North Thurston School District 3 · PDF fileAng mga batang walang bahay, naglayas at migrante ay maaari bang makatanggap ng libreng pagkain? Oo, ang mga batang umaangkop sa depenisyon

Embed Size (px)

Citation preview

  • Rev. 06/11 - US Page 1 of 3 2011 TransACT Communications, Inc.

    Tagalog Letter to Households Taon ng Pag-aaral ______ - ______

    Liham sa mga Sambahayan

    Minamahal naming Magulang/Tagapag-alaga:

    Kailangan ng mga bata ang mga pampalusog na pagkain upang matuto. ________________________________________ ay nag-aalok ng masusustansiyang pagkain tuwing pasukan. Maaaring maging karapat-dapat ang iyong mga anak para sa libreng pagkain o para sa pinababang-presyo na pagkain. Ang halaga ng mga pagkain sa paaralan ay:

    Antas ng Grado

    REGULAR PINABABANG-PRESYO

    Almusal Tanghalian Meryenda Almusal Tanghalian Meryenda

    1. Kailangan ko bang sagutan ang isang aplikasyon para sa bawat bata? Hindi. Sagutan ang aplikasyon upang mag-apply para sa libre o pinababang-presyo na pagkain. Gumamit ng isang Aplikasyon Para sa Libre at Pinababang-presyo na Pagkain para sa lahat ng mag-aaral sa iyong sambahayan. Hindi namin maaaring aprubahan ang isang aplikasyon na hindi kumpleto, kaya tiyakin na ilagay ang lahat ng kailangang impormasyon. Ibalik ang nasagutang aplikasyon sa:

    Pangalan: _____________________________________________________________________________________________________________

    Email: _______________________________________________________ Telepono: _________________________________________________

    Address: ______________________________________________________________________________________________________________ 2. Sino ang maaaring makakuha ng mga libreng pagkain? Lahat ng bata sa mga sambahayan na nakakatanggap ng mga benepisyo mula sa State na Programang

    Pantulong sa Karagdagang Nutrisyon (Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP)), sa Programang Pamamahagi ng Pagkain sa Mga Reserbasyong Indian

    (Food Distribution Program on Indian Reservations (FDPIR)) o sa State ________, ay maaaring makakuha ng mga libreng pagkain anuman ang iyong kita. Gayundin, maaaring makatanggap ng mga libreng pagkain ang iyong mga anak kung ang kabuuang kita ng iyong sambahayan ay nasa mga limitasyon ng libre sa Mga Patnubay ng Pagiging Karapat-dapat sa Pederal na Kita.

    3. Ang Mga Anak-anakan ba ay Maaaring Makatanggap ng Mga Libreng Pagkain? Oo, ang mga anak-anakan na nasa ilalim ng legal na responsibilidad ng ahensiya ng pangangalaga ng anak-anakan o korte ay karapat-dapat sa mga libreng pagkain. Ang sinumang anak-anakan sa sambahayan ay karapat-dapat sa mga libreng pagkain anuman ang kita.

    4. Ang mga batang walang bahay, naglayas at migrante ay maaari bang makatanggap ng libreng pagkain? Oo, ang mga batang umaangkop sa depenisyon ng walang bahay, naglayas o migrante ay kwalipikado sa mga libreng pagkain. Kung hindi ka pa nasabihan na makakakuha ng libreng pagkain ang iyong mga anak, pakitawagan o mag-email sa tagapag-ugnay para sa walang tahanan o migrante ng inyong paaralan upang makita kung kwalipikado sila.

    Pangalan: _____________________________________________________________________________________________________________

    Telepono: ____________________________________________________ Email Address: _____________________________________________ 5. Sino ang maaaring makatanggap ng pinababang-presyo na pagkain? Ang iyong mga anak ay maaaring makatanggap ng mababang halagang pagkain kung ang

    kita ng iyong sambahayan ay nasa mga limitasyon ng pinababang-presyo sa Pederal na Chart ng Kita sa Pagiging Karapat-dapat, na ipinakita sa aplikasyon. 6. Dapat ba akong gumawa ng aplikasyon kapag nakatanggap ako ng liham ngayong taon ng pag-aaral na nagsasabing ang mga anak ko ay inaprubahan para

    sa libre o pinababang-presyo na pagkain? Pakibasa mabuti ang liham na natanggap mo at sundin ang mga tagubilin. Tawagan ang paaralan sa ______________________________ kung mayroon kang mga katanungan.

    7. Naaprubahan ang aplikasyon ng aking anak noong nakaraang taon. Kailangan ko bang sagutan ang isa pa? Oo. Ang aplikasyon ng anak mo ay para sa lang taon ng pag-aaral na iyon at para sa unang ilang araw ng taon ng pag-aaral na ito. Kailangan kang magpadala ng bagong aplikasyon maliban kung sinabi sa iyo ng paaralan na ang iyong anak ay karapat-dapat para sa bagong taon ng pag-aaral.

    8. Tumatanggap ako ng Mga Kababaihan, Mga Sanggol at Mga Bata (Women, Infants, and Children (WIC)). Maaari bang makakuha ang (mga) anak ko ng libreng pagkain? Ang mga bata sa mga sambahayang kalahok sa WIC ay maaaring maging kapat-dapat para sa libre o pinababang-presyo na pagkain. Pakisagutan ang isang aplikasyon.

    9. Ang impormasyon ba na ibibigay ko ay sisiyasatin? Oo, maaari rin kaming humingi sa iyo ng nakasulat na katibayan. 10. Kung hindi ako maging karapat-dapat ngayon, maaari ba akong mag-appy sa ibang panahon? Maaari kang muling mag-apply para sa mga benepisyo kahit kailan

    sa panahon ng taon ng pag-aaral. Halimbawa, ang mga bata na may magulang o tagapag-alaga na nawalan ng trabaho ay maaaring maging karapat-dapat para sa libre o pinababang presyo ng pagkain kung ang kita ng sambahayan ay bumaba sa limitasyon ng kita.

    11. Paano kung hindi ako sumang-ayon sa desisyon ng paaralan tungkol sa aking aplikasyon? Dapat kang makipag-usap sa mga opisyal ng paaralan. Maaari ka ring humingi ng isang pagdinig sa pamamagitan ng pagtawag o pagsulat sa:

    Pangalan: ____________________________________________________ Titulo: ___________________________________________________

    Email: _______________________________________________________ Telepono: _________________________________________________

    Address: ______________________________________________________________________________________________________________ 12. Maaari ba akong mag-apply kung may isang tao sa aking sambahayan na hindi mamamayan ng U.S? Oo. Ikaw o ang iyong (mga) anak ay hindi kailangang

    maging mamamayan ng U.S. upang maging kapat-dapat na makatanggap ng libre o pinababang-presyo na mga pagkain. 13. Sinu-sino ang mga dapat kong isama bilang mga miyembro ng aking sambahayan? Dapat mong isama ang lahat ng tao na nakatira sa inyong sambahayan,

    kamag-anak o hindi (tulad ng mga lola o lolo, ibang mga kamag-anak, o mga kaibigan) na nagbabahagi ng kita at mga gastos. Dapat mong isama ang iyong sarili at lahat ng mga bata na nakatira sa iyo. Kung kasama mo sa tirahan ang ibang mga tao na ekonomikong independiyente (halimbawa, mga taong hindi mo sinusuportahan, hindi nagbabahagi ng kita sa iyo o sa iyong mga anak, at nagbabayad ng pro-rated na bahagi ng mga gastos), huwag silang isama.

    14. Paano kung ang aking kita ay hindi laging pareho? Ilista ang halaga na pangkaraniwan mong natatanggap. Halimbawa, kung ang pangkaraniwan mong

    natatanggap ay $1000 kada buwan, subalit may mga araw na hindi ka nakapagtrabaho nitong nakaraang buwan at nakatanggap ka lamang ng $900, ilagay na nakakatanggap ka ng $1000 kada buwan. Kung pangkaraniwang nakatatanggap ka ng overtime, isama ito, pero huwag itong isama kung natatangap mo ito nang paminsan-minsan lamang. Kung nawalan ka ng trabaho o nabawasan ang iyong oras o suweldo, gamitin ang iyong kasalukuyang kita.

    15. Nasa militar kami. Isasama ba namin ang aming allowance sa pabahay bilang kita? Kung nakakatanggap ka ng off-base na allowance sa pabahay, ito ay dapat maisama bilang kita. Kung ang iyong pabahay ay bahagi ng Inisyatiba sa Pagpipribado ng Militar na Pabahay (Military Housing Privatization Initiative), huwag isama ang iyong allowance sa pabahay bilang kita.

    16. Ang asawa ko ay naitalaga sa sona ng labanan. Ang kanya bang bayad sa labanan ay bibilangin bilang kita? Hindi, kung ang bayad sa labanan ay natanggap

    bilang dagdag sa kaniyang basic na bayad dahil sa kanilang pagkakatalaga at hindi natanggap bago sila pinadala, ang bayad sa labanan ay hindi mabibilang na kita. Makipag-ugnayan sa inyong paaralan para sa karagdagang impormasyon.

    17. Kailangan ng pamilya ko ang karagdagang tulong. May iba pa bang mga programa na maaari kaming mag-apply? Upang malaman kung paano mag-aapply sa

    State SNAP o sa ibang mga benepisyo sa tulong, makipag-ugnayan sa iyong tanggapan ng lokal na tulong o tumawag sa ________________________________ (state hotline number).

    Kung may iba ka pang mga katanungan o kailangan ng tulong, tumawag sa ______________________________.

    Sumasainyo

    Pangalan Titulo Petsa

    $ 3.00

    6217 Mullen Rd SE, Lacey, WA 98503

    $ 0.75 $ 2.90

    $ 1.60

    2014

    $ 2.75$ 1.60

    2013

    1113179

    [email protected] Neal

    $ 0.00

    $ 0.00

    $ 0.00

    $ 0.00

    $ 0.50

    $ 0.40

    (360) 412-4446

    North Thurston School District 3

    North Thurston School District 3

    7-12

    Director, Food & Nutrition(360) 412-4446

    K-3

    4-6

  • Rev. 06/11 - US Page 2 of 3 2011 TransACT Communications, Inc.

    Tagalog Letter to Households

    MGA TAGUBILIN SA PAG-APPLY

    ANG ISANG KASAMBAHAY AY SINUMANG BATA O MAY SAPAT NA GULANG NA KASAMA MONG NANINIRAHAN

    KUNG ANG INYONG SAMBAHAYAN AY NAKAKATANGGAP NG MGA BENEPISYO MULA SA STATE SNAP, FDPIR, O STATE ________, SUNDAN ANG MGA TAGUBILING ITO

    Bahagi 1: Ilista ang lahat ng kasambahay, at ang pangalan ng paaralan para sa bawat bata.

    Bahagi 2: Ilista ang numero ng kaso para sa sinumang kasambahay (kasama ang mga may sapat na gulang) nakakatanggap ng State SNAP, FDPIR,

    o State ________ na mga benepisyo.

    Bahagi 3: Laktawan ang bahaging ito.

    Bahagi 4: Laktawan ang bahaging ito.

    Bahagi 5: Lagdaan ang form. Ang huling apat na numero ng Numero ng Social Security Number ay hindi kailangan.

    Bahagi 6: Sagutan ang katanungang ito kung pinili mo.

    KUNG WALA SA IYONG SAMBAHAYAN ANG NAKAKATANGGAP NG STATE SNAP, FDPIR, O MGA BENEPISYO NG STATE ________ AT KUNG MAY BATA SA IYONG SAMBAHA