12
0 | Page Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 8: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

  • Upload
    others

  • View
    49

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

0 | P a g e

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 8: Pakikilahok at Bolunterismo para sa

Kabutihang Panlahat

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

1 | P a g e

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga tungkulin para sa iyong

sarili,kapwa,at sa lipunan.

8.3 Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga

gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa

kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay

makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

b. Bilang obligasyon ng likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay

nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspeto kung saan

mayroon siyang personal na pananagutan. (EsP9TT-IIh-8.3)

8.4 Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor

na may partikular na pangangailangan. (EsP9TT-IIh-8.4)

Sa nakaraang leksyon ay nalaman ninyo ang kagalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan.

Ngayon ay mas malaman ninyo ang kabuluhan ng bolunterismo na

isang pakikilahok na siyang mag-uugnay sa pag-unlad ng lipunang iyong

kinabibilangan at hahanga sa kuwento ng mga taong naglaan ng kanilang

buhay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taong lubos na

nangangailangan.

Panuto: Isulat sa loob ng puso ang mga natutunan sa nakaraang

aralin.

Pakikilahok Bolunterismo

BALIKAN

ALAMIN

Page 3: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

2 | P a g e

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga

katanungan sa ibaba.

Si Jarred ay isang volunteer worker sa Risk Reduction and Disaster

Management sa kanilang lungsod. Tumutulong siya sa pagdala sa mga

Locally Stranded Individuals (LSI) sa mga quarantine facility kung saan sila

mamalagi ng labing-apat hanggang dalawampu’t isang araw upang

masiguro na hindi sila positibo sa virus. Gustong-gusto ni Jarred ang

trabaho niya dahil para sa kaniya isa itong paraan upang mapaglingkuran

niya ang kaniyang kapwa. Ginugol niya ang kaniyang panahon at talento

upang maging epektibo ang kaniyang paglilingkod bilang bahagi ng

pagbobolunterismo at pakikilahok upang tuluyang maaagapan ang

panganib na dala ng pandemiya.

Isang araw, sumama si Jarred sa ambulansiyang kukuha sa isang

lalaking positibo sa virus upang ilipat ng ibang hospital para sa agarang

gamutan. Matapos noon ay sumailalaim siya sa 14-days quarantine

nagsimula siyang magpakita ng sintomas sa ikapitong araw at sumailalim

din siya sa swab test at pagkaraan ng pitong araw napag-alamang positibo

siya. Naging malala ang kalagayan ni Jarred hanggang sa tuluyang bumigay

ang kaniyang katawan at binawian ng buhay sa edad na 25 taong gulang.

Isa lamang si Jarred sa libo-libong mga Pilipino na nag-alay ng

kanilang buhay sa ngalan ng pagbobolunterismo at para sa diwa ng

pakikilahok ngayong panahon ng pandemya. Ang mga gaya nila ay ang mga

bayani ng makabagong panahon. Gumagawa sila ng mga bagay nang hindi

naghahangad ng anumang kapalit o gantimpala.

Mga katanungan:

1. Sa maikling kuwento na iyong nabasa, ano ang nagtulak kay Jarred na gawin ang

mga bagay na nais niya sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID 19?

2. Bakit ang mga gaya ni Jarred ay itinuturing na makabagong bayani?

3. Paano isinabuhay ni Jarred ang diwa ng bolunterismo at pakikilahok sa

kaniyang buhay?

TUKLASIN

Page 4: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

3 | P a g e

Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod,

nagkakaroon siya ng personal na paglago, nagkakaroon din siya ng

kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan, nagkakaroon siya ng

pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba at nagkakaroon

siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na

ang kanyang sarili.

Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o

tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa

iyo. Sa bolunterismo, kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong

mawawala sa iyo. At kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi

yaong iba na hindi mo tinutulungan. Kung ikaw man ay managot; ikaw ay

mananagot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa

pangangailangan ng iyong kapwa. Hindi lahat pakikilahok ay may aspekto

ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.

Pang-pangkatang Gawain: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento,pagkatapos

ay gagawa ng repleksyon gamit ang mga gabay na katanungan.

GOOD NEWS

Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding Agnes

Gonxha Bojaxhiu) sa Skopje, Albanya (kasalukuyang nasa Masedonya ang Skopje).

Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo siya sa Kalkuta, Indiya.

Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na

nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan

ang mga maralita. Habang nasa Kalku (Calcuta), nakasuot siya ng sari at

nakatapak sa pinakamahihirap na pook.

Noong 1948, pinahintulutan siya ng

Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong

samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng

Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng

30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre,

nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga

sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng

mga ketongin, at nag-alaga ng mga may

karamdaman at mga malapit nang mamatay.

(A&E Television Networks, ―Mother Theresa‖, April 2, 2014,

https://en.https://en.m.wikipedia.org/wiki/Motm.wikipedia.org/wiki/Moth)

SURIIN

ESSON)

PAGYAMANIN

Page 5: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

4 | P a g e

Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga sangay sa

buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang naramdaman ninyo matapos basahin ang kuwento? Ano ang

sinasabi nito sa inyo bilang isang panlipunang nilalang?

2. Ano ang pagkaunawa mo sa ginawang pagtulong ng tauhan sa ating

kuwento?

3. Anong talento ang kaniyang taglay? Ginamit ba niya ito ng

kakabuluhan?

4. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa kaniya na nag-udyok

upang tumulong sa kaniyang kapwa?

5. Ikaw, mayroon ka na bang nasimulang gawaing tulad ng mga ito? Ano

ang kaya mong simulan gamit ang sarili mong talento?

Gawain 2: Mga Personalidad na Nakiambag sa Lipunan Panuto: Gumupit ng mga larawan ng mga personalidad na naglaan ng panahon at buhay sa pakikilahok at pagboboluntaryo sa kawang -gawa.

Idikit ang mga larawan sa kahon at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1.

2.

3.

Page 6: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

5 | P a g e

Mga tanong: 1. Ano-ano ang naiambag nila sa lipunan?

2. Ano ang nagtulak sa mga tauhan para sa pagboboluntaryo? 3. Para sa iyo,paano ka makikilahok sa isang programa upang magiging

instrumento ka sa iyong kapwa?

Gawain: STARBURST

Si Peachy Breteña ay isang long-time advertising executive at dating

instructor sa Mint International College-University of the Philippines at

nanguna sa Martsa ng Milyong Katao sa Pilipinas kung saan layunin nitong

buwagin ang Priority Development Assistance Fund o Pork Barrel dahil sa

Pork Barrel Scam. Ang panawagan sa kilos protesta ay umikot sa social

media kagaya ng facebook at twitter upang magsagawa ng malawakang

protesta sa 26 ng Agosto 2013 sa Liwasang Rizal sa Maynila at sa iba pang

mga lungsod sa Pilipinas as sa ibang bansa. Isang pahina sa Facebook ang

ginawa na may pamagat sa ―Abolish Pork Barrel‖ o ―Buwagin ang Pork

Barrel‖ kung saan nag-imbita ng mga kalahok para sa protesta. Sinabi ng

isa sa tagapangasiwa na si Peachy Rallonza-Bretana, na walang

pangunahing grupong nag-organisa, ang protesta ay parang bola ng niyebe

na mabilis na kumalat. Isang araw bago ang protesta, 18,000 katao ang

nauna ng dumating sa Liwasang Rizal.

PANUTO: Batay sa talambuhay ni Peachy Breteña, punan ng angkop na

sagot ang mga sumusunod na bituin. Sagutin sa inyong sagutang papel.

ISAISIP

Sino si

Peachy

Breteña?

Ano ang

kanyang mga

talento at

kakayahan

ginamit sa

ppakikilahok?

Ano papel

ang kanyang

ginampanan

sa lipunan?

Page 7: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

6 | P a g e

Sagutin:

Maituturing bang bolunterismo ang ginawa ni Peachy Bretena sa

ginawa niyang pagpo-post sa facebook tungkol sa protesta sa pork

barrel noong Agosto, 2013?

ISAGAWA

Gawain: Pakikilahok sa isang Proyekto

Panuto: Magtala ng mga proyekto sa iyong barangay,pagkatapos ay sumulat ng

isang sanaysay kung paano ka nakikilahok.

___________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?

A. pagmamahal, malasakit at talento

B. panahon, talento at kayamanan

C. talento, panahon at pagkakaisa

D. kayamanan, talento at bayanihan

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng

bolunterismo?

A. Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may

layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.

B. Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi

siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga

programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi

marunong bumasa at sumulat.

C. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos

niyang nagagampanan ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ng

student council.

D. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi

niya nakakaligtaang magbahagi ng kaniyang donasyon maliit man ito

o malaki bastat ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapwa

nangangailangan.

TAYAHIN

Page 8: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

7 | P a g e

3. Tiyak na makakamit ng lipunan ang ______________ kung ang bawat isa

ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

A. pag-unlad

B. pagkakaisa

C. pagmamahalan

D. kabutihang panlahat

4. Nagbigay ng pagpulong ang iyong barangay ukol sa mga dapat gawin sa

oras ng pagbaha o sakuna dahil isa sa inyong lugar sa mga binabaha

tuwing malakas ang ulan.Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon ng

bagyo sa susunod na araw.Ano ang dapat mong gawin?

A. Susundin ko ang bilin ng aking tatay.

B. Gagawa ako ng sarili kong diskarte dahil mas alam ko ang lugar

namin.

C. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga tauhan ng barangay.

D. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ngunit hindi ako lilikas

hanggang hindi pa mataas ang tubig.

5. May pagsasanay sa inyong paaralan para sa mga nais tumulong sa

feeding program ng barangay.Nanaisin mo bang lumahok at tumulong?

A. Pag-iisipan ko muna.

B. Hindi,dahil nakakapagod ito.

C. Susubukin kong tumulong.

D. Tutulong na lamang ako kapag oras na ng feeding program.

6. Naglunsad ang iyong barangay ng lokal na programang Greening

Program.Hinihikayat ang bawat pamilya sa inyong barangay na magkaroon ng isang narseri sa bakuran.Ano ang iyong gagawin?

A. Masayang makilahok sa programa. B. Magsawalang-kibo upang hindi mapansin. C. Sabihin sa barangay na hini ka marunong magtanim.

D. Magpalista sa barangay ngunit hindi gagawa.

7. Sa_____________,nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.

A. Bolunterismo B. Pagpapasya C. Pakikilahok

D. Pagsusuporta

Page 9: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

8 | P a g e

8. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay ____________. A. tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

B. mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring

makaapekto sa iyo.

C. tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat

hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga

sandaling yaon.

D.mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito

dapat ay manggaling sa puso.

9. Nagkaroon ng programang Remedial Reading sa inyong

paaralan.Ianyayahan ka ng iyong guro na makilahok sa pagtuturo sa

mga kamag-aral mong mahinang bumasa. Ano ang iyong gagawin?

A. Magtuturo ako pero sandali lang.

B. Hindi ako sasali dahil hindi naman ako guro.

C. Sasabihin ko sa aking guro na ibang bata na lamang ang kanyang

kunin.

D. Masayang tatanggapin ang imbitasyon dahil makatutulong ako sa

aking mga kamag-aral.

10. Si Susan ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.Libre ang

kanyang pag-aaral dito.Ano ang dapat niyang gawin?

A. Mag-aral ng mabuti hanggang makapagtapos.

B. Maaari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.

C. Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman

ang pag-aaral.

D. Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa.

11. Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at

paggalang ng kaniyang kapwa?

A. Bolunterismo

B. Dignidad

C. Pakikilahok

D. Pananagutan

12. Siya ay nakatira sa Calcutta at nagpakita ng napakalalim ng antas ng

pamamalasakit sa mga mahihirap.

A. Cris valdez

B. Roger Salvador

C. Joey Velasco

D. Mother Teresa

Page 10: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

9 | P a g e

13. Ano ang maaaring maidulot kung hindi ka tumugon sa pangangailangan

ng iyong kapwa?

A.Makokonsensiya

B.Mananagot

C.Magkasala

D.Mahihirapan

14. Ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto

kung saan mayroon siyang personal na_______________.

A.Responsibilidad

B.Kakayahan

C.Panangutan

D.Ugnayan sa Kapwa

15. May inilunsad na programa tungkol sa Proper Waste Disposal sa inyong

paaralan.Mga honor students lang muna ang sasali, ngunit isa sa

kanila ay hindi makakapunta.Makikilahok ka ba sa programa ng

paaralan o hindi?

A.Oo,dahil parte ako ng paaralan.

B.Hindi,dahil hindi naman ako honor student.

C.Oo,dahil may pananagutan ako.

D.Hindi,dahil hindi ko naman kasalanan kung wala ang kaklase ko.

Page 11: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

10 | P a g e

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian Aklat

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa

Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 111 – 128

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhemibey S. Malabas, SST-I

Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

TAYAHIN

1.A

2.C

3.D

4.C

5.D

6.A

7.C

8.C

9.D

10.A

11.B

12.D

13.A

14.C

15.C

Page 12: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihang Panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed!

Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo

I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖