Pagiging Kolonya Ng Espanya

  • View
    2.148

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kolonya ng espanya

Text of Pagiging Kolonya Ng Espanya

PANAHON NG ESPAOL SA PILIPINASPagdating ni MagellanNoong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.[2] Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya.[1] Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[2] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).[3] Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas, bagaman mayroong mga aklat na nailathala sa Kanlurang Europa na nagsasabing hindi sila ang una. [4] Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.[5]Pagdating ni VillalobosAng unang paglalayag na pambuong mundo sa ngalan ng Espanya ay nasundan ng apat pang mga ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na panggagalugad, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Kapuluan ng Pilipinas at pinangalanan niya ang mga pulo mula kay Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Espanya, bagaman hindi pa pormal na naitatag ang Pilipinas bilang opisyal na Kolonya ng Espanya. Naging pormal na Kolonya ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italaga ni Haring Philip II (nanungkulan bilang hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598[3]) si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan.[2] Noong taong ito naitatag ang unang pampalaigang pamayanan ng mga Kastila sa Cebu, pagkaraang magapi ang isang pinunong Muslim (Moro).[4] Noong 1571, pinili ni Legazpi ang Maynila upang maging kabisera ng kolonya. Ang Pilipinas ay pinangasiwaan ng Espanya magmula sa Mehiko (Bagong Mehiko). Ang pangangalakal ay isinagawa sa pamamagitan ng mga galeon na naglalayag sa pagitan ng Canton at ng Acapulco, Mehiko, kung kailan ang Pilipinas ay gumaganap bilang daungan, angkatan, at luwasan ng mga kalakal.[2] Nagwakas ang pangangalakal sa pamamagitan ng mga galeon noong 1815[2] noong dumaong sa Maynila ang huling galeon na nanggaling sa Acapulco.[6]Naging bahagi ng patakaran ng Espanya ukol sa Pilipinas ang tatlogn mga layunin: ang makapaghanap ng mga mapagkukunan ng maikakalakal na mga pampalasa; ang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan at ang katayuan ng Kristiyanismo sa Tsina at sa Hapon; at ang upang maging ganap ang pagiging mga Kristiyano ng sinaunang mga Pilipino.[3] Ang Pilipinas lamang ang naging kolonya ng Espanya sa Asya.[3]Paghina ng pamumunong KastilaNagsimula ang unang panghihina ng kapangyarihan ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noong 1762. Naganap ito noong panandaliang mabihag ng mga Britaniko ang Maynila habang nagaganap ang Digmaan ng Pitong mga Taon (1756-63),[4][6] kung kailan ang Espanya ay kumampi sa Pransiya.[6] Bilang pagsuporta sa paglusob ng Britanya sa Pilipinas, naghimagsik laban sa mga Kastila ang mga mangangalakal na Intsik, isang pangkat na dumanas ng pang-uusig sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Nagkaroon ng iba pang mga panghihimagsik laban sa Espanya. Kabilang dito ang pag-aalsang pinamunuan ni Diego Silang mula sa Ilocos ng Hilagang Luzon, kung kailan nagtatag si Silang ng isang pamahalaang nagsasarili na nakikipag-ugnayan sa mga Britaniko.[6] Pinaslang si Silang, sa pamamagitan ng asasinasyon noong Mayo 1763.[6] Nang matapos ang digmaan, naibalik ang Maynila sa kapangyarihan ng Espanya noong Mayo 1764[6] dahil sa Kasunduan sa Paris.[4] Pagkaraan ng pagbabalik ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas, nagsagawa si Jos Basco y Vargas, ang gobernador ng Pilipinas mula 1778 hanggang 1787, ng magkakasunod na mga reporma na naglalayong mapainam ang kaunlaran ng ekonomiya ng kolonya.[6]Pagkaraan ng paglaya ng Mehiko mula sa kapangyarihan ng Espanya noong 1821, tuwirang pinamahalaan ng Espanya ang Pilipinas mula sa Madrid, sa halip na mula sa Acapulco, Mehiko. Tumagal ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya nang may 200 mga taon.[2]Pagwawakas ng pamumunong KastilaNatapos ang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas bilang resulta ng nakisangkot ang Estados Unidos sa Cuba, isa pang pangunahing kolonya ng Espanya. Nais nang Estados Unidos na masugpo ang panghihimagsik na naganap sa Cuba noong Pebrero 1895 dahil sa mga layunin ng Estados Unidos hinggil sa pagnenegosyo. Noong magpahayag ang Estados Unidos ng digmaan laban sa Espanya noong Abril 25, 1898, inatasan ni Theodore Roosevelt (na noon ay gumaganap bilang pansamantalang Sekretaryo ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos) na maglayag papunta sa Pilipinas upang gapiin ang hukbong-dagat ng Espanyang nasa Look ng Maynila. Natalo ng hukbong-dagat ng Estados Unidos ang hukbong-dagat ng Espanya na nasa Pilipinas noong Abril 25, 1898. Bago matapos ang 1897, nagpatuloy ang paglalaban ng Espanya at ng Estados Unidos hinggil sa kung sino ang aangkin sa Cuba. Samantala, naganap ang negosasyon sa pagitan ni Emilio Aguinaldo at ng mga opisyal ng Estados Unidos habang nasa Hong Kong at pagdaka sa Singapore. Nahikayat ni Dewey si Aguinaldo na magbalik sa Pilipinas. Noong Mayo 19, 1897, dumating si Aguinaldo sa Maynila upang pamunuan ang mga puwersa ng mga Pilipinong nanghihimagsik

Kolonisasyon at Ebanghelisasyon Tungo sa Konsolidasyon at Integrasyon

Ginamit nila ang relihiyon sa pagsama samahin ang mga Pilipino sa kanilang kolonya. Sabi nga ng nakakarami Christianity is their best legacy. Sa kanilang paulit ulit na pinagkakalandakan na adhikaing God, Glory and Gold, nakumbinsi nila na ang mga Pilipino sa mga mabubuting dulot nito. Pinakita nila na pagkakawang gawa na ang Kristyanismo ay ipalaganap, na ang Diyos ang kasagutan sa kanilang mga hinaing at sari sari pang pawing mga kasinungalingan lamang. At higit sa lahat, napaniwala nila ang mga tao na malinis ang intension ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Para silang nahipnotismo sapagkat ang ginamit lamang nila ang relihiyon upang makuha ang yaman ng ating bansa at maging tanyang sa ibang mga bansa sa pagsakop sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang itinakwil ang kanilang pamansantalang relihiyon at sumapi sa Kristianismo. Gayon pa man, mayroon ding mga Pilipinong di nagpaiibabaw sa impluwensya ng mga Espanyol.

Sapagkat may mga taong, di sumailalaim sa Kristyanismo, sila ay tinuring na parang salot ng lipunan. Kalimitan, sila ay yung mga nakatira sa mga bundok at hindi nakikisanib sa mga sinasagawa ng mga taong malapit sa simbahan o mga mananampalatay. Ang mga dating mga pinuno ng Barangay na mga Muslim ay pinangakuan ng kasaganaan kapalit ng pagsapi sa Kristyanismo. Kung titingnan natin, ito ay sinabi lang nila upang tuluyang ibigay ng datu ang kanilang mga nasasakupan sa mga Espanyol.

Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Pilipinas

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa pamamagitan ng Consejo de las India sang buong pamamahala sa Gobernador y Capitan heneral. Hindi maaring mailuklok sa posissyong ito ang isang Pilipino. Kabilang kanyang mga tungulin ay ang mga sumusunod: Ang pamunuan ang Real Audencia o Supreme Court, magplano ng gawaing pang ekonomiya at pangasiwaan ang sandatahang pandagat at panlupa.

Ang mga Alcaldia(province) at Ayuntamiento(city) ay parehong pinamumunuan ng Alcalde Mayor. Gaya ng Gobernador Heneral, Espanyol lamang ang pedeng makapagkamit ng posisyong ito. Binabantayan nila ang mga encomienda, pede silang maging tapaghusga, pinuno ng kapulisan, taga- kolekta ng tributo. Sa madaling sabi, siya ang Capitan Heneral nga probinsya.

Ang pueblo(town) ay pinamumunuan ng gobernadorcillo(little governor) na kung saan siya ang naghahanda ng listahan ng magbabayad ng mga tribute, pagtatalaga ng mga trabaho, tagapaghusga ng mga maliliit na kaso. Siya ang nasususnod sa usapin sa pera, lupa, hustisya at sandatahan ng kanyang kinasasakupan. Siya ay may prebelehiyong hindi na muli pang magbayad ng buwis. Maaring tanghaling gobernadorcillo ang isang Pilipino o Intsik.

Ang pinakakamababang posisyon sa gobyerno sa pamumuno ng mga Espanyol ay ang Cabeza de Barangay. Pinamumunuan niya ang mga barangay o baryo. Siya ang taga-panatili ng kapayapaan at tag-hikayat sa mga lalaki sa nayon na makilahok sa pagagawa ng mga pampublikong pasilidad. Kapag nakapagsilbi siya bilang Cabeza de Barangay sa loob ng 25 taon, hindi na siya inoobliga na sumama pa sa polo y servicio.Mga Patakarang Pang-ekonomiya at Panlipunan g Espanya sa PilipinasPagbabayad ng BuwisPara magkaroon ng malaking kita nag gobyerno, nagpataw sila ng mga buwis sa ibat ibang paraan. Ang identity paper ng mga Pilipino noon ay may karampatang buwis na pwedeng bayaran sa kahit anong paraan na nagkakahalagang 8 reales. Di kalaunan ito ay nagging 15 realeas. Ang sampo ay napapapunta sa gobyerno, ang isa ay sa kaban ng komunidad at ang natitirang 3 reales ay sa simbahan napapapunta. At may karagdagan pang isang real para sa tithes(diezmo prediales). Nangongolekta din sila ng bandala na kada taon mula sa naani ng mga Pilipino, isang halimbawa ay palay.