulong sa mga beteranong nangangailangan.

Tandaan, gayon pa man, na ang lahat ng perang hiniram (sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bono) ay dapat bayaran nang may interes.

Sa kaso ng mga pautang sa CalVet para sa pagbili ng mga bahay (at mga bukid), ang mga tumanggap ay inatasan na

bayaran ang mga pautang nang may interes. Kasalungat nito, ang mga programang iminumungkahi para sa walang-bahay na mga beterano ay hindi babayaran ng mga beterano (dahil hindi nila kayang magbayad).

Gayon din, tandaan na anumang programang may mga paggasta na hindi tuwirang ibinibigay sa hinahangad na mga benepisyaryo ay sumasailalim sa posibleng maling pamamahala at pag-aaksaya.

Sa hinaharap, ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang kawalan ng bahay sa mga beterano ay iwasan ang hindi kailangang pagtatalaga ng mga panlupang sundalo sa pakikipaglaban sa lahat ng dako ng mundo. Ang paglalagay "ng mga bota sa lupa" sa ibang mga bansa ay dapat na pinakahuling paraan.

GARY WESLEY

Bumoto ng OO sa Proposisyon 41, ang Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay upang magtayo ng abot-kayang pabahay para sa mga beterano ng California nang hindi nagtataas ng mga buwis o nagdaragdag sa utang ng California sa pamamagitan ng paglipat sa $600 milyon ng kasalukuyan, hindi pa nagagastang mga pondo.

Ito ay isang responsable sa pananalapi na panukala sa balota na tutulong sa libu-libong walang-bahay na beterano na magkaroon ng bubong sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Ang batas na ito ay hindi lilikha ng mga bagong buwis o magdaragdag ng bagong utang sa California. Sa katotohanan, ang batas na ito ay makakapagtipid ng mga dolyar ng tagabayad ng buwis sa pangangalagang pangkalusugan at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga beterano mula sa mga kalye at pagpasok sa ligtas, abot-kayang pabahay.

Ang California ay tahanan sa higit sa isang-kuwarto ng lahat ng mga walang-bahay na beterano sa Estados Unidos. Dapat tayong gumawa ng hakbang upang tugunan itong nakakagulat na kalagayan, pero alam din natin na ang California ay nagkaroon ng malalaking problema sa badyet sa nakalipas na ilang mga taon. Iyon ang dahilan kung bakit ang panukalang ito ay hindi nagdaragdag sa utang ng California; sa halip, kinukuha nito ang naunang inaprobahan pero hindi nagastang mga pondo ng bono at ginagamit ang mga ito upang magtayo ng abot-kayang pabahay para sa walang-bahay at halos walang-bahay na mga beterano. Alam nating kailangan nating gumawa ng higit pa para sa ating mga beterano, at makakagawa tayo ng aksiyon nang hindi nagtataas ng kahit isang dime sa bagong mga buwis o nagdaragdag ng nickel sa utang ng California.

Bawat beterano ay may natatanging mga pangangailangan, at ang batas na ito ay tutulong na matiyak na hinaharap natin ang kawalan ng bahay ng mga beterano nang masaklaw. Ang batas na ito ay tutulong na magtayo ng pansamantalang pabahay para sa mga beterano na nagsisikap makatakas sa kawalan ng bahay, habang nagtatayo rin ng sumusuportang pabahay para sa mga beterano na humaharap sa mga pinsala ng katawan, mga isyu sa kalusugan ng isip, o Tensiyon Pagkatapos ng Trauma na nagbuhat sa kanilang serbisyo. Ang priyoridad ay pupunta sa mga di-nagtutubo at mga lokal na pamahalaan upang magtayo ng bagong

pabahay o magbago ng yari ng mga kasalukuyang pasilidad upang lokal na matugunan ang mga pangangailangan ng beterano.

Sa pagboto ng OO sa Proposisyon 41, makakakilos tayo upang matiyak na ang walang-bahay na mga beterano ay may kakayahang makakuha ng mahusay, abot-kayang pabahay at bigyan ang mga nanganganib na beterano ng pagkakataon na makahanap ng pagsasanay para sa trabaho, pagpapayo, at mga serbisyo sa rehabilitasyon na kailangan nila—at dahil ang batas na ito ay gumagamit ng pera na naaprobahan na, pero hindi pa nagasta, mabibigyan ng parangal ang kanilang serbisyo nang hindi nagdaragdag sa utang o nagtataas ng mga buwis.

Habang ang ating mga pakikipagtunggali sa ibang bansa ay natatapos, hanggang 45,000 kabataang beterano ang uuwi sa California. Sila ay nagsakripisyo nang napakarami para sa ating bansa, at ang ilan ay uuwi nang walang mga trabaho o mga bahay na naghihintay sa kanila. Hindi natin mapapayagan na ang mga lalaki at mga babaing ito na naglingkod sa ating bansa ay hayaan sa kanilang sariling kakayahan.

Iyon ang dahilan kung bakit ang mga organisasyong tulad ng American Legion, Vietnam Veterans of California, Veterans Village of San Diego, U.S. VETS, at Swords to Plowshares ay sumusuporta sa batas na ito. Alam nila na dapat tayong gumawa ng tama sa ating mga beterano at mga tagabayad ng buwis.

Bumoto ng OO sa Proposisyon 41 upang magtayo ng $600 milyon na mahusay na abot-kayang pabahay para sa mga beterano ng California, nang hindi nagtaaas ng mga buwis o nagdaragdag ng utang ng California. Ang pagkilala sa mga sakripisyong ginawa ng mga beterano ng California ay hindi lamang tungkulin natin bilang mga botante—ito ang ating basikong obligasyon bilang mga mamamayan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.yesonprop41forvets.org.

Suportahan natin ang ating mga beterano para sa lahat ng kanilang mga sakripisyo—sa pamamagitan ng pagboto ng OO!JOHN A. PÉREZ, Ispiker ng Asembleya ng CaliforniaLEON E. PANETTA, Dating Kalihim ng Depensa ng Estados UnidosSTEPHEN PECK, PresidenteU.S. VETS

PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON 41

Page 13: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga awtor at ang katumpakan ay Mga Pangangatwiran | 13 hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya.

BATAS SA BONO NG 2014 PARA SA PABAHAY SA MGA BETERANO AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG BAHAY. PROP

PANGANGATWIRANG LABAN SA PROPOSISYON 41

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PROPOSISYON 41

Noong 2008, inaprobahan ng mga botante ng California ang isang $900 milyon na panukalang bono upang higit pang pondohan ang CalVet Farm and Home Loan Program. Ang Programa ay nagsimula noong 1921. Ito ay nakatulong sa higit sa 400,000 beterano ng militar sa California na bumili ng mga bahay (at mga bukid).

Sa proposisyong ito, ang Lehislatura ng Estado ay nagmumungkahi na magpahintulot ng paggamit ng $600 milyon ng naunang $900 milyon na panukalang bono (dalawang-ikatlo) para sa isa pang programa na naglalayong tulungan ang walang-bahay na mga beterano. Alinsunod sa Lehislatura, may humigit-kumulang na 19,000 walang-bahay na mga beterano sa California—na marami pang darating.

Kung aprobahan ng mga botante, ang proposisyong ito ay magpapahintulot ng isang bagong "Komite sa Pananalapi ng Pabahay para sa mga Beterano" upang humiram ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng hanggang $600 milyon na mga pangkalahatang obligasyong bono "upang magkaloob ng pagtatamo, konstruksiyon, rehabilitasyon, at pangangalaga ng abot-kayang pangmaraming-pamilya na sumusuportang pabahay, abot-kayang pansamantalang pabahay, abot-kayang paupahang pabahay, o kaugnay na mga pasilidad para sa mga beterano at sa

kanilang mga pamilya upang makuha at mapanatili sa katatagan sa pabahay."

Alinsunod sa Lehislatura ng Estado, ang $900 milyon na paghiram (sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bono) na ipinahintulot ng mga botante para sa CalVet Loan Program noong 2008 ay hindi lubos na nagagamit ng mga beterano upang bumili ng mga bahay o mga bukid. Tunay, ang Lehislatura ay nag-ulat na ang awtoridad sa paghiram sa ilalim ng naunang $500 milyon na panukalang bono para sa Loan Program ay hindi lubos na nagamit.

Ang mga pangunahing katanungan na inilitaw ng proposisyong ito ay:

(1) Ang $600 milyon ba ng kakayahan sa paghiram ay dapat kunin mula sa CalVet Farm and Home Loan Program?

(2) Ang $600 milyon ay dapat bang hiramin (sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bono) upang suportahan ang isang bagong programa sa mga beterano ng California?

GARY WESLEY

Ang Prop. 41, ang Batas ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay ay naglilipat ng kasalukuyan, hindi nagastang mga pondo ng bono na naunang inaprobahan ng mga botante pero hindi pa nagamit. Ang Prop. 41 ay hindi nagtataas ng mga buwis o nagdaragdag sa kabuuang utang ng estado. Ang Prop. 41 ay nagpapahintulot ng $600 milyon upang ilaan sa pagtatayo at pagbabago ng yari ng abot-kayang pabahay para sa walang-bahay at halos walang-bahay na mga beterano.

Ang kasalukuyang programa na pinanggalingan ng mga pondong ito ay lubhang kulang ang paggamit. Sa katotohanan, ang isang editoryal ng Los Angeles Times ay nagsabi na ang orihinal na panukalang bono na nagpahintulot sa pagpopondong ito "ay hindi naging mabisa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga beterano ng estado." Iyon ang dahilan kung bakit ang Prop. 41 ay mahalaga sa mga beterano—ito ay magtatayo ng mga uri ng pabahay na kailangan ng populasyon ng beterano ng California, nang hindi nagtataas ng mga buwis.

Ang batas na ito ay naglilipat ng naunang inaprobahan, pero hindi pa nagamit na mga bono. Iyon ay nangangahulugang ito ay hindi nagdaragdag sa kabuuang ipinahintulot ng utang ng California. Ang paggamit ng mga bonong ito ay lilikha ng maliliit na gastos sa pagtustos sa estado, habang magtutungo sa mga matitipid sa mga serbisyong panlipunan at pangangalagang pangkalusugan. Gaya ng binanggit ng

L.A. Times, "Sa pagbawas ng bilang ng walang-bahay na mga beterano at pag-uugnay ng mas marami sa kanila sa mga serbisyong rehabilitasyon at kalusugan ng isip na kailangan nila, ang mga bono ay makakatulong sa estado na iwasan ang ilan sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan na kinakaharap nito ngayon." Binanggit din ng Times na ang mga bonong ito ay makakatulong sa mas maraming walang-bahay na muling makasama sa lakas paggawa.

Ito ay ang responsable sa pananalapi na paraan upang gawin ang tama para sa mga beterano ng California. Bumoto ng OO sa Prop. 41 upang makatulong sa mga beterano ng California na makakuha ng pabahay na kailangan nila.

ED FORD, Kumander sa Estado Veterans of Foreign Wars, Kagawaran ng CaliforniaPETER CAMERON, Tagapagpaganap na Direktor Veterans Resource Center of AmericaJOSEPH GARCIA, Kumander sa Estado American Legion, Kagawaran ng California

Page 14: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

42

14 | Ti tu lo a t Buod / Pagsusur i

OPISYAL NA TITULO AT BUOD INIHANDA NG PANGKALAHATANG ABUGADO

PROPOSISYON MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

• Nag-aatas sa mga lokal na ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang mga lunsod, county, at distrito ng paaralan, na sumunod sa tinukoy na mga batas ng estado na nagtatadhana ng kakayahan ng publiko na mapuntahan ang mga pulong ng mga lupon ng lokal na pamahalaan at makuha ang mga rekord ng mga opisyal ng pamahalaan.

• Nag-aalis ng iniaatas na bayaran ng Estado ang mga lokal na ahensiya ng pamahalaan para sa pagsunod sa tinukoy na mga batas na ito.

Buod ng Tantiya ng Pambatasang Manunuri sa Netong Epekto sa Pananalapi ng Estado at Lokal na Pamahalaan:• Nabawasang mga pagbabayad ng estado sa mga lokal na pamahalaan na nasa sampu-sampung milyong

dolyar taun-taon.• Posibleng tumaas na mga gastos ng lokal na pamahalaan na sampu-sampung milyong dolyar taun-taon

mula sa posibleng karagdagang mga iniaatas ng estado sa mga lokal na pamahalaan upang ihanda ang impormasyon sa publiko.

BATAYANAng California ay May Libu-libong Lokal na

Pamahalaan. Ang mga Taga-California ay tumatanggap ng mga serbisyo mula sa libu-libong lokal na pamahalaan—mga county, lunsod, at distrito ng paaralan at kolehiyo ng komunidad, at mga espesyal na distrito (tulad ng mga distrito ng bumbero, mga distrito ng pagkontrol sa baha, at mga distrito ng tubig). Ang bawat lokal na pamahalaan ay may isang lokal na namamahalang lupon (tulad ng konseho ng lunsod o lupon ng mga superbisor ng county) na gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga programa, serbisyo, at pagpapatakbo nito.

Kakayahan ng Publiko na Makuha ang Impormasyon sa Lokal na Pamahalaan. Ang Saligang-batas ng Estado ay nag-aatas na ang mga pulong ng mga namamahalang lupon at mga isinulat ng mga pampublikong opisyal at mga ahensiya ay gawing bukas sa pagsusuri ng publiko. Dalawang batas ng estado ang nagtatag ng mga tuntunin na

dapat sundin ng mga lokal na pamahalaan upang magkaloob ng daan sa mga impormasyon at mga pulong ng lokal na pamahalaan.

• Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California. Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa bawat tao na magsiyasat at kumuha ng mga kopya ng mga dokumento ng pang-estado at lokal na pamahalaan. Ito ay nag-aatas sa mga ahensiya ng estado at mga lokal na pamahalaan na magtatag ng mga nakasulat na patnubay para sa daan ng publiko sa mga dokumento at ipaskil ang mga patnubay na ito sa kanilang mga opisina.

• Batas na Ralph M. Brown. Ang batas na ito ay namamahala sa mga pulong ng mga namamahalang lupon ng mga lokal na pamahalaan. Ito ay nag-aatas sa mga lokal na namamahalang lupon na magbigay ng paunawa sa publiko tungkol sa mga nasa adyenda at ganapin ang mga pulong sa isang bukas na talakayan.

PAGSUSURI NG PAMBATASANG MANUNURI

MGA PANGWAKAS NA BOTO NG LEHISLATURA SA SCA 3 (PROPOSISYON 42) (Kabanata 123 ng Resolusyon, Mga Batas ng 2013)

Senado: Mga Oo 37 Mga Hindi 0Asembleya: Mga Oo 78 Mga Hindi 0

Page 15: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

42

PROP

PAGSUSURI NG PAMBATASANG MANUNURI IPINAGPAPATULOY

Para sa teksto ng Proposisyon 42, tingnan ang pahina 42. Pagsusur i | 15

Mga Pagbabayad ng Estado para a mga Pampublikong Rekord at mga Gastos sa Batas na Brown. Sa pagdaan ng mga taon, binago ng Lehislatura ang Batas sa mga Pampublikong Rekord at Batas na Brown sa pana-panahon. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay nagtaas ng mga responsibilidad at mga gastos ng lokal na pamahalaan. Ang estado ay pangkaraniwang dapat magbayad sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng mga ito kapag itinataas nito ang mga responsibilidad ng mga ito—isang iniaatas na isinasaalang-alang ng mga opisyal ng estado kapag nagrerepaso ng mga mungkahi na nagtataas ng mga gastos ng lokal na pamahalaan. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang estado ay dapat magbayad sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng mga ito upang ipatupad ang mga partikular na bahagi ng Batas sa mga Pampublikong Rekord (tulad ng iniaatas na tulungan ang mga miyembro ng publiko na naghahangad ng mga rekord at sabihin sa mga taong naghahangad ng mga rekord kung ang mga rekord ay maibibigay). Ang halaga ng pera na dapat bayaran ng estado sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng mga ito sa Batas sa mga Pampublikong Rekord ay hindi pa alam, pero tinatantiya na ito ay nasa sampu-sampung milyong dolyar taun-taon. Bilang karagdagan, ang estado ay nagbayad na noon sa mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng mga ito mula sa mga partikular na bahagi ng Batas na Brown. Gayunman, sinusugan ng mga botante ng California ang Saligang-batas noong 2012 upang alisin ang responsibilidad ng estado na bayaran ang mga lokal na pamahalaan sa mga gastos na ito sa Batas na Brown.

MUNGKAHIAng panukalang ito ay:• Nagdaragdag sa Saligang-batas ng Estado ng

iniaatas na sundin ng mga lokal na pamahalaan ang Batas sa mga Pampublikong Rekord at Batas na Brown.

• Nag-aalis ng responsibilidad ng estado na bayaran ang mga lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng mga ito na may kaugnayan sa mga batas na ito. (Gaya ng nabanggit sa itaas, ang responsibilidad ng estado na magbayad para sa mga gastos sa Batas na Brown ay inalis noong 2012.)

Ang panukalang ito ay angkop sa mga kasalukuyang iniaatas ng mga batas na ito, gayon din sa anumang mga pagbabago sa hinaharap sa alinmang batas na ginawa upang pabutihin ang daan ng publiko sa impormasyon o mga pulong ng pamahalaan.

Mga Epekto sa PananalapiEpekto sa mga Gastos ng Estado at mga Lokal

na Kita. Sa pag-alis ng responsibilidad ng estado para sa pagbabayad ng mga gastos ng lokal na pamahalaan upang sundin ang Batas sa mga Pampublikong Rekord, ang panukala ay magreresulta sa mga matitipid ng estado at maihahambing na mga pagbawas sa kita ng mga lokal na pamahalaan. Ang epekto ay malamang na nasa sampu-sampung milyong dolyar sa isang taon.

Posibleng Epekto sa mga Lokal na Gastos. Ang panukala ay maaari ring magbago sa kilos sa hinaharap ng mga opisyal ng estado. Ito ay dahil sa ilalim ng Proposisyon 42, ang estado ay makakagawa ng mga pagbabago sa Batas sa mga Pampublikong Rekord at ito ay hindi kailangang magbayad sa mga lokal na pamahalaan sa mga gastos ng mga ito. Kaya, ang mga opisyal ng estado ay maaaring gumawa ng mas maraming pagbabago sa batas na ito kaysa kung iba ang kalagayan. Sa kasong ito, ang mga lokal na pamahalaan ay maaaring magtamo ng karagdagang mga gastos—posibleng nasa sampu-sampung milyong dolyar taun-taon sa hinaharap.

MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

Bisitahin ang http://cal-access.sos.ca.gov para sa mga detalye tungkol sa mga pinansiyal na

kontribusyon para sa proposisyong ito.

Page 16: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

42

PROP MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

16 | Mga Pangangatwiran Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga awtor at ang katumpakan ay hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya.

PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON 42

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON 42

Ang mga tagapagtaguyod ay tama na "Ang Proposisyon 42 ay mag-aalis ng posibilidad na magagawa ng mga lokal na ahensiya [nang ayon sa batas] na tanggihan ang kahilingan para sa pampublikong impormasyon o sarhan ang pinto ng pulong batay sa [ang] gastos" sa pagsunod sa mga batas na ito ng estado. Ito ay gagawin nito sa pamamagitan ng pagpapataw ng gastos sa pagsunod sa mga lokal na pamahalaan. Ang isang mapagpipilian ay iatas na ang pamahalaan ng estado ang magbayad.

Sa paglipas ng maraming taon, nagkaloob ako ng mga pangangatwiran laban sa pang-estado at lokal na mga panukala sa balota upang ang mga botante ay tumanggap ng mas maraming impormasyon tungkol sa mga panukala bago bumoto.

Ginamit ko rin ang Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California at mga batas sa bukas na pulong upang tangkain na positibong impluwensiyahan ang paggawa ng desisyon sa lokal na antas. Kapag ang mga batas na ito ay nilabag, ang isang hablang sibil ay maaaring iharap, at ang maling kilos ng opisyal ay maaaring iulat sa dakilang lupon ng mga tagahatol sa county.

Gayunman, ang kakayahan ng mga tao na gumawa ng pagkakaiba—maging sa lokal na antas—ay pinahina sa mga

huling taon ng impluwensiya ng malaking pera at pagkakaroon ng kapangyarihan ng iba't ibang mga panrehiyong ahensiya sa buong California na pinamumunuan ng mga miyembro ng lupon na hindi inihalal sa mga panrehiyong posisyon na iyon.

Halimbawa, sa San Francisco Bay Area, ang mga panrehiyong ahensiya ay nagpatibay ng mga plano na magsisiksik ng milyun-milyong bagong mga residente mula sa lahat ng dako ng mundo patungo sa kasalukuyang mga koridor ng transportasyon ng kalunsuran. Ang mga landas na para sa bus lamang ay nililikha. Ang mga landas ng HOV (sasakyan na maraming umookupa) ay ginagawang "Express Lanes" na nagpapahintulot din ng mga nagbabayad para sa daanan.

Lahat ng mga landas sa mga priwey ay maaaring maging mga landas na may bayad sa mga darating na taon. ito ay nangyayari sa buong bansa.

GARY WESLEY

Narinig na ng lahat ang lumang kasabihan "hindi ninyo malalabanan ang munisipyo." Lumitaw na ito ay hindi totoo. Milyun-milyong Taga-California ang naghahangad ng mga sagot mula sa mga pampublikong opisyal at mga burukrata sa mga lunsod, county, distrito ng paaralan, ahensiya ng tubig, at bawat uri ng ahensiya ng pamahalaan, gamit ang impormasyon na nakuha nila upang makapasok sa prosesong pampulitika at makaapekto nang maganda sa pampublikong patakaran.

Ang mga makapangyarihang kasangkapan na tulad na Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California ay nagbibigay sa mga mamamayan at mga negosyo ng kakayahang makakuha ng mga rekord na kailangan nila upang maging mabibisang tagapagtaguyod at protektahan ang mga interes ng komunidad. Ang Batas na Ralph M. Brown sa Bukas na Pulong ay nagbibigay sa atin ng karapatan na pumunta sa silid at pakinggan habang binubuo ang patakaran sa mga pulong ng konseho ng lunsod, lupon ng mga superbisor, lupon ng paaralan, at espesyal na distrito.

Noong 2004, ang mga batas na ito na nagbibigay sa mga Taga-California ng kakayahang kumuha ng mga pampublikong rekord at dumalo sa mga pulong ng mga lokal na pampublikong lupon ay ginawang mas makapangyarihan pa noong ang higit sa 82 porsiyento ng mga botante ay naag-aproba sa isang susog sa saligang-batas ng estado na nagsasabi, sa bahagi "Ang mga tao ay may karapatang kumuha ng impormasyon na nauukol sa mga gawain para sa mga tao, at dahil doon, ang mga pulong ng mga pampublikong lupon at ang isinulat ng mga pampublikong opisyal at mga ahensiya ay dapat maging bukas sa pagsusuri ng publiko."

Sa nakalipas na ilang mga taon, gayunman, ang mga pangunahing tadhana ng magagandang batas na ito ay pinagbabantaan noong dumanas ang estado ng krisis sa pananalapi. Sa maikli, ang mga pang-estado at lokal na pamahalaan ay matagal nang hindi nagkakasundo tungkol sa halaga at antas ng pinansiyal na suporta ng estado para sa mga lokal na gastos sa pagsunod sa karapatang sibil ng publiko na magkaroon ng daan sa pamahalaan. May mga pagkakataon na ang mga pangunahing tadhana ng mga batas na ito ay naging hindi sapilitan para sa mga lokal na ahensiya

ng pamahalaan dahil sa mabibigat na desisyon na ginawa sa proseso ng badyet ng estado. Habang karamihan ng mga pamahalaan ay patuloy na sumusunod sa maiikling panahong ito ng tensiyon sa pananalapi, ang mga saligang karapatan ng publiko ay hindi dapat idepende sa kagandahang loob ng mga lokal na opisyal.

Lilinawin ng Proposisyon 42 na ang mga ahensiya ng lokal na pamahalaan at hindi ang estado ang responsable para sa mga gastos na may kaugnayan sa kanilang pagsunod sa ating mga batas sa pagbibigay ng kakayahan sa paggamit. Ito ay titiyak ng kakayahang makuha ang mga pampublikong rekord at madaluhan ang mga pulong na mahalagang mailantad at labanan ang pampublikong katiwalian, na tulad ng naranasan ng mga mamamayan sa Lunsod ng Bell noong ang mga pampublikong opisyal ay gumawa ng mga krimen at ninakawan ang kaban ng lunsod.

Isesemento ng Proposisyon 42 sa Saligang-batas ang karapatang sibil ng publiko na malaman ang ginagawa ng pamahalaan at paano nito ginagawa ito. Ito ay magdaragdag ng independiyenteng puwersa sa mga batas ng estado na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan na sumunod sa mga batas sa bukas na pulong at pampublikong rekord at mga pagbabago sa hinaharap sa mga batas na iyon na ginagawa ng Lehislatura.

Ang Proposisyon 42 ay mag-aalis ng posibilidad na ang mga lokal na ahensiya ay maaaring tumanggi sa kahilingan para sa pampublikong impormasyon o magsara ng pinto ng pulong batay sa gastos. Gaya ng sinabi ni Thomas Jefferson, "Ang impormasyon ay ang currency ng demokrasya." Sabihin sa mga burukrata na ang mga tao—hindi ang pamahalaan—ang dapat magpasiya kung ano ang kailangan nating malaman. Bumoto ng oo sa Proposisyon 42.

MARK LENO, Miyembro Senado ng Estado ng CaliforniaTHOMAS W. NEWTON, Tagapagpaganap na Direktor California Newspaper Publishers Association

Page 17: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

42

PROP MGA PAMPUBLIKONG REKORD. MGA BUKAS NA PULONG. PAGBABAYAD NG ESTADO SA MGA LOKAL NA AHENSIYA. PAMBATASANG SUSOG SA SALIGANG-BATAS.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng Mga Pangangatwiran | 17 mga awtor at ang katumpakan ay hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya.

PANGANGATWIRANG LABAN SA PROPOSISYON 42

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PROPOSISYON 42

Ang mga lokal na pamahalaan ay pinatatakbo ng mga empleyado at mga pulitiko na maaari o maaaring HINDI gustong magbahagi ng impormasyon o tumanggap ng opinyon ng publiko bago gumawa ng mga desisyon.

Noong 2004, inaprobahan ng mga botante ng California ang isang inisyatibong susog sa saligang-batas ng estado na idinisenyo upang patigilin ang pagbabalik ng mga batas ng estado na gumarantiya ng daan sa maraming pampublikong rekord at nag-utos na ang mga pulong ng mga pambatasang lupon ng lokal na pamahalaan ay karaniwang dapat ganapin sa harap ng publiko at na ang mga desisyon ng mga lokal na pambatasang lupon ay magagawa lamang pagkatapos ng isang pagkakataon para sa opinyon ng publiko (Saligang-batas ng California, artikulo I, seksiyon 3(b)).

Ang ilang mga lokal na pamahalaan ay tumugon sa pamamagitan ng pagsalungat na ang bagong tadhana ng saligang-batas ay hindi nagpawalang-saysay sa isa pang tadhana ng Saligang-batas ng Estado (artikulo XIII B, seksiyon 6) na nag-aatas na bayaran ng Estado sa mga lokal na pamahalaan ang gastos sa pagpapatupad ng anumang bagong mga utos ng Estado.

Ang Proposisyon 42 ay magsususog sa Saligang-batas ng California upang linawin na kailangang bayaran ng Estado ang isang lokal na pamahalaan para sa gastos sa pagsunod sa batas sa bukas na pulong na angkop sa mga lokal na pamahalaan (ang Batas na Brown—mga seksiyon 54950–54963 ng Kodigo ng Pamahalaan) o sa Batas sa mga Pampublikong Rekord (mga seksiyon 6250–6270 ng Kodigo ng Pamahalaan) gaya ng nakasulat o binago sa dakong huli—sa kondisyon na ang anumang pagbabago "ay nagtataglay ng mga napag-alaman na nagpapakita na ang pagpapatibay ng batas ay higit na nagsusulong sa" garantiya ng saligang-batas na daan at opinyon ng publiko.

Ang pangunahing isyu na iniharap ng proposisyong ito ay kung naniniwala ang mga botante na ang gastos sa pagsunod sa mahahahalagang batas na ito ng estado ay dapat pasanin ng mga lokal na pamahalaan o ng pamahalaan ng estado.

GARY WESLEY

Ang ating demokrasya ay nakadepende sa may-kaalaman at aktibong paglahok sa pamahalaan. Ang Proposisyon 42 ay isang payak na panukala na nagpoprotekta sa basikong karapatan na malaman kung paano ginagawa ng pamahalaan ang trabaho para sa atin.

Ang pangunahing pangangatwiran ni Mr. Wesley laban sa Proposisyon 42 ay bumabanggit ng maraming bagay—karamihan ay sang-ayon kami—pero hindi nakakagawa ng pangangatwiran tungkol sa kung bakit ang mga ahensiya ng lokal na pamahalaan ay dapat umasa sa estado upang bayaran ang mga gastos ng mga ito na may kaugnayan sa pagsunod sa mga batas sa inyong kalayaan sa impormasyon na tulad ng Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California at Batas na Ralph M. Brown sa Bukas na Pulong.

Ang pagsunod sa ating pang-estado at lokal na mga batas na nag-aatas ng mga bukas na pulong at daan sa mga pampublikong rekord ay isang bagay na may kinalaman sa prinsipyo ng saligang-batas.

Ang katotohanan ay bawat ahensiya ng estado ay nagbabayad sa sarili nitong mga gastos sa pagsunod sa batas sa mga pampublikong rekord at sa Batas na Bagley-Keene, na katulad ng Batas na Brown at nag-aatas na magpulong ang mga lupon at mga komisyon ng estado sa bukas at pampublikong mga sesyon.

Kapag ang mga ahensiya ay nagbabayad ng sariling mga gastos sa pagsunod, may nakapaloob na insentibo na gumawa ng pagbabago upang panatilihing mababa ang mga gastos na ito, tulad ng pagpapasimple sa mga proseso ng paghiling ng rekord at paglalagay sa online ng mga karaniwang hinihiling na rekord para sa madaling pagkuha ng publiko. Kung ang estado ay nagbabayad sa mga lokal na ahensiya para sa lubusang lokal na obligasyon sa pagsunod sa mahahalagang batas na ito, makikita naman, na walang insentibo na magpahusay.

Ito'y payak; ang estado ay nagbabayad ng mga sariling gastos nito at ang mga lokal na ahensiya ay dapat magbayad ng kanila.

Protektahan ang inyong karapatang sibil na makakuha ng kaalaman at bumoto ng OO sa Proposisyon 42.

JAMES W. EWERT, Pangkalahatang Abugadong Tagapayo California Newspaper Publishers AssociationDONNA FRYE, Presidente Californians AwareJENNIFER A. WAGGONER, Presidente League of Women Voters of California

Page 18: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

18 | Pangkalahatang- tanaw sa Utang sa Bono ng Es tado

PANGKALAHATANG-TANAW SA UTANG SA BONO NG ESTADO Inihanda ng Opisina ng Pambatasang Manunuri

Ang seksiyong ito ay naglalarawan ng utang sa bono ng estado. Ito ay tumatalakay rin sa kung paano ang Proposisyon 41—ang $600 milyon na mungkahing bono sa pabahay sa mga beterano—ay makakaapekto sa mga gastos sa bono ng estado.

BatayanAno ang mga Bono? Ang mga bono ay isang paraan na ang

mga pamahalaan at kompanya ay humihiram ng pera. Ang pamahalaan ng estado, halimbawa, ay gumagamit ng mga bono unang-una upang bayaran ang pagpaplano, konstruksiyon, at pagbabago ng yari ng mga proyektong impra-istruktura. Ang estado ay nagbebenta ng mga bono sa mga mamumuhunan upang magkaloob ng "kaagad" na pagpopondo para sa mga proyektong ito at saka bayaran ang mga bono, nang may interes, sa paglipas ng panahon.

Ano ang Pinopondohan ng mga Bono at Bakit Ginagamit ang mga Ito? Ang estado ay pangkaraniwang gumagamit ng mga bono upang pondohan ang mga proyektong impra-istruktura tulad ng mga daan, pasilidad na pang-edukasyon, bilangguan, parke, proyekto sa tubig, at gusali ng opisina. Ang mga bono ay ginamit din upang makatulong na tustusan ang mga partikular na pribadong impra-istruktura, tulad ng mga ospital at pabahay sa mga beterano. Ang isang pangunahing dahilan para sa pag-isyu ng mga bono ay ang impra-istruktura ay nagkakaloob ng mga serbisyo sa maraming taon. Kaya, makatwiran para sa kasalukuyan, gayon din sa susunod, na mga nagbabayad ng buwis na tumulong na bayaran ang mga ito. Dagdag dito, ang malalaking gastos sa mga proyektong ito ay maaaring mahirap bayarang lahat sa isang pagkakataon.

Anu-anong mga Uri ng Bono ang Ibinebenta ng Estado? Ang estado ay nagbebenta ng ilang mga pangunahing uri ng mga bono. Ang mga ito ay:

• Mga Pangkalahatang Obligasyong Bono. Karamihan sa mga bonong ito ay binabayaran nang tuwiran mula sa Pangkalahatang Pondo ng estado. Ang Pangkalahatang Pondo ay ang pangunahing kuwenta ng estado sa pagpapatakbo, na ginagamit nito upang magbayad para sa mga pampublikong paaralan, mas mataas na edukasyon, mga bilangguan, pangangalagang pangkalusugan, at ibang mga serbisyo. Ang isang halimbawa ng mga pangkalahatang obligasyong bono ay ang mga pambuong-estadong bono para sa mga pasilidad ng lokal na distrito ng paaralan. Ang ilang mga pangkalahatang obligasyong bono, gayunman, ay binabayaran ng mga itinalagang pinagkukunan ng kita, at ang Pangkalahatang Pondo ay nagkakaloob ng pantulong lamang na suporta kung sakaling magkulang ang mga kita. Halimbawa, ang estado ay nagbabayad ng ilan sa mga nakaraang bono sa tubig gamit ang mga pondo mula sa mga ahensiyang tumatanggap ng tubig mula sa mga proyektong pinondohan ng bono. Ang mga pangkalahatang obligasyong bono ay dapat aprobahan ng mga botante at ang pagbabayad sa mga ito ay iginagarantiya ng pangkalahatang kapangyarihan sa pagbubuwis ng estado.

• Mga Bonong Pag-arkila-Kita. Ang mga bonong ito ay binabayaran mula sa mga pagbabayad sa pag-arkila (pangunahing tinutustusan mula sa Pangkalahatang Pondo) ng mga ahensiya ng estado na ginagamit ang mga pasilidad na tinutustusan ng mga bono. Ang mga bonong ito ay hindi nag-aatas ng pag-aproba ng botante at hindi ginagarantiyahan ng pangkalahatang kapangyarihan sa pagbubuwis ng estado. Bilang resulta, ang mga ito ay may mga gastos sa interes na mas mataas kaysa mga pangkalahatang obligasyong bono.

• Mga Tradisyunal na Bonong Kita. Ang mga ito ay tumutustos rin sa mga kapital na proyekto pero hindi sinusuportahan ng Pangkalahatang Pondo. Sa halip, ang mga ito ay binabayaran mula sa isang itinalagang daluyan ng kita na nililikha ng mga proyektong tinutustusan ng mga ito—tulad ng mga tulay na may bayad. Ang mga bonong ito ay hindi ginagarantiyahan ng pangkalahatang kapangyarihan sa pagbubuwis ng estado at hindi nangangailangan ng pag-aproba ng botante.

Pagkatapos magbenta ng mga bono, ang estado ay gagawa ng taunang mga pagbabayad ng prinsipal at interes hanggang mabayaran nang buo ang mga bono. Pangkaraniwan, ang mga mamumuhunan ay hindi nagbabayad ng pang-estado at pederal na mga buwis sa kita sa mga bonong inisyu ng estado. Ito ay nagpapahintulot sa estado na magbenta ng mga bono sa mas mababang mga antas ng interes, na nagreresulta sa mas mababang mga pagbabayad ng utang ng estado. Gayunman, sa ilang mga kaso, ang estado ay nagbebenta ng mga bono na hindi kuwalipikado para sa pederal na pagkalibre sa buwis. Halimbawa, sa kasaysayan, maraming bono na may kaugnayan sa pabahay ang hindi nakakatanggap ng pederal na pagkalibre sa buwis.

Anu-ano ang mga Gastos sa Pagtustos ng Bono? Ang taunang gastos sa pagbabayad ng mga bono ay depende unang-una sa antas ng interes at sa panahon na ang mga bono ay kailangang bayaran. Ang estado ay karaniwang nagbabayad sa mga bono sa 30-taong panahon (katulad ng mga pagbabayad na gagawin ng mga may-ari ng bahay sa karamihan ng 30-taon na may pirmihang-antas na mga pautang sa pagbili ng bahay). Ipagpalagay na ang antas ng interes ay 5 porsiyento, para sa bawat $1 na hiniram, ang estado ay magbabayad ng malapit sa $2 sa isang pangkaraniwang 30-taong panahon ng pagbabayad. Sa $2 na iyon, halos $1 ay pupunta sa pagbabayad ng halagang hiniram at malapit sa $1 para sa interes. Gayunman, dahil ang pagbabayad ay ikinakalat sa buong 30-taong panahon, ang gastos pagkatapos iakma para sa implasyon ay mas mababa—humigit-kumulang na $1.30 para sa bawat $1 na inutang. Kapag ang estado ay nag-isyu ng nabubuwisang mga bono, ito ay madalas na nag-iisyu ng mga ito nang may maikling panahon ng pagbabayad—halimbawa, sampung taon. Ang mas maikling panahon ng pagbabayad ay nagreresulta sa mas mataas na taunang mga pagbabayad, pero mas mababang kabuuang mga gastos sa interes at kaya may mas mababang kabuuang mga gastos sa pagbabayad.

Page 19: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Pangkalahatang- tanaw sa Utang sa Bono ng Es tado | 19

PANGKALAHATANG-TANAW SA UTANG SA BONO NG ESTADO IPINAGPAPATULOY

Mga Bono sa Impra-istruktura at ang Badyet ng Estado

Halaga ng Utang ng Pangkalahatang Pondo. Ang estado ay may humigit-kumulang na $85 bilyon ng sinusuportahan ng Pangkalahatang Pondo na mga binabayaran pang bono—iyon ay, mga bono na ginagawan pa ng mga pagbabayad ng prinsipal at interes. Ito ay binubuo ng humigit-kumulang na $75 bilyon ng mga pangkalahatang obligasyong bono at $10 bilyon ng mga bonong pag-arkila-kita. Bilang karagdagan, ang mga botante at ang Lehislatura ay nag-aproba ng humigit-kumulang na $33 bilyon ng ipinahintulot na pangkalahatang bono at bonong pag-arkila-kita sa impra-istruktura na hindi na pa naibebenta. Karamihan sa mga bonong ito ay inaasahang maibebenta sa mga darating na taon habang ang mga karagdagang proyekto ay nangangailangan ng pagpopondo.

Mga Pagbabayad ng Utang ng Pangkalahatang Pondo. Sa 2013-14, ang mga gastos sa bono sa impra-istruktura ng Pangkalahatang Pondo ay may kabuuan na higit sa $5 bilyon. Habang ang naunang ipinahintulot pero kasalukuyang hindi pa naibebentang mga bono ay ibinebenta, ang hindi pa nababayarang mga gastos sa utang sa bono ay tataas, malamang na umabot sa higit sa $7 bilyon sa 2019–20.

Epekto ng Halalang Ito sa mga Pagbabayad sa Utang. Ang mungkahing bono para sa pabahay sa mga beterano na nasa balotang ito (Proposisyon 41) ay magpapahintulot sa estado na humiram ng hanggang $600 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pangkalahatang obligasyong bono sa mga mamumuhunan. Ang pangkaraniwang taunang serbisyo sa utang sa bono ay magiging depende sa oras at mga kondisyon ng pagbebenta sa mga ito. Gayunman, ipagpalagay na ang antas ng interes ay 5 porsiyento, na ang mga bono ay ilalabas

sa higit sa limang-taon na panahon, at ang bawat bono ay babayaran sa sampung taon, ang tinatantiyang taunang gastos ng Pangkalahatang Pondo ay magiging humigit-kumulang na $50 milyon. Sa kabuuan, tinatantiya namin na ang panukala ay mangangailangan ng kabuuang mga pagbabayad sa serbisyo sa utang na humigit-kumulang na $750 milyon sa 15-taong panahon kung kailan ang mga bono ay buong mababayaran.

Epekto ng Halalang Ito sa Proporsiyon ng Serbisyo sa Utang. Ang isang tagapagpabatid ng kalagayan sa utang ng estado ay ang proporsiyon ng serbisyo sa utang (DSR). Ang proporsiyong ito ay nagpapabatid ng bahagi ng taunang mga kita ng Pangkalahatang Pondo ng estado na dapat itabi para sa mga pagbabayad ng serbisyo sa utang sa mga bono para sa impra-istruktura at, dahil dito, ay hindi magagamit para sa ibang mga programa ng estado. Gaya ng ipinapakita sa Pigura 1, ang DSR ay palapit na ngayon sa 6 na porsiyento ng taunang mga kita ng Pangkalahatang Pondo. Kung walang mga karagdagang bono na inaprobahan ng mga botante o ng Lehislatura, ang serbisyo sa utang ng estado sa ipinahintulot nang mga bono ay inaasahan na tataas hanggang wala pang 6 na porsiyento ng mga kita ng Pangkalahatang Pondo sa 2017–18, at bababa pagkaraan.

Kung aprobahan ng mga botante ang iminumungkahing bono para sa pabahay sa mga beterano sa balotang ito, ito ay magtataas ng DSR ng mas mababa kaysa isang-ikasampu ng isang persentaheng punto. Gayunman, kung aprobahan ng mga botante ang mga karagdagang bono sa mga halalan pagkaraan ng Hunyo 2014, ang mga gastos sa serbisyo sa utang sa hinaharap na ipinapakita sa Pigura 1 ay magiging mas mataas. Halimbawa, sa panahong inihahanda ang pagsusuring ito, ang isang bono sa tubig ay nakatakda sa balota ng Nobyembre 2014.

Pigura 1

Proporsiyon ng Serbisyo sa Utang ng Pangkalahatang Pondoa

Ipinahintulot, Pero Hindi pa NaibebentaIminumungkahing mga Bono

para sa Pabahay sa mga Beterano

7%

6

5

4

3

2

1

2000-01 2005-06 2010-11 2015-16 2020-21

Inaasahan

a Proporsiyon ng taunang mga pagbabayad sa serbisyo sa utang ng Pangkalahatang Pondo sa mga kita at mga paglipat ng Pangkalahatang Pondo.

Mga Bono na Naibenta Na

Page 20: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

20 | Mga Pahayag ng Layunin ng Partidong Pampulitika

MGA PAHAYAG NG LAYUNIN NG PARTIDONG PAMPULITIKA

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga partidong pampulitika at ang katumpakan ay hindi sinuri ng alinmang opisyal na ahensiya.

Green Party of California P.O. Box 160, Station A Richmond, CA 94808

(916) 448-3437 E-mail: [email protected] Website: www.cagreens.org

American Independent Party of California 476 Deodara St. Vacaville, CA 95688-2637

(707) 359-4884 E-mail: [email protected] Website: www.aipca.org

Ang Partidong Amerikanong Independiyente ay ang partido ng maayos na kalayaan sa isang bansa sa ilalim ng Diyos. Naniniwala kami sa mahigpit na pagsunod sa nakasulat na batas. Naniniwala kami na ang Saligang-batas ay ang kontrata ng Amerika sa sarili. Ang sadyang pagbaluktot nito ay humantong sa paglabag sa ating iginagarantiya ng Ikasampung Susog na karapatan sa limitadong pamahalaan—na di-maiiwasang nag-aatas ng mapang-aping pagbubuwis. Ang matapat na pagpapatupad nito ay mag-aalis ng pasaning iyon.

Pinalaya mula sa walang-batas na pang-aapi ng Liberal na pamamahala, maaari na nating gamitin nang mapagmalasakit at makatarungan ang ating enerhiya at pagkamalikhain upang magkaloob para sa ating mga sarili at sa ating mga pamilya. Pagkatapos ay magtatatag tayo ng isang tunay na malaya at responsableng institusyon at muling igigiit ang basikong karapatan ng tao sa ari-arian.

Naniniwala kami sa pagpoprotekta sa lahat ng buhay ng tao gaano man kahina, walang-depensa, o nawawalan ng pag-asa; ineendorso ang pamilya bilang mahalagang kuta ng kalayaan, habag, responsibilidad, at kasipagan; at ipinapahayag ang karapatan at responsibilidad ng pamilya na mag-alaga, magdisiplina, at magturo sa kanilang mga anak.

Iginigiit namin ang ganap, kasabay na iginagarantiya ng Ikalawang-Susog na karapatan ng indibidwal sa pagtatanggol sa sarili kasama ng isang malakas na panlahat na depensa, isang panlahat na depensa na nangangailangan ng isang pambansang kataas-taasang kapangyarihan na hindi napinsala ng mga walang-ingat na kasunduan. Sinasalungat namin ang lahat ng mga labag sa batas na imigrasyon.

Sinusuportahan namin ang mga protektadong hangganan at mga patakaran sa imigrasyon na nag-iimbita sa pinakamahusay sa mundo na samahan kami sa kalayaan.

Ang Partidong Luntian ay sumusuporta sa mga maisasagawang solusyon sa mga pinakamabigat na problema ng ating planeta, mula sa pagbabago ng klima hanggang sa makasaysayang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa kita. Inuuna namin ang mga tao at planeta.

Sa kasalukuyan 55 Luntian sa California ang humahawak ng katungkulan. Ang pagboto ng Luntian ay nangangahulugang pagtanggi sa pagtitipid laban sa mahirap, at suporta para sa pagkakapantay-pantay at kakayahang makapagpatuloy. Ang isang pamahalaan ng Partidong Luntian ay mangangahulugang:

HUSTISYANG PANLIPUNAN• Pagtatapos ng kahirapan sa pamamagitan ng mga trabahong may

nakakabuhay na suweldo, abot-kayang pabahay, iisang-tagabayad na pangangalagang pangkalusugan, mga karapatan ng mga manggagawa, at seguridad sa pagkain para sa lahat

• Isang pag-aari-ng-publiko na bangko ng estado upang mamuhunan sa California sa halip ng Wall Street

• Edukasyon sa halip ng pagbilanggo, at libreng matrikula sa pampublikong kolehiyo/unibersidad, sa pamamagitan ng pagreporma sa Proposisyon 13 at progresibong pagbubuwis

REPORMANG PAMPULITIKA• Ang pag-aalis ng pera ng korporasyon sa pamamagitan ng tinutustusan-

ng-publiko na mga halalan

• Mas maraming demokrasya at mas buong pagkatawan sa pamamagitan ng proporsiyonal na pagkatawan para sa lehislatura ng estado at Kongreso, at piniling ranggo ng pagboto para sa pambuong-estadong katungkulan ng tagapagpaganap

• Pagpapawalang-bisa sa Nangungunang DalawaREPORMA SA SISTEMA NG HUSTISYA• Pag-aalis ng parusang kamatayan• Isang moratoryo sa konstruksiyon ng bilangguan at pagtatapos sa mga

pribadong bilangguan• Paggawang legal sa marihuwanaHINAHARAP NG LUNTIANG ENERHIYA• Pagsasara ng Diablo Canyon na nukleyar na planta ng kuryente• Isang Solar California, na episyente sa enerhiya, may konserbasyon at

pag-aari ng publiko na ligtas, malinis na napapanibagong enerhiya• Mga buwis sa gatong sa halaman at hayop, pampublikong paghahatid,

mga lunsod na nangangalaga ng kapaligiranMagparehistro sa Luntian. Bumoto ng Luntian.

★ PARTIDONG LUNTIAN ★

★ PARTIDONG KAPAYAPAAN AT KALAYAAN ★

Ang Partidong Kapayapaan at Kalayaan ay isang uring-manggagawa na partido sa isang bansa na pinatatakbo ng at para sa mayayaman at sa kanilang mga korporasyon. Hindi natin kailangang isakripisyo ang ating kalusugan, ating mga kabuhayan at ating planeta para sa kita ng mga amo. Magagawa nating buwisan ang mayayaman, na ang lahat ng kayamanan ay nilikha ng mga manggagawa, upang bayaran ang mga pangangailangan ng lipunan. Sumasang-ayon kami sa:

• Mga disenteng trabaho at buong mga karapatan sa paggawa para sa lahat.• Libreng edukasyon para sa lahat mula sa preschool hanggang sa

unibersidad.• Libreng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat.• Mga komprehensibong serbisyo para sa mga taong may kapansanan.• Pagpapauwi sa lahat ng mga sundalo ngayon.• Pagtatapos ng lahat ng diskriminasyon. Pagkakapantay-pantay sa kasal.

• Buong mga karapatan para sa imigrante.• Tunay na demokrasya at makatarungang pagkatawang pampulitika.• Pagpapanumbalik at pagprotekta sa kapaligiran.Hanggang inuuna ng ating sistema ang mayayaman, magdurusa tayo sa

digmaan, brutalidad ng pulis, mababang mga suweldo, hindi ligtas na mga lugar ng trabaho at polusyon. Itinataguyod namin ang sosyalismo, ang pag-aari at demokratikong pagkontrol ng ekonomiya ng mga nagtatrabahong tao. Kung magkakaisa tayo upang bawiin ang ating mga industriya at mga likas na kayamanan, magagawa nating magtrabahong magkakasama nang demokratiko at nagtutulungan para sa kabutihan ng lahat, sa halip na maging mga alipin ng mayayaman at ng kanilang mga korporasyon.

Magparehistro sa Partidong Kapayapaan at Kalayaan, at iboto ang aming mga kandidato, na lalaban para sa kailangan ninyo.

★ PARTIDONG AMERIKANONG INDEPENDIYENTE ★

Peace and Freedom Party P.O. Box 24764 Oakland, CA 94623

(510) 465-9414 E-mail: [email protected]

Page 21: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Layunin ng Partidong Pampulitika | 21

MGA PAHAYAG NG LAYUNIN NG PARTIDONG PAMPULITIKA

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga partidong pampulitika at ang katumpakan ay hindi sinuri ng alinmang opisyal na ahensiya.

★ PARTIDONG LIBERTARYAN ★

Kung ikaw ay mapag-ubaya sa kapwa at responsable sa pananalapi, ikaw ay isang libertaryan.

Ang mga solusyong Libertaryan ay ang pinakapraktikal, maisasagawa, at patas para sa pagpapalakas ng ating ekonomiya at pamamahala sa ating estado. Kung ang mga ito ay ipinatupad sa nakalipas na sampung taon, ang California ay mayroon na sanang matatag na ekonomiya at kanais-nais na mga kalagayan ng pamumuhay batay sa:

• Umuunlad na mga pribadong pamumuhunan• Pagpili ng magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak• Maipanlalaban na pribadong seguro sa pangangalagang pangkalusugan• Mga pampublikong pensiyon na hindi nagbabangkarote sa mga lokal at

pandistritong pamahalaan• Mga batas na ginagamit sa lahat ng mga Taga-California nang pantay,

kabilang ang mga inihahalal na opisyal ng CaliforniaAng mga Libertaryan ay nagtatrabaho upang:• Paliitin ang mga pagpapatakbo ng pamahalaan, kaya magbabawas ng

mga gastos ng pamahalaan at magbababa ng mga buwis (may higit sa 300

sinusuportahan ng buwis na mga ahensiya ng pamahalaan na masasarhan nang hindi naglalagay sa panganib sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kaligtasan ng publiko, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at pagreretiro)

• Repormahin ang mga pensiyon ng pampublikong empleyado na ginagawang bangkarote ang mga lunsod, county at ang estado

• Isapribado ang mga serbisyo ng pamahalaan na pinakamahusay na inihahatid ng mga tagapagkaloob na mabisa ang paggasta

• Itaguyod ang pagpapaunlad ng pribadong negosyo na lumilikha ng mga trabaho

• Igarantiya ang pantay na pagtrato sa ilalim ng batas para sa lahat ng mga Taga-California

• Isailalim sa pagkontrol ang marihuwana na tulad ng alak para sa nasa hustong gulang, ginagawang mas mahirap makuha ng mga menor

• Gumamit ng bahaging-panahon na LehislaturaGagawin ng mga kandidato ng Partidong Libertaryan ang mga repormang

ito kung susuportahan at ihahalal ninyo sila.

Libertaraian Party of California Kevin Takenaga, Tagapamahala 770 L Street, Suite 950 Sacramento, CA 95814-3361

(916) 446-1776 E-mail: [email protected] Website: www.ca.lp.org

★ PARTIDONG MGA AMERIKANONG NAGHAHALAL ★

Walang ibinigay na pahayag.

★ PARTIDONG REPUBLIKANO ★

Ang Partidong Republikano ng California ay naghahangad na tapusin ang kasalukuyang kalagayan sa Sacramento at ibalik ang ating estado bilang lider ng bansa sa pag-unlad na pangkabuhayan at inobasyon sa pamamagitan ng pagbawas sa mga buwis, pag-aalis ng kuskos balungos, at pagbabalik ng negosyo sa California.

Gusto naming magtayo ng isang California kung saan ang mga tao at mga pamilya ay protektadong muli dahil ang isang masiglang ekonomiya ay lumilikha ng mga trabaho at mga pagkakataon para sa lahat na gusto at may kakayahang magtrabaho.

Ang mga Republikano ay sumusuporta sa agresibong pagreporma sa ating maumbok at maaksayang pamahalaan, pagprotekta sa mga karapatan sa ari-arian, pagkakaloob ng mga pagpiling pang-edukasyon para sa bawat pamilya, at pagbawas sa pasanin ng mga nagbabayad ng buwis upang paunlarin ang ating ekonomiya at lumikha ng mga trabaho at mga pagkakataon na kailangan ng

mga pamilya.Ang Partidong Republikano ay ang tagapagtaguyod para sa pangkaraniwang

mga Taga-California—hindi sa mga espesyal na interes o malaking pamahalaan. Kami ay lumalaban upang protektahan ang personal na kalayaan, upang magkaloob ng pantay na pagkakataon, at upang tiyakin na ang lahat ng mga Taga-California ay maaaring magtrabaho, mag-ipon, at mamuhunan sa kanilang hinaharap.

Nagiging mabisa lamang ang ating demokrasya kung ang mabubuting tao ay nagpapasiya na humakbang at lumahok. Ang aming mga pinto ay bukas sa inyo at umaasa kami na gagawin ninyo ang personal na desisyon ngayon na protektahan, pabutihin at itayo ang California sa pamamagitan ng pagsama sa Partidong Republikano ng California. Makakakuha kayo ng karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagbisita sa aming website sa cagop.org ngayon.

California Republican Party Jim Brulte, Tagapangulo 1121 L Street, Suite 207 Sacramento, CA 95814

(916) 448-9496 Website: www.cagop.org

★ PARTIDONG DEMOKRATIKO ★

Ang mga Demokratiko ay naniniwala na ang tagumpay ng ekonomiya ng California ay nakaugat sa kapakanan ng mga nagtatrabahong pamilya, hindi sa mga bangko ng Wall Street.

Sa California, sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Jerry Brown, ang mga solusyon na Demokratikong patakaran ay nakapaghatid ng isang balanseng badyet, nagpatigil sa mga pagbawas sa edukasyon at nagpalawak ng kakayahang makakuha ng abot-kayang pangangalagang pangkalusugan para sa mga pamilya.

Ang mga Demokratiko ay nagtatrabaho upang dagdagan ang pamumuhunan sa napapanibagong mga pinagkukunan ng enerhiya at lumalaban upang panatilihin ang kolehiyo na abot-kaya para sa gitnang uri.

Kami ay naniniwala na ang mga paaralan at lokal na kaligtasan ng publiko ay mahahalagang priyoridad na dapat protektahan.

Alam ng mga Demokratiko na ang ating estado ay pinakamahusay na nagtatrabaho kapag ang lahat ng mga Taga-California ay binibigyan ng magkakatulad na pagkakataon upang magtagumpay, anuman ang kanilang lahi, relihiyon, etnisidad o oryentasyong sekswal.

Sa tulong ninyo, ang mga Demokratiko ay magpapatuloy na bumuo ng matatapang, malilikhaing solusyon upang matugunan ang mga hamon ng pareho ng estado at ating bansa.

Mangyaring bisitahin kami sa www.cadem.org upang makakuha ng karagdagang kaalaman.

California Democratic Party John L. Burton, Tagapangulo 1401 21st Street, #200 Sacramento, CA 95811

E-mail: [email protected] Website: www.cadem.org Facebook: facebook.com/cadems Twitter: @CA_Dem

Page 22: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

22 | Li s tahan ng mga Kandidato para sa Pambuong-e s tadong Inihahala l na Katungkulan

MGA BOLUNTARYONG LIMITASYON SA PAGGASTA SA KAMPANYA PARA SA MGA KANDIDATO PARA SA PAMBUONG-ESTADONG INIHAHALAL NA KATUNGKULANSa batas ng California ay kabilang ang mga boluntaryong limitasyon sa paggasta para sa mga kandidatong tumatakbo para sa pambuong-estadong katungkulan (hindi pederal na katungkulan). Ang mga kandidato para Gobernador, Tenyente Gobernador, Kalihim ng Estado, Kontroler, Ingat-yaman, Pangkalahatang Abugado, Komisyonado ng Seguro, Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo, at Lupon ng Tagasingil ng Buwis na pumiling panatilihin ang kanilang mga gastos sa kampanya na nasa ilalim ng tinukoy na dolyar na halaga ay maaaring bumili ng espasyo sa pambuong-estadong patnubay na impormasyon para sa botante para sa isang pahayag ng kandidato na hanggang 250 salita.

Sa listahan sa ibabaw, ang isang asterisko (*) ay nagtatalaga sa isang kandidato na tumanggap ng mga boluntaryong limitasyon ng California sa paggasta sa kampanya at, dahil dito, ay makakapili na bumili ng espasyo para sa isang pahayag ng kandidato sa patnubay sa botante na ito. Ang ilang karapat-dapat na kandidato ay pumili na hindi bumili ng espasyo para sa isang pahayag ng kandidato. Ang mga pahayag ng kandidato ay nasa mga pahina 24–39.

Ang limitasyon sa paggasta para sa mga kandidatong tumatakbo para Gobernador sa Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-3 ng Hunyo, 2014 ay $8,166,000.

Ang limitasyon sa paggasta para sa mga kandidatong tumatakbo para Tenyente Gobernador, Kalihim ng Estado, Kontroler, Ingat-yaman, Pangkalahatang Abugado, Komisyonado ng Seguro, at Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo sa Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-3 ng Hunyo, 2014 ay $5,444,000.

Ang limitasyon sa paggasta para sa mga kandidatong tumatakbo para sa Lupon ng Tagasingil ng Buwis sa Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-3 ng Hunyo, 2014 ay $1,361,000.

Bisitahin ang http://cal-access.sos.ca.gov para sa mga detalye tungkol sa mga pinansiyal na kontribusyon para sa mga labanang ito.

Ang sumusunod na listahan ng mga kandidato para sa pambuong-estadong inihahalal na katungkulan ay pangkasalukuyan hanggang Ika-10 ng Marso, 2014—ang katapusan ng panahon ng pagpapakita sa publiko na iniaatas para sa Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante. Para sa pangwakas na listahan ng mga kandidato, pumunta sa www.sos.ca.gov/elections/elections_cand.htm.

Gobernador* Akinyemi Agbede Demokratiko* Richard William Aguirre Republikano* "Bo" Bogdan Ambrozewicz Walang Kinakatigang Partido* Andrew Blount Republikano Edmund G. "Jerry" Brown Demokratiko* Janel Hyeshia Buycks Walang Kinakatigang Partido* Glenn Champ Republikano Rakesh Kumar Christian Walang Kinakatigang Partido* Tim Donnelly Republikano Neel Kashkari Republikano* Joe Leicht Walang Kinakatigang Partido* Robert Newman Walang Kinakatigang Partido* Luis J. Rodriguez Luntian* Cindy L. Sheehan Kapayapaan at Kalayaan Alma Marie Winston Republikano

Tenyente Gobernador David Fennell Republikano* Jena F. Goodman Luntian Amos Johnson Kapayapaan at Kalayaan* Eric Korevaar Demokratiko* Ron Nehring Republikano Gavin Newsom Demokratiko* Alan Reynolds Mga Amerikanong Naghahalal George Yang Republikano

Page 23: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Lis tahan ng mga Kandidato para sa Pambuong-e s tadong Inihahala l na Katungkulan | 23

MGA BOLUNTARYONG LIMITASYON SA PAGGASTA SA KAMPANYA PARA SA MGA KANDIDATO PARA SA

PAMBUONG-ESTADONG INIHAHALAL NA KATUNGKULANKalihim ng Estado* Roy Allmond Republikano* Derek Cressman Demokratiko* David Curtis Luntian* Jeffrey H. Drobman Demokratiko* Alex Padilla Demokratiko* Pete Peterson Republikano* Dan Schnur Walang Kinakatigang Partido* Leland Yee Demokratiko

Kontroler* Tammy D. Blair Demokratiko* David Evans Republikano John A. Pérez Demokratiko Ashley Swearengin Republikano* Laura Wells Luntian* Betty T. Yee Demokratiko

Ingat-yaman* Ellen H. Brown Luntian* John Chiang Demokratiko Greg Conlon Republikano

Pangkalahatang Abugado* Ronald Gold Republikano* John Haggerty Republikano Kamala D. Harris Demokratiko* Jonathan Jaech Libertaryan David King Republikano* Orly Taitz Walang Kinakatigang Partido Phil Wyman Republikano

Komisyonado ng Seguro* Ted Gaines Republikano* Nathalie Hrizi Kapayapaan at Kalayaan* Dave Jones Demokratiko

Lupon ng Tagasingil ng Buwis Distrito 1* Chris Parker Demokratiko* George Runner Republikano

Lupon ng Tagasingil ng Buwis Distrito 2* Fiona Ma Demokratiko* James E. Theis Republikano

Lupon ng Tagasingil ng Buwis Distrito 3* Jerome E. Horton Demokratiko

Lupon ng Tagasingil ng Buwis Distrito 4* Lewis Da Silva Republikano* Diane L. Harkey Republikano* Shirley Horton Republikano* John F. Kelly Republikano* Nader Shahatit Demokratiko Van Tran Republikano

Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo* Lydia A. Gutiérrez Di-partidista* Tom Torlakson Di-partidista* Marshall Tuck Di-partidista

Page 24: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

24 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO BATAY SA KATUNGKULAN★ GOBERNADOR ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang punong tagapagpaganap na opisyal, nangangasiwa sa karamihan ng mga kagawaran at ahensiya ng estado at naghihirang ng mga hukom.

• Nagmumungkahi ng mga bagong batas at nag-aaproba o nagbebeto ng batas.• Naghahanda at naghaharap ng taunang badyet ng estado.• Nagpapakilos at namamatnugot sa mga ginagamit ng estado sa panahon ng mga emerhensiya.

ROBERT NEWMAN P.O. Box 8446 (909) 798-1101 Walang Kinakatigang Partido Redlands, CA 92375 [email protected] newman4governor.org

Ako ay kumakandidato para gobernador. Ako ay galit sa tiwali, walang-kakayahang pagnanakaw at pang-aabuso ng pamahalaan; at sa mga partidong pampulitika na sumusuporta rito. Ang California ay may pinakamataas na porsiyento ng mga taong naninirahan sa kahirapan. Ang bilang ng walang trabaho at marahas na krimen ay mas mataas kaysa pangkaraniwan sa bansa; ang ating mga antas ng buwis ay kabilang sa mga pinakamataas sa bansa; ang ating mga paaralan ay kabilang sa mga pinakamasama. Saka, ang nakakalumpong kapaligiran ng pangangasiwa ay nag-aalis ng mga negosyo, kaya gumagarantiya ng masamang hinaharap. Nararapat tayo sa mas mabuti. Ang aking plataporma—ang Rebolusyon ng California—ay nagpoprotekta sa kapangyarihan ng estado, nagtataas ng suweldong naiuuwi sa bahay, nagpapanatili ng mga pensiyon, nagbabalik ng mga paaralan sa lokal na kontrol, nagbibigay sa mga magsasaka ng mas maraming tubig, nagbabawas ng mga buwis, nagbabawas ng mga regulasyon, nagbabalik ng mga karapatang iginagarantiya ng saligang-batas—kabilang ang mga karapatan sa baril—at ginagawa ang pamahalaan na mas maliit, episyente, at mas mababa ang gastos. Ako ay maka-Diyos, maka-buhay, maka-pamilya.

TIM DONNELLY 5850 Oberlin Dr., Suite 240 (760) 933-8460 Republikano San Diego, CA 92121 [email protected] www.electtimdonnelly.com

Ako ay isang Makabayan hindi isang Pulitiko. Noong dumating ako sa California sa edad na 19 na may $300 sa aking bulsa, ang California ay lupa ng pagkakataon. Ang tanging limitasyon sa inyong mga pangarap ay ano ang maiisip ninyo at gaano kasipag na nakahanda kayong magtrabaho. Sa loob ng isang dekada pinakasalan ko ang isang kahanga-hangang babae sa California, biyuda na may dalawang bata pang anak na lalaki; magkasama kaming nagpalaki ng 5 anak na lalaki at sinimulan ang isang matagumpay na negosyo ng pagyari. Naglingkod ako ng 8 taon sa komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-aaral ng Bibliya at kurso sa kasanayan sa buhay sa isang kampong bilangguan. Nararanasan ko ang pangarap na California hanggang ang mapang-aping mga regulasyon ay nagtulak sa aking mga parokyano palabas ng estado at nagbagsak sa aking negosyo. Ang isang lalong lumalaking pamahalaan ay naging pinakamalaking banta sa ating hinaharap. Gusto kong bumalik ang aking estado; gusto kong bumalik ang aking kalayaan. Gusto ko ng isang pamahalaan na kokontrolin ang sarili sa halip na magtangkang kontrolin ako. Narito ang isang resipe sa pagbabalik ng pagkakataon para sa lahat ng mga Taga-California. Bilang Gobernador, ang gagawin ko ay: Ibeto ang lahat ng mga bagong kabawalan sa inyong negosyo, inyong kalayaan, at inyong karapatang sibil na iginagarantiya ng saligang-batas. Huwag kailanman magharap ng isang badyet na gagasta ng higit sa natatanggap natin. Tratuhin ang mga trabaho tulad ng pagtrato natin sa mga nanganganib na uri—protektahan ang mga ito sa anumang paraang kailangan. Lumaban para ibaba ang mga antas ng buwis para sa lahat ng masisipag na Taga-California. Tapusin ang maagang pagpapalaya sa bilanggo at protektahan ang publiko laban sa mararahas na maninila. Repormahin ang edukasyon sa pamamagitan ng pag-uuna sa ating mga bata. Kapag ang pamahalaan ay nadaragdagan, ang kalayaan ay nababawasan. Kapag ang pamahalaan ay lumalaki, ang pagkakataon ay lumiliit. Manindigan para sa California! Ibalik natin ang pagmamalaki sa estadong mahal natin.

LUIS J. RODRIGUEZ P.O. Box 328 (818) 898-0013 Luntian San Fernando, CA 91341 [email protected] http://rodriguezforgovernor.org/

Isipin ang isang bagong California. Bilang gobernador aalisin ko ang pamamayani ng korporsyon at itutugma ang mga kakayahan upang tapusin ang kahirapan; baguhin ang magastos at hindi mabisang sistema ng bilangguan sa pamamagitan ng batay-sa-ebidensiya na paglunas, paggamot, pagsasanay para sa trabaho, at nagpapanumbalik na mga gawain ng hustisya; libreng mahusay na edukasyon at pangangalagang pangkalusugan; at daan sa sining at kultura sa bawat kapitbahayan. Ito'y posible: Malusog at umuunlad na mga komunidad para sa lahat. www.rodriguezforgovernor.org

Page 25: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 25

★ GOBERNADOR ★ IPINAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

"BO" BOGDAN AMBROZEWICZ (530) 575-7454 Walang Kinakatigang Partido [email protected] www.boambroz.com

Independiyente: Di-partidista, Pinag-iisa ang mga Taga-California. "Bo,'' Tagadisenyo, tagapagtayo, 35 taong karanasan. Nandayuhan sa California sa edad na 10. Mga karapatan ng mga babae at minorya. Walang mga bayad ang mga bagong negosyo sa unang taon. 25% kabawasan sa bayad para sa mga kasalukuyang negosyo. Pabilisin ng 50% ang pagbaba ng halaga sa pamumuhunan sa negosyo. Bawasan ng 50% ang buwis sa ari-arian. Bawasan ng 50% ang mga permiso sa pagtatayo. Pawalang-bisa ang buwis sa sunog. Bawasan ng 25% ang matrikula sa kolehiyo. Planong diskuwento ng nakatatanda. Reporma sa Imigrasyon. Pawalang-bisa ang tunel ng tren at tubig upang lutasin ang isyu sa tubig. Iba pang mga mungkahi: www.boambroz.com.

RICHARD WILLIAM AGUIRRE (619) 961-8676 Republikano [email protected] aguirreforgovernor.comaguirreforgovernor.com

ANDREW BLOUNT 25473 Nellie Gail Road (949) 342-6398 Republikano Laguna Hills, CA 92653 [email protected] www.andrewblount.com

Mahal ko ang California! Dalawampung taon na ang nakalipas lumipat ako sa California na may $17 at pag-asa na magkakaroon ng mas mabuting buhay. Ang California ay nag-alay sa akin ng kalayaan na magtayo ng isang negosyo ng programa ng kompyuter, magpalaki ng pamilya, at maglingkod bilang Alkalde ng Lunsod ng Laguna Hills. Bawat taon, ang aking asawang si Michelle at ako ay nagsasagawa ng Pagtatanghal ng mga Ilaw ng Pasko ng Pamilya Blount at inililibot ang libu-libo sa aming bahay, nagbabahagi ng mga kuwento ng mga pamilya, pangarap, buhay, at pakikibaka. Mula sa agrikultura hanggang sa teknolohiya, marami sa pinahahalagahan ng Amerika ay nagsisimula rito. Ang California ay hindi katulad ng ibang mga estado. Tayo ay nangangarap ng mas malaki, nagpapalaki tayo ng mas malaki, at nagtatayo tayo ng mas malaki. Gayon din ang hinihingi ko sa inyo. Sa diwang iyon, tinahak ko ang naiibang landas . . . isang landas ng Taga-California. Sa buong halalang ito, hindi ako humingi ng inyong pinaghirapang pera, kundi ng inyo lamang boto upang ihalal akong Gobernador. Ang California ay hindi ipinagbibili at ang halalan ding ito. Kung kayo ay naniniwala na ang inyong kita ay dapat lumaki nang mas mabilis kaysa inyong mga gastos, iboto po ako. Kung kayo ay naniniwala na ang mga paaralan ay dapat magturo ng mga kasanayang maikukuha ng trabaho, iboto po ako. Kung kayo ay naniniwala na ang kolehiyo ay napakamahal, iboto po ako. Kung kayo ay naniniwala na ang lahat ng masisipag na babae at lalaki ay dapat magkaroon ng pantay na pagkakataon upang magkaloob para sa kanilang mga pamilya at makaipon ng sapat para sa pagreretiro, iboto po ako. Matuwa! Lahat ng mga Taga-California ay nagtataglay ng kailangan upang matupad ang kadakilaan na nasa loob nating lahat. Gawin natin ang kasaganaan na katotohanan ngayon. www.andrewblount.com.

JOE LEICHT 316 Encino Lane, Unit A [email protected] Walang Kinakatigang Partido San Clemente, CA 92672 www.joeforgov.org

Bilang isang independiyente, ako ay bukod-tanging nasa kalagayan upang magtrabahong kasama ng mga lider ng parehong partido upang ibalik ang California sa tamang direksiyon. Sa pagboto sa akin, kayo ay magpapadala ng malakas na mensahe sa parehong partido na kayo ay umaasa, hindi, humihingi pala ng mga resulta. Magkakasama magagawa nating magtayo ng California na hinahangad natin. Upang makakuha ng karagdagang kaalaman, bisitahin ang www.joeforgov.org.

CINDY L. SHEEHAN 2124 Kittredge St. #104 (916) 905-5167 Kapayapaan at Kalayaan Berkeley, CA 94704 [email protected] http://www.cindy2014.org

Ako ay nagtatalaga ng sarili sa lahat ng mga tao ng California. Magkakasama tayong magtrabaho upang lumikha ng isang payapa, masagana, at malinis na kapaligiran at maipagpapatuloy na Estado na may mataas na uri ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan para sa lahat, nakakabuhay na mga suweldo, at pagkontrol ng komunidad sa mapang-abusong mga pulis at mga bilangguan. Nangangako akong buwisan ang napakayaman upang tapusin ang kahirapan. Magparehistro sa Partidong Kapayapaan at Kalayaan.

GLENN CHAMP P.O. Box 310 (559) 855-2817 Republikano Tollhouse, CA 93667 [email protected] www.champforgovernor.com

Ako ang tanging kandidato na mag-aayos ng gusot sa pamamagitan ng pagpapanagot ng mga inihahalal na opisyal sa Saligang-batas na magpapabuti ng ating ekonomiya. www.champforgovernor.com

Page 26: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

26 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ TENYENTE GOBERNADOR ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Umaako ng katungkulan at mga tungkulin ng Gobernador sa kaso ng pagsasakdal, pagkamatay, pagbibitiw, pagtanggal sa katungkulan, o pagkawala sa estado.

• Naglilingkod bilang presidente ng Senado ng Estado at may botong kailangan sa pagsira ng tablang boto.

• Nagsisilbing tagapangulo ng Komisyon sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan, isang miyembro ng Komisyon sa mga Lupa ng Estado, at umuupo sa mga lupon ng mga sistema ng unibersidad ng California.

RON NEHRING [email protected] Republikano www.ronnehring.com

Ang California ay tahanan ng pinakamalikhain at pinakamasipag na mga tao sa mundo, pero tayo ay dinurog ng matataas na buwis at kawalan ng trabaho, at ng pinakamasamang klima ng negosyo ng bansa para sa mga trabaho. Isagawa natin ang mga Republikanong ideya at itakda ang malilinaw na priyoridad: Repormahin ang mga buwis upang gawing mas mababa, payak at patas ang mga ito; Limitahan ang paggasta ng pamahalaan; Magtakda ng matataas na pamantayan at ilipat ang kontrol sa edukasyon pabalik sa ating mga lokal na paaralan; Protektahan ang mga may-ari ng bahay at mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagsasanggalang sa Proposisyon 13 at panatilihing mababa ang mga buwis sa ari-arian; Protektahan ang ating mga kapitbahayan sa pamamagitan ng pagpapatigil sa maagang pagpapalaya ng mga mapanganib na kriminal; Ibasura ang maaksayang "napakabilis na tren" at magtayo ng impra-istruktura na nagpapabuti sa mga daan upang bawasan ang mga oras ng biyahe, at magdala ng tubig sa mga tao at mga bukid na nangangailangan nito. Magtatrabahong magkakasama, magagawa natin ito.

ALAN REYNOLDS www.facebook.com/reynolds4california [email protected] Mga Amerikanong Naghahalal Twitter: @alansreynolds www.alansreynolds.com

"Tayong mga Tao." Hindi: Pagiging Partidista, mga Korporasyon, mga Espesyal na Interes. Responsibilidad sa Pananalapi, Katarungang Panlipunan, Pananagutan ng Pamahalaan. Nakapokus sa Pamilya/Komunidad, nawalan ng trabaho, nadarama ko ang sakit na nadarama ninyo. Pragmatismo, Integridad, Pagkadiretso, "Di-Pulitiko." Hindi Republikano/Demokratiko, tulad ng karamihan, kaunti ng pareho, maraming nasa pagitan. 1.3 Milyon na Taga-California ang pumirma sa mga petisyon (kandidato hindi partido) para sa Inobasyong pampulitika. Kadalubhasaan ng California? Inobasyon. Ang Tenyente Gobernador ay hindi nagpapalit ng kawkus ng partido. Nangungunang 2 na Primarya. Karapat-dapat sa Inobasyon? Mga tagasuporta: www.modernwhig.org, www.reformparty.org, www.alansreynolds.com

ERIC KOREVAAR 1720 Torrey Pines Rd. (858) 692-0459 Demokratiko La Jolla, CA 92037 [email protected] www.voteforeric.com

Bilang isang siyentistang may Ph.D. sa halip na isang pulitiko ang karera, magdadala ako ng kailangang mga kakayahan sa pagsusuri at bagong pag-iisip sa Sacramento. Habang magkasabay na isang ama ng mga bata pang anak at isang matagumpay na empresaryo na umaasa sa mahusay na kasanayan sa pamamahala ng pera, matatag akong naniniwala na ang pagpopondo para sa mga guro sa silid-aralan at mas mataas na edukasyon ay dapat mamayani sa halip ng sobrang paggasta sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Dahil dito, upang magpakita ng halimbawa ng pagpipigil sa pananalapi para sa ibang mga opisyal ng estado, babawasan ko ng 50% ang mga tauhan at badyet ng Tenyente Gobernador at hindi tatanggap ng pensiyon. Bilang isang Tenyente Gobernador, karamihan ng aking lakas ay ilalaan sa paglaban para sa inyong mga karapatan sa episyente at mahusay gumasta na pamahalaan. Matapat ko pong hinihiling ang inyong boto at inaasahan ang pagdinig sa inyong mga ideya.

Page 27: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 27

★ KALIHIM NG ESTADO ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang punong opisyal ng estado sa mga halalan, nangangasiwa sa mga pambuong-estadong halalan at nagkakaloob ng daan ng publiko sa impormasyon tungkol sa pananalapi ng kampanya at paglolobi.

• Sumusuporta sa negosyo ng California sa pamamagitan ng pagrerehistro at pagpapatunay ng mga partikular na uri ng mga negosyo at tatak-pangkalakal, pinangangasiwaan ang mga notaryo publiko, at binibigyan ng kakayahan ang mga may-seguridad na may-pautang na protektahan ang kanilang mga pinansiyal na interes.

• Nangangalaga sa kasaysayan ng California sa pamamagitan ng pagkuha, pagsanggalang, at pagbahagi ng mga makasaysayang kayamanan ng estado.

• Nagrerehistro ng mga domestikong pagsasama at mga maagang tagubilin sa pangangalagang pangkalusugan, at nagpoprotekta sa mga pagkakakilanlan ng mga biktima ng karahasan sa tahanan at iba pang mga karapat-dapat sa mga kompidensiyal na tirahan.

JEFFREY H. DROBMAN 2586 Northlake Circle (818) 590-1603 Demokratiko Westlake Village, CA 91361 [email protected] http://drjeffsoftware.com/candidates/drobman

Gawin ang Pagboto na mas . . . Madaling Gawin, Maginhawa, Ligtas at may Protektadong Online na Pagboto sa Internet. Bumoto Kahit Saan, Kahit Kailan, sa Kahit Anong Kagamitan. https://www.facebook.com/drobman.candidate.calsos

ROY ALLMOND 915 L Street #C234 (916) 761-2568 Republikano Sacramento, CA 95814 [email protected] runroyrun.org

Hinihingi ko po ang inyong boto sa akin, at ipagmamalaki ninyo ito. . . . may matatag na pag-asa sa proteksiyon ng Maykapal, ipinangangako ko sa inyo ang aking Buhay, aking Yaman, at ang aking sagradong Dangal! Matapat na sumasainyo, Roy Allmond. [email protected], [email protected]. #Article5

ALEX PADILLA 969 Colorado Blvd., Suite 104 (818) 253-9140 Demokratiko Los Angeles, CA 90041 [email protected] www.alex-padilla.com

Alam ni Alex Padilla kung paano tumawid sa mga linya ng partido upang magawa ang mga bagay, nagtatrabahong kasama ang parehong partido upang magpasa ng higit sa 80 batas mula sa pagpapabuti ng edukasyon hanggang sa pagprotekta sa mga pasyente. Siya ay nagtanggol sa napapanibagong enerhiya, kaya bago lumampas ang 2020, isang-ikatlo ng kuryente ng California ay manggagaling mula sa mga napapanibago. Ang mga bumbero, opisyal ng pulisya, at nars ay sumusuporta kay Padilla dahil siya ay nakalaang panatilihing ligtas ang ating mga komunidad, nagpapasa ng batas upang pagbawalan ang mga nakagawa ng pagkakasala na bumili ng baluti ng katawan. Bilang Kalihim ng Estado, magiging ganoon din kabisa si Alex Padilla. Tutulungan niya ang mga negosyo na lumikha ng mga trabaho. Ang mga negosyo ay naghintay ng maraming buwan para sa pag-aproba mula sa Kalihim ng Estado upang simulan ang mga pagpapatakbo. Titiyakin ni Padilla na ang mga bagong negosyo ay maaaring magharap ng aplikasyon online at magsimulang magpatakbo sa loob ng 5 araw ng trabaho. Siya ay magsasamoderno ng pagboto upang makaboto tayo kapag at kung saan maginhawa. Si Padilla ay magbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan, bibisita sa mga mataas na paaralan sa buong California upang himukin ang mga 18 taong gulang na magparehistro at bumoto. Si Padilla ay sumusuporta sa lingguhang pag-uulat ng mga kontribusyon sa kampanya, upang alam ng mga botante kung sino ang nagpopondo sa mga kampanya. Si Padilla ay magsusuri sa opisina ng Kalihim ng Estado upang tiyakin na ang pera ng nagbabayad ng buwis ay ginagasta nang matalino, episyente, at nakakakuha ng mga resulta. Siya ay magtatrabaho upang ibalik ang Batas sa mga Karapatan sa Pagboto upang ang bawat mamamayan ay makaboto nang walang pananakot. Anak ng mga imigrante, si Alex Padilla ay nakatanggap ng iskolarsip sa Instituto ng Teknolohiya ng Massachusetts, nagtapos na may digri sa inhinyeriya. At alam ni Alex Padilla na ang pamahalaan ay hindi nagtataglay ng lahat ng mga sagot. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay bibisita sa lahat ng 58 county ng California upang makipagtagpo sa mga botante, mga lokal na opisyal, at mga lider ng komunidad. Gusto ni Alex na makarinig mula sa inyo: [email protected].

Page 28: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

28 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ KALIHIM NG ESTADO ★ IPINAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

PETE PETERSON 19528 Ventura Blvd., Suite 507 (323) 450-7536 Republikano Los Angeles, CA 91356 [email protected] www.petesos.com

Ako ay kumakandidato para Kalihim ng Estado upang magkaloob sa mga Taga-California na ating unang "Punong Opisyal sa Pagpapalahok," pinamumunuan ang paglaban upang gawin ang pamahalaan ng California na mas matugunin, mas malinaw, at mas nananagot sa mga botante at maliliit na negosyo. Makaranasang Lider: Bilang Tagapagpaganap na Direktor ng Instituto ng Pampublikong Patakaran ng Davenport sa Unibersidad ng Pepperdine, ako ay nakapaglakbay sa buong estado sa pagsasanay at pagsangguni sa mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng mas mahusay na mga proseso at teknolohiya upang pabutihin ang sibikong paglahok sa California. Papanagutin ang mga Pulitiko: Ang Sacramento ay naging tagahubog ng mga pulitikong gumagamit ng kanilang kapangyarihan upang tumaas sa hagdang pampulitika sa halip na lumutas ng mga problema. Habang ako ay hindi isang pulitiko, ang aking natatanging buod ng nakamit ay naghanda sa akin para sa partikular na katungkulang ito. Dadalhin ko ang aking karanasan sa sibikong paglahok at karera sa pribadong sektor sa tuwirang pagbebenta sa Sacramento upang itaas ang may-kaalamang paglahok, habang pinoprotektahan ang integridad ng ating kahon ng balota. Ibalik ang mga Trabaho at mga Negosyo: Ang California ay nawalan ng mas maraming trabaho kaysa alinmang ibang estado mula nang magsimula ang resesyon. Ito ang isa sa pinakamahirap na mga estado upang magsimula o magpaunlad ng maliit na negosyo. Gagamitin ko ang aking karanasan sa teknolohiya upang mabigyan ng kakayahan ang online na paghaharap ng aplikasyon para sa negosyo, ipatupad ang isang 48-oras na pinakamatagal na panahon para sa pagpaparehistro ng negosyo, at lalaban upang bawasan ang mapagmalabis na Buwis sa prankisya ng Negosyo ("Bayad sa LLC"). Magtatanong din ako sa mga negosyong umaalis sa estado taun-taon at ihahayag sa publiko ang impormasyong iyon. Ang pamahalaan ay gumagana kapag ito ay nananagot sa mga mamamayan nito. Mapagkumbaba ko pong hinihingi ang inyong boto upang maihatid ko ang pagbabagong ito.

DAN SCHNUR P.O. Box 984 (424) 209-2936 Walang Kinakatigang Partido Willows, CA 95988 [email protected] http://www.4schnur.com

Nang dumating ako sa Sacramento apat na taon na ang nakalipas upang maglingkod bilang Tagapangulo ng Komisyon sa mga Wastong Patakarang Pampulitika ng California, nangilabot ako sa nakita ko doon. Ang paglikom ng pondo para sa kampanya ay hindi makontrol. Ang mga mambabatas ay hihingi sa mga espesyal na interes ng mga kontribusyon sa kampanya at saka hahangos sa Kapitolyo upang bumoto sa pagbabatas na pinakikinabangan ng mga interes na ito. Ang Sacramento ay naging isang tiwaling kulturang pampuitika kung saan ang isang senador ng estado ay sumasailalim sa imbestigasyon ng FBI para sa panunuhol at ang isa pa ay napatunayang nagkasala ng walong bilang na peloni sa pandaraya ng botante at pagbibigay ng hindi totoong sinumpaang pahayag. Ang pareho ng mga Demokratiko at Republikano ay tumangging ayusin ang gusot na ito. Bilang inyong di-partidistang Kalihim ng Estado, maninindigan ako laban sa parehong partido at lalaban upang ipagbawal ang lahat ng mga paglikom ng pondo ng mga pulitiko sa panahon ng pambatasang sesyon habang bumoboto sa mga panukalang-batas na nakakaapekto sa inyo at sa inyong mga pamilya. Pipilitin ko ang mga mambabatas na gawin ang trabahong inihalal sila na gawin—pagkatawan ang inyong mga interes—bago sila makalikom ng pera para sa kanilang susunod na mga kampanya. Ang umpire ay hindi dapat magsuot ng uniporme ng Dodgers o Giants, at ang ating punong opisyal sa mga halalan ay hindi dapat kasapi ng alinmang partidong pampulitika. Iyon ang dahilan kung bakit ako ay kumakandidato bilang isang independiyenteng di-partidistang kandidato para Kalihim ng Estado—dahil ang pulitika ay napakahalaga upang iwan sa mga pulitiko. Samahan ako sa paglaban upang ipasa ang mahihigpit na batas laban sa katiwalian, mag-atas ng mas malakas na mga tuntunin para sa pagsisiwalat at kalinawan sa paglikom ng pondo para sa kampanya, itaas ang pagtuturo ng sibiko sa ating mga paaralan, at gawing mas madali para sa masisipag na Taga-California na magbukas ng maliliit na negosyo at lumikha ng mga trabaho. Magkakasama, mapapagana nating muli ang pulitika.

DAVID CURTIS www.votedavidcurtis.org Luntian

Alisin ang pera sa pulitika sa pamamagitan ng pagtustos ng publiko sa kampanya. Dapat isama sa mga talakayang pampulitika ang lahat ng mga kandidato. Tapusin ang nangungunang-dalawa na primarya. Itatag ang ayon sa proporsiyon na pagkatawan sa loob ng mga distritong maraming puwesto. Ibalik ang ating mga kalayaang sibil. Tapusin ang pagmamanman at pagmimina ng mga datos. Ang mga negosyo ay dapat magpabuti sa ating kapaligiran at magbayad ng mga nakakabuhay na suweldo. Tatakan ang mga GMO, gawing legal ang marihuwana, sarhan ang mga plantang nukleyar, ipagbawal ang haydraulikong pagbasag, at umalis mula sa mga gatong na labi ng halaman o hayop. Iboto po si David Curtis.

Page 29: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 29

★ KALIHIM NG ESTADO ★ IPINAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

DEREK CRESSMAN 1787 Tribute Rd., Suite K (916) 538-4564 Demokratiko Sacramento, CA 95815 [email protected] www.derekcressman.com

Ako ay kumakandidato para Kalihim ng Estado upang matiyak na ang inyong boto ay napapakinabangan ng California. Ang mga tinig ng mga tao ay hindi dapat malunod ng mga korporasyon o mga bilyonaryo. Nang ang mapaglihim, labas-ng-estado na mga grupo ay nagpasok ng $11 milyon sa mga halalan ng California noong 2012, pumito ako at nakakuha ng rekord na mga multa para sa dalawang pangharap na grupo sa ugnayang pampulitika ng malaking pera ng Koch Brothers. Kailangan nating alisin sa pulitika ang pera ng korporasyon, hindi lamang muling magpatakda ng mga tagalikom ng pondo. Pagkaraan ng 19 na taon ng propesyonal na pagtatrabaho sa di-partidistang mga organisasyon para sa mabuting pamahalaan na tulad ng Common Cause, mas marami ang aking karanasan sa pamamahala at patakaran sa halalan kaysa sinumang ibang kandidato. Itutulak ko na pawalang-bisa ang mga pasiya ng Korte Suprema na nagsasabi na ang pera ay malayang pagsasalita at ang mga korporasyon ay may mga karapatan ayon sa saligang-batas. Ang mga korporasyon ay hindi mga tao. Ang mga ito ay hindi lumalanghap ng ating hangin o nagpapadala ng mga anak sa paaralan—at pipigilan ko ang mga ito sa pakikialam sa ating mga halalan. Bilang isang pambansang lider sa reporma sa Common Cause, bumuo ako ng mga panukala sa balota na ipinasa ng 3 mula sa 4 na botante sa Los Angeles at San Francisco na nananawagan sa Kongreso na pawalang-saysay ang Citizens United at ipagbawal ang paggasta ng korporasyon sa kampanya. Ako ay mahigpit na bantay na kailangan ng mga botante sa California upang manindigan laban sa mga espesyal na interes, ilantad ang mga SuperPAC, at protektahan ang integridad ng ating mga halalan. Bilang Kalihim, papahusayin ko itong Patnubay na Impormasyon para sa Botante sa pormang digital na may mga online video mula sa bawat kandidato at mabilis na pagsisiwalat ng mga kontribusyon sa kampanya. Kukumpletuhin ko ang ginagawa ni Kalihim Bowen na isamoderno ang ating mga sistema ng pagpaparehistro ng botante at pagpaparehistro ng negosyo. Mangyaring iboto si Derek Cressman para Kalihim ng Estado.

LELAND YEE P.O. Box 22607 [email protected] Demokratiko San Francisco, CA 94122 itsyourcalifornia.org

May mga estado na nagpapasa ng mga batas ngayon upang gawing mas mahirap na bumoto. Ang California minsan ay isang lugar na tulad niyon. Pero inilipat ng mga Taga-California ang ating estado mula sa isang lugar ng di-pagsasama patungo sa isang lugar ng pagsasama. Isinulat ko ang batas na nagbigay sa 911,145 na karagdagang Taga-California ng kakayahang magamit ang ating demokrasya sa pamamagitan ng online na pagpaparehistro para makaboto. Ito'y inyong California. Itsyourcalifornia.org ay ang aming kilusan upang iparehistro ang isang milyon pang Taga-California. Ginagawa ng aplikasyon na itsyourcalifornia.org ang inyong smartphone na isang lugar ng pagpaparehistro ng botante upang bigyan ng kapangyarihan ang inyong mga kaibigan, kamag-aral, at pamilya. Magagawa ninyong i-download ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa itsyourcalifornia.org. Sa pagkuha ng personal ng responsibilidad at paggawa ng ating bahagi, ginagawa natin ang California na isang mas mahusay na lugar. Noong si Sarah Palin ay binayaran upang magsalita sa Unibersidad ng Estado ng California, isiniwalat ko kung saan nanggaling ang pera at nag-akda ng isang batas upang patigilin ang mga ahensiya ng pamahalaan sa pagtatago kung paano ginagasta ang inyong mga dolyar ng buwis. Ito'y inyong California. Lumaban ako upang tapusin ang diskriminasyon laban sa mga imigranteng estudyante ng kolehiyo upang ang mga DREAMer na ito ay makapagsikap para sa Amerikanong Pangarap. Ito'y inyong California. Magkakasama naipanalo natin ang pakikibaka para sa kapantayan sa pagpapakasal. Ito'y inyong California. Ikinararangal ko ang aking 100% rekord sa Planned Parenthood; aking rekord na maka-kapaligiran; at ang aking sentido kumon na rekord ng pagpapatupad ng batas. At tayo ay nagtagumpay sa pagtataas sa wakas na nakakahiya sa kababaan na pinakamababang suweldo. Marami pa tayong dapat gawin. Sa ilalim ng Saligang-batas, ang trabaho ng Kalihim ng Estado ay bigyan ng kapangyarihan ang mga Taga-California na pamahalaan ang California, upang igarantiya ang mga patas na halalan, ihantad ang mga espesyal na interes, at pigilan ang katiwalian. Ako ang Demokratiko na kakatawan sa lahat. Umaasa akong maging inyong Kalihim ng Estado.

Page 30: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

30 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ KONTROLER ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang punong opisyal sa pananalapi ng estado, naglilingkod bilang tagapagtuos at tenedor-de-libro ng lahat ng mga pampublikong pondo.

• Ipinatutupad ang sistema ng pasahod ng estado at mga batas sa mga ari-ariang walang umaangkin.• Naglilingkod sa maraming lupon at komisyon kabilang ang Lupon ng Tagasingil ng Buwis at ang

Lupon ng Kontrol.• Nagsasagawa ng mga pagsusuri at pagrepaso ng mga gawain ng estado.

LAURA WELLS P.O. Box 10181 (510) 225-4005 Luntian Oakland, CA 94610 [email protected] www.laurawells.org

Bangko ng Estado. Buwisan ang napakayaman hindi ang 99%. May mga solusyon para sa mahusay na edukasyon, ekonomiya, pangangalagang pangkalusugan, kapaligiran, pero ang mga ito ay hindi ipatutupad ng mga pulitikong tinutustusan ng korporasyon. Kung sila ay manalo, talo kayo. Ako ay isang aktibistang pampulitika na may higit sa 20 taong karanasan sa IT/Teknolohiya ng Impormasyon sa mundo ng pananalapi. Bumoto ng Hindi sa mga kandidato ng Pera ng Korporasyon, kabilang ang Laura Wells para Controller at Ellen Brown para Ingat-yaman.

DAVID EVANS P.O. Box 2227 (760) 382-8031 Republikano California City, CA 93504 [email protected] www.evans4controller2014.com

Pinakakuwalipikado para Kontroler.

BETTY T. YEE 381 Bush Street, Suite 300 (415) 692-3556 Demokratiko San Francisco, CA 94104 [email protected] www.bettyyee.com

Kailangan natin ang isang Kontroler na lalaban upang sarhan ang mga butas sa buwis ng espesyal na interes at pagbayarin ang malalaking korporasyon ng kanilang makatarungang kabahagi. Kailangan natin si Betty Yee. Kailangan natin ang isang Kontroler na magdadala ng mahihigpit na disiplina sa pananalapi sa pamahalaan ng estado, maglilingkod bilang bantay ng pananalapi para pigilan ang maling paggasta at pag-aaksaya. Kailangan natin si Betty Yee. Bilang isang miyembro ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis, si Betty Yee ay nagsasanggalang sa ating mga dolyar ng buwis sa pamamagitan ng pagsalungat sa maaksayang paggasta, pagtukoy sa mga mandaraya sa buwis na iniiwasan ang kanilang mga obligasyon, at pagpapakita ng kalinisan tungkol sa hindi pinopondohang mga liabilidad. Si Betty Yee ay namuno sa mga pagsisikap na usigin ang palihim na ekonomiya kung saan ang mga walang-prinsipyong negosyo ay nakakapinsala sa mga nagbabayad ng buwis na masunurin sa batas. Siya ay nagdala ng mas malaking kalinawan at pananagutan sa Lupon, ginawa itong mas matugunin sa mga nagbabayad ng buwis at mga manghahalal. Siya ay nagtrabaho upang pagbayarin ng buwis ang mga online na magtitingi sa mga benta sa California, tulad ng ginagawa ng ibang mga mangangalakal sa Main Street; upang magkaloob na mas malaking kita sa buwis para sa mga magkabiyak na magkapareho ang kasarian; at upang isapanahon ang mga tuntunin sa batas upang itaguyod ang magagandang trabaho sa isang luntiang ekonomiya. Si Betty Yee ay isang pambihirang lubos na kuwalipikado at kinikilalang eksperto sa mga badyet ng estado at patakaran sa pananalapi. Siya ay may Digring Master sa Pampublikong Pangangasiwa at naglingkod bilang Punong Kinatawang Direktor para sa Badyet sa Kagawaran ng Pananalapi ng California. Si Betty Yee ay inirerekomenda nang may pagmamalaki para sa Kontroler ng Pederasyon ng mga Guro ng California, Kapisanan ng mga Nars ng California, Pambansang Organisasyon para sa mga Babae (NOW) ng California, at ni Dolores Huerta, ka-tagapagtatag ng United Farm Workers of America. Si Betty Yee ay magiging isang Kontroler ng Estado na lalaban para sa mga pamilya ng California. Para sa karagdagang impormasyon: www.bettyyee.com.

Page 31: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 31

★ INGAT-YAMAN ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang bangkero ng estado, pinamamahalaan ang mga pamumuhunan ng estado.• Pinangangasiwaan ang pagbebenta ng mga bono at papel de bangko ng estado, at siya ang opisyal sa

pamumuhunan para sa karamihan ng mga pondo ng estado.• Nagsisilbing tagapangulo o naglilingkod sa maraming komisyon, karamihan ng mga ito ay may-

kaugnayan sa pagbebenta ng mga bono.• Binabayaran ang mga pondo ng estado kapag ginasta ng Kontroler at ng ibang mga ahensiya ng estado.

ELLEN H. BROWN 26375B Oak Highland Dr. (661) 252-8773 Luntian Newhall, CA 91321 [email protected] ellenbrown4treasurer.org

Ako ay isang awtor, abugada, presidente ng Public Banking Institute, at isang kandidato na may subok na plano na ibalik ang California sa kakayahang magbayad at kasaganaan. Ang kariwasaan sa pamamagitan ng pag-aari ng publiko na mga bangko ay naipakita na sa mundo sa daang-daang taon. North Dakota, ang tanging estado ng U.S. na may sariling bangko, ay may pinakakaunting utang ng estado at pinakakaunting mga pagkaremata at walang trabaho sa bansa. Bilang isang ingat-yaman, magtatrabaho ako upang buhayin ang panukalang-batas sa pampublikong pagbabangko ng California na ipinasa ng parehong kapulungan noong 2011. Ang isang bangkong pag-aari ng publiko ay maaaring magbawas ng 30% sa mga gastos sa pagtustos, makukuhang muli ang malalaking halagang ibinabayad ngayon sa interes para sa mga proyektong impra-istruktura na nakakalikha ng trabaho at mga serbisyo sa publiko. Panahon na upang makalaya mula sa kasino ng Wall Street at lumikha ng sariling bangko—na may mga kita patungo sa mga tao! Tingnan ang www.publicbanksolution.com.

JOHN CHIANG [email protected] Demokratiko electjohnchiang.com

Si Kontroler ng Estado John Chiang ay ang independiyenteng bantay ng California na nagsasanggalang sa ating mga dolyar na buwis. Bilang ating susunod na Ingat-yaman ng Estado, ipagpapatuloy ni John Chiang ang kanyang trabaho upang gawin ang paggasta ng pamahalaan na mas malinaw at nananagot. Si John Chiang ay nakapagtipid ng bilyun-bilyong dolyar ng mga nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagtanggal sa pag-aaksaya, pandaraya, at pang-aabuso. Ginamit ni John Chiang ang kanyang awtoridad sa pagsusuri upang matukoy ang halos $7 bilyon na mga dolyar ng nagbabayad ng buwis na inaaksaya o maling pinamamahalaan. Pagkatapos ng mga iskandalo sa Lunsod ng Bell, inilagay ni John Chiang ang mga suweldo online, upang tulungan ang mga residente na matukoy ang mga pang-aabuso. Si John Chiang ay nakapagbalik ng $2.7 bilyon na pera at $181 milyon na sapi sa milyun-milyong residente na pinagkakautangan ng pera ng mga bangko at mga korporasyon. Si John Chiang ay nagpasimula ng mga pagsusuri ng 40 kompanya ng seguro sa buhay at nangunguna sa pagtatapos ng pambuong-industriya na gawain na hindi pagbabayad ng mga benepisyo sa pagkamatay sa mga humahawak ng polisa at mga benepisyaryo. Ang kanyang pakikipag-ayos sa 18 kompanya ng seguro ay nag-atas na ibalik nila ang $267 milyon na hindi binayarang mga benepisyo sa mga Taga-California at $2.4 na bilyon sa buong bansa. Si John Chiang ay isang lider sa reporma sa pensiyon at etika. Tinanggal niya ang pagtataas ng pensiyon at nagtatrabaho upang malutas ang nagbabantang krisis ng estado sa hindi pinopondohang mga gastos na medikal para sa mga retirado ng estado. Ang opisina ni John Chiang ay nagkakaloob ng libreng tulong sa mga nakatatanda at mga nagtatrabahong pamilya, nakapagtitipid para sa kanila ng milyun-milyong mga pagsasauli at mga kredito ukol sa buwis. Siya ay punong-abala ng mga libreng seminar upang tulungan ang maliliit na negosyo at mga di-nagtutubong organisasyon na dumaan sa mga masalimuot na regulasyon sa buwis. Si John Chiang ay ating tagapagtanggol sa pamahalaan ng estado. Panatilihin si John Chiang na lumalaban para sa atin, bilang susunod na Ingat-yaman ng Estado ng California. www.electjohnchiang.com.

Page 32: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

32 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ PANGKALAHATANG ABUGADO ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang punong opisyal na pambatas ng estado, tinitiyak na ang mga batas ng estado ay magkakatulad at sapat ang pagpapatupad.

• Pinamumunuan ang Kagawaran ng Hustisya, na responsable sa pagkakaloob ng mga serbisyong pambatas sa estado at suporta para sa pagpapatupad ng lokal na batas.

• Umaaktong punong tagapayong pambatas sa paghahabla ng estado.• Pinangangasiwaan ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, kabilang ang mga abugado ng distrito at

mga siyerip ng county.

ORLY TAITZ 29839 Santa Margarita, Ste. 100 (949) 683-5411 Walang Kinakatigang Partido Rancho Santa Margarita, CA 92688 [email protected] runorlyrun.com

Dr. Orly Taitz, Esq. ay isang lisensiyadong abugada at isang lisensiyadong doktora sa CA, isang negosyante, 27 taon nang maybahay, at ina ng 3 anak na lalaki. Hangad ni Taitz na pagtibayin ang mga karapatang pangsaligang-batas at sibil ng mga Taga-California. Bilang isang AG, si Taitz ay gagawa ng mga sumusunod: pagpapawalang-bisa ng pag-eespiya ng NSA sa mga mga mamamayan ng CA na masunurin sa batas; pagpapawalang-bisa ng paggamit ng NSA sa Google, Facebook, Yahoo at iba pa bilang kasangkapan sa labag sa saligang-batas na pagtitipon ng mga datos sa mga mamamayan ng CA, gayon din sa mga kandidato para sa katungkulan, inihahalal na opisyal, at hukom; pagpapawalang-bisa ng labag sa saligang-batas na nagdidiskriminang buwis sa Obamacare na ipinapataw sa ilan sa mga mamamayan ng CA at tinatalikdan para sa mga korporasyon; tulong sa may-ari ng bahay at may-pautang mula sa nabawing mga nalikom sa utang sa bahay sa halip ng pagdadala ng mga pondo sa mga kroni, nakaasintang pangingikil, at pamumuwersa; pagpapawalang-bisa ng mga utos ng EPA na susumira sa mga negosyo at agrikultura sa CA at nagkakait sa estado ng tubig na lubhang kailangan sa pagsasaka; pagpapawalang-bisa sa CA ng mga tadhana ng mga kasunduan sa kalakalan, tulad ng TPP, TAFTA, NAFTA, WTO-GATT, na nagkakait sa mga mamamayan ng gawain at proteksiyong pangkapaligiran, gayon din ng mga trabaho, suweldo, at benepisyo; pagpapawalang-bisa ng mga tadhana ng NDAA na nagpapahintulot ng walang-katiyakan na pagkabilanggo nang walang paglilitis; pagpapawalang-bisa ng hindi pinopondohan na mga pederal na utos na nagbabangkarote sa mga negosyo at estado; tapusin ang pandaraya sa mga halalan; tanggalin ang walang-bisang mga pagpaparehistro ng botante mula sa mga tipunan ng mga datos; maghangad ng pagkalehitimo ng mga kandidato; usigin ang mga opisyal ng estado na binabalewala ang lahat ng ebidensiyang dinala ng mga tagapagpatupad ng batas at mga eksperto, na nagpapakita na si Obama ay mamamayan ng Indonesia, gumawa ng sertipiko sa Piling Serbisyo, gumawa ng sertipiko ng kapanganakan at isang numero ng Seguridad Sosyal ng CT, na bumagsak sa pareho ng E-verify at SSNVS.

JONATHAN JAECH 3200 E. 3rd St. [email protected] Libertaryan Los Angeles, CA 90063 www.jaech.info

Sundin ang Batas sa mga Karapatan, kabilang ang Ika-2 Susog. Protektahan ang ating pagkapribado. Tapusin ang pagbabawal sa marihuwana. Walang parusang kamatayan. Usigin ang maling gawain ng pulis. Tapusin ang pag-aalis ng yamang sibil.

JOHN HAGGERTY 1400 Coleman Ave., Suite C-21 (408) 988-2019 Republikano Santa Clara, CA 95050 [email protected] www.electjohnhaggertyattorneygeneral.com

Binabati ko po kayo! Gaya ng alam ninyo, kailangan natin ng isang Pangkalahatang Abugado na aktibong magpoprotekta sa atin laban sa krimen at ipagtatanggol ang Saligang-batas ng ating estado. Ang California ay nag-aatas sa Pangkalahatang Abugado nito na gawin ang mga bagay na ito. Bilang Pangkalatahang Abugado, si John Haggerty ay masiglang: 1) lalaban sa anumang higit pang mga pagkaantala sa paggamit ng parusang kamatayan ng ating estado; 2) lalabanan ang kasalukuyan, hindi katanggap-tanggap na mga antas ng karahasan at pagnanakaw sa ating estado, magpopokus sa mga resulta, hindi sa mga pagdadahilan; 3) ipagtatanggol ang mga batas na pinagtibay sa paraang demokratiko ng California, kabilang ang mga Proposisyon 8, 13, at 209, laban sa lahat ng mga habla; 4) sasalungatin ang labag sa batas na imigrasyon; 5) pamumunuan ang mabisa, pambuong-estadong mga kampanya laban sa pang-uumit sa tindahan at agresibong bagansiya; 6) magtatrabaho nang malapit sa bawat ahensiya ng pamahalaan, at sa publiko sa kabuuan, upang pabutihin ang pangangasiwa ng hustisya sa lahat ng dako ng ating estado; at 7) susuportahan ang karapatan ng mga tao ng California na bumuo ng dalawang bagong estado—Northern California at Southern California—kung piliin nila ito. Bilang isang abugado sa California mula noong 1987, at bilang isang mamamayan, si John Haggerty ay masipag na nagtrabaho upang: panatilihin ang parusang kamatayan ng ating estado bilang isang mabisang panghadlang laban sa mga buktot na mamamatay-tao; tapusin ang pabaligtad na diskriminasyon sa ating pamahalaan; limitahan ang mga takdang panahon ng mga pulitiko; pabutihin ang mga tagubilin sa lupon ng mga tagahatol ng California; isulong ang mga karapatan ng mga beterano; palawakin ang mga mapipili ng magulang sa edukasyon; protektahan ang hindi pa naisisilang na mga bata; at ipagtanggol ang kasal bilang pinakamahusay na paraan ng pagkakaloob sa mga bata ng hindi mapapalitang suporta ng kanilang ama at ina. Ikararangal ni John Haggerty na higit pang maglingkod sa California. Sa Ika-3 ng Hunyo, 2014, mangyaring bumoto upang ihalal si John Haggerty bilang Pangkalahatang Abugado.

Page 33: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 33

★ KOMISYONADO NG SEGURO ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Nagbabantay at nangangasiwa sa lahat ng mga tungkulin ng Kagawaran ng Seguro.• Naglilisensiya, kumokontrol, at nagsusuri sa mga kompanya ng seguro.• Sumasagot sa mga tanong at reklamo ng publiko tungkol sa industriya ng seguro.• Nagpapatupad ng mga batas sa seguro ng California at nagpapatibay ng mga regulasyon upang ipatupad

ang mga batas.

TED GAINES [email protected] Republikano www.tedgaines.com

Bilang isang ahente ng seguro ng pamiya sa nakalipas na 30 taon, kinailangan kong labanan ang mga kompanya ng seguro sa ngalan ng aking mga kliyente. At bilang isang inihahalal na opisyal, kinailangan kong labanan ang burukrasya ng pamahalaan sa ngalan ng aking mga manghahalal. Bilang inyong Komisyonado ng Seguro, lalaban ako upang protektahan ang mga mamimili habang nagdadala ng kompetisyon at pag-unlad na pangkabuhayan sa pamilihan ng seguro ng California. Ang mas maraming kompetisyon ay nangangahulugan ng mas maraming mapipili at mas mahusay na mga presyo para sa mga mamimili, pero sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno nito, ang Kagawaran ng Seguro ng California ay naging isang galit na burukrasya na nagtataboy sa mga kompanya palabas ng ating estado. Kasabay nito, napakaraming pandaraya at pang-aabuso sa ating pamilihan ng seguro. Bilang Komisyonado ng Seguro, ako ay magtatrabaho upang itaas ang mga parusa sa krimen para sa pandaraya at agresibong uusigin ang mga nambibiktima ng mga nakatatanda at ating mga pinakamahinang mamamayan. Pero mayroon ding malaking pang-aabuso sa sistema ng seguro—pang-aabuso na maaaring hindi krimen pero ginagastusan din ng mga mamimili ng milyun-milyong dolyar. Ang halaga ng seguro sa ating estado ay napakataas, at ang di-gaanong mahalaga na mga habla ay malaking bahagi ng dahilan. Bilang Komisyonado ng Seguro, ibabagsak ko ang pang-aabuso sa habla at lalabanan ang mga abugado ng paglilitis at ang kanilang mga tagalobi sa Sacramento. Ang Komisyonado ng Seguro ay may tungkulin na protektahan ang mga mamimili at magtaguyod ng isang klima ng negosyo na magpapabuti sa ekonomiya ng ating estado at lilikha ng mas maraming trabaho. Makakagawa tayo ng mas mahusay. Magalang ko pong hinihingi ang inyong boto sa Ika-3 ng Hunyo. Mangyaring bisitahin ang tedgaines.com para sa karagdagang impormasyon.

DAVE JONES 915 L Street #C124 (916) 349-4236 Demokratiko Sacramento, CA 95814 [email protected] www.davejones2014.com

Apat na taon na ang nakalipas, inihalal ng mga Taga-California si Dave Jones bilang Komisyonado ng Seguro upang lumaban para sa mga mamimili at papanagutin ang mga kompanya ng seguro. Si Dave Jones ay nakapagtipid para sa mga mamimili ng $1.4 na bilyon sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga presyo ng seguro ng awto at may-ari ng bahay. Kailangan natin ang isang Komisyonado ng Seguro na may katapangan, integridad, at kalayaan upang lumaban para protektahan ang mga mamimili. Kailangan natin si Dave Jones. Si Dave Jones ay tumatangging tumanggap ng mga kontribusyon o mga regalo mula sa mga kompanya ng seguro. Siya ay nagtrabaho upang magkaloob ng segurong pangkalusugan sa milyun-milyong di-nakasegurong mga Taga-California. Siya ay naglabas ng mga regulasyon upang patigilin ang mga tagasegurong pangkalusugan sa pagtatangi laban sa mga taong may naroon nang mga kondisyon. Inatasan niya ang mga tagasegurong pangkalusugan na saklawan ang mga batang autistiko. Si Jones ay nangunguna sa paglaban upang kontrolin ang mga pagtaas ng hulog sa segurong pangkalusugan. Noong ang mga kompanya ng seguro ay nabigong magbayad sa mga benepisyaryo ng mga humahawak ng polisa na namatay, namuno si Jones sa pambansang imbestigasyon at nakakuha ng daan-daang milyon. Ang mga Taga-California ay nagbabayad ng mas malaki kapag ang mga mandaraya ay nanloloko sa mga kompanya ng seguro. Mula nang manungkulan si Jones, ang kanyang kagawaran ay nakagawa ng higit sa 2,000 pag-aresto para sa pandaraya. Si Jones ay nagpatibay ng mga regulasyon upang protektahan ang mga nakatatanda laban sa mga panloloko. At siya ay nag-imbistiga at tumulong na usigin ang mga kriminal na nambibiktima ng matatanda. Iginigiit ni Jones na ang mga tagaseguro ay bumili ng mga kalakal at mga serbisyo mula sa iba't ibang negosyo at may-kapansanang mga beterano ng California. Dapat ding isaalang-alang ngayon ng mga tagaseguro ang mga epekto ng pagbabago ng klima, salamat kay Dave Jones. Si Jones ay nakatulong sa higit sa 100,000 mamimili na may mga reklamo tungkol sa kanilang mga kompanya ng seguro. Siya ay nakakuha ng $182 milyon para sa mga mamimili. Ang Pederasyon ng Mamimili ng California ay pinili sa Dave Jones na "Kampeon ng Mamimili." Si Komisyonado na Seguro Dave Jones ay lumalaban para sa atin. Iboto po si Demokatiko Dave Jones para Komisyonado ng Seguro. Bisitahin ang www.davejones2014.com.

NATHALIE HRIZI 2969 Mission St. (415) 821-6171 Kapayapaan at Kalayaan San Francisco, CA 94110 [email protected] www.hrizi2014.org

Ang mahusay na pangangalagang pangkalusugan ay dapat na karapatan ng lahat! Alisin ang mga kompanya ng seguro! Magparehistro sa Partidong Kapayapaan at Kalayaan.

Page 34: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

34 | Mga Dis t r i to ng Lupon ng Tagas ingi l ng Buwis

Mga Distrito ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis ng California

DelNorte

SiskiyouModoc

HumboldtTrinity

ShastaLassen

Mendocino

Plumas

ButteGlenn

Nevada

Placer

Sut

ter

SonomaNapa

Colusa

AlpineEl Dorado

Sacra

men

to

Lake

SolanoMarin

ContraCosta

SanJoaquin

Alameda

Amador

Calavera

s

San Francisco

San Mateo

Santa Cruz

Tuolumne

Merced

Mariposa

Madera

Stanisla

us

Fresno

Monterey

Mono

Tulare

Inyo

Kings

Kern

San Bernardino

Santa Barbara

Ventura Los Angeles

Riverside

San Diego Imperial

Orange

Sierra

Tehama

Yub

a

Yolo

SantaClara

SanBenito

San LuisObispo

Mga County sa Bawat Distrito ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis

Distrito 1Alpine, Amador, Butte, Calaveras, El Dorado, Fresno, Inyo, Kern, Kings, Lassen, Los Angeles, Madera, Mariposa, Merced, Modoc, Mono, Nevada, Placer, Plumas, Sacramento, San Bernardino, San Joaquin, Shasta, Sierra, Siskiyou, Stanislaus, Sutter, Tulare, Tuolumne, Yuba

Distrito 2Alameda, Colusa, Contra Costa, Del Norte, Glenn, Humboldt, Lake, Marin, Mendocino, Monterey, Napa, San Benito, San Francisco, San Luis Obispo, San Mateo, Santa Barbara, Santa Clara, Santa Cruz, Solano, Sonoma, Tehama, Trinity, Yolo

Distrito 3Los Angeles, San Bernardino, Ventura

Distrito 4 Imperial, Orange, Riverside,

San Bernardino, San Diego

Distrito 1Distrito 2Distrito 3Distrito 4

Page 35: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 35

★ LUPON NG TAGASINGIL NG BUWIS ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

Naglilingkod sa Lupon ng Tagasingil ng Buwis, ang inihalal na komisyon sa buwis ng estado, na:• Nangangasiwa sa pagpapatupad ng higit sa dalawang dosenang programa sa buwis at bayad kabilang

ang mga para sa pagbebenta at paggamit, sigarilyo at tabako, alkohol at mga gatong.• Naglilingkod bilang lupon sa paghahabol para sa mga kaso sa buwis sa kita at prankisya ng California.• Nangangasiwa sa paglalapat ng buwis sa ari-arian sa buong estado.

DISTRITO 1GEORGE RUNNER 43759 15th Street, West, PMB25 (916) 790-6075 Republikano Lancaster, CA 93534 [email protected] www.georgerunner.com

Bilang inyong inihalal na tagapagtaguyod ng nagbabayad ng buwis, ako ay nagtatrabaho araw-araw upang protektahan ang mga interes ninyo, ang nagbabayad ng buwis. Mula sa pagtatanggol sa Proposisyon 13 hanggang sa paglaban sa mga pagtaas ng buwis sa mga pamilya at negosyo sa California, matatag akong nanindigan laban sa mga espesyal na interes na gustong kumuha ng mas marami ng inyong pera. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga tagalaban na kaugnay ng buwis na tulad ng Howard Jarvis na Kapisanan ng mga Nagbabayad ng Buwis ay sumusuporta sa muling paghalal sa akin. Bilang isang negosyante, alam ko sa tuwirang karanasan na hindi madaling magnegosyo sa estadong ito. Ang mga patakaran sa buwis ng California ay dapat lumikha ng mas maraming pribadong sektor na mga trabaho sa ating estado, hindi hadlangan ang pamumuhunan. Nakakagawa tayo ng progreso. Nakikipagtulungan sa mga kasamahan, tinapos namin ang iniaatas ng pamahalaan na depositong panseguridad mula sa mga bagong negosyo, ibinalik ang daan-daang milyong dolyar sa kanilang mga tunay na may-ari sa halip na ipatali ang mga pondo sa isang kuwenta ng pamahalaan. Kasama ng ibang mga tagapagtaguyod ng nagbabayad ng buwis, nilalabanan namin ang hindi makatarungan at labag sa batas na "Bayad Ukol sa Sunog" na buwis na inaasinta ang mga may-ari ng bahay at mga nakatatandang mamamayan sa buong California. Ipapanalo namin ang labang iyon sa hukuman at ibabalik ang milyun-milyong dolyar sa mga nagbabayad ng buwis. Habang nasa Lehislatura, sa aking mga nagawa ay kabilang ang Batas ni Jessica, na lumikha ng pinakamahigpit na mga batas sa sekswal na maninila sa bansa. Inakda ko rin ang Alertong Amber ng California, na nagresulta sa halos 200 pagbabalik ng mga dinukot na bata sa kanilang mga magulang. Ikinararangal ko na matanggap ang inyong suporta. Bisitahin ang www.georgerunner.com upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa aking misyon na protektahan ang mga karapatan ng nagbabayad ng buwis at gawin ang pamahalaan ng California na mas matugunin at nananagot sa inyo.

CHRIS PARKER P.O. Box 161527 (916) 538-9833 Demokratiko Sacramento, CA 95816-1527 [email protected]

Isang taong sanay sa buwis para sa lupon ng buwis ng California, makatwiran lamang.

Page 36: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

36 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ LUPON NG TAGASINGIL NG BUWIS ★ IPINAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

DISTRITO 2FIONA MA 1032 Irving Street #908 (415) 845-5450 Demokratiko San Francisco, CA 94122 [email protected] www.fionama.com

Bilang inyong Miyembro ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis, magtatrabaho ako upang lumikha ng mga trabaho at pasiglahin ang ating ekonomiya. Ako ay unang naging interesado sa serbisyo sa publiko bilang isang may-ari ng maliit na negosyo at isang Sertipikadong Pampublikong Tagapagtuos na nagtataguyod para sa mga lokal na negosyo. Pagkaraan ng higit sa 20 taon, dadalhin ko ang aking etika sa trabaho at praktikal, subok na rekord sa Lupon ng Tagasingil ng Buwis upang lumaban para sa mga nagbabayad ng buwis sa California. Bawat taon, ang California ay hindi nakakasingil ng walong bilyong dolyar mula sa palihim na ekonomiya. Ang kawalang ito ng kita ay nakakasakit sa masisipag na Taga-California sa pamamagitan ng kulang na pagtustos sa mga programang serbisyo sa publiko at hinahadlangan ang pagbangon ng ating ekonomiya. Gagamitin ko ang aking mga taon ng pagsusuri ng mga kompanya at aking pagkaunawa sa kung paano bumasa at magbigay-kahulugan sa mga pahayag ukol sa pananalapi upang pabagsakin ang pandaraya at kulang na pag-uulat ng mga buwis na umaagaw ng bilyun-bilyon sa California. Ako ay naglingkod bilang Komisyonado sa ating lokal na Lupon ng mga Apela sa Pagtasa at duminig ng mga apela sa buwis sa ari-arian, nahalal bilang Superbisor ng San Francisco, at, bilang isang miyembro ng Asembleya ng Estado ng California, nag-akda ako ng maraming panukalang-batas sa buwis upang tulungan ang mga negosyo na umunlad at manatiling may kakayahan ang California na makipagtagisan sa ibang mga estado. Natanggap ako ang aking Batsilyer ng Sining sa Pagtutuos, Master ng Agham sa Pagbubuwis, at isang Master ng Pangangasiwa ng Negosyo at lisensiyado sa California bilang isang Sertipikadong Pampublikong Tagapagtuos (CPA) mula noong 1992. Ang aking hangarin ay tulungan ang mga nagtatrabahong pamilya na umunlad sa ating ginintuang estado sa pamamagitan ng pagtiyak na ang California ay may isang patas at episyenteng sistema ng pagsingil ng buwis. Ikararangal ko na matanggap ang inyong boto sa Ika-3 ng Hunyo, 2014. Salamat po.

DISTRITO 3JEROME E. HORTON 6221 Overhill Blvd. (310) 402-4705 Demokratiko Los Angeles, CA 90043 [email protected] http://boardofequalizationjehorton.com

Sa mga mapanghamong panahong ito, naging isang kamangha-manghang pribilehiyo na maglingkod sa inyo bilang Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon (BOE), at nasa posisyon upang gamitin ang aking 36 na taon ng BOE, pambatasan, at pinansiyal na karanasan—kabilang ang 26 na taon sa Lupon ng Tagasingil ng Buwis, upang protektahan at paglingkuran ang mga Taga-California. Nagsimula ako sa Lupon bilang isang 18-taong-gulang na interno at mabilis na sumulong upang maging isang tagapayong Tagapagapaganap sa Batas sa Buwis sa Negosyo, bago sumama sa Lehislatura ng Estado ng California. Naglingkod ako sa huli sa Komisyon sa Tulong na Medikal ng California at Lupon sa Pamumuhunan ng Lakas Paggawa ng California, lumalaban upang pabutihin ang kakayahang makakuha ng pangangalagang pangkalusugan, mahuhusay na trabaho, at mga pagkakataong pang-edukasyon. Inihalal sa BOE noong 2010, bilang isang arkitekto ng Batas sa mga Karapatan ng Nagbabayad ng Buwis, sa panahon ng aking panunungkuan nakatulong kami sa 1.3 na milyong empresaryo na magbukas, magpanatili, at magpalaki ng kanilang mga negosyo at nangasiwa ng mas mataas sa $138 bilyong kita para sa pang-estado at lokal na mga serbisyo. Ang aking laban-sa-kriminal na mga inisyatibong pangnegosyo ay nakatulong na labanan ang Pagtrapiko ng Tao, umaresto ng 128 kriminal na nagpapatakbo nang labag sa batas, at tinanggal ang tone-tonelada at hindi malusog na mga produkto mula sa ating mga kalye. Ang aking Kampanya Laban sa Kahirapan ay tumulong sa libu-libong nagbabayad ng buwis sa California na mabawi ang milyun-milyong pagsasauli ng buwis at mga kredito at binigyan ng kapangyarihan ang mga di-nagtutubo na tumulong na labanan ang kahirapan. Ipinagmamalaki ko rin ang aking mga programang pag-interno na idinisenyo upang magkaloob sa ating mga kabataan ng mga pagkakataon para sa pagsasanay at pagtatrabaho. Upang malaman ang tungkol sa 32 karagdagang inisyatibo ni Horton at ibang mga tagapagdulot, mangyaring bisitahin ang http://boardofequalizationjehorton.com. Sa pagsasara, mangyaring samahan ang mga Guro, Bumbero, Nars, Pulis, Nagbabayad ng Buwis, at Maliliit na Negosyo sa California sa pagsuporta sa muling paghalal sa akin.

Page 37: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 37

★ LUPON NG TAGASINGIL NG BUWIS ★ IPINAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

DISTRITO 4NADER SHAHATIT 28793 Beattie St. (909) 440-8769 Demokratiko Highland, CA 92346 [email protected] electnadershahatit.com

"Iboboto kita." Ang pangakong ito ay naririnig ko mula sa mga Botante at mga kasamang manggagawa. Isang karangalan sa akin na maging kinatawan ninyo.

DIANE L. HARKEY 31878 Del Obispo #118; PMB106 (949) 240-6959 Republikano San Juan Capistrano, CA 92675 [email protected] www.dianeharkey.com

Bakit patuloy akong nakakatanggap ng pinakamataas na marka ng Howard Jarvis na Kapisanan ng mga Nagbabayad ng Buwis, Kamara de Komersiyo ng California, at ibang mga grupo na maka-negosyo, nagbabayad ng buwis, at kaligtasan ng publiko? Dahil, matagumpay kong inihantad ang pag-aaksaya, sinalungat ang pagtataas ng mga buwis, at nakapanalo ng mas maraming pagbabantay at pagkamabisa sa pamahalaan ng estado. Ang Lupon ng Tagasingil ng Buwis ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa paglinaw ng patakaran sa buwis, pag-aayos ng pagtatalo, at pagbibigay-kahulugan sa mga regulasyon. Ako ay magtatrabaho para sa inyo, mga tao, at mga negosyo, na nahahadlangan ng sobrang mapanghimasok at hindi episyenteng pamahalaan. Ang aking hangarin ay payak: tumulong sa mga tao at mga komunidad na umunlad at lumikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng pagpigil sa mga nakatagong pagtaas ng buwis, sobrang pagsusuri, paghahabla, at pumapatay-ng-trabaho na mga utos. Ang pagtutuon ng pansin sa mga patakaran na tumutulong at hindi humahadlang sa mga taong pinaglilingkuran, pagdami ng trabaho at pagtaas ng kita, pagbawas sa pag-aaksaya at utang ng pamahalaan. Sa Asembleya ng Estado, inihantad ko ang depektibong plano ng Napakabilis na Tren, mga nakatagong gastos sa mga programang Cap and Trade, nanalo ng pagbabantay, malalaking pagbabago sa programa, at pagpopondo para sa mga napakahalagang pangangailangan tulad ng kaligtasan ng publiko, edukasyon, transportasyon, habang nagtataguyod ng pag-iimbak ng tubig upang magprotekta laban sa pagkatuyot. Binuo ko ang aking propesyonal na karera sa pananalapi, tinutulungan ang mga tao at mga negosyo na makatawid sa kuskos balungos, lumilikha ng mga trabaho sa mga ikot ng maganda at masamang ekonomiya. Gusto ng mga Taga-California ng mga pagkakataon na magpalawak ng mga negosyo, kakayahang makakuha ng mga trabahong mahusay magpasuweldo, bigyan ng edukasyon at palakihin nang ligtas ang mga pamilya, at matupad ang isang maningning, protektadong hinaharap para sa mga nakatatanda, anak, at apo. Ang California ay maraming yaman ng kalikasan at tao. Ang 30 taon ko nang asawa at ako ay nagpalaki rito ng aming anak na babae at alam, sa magkasamang pagtatrabaho, na magagawa ng ating Ginintuang Estado na muling pamunuan ang bansa sa kasaganaan, pagkakataon, at kalidad ng buhay. Magalang ko pong hinihingi ang inyong boto.

Page 38: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

38 | Mga Pahayag ng Kandidato

★ SUPERINTENDENTE NG PAMPUBLIKONG PAGTUTURO (DI-PARTIDISTANG KATUNGKULAN) ★

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

• Bilang punong opisyal ng mga pampublikong paaralan, nagkakaloob ng patakaran at direksiyong pang-edukasyon sa mga lokal na distrito ng paaralan.

• Namamatnugot sa lahat ng mga tungkulin ng Kagawaran ng Edukasyon at nagpapatupad ng mga patakarang itinatag ng Lupon ng Edukasyon ng Estado.

• Naglilingkod bilang dahil-sa-ibang-katungkulan na miyembro ng mga namamahalang lupon ng sistema ng mas mataas na edukasyon ng estado.

• Nagtatrabaho sa komunidad na pang-edukasyon upang pabutihin ang pagganap sa akademiko.

MARSHALL TUCK 8885 Venice Blvd. (323) 332-9859 Los Angeles, CA 90034 [email protected] marshalltuck.com

Ang mga pampublikong paaralan ng California ay nangangailangan ng malalaking pagbabago upang ihanda ang mga estudyante na makipagtagisan sa isang pandaigdig na ekonomiya. Ang ating mga paaralan ay minamarkahan na ika-45 sa bansa sa pagbabasa at matematika—pero ang mga pulitiko sa Sacramento ay hindi nakagawa ng mga pagbabagong tutulong sa mga estudyante na magtagumpay. Sa California, ang mga pulitiko ay gumagawa ng napakaraming desisyon sa edukasyon, at ang burukrasya ng edukasyon ay may napakalaking kontrol sa mga lokal na paaralan. Ako ang tanging kandidato na may subok na rekord ng pagbangon sa mga nabibigong paaralan. Noong pamunuan ko ang isang grupo ng 17 pampublikong paaralan na naglilingkod sa 15,000 estudyante sa Los Angeles, itinaas namin ng 60% ang bilang ng mga nagtatapos. Ang ating malikhaing "Kolehiyo ng Magulang" ay naging isang pambansang huwaran para sa pagpapalahok sa mga magulang. At, sa nakalipas na 5 taon, ang ating mga paaralan ay minamarkahan na #1 sa pagpapabuti sa akademiko sa malalaking sistema ng paaralan ng California. Dati, namuno ako sa mga pagsisikap na magtatag ng 9 na bagong paaralan ng karta—binibigyan ang mga magulang ng mataas na uri ng mga panghalili sa mga nabibigong paaralan. Alam natin kung paano magturo sa mga bata. Pero kailangan nating alisin sa daan ang mga pulitiko. Ako ay magiging isang independiyenteng tagapagtaguyod para sa mga magulang at mga estudyante—hindi mga tagaloob na pampulitika. Una, babawasan ko ang burukrasya sa edukasyon at mga maaksayang programa upang maglagay ng mas maraming pera sa mga silid-aralan. Ikalawa, tutulong akong bigyan ang mga magulang ng mas malaking kontrol sa kanilang mga lokal na paaralan—at mas malaking tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ikatlo, magtatrabaho ako araw-araw upang matiyak na ang lahat ng mga estudyante ay makikinabang mula sa mabibisang guro at mga punong-guro at isang nakahanda-sa-kolehiyo na kurikulum. Mangyaring basahin ang aking plano sa www.marshalltuck.com. Ang ating mga paaralan ay nangangailangan ng malalaking pagbabago ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit kumakandidato ako para Superintendente ng Estado. Gumawa tayo nang mas mahusay para sa mga bata ng California.

TOM TORLAKSON P.O. Box 21636 (925) 386-6774 Concord, CA 94521 [email protected] www.tomtorlakson.com

Ang natutuhan ko bilang isang guro sa silid-aralan ay pumapatnubay pa rin sa akin ngayon bilang inyong superintendente: Ang mga desisyon tungkol sa ating mga dolyar ng buwis para sa edukasyon ay dapat gawin ng mga magulang, guro, at mismong mga paaralan, hindi ng mga pulitiko sa Washington o Sacramento. Bilang isang guro, ako ay itinutulak ng mga pinahahalagahan na iba doon sa mga tinitingan ang mga pampublikong paaralan bilang isang lugar para sa pribadong pakinabang. Iyon ang dahilan kung bakit, habang pinamamahalaan ang masasalimuot na isyu sa pananalapi na kinakaharap ng ating mga paaralan, nanindigan ako laban sa mga pagbawas sa edukasyon at para sa mga repormang naglalagay ng mas malaking kontrol pabalik sa mga kamay ng mga lokal na komunidad at mga paaralan. Alam ng mga guro na kailangan ng mga estudyante ng mga kasanayang magagamit nila sa tunay na mundo ng mga karera at kolehiyo. Iyon ang dahilan kung bakit pinalalawak namin ang pagsasanay para sa karera at teknikal na pagsasanay para sa mga estudyante ng mataas na paaralan. Alam din ng mga guro na maraming nangyayari pagkatapos ng araw sa paaralan. Iyon din ang dahilan kung bakit tumulong akong lumikha ng pinakamalaking sistema ng mga programang aktibidad pagkatapos ng oras ng paaralan sa bansa. At alam nating lahat na walang mas mahalaga kaysa kaligtasan ng ating mga anak. Iyon ang dahilan kung bakit sumulat ako ng mga batas na ginagawang mas ligtas ang mga paaralan, kabilang ang pagpigil sa sekswal na pang-aabuso ng bata. At patuloy akong magtatrabaho upang panatilihin ang mga droga, gang, at baril na malayo sa ating mga paaralan. Ang edukasyon ay nangangailangan ng pagtutulungan ng pangkat. Ipinagmamalaki ko na sinusuportahan ng iginagalang na mga tagapagtaguyod ng pagpapatupad ng batas na tulad ng Kapisanan ng mga Patrolya ng Haywey ng California, kasama ng mga nars, bumbero, at guro sa silid-aralan ng California. Marami pang dapat gawin upang matulungan ang lahat ng mga bata na makakuha ng edukasyon na nararapat sila. May paggalang, hinihingi ko po ang inyong suporta at inyong boto upang patuloy akong makapagtrabaho para sa ating mga estudyante at sa kanilang hinaharap.

Page 39: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Pahayag ng Kandidato | 39

★ SUPERINTENDENTE NG PAMPUBLIKONG PAGTUTURO (DI-PARTIDISTANG KATUNGKULAN) ★IPAGPAPATULOY

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag ay ipinasiya sa pamamagitan ng bunutan. Ang mga pahayag sa pahinang ito ay galing sa mga kandidato at ang katumpakan ay hindi sinuri. Ang bawat pahayag ay boluntaryong isinumite ng kandidato at nilimbag

sa gastos ng kandidato. Ang mga kandidatong hindi nagsumite ng mga pahayag ay maaaring maging kuwalipikadong lumitaw sa balota.

LYDIA A. GUTIÉRREZ P.O. Box 1274 (310) 503-0389 Lomita, CA 90717 [email protected] www.lydia4schools.com

Ang pag-uuna sa mga bata ay ang tagatulak na puwersa ng aking buhay—at aking kinahuhumalingan. Naniniwala ako na alam ng mga magulang, guro, at lokal na lupon ng paaralan kung ano ang pinakamabuti para sa tagumpay sa akademiko ng ating mga bata. Ang aking 25 taong karanasan bilang guro, 6 na taon sa Konseho ng Kapitbahayan, at dating tagapangasiwa ng himpapawid ay nagbibigay sa akin ng natatanging pananaw at pagkaunawa sa mga hinihinging pang-edukasyon para sa Ika-21 Siglo. Aking pangako: Tatapusin ko ang ipinag-uutos ng pederal na pamahalaan na pagsubok na naging dahilan upang isantabi ang mga malayang sining at magkaroon pa rin ng pananagutan sa akademiko. Magpapasok ako ng "napatunayan sa agham" na mga pamantayan na nagpapaunlad at angkop sa edad, kabilang ang mga espesyal na pangangailangan ng mga bata. Itutulak ko ang pagbabatas na nagpoprotekta sa mga bata laban sa mga sekswal na maninila at lilikha ng malulusog na alternatibo sa buhay ng gang. Igagarantiya ko na ang ating mga dolyar ng buwis ay gagamitin upang edukahan ang ating mga bata, tulad ng pagtuturo pagkatapos ng oras ng paaralan, sa pamamagitan ng paggawang malinaw ang mga paggasta ng pampublikong paaralan at mga paaralan ng karta. Titiyakin ko na sa "Kahandaan sa Kolehiyo at Karera" ay kabilang ang isang balanse ng sining, musika, at panitikan sa mga pangunahing akademiko, lumilikha ng isang pundasyon para sa malikhaing pag-iisip; dahil dito, ang bawat paaralan ay mag-aalay ng mga kasanayan sa buhay at bokasyonal na hanapbuhay upang ihanda ang mga estudyante para sa kalayaan pagkaraan ng pagtatapos. Panghuli, pagtitibayin ko ang katumpakan sa mga aklat-aralin sa lahat ng mga lugar ng nilalaman kabilang ang ating mga Tagapagtatag na Ama, ang Saligang-batas, at ang kasarinlan ng Estados Unidos ng Amerika. Ipinagmamalaki ko ang suporta ng mga magulang at lokal na mga guro sa silid-aralan sa buong California. Magkakasama, unahin natin ang mga bata! Ikararangal kong matanggap ang inyong tiwala.

Page 40: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

40 | Teks to ng mga Iminumungkahing Batas

TEKSTO NG MGA IMINUMUNGKAHING BATAS

PROPOSISYON 41Ang batas na ito na iminungkahi ng Panukalang-batas 639 ng

Asembleya ng Regular na Sesyon ng 2013–2014 (Kabanata 727, Mga Batas ng 2013) ay iniharap sa mga tao alinsunod sa mga tadhana ng Artikulo XVI ng Saligang-batas ng California.

Ang iminumungkahing batas na ito ay nagdaragdag ng mga seksiyon sa Kodigo sa Militar at mga Beterano; dahil dito, ang mga bagong tadhanang iminumungkahing idagdag ay nilimbag sa tipong italika upang ipabatid na ang mga ito ay bago.

IMINUMUNGKAHING BATAS

SEKSIYON 1. Ang Artikulo 5y (nagsisimula sa Seksyon 998.540) ay idinaragdag sa Kabanata 6 ng Dibisyon 4 ng Kodigo sa Militar at mga Beterano, upang mabasang:

Artikulo 5y. Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay

998.540. Ang artikulong ito ay dapat makilala at maaaring tawaging ang Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay.

998.541. (a) Ang California ay tahanan ng halos dalawang milyong beterano, higit sa alinmang ibang estado sa bansa, at sa pagtatapos ng mga digmaan sa Iraq at Afghanistan, ang isang ngayon pa lang nangyari na bilang ng mga beterano sa California ay babalik sa ating mga komunidad, marami ay nangangailangan ng pabahay, trabaho, paggamot sa kalusugan ng isip at droga, at rehabilitasyon ng katawan.

(b) Sa kasamaang-palad, nangunguna rin ang California sa bansa sa bilang ng walang-bahay na mga beterano, halos 25 porsiyento ng walang-bahay na mga beterano sa bansa ay naninirahan sa California, humigit-kumulang na 19,000 beterano. Alinsunod sa California Research Bureau, ang Los Angeles ay nangunguna sa bilang ng walang-bahay na mga beterano kasunod ang rehiyon ng San Diego na nasa ikatlo, at ang San Francisco Bay Area ay ikasiyam.

(c) Saka, ang mukha ng populasyon ng walang-bahay na mga beterano ng bansa ay nagbabago habang mas maraming mga beterano ng OIF/OEF ay palubog sa kawalan ng bahay at, lumalala, ang mga beteranong babae at ang kanilang mga anak ay bumubuo ng paraming bilang ng mga walang-bahay na demograpiko ng beterano.

(d) Sa mas mataas na bilang sa kanila ng sakit na tensiyon pagkatapos ng trauma, pag-abuso ng sabstance, at kawalan ng trabaho, gayon din ang mas mataas na bilang ng nangyayaring sekswal na trauma na nararanasan ng ating mga beteranong babae, ang kasalukuyang walang-bahay na mga beterano, kadalasan, ay pabalik-balik sa ating mga kulungan, ospital, at mga programa sa paggamot, di-angkop na kumukuha ng mga serbisyo nang hindi tumatanggap ng mga wastong serbisyo upang patatagin ang kanilang mga buhay.

(e) Ang Lehislatura ay dapat magsulong ng isang komprehensibo, pinag-uugnay, at mabisang-paggasta na paraan upang tugunan ang mga pangangailangan ng pabahay ng ating mga beterano. Ang naturang pagharap ay dapat gumamit ng pampubliko at pribadong mga kakayahan at pagtugmain din ang pabahay at mga serbisyo.

(f) Limang taon na ang nakaraan, ang mga Taga-California

ay lubusang nag-apirma ng kanilang pasasalamat sa ating mga beterano sa pamamagitan ng pag-aproba sa Proposisyon 12, isang siyam na raang milyong dolyar ($900,000,000) na pangkalahatang obligasyong bono na nilalayong tulungan ang mga beterano na bumili ng pang-isang pamilyang mga bahay, bukid, at naililipat na bahay sa pamamagitan ng CalVet Home Loan Program.

(g) Bilang resulta ng krisis na pangkabuhayan at paghina ng pabahay sa estado na sinamahan ng pagbabago ng mga demograpiko ng ating mga beterano, ang Farm and Home Loan Program, gaya ng inaprobahan ng Proposisyon 12, ay may malaking pagkukulang sa bilang ng mga nagpatala. Limang taon mula nang ipasa ito, ang buong siyam na raang milyong dolyar ($900,000,000) ay namamalaging hindi nagagasta gayon din ang isang bahagi ng limang daang milyong dolyar ($500,000,000) mula sa Proposisyon 32, na inaprobahan ng mga botante noong 2000.

(h) Samantala, ang pangangailangan ng mga beterano ng pangmaraming-pamilya na pabahay na abot-kaya, sumusuporta, at pansamantala ay namamalaging hindi natutugunan at ang pampubliko at pribadong mga tagapagdulot na nakahanda para sa mga layuning ito ay namamalaging hindi lubos na nagagamit.

(i) Ang mga botante ng California ay dapat gawaran ng pagkakataon na baguhin ang programa sa bono para sa mga beterano ng Proposisyon 12 upang mas mahusay na makatugon sa mga pangangailangan ng pabahay gayon din ng mga nagbabagong demograpiko ng kasalukuyang populasyon ng beterano.

(j) Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay ay gagawa ng pagbabago sa anim na raang milyong dolyar ($600,000,000) ng kasalukuyang mga pera ng bono ng Proposisyon 12 upang ipahintulot ang konstruksiyon at rehabilitasyon ng pangmaraming-pamilya na pabahay para sa mga beterano at unahin ang mga proyektong nagtutugma ng mga pabahay sa mga serbisyo. Kahit sa pagbabago nitong mga pera ng bono, ang batas ay magpapanatili pa rin sa higit sa kalahating bilyong dolyar para sa kasalukuyang CalVet Farm and Home Loan Program.

(k) Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay ay magpapalawak sa mga mapipili sa pabahay at serbisyo para sa mga beterano, may mabisang paggasta na gagamitin ang mga pampublikong dolyar, babawasan ang bilang ng walang-bahay na mga beterano at mga kasama nitong mga gastos ng publiko, at ilalagay ang California sa unahan ng mga pagsisikap ng ating bansa upang tapusin ang kawalan ng bahay ng mga beterano bago lumampas ang 2015.

998.542. (a) Ang Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado (Kabanata 4 (nagsisimula sa Seksiyon 16720) ng Bahagi 3 ng Dibisyon 4 ng Titulo 2 ng Kodigo ng Pamahalaan), gaya ng sinusugan sa pana-panahon, maliban kung itinatadhana dito, ay pinagtitibay para sa layunin ng pag-isyu, pagbebenta, at pagbabayad ng, at pagkakaloob ng paggalang sa, mga bonong ipinahintulot na iisyu ng artikulong ito, at ang mga tadhana ng batas na iyon ay kasama sa artikulong ito na waring nakalagay nang buo sa artikulong ito. Lahat ng mga pagtukoy sa artikulong ito sa "dito" ay tumutukoy sa pareho nitong artikulo at ng batas na iyon.

Page 41: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

Teks to ng mga Iminumungkahing Batas | 41

TEKSTO NG MGA IMINUMUNGKAHING BATAS PROPOSISYON 41 IPINAGPAPATULOY

(b) Para sa mga layunin ng Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado, ang Kagawaran ng mga Gawain ng mga Beterano ay itinalaga bilang lupon. Ang Kagawaran ng mga Gawain ng mga Beterano ay dapat tumupad ng mga tungkulin ng lupon sa pagsangguni sa Ahensiya ng Pagtustos sa Pabahay ng California at sa Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad.

998.543. Gaya ng pagkakagamit dito, ang mga sumusunod na katawagan ay may mga sumusunod na kahulugan:

(a) "Lupon" ay nangangahulugang ang Kagawaran ng mga Gawain ng mga Beterano.

(b) "Bono" ay nangangahulugang isang bono ng mga beterano, isang pangkalahatang obligasyong bono, inisyu alinsunod sa artikulong ito na nagpapatibay ng mga tadhana ng Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado.

(c) "Batas sa bono" ay nangangahulugang ang artikulong ito na nagpapahintulot ng pag-isyu ng mga pangkalahatang obligasyong bono ng estado at paggamit ng Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado sa pamamagitan ng pagtukoy.

(d) "Komite" ay nangangahulugang ang Komite sa Pagtustos sa Pabahay para sa mga Beterano, itinatag alinsunod sa Seksiyon 998.547.

(e) "Pondo" ay nangangahulugang ang Pondo ng Pabahay para sa mga Beterano, itinatag alinsunod sa Seksiyon 998.544.

998.544. (a) Ang mga bono na may kabuuang halaga na anim na raang milyong dolyar ($600,000,000), o ang halagang iyon na kailangan, hindi kabilang ang halaga ng alinmang nagsasauli ng bayad na mga bono, o ang halagang iyon na kailangan, ay maaaring iisyu at ibenta upang magkaloob ng pondong gagamitin para sa pagsasakatuparan ng mga layuning ipinahayag sa subdibisyon (b) at upang ibalik ang ibinayad ng Umiikot na Pondo sa Paggasta ng Pangkalahatang Obligasyong Bono alinsunod sa Seksiyon 16724.5 ng Kodigo ng Pamahalaan. Ang mga bono, kapag naibenta, ay dapat bumuo ng isang balido at may-bisang obligasyon ng Estado ng California, at ang buong pagtitiwala at kredito ng Estado ng California ay ipinangangako para sa napapanahong pagbabayad ng prinsipal ng, at interes sa, mga bono kapag ang prinsipal at interes ay dapat nang bayaran at mababayaran.

(b) Ang mga nalikom sa mga bono na inisyu alinsunod sa seksiyong ito ay dapat ihanda sa lupon para sa mga layunin ng paglikha ng isang pondo upang magkaloob na pangmaraming-pamilya na pabahay sa mga beterano at sa kanilang mga pamilya alinsunod sa Batas sa Bono ng 2014 para sa Pabahay sa mga Beterano at Pagpigil sa Kawalan ng Bahay (Artikulo 3.2 (nagsisimula sa Seksiyon 987.001)), at anumang kasunod na pagpapatibay ng batas na nagsususog sa batas na iyon o nagpapatibay o nagsususog sa anumang pamalit na batas para sa layuning magkaloob ng pabahay sa mga beterano at sa kanilang mga pamilya.

(c) Ang Lehislatura ay maaari, sa pana-panahon, sa pamamagitan ng boto ng mayoriya, na magsusog sa mga tadhana ng batas na ito para sa layuning pabutihin ang pagiging episyente, mabisa, at may-pananagutan ng programa, o para sa layuning isulong ang kabuuang mga hangarin ng programa.

(d) Ang mga nalikom sa mga bonong inisyu at ibinenta

alinsunod sa artikulong ito ay dapat ideposito sa Pondo ng Pabahay para sa mga Beterano, na sa pamamagitan nito ay nililikha.

998.546. Ang mga bonong ipinahintulot ng artikulong ito ay dapat ihanda, isagawa, iisyu, ibenta, bayaran, at tubusin gaya ng itinatadhana sa Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado (Kabanata 4 (nagsisimula sa Seksiyon 16720) ng Bahagi 3 ng Dibisyon 4 ng Titulo 2 ng Kodigo ng Pamahalaan), at lahat ng mga tadhana ng batas na iyon, maliban sa ang mga subdibisyon (a) at (b) ng Seksiyon 16727 ng Kodigo ng Pamahalaan, ay dapat pairalin sa mga bono at sa artikulong ito at isinasama sa artikulong ito na waring nakalagay nang buo sa artikulong ito.

998.547. Para sa layunin lamang na ipahintulot ang pag-isyu at pagbebenta alinsunod sa Batas sa Pangkalahatang Bono ng Estado ng mga bonong inawtorisa ng artikulong ito, ang Komite sa Pagtustos ng Pabahay para sa mga Beterano sa pamamagitan nito ay nililikha. Para sa mga layunin ng artikulong ito, ang Komite sa Pagtustos ng Pabahay para sa mga Beterano ay "ang komite" kung paano ang katawagang iyon ay ginagamit sa Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado. Ang komite ay binubuo ng Kontroler, Ingat-yaman, Direktor ng Pananalapi, Kalihim ng Negosyo, Mga Serbisyo sa mga Mamimili, at Pabahay, at Kalihim ng mga Gawain ng mga Beterano, o ng kanilang mga itinalagang kinatawan. Ang Ingat-yaman ay dapat maglingkod bilang tagapangulo ng komite. Ang isang mayoriya ng komite ay maaaring umakto para sa komite.

998.548. Ang komite ay dapat magpasiya kung kailangan o hindi o kanais-nais o hindi na mag-isyu ng mga bonong ipinahintulot alinsunod sa bahaging ito upang isakatuparan ang mga aksiyon na tinukoy sa Seksiyon 998.544 at, kung gayon, ang halaga ng mga bonong dapat iisyu at ibenta. Ang mga susunod na isyu ng mga bono ay maaaring ipahintulot at ibenta upang isakatuparan ang mga aksiyon nang progresibo, at hindi kailangan na ang lahat ng mga bonong ipinahintulot ay iisyu o ibenta sa anumang isang panahon.

998.549. Dapat na may singilin bawat taon at sa paraan at panahon na katulad ng pagsingil sa ibang kita ng estado, bilang karagdagan sa mga ordinaryong kita ng estado, na isang kabuuan ng halagang iniaatas upang bayaran ang prinsipal ng, at interes sa, mga bono bawat taon. Tungkulin ng lahat ng mga opisyal na inatasan ng batas ng tungkulin na nauukol sa pagsingil ng kita na gawin at gampanan ang lahat ng kailangan upang masingil ang karagdagang halaga.

998.550. Sa kabila ng Seksiyon 13340 ng Kodigo ng Pamahalaan, sa pamamagitan nito ay inilalaan mula sa Pangkalahatang Pondo sa Tesorerya ng Estado, para sa mga layunin ng artikulong ito, ang isang halaga na magiging kapantay ng mga sumusunod:

(a) Isang halagang kailangan taun-taon upang bayaran ang prinsipal ng, at interes sa, mga bonong inisyu at ibinenta alinsunod sa artikulong ito, kapag ang prinsipal at interes ay dapat nang bayaran at mababayaran.

(b) Ang halagang kailangan upang isakatuparan ang Seksiyon 998.551, inilalaan nang hindi isinasaalang-alang ang mga taon ng pananalapi.

998.551. Para sa mga layunin na isakatuparan ang

Page 42: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

41

42

42 | Teks to ng mga Iminumungkahing Batas

TEKSTO NG MGA IMINUMUNGKAHING BATAS PROPOSISYON 41 IPINAGPAPATULOY

artikulong ito, ang Direktor ng Pananalapi ay maaaring magpahintulot ng pagkuha mula sa Pangkalahatang Pondo ng isang halagang hindi hihigit sa halaga ng mga hindi pa naibebentang bono na ipinahintulot ng komite na ibenta para sa layunin na isakatuparan’ang artikulong ito. Anumang mga halagang kinuha ay dapat ideposito sa pondo. Anumang halagang inihanda sa ilalim ng seksiyong ito ay dapat ibalik sa Pangkalahatang Pondo mula sa mga nalikom na natanggap mula sa pagbebenta ng mga bono para sa layunin na isakatuparan ang artikulong ito.

998.552. Lahat ng perang idineposito sa pondo na galing sa hulog at natipong interes ng mga bonong naibenta, nang higit sa anumang halaga ng hulog na gamit upang bayaran ang mga gastos sa pag-isyu ng mga bono, ay dapat ireserba sa pondo at dapat ihanda para ilipat sa Pangkalahatang Pondo bilang isang kredito sa mga paggasta para sa interes ng bono.

998.553. Alinsunod sa Kabanata 4 (nagsisimula sa Seksiyon 16720) ng Bahagi 3 ng Dibisyon 4 ng Titulo 2 ng Kodigo ng Pamahalaan, lahat o isang bahagi ng gastos sa pag-isyu ng bono ay maaaring bayaran mula sa mga nalikom sa bono, kabilang ang anumang hulog na galing sa pagbebenta ng mga bono. Ang mga gastos na ito ay dapat ibahagi nang ayon sa proporsiyon ng bawat programang pinopondohan sa pamamagitan nitong batas sa bono.

998.554. Ang lupon ay maaaring humiling sa Lupon ng Pamumuhunan ng Pinagsama-samang Pera na umutang mula sa Kuwenta ng Pamumuhunan ng Pinagsama-samang Pera, kabilang ang ibang mga ipinahintulot na anyo ng pansamantalang pagtustos na kabilang ang, pero hindi limitado sa, pangkomersiyong papel, alinsunod sa Seksiyon 16312 ng Kodigo ng Pamahalaan, para sa mga layunin ng pagsasakatuparan ng artikulong ito. Ang halaga ng kahilingan ay hindi dapat humigit sa halaga ng mga hindi pa naibebentang bono na ipinahintulot ng komite, sa pamamagitan ng resolusyon, na ibenta para sa layunin na isakatuparan ang artikulong ito. Ang lupon ay dapat magsagawa ng anumang mga dokumento na iniaatas ng Lupon ng Pamumuhunan ng Pinagsama-samang Pera upang makuha at bayaran ang utang. Anumang mga halagang inutang ay dapat ideposito sa pondo na ilalaan ng lupon alinsunod sa artikulong ito.

998.555. Ang mga bono ay maaaring gawan ng pagsasauli alinsunod sa Artikulo 6 (nagsisimula sa Seksiyon 16780) ng Kabanata 4 ng Bahagi 3 ng Dibisyon 4 ng Titulo 2 ng Kodigo ng Pamahalaan, na bahagi ng Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado. Ang pag-aproba ng mga botante ng estado para sa pag-isyu ng bonong inilarawan sa artikulong ito ay kabilang ang pag-aproba ng pag-isyu ng anumang mga bonong inisyu upang gawan ng pagsasauli ang anumang mga bonong orihinal na inisyu sa ilalim ng artikulong ito o anumang mga naunang inisyung nagsasauling bono.

998.556. Sa kabila ng anumang ibang tadhana ng artikulong ito, o ng Batas sa Pangkalahatang Obligasyong Bono ng Estado, ang Ingat-yaman ay maaaring magpanatili ng nakahiwalay na mga kuwenta para sa pamumuhunan ng mga nalikom sa bono at para sa pamumuhunan ng mga kinita sa mga nalikom na ito. Ang Ingat-yaman ay maaaring gumamit o magtagubilin ng paggamit ng mga kinitang ito upang bayaran ang anumang diskuwento, multa, o ibang pagbabayad na iniaatas sa ilalim ng pederal na batas o gumawa ng

anumang aksiyon tungkol sa pamumuhunan at paggamit ng mga nalikom sa bono na iniaatas o kanais-nais sa ilalim ng pederal na batas o upang kumuha ng anumang ibang kabutihan sa ilalim ng pederal na batas sa ngalan ng mga pondo ng estadong ito.

998.557. Napag-alaman at ipinapahayag ng Lehislatura na, dahil ang mga nalikom sa pagbebenta ng mga bonong ipinahintulot ng artikulong ito ay hindi "mga nalikom sa buwis" gaya ng pagkakagamit sa katawagang iyon sa Artikulo XIII B ng Saligang-batas ng California, ang pamamahagi ng mga nalikom na ito ay hindi napapailalim sa mga limitasyong ipinataw ng artikulong iyon.

PROPOSISYON 42Ang susog na ito na iminumungkahi ng Susog 3 ng

Senado sa Saligang-batas ng Regular na Sesyon ng 2013–2014 (Kabanata 123 ng Resolusyon, Mga Batas ng 2013) ay malinaw na nagsususog sa Saligang-batas ng California sa pamamagitan ng mga seksiyon nito; dahil dito, ang mga bagong tadhanang iminumungkahing idagdag ay nakalimbag sa tipong italika upang ipabatid na ang mga ito ay bago.

MGA IMINUMUNGKAHING SUSOG SA SEKSIYON 3 NG ARTIKULO I AT SEKSIYON 6 NG ARTIKULO XIII B

Una—Na ang Seksiyon 3 ng Artikulo I ay sinususugan upang mabasang:

SEK. 3. (a) Ang mga tao ay may karapatang tagubilinan ang kanilang mga kinatawan, magpetisyon sa pamahalaan upang tugunan ang mga karaingan, at magtipun-tipon nang malaya upang sumangguni para sa kabutihan ng lahat.

(b) (1) Ang mga tao ay may karapatang kumuha ng impormasyon na nauukol sa pagsasagawa ng negosyo ng mga tao, at, dahil doon, ang mga pulong ng mga pampublikong lupon at ang isinulat ng mga pampublikong opisyal at mga ahensiya ay dapat maging bukas sa pagsusuri ng publiko.

(2) Ang isang batas, pasiya ng hukuman, o ibang awtoridad, kabilang ang mga nagkabisa sa petsa ng pagkakabisa ng subdibisyong ito, ay dapat malawak na bigyang-kahulugan kung ito ay nagsusulong ng karapatan ng mga tao sa paggamit, at makitid na bigyang-kahulugan kung ito ay naglilimita sa karapatan sa paggamit. Ang isang batas, pasiya ng hukuman, o ibang awtoridad na pinagtibay pagkaraan ng petsa ng pagkakabisa ng subdibisyong ito na naglilimita sa karapatan sa paggamit ay dapat pagtibayin sa pamamagitan ng mga napag-alaman na nagpapakita ng interes na pinoprotektahan ng limitasyon at ng pangangailangan ng pagprotekta ng interes na iyon.

(3) Wala sa subdibisyong ito na nagpapawalang-saysay o nagbabago sa karapatan sa pagkapribado na iginagarantiya ng Seksiyon 1 o nakakaapekto sa konstruksiyon ng anumang batas, pasiya ng hukuman, o ibang awtoridad hanggang ito ay nagpoprotekta sa karapatan sa pagkapribado, kabilang ang anumang mga pamamaraan ng batas na namamahala sa pagtuklas o pagsisiwalat ng impormasyon na nauukol sa opisyal na pagganap o propesyonal na mga kuwalipikasyon ng isang opisyal ng kapayapaan.

(4) Wala sa subdibisyong ito na nagpapawalang-saysay o

Page 43: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

42

Teks to ng mga Iminumungkahing Batas | 43

TEKSTO NG MGA IMINUMUNGKAHING BATAS PROPOSISYON 42 IPINAGPAPATULOY

nagbabago sa anumang tadhana ng Saligang-batas na ito, kabilang ang mga garantiya na ang isang tao ay hindi maaaring pagkaitan ng buhay, kalayaan, o ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas, o pagkaitan ng pantay na proteksiyon ng mga batas, gaya ng itinatadhana sa Seksiyon 7.

(5) Ang subdibisyong ito ay hindi nagpapawalang-bisa o nagpapawalang-kabuluhan, nang malinaw o sa pamamagitan ng pahiwatig, ng anumang eksepsiyon sa saligang-batas o batas sa karapatan na gamitin ang mga pampublikong rekord o mga pulong ng mga pampublikong lupon na may-bisa sa petsa ng pagkakabisa ng subdibisyong ito, kabilang ang, pero hindi limitado sa, anumang batas na nagpoprotekta sa pagkakompidensiyal ng mga rekord ng pagpapatupad ng batas at pag-uusig.

(6) Wala sa subdibisyong ito na nagpapawalang-bisa, nagpapawalang-kabuluhan, o nagbabago sa mga proteksiyon para sa pagkakompidensiyal ng mga pamamaraan at mga rekord ng Lehislatura, ang mga Miyembro ng Lehislatura, at ang mga empleyado, komite, at kawkus nito na itinatadhana ng Seksiyon 7 ng Artikulo IV, batas ng estado, o mga tuntuning pambatasan na pinagtibay upang isulong ang mga tadhanang ito; hindi rin ito nakakaapekto sa saklaw ng ipinahihintulot na pagtuklas sa mga pamamaraang panghukuman o pampangasiwaan na nauukol sa mga pagtalakay ng Lehislatura, ng mga Miyembro ng Lehislatura, at mga empleyado, komite, at kawkus nito.

(7) Upang matiyak na ang daan ng publiko sa mga pulong ng mga pampublikong lupon at sa mga isinulat ng mga pampublikong opisyal at mga ahensiya, gaya ng tinukoy sa talataan (1), ang bawat lokal na ahensiya ay inaatasan dito na sumunod sa Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California (Kabanata 3.5 (nagsisimula sa Seksiyon 6250) ng Dibisyon 7 ng Titulo 1 ng Kodigo ng Pamahalaan) at ng Batas na Ralph M. Brown (Kabanata 9 (nagsisimula sa Seksiyon 54950) ng Bahagi 1 ng Dibisyon 2 ng Titulo 5 ng Kodigo ng Pamahalaan), at sa anumang kasunod na pagpapatibay ng batas na nagsususog sa alinmang batas, nagpapatibay ng isang pamalit na batas, o nagsususog sa anumang pamalit na batas na nagtataglay ng mga pagpapasiya na nagpapakita na ang pagpapatibay ng batas ay nagsusulong sa mga layunin ng seksiyong ito.

Ikalawa—Na ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIII B ay sinususugan upang mabasang:

SEK. 6. (a) Tuwing ang Lehislatura o anumang ahensiya ng estado ay nag-uutos ng isang bagong programa o mas mataas na antas ng serbisyo sa alinmang lokal na pamahalaan, ang Estado ay dapat magkaloob ng isang ayuda sa mga pondo upang pagbalikan ng bayad ang lokal na pamahalaang iyon para sa mga gastos ng programa o nadagdagang antas ng serbisyo, maliban sa ang Lehislatura ay maaari, pero hindi kailangan, na magkaloob ng isang ayuda sa mga pondo para sa mga sumusunod na utos:

(1) Mga pambatasang utos na hiniling ng apektadong lokal na ahensiya.

(2) Pagbabatas na naglilinaw ng isang bagong krimen o

pagbabago ng isang kasalukuyang kahulugan ng isang krimen.

(3) Ang mga pambatasang utos na pinagtibay bago sumapit ang Ika-1 ng Enero, 1975, o mga Tagapagpaganap na utos o mga regulasyon na unang nagpapatupad na pagbabatas na pinagtibay bago sumapit ang Ika-1 ng Enero, 1975.

(4) Mga pambatasang utos na nakasaad sa mga batas sa loob ng saklaw ng talataan (7) ng subdibisyon (b) ng Seksiyon 3 ng Artikulo I.

(b) (1) Maliban kung itinatadhana sa talataan (2), para sa taon ng pananalapi na 2005–06 at bawat taon ng pananalapi kasunod ng taon ng pananalapi, para sa isang utos kung saan ang mga gastos ng isang lokal na pamahalaan na humihingi ay ipinasiyang nasa naunang taon ng pananalapi na babayaran ng Estado alinsunod sa batas, ang Lehislatura ay dapat maglaan, sa taunang Batas sa Badyet, ng buong mababayarang halaga na hindi pa nabayaran, o suspendihin ang pagpapatakbo ng utos para sa taon ng pananalapi kung saan ang taunang Batas sa Badyet ay angkop sa isang paraan na itinatagubilin ng batas.

(2) Ang mga mababayarang hinihingi para sa mga gastos na natamo bago ang taon ng pananalapi na 2004–05 na hindi pa nababayaran bago ang taon ng pananalapi na 2005–06 ay maaaring bayaran sa maraming taon, gaya ng itinatagubilin ng batas.

(3) Ang batay sa halaga na buwis sa ari-arian ay hindi dapat gamitin upang bayaran ang isang lokal na pamahalaan para sa mga gastos ng isang bagong programa o mas mataas na antas ng serbisyo.

(4) Ang subdibisyong ito ay angkop sa isang utos lamang habang nakakaapekto ito sa isang lunsod, county, lunsod at county, o espesyal na distrito.

(5) Ang subdibisyong ito ay hindi dapat gamitin sa isang iniaatas na ipagkaloob o kilalanin ang ukol sa pamamaraan o nilalaman na proteksiyon, karapatan, benepisyo, o katayuan sa pagtatrabaho ng sinumang empleyado o retirado ng lokal na pamahalaan, o ng anumang organisasyon ng empleyado ng lokal na pamahalaan, na lumitaw mula, nakakaapekto, o tuwirang may kaugnayan sa hinaharap, kasalukuyan, o nakaraang pagtatrabaho sa lokal na pamahalaan at bumubuo ng isang utos na napapailalim sa seksiyong ito.

(c) Ang isang ipinag-utos na bagong programa o mas mataas na antas ng serbisyo ay kabilang ang paglipat ng Lehislatura mula sa Estado patungo sa mga lunsod, county, lunsod at county, o espesyal na distrito ng kumpleto o di-buong pinansiyal na responsibilidad para sa isang iniaatas na programa kung saan ang Estado ay dating may kumpleto o di-buong pinansiyal na responsibilidad.

Page 44: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

44 | Mga Opi s ina sa mga Hala lan ng County

MGA OPISINA SA MGA HALALAN NG COUNTY

ALAMEDA COUNTY 1225 Fallon Street, Room G-1 Oakland, CA 94612 (510) 272-6933 o (510) 272-6973 www.acgov.org/rov

ALPINE COUNTY 50 Diamond Valley Road Woodfords, CA 96120 P.O. Box 158 Markleeville, CA 96120 (530) 694-2281 www.alpinecountyca.gov

AMADOR COUNTY 810 Court Street Jackson, CA 95642 (209) 223-6465 www.amadorgov.org

BUTTE COUNTY 25 County Center Drive, Suite 110 Oroville, CA 95965-3361 (530) 538-7761 o (800) 894-7761 (Butte County lamang) http://buttevotes.net

CALAVERAS COUNTY 891 Mountain Ranch Road San Andreas, CA 95249 (209) 754-6376 www.elections.calaverasgov.us

COLUSA COUNTY 546 Jay Street, Suite 200 Colusa, CA 95932 (530) 458-0500 o (877) 458-0501 www.countyofcolusa.org/elections

CONTRA COSTA COUNTY 555 Escobar Street P.O. Box 271 Martinez, CA 94553 (925) 335-7800 o (925) 335-7874 www.cocovote.us

DEL NORTE COUNTY 981 H Street, Suite 160 Crescent City, CA 95531 (707) 464-7216 www.co.del-norte.ca.us

EL DORADO COUNTY 2850 Fairlane Court P.O. Box 678001 Placerville, CA 95667 (530) 621-7480 o (800) 730-4322 www.edcgov.us/elections

FRESNO COUNTY 2221 Kern Street Fresno, CA 93721 (559) 600-VOTE (8683) www.co.fresno.ca.us/elections

GLENN COUNTY 516 W. Sycamore Street, 2nd Floor Willows, CA 95988 (530) 934-6414 www.countyofglenn.net/govt/departments/elections

HUMBOLDT COUNTY 3033 H Street, Room 20 Eureka, CA 95501 (707) 445-7481 www.co.humboldt.ca.us/election

IMPERIAL COUNTY 940 W. Main Street, Suite 206 El Centro, CA 92243 (760) 482-4226 o (760) 482-4285 www.co.imperial.ca.us/elections

INYO COUNTY 168 N. Edwards Street P.O. Drawer F Independence, CA 93526 (760) 878-0224 o (760) 878-0410 www.inyocounty.us/Recorder/Clerk-Recorder.html

KERN COUNTY 1115 Truxtun Avenue, 1st Floor Bakersfield, CA 93301 (661) 868-3590 www.co.kern.ca.us/elections

KINGS COUNTY 1400 W. Lacey Boulevard Hanford, CA 93230 (559) 852-4401 www.countyofkings.com

LAKE COUNTY 255 N. Forbes Street, Room 209 Lakeport, CA 95453 (707) 263-2372 www.co.lake.ca.us/Government/Directory/ROV.htm

LASSEN COUNTY 220 S. Lassen Street, Suite 5 Susanville, CA 96130 (530) 251-8217 o (530) 251-8352 www.lassencounty.org

LOS ANGELES COUNTY 12400 Imperial Highway Norwalk, CA 90650 P.O. Box 54187 Los Angeles, CA 90099-4684 (800) 815-2666 [email protected] www.lavote.net

MADERA COUNTY 200 W. 4th Street Madera, CA 93637 (559) 675-7720 o (800) 435-0509 www.madera-county.com

MARIN COUNTY 3501 Civic Center Drive, Room 121 San Rafael, CA 94903 P.O. Box E San Rafael, CA 94913-3904 (415) 473-6456 www.marinvotes.org

MARIPOSA COUNTY 4982 10th Street P.O. Box 247 Mariposa, CA 95338 (209) 966-2007 www.mariposacounty.org

MENDOCINO COUNTY 501 Low Gap Road, Room 1020 Ukiah, CA 95482 (707) 234-6827 www.co.mendocino.ca.us/acr

MERCED COUNTY 2222 M Street, Room 14 Merced, CA 95340 (209) 385-7541 o (800) 561-0619 www.mercedelections.org

MODOC COUNTY 108 E. Modoc Street Alturas, CA 96101 (530) 233-6205 www.co.modoc.ca.us

MONO COUNTY 74 N. School Street P.O. Box 237 Bridgeport, CA 93517 (760) 932-5537 o (760) 932-5534 www.monocounty.ca.gov

MONTEREY COUNTY 1370-B S. Main Street Salinas, CA 93901 P.O. Box 4400 Salinas, CA 93912 (831) 796-1499 o (866) 887-9274 www.montereycountyelections.us

NAPA COUNTY 900 Coombs Street, Suite 256 Napa, CA 94559 (707) 253-4321 o (707) 253-4374 www.countyofnapa.org

NEVADA COUNTY 950 Maidu Avenue, Suite 250 Nevada City, CA 95959 (530) 265-1298 www.mynevadacounty.com/nc/elections

ORANGE COUNTY 1300 S. Grand Avenue, Building C Santa Ana, CA 92705 P.O. Box 11298 Santa Ana, CA 92711 (714) 567-7600 www.ocvote.com

Page 45: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Mga Opi s ina sa mga Hala lan ng County | 45

MGA OPISINA SA MGA HALALAN NG COUNTY

PLACER COUNTY 2956 Richardson Drive Auburn, CA 95603 (530) 886-5650 o (800) 824-8683 www.placerelections.com

PLUMAS COUNTY 520 Main Street, Room 102 Quincy, CA 95971 (530) 283-6256 www.countyofplumas.com

RIVERSIDE COUNTY 2724 Gateway Drive Riverside, CA 92507 (951) 486-7200 www.voteinfo.net

SACRAMENTO COUNTY 7000 65th Street, Suite A Sacramento, CA 95823 (916) 875-6451 www.elections.saccounty.net

SAN BENITO COUNTY 440 5th Street, Room 206 Hollister, CA 95023 (831) 636-4016 o (877) 777-4017 www.sbcvote.us

SAN BERNARDINO COUNTY 777 E. Rialto Avenue San Bernardino, CA 92415 (909) 387-8300 www.sbcountyelections.com

SAN DIEGO COUNTY 5600 Overland Avenue San Diego, CA 92123 (858) 565-5800 o (800) 696-0136 www.sdvote.com

SAN FRANCISCO COUNTY 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, Room 48 San Francisco, CA 94102 (415) 554-4375 www.sfelections.org

SAN JOAQUIN COUNTY 44 N. San Joaquin Street, Suite 350 Stockton, CA 95202 P.O. Box 810 Stockton, CA 95201 (209) 468-2885 www.sjcrov.org

SAN LUIS OBISPO COUNTY 1055 Monterey Street, D120 San Luis Obispo, CA 93408 (805) 781-5228 o (805) 781-5080 www.slovote.com

SAN MATEO COUNTY 40 Tower Road San Mateo, CA 94402 (650) 312-5222 www.shapethefuture.org

SANTA BARBARA COUNTY 4440-A Calle Real Santa Barbara, CA 93110 P.O. Box 61510 Santa Barbara, CA 93160-1510 (800) SBC-VOTE o (805) 568-2200 www.sbcvote.com

SANTA CLARA COUNTY 1555 Berger Drive San Jose, CA 95112 P.O. Box 611360 San Jose, CA 95161 (408) 299-VOTE (8683) www.sccvote.org

SANTA CRUZ COUNTY 701 Ocean Street, Room 210 Santa Cruz, CA 95060 (831) 454-2060 o (866) 282-5900 www.votescount.com

SHASTA COUNTY 1643 Market Street Redding, CA 96001 P.O. Box 990880 Redding, CA 96099-0880 (530) 225-5730 www.elections.co.shasta.ca.us

SIERRA COUNTY 100 Courthouse Square, Room 11 P.O. Drawer D Downieville, CA 95936 (530) 289-3295 www.sierracounty.ca.gov

SISKIYOU COUNTY 510 N. Main Street Yreka, CA 96097 (530) 842-8084 o (888) 854-2000 EXT. 8084 www.sisqvotes.org

SOLANO COUNTY 675 Texas Street, Suite 2600 Fairfield, CA 94533 (707) 784-6675 www.solanocounty.com/elections

SONOMA COUNTY 435 Fiscal Drive Santa Rosa, CA 95403 P.O. Box 11485 Santa Rosa, CA 95406-1485 (707) 565-6800 o (800) 750-VOTE (8683) vote.sonoma-county.org

STANISLAUS COUNTY 1021 I Street, Suite 101 Modesto, CA 95354 (209) 525-5200 www.stanvote.com

SUTTER COUNTY 1435 Veterans Memorial Circle Yuba City, CA 95993 (530) 822-7122 www.suttercounty.org /elections

TEHAMA COUNTY 444 Oak Street, Room C P.O. Box 250 Red Bluff, CA 96080 (530) 527-8190 o (530) 527-0454 www.co.tehama.ca.us

TRINITY COUNTY 11 Court Street P.O. Box 1215 Weaverville, CA 96093 (530) 623-1220 www.trinitycounty.org

TULARE COUNTY 5951 S. Mooney Boulevard Visalia, CA 93277 (559) 624-7300 o (559) 624-7302 www.tularecounty.ca.gov/registrarofvoters

TUOLUMNE COUNTY 2 S. Green Street Sonora, CA 95370 (209) 533-5570 www.tuolumnecounty.ca.gov

VENTURA COUNTY 800 S. Victoria Avenue Ventura, CA 93009 (805) 654-2664 venturavote.org

YOLO COUNTY 625 Court Street, Room B05 Woodland, CA 95695 P.O. Box 1820 Woodland, CA 95776 (530) 666-8133 o (800) 649-9943 www.yoloelections.org

YUBA COUNTY 915 8th Street, Suite 107 Marysville, CA 95901 (530) 749-7855 www.yubaelections.org

Page 46: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

46 |

Bisitahin ang Website ng Kalihim ng Estado upang:

• Magsaliksik sa mga kontribusyon sa kampanya at paglolobihttp://cal-access.sos.ca.gov

• Tingnan ang mga patnubay sa botante sa ibang mga wikawww.voterguide.sos.ca.gov

• Hanapin ang inyong lugar ng botohan sa Araw ng Halalanwww.sos.ca.gov/elections/find-polling-place.htm

• Kumuha ng impormasyon tungkol sa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreowww.sos.ca.gov/elections/elections_m.htm

• Kumuha ng nakakatulong na impormasyon para sa mga botanteng boboto sa unang pagkakataonwww.sos.ca.gov/elections/new-voter/tagalog

• Panoorin ang nasa kasalukuyang oras na mga resulta ng halalan pagkatapos magsara ang mga botohan sa Araw ng Halalanhttp://vote.sos.ca.gov

Lumipat Ba Kayo Mula Noong Huli Kayong Bumoto?Mahalagang isapanahon ang inyong pagpaparehistro ng botante kapag lumipat kayo. Ito ay titiyak na makakaboto kayo para sa lahat ng angkop na mga kandidato at mga panukala, at tatanggap kayo sa koreo ng mahalagang impormasyon tungkol sa halalan.Ang huling araw upang magparehistro para makaboto sa Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-3 ng Hunyo, 2014 ay Lunes, Ika-19 ng Mayo, 2014.Kung lumipat kayo sa inyong bagong tirahan pagkaraan ng Ika-19 ng Mayo, 2014, maaari kayong bumoto sa inyong dating lugar ng botohan.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng botante, mangyaring tawagan ang opisina ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957 o bisitahin ang www.sos.ca.gov.

Page 47: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

Batas sa mga Karapatan ng Botante | 47

1. Kayo ay may karapatang ipatala ang isang balota kung kayo ay kinikilala ng batas na isang nakarehistrong botante.

Ang isang kinikilala ng batas na nakarehistrong botante ay nangangahulugang isang mamamayan ng Estados Unidos na residente ng estadong ito, na hindi kukulangin sa 18 taong gulang at wala sa bilangguan o hindi parolado dahil sa isang napatunayang peloni, at nakarehistro para makaboto sa kanyang kasalukuyang direksiyon ng tirahan.

2. Kayo ay may karapatang magpatala ng isang pansamantalang balota kung ang inyong pangalan ay hindi nakalista sa listahan ng mga makakaboto.

3. Kayo ay may karapatang magpatala ng isang balota kung kayo ay naroon at nakapila na sa lugar ng botohan bago magsara ang mga botohan.

4. Kayo ay may karapatang magpatala ng isang sekretong balota nang malaya mula sa pananakot.

5. Kayo ay may karapatang tumanggap ng bagong balota kung, bago ipatala ang inyong balota, kayo ay naniniwala na nagkamali kayo.

Kung sa anumang oras bago ninyo botohan ang inyong balota, nadama ninyo na nagkamali kayo, may karapatan kayong palitan ng bago ang inyong napinsalang balota. Ang mga botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay maaari ring humiling at tumanggap ng isang bagong balota kung isinauli nila ang kanilang napinsalang balota sa isang opisyal sa mga halalan bago ang pagsasara ng mga lugar ng botohan sa araw ng halalan.

6. Kayo ay may karapatang tumanggap ng tulong sa pagpapatala ng inyong balota, kung hindi kayo hindi makaboto nang walang tulong.

7. Kayo ay may karapatang magbalik ng kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang presinto sa county.

8. Kayo ay may karapatan sa mga materyal sa halalan na nasa ibang wika, kung may sapat na mga residente sa inyong presinto na nagbibigay-katwiran sa paggawa nito.

9. Kayo ay may karapatang magtanong tungkol sa mga pamamaraan sa halalan at obserbahan ang proseso ng halalan.

Kayo ay may karapatang magtanong sa lupon ng presinto at mga opisyal sa halalan tungkol sa mga pamamaraan sa halalan at tumanggap ng sagot at ituro sa angkop na opisyal para sa sagot. Gayunman, kung ang makulit na pagtatanong ay nakagagambala sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin, ang lupon o mga opisyal sa halalan ay maaaring tumigil sa pagsagot sa mga katanungan.

10. Kayo ay may karapatang mag-ulat ng anumang labag sa batas o madayang gawain sa isang lokal na opisyal sa mga halalan o sa Opisina ng Kalihim ng Estado.

Kung naniniwala kayo na pinagkaitan kayo ng alinman sa mga karapatang ito, o kung may nalalaman kayong pandaraya o maling gawain sa halalan, mangyaring tawagan ang kompidensiyal at walang-

bayad na Nakahandang Linya ng Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.

Ang impormasyon sa inyong apidabit ng pagpaparehistro ng botante ay gagamitin ng mga opisyal sa mga halalan upang magpadala sa inyo ng opisyal na impormasyon tungkol sa proseso ng pagboto, tulad ng kinaroroonan ng inyong lugar ng botohan at ang mga isyu at kandidatong lalabas sa balota. Ang pangkomersiyong paggamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay ipinagbabawal ng batas at isang misdemenor. Ang impormasyon tungkol sa botante ay maaaring ibigay sa isang kandidato para sa katungkulan, sa isang komite sa panukala sa balota, o ibang tao para sa mga layuning may kinalaman sa halalan, pag-aaral, pamamahayag, pulitika, o pamahalaan, gaya ng ipinasiya ng Kalihim ng Estado. Ang mga numero ng lisensiya sa pagmamaneho at seguridad sosyal, o ang iyong pirma na nakalagay sa iyong kard ng pagpaparehistro ng botante, ay hindi maaaring ibigay para sa mga layuning ito. Kung may mga katanungan ka tungkol sa paggamit ng impormasyon tungkol sa botante o nais mag-ulat ng hinihinalang maling paggamit ng naturang impormasyon, mangyaring tawagan ang Nakahandang Linya sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.

Ang mga botanteng humaharap sa nagbabanta-sa-buhay na mga kalagayan ay maaaring maging kuwalipikado para sa katayuan ng kompidensiyal na botante. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang walang-bayad na programang Ligtas sa Tahanan ng Kalihim ng Estado sa (877) 322-5227 o bisitahin ang www.sos.ca.gov.

BATAS SA MGA KARAPATAN NG BOTANTE

Page 48: PAMBUONG-ESTADO NG CALIFORNIA NA TUWIRANG … · • Tumulong na bigyan ng kaalaman ang ibang mga botante tungkol sa mga kandidato at isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga grupong

To reduce election costs, the State mails only one guide to each voting household.

For additional copies of the Voter Information Guide in English, please contact your county elections office or call (800) 345-VOTE (8683). For TTY/TDD, call (800) 833-8683.

Para obtener copias adicionales de la Guía de Información para el Votante en español, póngase en contacto con la oficina electoral de su condado o llame al (800) 232-VOTA (8682).

如需索取額外的中文選民資訊指南,請與您的縣立

選舉辦事處聯繫或致電(800) 339-2857。

ihndI maoM matdata jaanakarI maaga-diSa-ka kI Aitir> p`ityaaM p`aPt krnao ko ilaeÊ Ìpyaa Apnao ka]MTI caunaava kayaa-laya sao saMpk- kroM yaa [sa naMbar pr Ôaona kroM (888) 345-2692.

投票情報ガイドの日本語版をご希望の場合は、 最寄の郡選挙事務所にお問い合わせになるか (800) 339-2865にお電話ください。

sMrab’sMeNAbEnÄm «nB&támanENnaMG~keVHeq~at CaPasaExμr sUmTak’Tgkariyal&yeVHeq~at exanFIrbs’G~k ÉTUrs&Bæ (888) 345-4917.한국어로 된 유권자 정보 지침의 사본이 추가로 필요할 경우 해당 카운티 선거관리 사무실로 연락하거나 다음 번호로 전화하십시오: (866) 575-1558

Para sa mga karagdagang kopya ng Patnubay na Impormasyon Para sa Botante sa Tagalog, mangyaring makipag-ugnayan sa opisina sa mga halalan ng inyong county o tumawag sa (800) 339-2957.

ส�ำหรับส�ำเนำเพิ่มเติมของคู่มือส�ำหรับผู้ออกเสียงเลือกตั้งเป็นภำษำไทย กรุณำติดต่อส�ำนักงำนกำรเลือกตั้ง ประจ�ำเทศมณฑลของคุณ หรือโทรศัพท์ถึง (855) 345-3933

Muốn có thêm Tập Hướng Dẫn Cử Tri bằng Việt Ngữ, xin liên lạc với văn phòng bầu cử quận của quý vị hoặc gọi số (800) 339-8163.

OSP 14 132802

OPISYAL NA PATNUBAY NA IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Huling araw upang magparehistro para makaboto Lunes, Ika-19 ng Mayo, 2014

Tandaan na Bumoto! Martes, Ika-3 ng Hunyo, 2014 Ang mga lugar ng botohan ay mananatiling bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi

www.voterguide.sos.ca.gov

Upang mabawasan ang mga gastos sa halalan, ang Estado ay nagpapakoreo ng isa lamang patnubay sa bawat bumobotong sambahayan.

TAGALOG

California Secretary of State Elections Division 1500 11th Street Sacramento, CA 95814

NONPROFITU.S. POSTAGE

PAIDCALIFORNIA

SECRETARY OF STATE