4
OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV PRAY FOR US, ST. OLAV BE FOR OSS HELLIG OLAV! Ang Simbahang Katoliko sa Norway, ay nagmula batay sa paniniwala ni Santong-Haring Olav. Siya ay ipinahayag sa pamamagitan ng banal n salita ng Olsok (St. Olav Feast) - Rex Perpetuus Norvegiae, walang hanggang hari ng Norway. Ang kanyang kamatayan bilang isang martir sa Stiklestad ng taong 1030 - sa mata ng mundo ay isang pagkatalo, gayon pa man nagbigay ng tagumpay ng Katolikong Kristiyanismo sa mga mamamayan. Si Olav Haraldsson ay anak ni Asta Gudbrandsdatter at Harald Grenske, na marahil ay ang apo sa tuhod ni Haring Harald Harfagre, ang unang hari na nagtangka pag-isahin ang Norway. Ginugol ni Olav kay Sigurd Syr, sa kanyang amain ang kanyang kabataan. Siya ay isang magsasaka sa Ringerike. Kaugalian sa Norway na ang anak ng mayayamang pinuno at magsasaka ay ipanadadala sa kanilang “Viking ships”sasakyang pandagat sa pagsalakay at pagpatayupang makalikom ng kayamanan sa Norway at ibang bansa. Labing dalawang taon pa lamang si Olav ng siya ay ipadala ng kanyang ina. Si Olav ay pumasok sa serbisyo ni Ethelred II, isang haring Ingles na sumunod sa Normandy ng Pransiya. Dito siya ay nagsilbing pinuno ng mga hukbong mersenaryo sa ilalim ng pamamahala ni Duke Richard II (1002-1026). Si Olav ay may reputasyon ng isang magaling sa taktika at matapang na mandirigma. Siya at ang kanyang mga kasamahan ay kinatatakutan ng karamihan. Si Olav ay naglakbay patungong Herusalem. Sa Cadiz siya ay nanaginip ng isang propehiya: Sa kaniyang panaginip siya ay nakakita ng isang taong malakas at kahanga-hanga. Ang tao ay nagsalita sa kaniya, at sinabi na itigil na ang kanyang pagsalakay. "Bumalik ka sa iyong manang kaharian, sapagka't ikaw ay magiging hari ng Norway ng walang hanggan". Dahil sa panaginip na ito: iniwan ni Olav ang kanyang mga plano na makarating sa Herusalem. Siya ay naglakbay patungong hilaga at tagyelo sa Rouen (1013- 1024), sa pamamahay ni Duke Richard II. Habang tagyelo sa Rouen, Si Olav Haraldsson ay ipinakilala sa Kristiyanismo. Siya ay binigyan ng masusing pagtuturo tungkol sa Panginoong Jesukristo at kaniyang nakitang komunidad dito sa lupa, ang Simbahang Katoliko. Si Arsobispo Robert ang naghanda sa kanyang bilang tagapagmana ng trono ng Norway sa pamamagitan ng binyag. Ang Simbahang Katoliko ay nagdiwang ng pagtanggap sa binyag ni Santo Olav bilang isang kapistahan sa ika-16 ng Oktubre. Sa Santo Olav na dambana at Norwegian nasyonal na dambana sa Roma, ang araw ay bantog bilang isang araw ng kapistahan.

OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

PRAY FOR US, ST. OLAV – BE FOR OSS HELLIG OLAV!

Ang Simbahang Katoliko sa Norway, ay nagmula batay sa paniniwala ni Santong-Haring Olav. Siya ay

ipinahayag sa pamamagitan ng banal n salita ng Olsok (St. Olav Feast) - Rex Perpetuus Norvegiae, walang

hanggang hari ng Norway. Ang kanyang kamatayan bilang isang martir sa Stiklestad ng taong 1030 - sa

mata ng mundo ay isang pagkatalo, gayon pa man nagbigay ng tagumpay ng Katolikong Kristiyanismo sa

mga mamamayan.

Si Olav Haraldsson ay anak ni Asta Gudbrandsdatter at Harald Grenske, na marahil ay ang apo sa tuhod ni

Haring Harald Harfagre, ang unang hari na nagtangka pag-isahin ang Norway. Ginugol ni Olav kay Sigurd

Syr, sa kanyang amain ang kanyang kabataan. Siya ay isang magsasaka sa Ringerike. Kaugalian sa Norway

na ang anak ng mayayamang pinuno at magsasaka ay ipanadadala sa kanilang “Viking ships”sasakyang

pandagat sa pagsalakay at pagpatayupang makalikom ng kayamanan sa Norway at ibang bansa. Labing

dalawang taon pa lamang si Olav ng siya ay ipadala ng kanyang ina.

Si Olav ay pumasok sa serbisyo ni Ethelred II, isang haring Ingles na sumunod sa Normandy ng Pransiya.

Dito siya ay nagsilbing pinuno ng mga hukbong mersenaryo sa ilalim ng pamamahala ni Duke Richard II

(1002-1026). Si Olav ay may reputasyon ng isang magaling sa taktika at matapang na mandirigma. Siya at

ang kanyang mga kasamahan ay kinatatakutan ng karamihan. Si Olav ay naglakbay patungong Herusalem.

Sa Cadiz siya ay nanaginip ng isang propehiya: Sa kaniyang panaginip siya ay nakakita ng isang taong

malakas at kahanga-hanga. Ang tao ay nagsalita sa kaniya, at sinabi na itigil na ang kanyang pagsalakay.

"Bumalik ka sa iyong manang kaharian, sapagka't ikaw ay magiging hari ng Norway ng walang hanggan".

Dahil sa panaginip na ito: iniwan ni Olav ang kanyang mga plano na makarating sa Herusalem. Siya ay

naglakbay patungong hilaga at tagyelo sa Rouen (1013- 1024), sa pamamahay ni Duke Richard II.

Habang tagyelo sa Rouen, Si Olav Haraldsson ay ipinakilala sa Kristiyanismo. Siya ay binigyan ng

masusing pagtuturo tungkol sa Panginoong Jesukristo at kaniyang nakitang komunidad dito sa lupa, ang

Simbahang Katoliko. Si Arsobispo Robert ang naghanda sa kanyang bilang tagapagmana ng trono ng

Norway sa pamamagitan ng binyag.

Ang Simbahang Katoliko ay nagdiwang ng pagtanggap sa binyag ni Santo Olav bilang isang

kapistahan sa ika-16 ng Oktubre. Sa Santo Olav na dambana at Norwegian nasyonal na dambana sa

Roma, ang araw ay bantog bilang isang araw ng kapistahan.

Page 2: OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

Mula kay Duke Richard II, natutunan ni Olav kung ano ang isang moderno, sibilisadong kaharian. Nang si

Olav ay naging Hari ng Norway, siya ay nagpasimula ng Kristiyanong Katolikong batas. Sa unang

pagkakataon ng ating kasaysayan, protektado ang mahina laban sa malakas. Ito ay ay hindi sukat akalain

kung hindi dahil sa pagtuturo niyang natanggap sa Rouen.

Natutunan din niya ang tungkol kay Emperor Charlemagne (768-814) at ang kanyang pangarap ng pagbuo

ng isang malaking Pransya at emperyong Katoliko. Ang tao ding ito ang nagsilbi bilang panuntunan ni Olav:

Rex iustus. Nais ni Olav na magkaisa ang buong Norway. Kristiyanong bansa, na itinatag sa makatarungan

at tamang batas. Pagkatapos ng isang taon sa Rouen siya ay napunta sa Inglatera at pagkatapos ay sa

Norway upang angkinin ang kaharian.

Nang Araw ng Linggo ng Palaspas, ika 25 ng Marso taong 1016, sa labanan sa karagatan ng Nasjar, nakamit

ni Olav ang tagumpay laban kina Earl Svein Hakonsson, Einar Tambarskjelve at Erling Skjalgsson - ang

pinakamakapangyarihang na mga pinuno sa lupain. Nang susunod na taon si Olav ay inihalal na Hari ng

Norway sa Ore-Thing sa Trondelag.

Mula pa noong unang panahon, ang Norway ay pinamunuan sa pamamagitan ng mga may kapangyarihang

pamilya na patuloy sa digmaan. Nang bumalik si Olav sa Norway, ang pampamilyang istraktura ay

bahagyang nagkahiwa-hiwalay. Ang tradisyonal na pinuno ng pamilya ay naging pangulo ng buong

komunidad at namuno ng malawak na lugar. Ang mga pangulo ay madalas umaabuso sa kapangyarihan nila.

Sila ay nasa posisyon para hatulan ang mga magsasaka at manggagawa ayon sa batas, ngunit ang batas ay

hindi nila sinusunod at dahil dito nanganganib ang kapayapaan ng lupain.

Bilang gumagawa at tagapagpasunod ng batas, hinarap ni Olav ang kanyang pinaka-mahalagang mga

hamon: Upang gumawa ng mga batas na protektado ang mga sanggol, kababaihan, mga alipin at iba pang

mga mahinang indibidwal at upang parusahan ang mga hindi sumunod sa batas ng kaharian. Ang mga batas

ay matagal na kilala bilang "Santo Olav Kristiyanong Batas". Hanggang ngayon bahagi pa rin ng sistema ng

hukuman ay ayon sa mga batas na ito.

King Olav ay tungkol sa sampung relatibong mapayapang taong pamumuno, at sa panahon ng pag-iisa ng

Norway ay nagdala ng ilang mga hakbang sa pagsulong. Kabilang sa kanyang mga nagawa ang mga

sumusunod:

1.) Siya ay namuno sa isang malaking bansa. Si Olav marahil ang unang pambansang hari na nagkamit ng

totoong kapangyarihan sa lugar ng Trondelag at Opplandene.

2.) Kay Olav Haraldsson nabuo ang mga batayan para sa pangkalahatang lokal na pamahalaan. Inilagay

niya ang mga lokal na pinuno na mananagot sa kanyang sarili sa lahat ng mga rehiyon ng bansa.

3.) Ang batas ni Olav ng pagpapakilala ng Kristiyanismo ay napakahalaga. Sa pagpupulong sa Moster sa

Sunnhordland nuong 1024, nakamit ng Norway ang isang istraktura ng Pambansang Simbahan na may

simbahan at mga pari, isang Kristiyanong aklat ng batas, at higit sa lahat, pagbabawal laban sa lahat ng

iba pang mga relihiyosong gawain. Kristiyanismo (Ang simbahang Katoliko) – bilang relihiyon ng hari -

ang tanging pinahihintulutan relihiyon. Sa panahon ng kanyang paghahari, siya ang lider ng simbahan,

hanggang sa nakamit ng simbahan ang pagsasarili.

2

Page 3: OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

4.) Sa pakikipagtunggali sa mga kalaban sa pulitika, nadagdagan ang ari-arian at kalakal ni Haring Olav.

Siya ang unang pambansang hari na gumawa ng barya at nagtatag ng epektibong panuntunan sa buong

bansa ng Norway.

Ngunit hindi lahat ng mga pinunong Norwegian ay sangayon kay Olav upang mamuno. Hangad ng

mgapinuno na pagkalooban sila ng punong tagapamahala na magbibigay ng kalayaan upang gawin ang

sarilinilang kagustuhan. At sila'y naghimagsik laban sa kanya at ipinalit si Hakon, anak ni Eirik Jars na

ipinatapon ni Olav.

Siya din ang unang nagmisyon sa rehiyon na hindi pa binyagan at ibinigay ang isang matatag at

pangmatagalang paniniwala para sa Kristiyanismo.

taon 1015, upang maging Earl ng Norway. Ngunit sa taon1029, namatay si Hakon sa pagkawasak ng bapor

habang naglalakbay pabalik sa Norway. Nakita ni Olav ang posibilidad ng muling mabawi ang kanyang

kaharian sa pamamagitan ng tulong ng isang hukbo ng mga tagasunod mula sa Jemtland, Sweden, Iceland at

Norway bago siya nakarating sa North- Trondelag.

Ang mapag-alinlanganang labanan ay naganp sa Stiklestadby, Verdalen ika 29, Hulyo 1030. Ang mga

kalaban, isang hukbo ng Norwegian na magsasaka na pinamumunuan nina Kalv Arnesson ng Harek, Tjotta

at Tore Hund, parehong pinakamakapangyarihan at maraming tauhan. Si Haring Olav ay nasugatan ng isang

palakol sa kaliwang binti. Siya'y napasandal sa isang bato, itinapon ang kanyang sariling tabak at humingi

ng tulong sa diyos. Sinibat ni Tore Hund Si Olav at tumama sa kanyang tiyan. May malalim din na hiwa sa

kaliwang bahagi ng leeg. Ang tatlong mga sugat ang pumatay kay Haring Olav.

Pagkatapos ng kanyang kamatayan, mga himala ay nagsimulang nangyari. Ang pagdilim ng araw ang

naghudyat sa labanan ng Stiklestad at makikita bilang katibayan ng poot ng langit. Maraming mapaghimala

lunas ang naiulat, isa ang sugat ni Tore Hund na pinagaling ng isang patak ng dugo ni Haring Olav.

Sa loob ng isang taon matapos ang pagkamatay ng hari, ang katawan ay hinukay muli. Nuong ika- 3, Agosto

1031 siya ay itinalaga ng obispo bilang isang santo. Ito ay masayang sinangayunan ng kanyang mga

kaibigan at katungali. Ang papa ay sumangayon din. Siya ay inilibing sa isang banal na lugar sa mataas na

altar sa Clement simbahan ng Nidaros katedral. Ang kulto ng Santo Olav ay kumalat mabilis sa buong

Hilagang Europa. Ang himala ay nagaganap kapag ang mga tao ng Norway at ng ibang bansa ay humihiling

sa pamamagitan nya, na nangyayari pa rin sa ngayon. Maraming bilang ng mga simbahan sa karangalan ni

Santo Olav ay itinayo, hindi lamang sa Scandinavia, kundi pati na rin sa mga lungsod tulad ng Novgorod,

London at York.

Si Olav ay itinanghal bilang martir dahil namatay siya sa pamamagitan ng krus, Siya ay pinarangalan bilang

walang hanggang Hari ng Norway at ang Patron na Santo ng kaharian ng Norway. Ito ang nagkumpleto ng

mahabang proseso ng binyagang Norway.

Sa tabi ng Birheng Maria, si Santo Olav ay ang santo na palaging kumakatawan sa Medieval Nordic ng

pagpipinta at iskultura. Ang mga kumatawan ay nagmula sa 12 siglo hanggang sa panahon ng pagbabago. Si

Olav ay inilalarawan na nakatayo o nakaupo, suot ng isang korona at may isang palakol sa kaniyang kamay-

madalas na may isang napakalaking halimaw sa ilalim ng kanyang paa-isang simbolo ng masasamang

kapangyarihan na kanyang napagtagumpayan. Ang malakas na katutubong tradisyon tungkol sa Santo Olav

ay sumaksi sa malakas na impluwensiya niya sa buhay ng mga mananampalataya sa Norway- hindi lamang

noong panahon ng Simbahang Katoliko, kundi pati na rin sa nakalipas na mahabang panahon ng Pagbabago

nuong 1537.

3

Page 4: OLAV HARALDSSON- SANTO OLAV

Ang Norway ay isang Katolikong bansa mula sa panahon na ang Kristiyanismo ay ipinakilala hanggang

taong 1537. Sa pamamagitan ng Pagbabago, ang Hari ng Denmark ang nagpumilit na magdala ng

Protestantismo at Lutheranismo sa bansa. Ipinagbawal nito ang mga Katoliko na manatili sa Norway.

Hanggang 1843 ang mga Katoliko sa Christiania (Oslo) ay bumuo ng isang parokya at ipinagdiwang ang

banal na misa ng kanilang sariling mga pari. Ngayon ang pormal na bilang ng mga Katoliko sa Norway ay

binubuo ng 150,000 (Pebrero 2016). Karamihan sa mga Norwegians ay mga miyembro ng kinikilala bilang

ang Norwegian Lutheran Church.

Upang maunawaan ang kwento ng buhay ni King Olav Haraldsson, ang ilang mga makasaysayang kaalaman

ay kinakailangan. Ang pagtanggap ni Olav at panampalataya ay ipakita sa kanyang mahabang paraan, mula

sa kalupitan tungo sa isang makabuluhang buhay na may kalooban ng panginoon Jesu-Kristo. Natalo ni Olav

ang kasamaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang buhay para sa katarungang Kristiyano at para sa

pagkakaisa ng Norway. Si Olav ang unang namumunong Europeo na binigyan ng karangalan na "Rec

Perpetuus" - walang hanggang hari. Ang kanyang kahulugan ng kung ano ang marangal, ang naging gabay

ng kanyang mga kahalili para makatiyak ng katarungan at seguridad para sa mga tao.

Makapangyarihan, walang hanggang Diyos, sinugo mo si Olav Haraldsson sa Norway upang magpalit ang

mga tao sa Kristiyanismo. Hinayaan mo siya na magtayo ng mga simbahan at pamunuan ng mga pari.

Hinayaan mo-sa kanyang pamamagitan- ang pagtanggap ng tawag sa bokasyon ng pagkapari ngayon.

Amen

Ang araw ng kamatayan ni Santo Olav Haraldsson ika-29 ng Hulyo, ang misa ni Olav (Olsok), ay

isang araw ng kapistahan sa Simbahang Katoliko sa Norway sa bawat taon, ay isang taimtim na banal

na misa sa Nidaros Cathedral sa Trondheim. Iniimbitahan namin ang lahat ng tao sa Katoliko Iglesia

Olsok na pagdiriwang sa Trondheim at lumahok sa mga Katoliko “Pilgrimage” mula Trondheim - sa

pamamagitan ng paglalakad o sa sasakyan - patungong Stiklestad, Linggo ng pinakamalapit sa ika-29 ng

Hulyo. Tingnan ang Olsok Programme sa katolisk.no at Trondheim.katolisk.no

Ang Santo Olav krus: Olav Haraldsson nanirahan sa pre-heraldic na panahon

at hindi nagkaroon ng kanyang sariling eskudo. Ang mga krus na kung saan ay

nauugnay sa Santo Hari ay bahagi ng Olav na tradisyon. Ang eskudo na may

clover leaf at ang dalawang palakol ay orihinal na eskudo ng Norwegian

Parokya Katoliko at unang ginamit ni Eirik Walkendorf, arsobispo ng Nidaros

1510-1522. Sa panahon ni Walkendorf at ng kahalili na si Olav Engelbrektsson

(1523-1537). Norwegian na barya ay ginawa na may Olav krus - isang clover

leaf krus at palakol. Ang clover leaf krus - bilang simbulo ng Kristiyanismo -

ay nakalagay kasama ang dalawang palakol, paggunita sa kamatayan ni Santo

Olav bilang isang martir.

4