14
mamahal, pagpapahalaga, pag- mamalasakit, at pagtangkilik sa wikang Filipino na masasalamin sa kanilang mga nagawa sa nakalipas na tatlong taon. Si Dr. Garcia ang kasalukuyang Ikalawang Tagapangulo at Koordi- neytor sa Guwadradong Programa ng Fildept. (Sundan sa pahina 13) Naging mabunga ang Departa- mento ng Filipino ng Pamanta- sang De La Salle-Maynila dahil sa iba’t ibang parangal, pananaliksik, at lektyur na nakamit at naisagawa ng mga fakulti at estudyante nito sa mga nakalipas na termino. Mga Gawad at Parangal Lubos na ikinararangal ng Fildept ang pagkilalang ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kay Dr. Lakangiting C. Garcia. Ngayong taong 2010, ipinagkaloob kay Dr. Garcia ang Gawad Francisco Balagtas dahil sa kaniyang pagiging mahusay na guro, manunulat-direktor, mananalumpati, at kompositor. Kinikilala ng KWF ang mga naiambag ni Dr. Garcia sa laran- gan panitikan sa pamamagitan ng kaniyang mga dulang naisulat tulad ng “Mga Tanong at Sagot (Antolohiya ng mga Dulang Iisang Yugto,” nobela, mini- nobelang “Tatlong Kaisang- Puso,” tula na gaya ng “Sabi ng Lolo” at “Ako’y Nananalig,” sanaysay at maikling ku- wento, at ang kaniyang walang sa- wang pagtata- guyod ng mga gawaing nag- susulong ng wikang Filipino. Ipinagkaloob ng KWF ang gawad kay Dr. Garcia noong Abril 13, 2010 sa ika-222 Kaarawan ni Balagtas. Ang Gawad Balagtas ay ipinagkakaloob sa mga indi- biduwal na may natatanging nagawa para sa pagsulong at pagyabong ng wikang Filipino gaya ng mga akda para sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino. May mahalagang ambag o naitulong sa gam- panin ng KWF. At may pag- Ani ng Departamento ng Filipino AFAP, Balik DLSU-M Sa taong 2010, muling ibinabalik at isasa- gawa sa Pamantasang De La Salle-Maynila ang huling apat na linggo ng programang Advanced Filipino Abroad Program (AFAP). Ang programa ay nagsimula sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas at matatapos sa DLSU-Maynila sa pamamagitan ng Departa- mento ng Filipino mulang Hulyo 12 hanggang sa Agosto 7, 2010. Sa taong ito, labindala- wang iskolar buhat sa iba’t ibang estado ng America ang nakapasa sa programa. Sa loob ng walong linggong ganap na imersyon, inaasahang ang mga estudyante ng programa ay nakapagsasagawa ng tasks nang may higit na mataas na antas ng ko- munikasyong akademik at sosyal. Naga- gamit ang wikang Filipino sa tulong ng unang wikang sa pinagsanib na kaligirang nakaprograma at di nakaprograma. Napa- hahalagahan ang mga kontent na bantayan ng gamit ng wika sa paraang indibidwal at pangkatang pagkatuto sa pasalita o pasulat na paraan. Nakaaabot sa lalong mataas na lebel ng kompetensi sa Filipino na nagsa- saalang-alang sa kamalayan at sensitibidad ng sariling kultura at ng kulturang Pilipino. Binuo rin ang isang kurikulum na makatu- tulong upang makamit ang layunin ng pro- grama para mga iskolar. (Sundan sa pahina 11) AMBAG SALITA: alinagnág png: sinag ng kandila o saboy ng liwanag sa nakabalot na papel sa baso. (Pinagkunan: UP Diksiyonaryong FILIPINO) Hulyo 2010 Alinaya Nilalaman Editoryal Wikang Filipino ang Dapat na Maging Wika ng Bagong Gobyerno 2 Balita Mabanglo, Naging Visiting Professor ng DLSU-M Annual Recruitment Week, Isinagawa ng DA- NUM 3 Kolum Wika at iba pa ni Dr. Josefina M. Mangahis Kontra-gahum ni David Michael M. San Juan 5 6 Lathalain EMO ni Anna Marielle B. 9 Panitikan Mga Elemental na Pag-ibig ni John EnricoTorralba 10 Kung kailan kailangan ni Joselito delos Reyes 11 Ang wika’y parang isang bus.—E.R. Abueg 13 Ang mga Fakulti ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila Tomo 3 Bilang 1

Nilalaman Ani ng Departamento ng Filipino - xsite.dlsu.edu.phxsite.dlsu.edu.ph/academics/colleges/cla/filipino/alinaya/alinaya... · imersyon, inaasahang ang mga estudyante ng programa

Embed Size (px)

Citation preview

mamahal, pagpapahalaga, pag-mamalasakit, at pagtangkilik sa wikang Filipino na masasalamin sa kanilang mga nagawa sa nakalipas na tatlong taon. Si Dr. Garcia ang kasalukuyang Ikalawang Tagapangulo at Koordi-neytor sa Guwadradong Programa ng Fildept. (Sundan sa pahina 13)

Naging mabunga ang Departa-mento ng Filipino ng Pamanta-sang De La Salle-Maynila dahil sa iba’t ibang parangal, pananaliksik, at lektyur na nakamit at naisagawa ng mga fakulti at estudyante nito sa mga nakalipas na termino. Mga Gawad at Parangal Lubos na ikinararangal ng Fildept ang pagkilalang ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kay Dr. Lakangiting C. Garcia. Ngayong taong 2010, ipinagkaloob kay Dr. Garcia ang Gawad Francisco Balagtas dahil sa kaniyang pagiging mahusay na guro, manunulat-direktor, mananalumpati, at kompositor. Kinikilala ng KWF ang mga naiambag ni Dr. Garcia sa laran-gan panitikan sa pamamagitan ng kaniyang mga dulang naisulat tulad ng “Mga Tanong at Sagot (Antolohiya ng mga Dulang Iisang Yugto,” nobela, mini-nobelang “Tatlong Kaisang-Puso,” tula na gaya ng “Sabi ng

Lolo” at “Ako’y N a n a n a l i g , ” sanaysay at maikling ku-wento, at ang k a n i y a n g walang sa-wang pagtata-guyod ng mga gawaing nag-susulong ng wikang Filipino. Ip inagkaloob ng KWF ang gawad kay Dr. Garcia noong Abril 13, 2010 sa ika-222 Kaarawan ni Balagtas. Ang Gawad Balagtas ay ipinagkakaloob sa mga indi-biduwal na may natatanging nagawa para sa pagsulong at pagyabong ng wikang Filipino gaya ng mga akda para sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino. May mahalagang ambag o naitulong sa gam-panin ng KWF. At may pag-

Ani ng Departamento ng Filipino

AFAP, Balik DLSU-M Sa taong 2010, muling ibinabalik at isasa-gawa sa Pamantasang De La Salle-Maynila ang huling apat na linggo ng programang Advanced Filipino Abroad Program (AFAP). Ang programa ay nagsimula sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas at matatapos sa DLSU-Maynila sa pamamagitan ng Departa-mento ng Filipino mulang Hulyo 12 hanggang

sa Agosto 7, 2010. Sa taong ito, labindala-wang iskolar buhat sa iba’t ibang estado ng America ang nakapasa sa programa. Sa loob ng walong linggong ganap na imersyon, inaasahang ang mga estudyante ng programa ay nakapagsasagawa ng tasks nang may higit na mataas na antas ng ko-munikasyong akademik at sosyal. Naga-gamit ang wikang Filipino sa tulong ng unang wikang sa pinagsanib na kaligirang nakaprograma at di nakaprograma. Napa-

hahalagahan ang mga kontent na bantayan ng gamit ng wika sa paraang indibidwal at pangkatang pagkatuto sa pasalita o pasulat na paraan. Nakaaabot sa lalong mataas na lebel ng kompetensi sa Filipino na nagsa-saalang-alang sa kamalayan at sensitibidad ng sariling kultura at ng kulturang Pilipino. Binuo rin ang isang kurikulum na makatu-tulong upang makamit ang layunin ng pro-grama para mga iskolar. (Sundan sa pahina 11)

AMBAG SALITA: alinagnág png: sinag ng kandila o

saboy ng liwanag sa nakabalot na papel sa

baso. (Pinagkunan: UP

Diksiyonaryong FILIPINO)

Hulyo 2010

Alinaya

Nilalaman Editoryal Wikang Filipino ang Dapat na Maging Wika ng Bagong Gobyerno

2

Balita Mabanglo, Naging Visiting Professor ng DLSU-M Annual Recruitment Week, Isinagawa ng DA-NUM

3

Kolum Wika at iba pa ni Dr. Josefina M. Mangahis Kontra-gahum ni David Michael M. San Juan

5 6

Lathalain EMO ni Anna Marielle B.

9

Panitikan Mga Elemental na Pag-ibig ni John EnricoTorralba

10

Kung kailan kailangan ni Joselito delos Reyes

11

Ang wika’y parang isang bus.—E.R. Abueg

13

Ang mga Fakulti ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila

Tomo 3 Bilang 1

Punong Patnugot: Genaro R. Gojo Cruz Kontribyutor: Dr. Josefina M. Mangahis, David Michael M. San Juan, Vol-taire M. Villanueva, Amanda Fernandez, Anna Marielle B. Dy, Jenaira F. Macapagal, John Enrico C. Torralba, at Joselito delos Reyes. Lay-out: Genaro R. Gojo Cruz Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue, De La Salle University / Telepono: (02) 5244611 lokal 509 / Email: [email protected]

Sa pagsisimula ng bagong gobyerno, nagsisimula rin ang panibagong pag-asa ng maraming Pilipino. Ang pag-upo ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay naghuhudyat na rin ng katapusan ng malalang kurapsiyon sa gobyerno. Tulad ng kaniyang ipinangako sa panahon ng kampanya, walang kurapsiyon sa kaniyang itatayong gobyerno. Buo ang paniniwala niyang “Kung walang corrupt, walang ma-hirap.” Tuwid ang daang tatahakin ng kanyang pamama-hala. Dahil dito, buong-pusong umaasa ang sambayanan para sa isang malinis ng pamahalaan at maunlad ng pamu-muhay. At kung nais tahakin ng bagong Pangulong Aquino ng ating bansa ang tama o tuwid na daan, makatarungan ding sundin at mahigpit na ipatupad ng kaniyang gobyerno ang isinasaad ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Artikulo 14 Seksiyon 6-9 ukol sa ating Wikang Pambansa na Filipino. Malinaw na nakasaad sa ating konstitusyon na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” na “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na ko-munikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Matatandaang ang magandang probisyong ito ng ating wikang pambansa ay nalikha sa panahon ng panunungku-lan ng kaniyang inang si Corazon C. Aquino. Kaya tama at makatarungan lamang na ipagpatuloy at bigyang kagana-pan ang batas na ito sa panunungkulan ng ating bagong halal na Pangulong Aquino.

Mahalaga ang gampanin ng kongreso sa paglikha ng mga batas na magsusulong sa pag-unlad ng wikang Filipino lalo na sa sistemang pang-edukasyon ng bansa. Kaugnay nito, mahalagang maging katuwang ng kon-greso ang gobyerno upang puspusang maitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal at at wikang panturo. Ngunit ang ganitong mahahalagang tungkulin ng kongreso at ng pamahalaan ay di natin nakita sa na-karaang administrasyon, bagkus sila pa mismo ang gu-magawa ng mga batas na pipigil sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pagtuturo at nagpapahayag ng mga kautusang ibalik sa Ingles ang midyum ng pagtuturo dahil sa pangangailangan ng bansa sa mga manggaga-wang mahusay sa wikang Ingles. Sa nakaraang eleksiyon, umabot sa kabuuang bilang na 15, 208, 678 ang bumoto kay Pangulong Aquino. At tiyak na marami sa bilang na ito ay karaniwang mamamayang Pilipino. Kaya tama at makatarungan lamang din na gamitin ang kanilang wika sa pamamahala, ang wikang Filipino, lalo na kung nais ni Pangulong Aquino na paglingkuran ang mga karaniwang mamamayang Pilipino. Di tulad ng nakaraang administrasyon na inilayo sa mga mamamayang Pilipino ang gobyerno dahil sa tahasan nitong paggamit sa Ingles, lalo na sa mahahalagang usapin o isyung pambansa, ngayon ay may pag-asa ng mailapit sa mamamayang Pilipino ang gobyerno. Ngunit bago ito maisagawa, kailangan munang maging malinaw ang mga programang pangwika ng ating bagong gobyerno. Mahalagang mahigpit nitong pangatawanan ang paggamit ng wikang Filipino. At kung maipatutupad ito tiyak na mas maraming Pilipino ang mapaglilingkuran nito at di ang iilan lamang. Kung nais ng bagong gobyerno ng magkaroon ng malasakit o pakialam ang mamamayang Pilipino, at maging katuwang sa pagpapabuti nito, mahalaga ring maipakita ng gobyerno ang malasakit nito sa wikang sinasalita ng sambayanan, ang wikang Filipino. Dahil

Editoryal

Wikang Filipino ang Dapat na Maging Wika ng Bagong Gobyerno

2 Alinaya

Naging Visiting Professor ng DLSU-M noong Ikalawang Termino ng 2009-2010 si Dr. Ruth Elynia Mabanglo. Noong nakaraang Ikalawang Termino ng 2009-2010, naging Visiting Professor ng Pamanta-sang De La Salle-Maynila si Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo. Kaugnay nito, si Dr. Maban-glo ay nagturo ng dalawang klase sa Graduwadong Paaralan. Itinuro niya ang mga kursong Malikhaing Pagsulat at Materyal Panturo. Si Dr. Mabanglo ay kasaluku-yang propesor sa University of Hawaii sa Manoa. Siya ang Ta-

gapag-ugnay ng Departamento ng Wika at Literaturang Hawaiian at Indo-

thew Salegumba ( Ikalawang Taga-pangulo ng Publisidad), at Immy Belle Remis (Tagapangulo ng Ugnayang-Panlabas). Si Prof. John Enrico Tor-ralba naman ang tumatayong taga-payo ng organisasyon. Pangunahing bisyon ng DANUM na linangin ang mga kasapi nitong estud-yante bilang mga instrumento ng pag-babago at pag-unlad ng industriya ng midya at ng bansa. Ninanais rin ng organisasyon na makatulong sa paglikha ng isang ko-munidad na nagpapahalaga at patuloy na nagpapayaman sa Kulturang Fili-pino at kumikilala sa Wikang Filipino bilang isang wikang pangkalinangan. Sisikapin ng organisasyon na mag-sagawa at maging tagapanguna sa mahahalagang proyekto at gawain upang mapanatili ang sigla ng bawat kasapi nito sa pagkilala at pagtata-guyod ng kultura at pagbibigay halaga sa Wikang Filipino. Makikiisa ang or-ganisasyon sa Fildept sa pagbibigay

Pasipiko, partikular ng Litera-turang Filipino. Nasa listahan siya ng Hall of Famer ng Don Carlos Palanca Memorial Sa unang termino ng pang-akademikong taon 2010-2011, umupo na ang mga bagong pa-munuan ng Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral sa Ar-aling Filipino (DANUM) sina Jenaira Macapagal (Pangulo), Abdul Macap-endeg (Ikalawang Pangulo), Ann Nolosco (Kalihim), Conelle Labayani (Tagapangulo ng Dokumentasyon), John Raymond Reinoso (Tagapangulo ng Logistics), Michelle Ann Sy (Ingat-Yaman), Camille Car-mona (Tagapangulo ng Badyet), Rhianna Floresca (Tagapangulo ng Akademiks), Pauline Ann Cruz (Tagapangulo ng Gawain), Claravelle Bagsit (Ikalawang Taga-pangulo ng Gawain), Kate Villanueva (Tagapangulo ng Publisidad), Mat-

serbisyo na makakapagtaguyod ng matatapat, makatarungan at propesyo-nal na media practitioners na manguna sa mga pagbabagong kahaharapin ng DLSU-M at ng bansa. Noong Hunyo 7 hanggang 11, 2010, isinagawa ng organisasyon ang kanilang Annual Recruitment Week na ginanap sa Yuchengco Lobby ng pamantasan. Layunin nitong mahikayat ang mga estudyante ng DLSU-M na maging kasapi ng organisasyon lalo na ang mga may interes sa Araling Filipino.

Mabanglo, Naging Visiting Professor ng DLSU-M

Annual Recruitment Week, Isinagawa ng DANUM

Alinaya 3

Balita

Awards for Literature at naging Makata ng Taon noong 1992 para sa kaniyang tulang “Gahasa.” Pinagkalooban din ng National Book Award ang kaniyang “Mga Liham ni Pi-nay,” isang kalipunan ng kani-yang mga tula. Naging miyembro rin siya ng kaguruan ng Fildept ng DLSU-M noong 1988 at itinu-turing na isa sa mga naging ma-sigasig na tagapagtatag nito Kasalukuyan siyang nasa bansa dahil sa Advanced Fili-pino Abroad Program (AFAP), na isa siya sa tagapagtaguyod at direktor ng programa.

Si Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo ka-sama ang Departamento ng Filipino. Kuha noong Disyembre 20009 sa Christmas Party ng Fildept.

Ang bagong pamunuan ng DANUM noong Annual Recruitment Week

Ikinararangal ng Filipino De-partment na makuha ang ma-huhusay na fakulti upang makapagturo sa Pamantasang De La Salle-Maynila ngayong unang termino. Ilan sa kanila ay nabigyan ng full time status at ang iba naman ay bilang part time sa termino 1 ng taong 2010.

Ang mga bagong fakulti ng Fildept ay sina Prof. Perfecto Ta-gura Jr. na nagtapos ng BSE Filipino at ng MAT-Pagtuturo ng Filipino sa Philippine Normal University; Prof. Lilibeth R. Oblena kumuha ng BA

Filipino sa University of the Philip-pines-Diliman at kasalukuyang tina-tapos ang kaniyang MA Filipino; Prof. Franz Louise F. Santos, AB Translation Studies at kandidato sa MA Philippine Studies sa DLSU-M); Prof. Voltaire Mendoza Villanueva nagtapos ng BSE Social Science na may espesyalisasyon sa Filipino sa PNU; Prof. Marvin R. Reyes nagta-pos ng AB Philosophy at ng PhD in Filipino Translation; Prof. Maria Lucille G. Roxas nagtapos ng BS Sociology sa Polytechnic Univer-sity of the Philippine-Manila at ng PhD Philippine Studies major in

Anthropology sa UP-Diliman; Prof. David Michael M. San Juan, nagta-pos ng BSE Filipino sa Bulacan State University at ng MA sa Pagtuturo ng Filipino sa PNU; Prof. Randy A. Din na nagtapos ng BS in Elemen-tary Education at ng MA in Educa-tion major in Filipino sa The Na-tional Teacher College; Dr. Emma Ablan-Basco nagtapos ng BSE Fili-pino minor in History sa Bicol Uni-versity at ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino-Wika, Kultura, Midya sa DLSU-M; at Dr. Maria Fe Espenocilla Gannaban na nagtapos ng MA at PhD sa Filipino PNU.

Mga Bagong Fakulti ng Departamento ng Filipino

Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Sinimulan DIMAN

SALOY, kumperensiya ng mga estudyante sa Wikang Filipino. Layunin ng kumperensyang ito na bigyan ng lugar ang mga estudyante upang maibahagi at talakayin ang kanilang mga pananaw at ideya tungkol sa wikang Filipino.

TASAHAN/Kapihan ng mga Bigating Manunulat. Ilan sa mga binabalak na imbitahin sa gawaing ito ay sina Efren R. Abueg, Rogelio L. Ordoñez at Edgardo M. Reyes, mga kilalang manunulat ng Mga Agos ng Disyerto.

ANI ng Karangalan ng Departamento ng Filipino, pag eksibit ng mga publikasyon at karangalang nakamit ng mga fakulti ng Fildept bilang ambag sa pagsusulong ng wikang Filipino at kultura sa DLSU-M, kaugnay na rin ng pagdiriwang nito ng sentenaryo, at sa bansa sa kabuuan

GAWAD LASSALIAN, bukas ang gawad para sa mga mga fakulti at administrasyon ng DLSU-M na nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng kanilang mga disiplina.

PIYESTA ng Departamento ng Filipino, culminating activity/programa. Sa bahaging ito, ipagkakaloob ang gawad sa mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak na inilunsad ng Fildept tulad ng TXTula, fashion show ng mga katutubong kasuotan, pag-awit ng kundiman, at iba pa.

Sa mga nabanggit na gawain, makikipagtulungan ang Dalub-hasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral sa Araling Filipino (DANUM). Si Dr. Dexter B. Cayane s an g t uma t a yong pangkalahatang tagapamahala sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010.

Ang Buwan ng Agosto ay isa sa pinakaabalang buwan para sa Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila dahil sa buwan na ito ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan Wika ay “Sansiglong Lasaly-ano para sa Sigla’t Sigasig ng Wikang Filipino.”

Bukod sa mga tradisyonal na ga-wain o paraan paggunita sa Buwan ng Wika, ang Fildept ay nagiging taga-panguna ng mga makabagong gawaing magtataas at magsusulong sa wikang Filipino. Sa taong ito, ilan sa mga nakahanay na gawain ng Fildept ay ang sumusunod:

TXTula/Tanaga, paggamit ng cell-phone sa pagsulat ng tanaga. May itatakdang tema sa bawat linggo. Layunin ng patimpalak na buhayin ang katutubong pagtula.

Paligsahan sa pag-awit ng KUN-

4 Alinaya

Balita

Wika ang pinakamahalagang ka-sangkapan ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Ito ang sim-bolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang men-sahe. Ito ang nagsisilbing susi ng tao sa pagkakaunawaan. Wika ang pangunahing instrumento ng media sa paghahatid ng impormasyon. Ang mundong ating ginagalawan ay napapaibabawan nang malakas na kapangyarihan at makulay na daigdig. Ito ang kapangyarihan ng media. Makapangyarihan sapagkat may kakayahan itong mag-utos, magdikta at makainpluwensya sa atin. Ano nga ba ang media? Ang media ay nagmula sa salitang medium na nangangahulugang paraan ng pagha-hatid ng mensahe ng tagapagdala sa isa o higit pang tatanggap nito. Samakatuwid, anumang pakikipagko-munikasyon maging pribado o pam-publiko ay bahagi ng media. Pan-gunahing kakayahan ng media na manghikayat ng publiko. Gumagamit ang media ng wika sa paghahatid ng anumang impormasyon. Mahalaga ang pagpili ng wikang gagamiting sa pagbuo ng isang patalasatas o komer-syal sa iba't ibang larangan ng media sapagkat nag-iiwan ito ng mensahe mabuti man o masama sa isipan ng mambabasa at manonood. Layunin ng Media Ang pangunahing layunin ng me-dia ay maghatid ng impormasyon sa publiko. Ang pangalawang layunin ng me-dia ay maging daan sa prope-

syonalisasyon ng industriya sa pagsasa-himpapawid (broadcasting) tungo sa pagpapaunlad at pagpapataas ng ekono-miya ng nasasakupang bansa (http://www.wkonline.com/d/mass_media.html). Ang pangatlong layunin ay maging instrumento ang media upang himukin ang publiko na gumawa ng aksyon ukol sa inilahad na isyu. Nagagawa ng media na maimpluwensyahan ang publiko kung paano mag-isip, bumuo ng pananaw at paano mamuhay. (Defleur (2003) Ideolohiya ,Media at Kapangyarihan Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang ideolohiyang pinaninindigan . Matuwid man o hindi kailangan panga-tawanan at panindigan ang mga ito. May malaking epekto ang kultura sa nabuong ideolohiya ng bawat tao. Sa pamamagi-tan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, nakabubuo tayo ng kultura. Nakabalot sa kulturang kinagisnan ang paniniwala, pananampalataya, pamantayan sa bu-hay at marami pang iba. Ang ideolohiya ay sistema ng kaisipan na ipinahahayag sa pakikipagtalastasan ng tao o pangkat ng tao kapwa kakambal ang saloobin at pananaw ng tao. Nakapaloob dito ang nabuong makabuluhang oryentasyon na ipinahahayag sa pamamagitan ng pakiki-pagtalastaan. Binigyang kahulugan ni Lull (2000), ang ideolohiya na naglalarawan sa pag-papahalaga at agenda ng publiko, pang-kat ng sekta ng relihiyon, partido ng pulitika, mga kandidato, samahan ng mangangalakal, paaralan, samahan ng mga maggagawa at iba pa. Nakabalot pa rin sa ideolohiya ang ugnayan ng kapangyarihan ng lipunan at nabuong kaisipan gamit ang wika sa

kontekstong pampulitika.Tinukoy nga ni Raymond Williams na may kaugnayan ang ideolohiya sa interes pang ekonomiko. Binanggit ni Thomson (1990) na ang ideolohiya ay pagpapatunay ng dominanteng ideolohiya at simbolik-ong anyo. Sa simbolikong anyo maiuugnay ang mga nakapaloob sa media, platapormang pampulitika, mensaheng nagmumula sa pamaha-laan, paaralan, nabuong samahang panrelihiyon at iba pa, ay gina-gamit upang mabuo ang pagdo-domina sa kapangyarihan. Walang magiging suliranin dito ang mga piling mayayamang tao sa lipunan sapagkat may malaki silang impluwensya sa makapangyarihan. Madaling maisasagawa ang pag-mamanipula sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang salapi sa iba't ibang paraan ng komunikasyon tu-lad ng media. Samakatuwid, nakasalalay sa paggamit ng wika kung magiging mabuti o masamang epekto sa mambabasa, manonood at taga-pakinig.Malaki ang papel ng mga taong nakakubli sa pagsulat at pag-likha ng media sapagkat sila ang magsisilbing tulay ng pag-unawa at pagtanggap ng mga tagapagta-guyod nito sa radyo,telebisyon at iba pang sangay ng media. Napaniniwala tayo ng media na ang ating mundo ay punung- puno ng kasamaan at krimenalidad. Ka-pansin-pansin na matutunghayan natin sa bungad ng pahayagan at (Sundan sa pahina 12)

Wika Bilang Kasangkapan ng Media ni Dr. Josefina M. Mangahis

WIKA AT IBA PA

Alinaya 5

ang isang gobyernong gumagamit ng kaniyang wikang pambansa ay pinakikinggan ang kaniyang mamamayan.

sa kanilang ginawa, hindi magiging mabilis ang tagumpay ng Katipunan at malamang, naantala/nadelay pa ang kaganapan noong i ka -12 ng H u n y o 1 8 9 8 . Tanong: Alam mo na ngayon ang ipi-nagkaiba ng mga magnanakaw NOON at NGAYON?

*** Espanyol ang wikang ginamit sa pag-papahayag ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Tanong: Ito kaya ang dahilan kaya maraming Pilipino ang walang pakia-lam sa Araw ng Kalayaan?

*** HINDI INAWIT ang Lupang Hinirang sa flag raising DAHIL WALA PANG LYRICS ITO NOON...Tugtog pa lang...Ang Marcha Nacional Filipina. Tanong: Ano kaya ang feeling ng mga tao noon na humming lang at walang lyrics ang supposedly ay national hymn?

*** Isang Amerikano, si Col. Johnson, ang nakapirma sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ebidensya ito na kinikilala ng Estados Unidos ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Kung gayon, isang malaking kataksilan o pagtatray-dor ang ginawa ng Estados Unidos na pagpasok sa Kasunduan sa Paris ka-sama ang Espanya noong Disyembre 10, 1898. Sa nasabing kasunduan, kung saan, etsepwera ang mga Pili-

Isinagawa naman ng DANUM noong Hulyo 2, 2010 ang una nitong General Assembly sa taong ito, kasama ang mga fakulti ng Fildept. (Jenaira F. Macapagal)

Noong nakaraang Hunyon12, ginunita (nga ba?) ng sambayanang Pilipino ang ika-112 taong anibersaryo ng pag-papahayag ng kalayaan ng ating bansa sa Kawit, Cavite. Narito ang ilang trivia kaugnay sa Rebolusyong 1896 at sa deklarasyon ng ating kalayaan na naging bunga nito.

*** Kung hindi dahil sa 2 Katipunero na regular na tumataya sa Australian Lot-tery, hindi magtatagumpay ang Katipunan na magparami ng miyembro. Nanalo sa lotto ang 2 Katipunero at ibini-gay nila ang pera sa Katipunan. Ipinam-bili ng printing press ang nasabing pera. Dahil sa printing press, nakapag-imprenta ng dyaryong KALAYAAN ang Katipunan. Lumobo sa kung ilang daang libo ang kasapian/membership ng Katipunan pagkatapos na mailabas ang una (at huling) edisyon ng KALAYAAN. Tanong: Tumataya ka ba sa lotto? Ilan kaya sa mga nakapila sa tayaan ng lotto ang magiging makabayan din (o pa rin) pag nanalo sila?

*** Kaugnay ng unang trivia, kulang ang gamit ng printing press ng Katipunan. May mga Katipunerong nagtatrabaho sa Diario de Manila ang nagnakaw ng mga kailangang gamit. Mabuhay ang mga makabayang magnanakaw! Kundi dahil

pino, nagbayad ng $20,000,000 ang Estados Unidos para "bilhin" ang Pilipinas sa Espanya. Tanong: May pinagkaiba ba ang trato sa atin ng mga Kano noon at ngayon?

*** Diktadura ang porma ng pamaha-laang itinayo ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 dahil may gera pa rin. Mas mabilis kasi ang aksyon na kailangan sa panahon ng digmaan. Enero 1899 na nang opisyal na itayo ang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. Tanong: Ano ang porma ng gobyerno natin ngayon?

*** Nang dumating ang mga Kano, maraming mayayamang repub-likano ang nagtraydor sa repub-lika... Nag-resign sila sa Republika ng Malolos at pagkatapos ay ku-mapit na sa mga Kano...Iyan ang simula ng mahabang palabas na hanggang ngayon ay nasasaksihan natin sa Senado, Kongreso at pa-minsan-minsan hanggang sa Pa-lasyo… Tanong: Ano kaya ang mangyayari sa susunod na anim na taon? ABANGAN…

***

Katipunerong Sugarol, Makabayang Magnanakaw atbp. TRIVIA Ukol sa Rebolusyong 1896 at Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ni David Michael M. San Juan

KONTRA-GAHUM

6 Alinaya

ITAGUYOD ANG DEMOKRASYA! MABUHAY ANG ATING REPUBLIKA! ITAYO ANG GOBYERNONG TUNAY NA MALAYA AT NAGLILINGKOD SA SAMBA-YANAN! Wala na talagang sasarap pa sa lutuin o pagkaing ang linamnam ay pinatoto-hanan ng ibang tumikim nito. Lalo na kung ang mga nagsabi at nagpatunay sa pagkain ay bagong subok o kaya nama’y nakagisnan nang hindi kumain o tumikim man lang ng bagong pu-tahe. Mas hindi mapapantayan ang galak ng tagapagluto kung sa unang subok ng pagsasangkutsa at pagtitimpla ng pinag-sama-samang ibang sangkap ay tatang-kilin at hahanap-hanapin dahil sa bagong inihahaing kakaiba at bagong pagkaing may bagong lasa. Sa tulad kong bagong guro sa gani-tong katangi-tanging asignatura na ti-nawag na WIKAKUL. Tunay na bago ito sa aking pandinig, pang-amoy at lalung lalo na sa aking panlasa. Sa kagaya kong nagtapos at nag-pakadalubhasa sa Agham Panlipunan at may espesyalisasyon sa wika, hindi kailan man nawawala ang pagsasahog ng kultura sa paglulunsad ng mga aralin. Kalimitang nagiging pangganyak ko ang kultura upang maging masigla at higit sa lahat ay maging makabuluhan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ko bilang guro at siyempre ng aking mga mag-aaral na titikim sa iba’t ibang puta-heng ihahain ko.

Tila ang unang pagkikita ay pakapa-kapa, pasuruy-suroy, pal-inga-linga, padamput-dampot at patanung-tanong. Hindi pa natitiyak kung anong akmang pagkain ang lulutuin para sa akmang kagustugan at pangangailangan. Hindi matiyak kung ang lahat ng mga bunga sa loob ng bakuran ay maaari nang mapakinabangan upang maisama sa gagawing pagluluto. Kung magkakagayon man, mainam na isa-isahin at uri-uriin at kandiliin na maging malusog na halaman. Makadaragdag ito sa masarap at hindi makakalimutang linamnam na hahanap-hanapin kailan man. Akma ito sa winika ni Albert Einstein, ”ang taong gutom ay hindi magiging magiging mahusay na tagapayo sa pulitka.” Kaya’t dapat mabusog ang mga mag-aaral ng karunungan upang maging produktibong mamamayan ng bayan. Naging maayos at tama ang analohiya ko sa pagkain at pagluluto ng aking karanasan sa aking klase. Natikman ko na at maging ng aking mga mag-aaral ang aming pinagsama-samang sangkap. Akmang -akmang ang asignatura ay paglalapat na ang kultura ay koleksyon ng gawi, pananaw, tradisyon at iba pa. Na sa kabila ng pagkakaiba-iba ay mayroong pagkakaisa. Sapagkat ang lahat ay mayroong kultura at wika na magiging tagpuan sa myutwal na unawaan ng lahat. Nakatutuwang makita ang mga

mag-aaral na naipapamalas ang kanilang kaalaman na hinugot sa sarili nilang pagkakakilanlan. Naisusulong ang prinsipyong kasabay ng kasiyahan at pagbabahagi ng mga karanasan ang pagkatuto. Tunay na hindi nalalayong mailapat ang mga konsepto at teorya na napulot sa apat na sulok ng silid-aralan ay madala sa reyalidad; sa laboratoryo ng buhay. Ito ay angkla sa misyon at bisyon ng transpormatibong edukasyon bilang pangunahing itinataguyod ng ating minamahal na unibersidad. Maigting kong napatunayan na sangkap ang kooperativ, koloborativ at inter-aktiv na pagdulog bilang napakabisang salalayan sa ugnayang personal at intelektuwal ng guro’t mag-aaral. Ang mga pangkatang gawain tulad ng tsubibo ng kaalaman, pira-pirasong papel sa pagbuo ng kongkretong konsepto, bukas-sara, roleta at sinturon ng karunungan. Maging ang paggamit ng hudyat ng kamay at pagpapakita ng mga aktwal na gamit pangkalinangan at karunungang bayan ay dagdag upang maging mabisa, kasiya-siya at katangi-tangi ang pag-aaral, pagkatuto at pagtuturo. Abot-kamay lamang natin ang mayayamang sangkap na isasahog sa ihahandang pagkain. Hitik na hitik tayo sa iba’t ibang batis na magiging sanggunian sa pagpapalawak ng pag-aaral. Likas na sa ating lahi ang mayamang

Putaheng WIKAKUL na Pinasarap ng Iba’t Ibang Sangkap ni Voltaire M. Villanueva

Alinaya 7

SALOOBIN

ni Amanda Fernandez DUMAYO noong Marso 18 hang-gang 22 patungong Ilocos ang mga estudyante ng kursong AB Philip-pines Studies (PHM) para sa isang field work. Kaugnay ito ng kanilang klaseng Ang Turismo at Midya sa Kultura at Lipunang Pilipino (FILTURS). Kasama sa nasabing paglalakbay ang mga pakultad ng Departa-mento ng Filipino na sina John Enrico Torralba at Rowie Madula. Maraming natutuhan ang mga estudyante habang dumadayo sa iba’t ibang lugar sa Ilocos. Una nilang pinuntahan ang lungsod ng Vigan, kung saan nakita nila sa pamamagitan ng mga lumang bahay ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Isa sa mga lugar na pinun-tahan nila sa Vigan ay ang Mansion Syquia, kung saan ipinakita ang pamumuhay ng mga elitistang Pilipino noong panahon ng Kas-tila. Pagkaraan ng Vi-gan, dumayo naman ang mga estudyante at pakultad sa Baluarte Zoo, kung saan nakita nila ang ilang mga hayop tulad ng mga ibon, kabayo at kambing. Pinuntahan rin nila ang Bantay Bell Tower bago sila tu-mungo ng Laoag City. Sa lungsod ng Laoag, pinun-tahan nila ang pagawaan ng asin. Marami ang namangha sa proseso ng paggawa ng asin. Sunod na pinuntahan nila ang sikat na Cape Bojeador kung saan natanaw ng bawat isa ang tanawin mula sa itaas. Di pa nagtatapos ang araw ay

nagtungo na ang grupo sa lungsod ng Pagudpud kung saan makikita ang Bangui Wind Farm, Kabigan Falls at Blue Lagoon. Lubos na ipinakita ng mga lugar na ito ang tunay na kaya-manan ng kalikasan na taglay ng Pilipinas. Sa huling araw ng pagla-lakbay, pinuntahan nila Marcos Resi-

dence kung saan makikita pa rin ang labi ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Ngunit sa anumang paglalakbay na isinasagawa ng mga Pilipino, di maw-awala ang pamimili ng mga pasalubong. Kaya namili pa ang bawat isa ng mga pasalubong sa isang malapit na pamilihan doon. At pag-tapos ng pamimili, sunod naman nilang pinuntahan ang Sand Dunes upang makaranas na makasakay sa

4x4 na sasakyan. Tunay na naging makabuluhan ang FIL-TURS dahil sa pagbibi-gay nito ng mahaha-lagang karanasan at kaalaman sa mga estud-yante. Bukod sa kasiya-hang dulot ng kanilang paglalakbay, nakapagbi-

gay ito ng pagkakataon sa kanila upang tuklasin at maunawaan ang taglay kul-tura ng mga Pilipino. Ayon nga sa tour guide sa nasabing paglalakbay, “Bago ka bumisita sa ibang bansa, bisitahin mo muna ang iyong sariling lugar [Pilipinas].”

Sa palagay ng mga estudyante ng FILTURS, kahit papaano ay nasimu-lan na nila ang sinabing ito ng kanilang tour guide.

Mga Estudyante ng PHM, Tinuklas ang Ilocos

“Bago ka bumisita sa ibang bansa, bisitahin mo muna ang

iyong sariling lugar [Pilipinas].”

Lathalain

8 Alinaya

Sapagkat maraming Pilipino sa kasalukuyang panahon ang tinataguriang EMO, kaya ito sa palagay ko ang dapat na mag-ing Salita ng Taon. Madaling makikilala kung sino ang mga EMO— malulung-kot na kulay ng pananamit, madalas na kulay itim, konting pula at puti, kadalasan may dis-enyong walang tiyak na anyo ngunit sadyang nagpapahiwatig ng panimdim, mahabang buhok na halos matakpan ang kalahat-ing bahagi ng mukha, paggamit ng eyeliner, at madalas na nasa isang madilim na lugar. Matinding kalungkutan, pighati, at pagdaramdam ang dahilan ng kanilang pagiging ganito. Kung a n g i b a n g t a o ’ y p i l i t kinakalimutan o iniiwan ang matinding kalungkutan, ang mga EMO gustong-gusto maglunoy rito. Parang laging gusto nilang magtago. May mga EMO ring sinasaktan o sinusugatan ang kanilang sarili. At may mga EMO rin na ipinapabatid sa buong madla na nais nilang kitilin ang kanilang buhay, kaya minsan ay kilala rin sila bilang suicidal. Di ba nakakabahalang makakita ng mga taong may ganitong panlabas na anyo o kumausap ng taong nababalot ng lungkot? Ang EMO ay pinaikling salita na nagmula sa salitang Ingles na emotional. Nagsimulang gamitin ang salitang EMO noon pang 1980’s nang mauso ang mga bandang punk-rock. Ang isang tao ay emotional kung madaling maapektuhan o maantig ang kanyang damdamin. At tulad ng mga EMO, ang emosyon ang

pangunahing nagpapatakbo ng kanilang buhay. Ito lamang ang kanilang pinaiiral. Ang punk-rock ay kombinasyon ng musikang melodic at eksperimental na kadalasan ay may hardcore variety. Sa pagtagal ng panahon, itinuring na itong higit pa sa isang uri ng musika—naging isang uri na rin ito ng pag-iisip na maaaring ilantad sa pisikal o emosyonal na paraan na sadyang nakabibighani ng damdamin. Mangilan sa mga bandang kiniki-lala sa mga awiting EMO na sikat sa Pilipinas ay ang My Chemical Ro-mance, Fallout Boy, Paramore, at ang mga Pinoy na bandang Typecast, Cueshe, 6 cycle mind at Chicosci. Bakas sa mga kanta ang kalungkutan o pag-iisa tulad na lamang ng “Scars of a Failing Heart” ng Typecast na may linyang: Emptiness of words that you've said, scars in my heart that you left, now I'm close to dying. Broken glass cut me to sleep, wounds are dissected so deep, I don't want to wake up, I need this blood to warm my hands, at ng kantang, “I” ng 6 cycle mind na may linyang: At ngayong wala ka na, hindi alam kung saan magsisimula. Ang ngayon, bukas, kailan man nag-iba. Wala bang bukas. May ilang kahulugan na maaaring maging konotasyon ng salitang EMO. Nabigyan ng ibang pagpa-pakahulugan ng mga Pilipino ang salitang EMO. Para sa mga Pilipino, EMO ang taong wari’y may sariling mundo o kaya mahilig mag-isa. EMO ang taong mahihilig sa “senti” o malulungkot na awit. Kung minsan, EMO din ang taong OA o over-acting sa isang sitwasyon. Madalas, ginagamit din ang EMO bilang isang biro o pang-asar. Maging sa Youtube ay laganap na rin

ang ekspresiyon ng pagka-EMO ng kabataang Pilipino. Narito ang ilang mga pagkakataon na kung saan ay ginamit ang salitang EMO: N a n g u n g u n a a y s a Facebook, Friendster, at iba’t ibang mga blogs na kung saan ay malayang naipapahiwatig ang mga opinyon at saloobin. Ito ang ilan sa mga pahayag na aking nakuha – Wag mo icheck profile niya, mamaya EMO ka na naman?; EMO ba ako? Ito kasing buhok ko, EMO raw sabi ng marami dyan; Dahil doon, ako'y isa nang manhid, kabiguang makailang-ulit. Emo-emohan. Ganito kasi talaga ako..; im not emo pagdating sa style. Pero true mahilig ako magemote kasi dun ko lang nalalabas probs ko. Maging sa politika ay may tinatawag na ring ‘EMO-politics’ at isa sa mga ito ay ang patok na ‘I am sorry’ ng dating Presidenteng Gloria Macapagal-Arroyo nang inamin kaniyang t i n a w a g a n a n g i s a n g COMELEC official hinggil sa botohan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Sumu-nod naman dito ay ang mensahe ni Susan Roces, ang asawa ng yumaong actor at presidential candidate na si Fernando Poe, Jr. na may pasagot na linyang: “Shame on Mrs. Arroyo, you stole the presidency, not once, but twice!” Pagkatapos nito ay nag-umpisa na ang mga protesta – ang pinakamalaki diumano ay habang isinasagawa ang SONA ni Arroyo. Halu-halong emo-syon ang naramdaman ng buong (Sundan sa pahina 11)

EMO ni Anna Marielle B. Dy

Alinaya 9

Lathalain

ni John Enrico C. Torralba I. Ang sinaunang pag-ibig ay nagsimula sa tubig; Sinapupunan ng tapat na gunita’t panaginip: Hinehele ng taklobo ang mga buhangi’t dukha, Itinatago sa dibdib hanggang isilang na mutya. Kung may nagbabantang unos, balanggot ay yumayakap Sa mga ligaw na binti upang puso’y mapanatag. Para sa mga taliptip, walang saysay ang panahon Kaya’t ang pagliyag nila ay malalalim na muhon. Lagi namang inaampon ng mga bakawa’t tangrib, Ang mga kiming daliri o mapaglarong kaliskis. Kapag may pangungulila ang mga tiyang nanimdim Alumahan at apahap ay handang makipagpiging. Oo, sa tubig nagmula ang sinaunang pag-ibig Ngunit dito rin ginising ang panibugho’t pasakit. Sa tuwing may nauukit na tarundon o bakood, Lubos ang poot ng ulan at bagyong pinayayapos. Sa tuwing nahuhumaling magsipagtayo ng baklad, Bumibisita ang alon upang manurot, mambaklas. Pag naakit sa gubat, hanap-hanap ay alamid, Nagsisitago ang dunsol at mag-iiwan ng tinik. Pag nasasanay tumanaw sa liwanag ng parola, Tatahimik ang sirena at mahihilam ang mata. Kung mag-iiwan ng bakas sa pagtanaw sa pasigan, Lalanggasin ang anumang pagliyag ng talampakan. II. Tanggap na ng bundok ang kanyang tungkulin; Sa agham ng tao, siya ay alipin. Lumang atas iyon na mula sa langit: Sa bagong nilalang, huwag magkakait. Nayag s’yang tungkabin ang kanyang taluktok, Patagin ang burol at lahat ng sulok.

Inakala niyang nangarap ang taong Muling makausap, may likha ng mundo. Nang tibagin naman ang kanyang katawan At ginawang bato’t panambak sa parang, Nakaramdam siya ng pagmamalaki: Kanyang mga amo’y nais s’yang katabi. Lalo pang sumidhi ang tuwa at galak Nang siya’y gawaran ng ngalan at tawag; Adobe, aspalto, graba, marmol, tisa... Naisip niyang ginawan s’ya ng tula. Kaya nang pinuhin siya nang pinuhin At pinabayaang tangayin ng hangin, Di man lang sumilip ang takot sa dibdib; Kahit na lagalag, siya’y magbabalik. Magbabalik siyang parte ng hininga. Magbabalik siya’t pupuwing sa mata, Himbing na alabok sa mga tahanan O kaya ay libag sa mga katawan. Ang mga tulang ito ni John Enrico C. Torralba na nagwagi ng Pangalawang Gantimpala sa Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2010 na itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Mga Elemental na Pag-ibig Panitikan

10 Alinaya

III Ang lahat ay hahayaang buhay sa loob ng pader. Sa mga lumuting guwang maaari kang sumuling; Sumiksik sa singit-singit lalo’t walang handang piging Ang lahat ng namumuno, kaya walang magmamatyag Sa ‘yo, kaibigang Quiroga. Ito ang tamang paglantad. Ito dapat ang panahong mangumpisal ka nang hayag Sa mga kinamuhiang kalakaran ng estado. Ano ang malay mo, bukas, si Quirogang konsulado Na ang ibansag sa iyo ng padreng kinompromiso Para lang mahuling buhay ang kaibigan mong Simoun. At kung masakote na nga’t mahatulang abang pulmo’y Pupulbusin sa garote, di ba’t ito ang panahong Pinapangarap mo t’wina, Quiroga? Ikaw na mahal Kung tumuring sa pautang, gaya ng sa kaibigang Mahal kung makapadrino sa ‘yong inaasam-asam? Ang lahat ay hahayaang buhay sa loob ng pader. At maimbita ka lamang sa maliitan mang piging, Payo ko, lahat ng utang—kwarta o buhay—burahin. At manumpa ka sa padre, na lubha kang nagsisisi Sa pagkampi’t pagkakanlong sa pusakal na ereheng Nagpahamak sa plano mo. Huwag ka nang jele-jele. Kailangan mo ng bilis para hindi umagahin, At baka nga may mangyaring wala sa iyong hiniling. Gaya kung mapatunayang ang susulingan mong pader Ay malaong kondenadong haligi’t moog na asin. Si Joselito delos Reyes ay nag-aaral ng M.A. Araling Filipino sa DLSU-M.

ni Joselito delos Reyes I Ang bumalik at tumugis sa liko-liko’t makiwal Na kinagisnang landasin ay singhirap ng pagbuhay Sa kinahantungang abo. Mula antigong senisal, Susubok ang sambalikat bumuhat sa mutyang bayan Palayo sa kaba, hapis, poot, at labis na lumbay. Ito ang kanyang naiwan: dati ring lansa at galas. Bulaan si Herakletus. Kaytagal nang siniyasat Ang biyas ng lilong ilog, ngunit sa huli’y nabunyag Na sadyang walang nag-adyang mahabaging San Nicolas, At iyong buwayang bato’t Jeronima’y magkabiyak, Ang sumalubong sa kanya’y ang kinalakhang pilapil. Suwail na puting tubig, hanging higit na suwail. Sa ilog, naisip niya, dadaloy muli ang lihim— Takot na reberendong nagkukubli sa dilim— Makababa lamang siya sa bapor Tabong ulyanin. II Sino ang mag-aakalang pakikitiring singkitid Ng basal na guni-guni ang mundong nabibilibid Ngayon ng mga dyaristang may kaliwa’t kanang sukbit Na ID, at nangangako ng mabulas na press release? Ramdam ni Ben Zayb ang bukas: ramdam niya ang kilatis Ng saserdoteng kasangkot, saklot ng libog sa hugis Ng mga birheng inindyo, inimpyerno at binuntis Kung di ma’y nagpatiwakal matakasan lang ang lintik; Ramdam ni Ben Zayb ang bukas ng depotadong humidhid Sa barya’t kapangyarihan, sa walang hanggang pagpisik Ng papuring dulot niya, ng kanyang pahina’t titig. Oo, nasilip ni Ben Zayb ang kinabukasang sibsib Sa porma’t hitsurang dala ng mataginting na tinig. Siyang walang atubili at bihirang mangaligkig Sa mga tinipang sindak na estranghero sa dibdib. Ngunit mortal pa rin siya dahil minsa’y naliliglig Ng pagkalito, gaya no’ng may Ehipsiyong sinilip Sa Quiapo, isang gabing nanlalambot kapapawis Ang delegasyong nanood sa alaga ni Mr. Leeds. Mortal siyang nagdaramdam nang hatulang mapapiit Ang artikulong binunso: anak na himbing sa bisig. Malayong-malayo siya sa ngangayuning kapatid, Malayong-malayo ngayon ang Gritong tagapaghatid Ng katotohanang may bayad at siguradong kapalit Kung kailan kailangang pumikit at manahimik, Kung kailan kailangang manghampas at manilamsik.

Kung kailan kailangan Panitikan

Alinaya 11

lipunan ng mga panahong ito. Ayon sa aking napanood, mas laganap daw ang EMO bilang isang statement o kalagayang pang-emosyunal sa mahihirap na tao. Isa sa mga pangunahing dahilan ay dahil sa sila ang madalas makaranas ng diskriminasyon sa maraming bagay, kaya maging ang kanilang kilos o galaw ay naapektuhan. Humihiwalay sila at sinisikap na maging iba sa karamihan. Nais nilang mapansin. Sa katotohanan naman kasi, masarap ang pakiramdam na maging isang bida. Kung kaya, sa k a n i l a n g p a g i g i n g E M O , nagkakaroon sila ng empowerment, nagiging bida sila sa kanilang sarili.

Isa ka bang EMO? Kung ikaw ay EMO, tiyak na may sarili kang mundo. At gusto mong ang buong lipunan ay kinaaawaan o kung di kaya’y sinusubaybayan ka. Parang i sang t e lese rye , habang humahaba ay nadaragdagan ang pagdurusa, ang kalungkutan, ang paghahangad sa isang lipunang patas at kumakalinga sa lahat, mayaman man o mahirap. Ang mga EMO ang simbolo kung gaano kalungkot ang maging kabataang Filipino. Kabataan ang madalas na EMO dahil sa katotohanan naman, ang kabataan ang kulang sa maraming bagay—buong pamilya, magandang edukasyon, m a a y o s n a l i p u n a n a t oportunidad na magkaroon ng

magandang hanapbuhay at buhay. At sa karanasan natin bilang isang bansa, na dumaan sa lungkot ng mahabang panahon ng pagiging sakop ng malalakas at mayayamang bansa, at ngayong libo-libong Pilipino ang umalis ng bansa at tinitiis ang lungkot ng pag-iisa, masasabing ang buong Pilipinas ay matatawag na EMO. Maglunoy tayo sa ating mga dala-dalang kalungkutan. Si Anna Marielle B. Dy ay isang estudyante ng Pamantasang De La Salle – Maynila. Ang kaniyang lahok na salitang EMO ay isa sa mga finalist para sa SALITA NG TAON 2010 na gaganapin sa Hu-lyo 29-30, 2010 sa U.P. Diliman.

EMO...mula sa pahina 11

AFAP Balik DLSU-M...mula sa pahina 1

mga In-country Director. Mapalad din napili ngayong taon bilang guro ng mga iskolar ang dalawang miyembro ng Fildept na sina Prof. Ramilito Correa at Prof. Evangeline A. Encabo. Ang mga mapalad na iskolar ng AFAP ngayong taon ay sina Karl Christian Alcover (University of Hawai’i-Manoa), William Arighi (University of Washington), Modesto Bala (University of Hawai’i-Manoa), James Binauhan (University of San Francisco), Nikolas Bonifacio (University of Hawaii-Manoa), Lara Capangpangan (University of Wisconsin-Madison), Carmel Laurino (University of Washington), Marites Mendoza (University of Washington), Lesther Papa (University of Hawai’i-Manoa), Marilola Perez (UC Berke-ley), Alisa Ann Cabading Quezon (University of Hawai’i-Manoa), at Heidi Tuason (UC Berkeley).

Isang programang pangwikang imersyon sa isang maikling term para sa advanced level ng Filipino na bi-nubuo ng mga aktibidad sa loob at labas ng klasrum na pumapaksa sa (1) Katutubong-Buhay sa Cavite, (2) Ka-saysayan at Politika, (3) Ekonomiya, Globalisasyon at mga Isyung Pangkapaligiran, (4) Relihiyon at Edukasyon, (5) Sining at Babae, at (6) Kulturang Muslim. Isang highly intensive na kurso na hindi lamang fokus sa mga interak-syong pangklase kundi may pagbibigay-puwang sa iba pang aspekto ng pagtuturo-pagkatuto tulad ng pagtigil ng mga iskolar sa host families, lakbay-aral, pakikinig sa for-mal na lektyur na batay sa tema ng lingguhang liksyon, at engkwentrong informal sa piling sitwasyong pangkomuni-kasyon sa komunidad gaya ng NGOs at iba pang pam-pananaliksik na sentro. Pagkatutong kolaboratibo at kooperatibo ang dulog na ang bawat estudyanteng may iba’t ibang intelehensya ay malayang nakikilahok sa pag-sulong ng kapwa mag-aaral sa iba’t ibang konteksto. Ang AFAP ay isang programang pangwika na pi-nopondohan ng US Department of Education, Fulbright-Hays Group Projects Abroad na isinasagawa sa Pilipinas. Kinikilalang tagapagtaguyod ng programang ito sina Dr. Teresita Ramos at Ruth Elynia Mabanglo ng University of Hawaii-Manoa, at Dr. Teresita F. Fortunato na tumatayong

Tomo 3 Bilang 1

Ang AFAP Scholars kasama ang kanilang mga guro, Prof. Encabo at Prof Correa, at sina Dr. Fortunato, Dr. Ramos, Dr. Mabanglo at Dr. Torreliza.

ing masaya, maging tanyag, maging bata, makinis at kaakit-akit. Gamit ng media ang wika sa pa-ghahatid ng mga impormasyon. Si-yasatin natin ang wikang ginagamit sa media partikular sa mga patalastas. Binigyang tuon ko ang patalasatas sapagkat naniniwala ako na isa ito sa may malaking impluwensya sa na-kakararami. Bukod pa rito, ito ang madalas na bumubulaga habang ka-sarapang hinihintay ng mga manonood ang mangyayari sa sinusundan na palabas.

balita sa telebisyon ang patayan, pang-gagahasa, iskandalo, pagpapasabog ng bomba atbp. Bibihira tayong makarinig ng mga kaaya-ayang balita sa ating bansa at maging sa ibayong dagat. Napaniniwala rin tayo ng media na ang tanging susi ng kaligayahan ay sa pamamagitan ng kamal-kamal na salapi at material na bagay. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng iba't ibang produkto sa mga patalastas na nagpaparamdam na may kakulangan pa sa atin upang mag-

ng mga kilala at baguhang manunulat na Pilipino. Ang dalawang nabanggit na aklat ay ilulunsad kasabay ng Centennial Cele-bration ng Pamantasan sa 2011. E-Book Sa pamamagitan din ng The Academic Publication Office ng Pamantasang De La Salle – Maynila at ng Vibal Foundation, inila-bas sa E-book ang isang pag-aaral na isina-gawa ni Dr. Rhodercik Nuncio na may pamagat na “Pagsanghiyang sa Internet.” Ayon kay Dr. Nuncio, “kahit na 2004 ang datos ng sarbey at interbiyu, talab pa rin sa kasalukuyang panahon ang kabuluhan ng pag-aaral. Ito marahil ang kauna-unahang komprehensibong pag-aaral sa internet na nakalimbag sa Filipino at gumamit ng sipat-Filipino.”

Wika at iba pa...mula sa 4

Your business tag line here.

Alinaya 13

Ani ng Departamento ng Filipino...mula sa pahina 14

Maaaring hindi ko alam kung may ginawa nang sarbey ang departamento ninyo tungkol sa kung ilan nang unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas ang regular na nag-daraos ng propesoryal na lektyur sa Fili-pino. Sa aming panahon (di ko isinama si Dr. Fortunato dahil narito pa siya) , ang alam kong nagdaraos nang may pag-mamalaki ng mga propesoryal na lektyur ay ang mga departamento ng Filipino sa U.P, PNU, Ateneo at De La Salle. Nadag-dagan na ba ang ganitong mapagpala-wak at mapagpalalim na gawain sa akad-emya? May nagkakaisang pagsisikap ba ang mga departamento sa Filipino at ang kaugnay na mga samahang pangwika/pang-edukasyon na makakuha ng higit na maraming tagapagtaguyod para mabigy-ang-pagkakataon sa karangalang ito ang mga hinog-nang mga propesor sa Fili-pino? Sa mga unibersidad sa ibang bansa at sa mga departamento ng ibang disiplina sa akademya natin, tradisyon na ang pagdaraos ng propesoryal na lektyur. Siguro naman, panahon na para maging tradisyon din ito sa ating disiplina sa lalong maraming unibersidad at kolehiyo sa ating bansa. Isa pa itong paraan para masukat ang kahalagahan ng Filipino sa kurikulum ng mga paaralan at sa iba pang sektor ng ating lipunan, gayundin nang makabahagi tayo sa pagdiriwang ng pag-kaunawa sa tagumpay na maidudulot nito.

Utang na loob ko sa lektyurer- propesoryal ngayong hapon ang karan-galang mabigyan ako ng pagkakataong maging pambungad na tinig sa progra-mang ito. Masaya rin para sa akin ang makarayama ang mga dating kasama sa De La Salle-Manila, pati ang maging pamilyar sa mga kabataang propesor na parang punong kakawate na habang tumatagal ay lalong nagiging matibay na haligi ng wikang Filipino. Ano pa ba ang maidaradag ko kundi sabihing MABU-HAY KAYO? At tungkol sa paksa ng propesoryal na lektyur ngayong hapon, ang masa-sabi ko’y sinabi na ng marami: maha-laga ang kultura sa pagtuturo (ng guro) at pagkatuto (ng estudyante) ng pan-galawang wika. Ang wika’y parang isang bus na kung walang mga pasahero ay walang mga mensaheng maihahatid sa patutunguhan. Ang mga pasahero ay ang mga letra at salitang mekanikal na mga kasangkapan lamang na kailan-gang “hinangan” ng tao at lipunang iniiralan nito upang magkaroon ng kahu-lugan. At ano ang hinang na ito kundi ang pananaw, kaugalian, asal, balyus at mga kongkretong nagawa ng tao sa kinabuhayan niyang partikular na lugar sa isang sukat na panahon. Ang ka-buuan ng mga iyan ang tinatawag na kultura. Nang turuan tayo ng Ingles ng mga Amerikano, dinagsa tayo ng kanilang

pananaw, ugali, asal, balyus at mga kongkre-tong repleksiyon ng kanilang kabihasnan. At dahil sa ang wikang iyan ang malawak na pinag-aaralan at minimithi sa mundong kuba-baw ng globalisasyon ngayon, iisang direksi-yon lamang ang agos, papasok, hinahadlan-gan ang papalabas namang agos ng ating kultura. Naiintindihan natin sila, ngunit hindi naman nila tayo naiintindihan. Isang batang nalulunod tayo; sila’y isang mama na na-kalutang. Iyan ang naging panganib ng pag-katuto natin ng pangalawang wika. Ngayon, nagtuturo naman tayo ng Ingles sa mga “forenero” na inaakit naman natin sa programang “education tourism”. Atin namang baligtarin ang agos—isakay natin sa pagtu-turo ng Ingles at ng ating mga wika ang kultura natin nang maintindihan naman tayo ng mga Koreano, Hapones at iba pang nasyonal. Iyan ang ating kontribusyon sa pagkakaunawan sa mundong ito na dinadaluyong ng terorismo at etnikong tunggalian. Hangad ko ngayong hapon ang lalong mali-naw na pagtalakay ng ating propesoryal na lektyurer sa kanyang paksang “Pasumalang Pagsanib ng Kultura sa Pagtuturo at Pag-katuto ng Pangalawang Wika”. Tiwala akong sa kredensiyal at karanasang pang-akademiko ng tagapanayam, minsan pa niyang kokoronahan ng karangalan ang Wikang Fili-pino. Salamat po.

Ang wika’y parang isang bus.—Efren R. Abueg

Pambungad na pananalita ni Dr. Efren R. Abueg sa Propesoryal Lektyur ni Dr. Josefina C. Mangahis noong Abril 16, 2010.

wang Wika.” Nagbigay rin ng panayam si Dr. Dolores R. Taylan kaugnay ng kaniyang Panayam Propesoryal Go Kim Pah sa Malalayang Sining noong Mayo 14, 2010. “Ang Himag-sik ng Babae sa Nobelang Huling Himagsik ni Buenaventura S. Medina Jr.” ang naging pamagat ng kaniyang isinagawang pag-susuri ng nobela. Seryeng Panayam Nagbigay rin ng lektyur ang mga fakulti kaugnay ng Seryeng Panayam Br. Andrew Gonzalez, FSC. Sa nakaraang taon, ipinangalan kay Bro. Andrew Gonzalez, FSC ang Seryeng Panayam dahil sa kaniyang mayamang ambag sa Araling Filipino bilang kinikila-lang lingguwista, manunulat, edukador ng bansa at bilang isang De La Salle Brother. Kaugnay nito, nagbigay ng panayam sina Dr. Lakangiting C. Garcia (“Sobra! Grabe! Walang!: Mga Pananaw sa Pag-gamit ng Wikang Filipino sa Ngayon,” Oktu-bre 16, 2009), Dr. Rhoderick V. Nuncio (“Kritika/Kultura/Popular: Ang Kulturang Popular ng Kritika at ang Kritika ng Kul-turang Popular,” Nobyembre 27, 2009), Dr. Dexter B. Cayanes (“Dalumat ng Tawid-Diwa: Ang Konteksto ng Specific Time Continum sa Diwang Makabayan,” No-byembre 27, 2009), Prof. Rowell D. Madula (Ka Laya: Rampadora Ang Tala ng Pa-grampa mula sa Lansangan Tungo sa Kanayunan,”Disyembre 9, 2009), at Ge-naro R. Gojo Cruz (“Ang Awit Bilang Mujon at ang Lansangan Bilang Tanghalan: Ang Naratibo ng mga Awiting-Lansangan ng mga Batang Taga-Muzon,” Pebrero 19, 2010). Riserts Nalathala naman sa MALAY, isang in-ternasyonal na journal sa Filipino ng DLSU-M, ang mga pananaliksik nina Dr. Raquel Sison-Buban (Si Crazy Mary sa Filipino: Pagtatagpo ng mga Wika at Konteksto), Dr. Feorillo Petronillo A. Demeterio III (Mga Anyo at Antas ng Pag-asa na Nakapaloob sa mga Diskurso ng Kilusang El Shaddai), a t P r o f . R o w e l l D . M a d u l a

Kasabay nito, nakamit naman ni John Enrico C. Torralba ang Pangala-wang Gantimpala sa Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2010 para kaniyang tulang “Mga Elemental na Pag-ibig.” Mapalad ding nasungkit ni Joselito D. Delos Reyes ang Pangalawang Karangalang-banggit para sa kaniyang tulang “Kung Kailan Kailangan.” Si G. Delos Reyes ay estudyante ng MA Phil-ippine Studies. Itinanghal naman bilang Makata ng Taon 2010 si David Michael M. San Juan para sa kaniyang tulang “Ang Tu-tulain Kong Harana: Sanlibo’t Isang Pahina ng Istorya’t Historya ng Sintang Bayan Kong Luzviminda.” Si G. San Juan ay isa sa mga bagong fakulti ng Fildept. Profesoryal Lektyur Matumpay ring naisagawa ang iba’t ibang profesoryal lektyur ng mga fakulti ng Fildept. Noong Marso 26, 2010, nagbigay si Dr. Feorillo A. Demeterio III ng kaniyang Pasinayang Panayam Propesoryal Don Francisco Ortigas, Sr. sa Araling Pili-pino. Ang kaniyang isinagawang pag-aaral ay may pamagat na “Ang Demok-ratikong Sistema at Ang Mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas.” Noong Marso 30, 2010, isinagawa ni Dr. Rhoderick V. Nuncio ang kaniyang Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino. Ang kaniyang pananaliksik ay may pamagat na “PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika.” Kaugnay ng Pasinayang Panayam Propesoryal Angel & Celerino Reyes sa Humanidades, nagbigay si Dr. Josefina C. Mangahis ng panayam noong Abril 16, 2010, na dinaluhan nina Dr. Efren Abueg na nagbigay ng pambungad na pananalita at Dr. Teresita F. Fortunato bilang reactor naman. Ang pag-aaral ni Dr. Mangahis ay may pamagat na “Pasumalang Pagsanib ng Kultura sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Pangala-

(www.ang_espasyong_bakla_sa_cyberspace.com Isang Pagsusuri ng Diskurso ng Usapang Bakla sa mga Chatroom). Si Prof. Madula rin ang tumatayong Tagapamahalang Editor ng MALAY. Matagumpay ring natapos ni Dr. Fanny Garcia ang kaniyang URCO Re-search Project. Ang kaniyang pananaliksik ay may pamagat na “Pamilya: Sa mga Kuko ng Misgrasyon/Disintegrasyon.” Pokus ng pananaliksik ang isang pamilya. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nabigyan ng kaniya-kaniyang tinig/espasyo ang bawat miyembro ng pamilya sa pamam-agitan ng anyong naratibo upang mas lubos nilang maipahayag ang kanilang mga saloobin. Sa paniniwala ni Dr. Garcia, kailangang damhin ang puso’t pulso ng isang sangkot/biktimang pa-milyang Pilipino dahil patuloy ang pag-dami nila taon-taon. Publikasyon Nakatakda namang ilathala ng Pamantasang De La Salle – Maynila sa pamamagitan ng The Academic Publi-cation Office (APO) ang dalawang aklat ukol sa malikhaing pagsulat. Ang mga ito ay ang “Lasang Lassalian” na pina-matnugutan ni Dr. Raquel Sison-Buban. Ang aklat ay kalipunan ng mga maikling kuwento, tula, at sanaysay tungkol sa mga pagkain sa loob at labas ng pamantasan. At ang “Dadaanin” na pinamatnugutan ni Prof. Ernesto V. Carandang ay kalipunan ng 100 flash fiction na isinulat (Sundan sa pahina 12)

Ani ng Departamento ng Filipino...mula sa pahina 1

14 Alinaya

Si Dr. Josefina M. Mangahis habang nag-bibigay ng kaniyang panayam noong Abril 16, 2010.