7

NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan
Page 2: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

NOTABLE ACCOMPLISHMENTOF MAYOR CARLING DELA CRUZ

Establishment and funding of Porac-DHVTSU satellite campus including the transfer to its New Site at Brgy. Pio Highway.

Strengthening and expansion of Porac Manpower Training Center (PMTC) including the support program for employment both local and abroad.

Strengthening of Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) by completing the training requirements of rescue volunteers and purchase of tools and equipments including 2 brand new ambulances, 1 Reo Truck, 150kb generator set at Municipal Hall, 1 generator set for disaster response, installation of Solar Powered Street Lights and Solar Raised Pavement Marker and installation of 10 Wireless HD CCTV cameras.

Expansion and renovation of the two rural health units and establishment of two birthing stations in Model Community, Pio and Brgy. Camias. Renewal and membership of 10,000 Philhealth beneficiaries thru the help of National and Provincial Government. Coordinated to several private hospitals and doctors for discounted to free medical procedures.

Accreditation of 28 Day Care Centers and Day Care Workers as per the requirements of DSWD National Accreditation of Day Care Centers.

Purchase of several farm equipments including a brand new Ford Tractor and KIOTI Korea Small Tractor. Establishment of Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC) to better serve and address the concern of the farmers.

Complied with the Full Disclosure Policy of the DILG and was awarded twice with the Seal of Good Housekeeping.

Received several grants from local and foreign NGOs including free medical and dental missions of SM Foundation, Fil-Chinese Chamber of Commerce, Bujeon Free Medical Service, Kiwanis Foundation, Rotary International, Kapampangan Development Foundation, Chua Eye Center, Help Philippines Foundation of Bob Wagner, Malasakit Foundation of Kara David, Ayala Foundation Inc., Aboitiz Foundation and others.

Achieved substantial growth in the financial operations of the municipality from P 178,809,191 in 2010 to P 223,361,370 in 2013. A steady growth of 25% from the past 3 years.

Encouraged several investors and brought substantial investment to the municipality with the coming of Ayala Land Inc. and several big names in real estate development.

Ang pagpapatayo ng Porac-DHVTSU Satellite Campus ay isa sa pangunahing programa na nagbigay ng malaking pagbabago sa buhay ng mga Poraqueno. Kamakailan lang ay nakapagtapos na ang 25 na estudyante sa kursong Ladderized B.S. HRM, Ladderized B.S. Info. Tech. at Ladderized B.S. Industrial Tech. Isa itong magandang simula sa tunay na pagbabago sa buhay ng bawat pamilyang Poraqueno.Nakahingi din ng tulong si Mayor Dela Cruz sa Filipino -Chinese Chamber of Commerce ng pagpapatayo ng 48 classrooms na kasalukuyang nakatayo sa mga public schools ng ibat-ibang barangay. Ito ay dahil sa lubos na tiwala ng nasabing grupo sa adhikain ng adminstrasyon na mapabuti at maisaayos ang estado ng ating mga pampublikong paaralan.Patuloy din ang pagbibigay ng scholarship at educational assistance sa mga 696 public highschool at 180 college students. Puspusan din ang ginawang pagtulong para makakuha ng additional scholarship sa Commision on Higher Education o CHED ang may 484 students na may P 6,000.00 na kabuuang tulong na ibibigay sa loob ng isang taon.

Ang programa sa edukasyon ni Mayor Dela Cruz ay parang isang puno na nagsimula sa binhi at kalayunan at magbubunga ng natupad na pangarap para sa bawat pamilyang Poraqueño.

Page 3: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

Si Mayor Dela Cruz ay ehemplo ng tunay at sinserong lider ng bayan dahil tinutukan nya ang programa para sa mga kakababayan nating kulang sa kasanayan at kulang sa edukasyon. Pinalakas nya ang Porac Manpower Training Center na nagbukas ng mga TESDA Certified 3 month courses sa Computer Hardware Servicing, Automotive Servicing, Consumer Electronics, High Speed Sewing, Massage Theraphy, Bartending, Welding, Housekeeping, atbp. Ito ay may National Certificate II (NCII) na kinikilala sa Pilipinas at sa mga manpower agencies sa ibang bansa. Sa kabuuang 2, 542 na estudyante ang nakapagtapos sa lahat ng kurso na kung saan ang 868 ay nakakuha na ng NCII at 1,003 na ang may regular na trabaho at 43 ang nakapag abroad.Tinutukan nya ang programang Free Training to Employment sa pakikipagugnayan sa mga locators sa CDC

tulad ng Luen Thai (LNT) Nonox, Yokohama, Foton Philippines at iba pa.

Buo din ang tiwala ng mga ibat ibang ahensya at NGO sa administrasyon ni Mayor Dela Cruz kaya naman nakapagbigay ng extension building at classrooms ang Clark Development Corpration o CDC at FIlipino-Chinese Chamber of Commerce, nagdonate ng 5 bagong laptops, 5 Interactive multimedia projectors ang Help Philippines Foundation ni Mr. Bob Wagner at brand new Computer units mula sa opisina ni CGMA.

Maliban sa mga tuloy-tuloy na programa ng Rural Helath Units sa pamumuno narin ni Mayor Dela Cruz, nakapagbigay narin ng humigit kumulang na 10,000 Philhealth Cards sa tulong narin ng National at Provincial Government. Patuloy din ang pagbibigay ng discount sa mga pampumblikong pagamutan tulad ng Jose Songco Lapid District Hospital, Romana Pangan District Hospital, Ospital ning Angeles, Diosdado Macapagal District Hospital at Jose B. Lingad Provincial Hospital. Sa tiwala narin ng mga pribadong doctor at ospital, nakapagbigay ng libreng check up at operasyon sa mga kababayan nating may malubhang sakit at nagangailangan ng special medical procedures tulad ng chemotheraphy, ibat-ibang eye diseases.dialysis, colonoscopy at iba pa. Nakapgbigay narin si Mayor Dela Cruz ng 154 wheelchairs, 50 nebulizers, 230 waterpumps at 112 toilet bowls. Napagkalooban din siya ng pondo mula kay Senador Coco Pimentel at Congresswoman Gloria Arroyo para sa pagtulong sa mga may sakit. Pinonduhan din and Feeding program para sa mga day care pupils na umabot na sa 8.016 million pesos. Labis din ang pagtulong ni Mayor Dela Cruz sa mga kababayan nating nasa malalang sitwasyon sa buhay tulad narin ng mga Senior Citizens at People with Dissabilities. Sa kabuuan, nakapagbigay na ng 2.2 million pesos bilang finacial assistance.

Page 4: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

Ang problema sa basura ay isang matinding hamon sa lahat ng mga bayan at siyudad dito sa Pilipinas. Buong gilas na pinagmamalaki ni Mayor Dela Cruz na sa boung lalawigan ng Pampanga, ang bayan ng Porac ang mayroong isang Fully Operational Material Recovery Faciltiy (MRF). Ito ay tinutukan at binigyan ng karagdagan pondo ng lalawigan at opisona ni CGMA para lalong mapalaki at mapaganda ang serbisyo ng MRF. Ang mga nabubulok na basura ay ginagawang fertilizer o pataba na siya namang ginagamit ng nursery para mapalaki at mapataba ang mga halaman na siya namang pinamimigay sa mga barangay. Ang mga plastic naman ay kinukuha ng Holcim at ginagamit bilang fuel sa kanilang planta para makagawa ng semento.Ang proseso ito ay siyang ginawang batayan ng mga ibat ibang bayan at siyudad para maisaayos ang kanilang operasyon partikular sa pagpapatakbo ng waste free MRF.

Binigyan din ng pansin ang pagpapaganda at pagsasaayos ng Megadike na nagsisilbing alternate roads papunta ng San Fernando. Ito ay binangsagang “Adopt a Place, Plant A Tree” na umani ng suporta mula sa ibat ibang Government Agencies, NGOs, People’s Organization at mga pribadong kumpanya.

Unti-unti nang nakikilala ang bayan ng Porac bilang isang destinasyon ng mga turistang gustong makasalamuha ang ating mga kapatid na Aeta at makaranas ng kakaibang adventure sa pamamagitan ng hiking, trail run, mountain climbing, ATV ride, biking at iba pa. Pinagdausan ang Porac ng sikat na EXPLORAC na dinaluhan ng libo-libong runners at bikers sa buong Pilipinas.

Madalas din puntahan ang SANDBOX na may unique adventure park at ang Miyamit Falls na may angkin kagandahan. Binisita narin nina Kris Aquino, Shaina Magdayao, Drew Arellano at Carlo Lorenzo ang ating mga local tourist spots na siya namang pinalabas sa local at international channels. Ang Porac din ay pinagdadausan ng Clark-Miyamit-Clark ultra marathon na unti unting nakikila bilang isang challenging na marathon event. Ang mga Aeta ay katuwang sa mga programang ito at sila ang mga nagbebenepisyo sa mga sa pamamagitan ng PagTour Guidng at pagbenta ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay .

Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan partikular ang pagbibigay ng gasolina sa mga sasakyan, bigas, computer at printers. Sinuportahan din ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot na nagbunga ng resulta sa pagkakadakip ng mga hinihinalang drug pushers sa makakahiwalay na checkpoint na ginagawa sa bayan.Nagpalagay ng mga CCTV Cameras si Mayor Dela Cruz sa pangunahing lansangan para mapaigsan ang pagbabantay sa ating mga kalsada at para narin mapabilis sa pagresponde sa mga aksidente. Layunin din ng pagpapalagay ng mga nasa bing cameras ay ang pagmomonitor sa Porac river lalo na sa panahon ng mga bagyo na kung saan biglaan ang paglaki ng tubig.

Page 5: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

Nagsimulang magpuntahan ang mga malalaking investors dito sa ating bayan nuong umupo bilang alkalde si Carling Dela Cruz. Ito ay isang sinyales at pagpapakita ng tiwala ng malalalking corporasyon sa pamamahala sa ating local na lider. Suportado din nila ang mga hangarin at mga programa ng local na pamahalan lalo na sa pagpapalago ng negosyo at pagbibigay ng trabaho sa mga Poraqueño.

•Ayala Land Inc. – 75 Bilyon na Investment na ilalagak sa Alviera. Pinakamalaking investment ng ALI sa North Luzon.•FIESTA Communities – Isa sa pinakamalaking housing development ng FIESTA Communities Inc. •ABOITIZ Power – Pagpapatayo ng alternative source of renewable energy.•CAMELLA Homes – Housing project ng sikat na Villar Family sa Sta. Cruz, Porac.•Bella Vita – Housing Project ng Ayala Land sa Brgy. Palat.•Chuzon Supermarket at Puregold Jr. – mga bagong supermarket sa Cangatba•Big C Millers – pabrika ng arina sa Brgy. Mancatian•SANDBOX – isang Adventure Park sa loob ng Alviera na humakot na ng libo libong thrill seakers at nakasaksi sa ganda at potensyal ng Porac.Poracay Resort - isang hidden paradise sa lahar area ng Barangay Balik Barangay, Manibaug Pasig.

Tuloy tuloy din ang pagpapagawa ng mga barangay roads, kanal, slope protections, stage, basketaball courts, day care centers, barangay health centers, farm to market roads, at iba pang inprastruktura na nakikitang mahalaga ng lokal na pamahalaan upang tuloy tuloy ang pagunlad ng bayan. Kasama din dito ang pagsasaayos at pagkukumpuni sa mga istruktura tulad ng pagpapabubong ng mga courts, pagsasaayos ng mga stage,

pagkukumpuni ng mga barangay halls at pagpapalaki ng mga day care centers at barangay health centers. Patuloy na nakikipag ugnayan si Mayor Dela Cruz sa mga national agencies para ponduhan ang mga malalaking poryekto katulad ng mga school buildings,birthing stations at rehabilitation ng mga national roads, bridges, slope protections at mga dikes.

Page 6: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

Pangunahing layunin ng pamahalaang lokal ng Porac ay lalong mapaigting ang programa sa agrikultura kaya naman puspusan ang paggawa ng programa na lalong mabigyan ng importansya ang sector na ito. Isang maituturing na mahalagang pagbabago ang pagtatayo ng samahan ng mga magsasaka o ang tinatawag na Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC) na binubuo naman ng mga representante ng Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC). Nakabili ang munisipyo ng Ford FWTD110 Tractor and KIOTI Korea Mini Tractor na siya ngayong pinakikinabang ng mga magsasaka.

Dahil narin sa pakikipagugnayan sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry, nabigyan ng suporta ang mga farmers group at cooperatives tulad ng pagbibigay ng farm equipments at machinery para sa produksyon ng mga produktong gawang Poraqueño. Naumpisahan din ni Mayor Dela Cruz ang pagpapanatili ng kaayusan at kagandahan ng Megadike(Porac side)sa pamamagitan ng pagsasaayos, pagtatanim, paglilinis at pagpapaganda ng nasabing daanan. Ito ay sa tulong narin ng Municipal Agricultural Service office at ibat-ibang ahensya at NGO na kusang tumugon sa hamon ni Mayor Dela Cruz.

Si Mayor Dela Cruz ang nagpatibay sa kapabilidad ng munisipyo na makapagresponde sa panahon ng kalamidad. Bumili ng mga rescue tools and equipments katulad ng mga two way radios, GPS trackers, 20 foot ladder, ibat ibang klaseng ropes, grass cutters, chain saw, rescue vehicles katulad ng dalawang bagong ambulansya at 6x6 REO Truck, nagkaroon ng pagsasanay sa water search and rescue operations (WSAR) para sa mga rescue volunteers, nagpalagay ng 1501 kb generator sa munispyo, motorpool at MDRRMC office, nagpalagay ng 10 wireless CCTV sa pangunahing lansangan at inorganisa ang CD Volunteers.Puspusan din ang paghahanda kapag panahon ng kalamidad tulad ng pagrerepak ng mga relief goods na nakahandang ibigay sa oras ng kalamidad lalo sa mga Aeta na natira sa bulubundukin ng Porac.

Page 7: NOTABLE ACCOMPLISHMENT · 2016-06-24 · ng kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay . Sa nakalipas na mga taon, si Mayor Dela Cruz ay sumuporta sa mga programa ng kapulisan

CONTACT INFO

LANDLINE/FAX:(045) 329-2053

EMAIL:[email protected]

WEBSITE:www.poracpampanga.gov.ph