12
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 38 BILANG 6 HUNYO 2018 S a nakaraang dalawang taong paghahari ni Duterte, pinatunayan ng kanyang rehimen kung gaano ito kabangis sa pananalasa sa buhay ng mamamayan. Ipinagpatuloy lamang nito ang mga brutal at pasistang pamamaraan ng AFP-PNP-CAFGU upang pigilan ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan at pandihin pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Sa ganitong balangkas pa rin nagsisilbi ang malahalimaw na pagpapatupad ng rehimeng US-Duterte ng Oplan Kapayapaan nito sa TK at buong bansa na nagdadagdag pa sa mahabang listahan ng mga atrosidad at krimen ni Duterte laban sa mamamayan. E D I T O R Y A L Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan! Samantala, hindi rin nawala ang hawak ng imperyalismong US sa Pilipinas bagkus humigpit lamang ito sa ilalim ng kanyang rehimen. Patuloy na inataguyod ni Duterte ang mga hindi pantay na kasunduan at tratado ng US na may layuning higit na pahigpin ang kontrol nito sa bansa na nagsisilbing forward military base nito sa Asya Pasipiko. Sa rehiyon, isang estratehikong lalawigan ang Palawan para magmantini ang mga tropang Amerikano ng kanilang base militar laban sa Tsina na isa sa mahigpit na katunggali ngayon ng imperyalismong US. Ang pagpapanali ng base militar ng US sa Ulugan Bay ay bahagi ng paghahanda ng imperyalismong US para sa isang digmaang maaaring sumiklab sa Asya Pasipiko dahil sa patuloy nitong pambubuyo sa Tsina at iba pang mga bansang may inaangking teritoryo sa West Philippine Sea. Walang pakialam ang rehimeng US- Duterte sa garapalang pagyurak ng US sa kasarinlan ng Pilipinas. Masahol pa, nagkikibit- balikat lamang ito sa mga ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga mangingisdang Pilipino na nabubuhay lamang

Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 38 BILANG 6 HUNYO 2018

Sa nakaraang dalawang taong paghahari ni Duterte, pinatunayan ng kanyang rehimen kung gaano ito kabangis sa pananalasa sa buhay ng mamamayan. Ipinagpatuloy lamang nito ang

mga brutal at pasistang pamamaraan ng AFP-PNP-CAFGU upang pigilan ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan at patindihin pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Sa ganitong balangkas pa rin nagsisilbi ang malahalimaw na pagpapatupad ng rehimeng US-Duterte ng Oplan Kapayapaan nito sa TK at buong bansa na nagdadagdag pa sa mahabang listahan ng mga atrosidad at krimen ni Duterte laban sa mamamayan.

E D I T O R Y A L

Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan!

Samantala, hindi rin nawala ang hawak ng imperyalismong US sa Pilipinas bagkus humigpit lamang ito sa ilalim ng kanyang rehimen. Patuloy na itinataguyod ni Duterte ang mga hindi pantay na kasunduan at tratado ng US na may layuning higit na pahigpitin ang kontrol nito sa bansa na nagsisilbing forward military base nito sa Asya Pasipiko. Sa rehiyon, isang e s t r a t e h i k o n g lalawigan ang Palawan para magmantini ang mga tropang Amerikano ng kanilang base militar laban sa Tsina na isa sa mahigpit na katunggali ngayon ng imperyalismong US. Ang pagpapanatili ng base militar

ng US sa Ulugan Bay ay bahagi ng paghahanda ng imperyalismong US para sa isang digmaang

maaaring sumiklab sa Asya Pasipiko dahil sa patuloy

nitong pambubuyo sa Tsina at iba pang mga bansang may inaangking teritoryo

sa West Philippine Sea.

Walang pakialam ang rehimeng US-

Duterte sa garapalang pagyurak ng US sa

kasarinlan ng Pilipinas. Masahol pa, nagk ik ib i t -b a l i k a t

lamang ito sa mga ginagawa ng

Tsina sa West Philippine Sea na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga mangingisdang Pilipino na nabubuhay lamang

Page 2: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

NILALAMAN

HUNYO 20182 KALATAS

HUNYO 2018Tomo 38 Bilang 6

dahil sa likas-yamang kanilang nakukuha mula sa pangingisda sa mga karagatang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas. Tila nagpaubaya na lamang ang rehimen sa patuloy na pagyurak ng imperyalismong US at Tsina sa soberanya ng Pilipinas.

Nang umupo si Duterte sa estado-poder, isa sa pinagkakaabalahan ng kanyang rehimen ang pagpapabagsak ng kanyang mga katunggali sa pulitika. Gamit ang kanyang supermayorya sa kongreso at mga galamay sa hudikatura, nagawang baluktutin ni Duterte maging ang reaksyunaryong

saligang batas upang makuha lamang nito ang bawat kagustuhan tulad ng ginawa nitong pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema para buu-buong makontrol ang

h u d i k a t u r a . Sa ngayon, maliban sa d i r e k t a n g k o n t r o l

nito sa mga ahensya ng reaksyunaryong gubyerno, kontrolado rin ni Duterte ang lehislatura at hudikatura.

Hindi man lamang nakaramdam ng kaginhawaan ang

mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Duterte bagkus binabalikat nila ngayon ang

iba’t ibang mga patakarang lalong naglulubog sa kanila sa kahirapan tulad ng TRAIN Law na siyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Habang tumataas ang presyo ng lahat ng pangangailangan ng mamamayan, nakapako pa rin sa mababang halaga ang sahod ng mga manggagawa at presyo ng mga produktong bukid ng mga magsasaka. Napako lamang ang lahat ng pangako ni Duterte sa sambayanan at walang naganap na tunay na pagbabagong panlipunan.

Sa okasyon ng dalawang-taong paghahari ng rehimeng US-Duterte sa bansa, kailangang higit na paigtingin ng mamamayan ng TK ang kanilang pakikibaka at isulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas. Nahaharap ngayon sa matinding krisis ang rehimeng US-Duterte na lalo pang nagtutulak sa kanyang muling maging bukas sa pagtutuloy ng usapang pangkapayapaan.

Tiyak na iniinda ngayon ng pasistang AFP ang mga matatagumpay na aksyong militar ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan laban sa mga mersenaryong tropa nitong naglulunsad ng mga walang-patid na operasyong militar sa rehiyon laluna na sa lalawigan ng Quezon. Pinatunayan muli ng Pulang hukbo ang kanyang kakayahang lumaban sa mga tumitinding pakana at pasistang atake ng AFP-PNP-CAFGU sa mga lugar na may malakas na pakikibaka ang mamamayan.

1 Editoryal

4 Ang Imperyalistang Dominasyon sa Huling Prontera

6 Mamamayang minorya, magkaisa at labanan ang bangis ng halimaw na Oplan Kapayapaan!

7 Pang-islang palihan sa kultura, ginanap sa Mindoro

8 Balitang TO

Quezon: Power capital ng malalaking burgesya komprador at dayuhang mamumuhunan sa bansa

9 Pamilyang Marx: larawan ng dakilang pag-ibig at sakripisyo sa gitna ng kahirapan at pakikibaka

10 Kilos Protesta

11 Bantay Karapatan

12 Kultura

Page 3: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

Ipinamalas muli ng BHB ang kanyang determinasyong ipagtagumpay ang anumang labanan sa gitna ng matinding pananalasa ng mga pasistang sundalo.

Determinado ang Melito Glor Command-BHB TK na ipagtanggol ang mamamayan ng rehiyon at kanilang mga tagumpay at pakikibaka laban sa lahat ng pasistang atake ng AFP-PNP-CAFGU. Nakahandang biguin ng Pulang hukbo ang lahat ng anti-mamamayang balakin ng AFP sa rehiyon. Ito ang tugon ng BHB sa walang-patid na operasyong militar ng mga mersenaryong tropa na may layong wasakin ang rebo l u s yo n aryong kilusan sa TK at bumibiktima maging ng mga inosenteng sibilyan.

Sinayang ni Duterte ang oportunidad ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan na magpapatibay sa panibagong mga kasunduang tiyak sanang pakikinabangan ng mamamayan. Higit lamang nitong ipinamalas ang kawalang-kaseryosohang resolbahin ang tunay na ugat ng armadong tunggalian at sa halip ay ibulid ang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanan sa pasibidad at pagsuko.

Sa harap ng muling pagtanggi ng rehimeng US-Duterte sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, higit na kailangang ipamalas ng mamamayan ang kanilang lakas sa lahat ng larangan ng

labanan. Kailangang isulong ng mamamayan ang opensiba sa propaganda at malawakang kampanya sa edukasyon upang ilantad ang kabulukan ng rehimeng US-Duterte at itanghal ang mga tagumpay ng kanilang mga rebolusyonaryong pakikibaka. Ang opensiba sa propaganda ang siyang makikipagpukpukan ngipin-sa-ngipin sa ipinapakalat na saywar, black propaganda at pekeng balita ng rehimen upang ipakita sa mamamayan ang kawastuhan ng isinusulong na digmang bayan habang sinasamantala ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang bawat pagkakataon upang edukahin ang mamamayan hinggil sa demokratikong rebolusyong bayan.

Kasabay nito, higit na pag-ibayuhin ang pagpapasampa ng libo-libong Pulang

mandirigma para sa pagsusulong ng armadong pakikibaka. Ang paglakas ng armadong pakikibaka ang mapagpasyang salik upang labanan at ibagsak ang rehimeng US-Duterte at pasistang galamay nito. Ang Partido Komunista ng

Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front ay

kaisa ng buong sambayanang Pilipino sa pagsusulong ng kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan. May usapang pangkapayapaan man o wala, isinusulong nito ang demokratikong rebolusyong bayan upang hawanin ang landas sa pagkamit ng ultimong layuning ito.

HUNYO 2018 3 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected] balikwastk.wordpress.com

Page 4: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

4 KALATAS HUNYO 2018

Dalawampu’t anim na taon na ang nakalilipas nang ibasura ng senado ang US-Philippine Military Bases Agreement dahil sa tulak ng malawak na panawagan ng mamamayang Pilipino na palayasin ang mga baseng militar ng US. Matagumpay na naitaboy ang mga ito sa ilang bahagi ng bansa tulad ng pinakamalaking kampo nito sa Subic. Ngunit ang kabalintunaan, hindi kailanman nakahulagpos sa kuko ng karahasan at pang-aabuso ng mga tropang Kano

ang isla ng Palawan. Sa loob ng Ulugan Bay sa Puerto Princesa, walang paglubay ang kanilang paglabas-masok sa Oyster Bay mula nang direktang makolonya ng US ang bansa noong 1898 hanggang sa kasalukuyan. Nagsilbi itong outpost sa Asya-Pasipiko noong World War II at sa kalaunan ay ginamit na base sa panahon ng gerang pananalakay sa Korea at sa Vietnam.

Nakayukod at ngiting asong ibinubuyangyang ni Duterte ang bansa sa kanyang imperyalistang

PANGUNAHING LATHALAIN

Ang imperyalistang dominasyon sa huling prontera

Walang ilusyon para ipagbunyi ang araw ng huwad na kalayaan. Hanggang sa kasalukuyan, kontrolado pa rin ng imperyalismong US ang mga patakaran at kasunduan

sa loob at labas ng Pilipinas. Sistematikong ipinagkakait ng US ang pambansang kasarinlan sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga lokal na burukrata nang likhain nito ang papet na Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 upang dambungin at abusuhin ang mga likas na yaman at samantalahin ang estratehikong katangian ng bansa sa larangan ng digmaan sa buong daigdig. Ngunit kailanman, hindi naging kimi ang rebolusyonaryong mamamayan at iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang lupa sa bawat patak ng dugo’t pawis na ipinuhunan upang kamtin ang kalayaan.

Page 5: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

among US at pinagmumukhang ligal ang pagbisita ng mga sundalong Amerikano sa pamamagitan ng pagtutuloy ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement. Taliwas sa pagpostura nitong tagapagtanggol, patuloy ang taktikal at estratehikong pagpusisyon ng baseng militar ng US sa Palawan para sa imperyalistang interes nitong panatilihin ang kanyang mga kolonya at mala-kolonya sa Timog-Silangang Asya habang binubuyo ang Tsina na sumabak sa digmaan. Malayang nakakadaong ang kanilang mga sasakyang-pandagat at pandigma nang hindi dumadaan sa kahit anong inspeksyon. Lumalarga ang military exercises nito sa mismong teritoryo ng Palawan at Zambales sa pamamagitan ng Balikatan Exercises ng US Marines. Bahagi ito ng pag-eehersisyo ng US sa Pilipinas bilang kanyang forward military base at paghahanda sa sandaling maging ganap na ang namumuong hidwaan sa pagitan nito at ng Tsina.

Binansagan pang “mini Subic” ang Oyster Bay habang pinaplano pa lamang ang pag-aayos ng mga pasilidad nito noong panahon ng rehimeng US-BS Aquino. Naglaho na ang perpektong itsura ng Oyster Bay dahil nakumpleto na ang mga istruktura para sa pagiging ganap na baseng militar ng US na tinayuan ng malalaking daungan para sa mga higanteng sasakyang pandagat at matatayog at malalapad na bodega para sa mga armas pandigma. Live firing at live bombing ang ilan sa mga aktibidad ng Balikatan Exercises na direktang nakatudla sa karagatan at kagubatan ng look na matinding nangwawasak sa likas na yaman nito. Itinataboy ng shock waves mula sa makina ng higanteng mga barko ang mga isda at lamang-dagat at pinapatay ang malaking bahagi ng mga bakawan at coral reefs.

Habang bilyun-bilyon na ang pondong winaldas para sa pagtatayo ng baseng militar, nananatili namang atrasado ang kabuhayan sa pagsasaka at pangingisda ng mga lokal na residente ng Ulugan Bay. Lumilikha ng takot sa hanay ng mga mangingisdang Palaweño at naiipit ang maliliit na bangkang panghanapbuhay ng mga ito dahil sa presensya ng naglalakihang mga barko ng Naval Forces West ng Philippine Navy kasama ang US

Marines. Papatindi ang militarisasyon, pagiging pugad ng prostitusyon, pananakot, panggigipit at pagpapakalat ng baluktot na mga impormasyon hinggil sa rebolusyonaryong kilusan sa isla.

Sa loob ng dalawang taong panunungkulan, natunghayan din ng buong daigdig ang panlilimos ni Duterte sa ibayong dagat ng ayuda at paglalako nito ng bawat tipak ng teritoryo ng bansa. Pawang mga buladas lamang ang pagyayabang nitong para sa Pilipinas ang mga isla sa West Philippine Sea na pinag-aagawan ng ilang mga dayuhang bansa, laluna ng Tsina. Sa kabila ng walang pahintulot na pagtatayo ng Tsina ng mga kongkretong istruktura, pagpupwesto ng mga barkong pandigma at pananaliksik sa mga isla’t katubigan ng West Philippine Sea, animo’y umurong na ang dila ni Duterte at nagpakainutil na lamang sa pagtatanggol ng pambansang soberanya. Nagsisilbing kolateral ang mga teritoryo ng Pilipinas sa Tsina upang garapalan siyang makapangutang para sa kanyang ambisyosong proyektong imprastruktura na Build Build Build na balon ng kanyang pangungurakot at magdudulot ng paglubog pang lalo ng bansa sa kumunoy ng utang.

Nananatiling husto ang mga batayan upang igiit at bawiin ang kalayaan mula sa kamay ng mga bansang superpower na nag-aambisyong ilagay ang daigdig sa kanilang mga palad upang lusawin ang panimulang mga tagumpay at sakripisyo ng mamamayang nakikibaka. Habang nasa bingit ng pandaigdigang krisis at pag-uumpugan ng mga imperyalista, lalong higit na kailangan ang pagkakaisa at kahandaan sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan upang mahusay na salagin at labanan ang imbing mga pakana ng rehimeng US-Duterte.

Kailangang lagutin ang gapos ng malakolonyal na paghahari ng US at pagdomina nito sa larangan ng militar, pulitika, ekonomya at kultura ng bansa. Singilin si Duterte sa pagbebenta nito ng pambansang soberanya at pagiging sagadsaring tuta at traydor sa mamamayang Pilipino. Higit kailanman, ngayon ang tamang panahon upang tunguhin ang landas ng pagrerebolusyon upang kamtin ang tunay na kalayaan ng sambayanan.

HUNYO 2018 5 KALATAS

Page 6: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

HUNYO 20186 KALATAS

Nirerekluta rin ang mga minorya sa CAFGU at iba pang grupong paramilitar at samahan upang mang-espiya sa kapwa nila minorya. Ang mamamayang hindi nakukuha ng militar sa mga programa ng panlalansi at panlilinlang ay sinusupil gamit ang bangis at dahas. Pinalalayas sa pamamagitan ng panunugis ng mga operasyong kombat ng mga pwersa ng militar ang mga nananahan sa kabundukan na naglalayo sa kanila sa kanilang kabuhayan.

Sa Mindoro, aktibong itinatayo ni Lerma Bulaklak ang samahang Turugbungan at ipinasasapi rito ang mga Mangyan upang maging sibilyang asset ng militar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Si Lerma Bulaklak ay isang taksil ng rebolusyon na ngayo’y aktibong sundalo ng CMO battalion sa ilalim ng 2nd ID at tila asong ulol na sumusunod sa mga kumpas ng 2nd ID. Bahagi rin ng mga krimen ng Turugbungan ang pangangampanya ng operasyong quarry ng kumpanyang Bluemax Tradelink, Inc. na nagmimina ng graba at iba pang mineral sa Rizal.

Minamaniobra na rin ng militar ang kampanyang pagpapasuko nito sa mga kasapi hanggang simpatisador ng PKP-BHB sa pamamagitan ng Bulalacao Rebel Returnees’ Association at Balik-Tribo Campaign. Samantala, itinayo na ang mga kampo ng militar kahit sa mga interyor na bahagi sa mga bayan ng Bulalacao, Bongabong, Rizal, Paluan, Abra de Ilog, San Jose at ang pinakabago’y sa Sablayan, mga lugar kung saan may pamayanan ng mga Mangyan.

Sa Palawan, tampok ang mga bayan ng Bataraza, Brooke’s Point at Rizal sa mga prayoridad na lunsaran ng focused military operations sa tabing

ng mga civil military operations. Nirerekrut ang mga minorya rito upang maging paramilitar ng Filipino Alliance Movement-Security Group (FAM-SG) laban sa mga rebolusyonaryong organisasyon sa baryo. Pinangangasiwaan din ng mga pulis at militar katuwang ang lokal na reaksyunaryong gubyerno ang binuong “Bantay-Gubat” sa tunay na layuning bantayan ang iba’t ibang etnolinggwistikong grupong naninirahan sa kagubatan at kabundukan. Nagpapalipad din ang militar ng flyers ng pagpapasuko at nagsasabog ng mga pekeng balita laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Ang Tribal Center for Development (TCD) naman ang mayor na makinarya ng reaksyunaryong gubyerno at militar nito upang buuin ang kanilang lambat-paniktik sa mga Dumagat sa North Quezon.

Mamamayang minorya, magkaisa at labanan ang bangis ng halimaw na Oplan Kapayapaan!

Pagbubuwag sa mahigpit na bigkisan at pagkakaisa ng mga pambansang minorya—ito ang mayor na layunin ng IP-centric approach sa balangkas ng halimaw na Oplan Kapayapaan.

Upang maisagawa ang buhong na pakanang ito, naghahasik ang AFP-PNP-CAFGU at iba pang organisasyon at institusyon ng mga itim na propaganda laban sa mga minoryang naninindigan at nakikibaka para sa kanilang mga lehitimong karapatan sa lupang ninuno at pagpapasya sa sarili. Kasabwat ang DENR, hinahati nila ang hanay ng mga minorya sa mga grandiosong proyekto at programang National Greening Program, malakihang pagmimina, eko-turismo at pagtatayo ng mga dam sa tabing ng diumano’y pangangalaga sa kalikasan at kagubatan.

Page 7: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

HUNYO 2018 7 KALATAS

Pinapasapi ang mga Dumagat at mga asset sa binuo ng TCD na Sagibin tampok ang intel na si Boy Marcelino na kapatid ng isang koronel ng AFP. Sa Rizal naman, hinihingan ang chieftain ng bawat baryo ng tatlo hanggang limang Dumagat na magsisilbi sa “Bantay-Gubat” upang iulat sa militar ang presensya ng BHB rito. Sa kasalukuyan, itinayo ang mga kampo ng AFP-PNP-CAFGU sa mga komunidad ng Dumagat: limang kampo sa bayan ng General Nakar at isa sa Infanta, Quezon; tatlo sa bayan ng Rodriguez, apat sa Tanay at tatlo naman sa Antipolo, Rizal.

Ang tatluhang operasyong saywar, paniktik at kombat na ito ang nagtutulak ng mas marami pang mga paglabag sa karapatang pantao tulad ng iligal na pag-aresto at pagdukot. Tampok dito ang mga Mangyang sina Bilyon, Nonoy Casidsid, at Jerry Santiago; Rockey Torres at Avelardo “Dandoy” Avillaneda na mga Dumagat; at ang buong pamilya ni Polog, isang Palaw’ang chieftain. Biktima rin ng pandurukot kahit ang mga sibilyang tulad ni Victorino “Jun” Estrella, Jr., isang boluntaryong guro ng mga Mangyan, kasama ang pinsan nitong si Ferdinand Aquino at hanggang ngayo’y hindi pa rin sila natatagpuan. Sa hangganang Quezon-Rizal naman, umaabot na sa 420 katutubong Dumagat ang napilitang magbakwit noong nakaraang buwan upang lumayo sa pandarahas at pananakot ng mga sundalo.

Kahit pa maskarahan ang panunupil ng IP-centric approach ng Oplan Kapayapaan, hindi kailanman maikukubli ng rehimeng US-Duterte kasapakat ng mga malalaking burgesya kumprador ang maitim nitong balak na kamkamin at dambungin

ang lupang ninuno ng mga pambansang minorya. Subalit sa tulong ng rebolusyonaryong kilusan, pinaunlad nito ang pagkakaisa ng mamamayang minorya upang itaguyod ang karapatan sa lupa at pagpapasya sa sarili at labanan ang mga malaon nang sumasagpang at lumalapa sa likas na yaman ng bansa.

Sa mayaman nang kasaysayan ng pakikibaka ng pambansang minorya sa Timog Katagalugan, dapat na higit pang buuin at palakasin ang kanilang pagkakapit-bisig. Panatilihin ang pag-agos ng tradisyong pagkanlong nila sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa mga gubat at bundok, pagsapi rito at pag-aambag ng kakayahang magkabisa ng tereyn sa kanayunan. Dumadaloy ngayon sa dugo ng mga mauunlad na Pulang kumander at kadreng pampulitika mula sa kanilang hanay ang ipinamalas na kagitingan at katapangan ng mga martir ng rebolusyon tulad nina Virginia Casidsid, Vicente “Ka Alpha” Alpog at marami pang iba.

Patuloy pang paigtingin ng mga Mangyan, Dumagat, Remontado, mga etnolinggwistikong grupo sa Palawan at iba pang pambansang minorya sa rehiyon hanggang sa buong bansa ang digmang bayang tunay na nagsusulong ng karapatan ng mamamayan sa buhay, lupa at kabuhayan. Bigwasan sa ulo at lipulin ang berdugong tropa ng AFP-PNP-CAFGU sa paglalantad ng kanilang tunay na anyong mabagsik at uhaw sa dugo. Tanganan ng lahat ng mamamayang di na pasisiil ang lahat ng armas tulad ng baril, palaso, pana, sibat, supok, gulok at iba pang sandatang bubulid at magwawakas sa buhay ng higanteng halimaw na Oplan Kapayapaan.

BALITA

Pang-islang palihan sa kultura, ginanap sa Mindoro

Matagumpay na inilunsad sa isla ng Mindoro ang pang-islang palihan sa kultura noong Mayo 22 hanggang 27. Nilaman nito ang pagsasanay sa dulaan, sayaw-galaw, pagsulat ng tula at paglikha ng

awit. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 50 kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng isla.

Sa temang “Gintong Araw, Gintong Aral: Ipagbunyi ang ginintuang anibersaryo ng PKP! Itaas ang antas ng digmang bayan sa diwa ng kasalukuyang kilusang pagwawasto!”, nagsilbing paghahanda ang palihan sa kultura sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa darating na Disyembre. Layunin din ng palihan na pandayin ang mga manggagawang pangkultura para sa pagtataas ng kalidad ng mga rebolusyonaryong likhang sining. Inaasahang magluluwal pa ito ng mas maraming pagsasanay sa kultura at mga manggagawang pangkulturang magtatanghal sa mga aktibidad ng rebolusyonaryong kilusan.

Page 8: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

8 KALATAS HUNYO 2018

Limang sundalo napatay sa matagumpay na ambus ng AMC-BHB Quezon

Matagumpay na inambus ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon ang isang trak ng 85th IBPA sa Brgy. Cogorin Ibaba, Lopez, Quezon noong Hunyo 4. Nilabanan din ng Pulang hukbo ang reinforcement ng pasistang tropa. Nagresulta ang dalawang labanan ng limang patay sa hanay ng pasistang AFP.

Samantala, ipinagbunyi ng mamamayan ng Quezon ang matagumpay na pag-iisparo ng isang yunit ng AMC-BHB Quezon kay Ruben Carabido noong Hunyo 11 sa Brgy. Busok-Busokan, San Narciso. Si Carabido ay kilalang engkargado ng pamilyang Reyes at Uy sa mga bayan ng San Andres at San Narciso na pangunahing nagpapatupad ng mga anti-magsasakang patakaran tulad ng mataas na upa sa lupa, mababang pasahod at pagbabawal na magtanim at mag-alaga ng hayop. Sya rin ang may pakana ng pagkakaso ng qualified theft sa 22 tenante at magsasaka ng 349-ektaryang pag-aari ni Dr. Vicente Uy sa Brgy. Camflora, San Andres.

Noong nakaraang buwan, matagumpay naman na inilunsad ng AMC-BHB Quezon ang serye ng mga kontra-opensibang aksyon laban sa mga nag-ooperasyong pwersa ng 80th IBPA sa Brgy. Umiray, General Nakar upang depensahan ang sarili at ang mamamayan. Hinaras ng Pulang hukbo ang isang platun ng pasistang militar noong Mayo 27 sa Sitio Inamitan. Noong Mayo 24 naman, inisnayp ang isang opisyal ng 80th IBPA sa Sitio Longo. Samantala, isinagawa ng AMC-BHB Quezon ang aktibong depensa laban sa isang platun ng mersenaryong sundalo noong Mayo 14 sa Sitio Panagsaan na nagresulta ng isang patay na opisyal na si Sgt. Salustiano at isang sugatan habang walang kaswalti sa hanay ng Pulang hukbo.

Pasistang 80th IBPA, hinaras ng NAAC-BHB Rizal

Hinaras ng Narciso Antazo Aramil Command-BHB Rizal ang isang platun ng Charlie Coy ng 80th IBPA noong Hunyo 8 sa Sitio Dapis, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal na nagresulta ng isang patay sa hanay ng militar. Ito ay kontra-atake ng NAAC laban sa pasistang tropa ng 80th IBPA na halos isang buwan nang naglulunsad ng operasyong militar sa kanayunan at kabundukan ng lalawigan.

BALITANG TO

Quezon: Power capital ng malalaking burgesya komprador at dayuhang mamumuhunan sa bansa

Isa ang lalawigan ng Quezon sa pokus ng rehimeng US-Duterte sa mga paglalagakan nito ng mga proyektong imprastruktura sa rehiyon alinsunod sa kanyang programang Build Build Build. Aabot sa pitong malalaking

proyekto ang kasalukuyang ginagawa at balak itayo sa iba’t ibang bahagi ng Quezon na pagmamay-ari ng malalaking burgesya komprador at dayuhang mamumuhunan. Malinaw sa mamamayan ng Quezon na hindi ito para sa kanilang pangangailangan kundi para lamang sa ganansya mismo ng rehimen at mga kasapakat nitong naghaharing-uri sa bansa.

Kabilang sa mga proyektong ito ang dam sa pagitan ng Hilagang Quezon at Rizal, ang Laiban Dam at New Centennial Water Source- Kaliwa Dam sa pagitan ng Rizal, Laguna at Hilagang Quezon na maglulubog sa 28,000 ektaryang lupain at magdudulot lamang ng malawakang dislokasyon sa mga magsasaka, Dumagat at iba pang mamamayan ng Quezon at Rizal sa kanilang tirahan at kabuhayan. Bahagi ng lupang ninuno ng mga Dumagat at Remontado ang malaking bahagi ng

Page 9: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

HUNYO 2018 9 KALATAS

lupang malulubog ng mga dam na ito.

Balak ng rehimen na gawing power capital ng bansa ang lalawigan kung kaya inaarangkada na nito ang pagtatayo ng coal-fired power plant sa Pagbilao at hydroelectric power plant sa Real na pangunahing sumisira sa kalikasan. Napatunayan sa Environment Investigation Mission (EIM) ng Center for Environmental Concerns-Philippines na ang pagtatayo ng mga planta partikular ang coal-fired power plants ay magreresulta ng kemikal na kontaminasyon sa mga isda at iba pang halamang-dagat, gayundin sa mga pananim. Pangunahin din nitong maapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil sa papaliit na bilang ng mga isda dulot ng pagkawasak ng ecosystem nito tulad ng bakawan at coral reefs.

Bukod dito, binabalak ng rehimen na magtayo ng kalsada mula sa sentro ng Gen. Nakar hanggang Brgy. Umiray at kalsadang magdurugtong sa mga bayan ng Atimonan at Mauban para sa mas mabilis

na transportasyon ng kalakal sa benepisyo ng malalaking negosyante sa probinsya.

Kaakibat ng konstruksyon ng malalaking proyektong ito, nagpapatuloy ang deployment ng laking platung pwersa ng AFP sa mga lugar na pinagtatayuan ng mga nasabing proyekto upang tiyaking umaayon ang lahat sa plano ng rehimen. Lalo lamang itong maghahasik ng takot sa mamamayan ng Quezon at magbubunga ng paparaming bilang ng paglabag sa karapatang-tao.

Ayon kay Cleo del Mundo, tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon, “sa halip na tugunan ng rehimen ang malaon nang kahilingan ng mga magsasaka at magniniyog sa Quezon, inaarangkada nito ang kanyang anti-mamamayan at anti-kaunlarang pakana. Lalo lamang nitong itinutulak ang mamamayan ng Quezon na labanan at tuluyang ibagsak ang pasistang paghahari ng rehimen sa bansa at kamtin ang kanilang mga lehitimong karapatan.”

Nakilala ni Karl Marx si Jenny Von Westphalen, anak ng noo’y konsehal ng Trier at syang naging katuwang nya sa pagtatayo ng isang pamilyang pinanday sa pag-ibig sa gitna ng sakripisyo at kahirapan habang

nagrerebolusyon. Nagbunga ito ng anim na mabubuting anak na sina Jenny, Laura, Heinrich, Edgar, Franzizka at Eleanor ngunit dulot ng matinding paghihirap sa piniling landas ng kanilang mga magulang ay maagap na nasawi sina Heinrich, Franzizka at Edgar.

Pamilyang Marx: Larawan ng dakilang pag-ibig at sakripisyo sa gitna ng kahirapan at pakikibaka

Dakila ang naging pagmamahalan nina Karl at Jenny na umigpaw sa lahat ng kinaharap nilang mga suliranin at sakripisyo at nagsilbing inspirasyon ng buong pamilya, iba pang kamag-anak at mga kaibigan sa pag-aalay ng kanilang buong buhay para sa kinabukasan ng sangkatauhan. Di alintana ang kahirapan at sakripisyo, tinahak ni Marx at ng kanyang pamilya ang salat na pamumuhay kapalit ng buong-panahon ng pananaliksik at pagsusulat ng ngayo’y pinakamahahalagang gabay sa pakikibaka ng uring proletaryado.

Nasaksihan ni Marx ang paghihirap na dinaranas ng kanyang pamilya dahil sa buhay na kanyang pinili

ngunit hindi ito pumigil sa kanya upang pukawin at pakilusin ang mamamayan ng Europa at buong

daigdig para sa rebolusyon. At dahil sa dalisay at pagkamakatarungan ng kanyang layunin, buong-puso syang sinuportahan ng kanyang asawa at lahat nilang mga anak at naitayo ang isang matibay na proletaryong pamilya. Sa kasalukuyan, patuloy na kinikilala at dinadakila ng lahat ng pamilyang nakikibaka sa buong daigdig ang pamilya nina Karl at Jenny kasama ang iba pang proletaryong pamilyang naitayo

sa gitna ng pakikidigma.Ikaapat at huli sa serye ng mga artikulo hinggil sa ika-200 kaarawan ni Karl Marx.

Page 10: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

10 KALATAS HUNYO 2018

KILOS PROTESTA

PAF at PSMC, kinumpronta ng mamamayang Batangueño

Kagyat na kinumpronta ng mga magsasaka ng Brgy. Coral ni Lopez,

Calaca, Batangas ang mga dumating na militar sa kanilang baryo sa pamamagitan ng isang dayalogo sa Sangguniang Barangay noong Hunyo 17. Nilahukan ito ng humigit kumulang 60 katao kaharap ang 16 na elemento ng Philippine Air Force at apat na tauhan ng Public Safety Management Company.

Nanindigan ang mga magsasaka at Sangguniang Barangay laban sa presensya ng mga militar sa napakahaba ng karanasan ng paglabag nito sa karapatang pantao sa baryo. Binaybay ng mamamayan ang kanilang kasaysayan ng pakikihamok sa panginoong maylupa na si Lopez kung saan ang mersenaryong tropa ng AFP ang pangunahing instrumento ng pandarahas at pangangamkam nito ng lupa.

Isinagawa naman ang isang fact-finding mission nang sumunod na araw na nilahukan ng mamamayan at mga nagtataguyod ng karapatang pantao sa lalawigan at rehiyon.

Pagbisita ni Duterte sa Laguna, sinalubong ng protesta

Sinalubong ng isang kilos-protesta ang pagbisita ni Duterte sa Sta. Rosa, Laguna sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-ST noong Hunyo 14. Layunin ng pagdalaw ni Duterte sa Sta. Rosa sports complex ang pagpapasumpa ng mga bagong halal na kapitan ng mga barangay sa CALABARZON.

Ayon kay Allan Bragas, tagapangulo ng BAYAN-ST, tinipon ni Duterte ang mga kapitan upang itulak ang kanyang adyenda sa charter change at pederalismo. Hinamon ng mga nagkilos-protesta ang GRP na seryosohin ang pagtutuloy ng usapang pangkapayapaan upang kagyat na ipasa ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reform at iba pang mga kasunduan sa pakinabangan ng mamamayan.

Raling-iglap, sumalubong sa Araw ng Huwad na Kalayaan

Naglunsad ng raling-iglap ang Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST), Anakbayan-ST at COURAGE sa Kawit, Cavite noong

Hunyo 12 sa ika-120 anibersaryo ng Huwad na Kalayaan. Kinundena ng mga nagprotesta ang pagpapaubaya ng reaksyunaryong gubyerno sa panghihimasok ng mga imperyalistang mga bansang US at China gayundin sa pagsasamantala at pangingikil ng Chinese coast guards sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough at Panatag Shoal.

Binansagan nilang traydor si Duterte na unang beses na nagdiwang sa Aguinaldo Shrine kasama ang ambassador ng Tsina. Binuwag ng mga pulis ang mga nagprotesta at iligal na inaresto ang isa sa kanila. Ipinagpatuloy ng humigit-kumulang 75 aktibista ang protesta ilang metro ang layo sa Aguinaldo Shrine.

Mga manggagawa ng Middleby, nagwelga

Nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan ang sitdown strike ng mga manggagawa ng Middleby Philippines Corporation sa loob ng Laguna Technopark Inc. sa Biñan, Laguna sa kabila ng mga samu’t saring pandarahas sa kanila upang mabuwag ang kanilang protesta tulad ng pambobomba ng tubig, paghaharang sa mga sumusuportang manggagawa na nagbibigay sa kanila ng pagkain at pagkausap sa pamilya ng mga manggagawa upang kumbinsihing itigil na ang welga. Sinimulan itong ilunsad ng 131 manggagawa noon pang Mayo 10.

Inilunsad ang strike upang tutulan ang iligal na pagtatanggal sa 27 manggagawa rito at igiit ang pagreregularisa sa lahat ng 131 kontraktwal sa pagawaan batay sa inilabas na desisyon ng DOLE.

Ang Middleby Phils. ay pagawaan ng fry tanks, oven conveyors at fryers na ginagamit sa mga fast-food chains.

Flores de Endo, inilunsad ng mga manggagawa laban sa DOLE

Sa inilunsad na Flores de Endo noong Mayo 30 hanggang 31, ipinarada ng mga manggagawa ang mga isyung kanilang kinahaharap tampok ang kontraktwalisasyon. Lumahok dito ang mga kasapi ng unyon mula sa 12 pagawaan sa TK na pinangunahan ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU). Sa ikalawang araw, sumugod sila sa opisina ng Department of Labor and Employment upang ihain ang kanilang reklamo ukol sa hindi pagsunod ng mga pagawaan sa utos na regularisasyon ng DOLE.

Page 11: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

Mga magsasaka ng Lupang Ramos, patuloy na dinarahas

Serye ng panggigipit at pananakot ang naranasan ng mga magsasaka sa Lupang Ramos, Brgy. Langkaan,

Dasmariñas, Cavite noong Hunyo 2 hanggang 4 mula sa mga tauhan ni Rudy Herrera, nagbebenta ng lupang sinasaka ng mga magbubukid ng KASAMA-LR. Ginamit ni Herrera si Nestor Pangilinan at grupong BUKLOD para pasukin ang 150-ektaryang lupang binubungkal ng mga lehitimong tenante ng lupa.

Walang-awang sinaktan noong Hunyo 2 ng mga tauhan ni Herrera ang 62-taong gulang na lola na si Rosalinda Atienza at magsasakang si Romeo Aledia, 45 taong gulang. Si Atienza at Aledia ay parehong kasapi ng KASAMA-LR. Noong Hunyo 3, isinama naman ni Herrera at Pangilinan ang aabot sa 40-taong pinangakuan nila ng lupa para guluhin ang bungkalan ng mga magsasaka. Ginamit din nila ang PNP para pigilan ang pagpasok ng mga taga-suporta ng KASAMA-LR. Noon namang Hunyo 4, pinaputukan ang mga kasapi ng KASAMA-LR habang pauwi sila sa kanilang mga bahay mula sa barikadang itinayo nila sa loob ng kanilang lupain.

Pagkubkob at pagsalakay ng militar sa mga komunidad ng magsasaka at minoryang mamamayan

Batangas. Sapilitang inokupa ng mga elemento ng 730th Combat Group ng PAF at mga elemento ng Batangas Provincial Public Safety Company (PPSC) ang Brgy. Coral ni Lopez sa Calaca noong Hunyo 17. Ito ay sa kabila ng pagtutol ng mga residente sa pangunguna ng Sangguniang Barangay dulot ng takot at pangamba sa mga militar. Nagbabanta rin ang mga militar na kampuhan ang karatig na mga barangay ng Taclang Anak, Patugo at Sukol sa Balayan.

Idineploy naman ang isang kumpanya ng 1st IBPA sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan upang supilin ang

pakikibaka ng mamamayan laban sa nakaambang pagpapademolis sa kanila ni Federico Campos III. Hunyo 9 ay winasak ng mga militar ang bakod ng kampuhan ng mga magsasaka at ipinasagasa sa mga military truck ang kanilang mga taniman.

Mindoro. Dinahas ng nag-ooperasyong pwersa ng 4th IBPA ang dalawang minoryang Mangyan sa saklaw ng Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong huling linggo ng Hunyo. Bago ito ay dinukot ng mga militar ang isa pang Mangyan na residente ng Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro. Nanggaling ito sa tyanggian ng mga Mangyan upang bumili ng ilang pangangailangan sa kanilang bahay nang masalubong ito ng mga militar at pinagbintangang tagapamili ng Pulang hukbo.

Quezon. Patuloy na panggigipit ang nararanasan ng mga magniniyog sa mga bayan sa saklaw ng South Quezon-Bondoc Peninsula dahil sa walang-puknat na presensya ng mga pwersa ng 85th IBPA. Hindi makapasok sa kanilang mga niyugan para magkopra ang mga magsasaka sa takot na dahasin ng mga militar na naghihimpil at naggagalugad sa kanilang mga niyugan.

Samantala, sa gitna ng matinding takot ay pinipwersa namang bumalik sa kanilang mga komunidad na okupado pa ng mga militar ang mga minoryang Dumagat na nagbakwit noong Mayo sa Brgy. Umiray, General Nakar. Binabantaan pa ng mga militar ang mga residenteng kapag hindi sila nakita ng mga ito sa bundok ay gagantihan ng mga ito ang kanilang mga kapwa Dumagat. Nananatiling okupado ng mga pwersang militar ng 80th IBPA ang ilang mga sityo sa Brgy. Umiray kabilang ang elementary school ng Sityo Dadiangao at naglulunsad ng operasyong panghahalihaw sa lupaing ninuno ng mga minorya. Okupado rin ng isang yunit nito ang Sityo Cablao, ang pinaka-populadong sityo ng Brgy. Pagsangahan kung saan binabalak itayo ng rehimen ang Kaliwa Dam.

HUNYO 2018 11 KALATAS

BANTAY KARAPATAN

Hinarap ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang mga nagprotesta at humingi ng usap mula sa mga kinatawan. Binato ng mga manggagawa ng pintura ang sagisag ng opisina ng DOLE dahil sa kanilang disguto kay Bello sa hindi kaagad na pagpapahintulot sa pagpapasok ng pagkain para sa mga nakawelgang manggagawa ng Middleby.

“Hindi na palalagpasin ng mga manggagawa ang pagsasawalang bahala na ito ng DOLE,” ayon sa tagapagsalita ng PAMANTIK-KMU.

Page 12: Paigtingin ang digmang bayan para kamtin ang kapayapaang ... · iginuhit na nito sa kasaysayan ang walang pagmamaliw na pag-ibig sa tunay na demokrasya. Naging saksi na ang matabang

KULTURA

Tunog ng Kapayapaanni Ka Pleni

12 KALATAS HUNYO 2018

Naririnig mo ba ang mga yabagNa umiibabaw sa malambing na mga huni sa gubatMalakas, nakapanghihilakbot na lakasNg bawat nilang hakbang, bawat tapak.

Naririnig mo ba ang mga kaluskosNg mga kriminal na daig ang hayop,Nag-aabang, naglalaway at uhaw na uhawSa pawis, luha at dugo ng mamamayan.

Naririnig mo ba ang hinihiyaw ng kanilang panunugsog:“Nasaan kayo, kayong mga busabos sa bundokAt palalamunin namin kayo ng kilabotNg punglo naming sa inyo’y bubusog!”

Naririnig mo ba ang mapang-api nilang mga bantaSa bawat tumatangging masaKung tatanungin ng mga pasista,“NPA ka, ano? Nasaan ang mga kasamahan mo?!”

Naririnig mo ba ang kulog ng mga barilAt ang pagsabog ng mga bombaNilang sumisiil at kumikitil Sa buhay ng mga dinusta—Gugutay-gutaying tilang damitAng balat, laman at buto;At aagos sa papag na sahigNg munting dampa ang nagmamakaawang dugo.

At anong ipinangkakalasag ng mga halimaw?“Para ito sa kapayapaan! Oplan Kapayapaan!”Kapayapaan?Kapayapaan, para kanino?

Payapa bang itinuturingKung ang ingay ng mga yabag, kaluskos, Mga banta, panunugsog at pamamarilNg militar ang sa mamamaya’y gumagapos?

Kung iyo ngang naririnigAng lahat ng binanggit na pagmamalupit,Hindi ba dapat tugunan ito ng bagsikAt hayaang makaalpas ang mga pusong maghihimagsik.

Lilikhain ang mas malakas na sigawNg paghahangad ng tunay na kapayapaan.Ang mamamayang kinitlan ng karapatan,Ay babangon, lalaban, tatangan ng armas At itatambol sa bansa ang bawat pagbigwas.

Higanteng putok at pagsabogAng sa pang-aapi‘y isasagot.Papadagundungin ang digma sa nayonHanggang marinig ng lahat ang tagumpay ng rebolusyon!