9
H E K A S I 6 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PANAHON NG GLOBALISASYON Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

  • Upload
    lydung

  • View
    292

  • Download
    41

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

H E K A S I

6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PANAHON NG GLOBALISASYON

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

1

GRADE VI

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PANAHON NG GLOBALISASYON

Suriin ang larawan

Ano ang masasabi mo sa napakaraming imported at mumurahing bagay o

produktong pumapasok sa ating pamilihan? Sa palagay mo, nakakatulong kaya ang mga ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya?

Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pagbabagong naganap sa

ugnayan ng mga bansa sa panahon ng globalisasyon at ang mga aspekto na nasasaklawan nito.

ALAMIN MO

Page 4: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

2

Ipagpalagay mong isa ka sa mga pinuno ng ating pamahalaan. Paano mo

lulutasin ang mga sumusunod na suliranin.

1. Maraming bata ang nagpatala sa unang baitang. Kukulangin ang bilang ng inyong klasrum. May ilan pang mga asignatura na walang guro.

Anu-ano ang iyong isasagawa ukol dito? _____________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Nabalitaan mo ang ilang mag-aaral sa ibat-ibang rehiyon na may

natatanging kakayahan sa pag-aaral batay sa natamo nilang marka sa pagsusulit na ibinigay ng DepEd. Ngunit kapos sila sa pangtustos sa pag-aaral kaya hindi sila makakapag-aral sa kolehiyo. Anu-ano ang maaari mong imungkahi.

_____________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Maraming magagaling na manghihilot sa inyong barangay. May mga angkin silang talino at karanasan sa pagpapaanak. Ibig naman ng mga kababaihan sa inyong lugar na manganak sa health center, ngunit lubha itong malayo sa kanilang lugar at mahirap ang magbiyahe.

Anu-ano ang maaari mong imungkahi at gawing hakbang tungkol dito? _____________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 5: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

3

Sa loob ng maraming taon ay napakaraming naganap sa buong mundo. Ang mga pangyayaring it ay maaari nating isuma sa isang salita: Globalisasyon. Nasasaklawan nito ang pang-ekonomiya, pampulitika at pangkulturang aspeto ng pag-uugnayan ng mga bansa at pandaigdigang samahan.

May mga nagsasabi na ang globalisasyon ang manipestasyon ng

pinakamalaking krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ang mga naganap na pagbabago sa mundo ay resulta sa paghahanap ng kasagutan sa malubhang problemang pangkabuhayan ng mga maunlad at industriyalisadong bansa.

Sa ganitong sitwasyon ay apektado rin ang Pilipinas. Dahil sa pakikipag-

ugnayan natin sa iba’t-ibang bansa ay apektado rin tayo. Dahil dito nagkaroon ng pagbabago sa ugnayan ng mga bansa. Naitatag ang iba’t-ibang samahang binuo ng iba’t-ibang bansa.

1. World Trade Oraganization (WTO) – ang samahang ito ang gumagawa ng mga hakbang para maging ganap ang pagpasok ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa. Pinapatnubayan nito ang prinsipyo ng “Malayang Kalakalan”.

Naniniwala ang WTO na ang bawat bansa ay makikinabang at uunlad kung mananatili na tagalikha ng mga produktong kaya nilang gawin sa mababang gastos.

Mahigpit nitong binabantayan ang pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya ng mga kasaping bansa. Pinagtibay na ng pamahalaan

PAG-ARALAN MO

Page 6: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

4

ang Mining Act of 1995, Foreign Investment Act, Bank Liberalization, Oil Deregulation, Electric Power Industry Reforms Act of 2001 atbp.

Makabubuti ba ang mga ito para sa ating bayan at mamamayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) – Ito ay binubuo noogn 1989 at mayroon itong 18 bansang kasapi kung saan kabilang ang Pilipinas. Magkakaiba ang antas ng kaunlaran ng mga bansa.

Ang APEC ay isa sa pinakamalaking samahang panrehiyon sa daigdig. Sa pamamagitan ng Estados Unidos ay ginawa itong isang pormal na organisasyon noong 1993. Layunin nitong pabilisin ang pagpapatupad ng liberasyon sa mga bansang kaspi.

Ang APEC ay nilikha para sa “negosyo”. Ang ibig sabihin nito ay ang pagpapabuti para sa pribado at dayuhnag negosyo.

Aktibo ang bansang Pilipinas sa APEC Sumit sa bansa noong 1996 na dinaluhan ng 18 pangulo ng mga kasaping bansa?

Gumasta ang pamahalaan ng P387.5 milyon para sa pagtitipong ito. Dahil sa naging matindi ang ginawang paghahanda ng gobyerno para sa pagpupulong na ito, ito ay nangahulugan ng malaking dislokasyon at paglabag sa mga karapatang pantao, lalo na sa mga iskuwater na pinaalis sa kanilang tirahan.

Ano ang pangunahing layunin ng APEC? Makakabuti ba ito sa ekonomiya ng ating bansa? Bakit?

Page 7: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

5

Gumupit ng isang balita na tumatalakay sa isang problemang panlipunan

sa diyaryo. Idikit ito sa inyong kuwaderno. Basahin ang balita at sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang sinasabi ng balita?

2. Ito ba ay panrehiyon o lokal na problema o pambansa?

3. Bakit sinasabing isa itong problemang panlipunan?

4. Ano ang sanhi at epekto ng mga problemang ito?

5. Ano ang ginagawa ng pamahalaan tungkol dito?

Marami ang pagbabagong naganap sa ugnayan ng mga bansa. Sa panahon ng globalisasyon, lalong nagkaroon ng ibang anyo at paraan ang ugnayan ng mga bansa.

Bagama’t dumarami ang mga pagkakataon para sa mga hanapbuhay, nililimitahan naman nito ang uri ng trabahong mapagpipilian.

Manaliksik tungkol sa batas ng Electric Power Industry Reforms Act of

2001. Ano ang magiging epekto nito sa industriya ng kuryente? Sa palagay mo ba ay makakatulong ito sa paghahatid ng mas maayos na serbisyong kuryente?

PAGSANAYAN MO

TANDAAN MO

GAWIN MO

Page 8: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

6

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang globalisasyon? 2. Bakit itinatag ang WTO? 3. Ano ang layunin ng APEC? ng WTO? 4. Anong paniniwala ang pinanindigan ng WTO?

Gumawa ng isang sulat sa Pangulo ng Pilipinas at sabihin ang opinyon

hinggil sa mga epekto ng pagpapaatupad ng globalisasyon sa ating bansa.

PAGTATAYA

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Page 9: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA I PANAHON NG …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/42pakikipag-ugnayan... · Nabalitaan mo ang ilangmag-aaral sa ibat-ibang ... Ibig naman ng mga

7

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

Pangulo Republika ng Pilipinas Palasyo ng Malakanyang Maynila