23
Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Page 2: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Musika Ng Pilipino: Impluwensya at Kaugalian

• Ang malaking bahagi ng ating musika ay bunga ng impluwensiya ng ating mga katutubo at mga mananakop na Kastila at Amerikano. Mula noon ay patuloy nang umunlad ang ating pagtingin sa larangang ito kasabay ang pagbabagong dulot ng pamamaraang likas sa kakayahan ng mga Pilipino. Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ang musika at asahan na patuloy ang pag-usbong nito sa pagdaan ng panahon.

Page 3: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Katutubong Tradisyon

• Ang sinaunang musika sa kabuuan ay sinasabing may katangiang nagpapahiwatig ng mga saloobin, pangarap, kahilingan, at gunita ng mga katutubo. Mahalaga na maintindihan na ang komunikasyon ay hindi lamang nangyayari sa ordinaryong usapan kung hindi maaaring idaan sa pagkanta. Ang musika sa panahong ito ay may impluwensiya ng tradisyong Islam. Mababanaagan ang bakas ng tribal music sa Mindoro sa pangunguna ng mga Mangyan.

Page 4: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Tugtugin at Kasangkapan

• Maaaring ang musika ay instrumetal o may kasabay na boses. Kung instrumental ang musika, ginagamitan ito ng gong, tambol, bamboo. Kapag may halong boses, ang pagkanta ay sabayan (responsorial) o isahan.

• Ang tunog at galaw sa kapaligiran ang gamit at pamantayan sa paglikha ng tribal chants. Ang tema ng kanta ay nauukol sa iba’t ibang yugto sa pamumuhay ng mga katutubo. Ang mga yugtong ito ay mula pagsilang, pagsibol, at pag-usbong ng indibidwal hanggang sa kamatayan. Ang tema ay umiikot rin sa pagkakaroon ng araw at gabi at mga ordinaryong pangyayari sa buhay katulad ng kasalan, anibersaryo, at araw ng pasasalamat.

Page 5: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Tugtugin at Kasangkapan( Cont…)

• Ang mga halimbawa ng tugtuging patungkol sa kabuuang yugto ng buhay ay ang appros ng Kalinga at ang luguh maulud ng Tausog (sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Mohammed). Ang kawayanna (Kalinga), bakbato (Maranao), at Iia-Iia (Tausog) naman ay mga musikang pambata. Chag-ay sa maseypan (Bontoc), Iyaya (Mangyan), at binua (Badjao) ay halimbawa ng mga oyayi.

• Sapagkat ang pamumuhay noong panahon ay payak, ang instrumento ay salamin rin ng kahusayan sa paglikha gamit ang bamboo, kahoy, shell, balat ng hayop, at metal. Ang ilang mga kasangkapang pangmusika na gamit ay ang kalipay, urukay, iyaya, patrit, kaskas at timpara, binalingat, at dinulut.

• Nakilala rin ang tunog epiko na naglalarawan ng buhay ng mga diyos at bayani. Ilan sa mga ito ay Olaginon at Agyu ng Bukidnon, Radia Madaya sa Maguindanao, at Darangen ngMaranao.

Page 6: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Impluwensiya ng Kastila

• Sa loob ng 300 taon ng pamumuno ng mga Kastila kasabay ang pagtuklas sa Pilipinas noong 1521, naghalo ang relihiyon at sekularismo. May katangiang pan-relihiyon na bunga ngmusical indoctrination sa pangunguna ng grupo ng pari na Franciscans at Agustinians. Samantala, may katangiang sekular na impluwensiya ng musika ng Europa.

• Ang musika ay pinaniniwalaan na pinakaepektibong paraan upang makuha ang damdamin at isipan ng tao sa pag-unawa ng maka-Kristiyanong paniniwala at kaugalian, kasama ang paniniwala sa labas ng simbahang Katolika.

Page 7: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Tugtugin at Kasangkapan

• Tuwing Adbento, karaniwan ang pagkanta at pagpunta sa bahay-bahay. Pastores ang tawag dito sa Bicol at daigon sa Bisayas. Panunuluyan, pananawagan, o pananapatan ang tawag sa isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Hosep, kung saan ang usapan ay kinakanta. Kapag ginugunita ang Mahal na Araw, ang pabasa at senakulo na pagsasadula ng pasyon ni Kristo ang nakagawian. Tuwing buwan ng Mayo, ang tema ng kantahan ay patungkol sa Birheng Maria. Ang okasyon ng sinulog sa Siquijor ay may sayawang inaalala ang tagumpay ng mga Kristiyano laban sa Moors.

• Sa katuruan ng taga-Kanluran, lumaganap ang impluwensiya ng musikang sekular sa paaralan. Ang bunga ng pag-aaral na ito ang pagkahilig ng mga Pilipino sa musika ng Europa. AngUnibersidad ng Santo Tomas, Colegio de San Jose, at Ateneo de Manila ang naging sentro ng pag-aaral sa musika.

Page 8: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Tugtugin at Kasangkapan( Cont…)

• Ang mga orkestra ng San Juan del Monte, Oriental, Marikina, at Molina sa Maynila ang tumutugtog para sa zarzuela (dula na may kantahan at sayaw). Ang zarzuela ay napakilala saPilipinas noong 1879 sa palabas na Jugar con fuego (Playing with Fire) ni Dario Cespedes. Sa kabayanan mayroong dulaang komedya, at senakulo. Ipinakilala ni Navarro de Peralta angshadow play na tinatawag na karilyo.

• Ang tugtugan ng banda sa Luneta ay nakahiligan. Naging kaugalian ang pagtugtog ng banda tuwing sasapit ang piyesta na tutugtog ng tatlong araw at lilibot sa mga kalye. Ang tugtugin ay sinamahan pa ng rondalla na binubuo ng mga instrumentong piccolo bandurria, bandurria, laud, octavina, guitar, bandola, at bass.

• Piano at harp ang karaniwang instrumentong gamit. Karaniwan na para sa kababaihan ang matuto nito. Noong 1902, naganap ang pinakaunang opera, ang Sandugong Panaguinip(Dreamed Alliance) sa komposisyon nina Ladislao Bonus at Pedro Paterno.

Page 9: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Impluwensiya ng Amerikano

• Naipakilala sa ating mga kompositor ang classics na may impluwensiya nina Tchaikovsky, Schumann, Liszt, at iba pa. Si Nicanor Aberlado ang itunuturing na Father of Classical Musickasama sina Antonio Molina, Francisco Santiago, at Felipe Padilla de Leon. Si Francisco Santiago ang Father of National Music.

• Ang kaalaman sa musika ay ayon sa katuruan sa Europa na umiikot sa pag-aaral ng harmoniya, komposisyon, teorya, harmoniya, counterpoint, at orchestration. Naitayo ang St. Scholastica’s College noong 1908 at University of the Philippines Conservatory of Music noong 1916 bilang mga institusyong nagbibigay kasanayan sa musika. Sa pagdating ng mga Amerikano mas napaunlad ang kaaalaman ng Pilipino dahil isinama ito bilang isang asignatura sa pampublikong paaralan. Bukod sa piano, ang instrumentong gamit ay violin, viola, cello,woodwind, at brass.

• Bilang pagbibigay halaga sa natatanging kakayahan sa klasikal na musika, may mga nailathalang komposisyon tulad ng Pagtubos ni Rosalina Abejo, Princesa Urduja ni Alfredo Buenaventura, Ibong Adarna ni Rodolfo Cornejo, Noli me tangere at El filibusterismo ni Felipe Padilla de Leon, at Florante at Laura ni Hilarion Rubio.

Page 10: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Impluwensiya ng Amerikano( Cont…)

• Pinoy Pop -Ang terminong popular music ay pinaghalong musikang

pangmasa, sayaw, ballad, Broadway, jazz, at rap na unang narinig sa cabaret (dance halls) noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Bukod sa orkestra at banda, makikita sa cabaret ang istilong foxtrot, swing, charleston, tango, at waltz. Ang unang nagawang komposisyon na pop music ay ang Sarung Banggi (One Night) at Bahay Kubo.

-Napakilala ang samba', rhumba, guarracha, appalachicola, at mambo. Ang pagkakaroon ng jukebox ang isa sa naging daan upang lumago ang pop music sa Pilipinas. Sa gitna ng taong 1950 hanggang 1960 umiral ang rock ‘n’ roll na may elementong blues, gospel, boogie, country, at western. Kinilala sina Billy Haley, Chubby Checker, Cliff Richard, at ang King of Rock ‘n’ Roll na si Elvis Presley.

Page 11: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Impluwensiya ng Amerikano( Cont…)

• Pinoy Rock-Ang kantang Ang Himig Natin ng Ang Banda ni

Juan de la Cruz noong 1970 ang naging hudyat at simulain ng pinoy rock sa bansa. Ito ay kinabibilangan nina Joey Pepe Smith(tagatambol, bokalista), Wally Gonzalez (gitarista), at Mike Hanopol (bassist).

-Noong 1980 napakilala ang folk rock sa pamamagitan nina Freddie Aguilar, Florante, Asin, at ang Heber Bartolome at Banyuhay. Ethnic rock naman ang pinauso ng Pen-Pen, punk rock, ang sa Betrayed, Chaos, at Urban Bandits. Soft rock ang pinasikat ng Side A, Neocolours, Introvoys, at Afterimage.

Page 12: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Impluwensiya ng Amerikano( Cont…)

• Tunog Manila

-Ito ay mga kantang Pinoy na pinaghalong Tagalog at Ingles. Pinauso ito ng bandang The Hotdog sa kantang Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko sinundan ng "Pers Lab," "Manila'", "Bitin Ako sa Iyo," "Annie Batungbakal," at "Bongga Ka Day." Ang bandang Cinderella ang nagpasikat sa mga kantang "T.L. Ako Sa Iyo," "Superstar ng Buhay Ko," at "Boyfriend Kong Baduy."

Page 13: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Mga Artista Sa

Larangan Ng Musika

Page 14: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Yoyoy Villame

• Si Yoyoy Villame (Roman Villame ang tunay na pangalan) ay isang artista at mang-aawit na Pilipino na ipinanganak sa Cebu noong 1938 at lumuwas ng Maynila para ipagpatuloy ang hilig sa pagkanta. Namatay siya sa atake sa puso noong 2007.

• Nakagawa siya ng isang importanteng papel sa pelikulang Biktima noong 1974 kung saan inipit siya ng kotse ni Vilma Santos sa isang talyer hanggang sa mamatay. Una siyang gumanap na title role sa pelikulang Barok Goes to Hong Kong.

• Nakakontrata sa Plaka Pilipino Records at unang sumabog ang awitin niya noong 1977 ang "Mag-Exercise Tayo" at nasundan pa ng ilang mga hit na bumenta sa panlasa ng mga Pilipino bagay na siya ang hari ng novelty. Anak niya si Hannah Villame na isa ring mang-aawit na kadalasang kasama niya ngayon sa mga konsiyerto niya.

Page 15: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Yano

• Ang Yano ay isang pambayan/punk rock na banda sa Pilipinas na binuo noong 1993. Binubuo ang orihinal na kasapi sina Dong Abay(bokalista) at Eric Gancio (gitara). Sumama din sa kalaunan si Onie Badiang bilang bahista; si Nowie Favila ang karaniwang tagapagtambol ngunit tumangging sumali sa pangkat dahil sa mga lagak sa Ang Grupong Pendong. Kabilang sa mga ibang tagapagtambol sina Nonong Timbalopez, Harley Alarcon and Jun Nogoy. Nakuha ng banda ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng isang lahok na salita sa "Talahulugang Pilipino", isang lumang Talahuluganang Tagalog. Nangangahulugan ang salitang "yano" sa Tagalog bilang "payak" o "simple", isang katagang madalas na ginagamit ng tagapagsalita ng Tagalog sa lalawigan ng Quezon. Nawala ang Yano noong 1997 pagkatapos umalis ni Abay.

• Noong 2007, binalik muli ni Gancio ang Yano bilang nag-iisang-taong banda, bagaman, magkakaroon ng mga pang-suportang musikero sa mga palabas na buhay. Sa taong 2008, maglalabas siya ng isang bagong album, na sinasalarawan niya bilang pang-apat na album ng Yano sa halip na pangalawang album niya. 

Page 16: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Yano- Musika• Kilala ang musika ng Yano sa mga politikal at panlipunang mga tema.

Pinupuna ng mga awitin nila ang mga relihiyosong mapagpaimbabaw sa "Banal Na Aso, Santong Kabayo", mga politikong masasama sa "Trapo" (pinaikling traditional politician), ang mga salita ng mga elitistang Pilipino sa sa "Coño Ka P’re" at mga abusadong mga kapitalista sa "Mc’Jo" (pinapahiwatig ang kainang McDonald's kung saan nakapagtrabaho si Abay).

• Sinasalaysay din ng Yano sa kanilang mga awiting ang kalagayan ng lipunan ng Pilipinas noong dekada 1990. Nilalahad ng "Kumusta Na?" ang kalagayan ng masang Pilipino pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986 samantalang ang mala-novelty na awiting "Kaka" ay nagkukuwento ng isang taong nagngangalang Kaka, na nahihirapang maghanap ng mga bagay sa dilim dahil sa kawalan ng kuryente, isang patukoy sa madalas na blackout o pagkawala ng kuryente sa Pilipinas noong unang bahagi ng dekada 1990. Tungkol naman ang awiting "Bawal" sa mga epekto ng mga patakaran o batas na may labis na pagbabawal sa puntong napipigilan na ang kalayaan at pag-ibig. Binibigay pansin naman ng "Abno" (pinaiklingAbnormal Environmental) ang tungkol sa kapaligiran samantalang tungkol naman sa pagmaltrato ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ang awiting "Kaklase". Isa pang panlipunang awitin ang "Mercy", na naglalahad ng isang kuwento tungkol sa lumalakong baliw na kilala bilang "taong-grasa".

Page 17: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Yano- Musika(Cont..)

• Nakasulat si Abay ng mga awiting patungkol sa kanyang pamantasan ang Unibersidad ng Pilipinas dahil sa mga karanasan niya dito. Ang awiting "State U" na tungkol sa pagkadismaya ni Abay sa kalagayan ng UP habang patungkol naman "Esem" sa nakakainis na buhay habang tumatambay sa SM City North EDSA mall na mga isang milya lamang ang layo mula sa kampus ng UP Diliman. Gayon din naman ang awiting "Iskolar na Bayan" na patungkol din sa UP. Gumawa din naman sila ng mga awiting tungkol sa pag-ibig. Isa na dito ang "Senti" (pinaikling sentimental) at "Paalam Sampaguita" na nilalahad din ang mga migranteng Pilipino na naghahanap na maunlad na buhay sa ibang bansa.

Page 18: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Joey Ayala

• Si Jose Iñigo Homer Lacambra Ayala o mas kilala sa tawag na Joey Ayala ay isang sikat na makata at Filipinong mang-aawit. Nakilala siya sa mundo ng musikang Filipino dahil sa kaniyang paggamit ng mga katutubong elemento mula sa titik ng awit hanggang sa instrumentong musikal tulad ng Maranaokulintang, ang T’boli lute hegalong at ang walong pirasong set ng gong. Gumagamit din siya ng makabagaong instrumento tulad ng electric guitar, bass guitar, at tambol. Siya ay napupuri sa kaniyang galing sa pagsama ng katutubo at makabagong musika gamit ang mga etnikong instrumento.

Page 19: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Joey Ayala( Cont…)

• Isang tagasulat ng titik ng kanta at kolumnista, si Ayala ay nagtapos ng kursong Economics sa Ateneo de Davao University. Siya ay lumaki sa isang makasining na pamilya. Ang kaniyang ama na si Jose Ayala ay isang pintor at ang kaniyang ina na si Tita Lacambra naman ay isang makata.

• Ang kaniyang mga kanta ay madalas na tumatalakay sa pagmamalasakit sa kapaligiran, pagmamahal, pansariling kapakanan, kalikasan, at lipunan. Ang estilo at kumposisyon ni Joey Ayala sa musika ay makikita sa kaniyang pagsama sa iba't-ibang anyo ng musika. Sumulat siya ng mga awiting para sa konsiyerto at rock operas tulad ng Sa Bundok ng Apo (1977), May-I (produksyon ng PETA) noong 1979, Nukleyar I noong 1983 at Nukleyar II noong 1985. Noong 1990, itinanghal siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men ng Philippine Jaycees. Siya rin ang lumikha ng awitin na kinanta ni Martin Nieverana may pamagat na "Pag-Uwi" na nanalo bilang Grand Prize ng Metropop Song Festival.

Page 20: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Joey Ayala ( Cont…)

• Si Ayala ay napagkalooban ng Datu Bago award, isang parangal na nakuha niya sa mga awitin niyang "Walang Hanggang Paalam" mula sa kaniyang album na "Magkabilaan" at "Wala Nang Tao Sa Santa Filomena." Hindi nagtagal ang dalawang kantang ito ay naging theme song sa kahanga-hangang obra ni Lino Brocka, ang "Orapronobis" at kay Marilou Diaz Abaya na "Bagong Buwan."

Page 21: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Gary Granada• Gary Granada ay isang pangalan

magkasingkahulugan sa musikal kahusayan sa Filipino Critics musika na makilala siya bilang isang makata-songwriter at isang mahusay na musikal na tagapalabas. Ang kanyang dalawang dekada ng songwriting ay markahan Gary Granada bilang marahil ang pinaka mabunga na Filipino songwriter sa ito siglo.Ang kanyang mga tagumpay ng pagganap ng artist at nangungunang tagagawa magpatotoo sa kanyang musika kadalubhasaan. Ang isang katutubong ng Maco, Davao, Gary Granada ay matagumpay na nakuha ang pambansang pagbubunyi at pansin, at siya ay patuloy sa venture sa iba-iba musical genre mula sa 'Pinoy katutubong' n roll ng rock '. 

Page 22: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

Gary Granada( Cont…)

• Gary Granada musika parangal ay marami. Ang pinakahuling major award ay para sa kanta Mabuti Pa Sila, grand premyo awardee sa ang 1998 Metropop Song Festival. Gary din won ang 1988 Musicfest KBP sa sosyal-budhi-pagpapakilos ng Bahay, at muli sa 1984 Metropop para sa kanta ng Salamat, Salamat Musika. Noong 1989, ang United Nations Mga Program (UNEP) Songwriting Contest ay iginawad ang pinakamataas na premyo sa Gary ang Earthkeeper. 

• Gary Granada ay gumanap para sa mga madla sa mga musikal na lugar tulad ng Cultural Center ng Pilipinas, ang Unibersidad ng Pilipinas University Theatre, konsiyerto sa Park at Paco Park ay nagpapakita. Din niya binisita sa Estados Unidos, Japan, Australia, at Korea para sa mga kultural na programa ng palitan at internasyonal na musika festivals. 

Page 23: Pagsusuri Ng Musikang Filipino

References

• http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Musika_ng_Pilipinas:_Impluwensiya_at_Kaugalian

• http://tl.wikipedia.org/wiki/Yano

• http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Joey_Ayala

• http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Yoyoy_Villame

• http://www.celebritiesph.com/musicians/filipino-singers/gary-granada.html