Click here to load reader

Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino: Alternatibong

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino: Alternatibong

hd12-c2ABSTRACT
There is a need to restudy and reframe the methodologies we use to
present the history of Filipino Architecture. The paper is rooted in the
idea that the current approach to historiography of Filipino architecture
renders architecture itself irrelevant and detached from the students of
architectural history. Postcoloniality is seen here as a conscious break from
traditional notions of historiography and a means of empowerment for
the marginalized. In Filipino Architecture, this implies a non-elitist and
anti-auratic approach in looking at architecture. Furthermore, there is
also a shift in looking at architecture not just as mere products, but more
importantly as a process. In lieu of the popular diachronic-historic
approach to architectural history writing, a synchronic-thematic system
is proposed. To understand further the relevance of architecture to the
lives of the Filipino, five critical themes were proposed as alternative ways
of looking at architecture. The themes are: Architecture as Signifier of
Places and Settings; Architecture as a Mode of Signifying Meaning;
Architecture as Process of Creativity; Architecture as Adaptation and
“While each tradition, like each historical period, is in fact
distinct, and while the shift from one period to the next involved
the termination of the status quo and the introduction of a
new system as well as new concerns, the history of Philippine
Architecture should not be seen in terms of discontinuities,
but rather as a continuum.”
— CCP Encyclopedia of the Arts:
Philippine Architecture, 1990
ganitong sawikain sa pagbanggit ng usapin ng kasaysayan, hindi pa
rin natin lubusang maipagkakaila ang pagpapahalagang ipinapahiwatig
nito. Palagi pa rin nating naipagkakawing ang kahalagahan ng pag-
unawa ng ating sariling kasaysayan maging sa paglinang ng tinatawag
na Arkitekturang Filipino, o yaong arkitekturang nakabatay sa
saloobin, karanasan, kaisipan, at pagpapahalagang Filipino (kung
iaayon natin ito sa mga kaisipan ng Pilipinolohiya). Nagsisilbing
pundamental na pangangailangan ang pag-unawa na ito sa ganap na
pag-usad natin sa mga kontemporaryong usapin at diskurso.
Samakatuwid, ang kasaysayan ay mahalagang sangkap sa pagbubuo
ng pagkakakilanlan ng isang tao, bansa, o obheto. Hindi maihihiwalay
sa usapin ng kasaysayan ang usapin ng identidad sa arkitektura dahil
magkadaop ang dalawa sa tuluyang pagbubuo nito. Sa pagbuo ng
kasaysayan, ang identidad ang nagtatakda ng landasing babagtasin;
sa pagbuo ng identidad, ang kasaysayan ang nakapagsasabi ng ugat
na pinanggagalingan. Ang Arkitekturang Filipino, kung gayon, ay
kinakailangang nakaugnay sa magkakawing na usapin ng kasaysayan
at pagkakakilanlan.
historyograpiyang arkitektural (ang pamamaraan ng pagsalaysay sa
kasaysayang arkitektural), ay ang malakas na pagkiling pa rin sa mga
kanluraning simulain. Mapupuna ito sa mga popular na batayang
babasahin para sa kolehiyo. Kung kaya’t, ang naituturo at naipapasang
batayang kaisipan sa mga mag-aaral ay kanluranin ang oryentasyon.
Madalas pa ring sabihin na sa pagpapahayag ng kasaysayan, kapag
puro datos (tulad ng mga petsa, kaganapan, tauhan, at lugar) ang
binabanggit, nasasabi na “obhektibo” ang kasaysayan. Halintulad sa
Adjustment to the Environment; and Architecture as Sites of Power
Relations. With these critical themes, Filipino architecture is seen as a
means of empowering the Filipino instead of being the source of oppression.
Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino
mga datos lamang ang natatalakay, nagiging “obhektibo” na rin ang
pagturing dito? Hindi obhektibo ang pagpapahayag ng kasaysayan.
Laging nakapaloob dito ang masalimuot pa ring dinamika ng mga
balakin ng manunulat. Ang pagsalaysay ng kasaysayan ay palaging
magiging subhektibo at ayon sa pananaw ng nagsasalaysay. Sa umpisa
pa lang, kikilalanin na natin dapat ang subhektibong katangian ng
historyograpiya.
historyograpiya, tumitingkad din ang pagbuo ng mga makabagong
parametro at batayang angkop sa ating sariling kondisyon, karanasan,
at konteksto. Sa historyograpiyang arkitektural, ang pagkakaroon ng
kritikal na mga batayang kaisipan ay nagiging isang mabisang
pamamaraan ng pagpapalawak ng usapin ng arkitektura. Mayroong
matinding pangangailangan, samakatuwid, ng isang pagbabago ng
kaisipan at oryentasyon sa historyograpiyang arkitektural. Ang
kinakailangang transpormasyon na ito ay nakikita bilang lubusang
paghahanda sa mga mag-aaral ng arkitekturang Filipino na maging
kritikal sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Umaayon pa rin
sa kinakailangang kritikal na pagtingin sa kasaysayan ang pag-unawa
ng sariling pagkakakilanlan.
tinutukoy natin ang naratibo ng ating nakaraan. Sa Ingles, ginagamit
ang salitang history. Subalit kakaiba pa rin ang salitang kasaysayan sa
katagang history dahil sa hindi lamang ito isang naratibo o kuwento.
Mapupuna na ang ugat ng salitang kasaysayan ay saysay,
nangangahulugang may “kabuluhan” at “kahalagahan” ang isang
bagay. Ipinaliwanag ito ni Jaime Veneracion:
Kasaysayan ang tawag natin sa isang makabuluhang
paglalarawan ng nakaraang salinlahi. Sa antas ng pambansa,
paglalangkap ito ng mga karanasang may pagkakaiba-iba
lamang sa panahon at uri ng lugar ng pinangyayarihan
(bundok, kapatagan at tabing-dagat) ngunit ito ay may
kaisahan sa pagsasaisip sa masalimuot na direksyong patungo
Cabalfin
34
mapupulot sa mga dayuhan, mas mayaman pa nga ito sa
kahulugan sapagkat ang binibigyang pansin nito ay
“kabuluhan” o “saysay” at hindi lamang ang ideya ng
panahong nakalipas at ang pagsasalaysay na nakasulat.
(Veneracion:1983)
Mayaman, samakatuwid, ang pakakahulugan ng mga Filipino
ukol sa ating pagtingin sa nakaraan, sapagkat nakakabit pa rin ito sa
kasalukuyan at sa hinaharap. Kaugnay dito, ang kasaysayang
arkitektural ay maaari rin nating unawain hindi lamang bilang isang
salaysay, kundi bilang manipestasyon ng adhikain ng bayan. Sa
kasaysayang arkitektural, natural na arkitektura ang nagiging
partikular na pokus ng gayong pakakahulugan. Para sa pagbubuo
ng arkitekturang Filipino, nagiging mahalaga ang kasaysayang
arkitektural sa mga sumusunod na dahilan.
Una, ang kasaysayang arkitektural ay isang guro. Bilang isang
dokumentasyon na rin ng mga nakaraang gusali at istruktura,
makikita natin ang mga partikular na tugon sa mga partikular na
kondisyong hinarap at hinaharap ng mga tao. Kung ang arkitektura
ay titingnan bilang isang solusyon, ang kasaysayan ay bukal ng mga
potensyal na kaisipan na maaring gamitin sa mga panghinaharap na
mga problema.
Upang lubusan ang pag-unawa sa ating sariling nakalipas, ang
kasaysayan ay isa ring sisidlan ng pamana ng salinlahi. Ang
pamanang ito ay naipasa sa atin at kinakailangang maipasa din sa
susunod na mga henerasyon. Alalahaning bahagi ng ating
pagkakakilanlan ang mga pamanang arkitektural. Ang mga
istrukturang ito ay mga testamento sa naging pakikihimok,
pakikipagtunggali, pakikibagay, at pagdiriwang ng mga Filipino.
Bahagi, kung gayon, ang pamanang arkitektural ng ating pagkatao
bilang Filipino.
kasaysayan ay hindi lamang nakaraan, bagkus ay may malakas na
ugnayan sa hinaharap na panahon. Bilang isang continuum, ang
arkitektura natin ngayon ay makikita natin bilang pagpapatuloy ng
nakaraan. Hindi umuusbong ang kasalukuyang arkitektura mula sa
Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino
35
kawalan kundi ay naging resulta ng iba’t ibang puwersa tulad ng
pagbabagong kultural at historikal sa lipunan. Ang kasaysayang
arkitektural ay isa ring pagpapamalas ng pagbabagong sosyo-kultural,
kung kaya’t sa pag-unawa ng kasalukuyang arkitektura, hindi
maaaring itatwa ang nagiging pagsibol nito mula sa mga partikular
na kondisyong humubog sa nakaraang arkitektura. Palagiang itinatali
ang diskurso ng kasalukuyang arkitektura sa diskurso ng nakaraan.
HISTORYOGRAPIYANG ARKITEKTURAL:
Dulot ng karanasang kolonyal at ang kadalasang mapaniil na
dulot nito, naging natural ang paghanap ng ibayong kaparaanan kung
paano tutugunan ang gayong puwersa. Kinailangan ngayon ng
alternatibong pananaw at diskurso na maaaring magligtas sa tila
walang pag-asang sitwasyon ng mga nakolonisa. Dito ngayon
pumapasok ang diskursong postcolonial. Ang mga pag-aaral ayon sa
usaping postcolonial ay sinasabi na umuusbong at may malaking
kaugnayan sa usaping colonial. Kung mayroong sandamukal na
depinisyon ang nasyonalismo, gayon din karami ang pakakahulugan
ng postcoloniality. Subalit para sa pag-aaral na ito, mas gagamitin
ang depinisyon na ipinahayag ni Ania Loomba (1998). Aniya, ang
salitang postcolonial ay makikita sa dalawang aspeto: una, ang salitang
post ay nagbabadya ng kapanahunang matapos ang kolonyal na
karanasan; ikalawa, ang post bilang kataga ay tumutukoy rin sa pag-
alpas ng usaping kolonyal (7). Wika pa niya:
It has been suggested that it is more helpful to think of
postcolonialism not just as coming literally after colonialism
and signifying its demise, but more flexibly as the contestation
of colonial domination and the legacies of colonialism. (12)
Mahalaga para sa atin, sa aking palagay, ang operasyon ng pag-
alpas at ang pagbagtas tungo sa mga usapin ukol sa kung paano natin
maaaring kwestyunin at hamunin ang mga istrukturang kolonyal
na nanatili pa rin sa ating bansa kahit na wala na ang kolonisador.
Mahalaga ang pagkakataon na ito, lalo na sa mga tinatawag na
neocolonization na laganap sa kasalukuyang lipunan at kultura.
Cabalfin
36
Bahagi ng diskurso ng postcolonial ang pagtatakda ng alternatibong
mga pananaw at kaisipan laban sa mga kanonikal na mga kaisipang
umaayon sa Euro-Amerikanong tradisyon. Hindi naman sinasabi
na palibhasa galing sa “kanluran” ay maituturing na agad na
“masama,” subalit mas mabuting isipin na kinakailangan ang
pagiging kritikal sa mga pananaw na ipinapataw sa atin lalo na kung
ang mga kaisipang ito ay nagsasantabi sa mga sistemang kultural ng
mga kinolonisa. Banggit ni Legasto:
Postcolonialism critiques Western hegemony which has
legitimized colonialism and has continued to marginalize
cultural production/knowledges of colonials and former
colonials. (6-7)
Mahalaga rin dito ang kaisipan ni Antonio Gramsci ukol sa
hegemony. Para sa kaniya, hindi kinakailangan na pinupuwersa ang
pagtanggap ukol sa sariling identidad at pagkatao. Sa katunayan, mas
lubos na nagiging epektibo kung maluwag na tinatanggap ng tao
ang sitwasyon. Dito, tila pinapalabas na ang posisyon sa lipunan at
ang pagpapalakad ng pamunuan ay naturalisado. Isa itong
impluwensiyang di-puwersado. Kadalasan, ang lunan ng pagtatagpo
at tunggalian ay sa kaganapang kultural (Childs at Williams 231).
Kasama dito, ayon kay Gramsci, ang paggamit ng sentido komun ng
tao. Dahil sa buong kalooban ang pagtanggap ng tao, mas nagiging
mabisa itong pagpapalaganap ng kaisipan at kalagayan. Sa
kasalukuyang konteksto, makikita natin na sa dahilang ang
kinamulatan na mga sistema at istruktura ay yaong mula sa mga
kolonisador, natural ang pagturing sa mga iyon. Kung kaya’t mas
lubos pa ring napapanatili ang kontrol ng mga kolonisador dahil sa
mga sistemang napasaloob na. Dahil sa kinamulatan nga ang mga
ito, hindi ito ngayon nahahamon o nakwekwestyon. Mahalaga bilang
paghamon sa gayong nakapaloob na mga sistema ang usaping
postcolonial. Hinihiling ang mga kritikal na lapit sa pagtuligsa,
pagkritiko, at pagsuri ng sariling kalagayan bilang bahagi ng usaping
postcolonial.
Sa pagtalakay ng postcolonial, isa sa madalas na lumalabas na
tema ay ang operasyon ng recuperation o ang pamamaraan kung saan
ay ating naibabalik o nakukuha muli ang dating lakas o
kapangyarihan (Roxas-Tope 31). Dahil sa sinasabi na ang kolonyal
na karanasan ay nakapagdulot ng mapaniil at mapanupil na mga
Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino
sistema sa lipunan, kinakailangang magkaroon ng pagtamo muli ng
dating lakas. Katulad ng isang katawan na nawalan ng lakas matapos
ang patuloy na paglabas ng enerhiya, kinakailangan ang ibayong
pagtamo ng lakas, upang maibalik sa dating kalagayan. Gayundin sa
kolonyal na karanasan. Ang postcolonial na diskurso ay isang proseso
ng rekuperasyon. Bukod pa dito, kung dati ang mga isinasantabi ay
binawian ng lakas, ngayon, nakikita din ang kinakailangang
pagbibigay ng kapangyarihan. Kapangyarihang itaguyod at
ipagpunyagi ang sarili, laban pa rin sa dating sistemang mapanupil.
Ang dating nawalan ng boses ay binibigyan ng boses, ang dating
isinasantabi ay ibinabalik sa loob, ang dating “othered” ay nagiging
bahagi muli ng nakararami (Roxas-Tope 39). Samakatuwid,
mahalagang talakayin ang usaping postcolonial, lalo na kung paano
natin maaaring ibalik muli ang nawalang kapangyarihan. Isa itong
tahasang paghanap ng alternatibong pananaw at isang malay na
proseso ng pagtamo ng nararapat na kapangyarihan. Gayunpaman,
mas lubos itong nagiging makabuluhan sa mga itinuturing natin na
“other.”
Kung bubuo man ng diskurso laban sa mga usapin ng
homogenisasyon at mapanglahat na pananaw ukol sa identidad, ang
rekuperasyon na magaganap ay isang pagtaliwas sa gayong mga
kaganapan. Mas titingnan, kung gayon, ang identidad hindi bilang
isang “iisang pambansang pagkakakilanlan” bagkus mas uunawain
ito bilang pagsasama-sama ng iba’t ibang pagkakakilanlan. Ang
pagsama-sama ng identidad, tulad ng mga sangkap sa halo-halo, ay
may kanya-kanyang partikular na katangian, subalit nagkakaroon
ng sariling buhay at bukod-tanging karakteristiko kapag naghahalo.
Bagaman tila nagiging kailangan ang pagkakaroon ng homogenisasyon
ng pagkakakilanlan sa pagbubuo ng isang pambansang identidad,
nakikita ngayon sa usapin ng post-colonial ang dinamika ng
identidad. Kung dati, ang identidad ay nauunawaan bilang isang
hindi nagbabago na entidad, ngayon sinisipat na ito bilang isang
dinamikong kaganapan. Kung dati-rati, ang identidad ay itinatakda
ng isang nakapangyayari na grupo o ng estado, kaiba pa rin ang pag-
unawa sa identidad bilang nagmumula sa madla at sa mga partikular
na kondisyon. Ang bawat isa, sa ngayon, ay nabibigyan ng
pagkakataong matamasa ang sariling identidad, hindi umaasa sa
iisang kapangyarihan o pinagmumulan. Kung dati, ang identidad ay
nakikita bilang iisa, konkreto, at nailagak sa isang kinahong
depinisyon, ang pagkakakilanlan ay mas mabuting unawain bilang
Cabalfin
38
malaya, hindi estatiko, plural, marami, at iba’t iba ang maaaring
magtakda ng kabuluhan nito. Wika nga ni Roxas-Tope: “Identity
therefore must be regarded as a process rather than an artifact or outcome.”
(213).
postcolonialism, nagiging mahalaga din ang diskurso ng kasaysayan
at ang historyograpiya. Historyograpiya, o ang pamamaraan ng
pagsusulat at pagsalaysay ng mga pangyayari at kaganapan, ay bahagi
ng usapin ng kasaysayan. Kung may mga datos tayo ukol sa mga
pangyayari ng kasaysayan, mayroon din namang pamamaraan ng
naratibo ng gayong mga datos. Bagamat ang mga datos na iyon ay
maituturing nating neutral at obhektibo, ang pagkuwento at
pagpapahayag ng mga datos na iyon ay hindi neutral, bagkus ay may
pagkiling. May pagkiling sapagkat sumusunod ang naratibo sa
partikular na balakin o agenda ng manunulat. Kung nakikita ang
naratibo ng pagbubuo ng bansa bilang lugar ng pakikipagtunggali,
madalas na ginagamit ang ganitong sistema sa pagpapalaganap ng
propaganda. Ang kasaysayan, at ang naratibo nito, ay nagagamit
ngayon bilang pamamaraan ng kolonisasyon—sa pamamagitan ng
pagtanghal sa kasaysayan bilang iisa at mapanglahat. Mayroong
nabubuong iisang grand narrative ng kasaysayan. Tinalakay ito ni
Roxas-Tope:
colonizer has been allowed to construct a singular perception
of the world, invincible in its objectivity and may be questioned
only by more science. (118)
Tulad ng agham, na dati ay pinapahayag bilang isang
“obhektibong” sistema, ang kasaysayan ay ginagamit ng mga
kolonisador upang maisantabi ang alinmang bagay na hindi
sumusunod sa kanilang sariling mga parametro at konsepto. Kung
kaya’t dahil sa gayong iisang naratibo, tulad sa usapin ng identidad,
ay may nagaganap na “othering.”
Samakatuwid, sa usaping postcolonial, mahalaga ang usapin
ng historyograpiya bilang pamamaraan ng “recuperation” din. Muli,
iniiwasan ang hegemoniya sa naratibo ng kasaysayan—yaong
pinapalaganap ng kolonisador bilang “iisa at obhektibo.” Kung dati-
rati mas umiigting ang kasaysayan ayon sa mga parametrong itinalaga
Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino
ang kahulugan ng katagang kasaysayan, mas lubos na binibigyan ng
kahalagahan ng konsepto ang “kabuluhan” o “saysay.” Maitatanong
natin kung para kanino nagiging makabuluhan ang kasaysayan?
Para ba sa kolonisador o para sa tao mismo na gumagalaw sa loob ng
kasaysayang ito?Gayunpaman, ang pagbubuo ng sariling
historyograpiya ay isang malay na pamamaraan ng pagdagit ng lakas
at kapangyarihan mula sa kolonisador. Ang kasaysayan at
historyograpiya ay hindi natin maipagkakailang napakalakas na
puwersa, kung kaya’t bakit natin hahayaang gamitin ito ng
kolonisador para sa kanilang mga sariling balakin. Paano nagiging
mahalaga ang postcolonial dito? Wika pa rin ni Roxas-Tope:
“Postcolonial discourse shows one way by which the historically dispossessed
can reinscribe himself/herself into the historical narrative” (37). Kung
kaya’t, ang dating naisasantabi ay maibabalik na sa naratibong iyon.
Mas lubusang nabibigyang halaga ang mga bagay-bagay na
itinuturing na “may saysay.” Isa rin itong paghamon at pagbasag sa
mga “canon” ng naratibo ng kasaysayan—isang pagbasag sa mga
istrukturang hegemonikal. Samakatuwid, isa itong “recuperation”
at “empowerment.”
Mahalaga ngayon ang kaisipang pantayong pananaw na inilapit
ni Dr. Zeus Salazar ng Departamento ng Kasaysayan ng U.P. Bahagi
ng kaisipang ito ang pagbuo ng diskursong Filipino, na dapat
nakabatay at nakaugat sa ating sariling perspektibo at oryentasyon ang
pagtingin sa ating kasaysayan. Hindi natin dapat hinahayaan na ang
mga dayuhan ang magbigay sa atin kung ano ang ating sariling
kasaysayan at karunungang pangkalinangan. Unawain ang
pagpapaliwanag ni Dr. Salazar:
pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, kaugalian o pag-aaral at
karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang
nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika:
ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasang
diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. (82)
Nilalayon, kung gayon, na makabuo ng isang batayan at
pinagtutumbasan kung saan ating nauunawaan ang mga diskursong
Cabalfin
40
tinatalakay tungo sa pagbuo ng isang kabihasnang pangkalinangan.
Sa pagkakataong ito, ang mga pananaliksik at diskurso ay mas higit
na magiging makabuluhan sa mga Pilipino sapagkat naiuugnay ng
bawat isa ang kanilang sarili sa mga teorya at pag-aaral na hinahain
ng mga mananaliksik. Hinihingi ang ibayong pagtingin sa kasaysayan
at diskurso mula sa sariling pananaw. Ibig sabihin din nito, kailangan
ding magkaroon ng kritikal na pagtingin at pag-unawa sa mga
kaisipang ipinapahayag mula sa iba’t ibang panig.
Sa paggamit ng mga kaisipan ng “pantayong pananaw,” lubos
nating pinapahalagahan ang sarili nating kaalaman bilang angkop na
mga kaisipan para sa konteksto natin. Sa pagbubuo ng sariling kaalaman,
ating kinikilala ang sariling kakayahang mag-isip. Samakatuwid, sa
pagbuo ng sariling historyograpiya, mas napapalalim natin ang sariling
kabuluhan sa kasaysayan, mas higit na tumitingkad ang mga bagay-
bagay na may saysay sa atin, at mas nagiging bukod-tangi ang nabubuong
kamalayan ukol sa ating sariling pagkatao.
HISTORYOGRAPIYANG ARKITEKTURAL:
maituturing na obhektibo. Umaayon ang pamamaraan ng pagsalaysay
sa pagkiling ng historyador—ang kanyang mga nakatagong agenda,
mga kinamulatang kaisipan at ang partikular na ideolohiya. Ang
gayong pagkakaiba ng pagkiling ay makikita sa iba’t ibang
pamamaraan ng historyograpiya. Ano nga ba ang iba’t ibang
pamamaraan ng historyograpiya ng arkitektura?
Una, historical-diachronic: Ito ang may pinakamahabang
tradisyon sa pagsusulat ng kasaysayan. Dahil sa tradisyonal ding
tinitingnan ang kasaysayan bilang isang linyar na kaganapan, maging
ang pagsasalaysay ay isa ring mahabang linya ng pangyayari at
katauhan. Sa metodong ito, ang isang bahagi ng panahon ay
tumutuloy sa susunod na panahon ayon sa isang sekwensyal na
pamamaraan. Kung kayat, kailangang matapos muna ang isang
partikular na panahon o pangyayari, bago tumungo sa susunod na
panahon. Samakatuwid ang kasaysayan ay isang linya. Halimbawa
rito ang tulad sa Tuklas Sining Series ng Cultural Center of the
Philippines at CCP Encyclopedia of the Arts (Tiongson: 1990).
Pagbalangkas sa Arkitekturang Filipino
na arkitektura ang nagiging pokus sa metodolohiyang ito. Ang estilo,
o ang partikular na kaanyuan ng isang bagay/arkitektura, ay kinikilatis
ayon na nga sa kanyang form o anyo maging ang mga tendensiya
ayon sa mga kilusang pansining. Maaaring maging panlabas lamang
ang gayong pag-imbestiga sapagkat mga panlabas na kaanyuan nga
ang inuusisa. Sa isang pamamaraang stylistic-formalistic, maaari rin
itong itambal sa isang diachronic-historical, sapagkat maaari rin itong
tingnan bilang linyar o sekwensyal na pagbabago ng mga estilo.
Gayundin ang pagtingin sa estilo, kung saan mayroong kinakailangang
paglipat mula sa isang naunang uri ng estilo tungo sa isang
panibagong estilo. Sa arkitektura, may mahabang tradisyon na rin
ito sa kanluraning diskurso ng historyograpiyang arkitektural tulad
ng aklat ni Sir Banister Fletcher.
Ikatlo, cultural-sociological: Sa metodong ito, ang partikular na
pokus ay ang pagbubuo ng lipunan at ang pakikibagay ng tao sa
kanyang kapaligiran. Binibigyang halaga dito ang mga proseso ng
pagbabagong nagaganap sa lipunan. Kultural pa rin ang nagiging
lapit kung saan mas nababatid ang mga transpormasyon, sa
pamamagitan at pagtatagpo ng iba’t ibang bahagi ng kultura. Ayon
pa rin sa isang sosyolohikal na pananaw, ang isang obheto ng sining
tulad ng arkitektura ay nakikita bilang isang produkto ng kaganapang
sosyolohikal-antropolohikal. Halimbawa dito ay ang pagsusuring
isinasagawa ni Nold Egenter ukol sa katutubong arkitektura ayon pa
rin sa antropolohikal na pagkiling (Egenter: 1992).
Ikaapat, synchronic-thematic: Kung sa diachronic nakikita ang
kasaysayan sa isang linyar na pangyayari, ang synchronic ay hindi
natatali sa linyar na pagtingin datapwat bumabagtas ito ng panahon.
Kung kaya’t, ang mas tumitingkad na aspeto ay ang mga partikular
na mga isyu at temang makikita sa pagdaan ng panahon.
Samakatuwid, mas pinaiigting ang mga magkakahalintulad at
magkakakawing na mga kaganapang makikita sa lahat ng kaganapan.
Mas hinahanap ang mga napapasailalim na mga kadahilanan at
kaganapan sa mga pangyayari. Mas kritikal itong pag-unawa sa
kasaysayan, hindi lamang bilang salaysay. Halimbawa ay ang lapit
na ginamit sa Encyclopedia of Vernacular Architecture of the World.
Cabalfin
42
Batayan
naratibo ng kasaysayan ng isang…