Pahayagan ng Bagong Katipunan Ang .Pahayagan ng Bagong Katipunan Ang Magdalo 1 Samahang Magdalo NCR

  • View
    219

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Pahayagan ng Bagong Katipunan Ang .Pahayagan ng Bagong Katipunan Ang Magdalo 1 Samahang Magdalo NCR

  • Volume 3, Issue No. 1 of 2016

    Pahayagan ng Bagong Katipunan

    1Ang Magdalo

    Samahang Magdalo NCR Blood Letting

    Ang Magdalo Tree Planting Activity

    Bilang pagsuporta sa Programang “Greener Philippines”, ang Samahang Magdalo CDO Chapter katulong ang “ Magdalo Iskolars” na isang Kabataang hanay ng Magdalo, ay nakapagtanim ng humigit 400 punong sari-saring tanim sa Brgy. Mambuaya, Cagayan De Oro City noong October 28, 2016. Layunin ng nasabing aktibidad na mapunuan ang kakulangan natin pagdating sa aspetong pagpapahalaga sa ating Inang Kalikasan. Ang naturang aktibidad sa siyudad ng CDO ay maituturing na kontribusyon natin sa local na pamahalaan upang mapaghandaan ang kalunos lunos na epekto ng kalamidad sa ating bansa. Kung sa anayon sa PAGASA, humigit kumulang sa 30 insidenteng pananalasa ng bagyo ang dinaranas ng Pilipinas taun-taon.

    Ang Samahang Magdalo National Headquarters ay nagsagawa ng Pag- aalay ng Dugo sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, Rizal Chapter at sa pag-oorganisa ng Samahang Magdalo Rizal Provincial Chapter katulong ang Samahang Magdalo Antipolo City Chapter. Ito ay ginanap sa Barangay Mayamot, Antipolo City. Ang pag-aalay ng dugo ay pinangunahan ng magigiting na mga pinuno ng Magdalo. Una na rito si Kagalang galang Gary Alejano, ang kinatawan ng Magdalo Para sa Pilipino Partylist na sinundan naman nina Gat Manuel “Cash” Cabochan, ang pinuno ng Magdalo Para Sa Pagbabago Movement at si Rajah Norberto Santiago, Jr. ang pinuno ng Samahang Magdalo. Kasama rin sina Bro Ronald Galang ng SM Provincial Chapter at Bro Rudy Rico ng Antipolo City Chapter.

    Kasabay nito ay ang paglulunsad ng Samahang Magdalo Galloners’ Club na ang pangunahing hangarin ay magkaroon ng ipong dugo sa mga pangunahing Ospital sa Maynila at iba pang lugar sa buong kapuluan upang makatulong sa mga miyembro at mga taong nangangailangan nito. Maraming miyembro ang nakilahok at nangako na sila ay susuporta sa adhikain ng grupo at patuloy na makikilahok sa mga susunod na pag- aalay ng dugo. Ninanais ng grupo na dumami pa ang sumapi na maging miyembro nito. Habang isinusulat ang artikulong ito, ang grupo ay nagtakdang susunod napag-aalay ng dugo na gaganapin sa ika-26 ng Nobyembre 2016 sa Headquarters ng National Red Cross sa37 EDSA corner Boni Avenue, Mandaluyong City.

    Tunay ng ang ang pagbabago na hangad ng bawat mamayan ay magsisimula sa bawat isa sa atin. Hindi kailanman magiging sagabal o hadlang ang kakapusan sa buhay o kawalan ng oras. Mabuhay ang Samahang Magdalo at Sambayanang Pilipino!

  • 2

    Pahayagan ng Bagong Katipunan

    Noong 30 Hunyo 2016, opisyal ng naupo bilang presidente si Pangulong Duterte. Ang pangunahing adbokasiya ng kanyang administrasyon ay ang kampanya laban sa ilegal na droga. Ngunit kasabay ng kampanyang ito ay ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na mga umano’y “drug suspects”na ngayon ay umaabot na sa halos limang libo. Masakit makita ang patuloy na pagtaas ng bilang na ito lalo na’t marami sa mga ito ay kwestyunable ang paraan ng pagkakamatay at sinasabing mga inosente, kasama na ang ilang mga menor de edad. Ito ang nagtulak kay Sen. De Lima na maghain ng isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang patuloy na paglaganap ng extrajudicial killings. Ilang pagdinig ang isinagawa sa Senado ukol dito at naging aktibo tayo sa mga pagdinig na ito dahil naniniwala tayo na hindi dapat mawala ang pagrespeto sa karapatang pantao at pagtalima sa due process of law sa gitna ng laban sa droga. Maraming resource person ang humarap sa pagdinig, kabilang na dito ang mga kamag-anak ng mga ilang namatay sa naging operasyon kontra droga. Lumabas dito ang mga naging iregular na operasyon ng ilang mga pulis, kasama na rin ang mga sinasabing ninja cops. Ngunit, isa sa mga importanteng naisawalat ng pagdinig na ito ay ang paglabas ni Mr. Edgar Matobato na isa umanong dating miyembro ng tinatawag na Davao Death Squad. Inilahad niya ang dating mga naging operasyon ng DDS na pumatay sa maraming tiga-Davao kahit ito ay mga hinihinalang mga gumagamit ng droga lamang, at ilang mga nakalaban ng pamilyang Duterte noong ang Pangulo ay nakaupong alkalde pa lamang. Ang mga naging pahayag ni Mr. Matobato ay mahalaga dahil dito makikita ang mga gawain noon sa Davao na pilit tinutulad sa bansa ngayon. Ito ang maaaring sagot sa mga

    D I W A ni L A K A N

    Senator ANTONIO F. TRILLANES IV

    Ito ang maaaring sagot sa mga nangyayaring sinasabing extrajudicial killings ngayon. Ngunit, nang dahil sa pulitika, nagtagumpay ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte na mapatalsik si Sen. De Lima bilang chairman ng komite na humahawak sa pagdinig at kalaunan ay napahinto na rin ito ang nasabing pagdinig. Ngayon, ang mga nasabing kaalyado ay patuloy pa ring kinukumbinsi ang taumbayan na walang katotohanan ang mga lumabas sa pagdinig para lang mapagtakpan ang gawain ng Pangulo. Kung walang tinatago at kung pursigidong malaman ang katotohanan patungkol sa extrajudicial killings, lahat ng paraan ay gagawin ng komite. Gayunpaman, ako ay naniniwala na sa huli ay na mananaig pa rin ang katotohanan. Ang laban sa droga ay hindi kailangang maging madugo, at hindi ito masusugpo kung pawang patayan lang ang naiisip nating paraan. Dati ko nang nabanggit ang holistic approach na aking minumungkahi para mas epektibo ang laban kontra sa droga. Una na rito ang pagsasaayos ng mga institusyon na tututok para masugpo ang mga responsible sa pagpapakalat ng droga sa bansa. Kasama rito ang pagbuo ng isang espesyal na korte na hahawak at tututok sa mga drug cases; ang pagpapalakas at pag-modernize ng Philippine Drug Enforcement Agency; at ang muling pag-indoctrinate sa mga pulis. Sa aspeto naman ng pagre-rehabilitate, kinakailangang magtayo ng mga detention facilities at rehabilitation centers para sa mga nalulong sa droga na may pag-asa pa at para maibalik sila sa lipunan; at magkaroon ng information drive sa ating mga komunindad at paaralan upang hindi mahikayat ang mga kabataan na sumubok ng ilegal na droga. Naupo bilang alkade ng Davao si Pangulong Duterte sa loob ng mahigit na 20 taon, kung saan kampanya kontra droga rin ang kanyang pangunahing adbokasiya. Gamit ang kanyang sariling formula sa Davao, paano tuluyang masusugpo ang droga sa buong bansa kung sa Davao ay patuloy pa ring laganap ang droga sa kabila ng kanyang panunungkulaan doon sa loob ng maraming taon?

    Bagong Alyansa: Paharap sa Tsina o Patalikod sa Amerika?

    Gary Alejano continuation on page 3....

    Senator Antonio F. Trillanes

    Ang Magdalo Pahayagan ng Bagong Katipunan

    Ang Magdalo is a quarterly publication of Samahang Magdalo, Inc.

    You may wish to visit the following websites to know more about our group, its activities and advocacies:

    http://www.trillanes.com.ph http://www.magdalo.org http://www.samahangmagdalo.org

    We also accept donations for disaster relief operations. Please contact us through our email samahangmagdalo@gmail.com on how you can help.

    Ang pangulo ang ama ng bansa. Sa kanya nakasalalay ang tunguhin ng bayan. Kritikal ang gawaing ito dahil dito nakasalalay ang kagalingan o kapahamakan ng bansa. Sa larangan ng diplomasya at ugnayang panlabas, tanging ang pangulo lamang ang makapagpapasya. Ika-9 ng Mayo, 2016 ng manalo si Pang. Rody Duterte sa halalan sa pagka-pangulo ng bansa. Sa lamang na 6.6 milyong boto sa nangungunang katungaling si Mar Roxas, tunay nga na siya ang popular na napisil ng mga botante upang mamuno sa bayan. Sa unang buwan niya sa panguluhan, determinadong tinupad ni Pang. Duterte ang kanyang pangako. Sa ilang iglap ay daan-daang libong mga adik ang nagsisuko sa kapulisan. Kasabay din nito ay ang walang patumanggang pagtaas ng bilang ng mga napapatay na hinihinalang adik, tulak ng droga, at mga kriminal na umaabot na sa ilang libo at patuloy pa itong tumataas. Sa larangan naman ng panlabas na ugnayan ng bansa, walang pakundangang minura at inaway ni Pang. Duterte ang mga kilalang lider sa mundo tulad ng Santo Papa, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations(U.N.) na si Ban Ki-moon, ang mga pinuno ng European Union (E.U.), at ang pinakahuli ay si Pang. Barack Obama ng Amerika. Napanganga ang sambayanan ng ipahayag niya ang planong humiwalay na sa Amerika sa aspetong ekonomiya at pang- seguridad. Nagimbal ang lahat ng magbanta siya na puputulin na ang pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa E.U., gayundin ang pag-alis sa U.N. Dagdag pa dito ay napangiwi ang bayan sa magiliw at wagas, kung hindi man nakaka-uto na pagpuri niya kay Pang. Xi Jinping ng Tsina na tunay daw na “kaibigan” at sa Pang. Vladimir Putin ng Rusya na kanya daw “idolo.” Sa kabilang banda, “pakyu” at “putang-ina” ang lagi niyang ibinabato sa mga kalaban niya kaya tuloy naging mga trending words sa larangan ng diplomasya. Dahil dito, nagkakandarapa tuloy ang mga opisyal ng pamahalaan sa paghahabi ng paliwanag sa mga barubal na pagbibitaw ng salita ni Pang. Duterte. Sinisikap nilang linisin ang kalat at gulong iniiwan ni Pang. Duterte ngunit tila yata sadyang mas malaki pa sa kanila ang naging gusot para ma-plantsa ng maayos. Sa kasalukuyan ay patuloy na iginigiit ni Pang. Duterte ang tunay na malaya at may respetong pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Wala namang masama dito at bagkus ay pumapabor pa nga sa mga Filipino ang ganitong polisiya.

    Alejano ON THE GO!

    Representative GARY C. ALEJANO Magdalo Partylist

  • Pahayagan ng Bagong Katipunan

    3

    Ngunit bakit kinakailangan pa niyang awayin ang mga kasalukuyang ka- alyado natin lalong-lalo na ang Amerika na isang siglo na nating kaib