50
PANAHON NG ESPAÑOL SA PILIPINAS Pagdating ni Magellan Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko na mayroong 264 mga tauhang mandaragat. [2] Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya . [1] Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu , [3] kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu . Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya , [2] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I). [3] Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas, bagaman mayroong mga aklat na nailathala sa Kanlurang Europa na nagsasabing hindi sila ang una. [4] Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu . Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo . Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan . Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan . Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon. [5] Pagdating ni Villalobos Ang unang paglalayag na pambuong mundo sa ngalan ng Espanya ay nasundan ng apat pang mga ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na panggagalugad, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Kapuluan ng Pilipinas at pinangalanan niya ang mga pulo mula kay Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng trono ng

Pagiging Kolonya Ng Espanya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jbn computer hauz

Citation preview

PANAHON NG ESPAÑOL SA PILIPINAS

Pagdating ni Magellan

Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko na mayroong 264 mga tauhang mandaragat. [2] Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya.[1] Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[2] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).[3] Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas, bagaman mayroong mga aklat na nailathala sa Kanlurang Europa na nagsasabing hindi sila ang una. [4] Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.[5]

Pagdating ni Villalobos

Ang unang paglalayag na pambuong mundo sa ngalan ng Espanya ay nasundan ng apat pang mga ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na panggagalugad, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Kapuluan ng Pilipinas at pinangalanan niya ang mga pulo mula kay Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Espanya, bagaman hindi pa pormal na naitatag ang Pilipinas bilang opisyal na Kolonya ng Espanya. Naging pormal na Kolonya ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italaga ni Haring Philip II (nanungkulan bilang hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598 [3]) si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan.[2] Noong taong ito naitatag ang unang pampalaigang pamayanan ng mga Kastila sa Cebu, pagkaraang magapi ang isang pinunong Muslim (Moro).[4] Noong 1571, pinili ni Legazpi ang Maynila upang maging kabisera ng kolonya. Ang Pilipinas ay pinangasiwaan ng Espanya magmula sa Mehiko (Bagong Mehiko). Ang pangangalakal ay isinagawa sa pamamagitan ng mga galeon na naglalayag sa pagitan ng Canton at ng Acapulco, Mehiko, kung kailan ang Pilipinas ay gumaganap bilang daungan, angkatan, at luwasan ng mga kalakal.[2] Nagwakas ang pangangalakal sa pamamagitan ng mga galeon noong 1815[2] noong dumaong sa Maynila ang huling galeon na nanggaling sa Acapulco.[6]

Naging bahagi ng patakaran ng Espanya ukol sa Pilipinas ang tatlogn mga layunin: ang makapaghanap ng mga mapagkukunan ng maikakalakal na mga pampalasa; ang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan at ang katayuan ng Kristiyanismo sa Tsina at sa Hapon; at ang upang maging ganap ang pagiging mga Kristiyano ng sinaunang mga Pilipino.[3] Ang Pilipinas lamang ang naging kolonya ng Espanya sa Asya.[3]

Paghina ng pamumunong Kastila

Nagsimula ang unang panghihina ng kapangyarihan ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noong 1762. Naganap ito noong panandaliang mabihag ng mga Britaniko ang Maynila habang nagaganap ang Digmaan ng Pitong mga Taon (1756-63),[4][6] kung kailan ang Espanya ay kumampi sa Pransiya.[6] Bilang pagsuporta sa paglusob ng Britanya sa Pilipinas, naghimagsik laban sa mga Kastila ang mga mangangalakal na Intsik, isang pangkat na dumanas ng pang-uusig sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Nagkaroon ng iba pang mga panghihimagsik laban sa Espanya. Kabilang dito ang pag-aalsang pinamunuan ni Diego Silang mula sa Ilocos ng Hilagang Luzon, kung kailan nagtatag si Silang ng isang pamahalaang nagsasarili na nakikipag-ugnayan sa mga Britaniko.[6] Pinaslang si Silang, sa pamamagitan ng asasinasyon noong Mayo 1763. [6] Nang matapos ang digmaan, naibalik ang Maynila sa kapangyarihan ng Espanya noong Mayo 1764 [6]

dahil sa Kasunduan sa Paris.[4] Pagkaraan ng pagbabalik ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas, nagsagawa si José Basco y Vargas, ang gobernador ng Pilipinas mula 1778 hanggang 1787, ng magkakasunod na mga reporma na naglalayong mapainam ang kaunlaran ng ekonomiya ng kolonya.[6]

Pagkaraan ng paglaya ng Mehiko mula sa kapangyarihan ng Espanya noong 1821, tuwirang pinamahalaan ng Espanya ang Pilipinas mula sa Madrid, sa halip na mula sa Acapulco, Mehiko. Tumagal ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya nang may 200 mga taon.[2]

Pagwawakas ng pamumunong Kastila

Natapos ang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas bilang resulta ng nakisangkot ang Estados Unidos sa Cuba, isa pang pangunahing kolonya ng Espanya. Nais nang Estados Unidos na masugpo ang panghihimagsik na naganap sa Cuba noong Pebrero 1895 dahil sa mga layunin ng Estados Unidos hinggil sa pagnenegosyo. Noong magpahayag ang Estados Unidos ng digmaan laban sa Espanya noong Abril 25, 1898, inatasan ni Theodore Roosevelt (na noon ay gumaganap bilang pansamantalang Sekretaryo ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos) na maglayag papunta sa Pilipinas upang gapiin ang hukbong-dagat ng Espanyang nasa Look ng Maynila. Natalo ng hukbong-dagat ng Estados Unidos ang hukbong-dagat ng Espanya na nasa Pilipinas noong Abril 25, 1898. Bago matapos ang 1897, nagpatuloy ang paglalaban ng Espanya at ng Estados Unidos hinggil sa kung sino ang aangkin sa Cuba. Samantala, naganap ang negosasyon sa pagitan ni Emilio Aguinaldo at ng mga opisyal ng Estados Unidos habang nasa Hong Kong at pagdaka sa Singapore. Nahikayat ni Dewey si Aguinaldo na magbalik sa Pilipinas. Noong Mayo 19, 1897,

dumating si Aguinaldo sa Maynila upang pamunuan ang mga puwersa ng mga Pilipinong nanghihimagsik

Kolonisasyon at Ebanghelisasyon Tungo sa Konsolidasyon at Integrasyon

Ginamit nila ang relihiyon sa pagsama samahin ang mga Pilipino sa kanilang kolonya. Sabi nga ng nakakarami “Christianity is their best legacy.” Sa kanilang paulit ulit na pinagkakalandakan na adhikaing “God, Glory and Gold”, nakumbinsi nila na ang mga Pilipino sa mga mabubuting dulot nito. Pinakita nila na pagkakawang gawa na ang Kristyanismo ay ipalaganap, na ang Diyos ang kasagutan sa kanilang mga hinaing at sari – sari pang pawing mga kasinungalingan lamang. At higit sa lahat, napaniwala nila ang mga tao na malinis ang intension ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Para silang nahipnotismo sapagkat ang ginamit lamang nila ang relihiyon upang makuha ang yaman ng ating bansa at maging tanyang sa ibang mga bansa sa pagsakop sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang itinakwil ang kanilang pamansantalang relihiyon at sumapi sa Kristianismo. Gayon pa man, mayroon ding mga Pilipinong di nagpaiibabaw sa impluwensya ng mga Espanyol.

Sapagkat may mga taong, di sumailalaim sa Kristyanismo, sila ay tinuring na parang salot ng lipunan. Kalimitan, sila ay yung mga nakatira sa mga bundok at hindi nakikisanib sa mga sinasagawa ng mga taong malapit sa simbahan o mga mananampalatay. Ang mga dating mga pinuno ng Barangay na mga Muslim ay pinangakuan ng kasaganaan kapalit ng pagsapi sa Kristyanismo. Kung titingnan natin, ito ay sinabi lang nila upang tuluyang ibigay ng datu ang kanilang mga nasasakupan sa mga Espanyol.

Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Pilipinas

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa pamamagitan ng Consejo de las India sang buong pamamahala sa Gobernador y Capitan – heneral. Hindi maaring

mailuklok sa posissyong ito ang isang Pilipino. Kabilang kanyang mga tungulin ay ang mga sumusunod:

Ang pamunuan ang Real Audencia o Supreme Court, magplano ng gawaing pang –ekonomiya at pangasiwaan ang sandatahang pandagat at panlupa.

Ang mga Alcaldia(province) at Ayuntamiento(city) ay parehong pinamumunuan ng Alcalde Mayor. Gaya ng Gobernador Heneral, Espanyol lamang ang pedeng makapagkamit ng posisyong ito. Binabantayan nila ang mga encomienda, pede silang maging tapaghusga, pinuno ng kapulisan, taga- kolekta ng tributo. Sa madaling sabi, siya ang Capitan Heneral nga probinsya.

Ang pueblo(town) ay pinamumunuan ng gobernadorcillo(“little governor”) na kung saan siya ang naghahanda ng listahan ng magbabayad ng mga tribute, pagtatalaga ng mga trabaho, tagapaghusga ng mga maliliit na kaso. Siya ang nasususnod sa usapin sa pera, lupa, hustisya at sandatahan ng kanyang kinasasakupan. Siya ay may prebelehiyong hindi na muli pang magbayad ng buwis. Maaring tanghaling gobernadorcillo ang isang Pilipino o Intsik.

Ang pinakakamababang posisyon sa gobyerno sa pamumuno ng mga Espanyol ay ang Cabeza de Barangay. Pinamumunuan niya ang mga barangay o baryo. Siya ang taga-panatili ng kapayapaan at tag-hikayat sa mga lalaki sa nayon na makilahok sa pagagawa ng mga pampublikong pasilidad. Kapag nakapagsilbi siya bilang Cabeza de Barangay sa loob ng 25 taon, hindi na siya inoobliga na sumama pa sa polo y servicio.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya at Panlipunan g Espanya sa Pilipinas

Pagbabayad ng Buwis

Para magkaroon ng malaking kita nag gobyerno, nagpataw sila ng mga buwis sa iba’t ibang paraan. Ang “identity paper” ng mga Pilipino noon ay may karampatang buwis na pwedeng bayaran sa kahit anong paraan na nagkakahalagang 8 reales. Di kalaunan ito ay nagging 15 realeas. Ang sampo ay napapapunta sa gobyerno, ang isa ay sa kaban ng komunidad at ang natitirang 3 reales ay sa simbahan napapapunta. At may karagdagan pang isang real para sa tithes(diezmo prediales). Nangongolekta din sila ng bandala na kada taon mula sa naani ng mga Pilipino, isang halimbawa ay palay. Mayroon pang buwis na kinakaltas mula sa kinita ng isang mamamayan. Ang “identity paper na ito ay tinawag nang Cedula Personal na kung saan lahat ng mga Indio na may edad 18 to 60 ay kumuha at magbayad.

Sistema sa Encomienda

Ito ay ang pamamahala ng lupa na kung saan ang isang Espanyol na tinatawag na Encomendero ay binibigyan ng karapatang mamahala sa kapirasong lupa pati na rin sa mga nakatira rito. Kailangan ng Encomendero na protektahan ang lupang nakaatas sa kanya, kasabay ng

pagpapanatilin ng kapayapaan at kaayusan. Kapalit ng serbisyo nya, parte ng tributong kinokolekta nya ay napapapunta sa kanya at ang natitira ay mapupunta lahat sa simbahan.

Kalakalang Galleon, Manila – Acapulco

Ito ay ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik at Espanyol sa Maynila at Espanyol sa Mexico. Nagdulot ito ng pag – unlad ng ekonomiya. Gayon pa man, mayroon itong masamang naidulot dahil ang mga ibang pagkakakitaan ay hindi napagtuunan ng pansin dahil sa kalakalang Galleon at masyadong nagagamit ang pwersa ng mga tao sapolo y servicio kaysa sa mga ibang pagkakakitaan.

Royal Society of Friends of the Country

Bilang pagsunod sa utos na magtayo ng “society of intellectuals” na makakapagbigay ng bagong at kapaki – pakinabang na mga idea, itinatag ni Jose de Basco y Vargas ang Real Sociedad Economica de Amigos del Pais. Ito ay kinabibilangan ng mga nagpipitagang negosyante ng bansa at mga iba pang mga personalidad na mahusay sa kanilang larangan. Inatasan silang magsaliksik at gamitin ang mga yaman ng bansa kaya nabuo ang Plan General Economico ni Basco na kung saan ang monopoly sa areca nut, tabako, alak at pampasabog ay ipinatupad. Nagbigay ito ng daan para magkaroon ng panglokal at banyagang iskolarsyip at pagsasanay sa agricultura pati na rin ang pagtatag ng akademya ng disenyo.

Royal Company of the Philipines

Noong Marso 10, 1875, binuo ni Charles III ang Royal Philippine Company na pinapalooban ng kasunduan sa 25 taon. Binibigyang prebilehiyo na itatag ang monopoly sa Maynila sa Pilipinas at ang mga produkto ng Instik at Indiano ay direktang ipapadala sa Espanya sa pamamagitan ng Cape of Good Hope. Ito ay sinalungat ng ibang bansa , Englatera at Britania, dahil nakita nila na ito ay isang diraktang pag – atake sa mga kalakalan ng mga Asyanong produkto. Ito din ay sinalungat ng mga taong nakikinabang sa kalakalang Galleon dahil parang kinakalaban nito ang kanilang pangangalakal. Ang mga argumentong ito ang nagging sanhi ng unti – unting pagkawala ng Royal Philippine Company at kalakalang Galleon.

Ang Transpormasyon ng Lipunang Pilipino sa Ilalim ng Pananakop ng Esapanya at Bahagyang Hispanisasyon

Sa loob ng 300 taon, hindi maikukubling naapektuhan ng kolonyalismo ng Espanya ang mga gawi ng mga Pilipino. Kahit mayroong pagtutol, nakikita pa rin natin na ang mga Pilipino ay natututo na ring gamitin ang kultura ng mga Espanyol . Unang – una na dito ang pagtatayo natin ng bahay na bato na hindi maikukubling pinasimulan ng mga Espanyol. Nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang mga lutuing Espanyol pati na rin ang uri ng kanilang pananamit. Gumagamit na rin ang mga Pilipino ng Gregorian Calendar, skriptong Latin, Theocentric art, musika, literature at estilo ng edukasyong libre ngunit sapilitan.

Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Pilipino ay hindi lubusang hispanisado kahit pa maraming pagbabago ang naganap. Nananaig pa rin ang kulturang Pilipino na kahit gano man katagal ang Pilipinas na nasakop, hindi ito mawawala sapagkat ito ay likas na.

Polo Y Servicio

Ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko ang naging unang hakbang ng malawakang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ang tunay na hangarin ng Espanya sa ating bansa. Nagtatag sila ng mga patakaran na masasabi nating nagbigay ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa mga patakarang itinatag ng mga Espanyol ay ang sapilitang pagtatrabaho, kilala sa tawag na Polo y Servicio.

Ang Polo y Servicio o Prestacion Personal ay hango sa sistemang Repartimiento de Labor na ipinatupad ng Espanya sa Mexico. Ito ay sapilitang pagpapatrabaho sa mga lalaking Pilipino at Mestizo Tsino na may edad na labing-anim (16) hanggang animnapu (60). Nagtatrabaho ang mga ito ng apatnapung (40) araw bawat taon. Polista ang tawag sa mga manggagawang nito. Ang mga trabaho ay dapat na pampublikong serbisyo tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng gusali at simbahan; pagpuputol ng malalaking puno; at pag-aayos ng mga kalsada ngunit dahil sa nasasakop ng sistemang encomienda ang Polo y Servicio, ang ibang mga Polista ay naninilbihan sa bahay ng encomiendero. Makakaligtas lamang ang mga polista kung makakabayad sila ng falia na katumbas ng pangaraw-araw na sahod na ibinibigay sa kanila.

Ang patakarang polo y servicio ay masasabi nating epektibo sa maraming kadahilanan. Isa na rito ang mga imprastraktura na nakikita nating nananatiling nakatayo mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang ngayon. Ang mga ito ay ang mga matatandang simbahan at gusali na matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Pumapangalawa ang mga

malalaking barko na ginagamit ng mga Espanyol sa pandaigdigang kalakalan. Dahil sa mga barkong ito, nagkaroon ng mga malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa. Matindi ang pinagdaraanan ng mga Polista sa paggawa ng mga galyon dahil sa kinakailangan nilang magbuhat ng mga malalaking puno upang magamit sa paggawa ng mga ito. Naging epektibo rin ito dahil sa ito ay sapilitan. Kung hindi magtrabaho ang mga polista, sila ay mapaparusahan. Upang hindi sila maparusahan, tinitiis na lamang ng mga Pilipino ang humugit kumulang na dalawang buwang pagtatrabaho.

Pagkakaroon ng kota ng mga magsasaka

Ang karamihan naman sa prayle na naipadala dito sa Pilipinas ay manloloko at maaabuso. Ginagamit nila ang pananampalataya upang magkapera. Tinatakot din nila ang taum-bayan. Noong panahong iyon, napakataas ng posisyon ng prayle sa gobyerno kaya’t marami silang naipakulong at napapatay. Isa na rito ang Gomburza.

Kilala ang Gomburza bilang mga secular na pari. Ang mga secular na pari ay ang mga paring Pilipino na nagpapatakbo sa maliliit na parokya sa Pilipinas na sumasailalim sa Obispo. Noong 1774, ipinatupad ang pagbisita ng Obispo sa iba’t-ibang parokya. Ang mga regular, mga prayleng Espanyol, ay hindi sumang-ayon dito ngunit wala silang nagawa. Dahil dito, maraming regular ang napilitang umalis sa kanikanilang parokya. Ang mga secular na pari ang pumalit sa pwesto ng mga regular na prayle. Sa huli, dahil sa pagpupumilit, pagdadahilan na ang mga Pilipino ay hindi nararapat, at diskriminasyon ng mga regular na pari, naibalik sa kanila ang kanilang parokya.

Sina Father Burgos, Gomez at Zamorra ay napagbintangan na namuno sa Cavite Mutiny. Sila ay ipinapatay sa pamamagitan ng garotte noong February 17, 1872.

Ang pagpatay sa Gomburza ang sinasabing nagpausbong sa Nasyonalismo ng marami sa mga Pilipino. Ilan pa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang nasyonalismo ng Pilipino ay ang mga sumusunod:

· Gomburza Execution

o Nagalit ang maraming Pilipino dahil sa di-makatarungnang pag-patay sa kanila. Umusbong ang Nasyonalismo dahil sag alit sa mga prayle at sa Espanya.

· British invasion of Manila

o Nang dahil sa Seven Years War, sinugod ng Britanya ang Maynila. Bumagsak sa Britanya ang Maynilang hawak ng mga Espanyol. Naisip ng mga Pilipino na kayang pabagsakin kahit na ang akalang malakas na Espanya.

· Pagbubukas ng Suez Canal

· Ilustrado Class

o Ang mga may kayang Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon upang mag aral sa ibang bansa. Sila ay natuto ng konsepto ng liberalismo.

· Liberal na pamumuno ni Carlos Ma. De la Torre

· Secularization Movement

o Ang mga Pilipinong pari ang mamumuno sa mga simbahan dito sa Pilipinas. Nabuhay ang nasyonalismo ng mga Pilipino dahil nalaman nilang kaya natin magsarili at magpatakbo ng sarili nating Simbahan.

· Frailocracy

o Ang mga pryleng mapangabuso ay nagkaroon ng posisyon sa gobyerno. Sa sobrang pagmamalupit nila, umusobong ang nasyonalismo ng Pilipino. Gusto nilang lahat na paalisin na ang mga ito.

Kaharian Ng Español Sa Pilipinas

Ang Unang Pagsadlak, 1521 - 1599

PAGDATING nina Miguel Legazpi sa Pilipinas, lumalaganap ang mga Protestante sa hilagang Europe, ang tinatawag ngayong Dutch Netherlands na bahagi nuon ng kaharian ni Felipe 2. Panguna ang mga frayleng Jesuit, pinuksa sila ng mga Español ngunit lalong dumami ang nag-protestante dahil sa rahas at lupit ng sandatahan ng España. At nagsimula ang himagsikan ng Dutch upang makalaya mula sa España.

Nuong 1566, isang taon na sina Legazpi sa Cebu. Nuon naubusan ng salapi si Felipe 2 at bininbin niya ang pagpuksa sa mga Dutch, na

nagkaruon ng panahong magpalakas. Ang pagkalugi ni Felipe 2 ang dahilan kaunti lamang ang naipadalang barko at sundalo sa Cebu, at nakayang sindakin sina Legazpi ng 3 barko lamang ng mga Portuguese at, nuong 1574, ng mga mandarambong (pirates) ni Limahong.

Nuong 1575, 4 taon nang sakop ng mga Español ang Manila, lubusang naubusan ng salapi ang España. Sa tanang buhay niya, 4 ulit itinatwa ni Felipe 2 ang mga utang na hindi niya kayang bayaran. Hindi na pinasahod ang mga sundalo, at nalansag ang hukbong Español sa Netherlands at nakapagbuo ng sariling bayan ang mga Dutch, sa pamumuno ni William of Orange.

Nuong 1577, isang taon bago hinirang na obispo ng Pilipinas si Salazar, itinatwa ng mga Dutch ang simbahang catholico. Gimbal, bumuo uli ng isang hukbo si Felipe 2, ang pinaka-malakas nuon sa Europe.Nuong 1581, pagdating sa Manila ni Salazar, lumusob ang hukbong Espanol, pinamunuan ng pamangkin ni Felipe 2, si Duke de Parma, upang sakupin uli ang Netherlands. Sa 4 taon ng digmaan, nasakop uli ni Parma ang bahaging timog ng Netherlands at ang lungsod ng Antwerp nuong 1585. Napipilan, humingi, at tumanggap, ng tulong ang mga Dutch sa England na protestante rin tulad nila.

Nagalit si Felipe 2 at pinalusob ang buong hukbong dagat (Spanish armada) ng España, at ang buong hukbo ni Duke de Parma upang sakupin ang England. Nuong 1588, habang nag-aaway sina Obispo Salazar at Governador Gomez Perez Dasmarinas sa Manila, natalo ang mga

Español. Nalunod ang armada at nalansag ang hukbo ni Parma.

Lalong walang naitulong ang España sa Manila, maliban sa kuti-kuting sundalo at barko mula sa Mexico (Nueva España ang tawag nuon). Higit na mahalaga, nagsimulang dambungin ng England ang mga barkong Español sa dagat Atlantic.

Nakidambong na rin ang bagong layang mga Dutch at, nuong panahong humarap si Salazar at nagsumbong kay Felipe 2 sa Madrid, nagsimula na ring dambungin ng mga Dutch ang mga barkong Español sa dagat Pacific. Pagkaraan ng 10 taon, umabot sila at nagdambong na rin sa Pilipinas.

ANG  MGA  HARI  AT  REGINA  SA  ESPAÑA,  1521 - 1621

5. Carlos 5 (1500-1558).   Anak at tagapagmana nina Juanang Baliw at ni Felipe 1, ipinanganak siya sa Ghent (bahagi ngayon ng Belgium) nuong Febrero 25, 1500. Hinirang siyang hari ng España, sabay sa pagiging regina ng kanyang ina, nang mamatay ang kanyang ama nuong 1506, subalit ang kanyang lolo, si Fernando ng Aragon, ang nagbalik at naghari hanggang namatay nuong 1516. Pumalit bilang tagapaghari (regent) si Cardinal Jimenez (Ximenes) ng Cisneros, katulong si Adrian, pinuno ng colegio ng Louvain, hanggang namatay si Jimenez nuong Noviembre 8, 1517. Nuon lamang, ang taon ng 1517, nagtungo si Carlos sa España, nang 17 taon gulang lamang siya. Nahalal siyang kapalit ng kanyang lolo, si Maximilian 1, bilang emperador ng Germany nuong Junio 1519 sa pangalang Carlos 5. Nakasal siya kay Isabel, anak ng hari

ng Portugal, si Manoel, nuong Marso 11, 1526. Nagkaanak sila, si Felipe 2, na hinirang niyang tagapagmana ng España at Germany nuong Enero 15, 1556, nang manahimik siya at nagkulong sa convento ng Yuste, sa España, kung saan siya namatay nuong Agosto 30, 1558.

Si Carlos 5 ang nagpalaot, upang hanapin ang Maluku (Moluccas, the spice islands), kay Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan), ang umangkin nuong 1521 sa kapuluan (archipelago) na tinawag niyang Islas de San Lazaro. Pinundaran din ni Carlos 5 ang 3 pang tangkang sakupin ang Maluku. Ang panghuli, pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos, ang nagpangalan sa kapuluan ng Islas del Felipinas nuong 1543.

6. Felipe 2 (1527-1598). Ipinanganak siya sa Valladolid, sa España nuong Mayo 21, 1527, kay Carlos 1, hari ng España at emperador ng

Germany, at kay Isabel, prinsesa ng Portugal. Gumanap siya bilang tagapaghari (regent) para sa kanyang ama mula nuong Junio 23, 1551 hanggang nahirang siyang hari nuong Marso 28, 1556. Sa 47 taon niyang paghahari, naging asawa niya sina: 1. Maria, anak ni Juan 3, hari ng Portugal, nuong Noviembre 15, 1543 2. Mary Tudor, anak ng hari ng England, nuong Julio 25, 1554 3. Marie Elizabeth ng Valois, France, nuong Febrero 2, 1560 4. Anna ng Austria nuong 1570

Nahirang na hari ng Portugal si Felipe 2 nang namatay ang hari duon, si Sebastian, nuong 1580. Itinanghal siya sa Lisbon, punong lungsod ng Portugal, nuong Abril 1581. Si Felipe 2 ang nag-utos sa kanyang

mga alagad sa Mexico nuong 1559 na sakupin ang Pilipinas, narating at inangkin nuong 1565 ni Miguel Lopez de Legazpi, ang unang governador ng España sa Pilipinas. Sa mahabang paghahari niya, patuloy na tinangkilik at pinundaran ni Felipe 2 ang pagdanak ng mga frayle at sundalong Español upang sakupin ang buong Pilipinas.

7. Felipe 3 (1578-1621). Isinilang siya kina Felipe 2 at Anna ng Austria nuong Abril 14, 1578 sa Madrid, España, at duon din siya namatay nuong Marso 31, 1621. Tinawag siyang Felipeng Mapagsamba (El Piadoso, The Pious). Nakasal siya kay Margaret ng Austria nuong Noviembre 13, 1598, 2 buwan lamang matapos siyang mahirang na hari ng España at Portugal.

ANG  MGA  ARSOBISPO  SA  PILIPINAS,  1581 - 15981. Domingo de Salazar, 1581 - 1594. Frayleng Dominican. Isinilang sa Rioja, España, nuong 1512, at nag-frayle sa convento ng San Esteban sa Salamanca. May 40 taon siyang nag-misionario sa Mexico (dating Nueva España) bago bumalik sa España upang mamuno sa kanyang lipunan (religious order), nang paki-usapan siya ang hari, si Felipe 2, na ipagtanggol ang mga indio o mga katutubo ng America na pinupuksa ng mga Español nuon.

Hinirang siyang unang obispo ng Pilipinas nuong 1578 at itinanghal sa tungkulin (consecrated) nuong sumunod na taon sa Madrid. Dumating siya sa Manila nuong Marso 1581, kasama ng 11 frayle, 8 Franciscan, 2 Jesuit, at 1 Dominican. Itinatag niya ang cathedral nuong Deciembre 21, 1581, ayon sa pahayag (papal bull) ni Pope Gregory 8, bilang saklaw ng arsobispo ng Mexico. Nagpatayo rin siya ng pagamutan (hospital) para sa mga katutubo ng Manila.

Masipag at mainit ang ulo, ipinagtanggol niya ang mga katutubo sa Pilipinas laban sa lupit at pangahas ng mga encomendero. Pinulong niya ang mga religioso (synod) sa Manila nuong 1582 hanggang 1586, sinaluhan ng 90 frayle at 6 pari (sacerdotes, secular priests). Mahilig siyang makialam sa pamamahala ng kapuluan, kaya madalas niyang nakatunggali si Gomez

Perez Dasmariñas, ang governador sa Manila.

Nuong 1591, iniwan niya ang kanyang alalay, si Fray Salvatierra, upang mamahala sa Manila at sumagsag sa

Madrid upang isiwalat ang kalabisan ni Dasmariñas at ng mga pinuno sa Manila at hilinging supilin ng hari. Kaya inatas ni Felipe 2 ang pagtatag uli sa Manila ng hukuman ng hari (audiencia real, royal fiscals), laban sa kahilingan ni Dasmariñas at ng mga frayleng Augustinian, upang magmanman, lumitis at humatol sa mga pangahas na pinunong Español.

Itinanghal din ng hari ang pagkakaruon ng sariling arsobispo sa Pilipinas na may saklaw na 3 obispo pa. Si Salazar, 82 taon gulang na, ang hinirang na unang arsobispo ngunit bago nakabalik sa Manila, namatay siya nuong Deciembre 4, 1594, sa Colegio de Santo Tomas sa Madrid.

Bilang obispo, nabigo ang tangka niyang pamahalaan sa pamamagitan ng pagdalaw-dalaw (episcopal visitation) sa mga paroco (parish) sa Pilipinas, ayon sa utos ng hari ng España, dahil kinalaban siya ng mga frayle na ayaw pailalim sa obispo. Ito ang unang sibol ng suliraning nag-alab sa sumunod na mahigit 300 taon ng paghahari ng Español sa Pilipinas.

2. Ignacio Santibañez, 1595 - 1598. Frayleng Franciscan. Naging pinuno siya ng lipunan ng

Ayon sa bull ni Pope Clement 7 nuong Agosto 15, 1595, hinirang ang saklaw niyang 3

mga frayleng Franciscan sa kanyang tinubuang lalawigan ng Burgos, sa España, at naging tagapang-aral (preacher) kay Felipe 2 bago nahirang na arsobispo ng Manila nuong Junio 17, 1595. Itinanghal siya sa Mexico (dating Nueva España) nuong sumunod na taon.

Naantal ang pagpunta niya sa Manila hanggang nuong Mayo 28, 1598, dahil mali-mali ang mga pagsang-yon (bulls of the pallium) na unang ipinadala sa kanya. Pinalaki niya agad ang cathedral sa Manila bilang metropolitan o tahanan ng arsobispo.

obispo: Pedro de Agurto, frayleng Augustinian, obispo sa Cebu; si Miguel de Cervantes, frayleng Dominican, obispo sa Nueva Caceres, sa Camarines; at si Francisco Ortega, frayleng Augustinian, obispo sa Nueva Segovia, sa Cagayan (pagtagal, nilipat sa Vigan, Ilocos).

Pagkaraan lamang ng 2 buwan at 17 araw pagkarating, namatay si Santibañez sa pagta-tae (disenteria, dysentery) nuong Agosto 14, 1598, at inilibing sa cathedral.

ANG  MGA  GOVERNADOR  GENERAL  SA  PILIPINAS,  1565 - 15961.  Miguel Lopez de Legazpi, Febrero 13, 1565 - Agosto 20, 1572. Ipinanganak siya sa Zubarraja (Zumarraga), sa Guipuzcoa, nuong bandang 1500. Nagtungo siya sa Mexico nuong 1545 at naglingkod bilang kalihim (secretario) ng pamahalaang bayan (cabildo) hanggang nuong 1561 nang nahirang siyang pinuno ng pagsakop sa Pilipinas.

Nilusob niya ang Cebu nuong Abril 27, 1565, at inangkin ang lahat ng kapuluan sa ngalan ni Felipe 2, hari ng España, nuong Mayo 8, 1565.

Nang naubos ang pagkain sa Cebu, inilipat niya ang himpilang Español sa

pulo ng Panay subalit duon man, at sa ipinasiyasat niyang pulo ng Mindoro, kulang din ang pagkain. Nabalitaan niyang masagana ang Manila at pinasalakay niya kay Martin de Goiti nuong 1570. Tinalo at itinaboy ni Goiti ang mga mandirigma ni Rajah Soliman bago nagbalik sa Panay.

Pagkaraan ng isang taon, sinakop nina Legazpi ang Manila nuong Mayo 19, 1571, at itinatag duon ang punong kabayanan (cabecera, capital) nuong Junio 3, 1571. Hinirang niya ang mga unang pinuno (regidores, regents) ng pamahalaang bayan (cabildo) pagkaraan ng 3 linggo.

Hinirang siya ng hari na o governador panghabang-buhay (adelantado) ng Pilipinas at ng ‘Islas de Ladrones’ (‘Kapuluan ng mga Kawatan,’ ang tinatawag ngayong Marianas Islands). Bigla siyang namatay sa Manila nuong Agosto 20, 1572.

2.  Guido de Lavezaris, Agosto 20, 1572 - Agosto 25, 1575. Taga-Vizcaya, sa España. Kasama siya sa naunang paglakbay sa Pilipinas ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543, nang bininyagan ang kapuluan ng Islas Felipinas bilang parangal kay Felipe 2, tagapagmana at principe ng Asturias nuon. Sa pangkat ni Legazpi, siya ang hinirang na

bilang parangal sa anak ni Felipe 2. Ipinasakop din niya ang Camarines, at nagpamudmod ng mga encomienda, mga lupain na pabuya sa mga pinuno ng pangkat ni Legazpi. Siya ang governador nang lumusob sa Manila ang Intsik na mandarambong, si Limahong.

Isinumbong siya sa hari ni frayle Martin de

ingat-yaman ng hari (royal treasurer) at, ayon sa lihim na utos ni Felipe 2, kapalit na governador sakaling pumanaw si Legazpi.

Bilang governador, inutusan niya si Juan Salzedo, apo ni Legazpi at capitan ng 100 sundalong Español, na sakupin ang Ilocos at itatag ang lungsod ng Fernandina (sa tabi ng kasalukuyang lungsod ng Vigan)

Rada sa lupit sa mga tao at kasakiman sa pagkamal ng ginto at ari-arian ng mga ito. Nanghingi pa raw ng mga suhol. Pagkatapos ng kanyang panunungkulan, inilit ng bagong governador ang encomienda na ibinigay sa kanya ni Legazpi at inusig siya sa salang pagkamkam ng mga yaman ng mga tao, ngunit pinawalang sala siya ni Felipe 2 at isinauli sa kanya ang mga inilit na lupain.

3. Francisco de Sande, Agosto 25, 1575 - Abril 1580. Abogado at hukom mula Caceres, pumalit siya kay Lavezaris na inusig niya dahil sa pagkalkal ng ginto at ari-arian ng mga tao. Siya ang nagtatag ng lungsod ng Nueva Caceres sa Bicol, at nagpalusob upang sakupin ang Borneo nuong 1578. Siya ang governador nang dumating ang mga unang frayleng Franciscan, nuong 1577. Pagkatapos ng tungkulin sa Manila, bumalik siya sa Mexico at naging fiscal sa Audiencia Real ng Mexico. Bantog siya ngayon dahil sa mga isinulat niyang salaysay tungkol sa Pilipinas at mga katutubo (natives) nuon.4. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa, Abril 1580 - Marso 10, 1583. Taga-Arevalo, sa España, at dating alcalde sa Mexico, nakipagkasunduan siya sa hari ng España na magiging governador siya ng Pilipinas habang-buhay. Siya ang governador nang dumating ang unang obispo, si Domingo de Salazar at ang mga unang frayleng Jesuit sa Manila nuong 1581. Nuong taon niya ipinatayo ang alcayceria sa Parian para sa mga Intsik na nagkakalakal sa Manila.

Sa sumunod na taon, itinatag niya ang lungsod ng Nueva Segovia sa Cagayan, at nagpadala ng pangkat-dagat sa Maluku (Moluccas, spice islands). Ipinataw niya ang mga unang buwis sa kalakal panglabas (import and export duties) sa Pilipinas nuong 1582. Nuong taon din iyon, nagbakbakan ang obispo ng Manila at ang mga frayleng Augustinian, at ipinatapon niya sa España si Gabriel Rivera. Namatay siya nuong Marso 10, 1583.

5. Diego Ronquillo, Marso 10, 1583 - Mayo 1584. Pamangkin ni Gonzalo, pinili siya ng hari ng España na maging pansamantalang governador. Natupok ang Manila sa isang malaking sunog nuong Marso 19, 1583. Ipinadakip siya ni Santiago de Vera, ang pumalit sa kanya bilang governador ng Pilipinas.6. Santiago de Vera, Mayo 16, 1584 - Mayo 1590. Taga-Alcala de Henares at alcalde ng Mexico, itinatag niya pagdating sa Manila ang unang Audiencia Real (royal fiscals) nuong 1584. Ipinadakip niya si Diego Ronquillo at ipinatapon sa España bilang bilanggo nuong sumunod na taon, 1585, ngunit pinawalang sala ito, at nakabalik pa sa Manila pagkaraan ng ilang taon.

Nuong taon din ng 1585, naglunsad si Vera ng pangkat-dagat upang lusubin ang Maluku (Moluccas, spice islands). Siya ang governador nang dumating ang unang frayleng Dominican nuong 1587. Nuon niya pinasimulan ang pagtayo ng batong pader ng Intramuros. Nag-aklasan sa Visayas nuong 1588. Nagbalik siya sa Mexico nang mahirang sa Audiencia Real duon.

7. Gomez Perez Dasmariñas, Mayo 1590 - Octobre 25, 1593. Taga-Galicia at magiting ng lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), corregidor siya ng Murcia at Cartagena nuong 1589 nang nahirang na

Mayo 12, 1591, inutusan niya si Estevan Rodriguez de Figueroa na sakupin ang Mindanao. Nakipag-sulatan siya sa shogun (warlord, dictator) ng Japan, si Hideyoshi, upang makapasok ang mga Español duon.

governador ng Pilipinas. Naglayag siya mula Acapulco, Mexico, nuong Marso 1, 1590, at dumating sa Manila nuong Mayo 31. Winatak niya agad ang Audiencia Real at pinaligiran ng pader ang Intramuros, ginawang campo militar. Inaway pa niya si Obispo Salazar na lumayag pa-España nuong 1592 at nagsumbong kay Felipe 2. Nuong

Nuong 1593, tinanggap niya ang mga sugo (ambassadors) mula sa kaharian ng Champa (Cambodia ngayon) upang makapasok duon ang mga Español. Nuong Octobre 19, 1593, siya mismo ang namuno sa paglusob sa Maluku (Moluccas, spice islands) ngunit pinatay siya ng mga Intsik na tagasagwan ng kanyang barko nuong Octobre 25, 1593.

8. Pedro de Rojas, Octobre - Deciembre 1593. Licenciado (licentiate) at kasapi sa itinawalag na Audiencia Real sa Manila mula nuong 1843 pa, 40 araw siyang nag-governador ng Pilipinas habang si Diego Ronquillo ang namahala sa pakikipag-digmaan ng mga Español. Nahirang si Rojas na alcalde ng Mexico nuong 1593.9. Luis Perez Dasmariñas, Deciembre 3, 1593 - Julio 14, 1596. Anak ni Gomez at magiting ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara), naging governador siya ng Pilipinas nuong Deciembre 3, 1593, dahil ang hari raw mismo ang humirang na governador sa ama niya. Nuong 1594, natatag ang Confraternidad dela Misericordia, at dumalaw sa Manila ang mga mandarin mula China.

Nuong sumunod na taon, nuong Enero 11, 1595, dumating si Antonio de Morga upang maging pang-2 sa governador (lieutenant governor) ng Pilipinas. Nuong taon ding iyon nagsimula ang lusob sa Mindanao ng hukbo ni Estevan Rodriguez de Figueroa. Nuong 1596, isa pang pangkat, pinamunuan ni Gallinato, ang lumusob at nagtangkang sakupin ang Cambodia. Kapwa nabigo ang 2 salakay.

Panahon Ng Hapon

MATAGAL inabangan, ngunit napakagimbal din nang walang babalang lumusob ang mga Hapon sa Pilipinas nuong Deciembre 8, 1941. Binomba at sinalanta ang mga eroplanong pandigma sa Clark air base sa Pampanga; lumusong ang mga sundalo, pinamunuan ni General Masaharu Homma, sa White Beach sa Lingayen, Pangasinan, at iba pang pook sa Luzon at sabay-sabay tumulak papuntang Manila. Tangkang duon paurungin, ipitin at durugin ang mga nagtatanggol, nang madaling matapos ang pagsakop sa Pilipinas. Mahigit isang buwan lamang ang itinakda ng mga Hapon upang sakupin ang Pilipinas.

Sa kahilingan ng pamahalaan ni Manuel Quezon na hindi madurog ang Manila, hinayo niGeneral Douglas MacArthur ang kanyang sandatahan, 64,000 Filipino at 16,000 Amerkano, sa gubat at bundukin ng Bataan at sa pulo ng Corregidor, higit na mainam pagtanggulan. Duon sinagupa ang sulong marahas ng bandang 65,000 sundalong Hapon. Bagaman at nakalamang ang mga nagtanggol, karamihan sa kanila ay mga baguhan, mga binatilyong bahagya lamang naturuang mandigma, kulang pa sila sa mga baril, bala, pagkain at gamot. Nuong 1936 lamang sinimulan ng pamahalaan ang hukbong sandatahan ng Pilipinas at dahan-dahan pa ang ginawang pagbuo, pinilas lamang ang ilang pangkat mula sa PC [Philippine Constabulary ] na sanay lamang sa pagsupil sa mga tagabukid at walang alam sa digmaan, at dinagdagan ng mga bagong sundalo, na lalong walang alam sa digmaan.

Ang mga Hapon, sa kabilang dako, ay mga beterano ng mahigit 5 taong matagumpay na digmaan sa Manchuria at hilagang China.

Isa pang nakapilantod sa mga nagtanggol ay ang maling pakana ng mga Amerkano: Hahadlangan nila ang mga Hapon nang ilang linggo, sapat na panahon lamang upang makarating ang tulong na hukbo mula sa America. Ngunit dinurog ng mga Hapon ang sandatahang dagat ng America sa Pearl Harbor, Hawaii, bago pa nilusob ang Pilipinas, kaya walang tulong na hukbo o gamit na nakarating sa Bataan o Corregidor. Walang isang buwan pagkasimula ng digmaan, sinakop ng mga Hapon ang walang labang Manila nuong Enero 2, 1942. Hinakot at iniligtas sa America sina Pangulong Quezon, Sergio Osmena, ang Pangalawa, at ang kanilang mga pamilya. Si General MacArthur din ay inutusan ni Franklin Roosevelt, pangulo ng America, na lumikas sa Australia nuong Marso 11, 1942, upang pamunuan ang pagtanggol sa Australia at pag-ipon duon ng sapat na lakas upang balikan at gapiin ang mga Hapon.

Samantala, ang mga naiwang gutom, sugatan, maysakit at nanlulumong nagtanggol sa Bataan at Corregidor, mga lubusang ulilang putok sa buho - “walang ama, walang ina, walang Uncle Sam” - ay nakipagpalitan ng dugo at buhay sa mga Hapon, ngunit sa kawalang ng tulong at karagdagang sandata, nadaig din: Ang Bataan nuong Abril 9, at nuong Mayo 6, 1942, isinuko na

rin ang Corregidor ni General Jonathan Wainwright, ang iniwan ni MacArthur upang mamuno sa Bataan.

Habang lumalaban pa ang mga nasa Corregidor, sinimulan ng mga Hapon nuong Abril 9, 1942 ang karumaldumal na death march, pinalakad nang 90 kilometro mula sa Mariveles, Bataan, ang 70,000 sumukong Pilipino at Amerkano hanggang San Fernando, Pampanga. Duon sila isinakay sa tren hanggang Capas, Tarlac, tapos naglakad muli nang 13 kilometro hanggang Camp O’Donnell, kung saan sila ipiniit. Sa tanang lakbay, hindi sila pinakain. Pinaggugulpi, ninakawan, ang mga humandusay at hindi na nakalakad, binayoneta at binaril, kaya 54,000 lamang ang nakarating sa Camp O’Donnell, - may 10,000 ang napatay, at bandang 4,000 lamang ang nakapuslit, sa tulong ng mga taga-nayon na

nadaanan, at nagtago sa mga gubat at bundok. Maraming sundalo, Pilipino at Amerkano, ang tumangging sumuko sa mga Hapon at nag-guerrilla, nakipagtira-at-taguan sa Kempetai, ang pulis militar ng Hapon, at sa Makapili, mga Pilipinong kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at nakipaglaban sa mga guerrilla sa bundok at gubat sa buong Pilipinas. Sa Manila at ibang mga lungsod, marami ring Pilipino ang nakipag-ayos sa mga mananakop; may ilan-ilan pang yumaman nuong panahon ng Hapon.

Nuong Oktobre 14, 1943, itinatag ang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon, pinamunuan ni Jose Laurel bilang Pangulo. Ngunit laking hirap ang dinanas ng mga tao sa kapangahasan ng mga Hapon, at kinamuhian ng mga tao ang pamahalaan ni Laurel. Marami ang sumanib sa mga guerrilla at hindi nagtagal, nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng radio at paggamit ng mga sugo at ispiya, ang sandatahang Amerkano sa Australia at mga guerrilla sa iba’t ibang sulok ng kapuluan. Kahit gaanong kanipis ang ugnayan, at walang naitulong laban sa pagmalupit ng mga Hapon, nakapagpatibay naman ng loob ng mga tao sa pananalig na magbabalik ang mga Amerkano at magkakaroon ng ginhawa at katahimikan muli sa Pilipinas.

Ang panahon ng Hapon, 1941-1945, ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot ngunit napakaikli upang magkaroon ng matagalang bisa o pagbabago sa buhay ng Pilipino. Lumantad muli sina Emilio Aguinaldo at Artemio Ricarte na hindi pinansin nuong panahon ng Amerkano, upang tumulong sa pamahalaan ni Laurel. Iniladlad pa nila ang watawat ng Pilipinas na ipinagbawal ng mga Amerkano. Ngunit hindi rin sila pinansin ng mga Pilipino na, maliban sa mga collaborators, ay balisa sa paglaban sa mga Hapon, o paghanap ng makakain, sapagkat hinahamig ng mga Hapon ang lahat ng palay sa sanpuluan para sa kanilang mga sundalo, sa tulong ni Manuel Roxas, ang kalihim ng bigasan sa pamahalaan ni Laurel. Ang mga collaborator lamang na tulad nila ang nagtamasa ng husto nuon. Nagtamasa rin, ngunit bahagya lamang, ang mga manunulat sa Tagalog na nagsamantala sa pagbawal ng Hapon sa paggamit ng English. Tinangka nilang palawakin, sa pagtangkilik ng mga Hapon, ang paggamit ng Tagalog sa mga

paaralan at sa mga kasulatan ng bayan. Ngunit naantal ang kanilang gana nang nagturo ng Niponggo o wikang Hapon sa mga paaralan.

Wala kahit katiting na napala ang Pilipinas sa panahon ng Hapon maliban sa (1) pagpatibay ng damdamin ng tao na hiwalay sila sa pamahalaan, at (2) natutong maging marahas ang mga magsasaka at mga hampas-lupa [farm workers]. Maliban sa Bataan at Corregidor, sinakop ng mga Hapon ang buong Luzon sa loob lamang ng isang buwan ng walang pitagang pagpatay, paggahasa, pagnakaw at pagwasak sa bawat madaanan. Namundok o nagtago sa gubat-gubat ang mga hamak, takbuhan sa Manila at mga lungsod ang mga mayaman. Ngunit sa patuloy na karahasan at pagsakop ng mga dayuhan, napilitan silang lahat na mag-iba ng tangka. Marami sa mga mayaman, mga taga-lungsod at mga educado ay sumanib at sumipsip sa mga Hapon, naging mga collaborator.

Ang mga hampas-lupa ay lumaban.

Nang pumasok ang mga Hapon nuong Deciembre 1941, namundok ang maliit na pangkat ng mga komunista, pinamunuan ni Crisanto Evangelista ng PKP o Partido Komunista ng Pilipinas, at nanawagan sa mga tao na tulungan silang sugpuin ang mga dayuhan. Sa bundok ng Arayat at putikan [swamp] ng katabing Candaba, bumuo sila ng mga guerilla mula sa mga namundok ding mamamayan. Upang magkasandata, ninakawan nila ang mga munisipyo at mga hacienda, tinambangan nila ang mga pulis at PC [Philippine Constabulary], pati maliliit na pangkat ng mga sumusugod na sundalong Hapon. Nabantog ang mga komunista at tiningala ng mga tao bilang kaisa-isang tagapagtanggol laban sa mga Hapon, dahil ang hukbong Amerkano at Pilipino ay napako nuon sa Bataan at Corregidor. Ngunit pagkaraan lamang ng isang buwan, nuong Enero 1942, nahuli si Evangelista ng mga Hapon at, nang tumangging maging collaborator, pinatay siya.

Nuong Marso 29, 1942, sa gubat sa paanan ng bundok Arayat, sa gilid ng mga lalawigang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac, nagbuklod ang mga komunista at ang higit na maraming mga socialista upang buoin ang Hukbalahap o Hukbong Bayan Laban sa Hapon at hinirang si Luis Taruc, pinuno mula sa San Luis, Pampanga, bilang supremo. Mula sa 500 sandatahan lamang, dumami ang mga sumapi sa kanila, sa sariling kusa o sapilitan, at dumami ang mga sandata mula sa mga napulot sa mga pinagdaanan ng labanan ng mga hukbong Amerkano at Hapon, o kinamkam sa patuloy na pagtambang sa mga pulis at PC na kumampi na sa mga Hapon. Sa

simula, natanggol lamang sila sa mga sarili, ngunit hindi nagtagal, naging hukbo silang lawak sa buong Luzon; nakapagtatag pa sila ng sariling pamahalaan sa ilang purok na napalaya nila.

Hintay muna: Ang pulis at ang PC ay kumampi sa mga Hapon? Hindi ba sila lumaban man lang?

Maliban sa ilang namundok at sumapi sa Hukbalahap, taimtim na sumunod ang mga pulis at PC sa lahat ng utos ng Hapon, mula pa nuong unang

pasok ng Hapon. Walang natala na lumaban sila kahit minsan. Hindi lamang sila, pati na ang mga bantay o civilian guards [hawig ang gawi sa mga guardia civil nuong panahon ng Español, kaya lamang hindi pamahalaan ang nagpasuweldo] na inarkila ng mga haciendero upang magmanman sa kanilang mga lupain ay kumampi sa Hapon. Mayroon ding mga karaniwang mamamayan na, sa anumang dahilan, ay pumanig sa mga dayuhan at tinaguriang mga Makapili. Tulung-tulong silang lahat sa pagtiktik at pagpuksa sa mga Huk at mga guerrilla.

Nuong Septiyembre 1942, sumugod ang hukbong Hapon sa bundok Arayat upang puksain ang mga Huk, ngunit ilan lamang ang napatay, at binaling ng mga Hapon ang galit sa malupit na pag-usig ng mga mamamayan ng Luzon. Lalong dumami ang namundok at sumapi sa Huk, at pagkaraan lamang ng 2 buwan, umabot ng 5,000 ang mga sandatahang Huk. Sinimulan muli nilang lusubin ang mga garrison ng PC at mga Hapon upang nakawin ang mga sandata, gamit at pagkain. Maraming naakit sa kanilang tapang at dahas, at nadoble ang mga kasapi nilang namundok , umabot ng 10,000 nuong Marso 1943. Nuong buwang iyon lumusob uli ang mga Hapon, - 5,000 sundalo, pulis, PC at Makapili - sa 1,500 Huk sa hilaga ng Pampanga. Sa 10 araw na madugong labanan, 100 Huk at ilang mataas na pinuno ang napipilan at nahuli ng mga Hapon, ngunit karamihan ay nakatalilis. Lalong lumaganap ang pagtangkilik ng mga tao at lumawak ang mga lupaing hinawakan o pinamahalaan ng mga Huk sa Luzon. Nakapagtayo pa sila ng Stalin University sa mga bundok ng Sierra Madre. Ang mga “guro” ay ang mga komunistang sundalo mula sa China, mga beterano sa paglaban sa mga Hapon.

Maagang nagkaunawaan at nagtulungan ang mga Hapon at mga collaborator. Nakitungo ang mga Pilipino, ipinagamit pa ang mga pangasiwaan ng pamahalaan upang mabilis na masakop at mabisang mapamahalaan ang Pilipinas. Kaya kaunti lamang na Hapon ang nahimpil sa Pilipinas, maliban sa mga lumaban sa Huk at mga guerrilla. Ang karamihan ng mga sundalo ay nagpatuloy makibaka sa mga Amerkano at mga Australyano sa bandang Australia at sa maraming pulo sa dagat silangan [Pacific Ocean]. Bilang kapalit, hindi naman sinansala ng mga Hapon ang mga

collaborator, binigyan pa ng kaunting kapangyarihan upang tumulong sa pamamahala ng kalakal at pagsingil ng mga buwis. May mga collaborator na yumaman pa sa kurakot at paglako ng mga kailangan ng Hapon.

Hintay muna pa: Bakit hindi tumulad sa kanila ang mga tagabukid at nakitungo na rin sa mga Hapon?

Kung tutuusin, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkakataon. Kinailangang dumaklot ng mga kailangan ang mga Hapon, gaya ng palay na pagkain ng milyon-milyong sundalong nakadestino sa mga bayan at pulong sinakop nila. Kaya hindi nila ginalaw ang mga bukirin ng mga haciendero upang patuloy na matanman, at

tinulungan pang bantayan upang hindi manakaw ang mga palay o masira ang mga ani. Hindi naiwasan na may maghirap dahil sa pagsakop at pagdaklot, at ang mga tagabukid at mga manggagawa - ang mga pinakawalang kapangyarihan sa buong kapuluan - ang pinili ng mga

Hapon. Kaya ang mga kaawa-awa ay walang nabalingang magtanggol o maghiganti kundi ang mga tulad nilang sawimpalad na sumanib o tumulong sa mga Huk at sa mga guerrilla.

Sa 3 mahabang taon, nakipagbaka sila - tinambangan ang mga patrol at mga convoy, nilusob ang mga himpilan at munisipyo sa mga ilang na kabayanan, dinukot at pinatay ang mga Makapili at sinumang collaborator na natiktikan nila. Sa hinaba ng panahon, naging bihasa sila at makapangyarihang hukbo. Sa ilang pook sa mga bundok at gubat ng Luzon at Visayas na lubusang “napalaya” nila, naalis ang lahat ng sundalong Hapon, PC at mga collaborator, at ang mga Huk ang naging pamahalaan.

Maraming pangkat ng mga Pilipino at Amerkano, nakatakas sa Bataan, Corregidor at iba pang pulu-pulo ang lumaban bilang guerrilla. Ngunit bandang 1943, sa utos ni General MacArthur, tumahimik sila at nag-imbak ng lakas at gamit. Sa pagtanggol na lamang sa sarili sila lumaban sa mga Hapon. Nangyari na mga Huk lamang ang lumusob sa mga Hapon. Pagkaraan lamang ng mahigit isang taon, nuong 1944, nang malapit nang bumalik ang mga Amerkano, sa utos uli ni MacArthur, muli silang sumabak upang mabawasan ang mga Hapon sa Pilipinas. Iyon man ay paunti-unti lamang. Nabunyag pagkatapos ng digmaan na daig-karamihan sa mga guerrilla ang nagbansag sa mga sariling USAFEE [US Armed Forces Far East] kahit hindi tunay, at mga sundalong kanin lamang. Nilibak sila nang husto ng mga tao nuon. Panay kasi ang hakot ng bigas at pagkain mula sa mga tagabukid ngunit ayaw lumaban o sumalungat sa pagmalupit ng mga Hapon. Naging kasabihan na kapag may nawalang kalabaw o baboy na ang mga ito ay na-USAFFE, o kinuha ng mga tuliSAFFE [pinagduktong na tulisan at USAFFE].

Nais ni MacArthur, nabunyag din pagkatapos ng digmaan, na maging layunin ng mga guerrilla ang pagtulong lamang sa pagbalik ng mga Amerkano, at hindi ang pagtanggol sa mga mamamayang sakop at pinagmalupitan ng mga Hapon. At ayaw ni MacArthur na maging mga bayani ang mga Huk, na sa tingin niya ay mga komunista na kailangan pang supilin pagkatapos ng digmaan. Inilihim niya ito at inutos lamang na itigil ang paglaban, kaya nangyari pa kung minsan, ang mga guerrilla ang tumambang at sumalungat sa mga Huk upang mapigil ang paglusob nila sa mga Hapon.

Hindi alam ng mga Huk ang balak at paniwala ni MacArthur kaya sila, gaya ng karamihan ng mga mamamayan, ay taimtim na naghintay sa pagbalik ng mga Amerkano at pagpuksa sa mga malupit na mga Hapon, at sa ipinangakong kalayaan ng Pilipinas pagkaraan ng digmaan. At ang mga Huk ay umasa na kikilalanin din ang paghihirap at pagpapakasakit nila sa pakibaka sa mga kaaway. Sa wakas, sa pagbalik ni MacArthur.

HENERAL TOMOYUKI YAMASHITA

Si Heneral Tomoyuki Yamashita (山下 奉文 Tomoyuki Yamashita?, Nobyembre 8, 1885 - Pebrero 23, 1946) ay isang heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang pinakakilala sa pananakop ng mga kolonya ng Britanya sa Malaya at Singapore, kaya't binansagan siya bilang Ang Tigre ng Malaya. Siya ang komandanteng heneral ng mga pwersang Hapones sa Pilipinas noong mga huling yugto ng digmaan. Pinaurong niya ang mga tropa ng sundalong Hapones para masagip ang lungsod dahil sa pagdating ng mga sundalong Amerikano noong Oktubre 20, 1944 hanggang Setyembre 2, 1945, at ang kasama ay nasa loob ng mga sundalong Pilipino at mga kumilalang gerilya ay inihanda ng kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas. Ginawaran siya ng parusang kamatayan dahil sa mga krimeng pandigmaan.

HENERAL MASAHARU HOMMA

Si Masaharu Homma (本間雅晴 Honma Masaharu?, 28 Enero 1888 – 3 Abril 1946) ay isang komandanteng heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapones. Tagapangasiwa ng Militar ng mga Hapones at Pamumuno ng Militar ng mga Hapones sa Pilipinas. Kilala siya sa ginampanan niya sa paglusob at pagsakop ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan tinanggap niya ang bansag na ang Tigre ng Maynila. Isang baguhang pintor at

manunulat ng dula, kilala rin siya bilang ang Makatang Heneral. Dahil sa mga nakamit na krimeng may kaugnayan sa digmaan, pinarusahan siya ng kamatayan matapos ang digmaan.

EMPERADOR HIROHITO

Si Emperador Hirohito 裕仁  o mas kilala sa bansag na Emperador Showa ang ika-124 na emperador ng bansang Japan, at ang kahuli-hulihang kinilalang Diyos-Emperador ng mga Hapones. Sa loob ng 63 taon sa trono, siya ang itinuturing na pinakamatagal na pinuno na nakaluklok sa makabagong kasaysayan ng mundo. Namuno siya sa panahong maligalig kung saan may kaguluhang panloob sa kanyang mga nasasakupan; nananalakay ng mga lupain ang gubyerno ng kanyang bansa; nakapasok sila sa isang digmaang pandaigdig at tumanggap siya ng pagkatalo.

MGA PINUNONG HAPON AT PILIPINO SA ISANG PAGPUPULONG SA MALAKAÑANG

Mickey Mouse Money

• Ipinatupad ng mga Hapones ang paggamit ng mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng mga Pilipino bilang Mickey Mouse Money sapagkat halos wala itong halaga. Ang isang salop ng bigas ay nagkakahalaga ng isang bayong na pera.

LUIS TARUC

• Ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya ay ang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) na itinatag ni Luis Taruc. Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugang Luzon.

PAGTATAPOS NG DIGMAAN AT ANG PAGSUKO NG HAPON

• Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.

• Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.

• Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.

• Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.

• Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

• Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig. Nagsimula ito sa mga bansang Europeo. Nang malagay sa pamumunong militar ni Adolf Hitler ang bansang Aleman, naglunsad ito ng mga programang pang-isport sa mga mamamayan upang kunin ang suportang moral ng mga ito na siya namang ginamit niya upang palawigin ang hukbong sandatahan nito. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Nag-siklab rin ang digmaan sa Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan. Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan papuntang Capas, Tarlac. Marami pa ang nangyari.

Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Ifugao sa Hilagang Luzon.

Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Tokyo Bay, Hapon.

PANAHON NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas bago ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Magsasampung taon bago pa man ipahayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Cavite, isinulat na ni Jose Rizal ang posibilidad na sakupin ng Estados Unidos (EEUU) ang Pilipinas (Rizal, 1889). Maaaring sabihing nagdilang-anghel siya sapagkat makalipas lamang ang ilang araw matapos itayo ni Aguinaldo ang isang rebolusyonaryong pamahalaan, nagsidatingan ang mga tropang Amerikano. Dahil dito, sa pananaw ni Apolinario Mabini, hindi pa angkop na ipahayag ang kasarinlan. Para sa kanya, kinakailangan munang malaman ang layunin ng mga Amerikanong nangako diumano kay Aguinaldong tutulungan lamang ang bansang lumaya mula sa kolonyalismong Espanyol (Kalaw, 1930). Subalit hindi ito ang nangyari. Pagdating ng Agosto 1898, isinagawa ng EEUU at Espanya ang kunwa-kunwariang labanang nagdulot sa pagtatayo ng unang pamahalaang militar na siyang pasimula ng pananakop nito sa bansa.

Layunin ng pananaliksik na suriin ang naging takbo ng pamahalaang militar ng mga Amerikano sa bansa mula sa “opisyal na pagkatalo” ng Espanya sa labanan sa Look ng Maynila noong Agosto 13, 1898 at nagresulta sa paglagda sa Articles of Capitulation ng dalawang kapangyarihan hanggang bago sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899. Bagama’t pinalitan lamang ito ng pamahalaang sibil noong 1901, ang mga pangyayari sa unang anim na buwan ng naturang pamahalaan ay may makabuluhang epekto sa mga sumunod na pangyayari sa kritikal na panahong ito. Magtutuon ang pagtalakay sa dalawang larangang binigyang-pansin ng pamahalaang militar: larangang pang-administratibo at larangang pandiplomatiko. Tinutukoy sa larangang pang-administratibo ang mga programa upang maibalik sa normal ang kalakarang pulitikal sa bansa partikular ang mga mamamayan sa Maynila, kabilang na ang usaping pangkapayapaan at katahimikan, pamamalakad-hudisyal, pagsasaayos ng pananalapi ng lungsod, kalusugan at sanitasyon, at ang pagtatayo ng pampublikong sistema ng edukasyon. Tumutungkol naman ang larangang pandiplomatiko sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang Pilipinong pinangungunahan ni Aguinaldo

200 PHILIPPINE SOCIAL SCIENCES REVIEW

Usaping nakapaloob dito ang dalawahang pag-okupa ng Maynila, paglikas ng mga rebolusyonaryo sa mga lugar na kalapit ng Maynila na sinasabing sakop ng mga Amerikano, pagkuha at pagturing ng rebolusyonaryong pamahalaan sa mga bihag ng digma, usapin sa Benevolent Assimilation Proclamation at pagkontrol ng Iloilo, at mga pagpupulong bago ang Pebrero 4, 1899 upang maiwasan ang sagupaan ng mga Pilipino at Amerikano.

Nais palitawin ng pananaliksik na nagtagumpay ang pamahalaang militar sa mga programang isinulong nito sa larangang pang-administratibo subalit nabigo naman sa larangang pandiplomatiko na naging dahilan sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino- Amerikano. Ang pananagumpay o pagkabigo ay sinusukat sa mga adhikaing kinailangang isakatuparan ng pamahalaan ayon sa mga utos ng Pamahalaang Amerikano sa Washington at sa mga personal na pagtitimbang-timbang ng mga pinunong militar sa Pilipinas. Sa unang larangan, adhikain ng pamahalaang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan dahil wala pang pinal na pag-uusap ang EEUU at Espanya sa kahihinatnan ng Pilipinas. Samantala, sa pangalawa naman ay maiwasan ang madugong komprontasyong maaaring maganap sa pagitan ng mga hukbong Pilipino at Amerikano.

LABANAN SA LOOK NG MAYNILA, MAYO 1, 1898

Ang pagtungo at nang lumaon pagsakop ng EEUU sa Pilipinas ay dulot ng pagkakasangkot ng huli sa Digmaang Espanyol- Amerikano. Tulad ng Cuba at Puerto Rico, ang Pilipinas sa panahong ito ay nasa kapangyarihan pa rin ng

Espanya kaya’t kinailangan din ng EEUU na pabagsakin ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa Maynila ng ilang pwersa ng kanyang US Asiatic Squadron na nakabase sa Hongkong (Bailey at Kennedy, 1987; Smith, 1994).

Makabago at mas malakas ang mga barkong pandigma ng EEUU na kinabibilangan ng Olympia, Baltimore, Raleigh, Boston, Concord, Petrel, at McCulloch kung ikukumpara sa lumang pag-aari ng Espanya.

Dahil dito, naging madali para sa mga Amerikano sa pangunguna ni Commodore George Dewey na makuha at maokupa ang Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898 sa pamamagitan ng pagpapasabog sa mga barkong Reina Cristina, Castilla, Don Juan de Austria, Don Antonio de Ulloa, Isla de Cuba, Marques del Duero at Isla de Luzon. Sa kanyang ulat, sinasabi ni Elliott (1917) na 167 ang namatay at 214 ang sugatan sa mga tropang Espanyol samantalang wala isa man ang namatay o nasugatan sa mga Amerikano.

Gayunpaman, dahil mayroon pang mga istrukturang pandepensa sa look na maaaring gamitin ng mga Espanyol, minabuti ni Dewey na magbase sa Cavite at maghintay ng karagdagang sundalong uukopa sa Intramuros dahil mayroon lamang siyang 1,700 na sundalo. Hindi magiging ganap ang pagkuha sa Maynila ng kanyang pwersa dahil sa walang army na magsasagawa ng pag-okupa. Sa kanyang tantiya, sapat na ang 5,000 sundalo para tuluyang mapabagsak ang Maynila sa kabila ng mas malaking pwersang Espanyol dito (Younghusband, 1899; Linn, 1989). Iniulat niya sa Washington ang kakanyahan ng kanyang tropang (kasama ang hiniling na karagdagang sundalo) madaling pagsakop sa Maynila (Linn, 1989) kahit na bago pa man ang pag-eksilo ni Aguinaldo sa Hongkong ay nagpatuloy pa rin ang pakikipaglaban ng mga Pilipino. Kaya nga sa pagbabalik nito, maraming lugar sa kapuluan ang kontrolado na ng mga rebolusyonaryo tulad ng mga lugar malapit sa Maynila (Agoncillo, 1960).

Samantala, dahil sa kasunduan diumano ni Aguinaldo at mga Amerikanong Konsul sa Hongkong na tutulong lamang ang mga Amerikanong magapi ang mga Espanyol, naglayag si Aguinaldo patungong Pilipinas sakay ng barkong pandigma na USS McCulloch (Worcester, 1914). Subalit dahil hindi pa tuluyang napapatumba ang Maynila at naghihintay pa ng karagdagang sundalo at utos si Dewey, dumiretso si Aguinaldo sa Cavite at pagdating ng Hunyo 12, 1898, sa kabila ng pagtutol ni Mabini, ipinahayag ang kasarinlan. Labing-isang araw matapos nito, sa pamamagitan ng isang decree, itinatag niya ang isang probisyonaryong pamahalaan (Agoncillo, 1960).

Sa panahong ito, naglayag naman mula sa California ang apat na regiment ng mga sundalong Amerikanong binubuo ng mga 14,000 regular at boluntaryong mula sa iba’t ibang estado ng EEUU- ang American Expeditionary Force. Ang unang regiment na pinangunahan ni Hen. Thomas M. Anderson ay umalis noong unang bahagi ng Hunyo 1898 at dumating noong Hunyo 30. Ang pangalawang pinangunahan ni Hen. F. V. Greene ay dumating noong Hulyo 17, at makalipas ang higit isang linggo dumating naman si Hen. Wesley Merritt upang pamunuan ang pwersa. Ang pangatlong pinangunahan ni Hen. Arthur MacArthur na may kasamang 10,000 sundalo ay dumating noong Agosto 7 at ang huli sa pangunguna ni Hen. Elwell Otis ay dumating noong Agosto 21. Si Anderson ang pansamantalang nanguna sa mga hukbong ito subalit hinalinhan siya ni Merritt pagdating nito sa Pilipinas (Elliott, 1917).

KAPITULASYON NG MAYNILA, AGOSTO 13, 1898

Mayroon nang inisyal na pag-uusap sina Dewey at ang pinunong Espanyol na si Gobernador-Heneral Fermín Jaudenes para sa mapayapang pagsuko ng mga Espanyol. Naging tagapamagitan dito ang British Consul na si Rauson-Walker at pinalitan ng Belgian Consul na si Edward André. Napagkasunduang magsasagawa ng kunwa- kunwariang digmaan (mock battle) upang mabigyang-hustisya ng mga Amerikano ang kanilang “tagumpay” at upang hindi rin mapahiya at mapasailalim sa court martial ang mga pinunong Espanyol (Agoncillo, 1960; Gleeck, 1998). Sa katotohanan, hindi naman kailangan ang ganitong labanan dahil noong Hulyo 22, 1898 pa lamang - mahigit isang buwan matapos na makuha ni Dewey ang Look ng Maynila - humiling na ng kapayapaan ang Espanya

sa EEUU. Noong Agosto 10 isang borador ng Peace Protocol ang ipinadala ng US Secretary of State sa pamahalaang Espanyol na lalagdaan ng una at ng French Ambassador sa Washington na tumayong kinatawan ng Espanya. Ang nasabing Protocol ay nilagdaan ng mga kinatawan ng dalawang panig sa Washington noong hapon ng Agosto 12 ngunit dumating lamang ang balita tungkol dito makalipas ang apat na araw dahil pinutol ni Dewey ang submarine telegraph cable na nagdurugtong sa Maynila at Hongkong (Taylor, 1971).

Kinailangang masiguro ng mga Amerikanong hindi mapapasok ng mga rebolusyonaryo ang lungsod sa pangamba ng mga Espanyol na maghiganti ang mga ito at magkaroon ng kaguluhan. Subalit dahil nakapaligid ang pwersang rebolusyonaryo sa pangunguna nina Heneral Pio del Pilar, Mariano Noriel, at Artemio Ricarte, hiniling ni Merritt sa pamamagitan ni Hen. Greene na magsilikas ang mga ito upang makadaan ang mga Amerikano na pinahintulutan naman ni Aguinaldo (Elliott, 1917). Dahil sa positibong pagtugong ito, naisakatuparan ang “labanang” nagsimula bandang alas 9:30 n.u. noong Agosto 13, 1898. Ang mga tropa ni Dewey sa puntong iyon ay nagsimulang magpaputok sa Fort San Antonio Abad sa Malate at sa mga trenches ng mga Espanyol habang pinapaputukan naman ng Utah Battery ang mga tanggulan ng mga Espanyol. May ilang mga bahagi ang lungsod ng Maynila na kinailangang masira upang maging makatotohanan ang labaanan. Pagsapit ng 10:25 n.u., iwinagayway na ng mga Espayol sa timugang bahagi ng Intramuros ang puting bandila bilang tanda ng kanilang pagsuko (Faust, 1899). Bandang alas kuwatro ng hapon ng araw ding iyon, iwinagayway na ang watawat ng EEUU sa Fort San Juan. Kasabay nito, inilipat ni Merritt ang kanyang himpilan sa ayuntamiento ng Maynila (Taylor, 1971).

Pinasok ng mga tropang Amerikano ang lungsod at dinis- armahan ang mga tropang Espanyol. Kinaumagahan, pormal na nilagdaan ng magkabilang panig ang Articles of Capitulation at itinatag na ng mga Amerikano ang kanilang Pamahalaang Militar sa bansa na pinangunahan ni Merritt bilang pinakaunang gobernador-militar (Faust, 1899).

Pagtatatag ng Pamahalaang Militar

Ang pagtatatag ng pamahalaang militar ng mga Amerikano ay batay sa pangkalahatang utos o general instructions ng Pangulong McKinley sa ipinadalang American Expeditionary Forces na pinangunahan ni Merritt. Sa utos na ito noong Mayo 19, ipinahayag ng Pangulo ang dalawang layunin ng pwersang Amerikano. Una, ang patuloy na pagpapahina sa pwersang Espanyol sa lungsod at pangalawa, ang pagkakaroon at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad habang nasa ilalim ito ng pamamahala ng EEUU (Linn, 1989). Sasakupin ng pamahalaang ito ang daungan, lungsod, at look ng Maynila batay sa Articles of Capitulation (Otis, 1899). Ang pormal na pag-uusap sa magiging kalagayan ng Pilipinas ay magsisimula pagdating ng Oktubre at hahantong sa Tratado ng Paris sa Disyembre (Agoncillo, 1960). Kung kaya nga, matatantong sa kabila ng matagumpay na pagkakuha sa Maynila at pagtatayo ng pamahalaang militar, nananatili pa rin ang pagkilala sa pamahalaang Espanyol bilang pamahalaang de jure. Maiiba lamang ang status na ito pagkatapos lagdaan ang Tratado ng Paris at maratipikahan ito ng Lehislatura ng EEUU nang sumambulat ang Digmaang Pilipino- Amerikano.

Pasan ni Merritt ang tungkuling pangunahan ang pagtatayo ng pamahalaang kanya ngang isinulong sa pamamagitan ng isang proklamasyon noong Agosto 14, 1898 para sa mga Pilipino. Ayon sa kanya:

The Commander of the United States forces [Merritt] now in possession has instructions from his government to assure the people that he has not come to wage war upon them, nor upon any party among them, but to protect them in their homes, in their employments and in their personal and religious rights…The government established among you by the United States army is a government of military occupation (Faust, 1899, pp.103-104)

Dahil sa itinalaga ng pamahalaang EEUU, ang kapangyarihan ni Merritt bilang Gobernador-Militar ay absoluto. Nangangahulugan itong lahat ng utos at programang isusulong ay magmumula sa kanyangunit naaayon sa utos at

patakaran ng pamahalaang EEUU sa kapuluan lalo at higit sa adhikain ng Pangulong McKinley na magkaroon sa Pilipinas ng isang “benevolent and liberal” na pamahalaan (Gates, 1937, p. 56).

Ang proklamasyong ito ang naging batayan ng mga programang isinulong at hakbanging tinahak ng pamahalaang militar. Tulad ng mga instruksyon at proklamasyong inilabas ng mga Amerikano sa kanilang mga karanasan sa Louisiana, Florida, at iba pang teritoryo noong Digmaang Mehikano, malinaw na binibigyang-halaga ng proklamasyon ang pagkakaroon ng kaayusan at katahimikan, paggalang sa mga batas at kaugalian ng mga dinatnang grupo ng tao, at ang “benevolent intentions” ng EEUU (Gates, 1937). Layunin ng pamahalaang militar na pangasiwaan ang pagsasaayos ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Nakapaloob sa tungkuling ito ang pagtatalaga ng mga Amerikanong opisyal na mamumuno sa mga importanteng posisyon sa pamahalaan. Tungkulin rin ng pamahalaang itong magsagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan (Jose, 2000). Kinailangan ding asikasuhin ang pisikal na kalagayan ng lungsod kasama na ang kalinisan at katahimikan ng mga lansangan, hospital, at kulungan (Faust, 1899).

Bagama’t siya ang nagtatag at nagpasimula ng mga programa ng pamahalaan, kinailangang bumalik ni Merritt sa EEUU noong huling bahagi ng Agosto 1898 dahil sa pangangailangan sa kanyang kaalaman tungkol sa kalagayan ng bansang mahalaga sa gagawing pag-uusap ng EEUU at Espanya sa Paris pagdating Disyembre. Pinalitan siya ni Elwell Otis noong Agosto 29, batay sa General Orders, No. 73 ng US War Department (Otis, 1899).

LARANGANG PANG-ADMINISTRATIBO

Ipinagpatuloy ni Otis ang mga nasimulan ni Merritt sa kabila ng kakulangan niya ng kaalaman tungkol sa bansa. Pinagtuunang-pansin ni Otis ang pagsasaayos sa mga opisinang dating hawak ng mga

Espanyol (Faust, 1899). Ang mga sundalong itinalaga ni Merritt bago ang paglisan ng mga tropang Pilipino sa mga lugar na hawak diumano ng mga Amerikano ay hindi makagalaw nang maayos dahil sa tensiyong nagaganap sa Maynila. Ang pamamaraang gagabay sa mga sundalo at pinunong Amerikano ay ipinahayag ni Merritt (batay sa instruksyon sa kanya ni McKinley noong May 1898) sa pamamagitan ng General Order No. 3. Sinabi sa utos na kailangang isaisip ng mga sundalong hindi sila pumarito sa Pilipinas bilang mga “despoilers and oppressors” ngunit bilang mga “instruments of a strong, free government whose purposes are beneficient” lalo pa at sila ay “representatives of a high civilization.” Binalaan din ang sinumang lalabag dito na parurusahan “on the spot with the maximum penalties known to military law” (Gates, 1937, p. 56). Ilan sa mga itinalagang pinuno ni Merritt na ipinagpatuloy ni Otis batay General Order No. 4 ay ang mga sumusunod (Faust, 1899; Otis, 1899; Linn, 1989):

MGA OPISYAL AT KANILANG TUNGKULIN

Brig. Gen. Douglas MacArthur

Military Commandant, Walled City of Manila; Provost-Marshal- General, City of Manila, including all the outlying districts

Brig. Gen. F. V. Greene

Intendente-General de Hacienda

Col. C. A. Whittier

Collector of Customs and Chief Paymaster

Maj. Charles H. Whipple

Paymaster Maj. R. B. C. Bement Collector of Internal Revenue

Capt. Henry Glass

Captain of the Port

Brig. Gen. Thomas M. Anderson

To command the District of Cavite

Col. James Smith

Deputy Provost Marshal, districts North of Pasig River

Col. S. Ovenshine

Deputy Provost Marshal, districts of the city including Ermita and Malate, outside of the walled town and south of the Pasig River

Capt. Thomas R. Hamer

Judge, Inferior Provost Marshal

Marami sa mga pinunong ito ay may malalawak na karanasan sa pakikipagdigma partikular sa Digmaang Sibil, Digmaang Mehikano, Digmaang Indian at Digmaang Espanyol-Amerikano sa Caribbean. Si Merritt halimbawa, ay nagtapos sa West Point at naging aktibo sa Digmaang Sibil at Digmaang Espanyol-Amerikano. Si Hen. Douglas MacArthur na itinalagang Military Commandant at Provost-Marshal- General na nang lumaon ay gobernador-militar ng Pilipinas (1900- 1901) ay naging bahagi ng 24th Wisconsin Volunteers sa Digmaang Sibil at nakipaglaban din sa Cuba. Si Hen. Thomas M. Anderson ay isang career officer ng US Army na nakibahagi sa Digmaang Espanyol- Amerikano sa Cuba. Si Hen. Otis naman, tulad nina Anderson at Col. James F. Smith, ay isang abogado bago pumasok sa army. Sa katunayan, nagtapos siya ng batas sa Harvard Law School. Naging aktibo siya sa army sa mga

kampanya ng EEUU sa Digmaang Indian bilang Lieutenant Colonel ng 22nd Infantry partikular sa estado ng Montana (Faust, 1899; Otis, 1899; Linn, 1989; Gates, 1937; Wolff, 1961).

Bukod sa mga karanasang ito ng mga pinunong sundalo, makikita ring nagmula sa iba’t ibang larangan ang mga sundalong bumubuo sa pwersang nagtungo sa Pilipinas dahilan upang maging epektibo ang mga patakarang pang-administratibong isinulong ng pamahalaan. Batay sa obserbasyon ng isang opisyal na Ingles sa panahong ito, ang pwersa ay binubuo ng mga sundalong

…drawn from every rank of society, lawyers, merchants, postal clerks, tradesmen, office hands of all descriptions, university men; and, indeed, it would be difficult to say what trade or calling is not represented. From amongst these men it was possible to draw fairly proficient officials Ilang sa gawaing pang-administratibong pinagtuunan-pansin ng mga pinunong ito ang pagbabalik at pagpapanatili ng kapayapaan, pamamalakad-hudisyal, pagsasaayos ng pananalapi ng lungsod, kalusugan at pampublikong sanitasyon, at pampublikong sistema ng edukasyon.

Kapayapaan at Katahimikan

Magulo ang Maynila matapos ang kapitulasyon. Ang pamamahalang sibil ng mga Espanyol ay naantala at tanging ang batas militar (military law) ang naipatupad. Maging ang mga gampanin ng konstabularyo ay nabinbin. Bagama’t sumuko at nadis-armahan ang mga Espanyol, naroon pa rin ang kawalang-kaseguruhang hindi magkakaroon ng kaguluhan sa lungsod. Dahil dito, minabuti ni Merritt na italaga si MacArthur bilang Provost-Marshal-General (na di kalaunan ay hinalinhan ni Brig. Gen. R.P. Hughes) upang manguna sa pagsusulong ng kapayapaan at katahimikan sa lungsod at mga kalapit na distrito. Batay sa proklamasyon ni Merritt noong Agosto 14, hinati ang teritoryong hawak ng mga Amerikano sa mga sub-distrito at bawat isa ay pinamunuan ng isang Deputy Provost Marshal. Inatasan ang mga pinunong ito, kasama ng kani-kanyang mga tauhang hulihin at ikulong ang sinumang lalabag sa mga panuntunang iniatas ng pamahalaang militar. Sa mga kasong maaaring litisin, kinailangan ng mga sundalong ipadala ang mga akusado sa mga komisyong militar (Faust, 1899).

Sa huling bahagi ng Agosto, nakabuo ng isang Superior Provost Court samantalang noong Setyembre naitatag ang Inferior Provost Court. Ang dalawang korteng ito ang lumitis sa mga kasong sibil dahil ayaw ng mga dating hukom na Espanyol na magsilbi sa pamahalaang militar. Ang tangka naman ng pamahalaang buhayin ang mga korteng lokal ay hindi naging matagumpay dahil sa hindi pagpayag ng mga hukom na Espanyol na ito. Nagtatag rin ang pamahalaan ng isang provost guard na binubuo ng tatlong regiment na sundalo na nagsilbing police detachment na naatasang magpatrolya sa lungsod . Dahil sa mga hakbanging itong mapanatili ang kaayusan at katahimikan, iniulat ni Otis makalipas ang tatlong buwang inilagi ng pamahalaang militar na “…in so far as strictly military operations were concerned the passing period was devoid of excitement or apparent importance”

PAMAMALAKAD-HUDISYAL

Dagdag sa mga responsibilidad ng ilan sa mga pinunong militar na pangunahan ang kani-kanilang hukbo sa mga lugar na hindi pa tahimik, ang pamunuan ang pagsisiyasat sa mga kasong sibil at pangmilitar at ang pagbibigay ng hustisya ng mga Military Tribunal sa Maynila at mga kalapit na lugar. Dahil sa posibleng kaguluhang maganap sa pagbibigay ng makatarungang pasya, pinili ni Merritt na isuspinde muna ang mga gawaing hudisyal ng mga korte matapos ang pagtatatag ng pamahalang militar ngunit inatasan ang Provost- Marshal-General na magkaroon ng direktang hurisdiksyon sa mga kulungang nasa Maynila partikular ang Bilibid at Presidio de Manila na isang penitentiary. Noon lamang Oktubre 7, 1898 napagpasyahan ng mga opisyal ng Washington na ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaang Espanyol sa bansa ang pinayagang ipatupad sa mga Korteng Sibil hangga’t ang pagpapatupad sa mga ito ay hindi makakaapekto sa maayos na pamamahala ng pamahalaang militar (Otis, 1899).

Kaugnay rin dito ang apila ng mga presong Pilipino at Espanyol sa mga kulungan sa Maynila na umaabot ng 13,000. Isang malaking usapin ito dahil sa maraming mga presong Pilipino ang umaangking walang kasalanan. Marami diumano ang ikinulong dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikang 1896. Marami ang nagsasabing sinamsam din ng mga Espanyol ang kanilang mga lupain matapos na ipakulong. Sa dami ng bilang ng mga ito sa mga kulungan, marami sa kanila ang nagkakasakit at ang iba naman ay nahahawahan na.

Mayroon ding ibang nakakatakas dahil sa kaguluhang nagaganap sa lungsod Pinakawalan naman ang 2,000 presong hindi pa nahahatulan dahil sa kawalan ng rekord-opisyal sa kasong isinampa laban sa kanila o kawalan ng sapat na ebidensiya (Gates, 1937). Pagsapit ng unang bahagi ng Oktubre 1898, mababasa sa ulat ni Otis na naging matagumpay ang hakbangin ng mga hukumang pinayagang magbukas at mag-operate tulad ng mga military tribunal na ayon sa kanya “…worked very satisfactorily and have been acceptable to the inhabitants because of concerned just administration and celebrity of action”

Pagsasaayos ng Pananalapi ng Lungsod

Kinailangan din ni Otis na pagtuunan-pansin ang pondong gagamitin. Dahil sa ang pinakabulto ng pondong nagmumula sa EEUU ay napupunta sa kampanyang militar, ipinag-utos ni Otis na suriin ang mga posibleng paraan upang makalikom ng karagdagang pondo (Otis, 1899).

Unang sinuri ang pondo ng mga Espanyol sa pag-iingat ng lungsod ng Maynila. Ang pondong ito ay magagamit sa pagsasagawa ng mga pagsasaayos sa mga opisina ng pamahalaan. Subalit nalaman ng mga Amerikanong mas malaki ang ginagastos ng pamahalaang panlungsod kaysa sa pondo nito. Nakasaad sa mga talaan ng paggastos na kadalasang mas marami sa kinakailangang armas ang binibili ng pamahalaan para sa kanyang sandatahang lakas sa puntong hindi nabibigyan ng pansin ang pondo para sa kalusugan at sanitasyon. Dahil dito, inatasan ni Otis si Maj. R. B. C. Bement na maging Collector of Internal Revenue upang mapag-aralan ang uri ng sistemang ipinapatupad ng mga Espanyol sa mga mamamayan at suriin kung maaari itong ipagpatuloy. Sa pagsusuri ni Bement, napag- alaman niyang ang mga uri ng buwis at iba pang bayarin ng taumbayan sa pamahalaang Espanyol ay batay sa maraming mga atas at dekretong nadadagdagan sa paglipas ng panahon. Ang pondo ng lungsod ng Maynila ay nanggagaling sa mahigit dalawampung uri ng buwis na kinokolekta. Naging pabigat ito sa mga tao sa kabila ng ginhawang idudulot nito sa pamahalaan. Kaya’t naging suliranin ni Bement ang maaaring ipatupad na pagbubuwis sa mga mamamayan. Halimbawa ang pagkolekta ng railroad tax at ang pag- iisyu ng cedula personal (Otis, 1899).

Kalusugan at Pampublikong Sanitasyon

Naging abala rin ang pamahalaan sa pagtuturo ng kalinisan sa katawan at kapaligiran na ayon sa kanilang obserbasyon ay kulang sa mga Pilipino at hindi isinaalang-alang ng mga Espanyol. Ang pagbibigay-diin sa kalinisan bagama’t tinanggap ng mga Pilipino ay hindi madaling naipatupad ng mga Amerikano dulot na rin ng kaibhan ng uri ng pamumuhay (Faust, 1899).

Itinalaga si Maj. Frank S. Burns, Chief Surgeon, bilang pinuno ng Board of Health na nagsiyasat sa kalagayang pangkalusugan. Nakapaloob sa sangay na ito ang Department of Sanitation. Naglagay si Maj. Burns ng mga Inspektor Pangkalusugan sa lungsod at mga kalapit-lugar na hinati sa sampung distrito. Nagtalaga rin ng mga municipal health official, mga doktor at kumadrona. Ininspeksyon ng kagawaran ang lahat ng mga establisimiyentong maaaring makapagdulot ng sakit tulad ng mga pamilihan at katayan (Gates, 1937).

Napag-alaman ng kagawaran na bulutong-tubig ang isa sa mga pinakalaganap na sakit sa lungsod. Kung hindi nagagamot ang sakit ay maaaring lumalala, isang bagay na kinatatakutan ng mga Amerikanong hindi sanay sa klima at kapaligirang tropikal (Faust, 1899). Noong Nobyembre 1898, nagkaroon ng maraming kaso ng naturang sakit sa

mga sundalong Amerikano at presong Espanyol dahilan upang bakunahan ang 13,000 presong Espanyol sa loob ng tatlong linggo. May labindalawang Pilipinong vaccinator naman na umikot sa buong lungsod upang bakunahan ang mga mamamayan. Umabot ng mahigit 80,000 ang binakunan dahil sa pagputok ng epidemya ng bulutong-tubig (Gates, 1937). Bukod dito, mayroon ding iba’t ibang uri ng lagnat tulad ng tipus. Kaya’t sa pagpasok ng mga Amerikano sa Maynila, nagpalabas ang Deputy Surgeon-General Lippincott ng serye ng mga atas na nagsasaad sa tamang paraan upang makaiwas sa sakit. Ilan sa mga ito ay ang pagpapanatiling malinis ang katawan at kapaligiran partikular ang mga moat na nakapaligid sa Intramuros na kadalasang pinanggagalingan ng mga lamok na nagdudulot ng sakit (Faust, 1899). Nilinis din ng mga sundalo ang mga tubong dinadaanan ng tubig papasok ng Maynila upang hindi ito pagmulan ng sakit, gayundin ang kapaligiran ng lungsod na nagtataglay ng dumi at basurang natipon sa mahabang panahong walang maayos na sistemang pangkalusugan (Gates, 1937).

Pampublikong Sistema ng Edukasyon

Batid ng mga Amerikanong ang pananagumpay na sakupin ang mga Pilipino ay hindi lamang nababatay sa lakas ng kanilang kakayahang pangmilitar. Higit dito, kailangang makuha ang pag-iisip ng mga Pilipinong mapasunod sa mga patakarang kanilang ilulunsad. Kung kaya, pinagtuunan nila ng pansin ang pagkatuto ng mga Pilipino na naging pundasyon ng pampublikong sistema ng edukasyon sa bansa.

Sa kabila ng maraming paaralang nagsara sa panahon ng kaguluhan ay nasa hindi maayos na kondisyon, malinaw sa pang- anim na bilang ng proklamasyon ni Merritt para sa mga Pilipino ang tunguhing pang-edukasyon ng mga Amerikano. Ayon dito:

All churches, and places devoted to religious worship and to the arts and sciences, all educational institutions, libraries, scientific collections and museums, are, so far as possible, to be protected, and all destruction or intentional defacement of such places or property, of historical monuments, archives or works of science, is prohibited, save when required by urgent military necessity. Severe punishment will be meted out for all violations of this regulation (Faust, 1899, p. 104).

Inatasan ni Merritt ang chaplain ng 1st California Volunteers na si Father W. D. McKinnon na buksan ang mga paaralan sa Maynila. Noong Setyembre 1, 1898, pitong paaralan ang naorganisa sa lungsod. Batay sa patakaran ng pamahalaan, marami sa mga asignaturang itinuro at pamamaraan ng pagtuturo ay tulad din sa panahon ng mga Espanyol maliban lamang sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo at ang pagtanggal sa mga paksang pangrelihiyon. Dahil sa hindi makakuha ng mga Pilipinong guro, minabuti ni Fr. McKinnon na atasan ang ilang mga sundalong Amerikanong magturo. Nakakuha ng suporta si Fr. McKinnon mula sa mga magulang at maging sa mga Katolikong orden kaya’t mula sa pitong paaralang binuksan noong una ay umabot ito ng 39 na may 3,700 mag-aaral na kinabibilangan ng mga Pilipino, mestizo at Espanyol (Lacuesta, 1958; Gates, 1937).

Reaksyon ng mga Pilipino

Hindi naging madali para sa mga Amerikanong maipaunawa at mapasunod agad ang mga Pilipino sa kanilang mga patakaran. Bagama’t naging positibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga hakbang pangkalusugan at pang-edukasyon, may mga pagkakataon pa ring nagkakaroon ng di magandang pagtugon dito lalo na sa pananaw ng maraming Pilipinong dumating ang mga Amerikano upang sakupin ang bansa. Matatanto nga ang layuning sumakop ng EEUU dahil sa pagtatayo ng pamahalaang militar ng mga Amerikano sa kabila ng pagpupumilit ni Aguinaldong kilalanin ng mga Amerikano ang pamahalaang Pilipino (Agoncillo, 1960; Kalaw, 1969). Dulot nito, hindi maaaring magtuon lamang ang pamahalaang militar sa mga gampaning pang-administratibo kundi maging sa pakikipag- ugnayan nito sa mga rebolusyonaryo

Larangang Pandiplomatiko

Matatanto sa larangang ito ang dalawang mukha ng pamahalaang militar: sa mga pagkakataong kailangang humingi ng pabor, kinikilala nito ang pamumuno ni Aguinaldo subalit bingi naman kapag inihahapag nina Aguinaldo ang kanilang kahilingang kilalanin ng mga Amerikano ang pamahalaang Pilipino. Bunga nito, nabigo ang pamahalaang militar na mapigilan ang Digmaang Pilipino- Amerikano.

Usapin tungkol sa mga Bihag ng Digma

Naging malaking usapin din ang tungkol sa mga bihag ng digmaang nasa kamay ng mga reboluyonaryo. Ang usaping ito ay napunta sa atensyon ng mga maykapangyarihan sa Washington dahil sa presyur mula sa mga Katoliko sa EEUU at maging sa mga petisyon ng Vatican at Roma (Taylor, 1971). Ang mga ito ay mapapangkat sa dalawa: una ang mga madre, kababaihan at kabataan, at pangalawa, ang mga prayle at opisyal sibil sa pamahalaang Espanyol. Sa liham ni Otis kay Aguinaldo patungkol dito, makikitang iba na sa dating arogante ang tono nito. May tonong hindi siya naniniwala sa mga “paratang” ng kanyang mga kababayan at iba pa tungkol sa kalupitan ng mga rebolusyonaryo sa kanilang mga bihag.

Kontribusyon ng mga Amerikano

Mga Sasakyang Panlupa. Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit ng mga tren, tranvia, kotse at bus.

Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga Ingles ay binili ng pamahalaang Amerikano. Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National Railways (PNR). Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din ng mga linya ng tren sa Cebu at Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang naitayo ng mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng mga linya ng tren ang nagpaunlad sa mga pook na dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod. Gayundin ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng bansa.

Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba sa tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang maisasakay ng isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng lungsod ang siniserbisyuhan nito.

Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa itong benzine-fueled French-made Brazier. Ang kotse ang nangungunang transportasyon noong panahong iyon partikular na sa mga maykaya sa buhay.

Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas-General Electric trackless trolley bus. Ito ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa.

Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong mga 1930s. Maaari itong magsakay ng apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at pinakamabilis na pampublikong transportasyon noong panahong iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at motorsiklo sa paglalakbay. Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyipni na lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Sasakyang Pantubig. Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang paglalayag ng mga international steamships sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbukas ng mga daungan o seaports sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking daungan sa Asya noong panahong iyon.

Mga Sasakyang Panghimpapawid. Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay pinalipad ni ‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City. Noong 1930, sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa. Dito unang naranasan ng mga Pilipino na maglakbay sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t ibang bahagi ng ating kapuluan. Sinundan naman ito ng pagtatag ng Iloilo-Negros Air Express Co. o INAEC noong 1933. Sinasabing ang dalawang kompanyang ito ang naging Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paglapag naman ng China Clipper ng Pan-American Airways sa Maynila noong Nobyembre 29, 1935 ang itinuturing na unang trans-Pacific air travel mula California, USA hanggang Pilipinas. Ito rin ang nagpasimula sa internasyunal na paglalakbay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga eroplano.

PROYEKTO SA

HEKASIIPINASA NINA:

LEADER: VENUS MYLENE R. BURAGACO- LEADER: CHRISTIAN B. MAGDARAOGMEMBERS: JEREMIE B. CALLUENG

ROMEL A. ZIPAGANCHRITOPHER A. TULIAOJHOMAR Z. CAMMAYOANDREW PETER JAMES M. WU

IPINASA KAY:

MR. ROBERT DELA CRUZADVISER