24
SA MGA KINAUUKULAN [ TO WHOM IT MAY CONCERN ] NOTE : ITO PO AY ISA LAMANG BALANGKAS [ FRAMEWORK ]NG BAWAT MGA MODYUL NA MAY MGA SUMUSUNOD : - Titulo ng Modyul - LayunIn - Sitwasyon ng Buhay - Salita ng Diyos - Turo ng Simbahan - Pag-uugnay ng Sitwasyon ng Buhay, Salita ng Diyos at Turo ng Simbahan - Mga gamit na kailangang ihanda ANG KUMPLETONG MODYUL NA NAKADETALYE [ MAY ACTIVITIES , AWIT, PANALANGIN AT KATEKESIS ] NA NAKALAGAY SA CD OR DVD AY IBIBIGAY NG MGA TEAM LEADERS SA ORIENTATION NILA SA MGA VICARIATES SA APRIL 6. SANA PO AY MAKA-ATTEND KAYO DITO . NARITO PO ANG VENUE NG BAWAT ORIENTATION VICARIATE DATE VENUE Our Lady of the Abandoned April 6, 2018 @ 2:00PM Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned Parish San Matin De Porres April 6, 2018 @ 8:30 AM Mary Help of Christians Parish Santa Rita De Casia April 6, 2018 @ 9:00 AM Sta Rita de Casia Parish Holy Family April 6, 2018 @ 8:00 AM Mary Immaculate Parish San Antonio April 6, 2018 @ 2:00 PM Our Lady of Peace Parish Saint Joseph April 6, 2018 @ 9:00 Good Shepherd Parish

MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

  • Upload
    others

  • View
    33

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

SA MGA KINAUUKULAN [ TO WHOM IT MAY CONCERN ]

NOTE : ITO PO AY ISA LAMANG BALANGKAS [ FRAMEWORK ]NG BAWAT MGA MODYUL NA MAY MGA SUMUSUNOD :

- Titulo ng Modyul- LayunIn- Sitwasyon ng Buhay- Salita ng Diyos- Turo ng Simbahan - Pag-uugnay ng Sitwasyon ng Buhay, Salita ng Diyos at Turo ng

Simbahan- Mga gamit na kailangang ihanda

ANG KUMPLETONG MODYUL NA NAKADETALYE [ MAY ACTIVITIES , AWIT, PANALANGIN AT KATEKESIS ] NA NAKALAGAY SA CD OR DVD AY IBIBIGAY NG MGA TEAM LEADERS SA ORIENTATION NILA SA MGA VICARIATES SA APRIL 6.

SANA PO AY MAKA-ATTEND KAYO DITO . NARITO PO ANG VENUE NG BAWAT ORIENTATION

VICARIATE DATE VENUEOur Lady of the Abandoned April 6, 2018 @ 2:00PM Diocesan Shrine of Our Lady

of the Abandoned ParishSan Matin De Porres April 6, 2018 @ 8:30 AM Mary Help of Christians

ParishSanta Rita De Casia April 6, 2018 @ 9:00 AM Sta Rita de Casia ParishHoly Family April 6, 2018 @ 8:00 AM Mary Immaculate ParishSan Antonio April 6, 2018 @ 2:00 PM Our Lady of Peace ParishSaint Joseph April 6, 2018 @ 9:00 AM Good Shepherd Parish

MARAMING SALAMAT PO !

CATECHISTS DIOCESE OF PARAÑAQUE CATECHETICAL MINISTRY

Page 2: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

NILALAMAN

MODYUL 1 Mga Pari at Taong Konsagrado, KALAKBAY, KAAKBAY, at KAAGAPAY natin !

MODYUL 2Ako , Ikaw , Tayo ay bahagi ng Sambayanan ng Diyos, ang Simbahan ! [Simbahan- isang komunidad na binubuo ng pari, madre at layko]

MODYUL 3Una at Kasalukuyang Santo Papa, kilalanin natin sila![ Santo Papa : kumakatawan kay Kristo at kahalili ni Pedro ]

MODYUL 4Obispo Jesse Mercado ... Ama, Guro at Pastol natin. [ Mga Obispo : Kahalili ng mga Apostol ]

MODYUL 5Paglaki ko , gusto kong maging ____________ .[ Iba’t ibang uri ng bokasyon , pagiging pari, pag-aawawa, single blessedness ]

MODYUL 6Mga Pari at Taong Konsagrado LODI po namin kayo! [PARI : Tinawag.... Tumugon upang maglingkod]

MODYUL 7Salamat po Father ![ Pari: Ministro ng mga Sakramento ]

MODYUL 8Mga Pari at Taong Konsagrado, KALAKBAY po namin kayo ![ Mga Pari at Taong Konsagrado, kalakbay ng mga munting kaibigan ni Jesus ]

MODYUL 9Mga Pari at Taong Konsagrado , KAAKBAY po namin kayo ! [ Mga Pari at Taong Konsagrado, kaakbay ng mga munting kaibigan ni Jesus ]

MODYUL 10Mga Pari at Taong Konsagrado , KAAGAPAY po namin kayo! [ Mga Pari at Taong Konsagrado, kaagapay ng mga munting kaibigan ni Jesus ]

MODYUL 11Maria , Ina at Huwaran ng mga Tagapaglingkod sa Simbahan

MODYUL 12Kami’y mga munting kaibigan ni Jesus... sa Ama lamang patungo.[ SIMBAHAN : Sa pamumuno ng Pari , sama-samang naglalakbay tungo sa buhay na walang hangan ]

2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

Page 3: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

MODYUL 1Mga Pari at Taong Konsagrado, KALAKBAY, KAAKBAY, at KAAGAPAY natin !

Ipapaliwanag kung bakit PAA ang simbolo na ginamit sa kanilang NAME TAGS

1) Simbolo ng Paglilingkod [ Servant – Leadership ]

SALITA NG DIYOS : Roma 10 : 15

English : And how shall they preach, except they be sent? As it is written, “How beautiful are the feet of them that preach the Gospel”

Tagalog : At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya sinugo? At gaya nga ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ng pagdating ng mga nagdadala ng Mabuting Balita.”

2) Katangian ng isang Tagapaglingkod : Mapagkumbaba [ Humble ]

SALITA NG DIYOS : Juan 13 : 17 [ Ang paghuhugas ni Jesus ng mga Paa ng mga alagad ]

3 ) Ginagamit ito sa paglalakbay [ kung may gustong puntahan ]

SALITA NG DIYOS : Juan 14 : 6

“Panginoon, hindi po naming alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan ? “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.”

Ipapaliwanag at ituturo ang Kanta na gagamitin bilang Pambungad na Awit sa lahat ng Modyul.

MGA MUNTING KAIBIGAN NI JESUS (By Ms. Anne Marie S. De Chavez) WITH ACTION

Kami’y mga munting kaibigan ni Jesus.Galing dito, galing doon, ngunit sa Ama lamang patungo.Kami’y magkakasama sa aral at laro; nagbabahaginan at nagmamahalan.

IPaggising sa umaga ako’y nagdarasal ; Diyos naming Ama, ako’y tulungang maging mabuting bata saanman magpunta at magbigay papuri sa ‘yo kailan pa man! REPEAT KORO

Page 4: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

IIPagsapit ng gabi, ako’y nagdarasal Diyos naming Ama, maraming salamat sa lahat ng bagay na ‘yong binibigay, lalo na sa pamilya at mga kaibigan .

REPEAT KORO

Ipapaliwanag ang TEMA : Kaparian at mga Taong Konsagrado , KALAKBAY, KAAKBAY, at KAAGAPAY natin !

Page 5: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

Page 6: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 2Ako , Ikaw , Tayo ay bahagi ng Sambayanan ng Diyos, ang Simbahan !

[Simbahan- isang komunidad na binubuo ng pari, madre at layko]

LAYUNIN : Nalalaman na ang Simbahan ay isang komunidad na binubuo ng mga pari, madre at layko. Nakakapagtala ng kongkretong gawain ng pakikipagkaisa para sa Simbahan. Nakakapangako na bilang bahagi ng isang komunidad ay makikiisa sa sama-samang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya upang mapasalamatan at mapapurihan ang Diyos.

SITWASYON NG BUHAY : Para sa ilang mga Katoliko ang “Simbahan” ay walang iba kundi ang gusali kung saan pumupunta ang mga tao para manalangin. Para naman sa iba ang “Simbahan” ay ang mga obispo , pari at mga reliyoso o kaya’y mga samahang pangsimbahan.

SALITA NG DIYOS : 1 Cor. 12: 5-11 “ibat-iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba-iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa niyon…”

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo ng Iglesia Katolika # 751 – 754, 825, 827, 836 ; Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1351 – 1385

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Ang “Iglesia” O Simbahan ay ang bayang tinipon ng Diyos sa buong sanlibutan. Ang ulo ng Simbahan ay si Jesus at tayo naman ang bahagi ng kanyang katawan.

Ang Simbahan ay hindi lamang ang gusali na pinagsisimbahan natin. Ang Simbahan ay hindi lamang ang mga pari at mga madre. Ang Simbahan ay tayong lahat na sumasampalataya kay Kristo at nabinyagan . Kahit siya pa ay iskwater, masamang tao, drug addict, pulubi o mayaman, kapag binyagan ay kabilang sa Simbahan .

Hindi ito isang samahan lamang na kahit sino ay maaring maging kasapi kundi isang malayang pagtawag ng Diyos sa lahat upang makibahagi sa Kanyang banal na kabutihan at pag-ibig sa pamamagitan ni Kristo.

Ako , Ikaw , Tayo ay bahagi ng Sambayanan ng Diyos, ang Simbahan.!

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Mga larawan ng pari, madre, nanay, guro, estudyante atbp Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako , Ikaw, Tayo ay bahagi ng Sambayanan Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

Page 7: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 3Una at Kasalukuyang Santo Papa, kilalanin natin sila!

[ Santo Papa : kumakatawan kay Kristo at kahalili ni Pedro ]

LAYUNIN:Nalalaman na ang Santo Papa ang kumakatawan kay Kristo at kahalili ni Pedro. Nakakapangako ng palagiang pakikinig at pagsunod sa mga aral at turo ng Santo Papa. Nakakapanalangin para sa Santo Papa.

SITWASYON NG BUHAY : Kilala nyo ba kung sino ang ating kauna-unahang Santo Papa ? Kilala nyo ba kung sino ang ating kasalukuyang Santo Papa ? Paano pinipili ang Santo Papa ? Ano ang mga tungkulin ng isang Santo Papa sa Simbahan ?

SALITA NG DIYOS: Mateo 16 : 13-19 “at sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia......”

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo ng Iglesia Katolika # 881 -882 ; Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1407 at # 1409

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Si San Pedro ang kauna-unahan nating Santo Papa. Ipinagkatiwala ni Jesus kay San Pedro angSimbahang Katoliko na Kanyang itinatag. Ang Santo Papa ang kumakatawan kay Jesus dito sa lupa. Siya ay pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko, pinamumunuan niya ang lahat ng bansa sa buong mundo. Siya ang kalakbay, kaakbay at kaagapay ng lahat ng Katoliko sa buong mundo. Ang ating pangkasalukuyang Santo Papa ay Papa Francisco. Siya ang pang 266 na Santo Papa. May mga aklat na isinulat ang Santo Papa upang tayo ay gabayan bilang sambayanan , alamin natin ito at isabuhay natin. At upang matulungan natin ang Santo Papa na maipagpatuloy niya ang kanyang mga gawain, palagi natin siyang ipagdasal , magkaroon nawa siya ng malusog na pangangatawan upang magampananan niya ang napakabigat na tungkuling ibinigay at ipinagkatiwala ni Jesus sa kanya.

MGA GAMIT NA KAILANGANG IHANDA:Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Larawan ng mga Santo Papa , San Pedro, Santo Papa Francisco Kuwento ng buhay ni Papa Francisco Bibliya Kopya ng Pangako para sa Santo Papa Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus

Page 8: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 4Obispo Jesse Mercado ... Ama, Guro at Pastol natin

[ Mga Obispo : Kahalili ng mga Apostol ]

LAYUNIN : Nalalaman na ang mga Obispo ay pinili ng Diyos na maging kahalili ng mga Apostol upang maipagpapatuloy ang Kanyang misyon dito sa lupa. Nakakapagpakita ng paggalang at pagsunod sa ating Obispo. Nakikiisa sa mga pagdiriwang sa Simbahan at nakakapag-alay ng panalangin para sa ating Obispo.

SITWASYON NG BUHAY : Pari din ba ang Obispo ? Bakit iba ang suot niya ? Sino ang Obispo natin dito sa Diyosesis ng Parañaque ?

SALITA NG DIYOS : Mateo 9: 36-38, 10 : 1-8 [ Ang pagpili sa Labindalawang Apostol]

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo ng Iglesia Katolika # 551, # 552 # 861 , #862 , #1559, # 1560 ; Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1410,

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Ang Obispo ay naatasang manungkulan bilang tagapangasiwa ng isang Diyosesis. Ang isang Diyosesis ay binubuo ng iba’t ibang parokya na pinamumunan naman ng isang pari. Sa ating Diyosesis ng Paranaque ang ating Obispo ay si Most. Rev. Jessie Eugenio Mercado, DD.

Ang bawat Obispo, bilang kinatawan ni Kristo ay may pananagutan na ipahayag ang kaharian ng Diyos, magpagaling ng may sakit, magpabanal, at magpatawad ng kasalanan sa pangalan ni Hesus.

Ang mga Obispo, bilang kahalili ng mga apostol ay isang guro at pastol,

Ang ginagampanan ng Obispo ay atas na gawain mula sa Diyos, kaya hindi madali ang kanilang ginagampanan na tungkulin sa Simbahan. Sa pamamagitan ng ating mga panalangin at natutulungan natin sila na magkaroon ng lakas na magampanan ang mga tungkulin na nagmula pa sa mga apostol .

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA:Larawan ng Kasuotan at mga gamit ng Obispo Larawan ni Obispo Jesse MerxadoKopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

Page 9: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

MODYUL 5Paglaki ko , gusto kong maging ____________ .

[ Iba’t ibang uri ng bokasyon , pagiging pari, pag-aawawa, single blessedness ]

LAYUNIN : Nalalaman na ang Bokasyon ay tawag na nagmumula sa Diyos. Nakapagbibigay ng mga gagawin upang mapabuti pa ang paglillingkod sa kapwa. Nakapag-aalay ng panalangin para sa bokasyon.

SALITA NG DIYOS : 1 Samuel 3 [ Ang pagtawag ng Diyos kay Samuel ]

SITWASYON NG BUHAY : Ano ang nais mong maging paglaki mo ?

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1874, # 1939 ; Katesismo ng Iglesia Katolika # 1

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Ang salitang bokasyon ay nangangahulugang ”pagtawag”. At ang personal na pagtawag na ito ay nagmumula sa Diyos . May pangkalahatang pagtawag at mga natatanging pagtawag. Pangkalahatang tawag : Ang bawat tao na nilalang ng Diyos ay tinatawag Niya at tinutulungan upang Siya ay hanapin, kilalanain, at ibigin ng buong lakas. Ang lahat ng Kristiyano , ano man ang kalagayan o uri, ay tinatawag sa kanya-kanyang daan tungo sa kabanalan.

Mga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay pag-iisa

Ang pag-ibig ng walang asawa ay ang bokasyon ng malayang pinili ng mga relihiyoso at relihiyosa , pari at laykong nagpapasya para sa ” banal na buhay – pag iisa”. Malaya nilang pinili ang maging bihen para sa kaharian ng Diyos upang maging lubos na maging tapat sa Panginoon .

Ikaw ano ang gusto mong maging paglaki mo? Gusto mo bang maging Pari O Tatay, Madre O Nanay, O banal na buhay bilang isang dalaga o binata ?

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Larawan ng iba’t ibang taong naglilingkod sa ating pamayananLarawan ng iba’t ibang bokasyonKopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 6

Page 10: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

Mga Pari at Taong Konsagrado LODI po namin kayo ![PARI : Tinawag.... Tumugon upang maglingkod]

LAYUNIN :Nalalaman na ang Pari at mga Taong Konsagrado ay tinawag upang sumunod kay Hesus at isinugo upang maglingkod para sa misyon ng Diyos at ng Simbahan. Nakapagtatalaga ng mga sakripisyo para sa kabanalan ng mga pari at mga Taong Konsagrado . Nakapag-aalay ng panalangin para sa kabanalan ng mga pari at mga Taong Konsagrado

SITWASYON NG BUHAY : Testimonya o Kasaysayan ng isang Pari [ sa kanilang parokya o bikaryado ] ----- Alamin kung bakit napili niyang maging isang pari at ano ang mga pagsubok na pinagdaanan niya bago ang ordinasyon ....

SALITA NG DIYOS : Mateo 19 : 29 “Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan o mga kapatid na lalaki o mga kapatid na babae o ama o ina o mga anak o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng lalong marami pa at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan.”

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1942 – 1949 , # 1959; Katesismo ng Iglesia Katolika # 1554 -1570

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Ang kasalukuyang sitwasyon ng pagpapari ay ”nasa krisis” .Nariyan ang kakulangan sa pari sa buong daigdig at biglang pagbaba ng bokasyon sa ating bansa. Patuloy ang pagdami ng Pilipinong Katoliko sa bawat iisang pari. Ang pagpapari ay hindi madali kasi iniiwan nila ang kanilang pamilya , at ang buong buhay nila ay iniaay nila sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Sa Sakramento ng Banal na Orden ang pari ay isinusugo ng Ama, sa tulong ng pamamagitan ni Jesu-Kristo... upang mabuhay at kumilos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Tinanggap nila ang tungkuling paglingkuran ang Simbahan sa pamamagitan ng parokyang kanilang pinaglilingkuran. Ang tatlong baytang ng Sakramento ng Orden : Ordenasyon ng Episkopal , ang Papari at Diakono. Sa Sakramento ng Binyag at Kumpil tinutupad nating mananampalataya ang ating pagkapari sa pakikibahagi natin sa misyon ni Kristo bilang propeta, pari at hari ayon sa bokasyon ng bawat isa. Bilang pari , nag-aalay tayo ng pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya , sa pagtanggap natin ng mga Sakramento at pag-aalay ng panalangin at pasasalamat.

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Larawan ng pari at kopya ng kanyang testimonya o kasaysasayan ng bokasyon Kopya ng listahan ng mga Pari at mga Taong Konsagrado sa kanilang BikaryadoKopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus ; Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 7Salamat po Father !

[ Pari: Ministro ng mga Sakramento ]

Page 11: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

LAYUNIN : Nalalaman na ang Pari ang Ministro ng mga Sakramento Natatanggap ang mga sakramento ng may pananalampataya Nakakapangako ng pagiging tapat sa pagtanggap ng mga Sakramento

SITWASYON NG BUHAY : Mga Sakramento na natanggap na ng bata at sino ang naggawad nito sa kanila.

SALITA NG DIYOS : Mateo 28 :18-20 “Humahayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng ...”

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1951-1953 , # 1960 ; LG 28 ; Katesismo ng Iglesia Katolika # 1546 - 1547

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Ang mga pari, sa bisa ng sakramento ng Orden, ay hinirang ni Kristo upang “ ipangaral ang Ebanghelyo at pamunuan ang mga mananampalataya at ipagdiwang ang banal na pagsamba bilang mga tunay na pari ng Bagong Tipan.”

Ang pari ang Tagapangulo sa Eukaristiya, sa kanyang pag-aalay ng Banal na Sakripisyo ng Misa ayon sa “persona ni Kristo.”

Tinitipon niya ang pamayanan sa pananalangin at lalo na sa “paghahati ng tinapay ” upang ipahayag … ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pqgparito Niya ( 1Cor. 11:26)

Lahat ng binyagan ay nakikibahagi sa pagkapari ni Jesus,kaya tinatawagan tayo na mag-alay ng sarili, sa pamamagitan ng pagpapahayag, pagsasabuhay, at pagdiriwang ng Salita ng Diyos

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :

Larawan ng mga Sakramento Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 8Mga Pari at Taong Konsagrado, KALAKBAY po namin kayo !

[ Mga Pari at Taong Konsagrado, kalakbay ng mga munting kaibigan ni Jesus ]

Page 12: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

LAYUNIN : Nalalaman na ang Pari at mga Taong Konsagrado ay ating Kalakbay sa ating pakikibahagi sa tatlong misyon ni Kristo – pagiging pari, propeta at hari. Naipapakilala si Kristo sa salita at gawa Nakapagpapasalamat sa Diyos sa mga Pari at Taong Konsagrado na ibinigay Niya sa atin bilang Kalakbay.

SITWASYON NG BUHAY : Ang ibig sabihin ng salitang KALAKBAY ay KAsama sa PaglaLAKBAY. Sinu sino ang mga kasama natin sa ating paglakbay ? Saan tayo patungo sa ating paglalakbay ?

SALITA NG DIYOS : Lukas 24: 13 - 35 [ Sa Daang Papunta sa Emmaus ]

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo ng Iglesia Katolika # 898 – 913 ; Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1608 -1609

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN

Ang mga Pari, Taong Konsagrado at mga Layko ay sama samang naglalakbay dito sa mundo bilang mga misyonero upang ipagpatuloy ang mapanligtas na misyon ni Kristo. Ipinagkakaloob ng Binyag ang pakikibahagi sa mismong misyon ni Kristo bilang propeta, pari at hari.

PARI : Lahat ng gawa , panalangin, gawain sa araw- araw kung gagawin ng may pagtitiis ay nagiging kalugod lugod sa Diyos.PROPETA : Ipahayag ang Mabuting Balita ; Ipakilala si Kristo sa salita at gawaHARI : Sa pagtulong sa mga pari sa paglilingkod sa Simbahan / pamayanan , pagsasagawa ng mga tungkulin ayon sa kanyang grasya at karisma [ talento ]

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Larawan ng Salita ng Diyos Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 9Mga Pari at Taong Konsagrado , KAAKBAY po namin kayo !

[ Mga Pari at Taong Konsagrado, kaakbay ng mga munting kaibigan ni Jesus ]

LAYUNIN : Nalalaman na ang mga Pari at Taong Sagrado ay Kaakbay natin patungo kay Kristo.

Page 13: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

Nakiisa sa gawain ng Simbahan upang maging saksi ni Kristo . Nakapag-aalay ng palangin para pagkakaisa ng mga Tagapaglingkod ng Simbahan

SITWASYON NG BUHAY : Tayong ay may kinabibilangang grupo . Bagamat magkakaiba ay nagkakaisa. Di tayo nag iisa, meron tayong kaakbay sa buhay o kasama sa paglalakbay sa buhay.

SALITA NG DIYOS : Mateo 5: 13-16 --- “Asin at Ilaw ”

TURO NG SIMBAHAN : Compendium of the Catholic Church #323

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Diocesan Priest – nakikipamuhay na kasama natin sa ating komunidad o parokya. Nagtalaga ng kanyang sarili sa paglilingkod sa pamayanang kanyang nasasakupan, na tinatawag nating Parokya o sa Diocese.

Religious Priest – ay mga pari na may sariling komunidad ng mga pari na nagsasama sama ng may pananampalatay at may pagtatalaga ng pamumuhay ng mahirap, kalinisan at pagsunod. Sila naman ay naglilingkod sa larangan ng edukasyon, sa mga maysakit o mahihirap, at paglilingkod sa ibang bansa o misyonero.

Bagamat magkaiba ang kanilang pamumuhay bilang isang pari, subalit sila ay magkaakbay sa gawain sa ating Parokya, ang magpahayag ng Salita ng Diyos sa lahat ng tao, mangaral o magturo sa atin.

Gayundin may mga tinatawag tayong mga Taong Konsagrado –mga madre o may mga ibang babae at lalaki na hindi sila pari o madre, subalit sila ay tinatawag na brother o sister, na sumasama sa komunidad ng mga relihiyoso upang ialay din ang kanilang buhay sa Diyos upang matagpuan ang paglilingkod sa kabanalan.

Magkaakbay ang mga paring Diocesan , Relihiyosong Pari at Taong Konsagrado , upang isabuhay ang atas ni Jesus na maging ”asin at ilaw ng sanlibutan”.

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA:Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Larawan ng Pari [ Diocesan and Religious] at mga Taong KonsagradoKopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 10Mga Pari at Taong Konsagrado , KAAGAPAY po namin kayo!

[ Mga Pari at Taong Konsagrado, kaagapay ng mga munting kaibigan ni Jesus

LAYUNIN : Nalalaman na ang Pari , mga Taong Konsagrado at Layko ay magkaagapay sa paglilingkod sa Simbahan at kay Kristo.

Page 14: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

Nakapagsasabi ng mga paraan ng pagtulong sa Ka-Parokya bilang mga kaagapay sa Simbahan . Naipagdarasal ang mga kaparian at mga Taong Konsagrado na mga Kaagapay sa Parokya.

SITWASYON NG BUHAY : Mga magagandang kaugaliang pinoy tulad ng bayanihan at pagtutulungan lalo na sa oras ng sakuna o kalamidad.

SALITA NG DIYOS : Gawa 4:32-35 “...... ang lahat nilang ari-arian ay para sa lahat.”

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo ng Iglesia Katolika # 951 - 953

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Isang magandang halimbawa ang ipinamalas sa atin ng mga unang Apostol at mga unang Kristiyano kung paano sila nagtulungan sa isat’ isa Sa kasalukuyan , sa atin sa Simbahan ay may mga samahan at mga pangkat na ang mga kasapi ay nagtutulungan. Ang Pari at ang mga taong Simbahan ay magkaagapay na ipinapahayag sa kanilang pamumuhay na si Jesus ang kanilang Panginoon. Sa pagtutulungan ay hindi lamang sa panahon ng sakuna at kalamidad nakasalalay ang pagbuhos sa atin ng Diyos ng kanyang pagpapala kundi sa pang araw-araw nating pamumuhay.

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang . Kung ang isang sangkap o bahagi ng Simbahan ay naghihirap , ang lahat ng sangkap o bahagi ay naghihirap din at kung ang isang sangkap ay pinaparangalan ang lahat ay nagagalak.

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Larawan ng ”bayanihan” at pagtutulungan ng iba’t ibang kasapi o organisasyon sa Simbahan. Bibliya

 

TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 11Maria , Ina at Huwaran ng mga Tagapaglingkod sa Simbahan

LAYUNIN : Nalalaman na si Maria ay Ina at huwaran ng mga tagapaglingkod sa Simbahan. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng paglilingkod tulad ng ginawa ni Maria. Nakapag-aalay ng panalangin at awit para kay Inang Maria

Page 15: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

SITWASYON NG BUHAY : Ibat’ - ibang uri ng paglilingkod : sa bahay [ naghuhugas ng pinggan ] , sa paaralan [ cleaner ] Bakit kailangang maglingkod ? ; Paano tayo maglilingkod – napipilitan lang ba o may pagmamahal ?

SALITA NG DIYOS : LUCAS 1: 39-45 [ Ang pagdalaw ni Maria kay Elizabeth ]

TURO NG SIMBAHAN : Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 1437 – 1440 PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN

Bilang Ina ni Jesus, si Maria ay Ina rin ng lahat ng kaanib ng Simbahan.

Si Maria ay huwaran ng mga Pari , Taong Konsagrado at Layko. Huwaran natin si Maria sa maraming paraan , lalo na sa paglilingkod at pagpapakasakit at higit sa lahat sa ganap na pagtalima sa kalooban ng Diyos. Ang pagnanasang paglingkuran ang kapwa ay naka-ukit sa kanyang pang-araw- araw na buhay.

Si Maria ang huwaran ng lahat ng tagapaglingkod ng Simbahan sapagkat “nagniningning siya sa buong sambayanan ng mga hinirang bilang huwaran ng kabutihan.”

Nagiging magaang ang paglilingkod sa bahay man, sa paaralan o sa Simbahan kung ito ay ginagawa ng may pagmamahal at hindi napipilitan lamang.

Pasalamatan natin ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng isang Ina at huwaran na katulad ni Maria.

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Larawan ni MariaKopya ng Awit para kay MariaKopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Bibliya

 TAONG 2018 : "Taon ng Kaparian at ng mga Taong Konsagrado "

MODYUL 12

Kami’y mga munting kaibigan ni Jesus... sa Ama lamang patungo.[ SIMBAHAN : Sa pamumuno ng Pari , sama-samang naglalakbay

tungo sa buhay na walang hangan ]

LAYUNIN: Nalalaman na ang lahat ng kasapi ng Simbahan sa pamumuno ng Pari at mga Taong Konsagrado ay sama samang naglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Nakikibahagi ng mga gagawing kabanalan bilang pagsunod kay Hesus .

Page 16: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

Naipapakita sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ang pagnanasang makarating sa piling ng Diyos. .

SITWASYON NG BUHAY : Pagkakaiba ng pakiramdan ng naglalakbay ng nag-iisa at ng may kasama. Ano ang mas pipiliin ninyo ang maglakbay ng nag –isa o ng may kasama ? Bakit mahalaga ang maglakbay ng may kasama ... ano ang nagagawa nila sa atin habang tayo ay naglalakbay?

SALITA NG DIYOS : Juan 14 : 6 “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.”

TURO NG SIMBAHAN : Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko # 620 , # 622 , # 1948 , # 1949 ; Katesismo ng Iglesia Katolika # 769

PAG-UUGNAY NG SITWASYON NG BUHAY , SALITA NG DIYOS AT TURO NG SIMBAHAN Si Hesus ang tanging Tagapamagitan tao at ng Diyos Ama. Siya ay isinugo ng Ama bilang Punong Pari at Mabuting Pastol. Walang mararating sa Ama kundi sa pamamagitan Niya.

Sa ating panahon ngayon, ang mga Pari at Konsagradong Tao ang nagpapatuloy ng misyon ni Jesus at gumagabay sa atin upang mapalapit kay Hesus patungo sa Ama sa tulong ng Espiritu Santo.

Ang buhay at pagkilos ng Pari at mga Taong Konsagrado ang nagpapatuloy sa buhay at pagkilos mismo ni Kristo. Naririto ang ating pagkakakilanlan, ang ating totoong dangal, ang pinagmumulan ng ating kagalakan, ang pinakabatayan ng ating buhay.

Mga munting kaibigan ni Jesus....... saan tayo patungo ?

MGA GAMIT NA KAILANGAN IHANDA :Kopya ng panalangin para sa ʺTaon ng Kaparian at mga taong Konsagradoʺ Kopya ng Awit : Ako’y Munting Kaibigan ni Jesus Kopya ng Awit : Halina sa Ama ......Bibliya

 

Page 17: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay
Page 18: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay

PARA SA NAME TAGS NG MGA BATA / KABATAAN

Page 19: MODYUL 1dioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2018/03/cir... · Web viewMga natatanging pagtawag : Apat na uri ng Bokasyon - Pagpapari , Reliyoso,, Pag-aasawa, banal na buhay