4
Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga Isang gabay para sa mga taong apektado ng kanser sa baga Kung nasuri ka na may kanser sa baga, natural lang na magkaroon ng maraming tanong tungkol sa kung paano ka aalagaan at ano ang maaasahan mo habang pinaplano at ibinibigay ang iyong pangangalaga. Magkakaroon ka ng maraming appointment, iba't ibang pagsusuri, mga pagsisiyasat at mga paggamot, na maaaring isasagawa sa iba't ibang lokasyon o mga serbisyo ng kalusugan. Binuo ng Cancer Australia ang Lung Cancer Framework upang bigyang-diin ang mga pangunahing prinsipyo na mahalaga upang masiguro na ibinibigay ang pinakamahusay na gawi sa pangangalaga sa mga taong may kanser sa baga. Ang gabay na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang maaasahan mo kapag ibinibigay ang pangangalaga ayon sa mga prinsipyo at naglalaman ng payo sa mga kilos na maaari mong gawin upang matulungan kang makatanggap ng pinakamahusay na gawi sa pangangalaga para sa kanser sa baga. Pangangalaga na nakatuon sa pasyente Napapanahong pag-access sa mga landas (pathway) ng pag-aalaga na batay sa ebidensya. Multidisiplinaryong pangangalaga Koordinasyon, komunikasyon at pagpapatuloy ng pangangalaga Mga pagpapabuti sa pangangalaga ng kanser sa baga na isinusulong ng datos Pagsisimula ng pakikipag-usap Ang pakikipag-usap sa mga propesyonal ng kalusugan na namamahala sa iyong paggamot at pangangalaga ay ang pinakamahusay na paraan upang masiguro na makakakuha ka ng pangangalaga na tama para sa iyo. Ang mga kahon ng Pagsisimula ng pakikipag-usap ay nagbibigay ng mga tip sa mga paraan sa pagtatanong at pakikipagtalakay sa iyong mga ikinababahala. Ang bawat isa sa mga prinsipyong ito ay mahalaga sa iba't ibang yugto sa landas ng kanser sa baga. Ang kaugnayan ng bawat prinsipyo sa pangangalaga sa iyo ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon depende sa iyong mga indibdwal na pangangailangan at sitwasyon sa pangangalaga. Karagdagang impormasyon Ang mga link sa mga website at dulugan na maaaring maging kapaki- pakinabang sa iyo ay nakalista sa kabuuan ng buod na ito. Mayroon ring listahan ng mga depinisyon at karagdagang impormasyon sa likod ng pahina. canceraustralia.gov.au

Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga · Ang isang pangkat ng mga eksperto sa kanser sa baga ay sama-samang magtatrabaho upang planuhin at ibigay ang iyong paggamot at pangangalaga

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga Isang gabay para sa mga taong apektado ng kanser sa baga

Kung nasuri ka na may kanser sa baga, natural lang na magkaroon ng maraming tanong tungkol sa kung paano ka

aalagaan at ano ang maaasahan mo habang pinaplano at ibinibigay ang iyong pangangalaga. Magkakaroon ka ng

maraming appointment, iba't ibang pagsusuri, mga pagsisiyasat at mga paggamot, na maaaring isasagawa sa iba't

ibang lokasyon o mga serbisyo ng kalusugan.

Binuo ng Cancer Australia ang Lung Cancer Framework upang bigyang-diin ang mga pangunahing prinsipyo na

mahalaga upang masiguro na ibinibigay ang pinakamahusay na gawi sa pangangalaga sa mga taong may kanser sa

baga. Ang gabay na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang maaasahan mo kapag ibinibigay ang pangangalaga ayon

sa mga prinsipyo at naglalaman ng payo sa mga kilos na maaari mong gawin upang matulungan kang makatanggap

ng pinakamahusay na gawi sa pangangalaga para sa kanser sa baga.

Pangangalaga na nakatuon sa pasyente

Napapanahong pag-access sa mga landas (pathway) ng pag-aalaga na

batay sa ebidensya.

Multidisiplinaryong pangangalaga

Koordinasyon, komunikasyon at pagpapatuloy ng pangangalaga

Mga pagpapabuti sa pangangalaga ng kanser sa baga na isinusulong ng datos

Pagsisimula ng pakikipag-usap Ang pakikipag-usap sa mga propesyonal ng kalusugan na namamahala sa iyong paggamot at pangangalaga ay ang pinakamahusay na paraan upang masiguro na makakakuha ka ng pangangalaga na tama para sa iyo. Ang mga kahon ng Pagsisimula ng pakikipag-usap ay nagbibigay ng mga tip sa mga paraan sa pagtatanong at pakikipagtalakay sa iyong mga ikinababahala.

Ang bawat isa sa mga prinsipyong ito ay mahalaga sa iba't ibang yugto sa landas ng kanser sa baga. Ang kaugnayan ng bawat prinsipyo sa pangangalaga sa iyo ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon depende sa iyong mga indibdwal na pangangailangan at sitwasyon sa pangangalaga.

Karagdagang impormasyon

Ang mga link sa mga website at dulugan na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo ay nakalista sa kabuuan ng buod na ito. Mayroon ring listahan ng mga depinisyon at karagdagang impormasyon sa likod ng pahina.

canceraustralia.gov.au

Pangangalaga na nakatuon sa pasyente Ikaw, at ang iyong mga mahal sa buhay at mga tagapag-alaga, ang pagtutuonan ng pansin sa pangangalaga ng iyong kanser sa baga

Ano ang ibig sabihin ng mga prinsipyong ito para sa iyo

`

`

`

Isasaalang-alang ng iyong pangangalaga at paggamot ang iyong mga indibidwal na pangangailangan, sitwasyon, kagustuhan at paniniwala.

Ikaw ay tatanggap ng makabuluhan, at batay sa ebidensyang impormasyon upang tulungan kang magpasya tungkol sa iyong pangangalaga.

Makakaramdam ka at ang iyong mga mahal sa buhay na sinusuportahan, binibigyang-alam at nirerespeto kayo sa kabuuan ng pangangalaga ng iyong kanser sa baga.

Pagsisimula ng pakikipag-usap “Medyo nag-aalala ako tungkol sa…”

“Magagawa ko pa ba ang…?”

“May mairerekomenda ka bang website / pansuportang pangkat / impormasyon na makakatulong sa akin?”

“May listahan ako ng mga tanong – maaari ko bang isa-isang itanong ang mga ito sa iyo?”

Ano ang magagawa mo

`

`

`

Tanungin ang iyong mga doktor para sa impormasyon na maaaring makatulong sa iyo at iyong mga mahal sa buhay, halimbawa, mga dulugan ng pasyente tungkol sa kanser sa baga o listahan ng mga iminumungkahing paggamot.

Dalhin ang isang miyembro ng iyong pamilya o kaibigan sa mga appointment upang sila ay makakapagbigay ng suporta sa iyo, makikinig, magsusulat ng notes at tulungan kang maalala kung ano ang sinabi ng iyong doktor.

Sabihin sa iyong doktor kung ano ang iyong pakiramdam at ano ang mahalaga para sa iyo sa iyong paggamot at pangangalaga.

Mga magagamit na dulugan Impormasyon tungkol sa kanser sa baga Cancer Australia

Pag-unawa sa Kanser sa Baga Cancer Council Australia

Mas Magandang Pamumuhay na may Kanser sa Baga Lung Foundation Australia

Mga listahan ng mga udyok sa pagtatanong para sa mga tao na may kanser Cancer Institute NSW

Napapanahong pag-access sa mga landas ng pag-aalaga na batay sa ebidensya Nakalagay ang mga landas upang suportahan ang napapanahong diagnosis, pagpapasiya sa stage ng kanser, paggamot at pangangalaga

`

`

`

`

Ano ang ibig sabihin ng mga prinsipyong ito para sa iyo

Ang iyong GP ay magsisiyasat sa iyong mga sintomas at ire-refer ka sa isang espesyalistang multidisiplinaryong pangkat sa kanser sa baga para sa diagnosis at paggamot.

Ikaw ay may access sa lahat ng mga kritikal na pagsusuri, paggamot at pangangalaga para sa kanser sa baga na alinsunod sa gabay sa pinakamahusay na gawi. Kabilang dito ang suporta at paggamot upang mapabuti ang kalidad ng iyong buhay.

Sa kabuuan ng iyong pangangalaga, ang proseso ng referral at access sa paggamot ay napapanahon at maayos.

Ang iyong mga doktor ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa pananaliksik, kabilang ang mga klinikal na pagsubok, na maaari mong salihan.

Pagsisimula ng pakikipag-usap “Kailan ang aking susunod na appointment at saan ito gagawin?” “Sino ang kokontakin ko kung may mga tanong ako?” “Anong pananaliksik ang maaari kong salihan?”

Ano ang magagawa mo

Tanungin ang iyong mga doktor tungkol sa kung ano ang maaasahan, kabilang ang mga kasunod na hakbang, at kung saan at kailan ka magkakaroon ng mga pagsusuri at paggamot.

Kung mahirap sa iyo na bumiyahe papunta sa mga appointment, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga tulong sa pagbibiyahe o iba pang mga paraan sa pagdalo sa mga appointment (hal. telepono o video na mga appointment).

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung may anumang angkop na mga klinikal na pagsubok na maaari mong salihan.

Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga 2

Mga magagamit na dulugan Pinakamainam na landas sa pangangalaga para sa mga taong may kanser sa baga Estado ng Victoria, Department of Health and Human Services (Departamento ng Kalusugan at Mga Serbisyong Pantao)

Website ng Australian Cancer Trials Cancer Australia

Ang iyong landas sa kabuuan ng pangangalaga ng kanser sa baga Lung Foundation Australia

`

`

`

canceraustralia.gov.au

Multidisiplinaryong pangangalaga Ang isang pangkat ng mga eksperto sa kanser sa baga ay sama-samang magtatrabaho upang planuhin at ibigay ang iyong paggamot at pangangalaga

Ano ang ibig sabihin ng mga prinsipyong ito para sa iyo

Ang iyong paggamot at pangangalaga ay pinamamahalaan ng isang pangkat ng mga propesyonal ng kalusugan para sa kanser sa baga - na tinatawag na multidisciplinary team (MDT, multidisiplinaryong pangkat). Ang mga miyembro ng pangkat ay maaaring wala sa parehong serbisyo ng kalusugan o lokasyon.

Ang iyong multidisiplinaryong pangkat ay magpupulong upang talakayin ang isang nirerekomendang plano sa paggamot para sa iyo.

Ang isang miyembro ng iyong multidisiplinaryong pangkat, na karaniwang isa sa iyong mga doktor, ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa iyong mga opsyon sa paggamot at mga rekomendasyon, at tutulungan kang magpasya sa iyong indibidwal na plano sa paggamot.

Ang iyong indibidwal na plano sa paggamot ay isinusulat at ipinagbibigay-alam sa iyo at sa lahat ng mga miyembro ng iyong multidisiplinaryong pangkat, kabilang ang iyong GP.

Pagsisimula ng pakikipag-usap “Sino ang nasa aking multidisiplinaryong pangkat?” “Sino sa aking pangkat ang makakabigay ng suporta sa kung ano ang aking nararamdaman?” “Hindi ko naunawaan ang sinabi mo tungkol sa… Maaari mo ba itong ipaliwanag muli?” “Sino ang doktor na makikipag-usap sa akin tungkol sa aking mga opsyon sa paggamot?

`

`

`

`

Ano ang magagawa mo

`

`

`

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa iyong mga opsyon upang maisaalang-alang ng iyong plano sa paggamot kung ano ang mahalaga sa iyo.

Kung hindi mo mauunawaan ang iyong plano sa paggamot, hilingin sa isang miyembro ng pangkat na ipaliwanag ito sa iyo.

Sabihin sa mga propesyonal ng kalusugan na namamahala sa iyong pangangalaga kung ano ang iyong pakiramdam, at ipaalam sa kanila ang anumang mga ikinababahala o mga kagustuhan na maaaring makaapekto sa paggamot na iyong natatanggap.

Mga magagamit na dulugan Ang pangkat sa paggamot Cancer Australia

Direktoryo ng MDT sa Kanser sa Baga Lung Foundation Australia

Koordinasyon, komunikasyon at pagpapatuloy ng pangangalaga Sama-samang nagtatrabaho ang lahat ng iyong mga propesyonal ng kalusugan upang i-coordinate ang iyong pangangalaga

`

`

`

`

`

`

`

Ano ang ibig sabihin ng mga prinsipyong ito para sa iyo

Ikaw ay may plano sa pangangalaga ng kanser sa baga na nagbubuod sa iyong paggamot at pangangalaga.

Alam mo kung sino ang kokontakin kung kailangan mo ng payo o tulong.

Ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay nakakaramdam na binigyang-alam kayo tungkol sa kung ano ang nangyayari at ano ang maaasahan.

Ang iyong pangkat sa kanser sa baga ay sama-samang nagtatrabaho upang i-coordinate ang iyong mga appointment at pangangalaga, kahit pa nasa iba't ibang serbisyo at lokasyon ang mga miyembro ng pangkat.

Pagsisimula ng pakikipag-usap “Sino ang kokontakin ko para sa payo tungkol sa…o tulong para sa…?” “Maaari bang i-iskedyul ang aking mga appointment sa parehong araw?” “Maaari bang isagawa ang alinman sa aking mga appointment sa telepono?” “Makakatulong talaga sa akin kung malalaman ko ang tungkol sa….”

Ano ang magagawa mo

Magtanong kung sino ang kokontakin kung may mga tanong ka o kailangan mo ng payo sa pagitan ng mga appointment.

Magdala ng ibang tao sa iyong mga appointment na makikinig, magsusulat ng notes at tutulong sa iyo na maalala kung ano ang sinabi ng mga miyembro ng iyong pangkat.

Magtanong ng anumang tanong – kahit na tila maliit lang ito o kung nagtanong ka na noon pero kailangan mo ng karagdagang impormasyon.

Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga 3

Mga magagamit na dulugan Mga tanong na maaaring nais mong tanungin tungkol sa panahon pagkatapos ng paggamot Australian Cancer Survivorship Centre

Maaaring makatulong ang pagtatanong: Isang tulong para sa mga taong nakikipagkita sa pangkat ng pangangalagang pampapaginhawa Palliative Care Australia

canceraustralia.gov.au

Mga pagpapabuti sa pangangalaga ng kanser sa baga na isinusulong ng datos Ginagamit ang makabuluhang datos at impormasyon upang mapabuti ang pagbibigay ng iyong pangangalaga

Ano ang ibig sabihin ng mga prinsipyong ito para sa iyo

`

`

`

Ang iyong pangkat para sa kanser sa baga ay maaaring makipag-usap sa iyo tungkol sa mga uri ng impormasyon na kanilang kinokolekta at pinag-aaralan na nakakatulong sa kanila upang mapabuti ang pangangalaga na ibinibigay nila.

Ang iyong pangkat para sa kanser sa baga ay maaaring humiling sa iyo ng feedback tungkol sa iyong pangangalaga.

Ang impormasyong ibinibigay mo (kabilang ang iyong feedback) ay ginagamit upang mapabuti ang pangangalaga sa kanser at kalidad ng buhay para sa iyo at sa ibang taong may kanser sa baga.

Pagsisimula ng pakikipag-usap “Ang isa sa mga bagay na nahihirapan ako bawat pagbisita sa ospital ay....” “Sana may nagsabi sa akin tungkol sa…” “Anong impormasyon ang mayroon ka mula sa iba pang mga pasyente na katulad ko na maaaring makatulong sa akin sa paggawa ng pasya tungkol sa aking pangangalaga?”

Ano ang magagawa mo

`

`

Tanungin ang iyong pangkat tungkol sa impormasyon na kinokolekta nila, paano nila ito kinokolekta, at ano ang ibig sabihin nito para sa iyo. Maaaring kolektahin ang ilang impormasyon bilang bahagi ng pananaliksik na pag-aaral kung saan sumang-ayon kang makisali.

Magbigay ng feedback tungkol sa iyong karanasan sa mga serbisyo at iyong pangangalaga. Makakatulong na malaman ito ng mga miyembro ng pangkat sa panahon at pagkatapos ng iyong paggamot at pangangalaga.

Mga magagamit na dulugan Pagtuto ng Konsumidor: Consumer Involvement in Cancer Cooperative Trials Groups (Paglahok ng Konsumidor sa mga Pangkat ng Kooperatibong Pagsubok ng Kanser) Cancer Australia

Consumer Involvement in Research Program (Paglahok ng Konsumidor sa Programa ng Pananaliksik: Guide for Consumer Representatives (Gabay para sa Mga Kinatawan ng Konsumidor) Cancer Voices Australia

Paghahanap ng tulong at suporta Cancer Australia – Ang Cancer Australia ay isang pambansang ahensiya sa pagkontrol ng kanser, na pinopondohan ng Pamahalaan ng Australia. Ang website ng Cancer Australia ay nagbibigay ng impormasyong tungkol sa kanser na batay sa ebidensiya at mga link sa mga organisasyon na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga taong may kanser at sa kanilang mga pamilya. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa canceraustralia.gov.au

Cancer Council Australia – Ang Cancer Council sa iyong estado o teritoryo ay makakapagbigay sa iyo ng suporta at impormasyon sa isang hanay ng mga paksa na nauugnay sa kanser – tumawag sa 13 11 20 mula 9am hanggang 5pm, Lunes hanggang Biyernes.

Cancer Voices Australia – Ang Cancer Voices Australia ay isang pambansang organisasyo n na nagtataguyod sa konsumidor na kumakatawan sa mga Australyano na apektado sa kanser. Nilalayon nito na masiguro na ang mga boses ng tao, kanilang mga tagapangalaga at mga pamilya na apektado ng kanser ay napapakinggan sa pambansang lebel.

Lung Foundation Australia – Ang Lung Foundation Australia ay ang pambansang kawanggawa na nakatuon sa pagsuporta sa sinuman na may sakit sa baga. May network ng kanser sa baga sila para sa mga pasyente ng kanser sa baga, kanilang mga pamilya at tagapag-alaga, at isang pansuportang nars para sa kanser sa baga na nakakapagbigay ng kompidensiyal na suporta at impormasyon – tumawag sa 1800 654 301 – Martes hanggang Huwebes.

Mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander – Binuo ng Cancer Australia ang Ang aking landas sa kanser sa baga: Isang gabay para sa mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander at kanilang mga pamilya, Landas para sa Pinakamahusay na Pangangalaga para sa mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander na may kanser at Kanser - ano ang maaasahan: Impormasyon para sa mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander na may kanser.

Ibang mga wika — Ang Cancer Australia ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanser sa 10 wika maliban sa Ingles.

Mga Depinisyon Plano sa pangangalaga Isang buod ng mga pagsusuri, paggamot at iba pang pangangalaga na matatanggap mo. Ang iyong plano sa

pangangalaga ay batay sa iyong indibidwal na sitwasyon at magsasaalang-alang sa mga kondisyon ng kalusugan na maaaring mayroon ka dagdag pa sa kanser sa baga

Klinikal na pagsubok Ang pananaliksik na isinagawa na may pahintulot ng pasyente upang masuri ang iba't ibang uri ng paggamot o mga diagnostic na pagsusuri

Landas ng kanser sa baga Isang buod na nagbabalangkas sa mga inirerekomendang hakbang sa pangangalaga ng isang taong may kanser sa baga. Kinabibilangan ito ng mga inirerekomendang iskedyul para sa mga pagsusuri at paggamot

Pangkat para sa kanser sa baga Isang multidisiplinaryong pangkat ng mga propesyonal ng kalusugan na sangkot sa diagnosis, paggamot at pangangalaga ng mga taong may kanser sa baga. Maaaring kabilang dito ang mga doktor, nars at ibang pang kaanib na propesyonal ng kalusugan kasama ng iyong GP

Plano sa paggamot Isang buod ng (mga) paggamot sa kanser sa baga na inirerekomenda para sa isang pasyente.

Pagpapasalamat Gustong pasalamatan ng Cancer Australia ang mga propesyonal ng kalusugan, mga miyembro ng Lung Cancer Advisory Group (Pangkat na Nagpapayo para sa Kanser sa Baga) at mga konsumidor na nakaambag sa pagbuo ng Framework para sa Kanser sa Baga: Mga Prinsipyo sa Pinakamahusay na Gawi sa Pangangalaga ng Kanser sa Baga sa Australia at mga Dulugan. Kabilang dito ang Lung Cancer Advisory Group (Pangkat na Nagpapayo para sa Kanser sa Baga), Steering Group of the Lung Cancer Demonstration Project (Namumunong Pangkat ng Proyektong Demonstrasyon ng Kanser sa Baga), Lung Cancer Demonstration Project Collaborations (Mga Kolaborasyon ng Proyektong Demonstrasyon ng Kanser sa Baga) at Clinical Leadership Group (Klinikal na Namumunong Pangkat) ng Lung Cancer Demonstration Project. Hindi tinatanggap ng Cancer Australia ang anumang pananagutan para sa anumang pinsala, pagkawala o pagkasira na natamo dahil sa paggamit o pagtitiwala sa impormasyon. Ang Cancer Australia ay bumubuo ng materyal batay sa pinakamabuting makukuhang ebidensiya; pero hindi nito magagarantiya at hindi nito gagampanan ang legal na pananagutan o responsibilidad para sa pagkakasalukuyan at pagkakumpleto ng impormasyon. © Cancer Australia 2019 LCBCT 11/18

Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga 4 canceraustralia.gov.au