124
1 UNANG MARKAHAN Pang-abay Na Pamanahon Mga Aspekto ng Pandiwa

Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

1

UNANG MARKAHAN

Pang-abayNa Pamanahon

Mga Aspekto ng Pandiwa

MODYUL1

Page 2: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

I. Pamagat: Pang-abay na Pamanahon

II. Ang Mga Mag-aaral na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkakatutong ito ay inihanda para sa mga

mag-aaral na nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kaalaman sa mga

pang-abay na pamanahon at kung paano at kailan ang mga ito gamitin sa isang

pangungusap.

III. Lagom-pananaw

Ito ay makakatulong sa mga mag-aral upang mas lalo nilang maunawaan

ang mga pang-abay na pamanahon at ang silbi nito sa isang pangungusap.

IV. Layunin

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw ay

inaashang:

1. nalalamanang kahulugan ng pang-abay na pamanahon at ang dalawang

2

MODYUL1

Page 3: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

uri nito.

2. natutukoyang gamit ng mga pang-abay na pamanahon.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang tungkol sa pang-abay

na pamanahon. Suriin ang mga halimbawa sa bawat uri nito. Pagkatapos

basahin ay mayroong mga katanungan na kailangang sagutin na may pag-iingat.

Upang malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan lamang ang Mga

Kasagutan.

VI. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay

mas makakabuti na may nalalaman na sila tungkol sa pang-abay na pamanahon

nang sa gayon habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan at

magagabayan sila sa pag-unawa at mas lumawak at madadagan pa ang

kanilang kaalaman.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

3

Page 4: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

VII. Alam Ko Pa ba?

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang pang-abay na pamanahon na

gamit ng pangungusap sa bawat aytem.

__________1. Nagtungo si John Carlosa Gaisano Central kahapon.

__________2.Tuwing linggo ay lagi akong nagsisimba.

__________3. Bukas na luluwas sa Cebu si Jasmine.

__________4. Linisin mo Christian ang kwarto ko mamaya.

__________5. Simula Nobyembre18 aymaghanap ka na ng mga materyales

para sa inyong proyekto.

__________6.Nagkita kami ni Dexter sa 578 Emporium kamakalawa.

__________7. Titignan ko lang sandali ang anak ko sa kwarto.

__________8.Noong bakasyon ay nagtapat siya ng pagmamahal saakin.

__________9. Hanggang Mayo na lang ang palugit ko sa'yo para makabayad ka

ng utang mo.

__________10.Nakita ko si KC kanina sa plaza.

4

Page 5: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Pang-abay na Pamanahon

XIII. Mga Kasagutan

1.kahapon

2. tuwinglingo

3. bukas

4.mamaya

5. simula Nobyembre 18

6.kamakalawa

7.sandali

8. noong Pebrero 14

9. hanggang Mayo

10.kanina

IX. AHA! - lamin Natin!

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o

magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng

pang-abay: (1.) may pananda at (2.) walang pananda.

May Pananda

Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing buhat, mula, umpisa, at

5

Page 6: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

hanggng bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.

Mga halimbawa:

1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?

2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.

3. Noong Lunes siya nagsimula sa kanyang bagong trabaho.

4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-ayuno.

5. Tuwing pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.

Walang Pananda

May mga pang-abay na pamaanahon na walang pananda tulad ng kahapon,

kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.

Mga halimbawa:

1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon

ng"National Artist AWard" buhat sa pangulo.

2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang

Pilipino sa CCP.

3. Magsisimula pa mamaya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay

sa mahihirap.

4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng

6

Page 7: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

kaarawan ni Gabriela Silang.

5. Pangunahing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa

pagkakaloob ng GantipalangTOYM.

X. Tanong ko, Sagutin mo!

PANUTO: Lagyan ng (♥) kung ang nakasalungguhit ay pang-abay

na pamanahong may pananda at parisukat (■) naman kung walang pananda.

_______1.Sa gabi pumapasok si Leo sa kanyang trabaho.

_______2. Bukas darating si Pope Francis sa Tacloban upang magsagawa ng

misa at bisitahin ang mga naslanta ng bagyong Yolanda.

_______3. HIntayin mo na lang si Jade, maya-maya ay darating din iyon.

_______4. Nico, lutuin mo ngayon ang sitaw na bili ko.

_______5.Sa makalawa na ang alis ni Ken papuntang Amerika.

_______6. Manonood kami ng sine mamaya sa Robinson's Mall.

_______7.Sandali na lamang ay masasaksihan na natin ang engrandeng

"Fireworks Display"dito sa plaza.

_______8. Hanggang DZR Tacloban Airport ang lalakarin ng mga kalahok ng

Alay Lakad 2015.

7

Page 8: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

_______9. Tuwing madaling araw ay napapagising ako dahil sa sakit ng tiyan.

_______10.Nagbago ang mundo ko at palaging masaya ang bawat araw ko

nang makikilala kita.

XI. Mga Kasagutan

1. ♥

2. ■

3. ■

4. ■

5. ♥

6. ■

7. ■

8. ♥

9. ♥

10.♥

XII. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

PANUTO: Tukuyin at salungguhitan ang pag-abay na pamanahon

na makikita sa bawat pangungusap ng bawat aytem. Isulat ang PPMP kung may

pananda at PPWP naman kung walang pananda. ILagay ito sa patlang bago ang

bilang. (Dalawang puntos bawat aytem)

8

Page 9: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

__________1. Dapat pumunta sina Rey at Val sa beach party mamaya.

__________2. Ngayon ay ipinagdiriwang ang kaarawan ni John Michael.

__________3. Hinahanda na ni Joy ang gagamitin niyasa kanyang pag-uulat sa

klase bukas.

__________4. Kung may lakad si nanay ay ako lagi ang nagbabantay ng bahay.

__________5.Kapag maulan ay binabaha agad ang lugar namin.

XIII. M Mga Kasagutan

1.PPWP ; mamaya

2. PPWP; ngayon

3. PPWP; bukas

4. PPMP ; kung may lakad

5. PPMP ;kapag maulan

XIV. Pagpapahalaga

9

Page 10: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

1. Nakatulong ba ang modyul na ito sa pag-unawa sa aralin?

2. May maganda bang naidulot nang matapos mong mabasa ang modyul na

ito?

3. Napalawak ba ng modyul na ito ang iyong kaisipan at kaalaman higgil sa

paksang tinalakay?

10

MODYUL2

Page 11: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

I. Pamagat: Mga Aspekto ng Pandiwa

II. Ang mga Mag-aaral na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay inihanda para sa mag-aaral na

nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kalaman tungkol sa mga aspekto

ng pandiwa at matutuhan kung paano at kailan gagamitin ang mga ito sa

pangungusap.

III. Lagom-pananaw

Ito ay mahalaga sa mga mag-aaral upang sila’y magkaroon ng kaalaman

sa mga aspekto ng pandiwa at magamit ang kaalamang ito sa pag-unawa sa

pagbabasa ng mga teksto nang sa gayon ay mabatid ng malinaw ang mga

ideyang nakapaloob.

IV. Layunin

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw ay

inaashang:

1.nakikilala ang mga aspekto ng pandiwa.

2.natutukoy ang gamit ng pandiwa ayon sa aspekto nito.

11

Page 12: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang mga aspekto ng

pandiwa. Suriin ang mga halimbawa sa bawat uri nito. Pagkatapos basahin ay

mayroong mga katanungan na kailangang sagutin na may pag-iingat. Upang

malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan lamang ang Mga

Kasagutan.

VI. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay mas

makakabuti na may nalalaman na sila tungkol sa mga aspekto ng pandiwa nang

sa gayon habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan sila sa pag-

unawa at mas lumawak at madadagan pa ang kanilang kaalaman.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

VII. Game Ka Na Ba?

PANUTO: Suriin at bilugan ang mga pandiwa na ginamit sa bawat

12

Page 13: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

pangungusap na nasa ibaba.

1. Nagsuot si John ng formal attire para sa kanilang pakitang-turo.

2. Nasa kusina si Lourdes nang biglang kinagat siya sa kanyang daliri sa paa ng

malaking daga.

3. Kauusap ko pa lamang sa kanya sa telepono.

4. Masayang dumating si Ana sa kanilang bahay sapagkat natapos na ang

kanilang gawain sa paaralan nila.

5. Hihingi si Aling Maria ng talbos ng kamote kina Otep.

6. Sina Ken at Darryl ay pupunta sa Baguio sa makalawa.

7. Hindi binibigay ni Christian ang panyo ni Jet.

8. Maglalaro ng jackstone sina Dora at Diego sa labas ng kanilang bahay.

9. Kakakain pa lamang ni LIno ng spaghetti at burger sa canteen ng kanilang

paaralan.

10. Nasa labas ako ng bahay at kabibigay lamang niya ng laptop sa akin.

VIII. Mga Kasagutan

1. Nagsuot

2. Kinagat

3. Kauusap

4. Dumating

13

Page 14: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

5. Hihingi

6. Pupunta

7. Binibigay

8. Maglalaro

9. Kakakain

10. Kabibigay

IX. AHA! - lamin Natin!

Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo - ito ay nagsabi ng kilos na natapos na ang sinimulang kilos.

Tinatawag din itong panahunang pangnagdaan o aspektong naganap.

Halimbawa:

Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami'y umalis.

Nagprito ng isda si Mang Kulas sa bahay nila Aling Rosa.

2. Imperpektibo - ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang

nangyayari. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan o aspektong

nagaganap.

Halimbawa:

14

Page 15: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Hayan at umuulan na naman.

Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.

3. Kontemplatibo - ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o

naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang. Tinatawag din itong panahunang

panghinaharap o aspektong magaganap.

Halimbawa:

Magagawa mo ba ang bagay na ito?

Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon?

4. Aspektong Katatapos - nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos

ng kilos o pandiwa. Nabubuo sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at

pag-uulit sa unang pantig ng isang salita.

Halimbawa:

Magbigay Kabibigay

Mag-ayos Kaaayos

Mag-usap Kauusap

15

Page 16: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

X. Kayang-kaya Yan!

Basahin ang diyalogo ng mag-ina sa ibaba at tingnan at unawain ang panuto

pagkatapos mabasa ang pag-uusap para sa isang pagsusulit.

" Ang Matanong na si Jasmine "

Jasmine: Mama, bakit wala pa si papa?

Mama: Si papa mo, nandoon pa sa airport nagtratrabaho.

Jasmine:Magtatagal ba siya doon mama?

Mama: Oo baby, kasi marami ang ginagawa niya doon. Baka mamayang hapon

pa siya babalik.

Jasmine: Yay! Bakit mamaya pa? (nalulungkot). Magdadla ba siya mama ng

burger? Gusto ko kasi 'yun eh.

Mama: Hindi ko alam. Bakit?Sinabi ba niya nabibili siya ng burger para sa'yo?

Jasmine:Opo mama.Tinanong ako ni papa kung ano ang gusto kong

pasalubong tapos sinabi ko na burger na lang.

Mama: 'Yun ba ang sinabi ng papa mo?

Jasmine: Opo. Mama, gusto ko nang kumain ng burger (naiiyak)

Mama: Bakit? HIndi ka ba kumain kanina? Teka nasaan na ba sila tito mo?

Jasmine: Kumain po pero konti lang. Kaalislang nila tito. Maybibilhin daw.

16

Page 17: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Mama: Sige. Magbihis ka muna. Tingnan mo 'yung damit mo marumi na.

Kabibihis mo pa lang, marumi na agad 'yan.

Mama: Sige po. Hintayin mo lang ako mama.

PANUTO:Tingnan ang binasa kanina at pansinin ang mga pandiwang

nakasalungguhit. Ilagay ang mga ito sa kahon batay sa kanilangaspekto.

Aspektong

Perpektibo

Aspektong

Perpektibong

Katatapos

Aspektong

Imperpektibo

Aspektong

Kontemplatibo

XI. Mga Kasagutan

Aspektong

Perpektibo

Aspektong

Perpektibong

Katatapos

Aspektong

Imperpektibo

Aspektong

Kontemplatibo

Sinabi Kaalis nagtratrabaho babalik

Kumain Kabibihis nanonood magdadala

17

Page 18: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Tinanong nagugutom bibili

magtatagal

XII. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

1. (maglalaba, kalalaba, naglalaba) si Maribet bukas ng kanyang

mga damit.

2. Habang ako'y naglalakad, nakikita kong (lumbas, lumalabas, kalalabas) sa

isang iskinita si Tyrone.

3. (sasabihin, sinabi, kasasbi) ko pa lamang kanina na huwag kaynng maingay

kapag wala ako.

4. Kahapon ay (namasyal, namamasyal, mamamasyal) sila Chris at Neneth sa

Plaza Miranda.

5. (kukunin, kinuha, kakukuha) ni aling Nora ang kanyang naiwang gamit sa

bahay ni Aling Rosa bukas.

6. Nasa paaralan noon si Beboy nang siya'y (tinawagan, katatawag, tatawagan)

ni Dexter para sa importanteng bagay.

7. Araw-araw niyang (nakita, nakikita, makikita) si Susan sa kanilang lugar.

8. (kararating, makakarating, nakarating) pa lamang ni Leo nang niyapos siya ni

Kenito ng mahigpit.

9. (aalis, umalis, kaalis) na si Rhea mamayang hapon papuntang Antipolo.

18

Page 19: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

10. Noong nakaraang pasko ay (binigay, ibibigay, binibigay ni Lance ang

kanyang regalo para sa kanyang minamahal.

XIII. Mga Kasagutan

1. maglalaba

2. lumalabas

3. kasasabi

4. namasyal

5. kukunin

6. Tinawagan

7. nakikita

8. kararating

9. aalis

10. biniga

XIV. Pagpapahalaga

1. Malinaw ba sa’yo ang paksa?

2. Alam mo na ba kung anu-ano ang mga aspekto ng pandiwa at pagkakaiba

nila sa isa’t isa?

3. Mayroon ka bang hindi naintindihan sa paksa?

19

Page 20: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

20

IKALAWANG

Page 21: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

I.Pamagat: Mga Pahayag na Pagsang-ayon at Pagsalungat

II. Ang Mga Mag-aaral na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay nakalaan para sa mga mag-

21

IKALAWANG

Mga Pahayag naPagsang-ayon at Pagsalungat

MODYUL1

Page 22: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

aaral na nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa mga

pahayag na pagsang-ayon at pagsalungat.

III. Lagom-pananaw

Sa modyul na ito, ang mga nag-aaral ay madaragdagan ang kaalamang

magagamit nila sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa iba't ibang tao.

Matututo silang malaman ang mga emosyon sa mga pahayag ng bawat

indibidwal at magagabayan sila nito sa kung anong tugon ang maaari nilang

ibigay nang wasto sa kanilang kausap.

III. Layunin

PagkatSapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw

ay inaashang:

1. nalalaman ang pagkakaiba ng mga pahayag na pasalungat at pasang-

ayon.

2. nagagamit nang wasto ang bawat pahayag.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang tungkol sa pang-abay

na pamanahon. Suriin ang mga halimbawa sa bawat uri nito. Pagkatapos

22

Page 23: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

basahin ay mayroong mga katanungan na kailangang sagutin na may pag-iingat.

Upang malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan lamang ang Mga

Kasagutan.

VI. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay

mas makakabuti na may nalalaman na sila tungkol sa pang-abay na pamanahon

nang sa gayon habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan at

magagabayan sila sa pag-unawa at mas lumawak at madadagan pa ang

kanilang kaalaman.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

V. Hanapin Mo Ako!

Basahin ang mga pahayag sa ibaba at hanapin ang mga pasang-

ayon at pasalungat na pahayag. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

A. Ang baho naman ni Richelyn

B. Sadyang malinis tingnan ang tubig nila ngunit duda pa rin akos na mula sa

23

Page 24: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

balon iyan.

C. Hindi ko matatanggap ang kapatawaram mo!

D. Naniniwala ako sa mga sinabi mo.

E. Tama ka nga Edmond.

F. Ayaw kong maging sunud-sunuran sa'yo.

G. Tila napakadilim ng kapaligiran.

H. Lumilitaw ang isang imahe sa salamin.

I. Mali ka diyan sa mga inaakala mo.

J. Hindi! Sa akin nararapat ang posisyon na iyan.

K. Nagustuhan ko rin ang mga sinabi ni Lukas.

L. Nahulog ang mangga sa kanal.

M. Nais kong maging masaya ka sa iyong kaarawan.

N. Napakaganda talaga ng iginuhit mo Marta.

VIII. Mga Kasagutan

1. B

2. C

3. D

4. F

5. J

6. M

7. E

8. I

9. K

10. N

24

Page 25: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

IX. AHA!-lamin Natin!

Mga Pahayag ng Pasang-ayon at Pasalungat

Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito,

nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon ng

mga nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi ang mga

manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din sa ibang

anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan, nakita, napanood,

narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita ng mga

manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon o

pagsalungat.

Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang maging

kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga

pala-palagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman

natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at

pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay

makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng

25

Page 26: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

malawak na kaalaman tungkol sa isyu.Iwasang gumawa ng desisyong hindi

pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami.

1. Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon

Mga Halimbawa:

Sang-ayon ako.

Iyan ang nararapat.

Pareho tayo ng iniisip.

Ganyan din ang palagay ko.

2. Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat

Mga Halimbawa:

Hindi ako sang-ayon.

Mabuti sana ngunit...

Ikinalulungkot ko ngunit...

X. Subukan Mo!

PANUTO: Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay PASANG-AYON at

ekis () naman kung ito ay PASALUNGAT.

26

Page 27: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

1. Tinatanggap ko ang desisyon mo hinggil diyan.

2. Sa tingin ko mali ang mga sagot niya.

3. Hindi ako nakukumbinse sa mga paliwanag niya.

4. Sang-ayon ako sa batas na ipinatupad.

5. Tama nga naman ang mga detalyeng ibinigay niya.

6. Ayaw ko talaga na iniiwan lang nila ako lagi sa bahay.

7. Oo nga magkamukha sila.

8. Nagustuhan ko ang mga sinabi ni Jade sa akin.

9. Botong-boto ako sa mapapangasawa mo.

10. Nararapat lang iyan sa kanya para magsisiya siya.

XI. Mga Kasagutan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

27

Page 28: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

XII. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

PANUTO: Punan ang nawawalang tamang salita sa bawat pangungusa na nasa

ibaba upang mabuo ang diwa nito at tumutugma sa uri ng pahayag (pasang-

ayon at pasalungat) na hinihingi. Salungguhitan ang iyong sagot.

(Pasang-ayon) 1._____ko rin ang ganyang damit Marilyn. (gusto, ayaw, hindi)

(Pasalungat) 2._____ si Baste sa kanyang mga paliwanag kanina.

(mali, tama, sigurado)

(Pasang-ayon) 3._____ katotohanan ang iyong mga ikinukwento sa amin.

(mayroong, walang, ayaw)

(Pasalungat) 4._____ naman ang kanilang ipinakitang presentasyon sa klase

tungko sa mga iba't ibang hayop sa Manila Zoo. (maganda, napakapanget,

kasiya-siya)

(Pasang-ayon) 5._____ akong makakayang manalo ang partido natin. (sigurado,

wala, baka)

(Pasalungat) 6._____ rin ako sa mga asal na ipinapakita niyo sa amin mga bata

(natutuwa, naiinis, nasisiyahan

(Pasang-ayon) 7. Ang mga sinabi naman ni Lorenzo sa akin ay_____lahat kaya

naniniwala ako sa kanya. (totoong, kasinungalingan, panlolokong)

(Pasalungat) 8._____ko papayagang makasal si Darryl kay Erica. (hindi, nais,

gusto)

28

Page 29: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

(Pasang-ayon) 9. Siya _____ang kumuha ng aking pitaka sa lood ng aking

maleta. (ba, nga, sana)

(Pasalungat) 10._____siya ang kumuha ng wallet ni Nova. (oo, tama, hindi)

XIII. Mga Kasagutan

1.gusto

2.mali

3.mayroong

4.napakapanget

5. sigurado

6.naiinis

7.totoong

8.hindi

9.nga

10.hindi

XIV. Pagpapahalaga

1. Naging malinaw bas a iyo ang pagtalakay sa mga pangungusap na

pasang-ayon at pasalungat?

2. Nakikilala mo na ba ang mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.

29

Page 30: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

3. May iba ka pa bang alam na mga halimbawa sa bawat uri ng pahayag

maliban sa mga kabilang na natalakay kanina?

I. Pamagat: Antas ng Wika

II. Mga Mag-aaral Na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkakatutong ito ay inihanda para sa mga mag-

aaral na nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kaalaman sa iba't ibang

30

MODYUL2

Page 31: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

antas ng wika at lubos na maunawaan ang pagkakaiba ng bawat isa.

III. Lagom-pananaw

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman hinggil sa kaantasan ng

wika at ito'y magsisilbing gabay nila sa pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan.Mauunawaan at mapapahalagahan nila ang mga salitang

ginagamit ng isang indibidwal at magkakaroon ng pagkakataong magamit ang

mga salita o wika ayon sa antas nitosa tamang pangungusap, tao, at lugar.

IV. Layunin

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw ay

inaashang:

1. Nalalaman ang iba’t ibang antas ng wika.

2. Natutukoy ang mga salita batay sa antas ng wikang kinabibilangan.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang mga iba’t ibang antas

ng wika. Suriin ang mga halimbawa sa bawat antas nito. Pagkatapos basahin ay

mayroong mga katanungan na kailangang sagutan na may pag-iingat. Upang

malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan lamang ang Mga

31

Page 32: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Kasagutan.

VI. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay mas

makakabuti na may nalalaman na sila tungkol sa mga antas ng wika nang sa

gayon habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan sila sa pag-unwa at

mas lumawak at mdadagan pa ang kanilang pagbasa.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

VII. Hanapin Mo Ako

PANUTO: Hanapin ang mga salitang hinhingi sa ibaba sa loob ng

kahon at bilugan ang mga ito.

F B P S A D G P U N

C P B O G T N C D W

X Z X O G A O X P T

D T P X N P R F J W

32

Page 33: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

O K R J O R O Z G T

S W P I B E L U A A

U O R B I L G M W K

P K V W K M R O H F

A S A W A E J Z F I

K V R N A U P U P Y

ErmatErmatJowaKapusodAsawa

LibroBonggaUpuanGugmaLorong

VIII. Mga Kasagutan

F B P S A D G P U N

C P B O G T N C D W

X Z X O G A O X P T

D T P X N P R F J W

O K R J O R O Z G T

S W P I B E L U A A

U O R B I L G M W K

P K V W K M R O H F

A S A W A E J Z F I

K V R N A U P U P Y

33

Page 34: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

IX. Tara! Basa Na!

Mga Antas ng Wika

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao

batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na

tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

A. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng

nakararami.

1. Pambansa - Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at

pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:

Asawa; Anak; Tahanan

2. Pampanitikan o panretorika - Ito ay ginagamit ng mga malikhain

manunulat.Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

34

Page 35: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Halimbawa:

Kahati sa buhay

Bunga ng pag-ibig

Pusod ng pagmamahalan

B. Impormal - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw,

madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

1. Lalawiganin - Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan,

makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:

Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)

Nakain ka na? (Kumain ka na?)

Buang! (Baliw!)

2. Kolokyal - Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang

kaunti,maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang

pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:

35

Page 36: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Nasan, pa`no,sa’kin,kelan

Meron ka bang dala?

3. Balbal - Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa

ang antas

na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)

Orange (beinte pesos)

Pinoy (Pilipino)

X. Yakang-yaka Yan!

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba at piliin ang

letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1.Ito ay gamit o instrumento ng indibidwal sa kanyang pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan.

36

Page 37: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

a. wika b. salita c.pangungusap

_____ 2. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarilapara

sa paaralan at pamahalaan.

a. pambansa b. pampanitikan c.pormal

_____3.Sa Ingles ito ay slang.nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang

antas.

a. impormal b. lalawiganin c. balbal

_____ 4.Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan.

a. impormal b. lalawiganin c. balbal

____ 5.Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat at tinatawag ding wikang

panretorika.

a. pampanitikan b. pormal c. balbal

______ 6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitang pambansa,

MALIBAN sa isa.

a. nobyo b. nasira c. balbal

_____ 7. Ang mga salitang nasa ibaba ay halimbawa ng mga salitang Gay lingo

na isang uri rin ng babal MALIBAN sa isa.

a. churva b. bongga c. kagimbal-gimbal

_____ 8. Alam niyo, ang tawag pala ng mga Taclobanon sa upuan ay

lingkuaran? Anong antas ng wika nabibilang ang nakasalungguhit na salita?

a. lalawiganin b. balbal c. pampanitikan

37

Page 38: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

_____ 9. Hay, naku! Nakaka-lerki talaga kanina sa opisina.

a. pormal b. impormal c. balbal

_____ 10. Natutuwa ako lagi sa aking bunsong kapatid.

a. pambansa b. lalawiganin c. balbal

XI. Mga Kasagutan

1. a

2.a

3. a

4. b

5. a

6.c

7.c

8.a

9.c

10.a

XII. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

38

Page 39: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

PANUTO: Punan ang bawat hanay ng tamang salita na kukumpleto sa mga

halimbawa ng bawat antas ng wika.

Pampanitikan Pambansa Lalawiganin Balbal

ilaw ng tahanan Ina 1. _____ ermat

haligi ng tahanan 2. _____ Itang 3. _____

4. _____ Baliw 5. _____ praning

alagad ng batas 6. _____ Pulis parak

Salapi Pera Kwarta 7. _____

8. _____ Maganda Mahusay adnagam

sasakyang pang-lupa

9. _____ Awto tsikot

may-bahay Asawa bana 10._____

XI. Mga Kasagutan

39

inang pulis

ama datung

erpat marikit

nasisiraan ng bait kotse

buang was-wit

Page 40: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

1.inang

2.ama

3.erpat

4.nasisiraan ng bait

5. buang

6.pulis

7.datung

8.marikit

9.kotse

10.was-wit

XIV. Pagpapahalaga

1. Napalawak ban g modyul na ito ang iyong kaisipan hinggil sa

mga antas ng wika?

2. Naintindihan mob a ng mabuti ang pagtalakay sa paksa?

3. Sa anong bahagi ng paksa ka nagkaroon ng kahirapan sa pag-unawa?

40

Page 41: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

41

IKATLONGMARKAHAN

Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Page 42: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

I. Pamagat: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

II. Ang mga Mag-aaral na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay inihanda para sa mga mag-

aaral na nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kaalaman sa pag-

uugnay ng dalawang magkaibang ideya o pangungusap gamit ang tamang pang-

ugnay sa mga salita.

III. Lagom-pananw

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng kaalaman sa tamang

paggamit ng mga pang-ugnay at kung paano mapag-uugnay-ugnay ng wasto

ang mga pangungusap o konsepto.

IV. Layunin

42

Mga Paraan ngPagpapahayag

MODYUL1

Page 43: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw ay

inaashang:

1. Nalalaman ang iba’t ibang gamit ng pag-ugnay.

2. Natutukoy ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang mga aspekto ng

pandiwa. Suriin ang mga halimbawa sa bawat uri nito. Pagkatapos basahin ay

mayroong mga katanungan na kailangang sagutin na may pag-iingat. Upang

malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan lamang ang Mga

Kasagutan.

VII. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay mas makakabuti

na may nalalaman na sila tungkol sa pang-abay na pamanahon nang sa gayon

habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan at magabayan sila sa pag-

unawa at mas lumawak at madadagan pa ang kanilang pagbasa.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

43

Page 44: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

VII. Sagutin Mo Na Ako!

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin ang tamang pang-ugnay

na bubuo sa ideya nito. Salungghuhitan lamang ang salita ng tamang sagot.

1. Masarap ang inihaing pagkain ni Inay (kaya naman, dahil, marahil) maraming

nakain si Ken.

2. (upang, dahil, kaya) makapasa sa pagsusulit, nag-aral si Ken ng mabuti.

3. Sumakit ang ngipin ni Ken (dahil, ngunit, upang) mahilig siyang kuma4n ng

kendi.

4. (kung, dahil, upang) nakinig ka lang sa payo ng iyong magulang, sana'y hindi

ka nagkamali.

5. (upang, sapagkat, dahilan) makamit ang minimithing pangarap, magpursigi ka

sa buhay.

6. Binaha ang kalsada (sapagkta, upang, ngunit) malakas ang ulan kagabi.

7. Nahuli si Gino sa kanyang unang klase (dahil, para, ngunit) tanghali na siya

nagising.

8. Nag-eensayo sila araw-araw (bunga nito, para, marahil) naging matagumpay

ang dula-dulaan.

9. Bumagsak si Korra sa pagsusulit (kasi, upang, para) hindi siya nag-aral ng

mabuti.

44

Page 45: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

10. (kapag, ngunit, dahil) kasama ka, wala akong pangamba.

VIII. Mga Kasagutan

1. kaya naman

2. upang

3. dahil

4. kung

5. upang

6. sapagkat

7. dahil

8. bunga nito

9. kasi

10. kapag

AHA!-lamin Natin!

Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o

pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o

kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at

45

Page 46: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari.Nagsasabi naman ng

bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong

dahilan/sanhi at resulta/bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon

din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta

ang arrow o palaso)

a. Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman natuto siya nang husto.

(dahilan + pang-ugnay + resulta)

b. Nag-aaral siyang mabuti. Dahil dito/Bunga nito/Tuloy natuto siya nang

husto.

(dahilan + pu + resulta; may hinto sa pagitan ng dahikan at resulta)

c. Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aral siyang mabuti, natuto siya nang husto.

(pu + dahilan + resulta; may hinto pagkatapos ng dahilan)

46

Page 47: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

d. Natuto siya nang husto sapagkat/pagkat/kasi/dahil nag-aaral siyang

mabuti.

(resulta + pu + dahilan)

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba't ibang

paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan

sa, at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta

o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o

naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga

pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa

layunin ang arrow o palaso)

a. Upang/Para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.

(pu + layunin + paraan; may hinto pagkatapos ng layunin)

b. Nag-aaral siyang mabuti upang/para/nang sa ganoo'y matuto nang husto.

47

Page 48: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

(paraan + pu + layunin)

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa

ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga

halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

a. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.

(paraan + resulta)

b. Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

(resulta + paraan)

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat

ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

48

Page 49: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat

sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa

bunga o kinalabasan ng arrow.

a. Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, sana'y natuto ka nang husto.

(pu + kondisyon + bunga)

b. Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti.

(bunga + pu + kondisyon)

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

a. Kapag/Sa sandaling/Basta't nag-aral kang mabuti, matututo ka nang

husto.

(pu + kondisyon + bunga)

b. Matututo ka nang husto Kapag/Sa sandaling/Basta't nag-aral kang mabuti.

(bunga + pu + kondisyon)

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang

pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang

salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang

49

Page 50: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

kapag, sandaling ... o basta't upang ipahayag na maaaring maganap ang isang

pangyayari kung isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

X. Psst! Patulong Naman!

PANUTO: Bilugan lamang ang letra ng sagot upang mabuo ang

bawat pangungusap sa ibaba.

1. Lumaking mabait si Ian ___ sa pangangaral ng kanyang mga magulan.

a. upang b. dahil c. kaya

2. ___ nagbasa ka lang ng mabuti, sana'y naiintindihan mo ang nilalaman ng

aklat.

a. dahil b. kung c. sapagkat

3. Maraming dayuhan ang tumulong sa nasalanta ng bayo ___ nakabangon

agad sila.

a. upang b. dahil c. kaya naman

4. Mag-aral nang mabuti ___ makapagtapos ng pag-aaral.

a. upang b. sapagkat c. kasi

50

Page 51: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

5. Manalo siya ng gintong medalya ___ nagsanay siya ng mahigpit.

a. sapagkat b. upang c. kaya

6. Madaling natuyo ang kanyang mga sinampay ___ sa tindi ng sikat ng araw.

a. kasi b. dahil c. kahit

7. ___ kumain ka lang nang marami, sana'y hindi ka madaling magutom.

a. sapagkat b. dahil c. kung

8. ___ makamit mo ang kanyang pagmamahal, gawin mo ang mga bagay na

makapagpapasya sa kanya.

a. upang b. bagamat c. kundi

9. Masarap ang tindi niyang bibingka ___ madali itong maubos.

a. kaya naman b. sapagkat c. marahil

10. ___ binuksan mo ang gripo, dadaloy ang tubig.

a. upang b. kapag c. ngunit

XI. Mga Kasagutan

1. b 2. b

51

Page 52: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

3. c

4. a

5. a

6. b

7. c

8. a

9. a

10.b

XII. Panukatang Pagsusulit

Si Mark Dave ang hinirang na bagong presidente 1.______ sapagkat siya ay

may paninindigan at ideolohiya. 2.______ nag-aral ng husto, nakapagtapos siya

sa kursong Abogasya. 3.______ magsusumikap sa buhay, makakamit ang iyong

mga pangarap", payo niya.

Maganda ang kanyang mga plataporma, 4.______ nakuha niya ang suporta

ng mamamayan." 5.______ umunlad ang bayan, pagkakaisa at pagtutulungan

ang kinakailangan", wika ng bagong presidente.

52

basta’t sapagkat bunga nito

para dahil

kaya naman dahil bunga ito

upang sapagkat

Page 53: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Si Rhea ay isang magandang dilag 6.______ maraming kalalakihan ang

nagkakagusto sa kanya. Mabait at maunawain din siya.7.______ng tamang

pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. 8. ______ siya ay masipag

mag-aral, palagi siyang nangunguna sa klase. 9. ______ matuklasan ang

kanyang pag-aaral, nagtatrabaho siya sa karenderya tuwing gabi. Malapit na

siyang makapagtapos sa kolehiyo 10. _______naging matiyaga siya sa buhay.

XIII. Mga Kasagutan

1. sapagkat

2. dahil

3. kung

4.bunga nito

5.para

6.kaya naman

7.bunga ito

8.dahil

9.upang

10.sapagkat

53

Page 54: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

XIV. Pagpapahalaga

1. Naintindihan ba ng mabuti ang paksa?

2. Nakatulong ba sa’yo ang modyul na ito sa paglinang ng inyong kaisipan

hinggil sa patalakay sa paksa?

3. May kahirapan ba sa pag-unawa ng paksa?

4. Naging madali ba ang pagsagot mo sa mga pagsusulit na ibinigay?

54

MODYUL2

Page 55: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

I. Pamagat: Mga Paraan ng Pagpapahayag

II. Ang Mga Mag-aaral na Gagamit

Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay nakalaan para sa mga mag-

aaral na nasa ikawalong baitang na nais magkaroon ng kaalaman sa mga

paraan ng pagpapahayag.

III. Lagom-pananaw

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay matututo ng iba't ibang

pamamaraan upang mas epektibong maibahagi o maipahiwatig ang kanilang

mga mensahe o reaksiyon hinggil sa isang isyu o paksa.

IV. Layunin

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan nang mabuti ang modyul na ito,ikaw ay

inaashang:

1. nalalaman ang iba't ibang paraan ng pagpapahayag

2. natutukoy ang tamang saloobin ng bawat pahayag.

55

Page 56: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

Basahing mabuti na may pag-unawa ang mga modyul na ito na ang paksa ay

tungkol sa mga paraan ng pagpapahayg. Suriin ang mga halimbawa sa bawat uri

nito. Pagkatapos basahin ay mayroong mga katanungan na kailangang sagutin

na may pag-iingat. Upang malaman ang mga kasagutan sa mg tanong, tingnan

lamang ang Mga Kasagutan.

VI. Mga Kakailanganing Kagandahang Asal

Bago pa man mabasa ng mga mag-aaral ang modyul na ito ay

mas makakabuti na may nalalaman na sila tungkol sa paraan ng pagpapahayag

nang sa gayon habang binabasa ang modyul na ito ay matutulungan at

magabayan sila sa pag-unawa at mas lumawak at madadagan pa ang kanilang

kaalaman.

Kinakailangan ding mabilis ang kanilang pag-iisip sa pagsagot sa mga

inihandang pagsusulit at masagot ang mga ito nang may kawastuhan.

56

Page 57: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

VII. Sige Nga Kung Kaya Mo!

PANUTO: Piliin ang tamang saloobin na nais ipahayag ng bawat pangungusap

sa ibaba. Hanapin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang bago ang

bilang.

1. Nais ko mang sumama, ngunit marami pa akon dapat asikasuhin.

2. May katotohanan ang iyong mga sinasabi.

3. Pero mali ka sa pagkakakilala mo siya.

4. Sayang, hindi ako tumama sa lotto.

5. Maari pa kaya akong lumahok sa paligsahan.

6. Mahal pa rin kaya niya ako hanggang ngayon.

7. Sana'y hindi ko siya iniwang nag-iisa.

8. Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi patungkol sa kanya.

9. Hindi mo dapat siya sinasaktan kung mahal mo siya.

10. Ngunit hindi ako ang kumuha ng tirang pagkain sa hapag.

VIII. Kasagutan

57

Page 58: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

1. pagtanggi

2. pagsang-ayon

3. pagsalungat

4. panghihinayang

5. pag-aalinlangan

6. pag-aalinlangan

7. panghihinayang

8. pagbibigay-babala

9. hindi pagpayag

10. pagtanggi

IX. AHA! – lamin Natin!

Mga Paraan ng Pagpapahayag

Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong pampelikula ay ang

Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa

tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita.

Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay

tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika

upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksiyon.

Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.

58

Page 59: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

1. "Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo." (pagtanggap)

2. "Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?" (pag-aalinlamgan)

3. "Nakalulungko isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang

yaon." (pagtanggi)

4. "Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon." (pagsang-ayon)

5. "Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag."

(pasalungat)

B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at

ipinadarama.

1. Pagbibigay-babala

"Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad."

"Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon."

2.Panghihinayang

"Sayang, tama sana ang aking kasagutan."

"Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nagyari yaon."

3. Hindi Pagpayag

"Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin."

59

Page 60: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

"Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n'yong isagawa."

X. Saan Kaya Ako Nabibilang?

PANUTO:Itapat ang bawat pangungusap ng Hanay A ang mga

tamang sagot nito na nasa Hanay B.

1. Malugod kong tinatanggap a. pasasalamat

ang iyong regalo b. pagtanggap

2. Lubos kong ikinagagalak ang c. pagtanggi

iyong pagbisita sa akin. d. pagbibigay-babala

3. Huwag kang magkamaling e. pagsang-ayon

lapitan siya f. pagsalungat

4. Sayang, maganda pa naman g. hindi pagpayag

sana siya. h. paghihinayang

5. Kailanman hindi ko nagawang i. pag-aalinlangan

ipagkalulong ang aking mga j. pagpapatawad

60

Page 61: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

magulang.

6. Gusto ko sana siyang kausapin

kaninapero nag-alangan ako.

7. Kung iyan ang mas makabubuti,

sumasang-ayon ako sa iyong plano.

8. Tinatanggap ko na ang paghingi mo

ng paumanhin sa akin.

9. Hindi ako sumasang-ayon sa

iyong ideya.

10. Bahala ka na kung dadalo ka

sa pagtitipon.

XI. Mga Kasagutan

1.b

2.a

3.d

4.h

5.c

6.i

61

Page 62: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

7.e

8.j

9.f

10.g

XII. Panukatang Pagsusulit

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang

aking saloobin na ipinapahayag.

1. Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi. (panghihinayang, pagbibigay-babala,

pagtanggap)

2. Nakakahiyang aminin, tinatanggap kong ako ang nagkamali. (pagtanggap,

pasalungat, pasasalamat)

3. Kung ginising ko siya ng maaga, hindi sana siya nahuli sa klase.

(paghihinayang, pagtanggi, pagaalinlangan)

4. Oo naman, masaya ako sa piling mo. (pagsalungat, pagtanggi, pagsang-ayon)

5. Magustuhan kaya niya ang hinanda kong surpresa. (pag-aalinlangan,

pagsang-ayon, pagpapatawad)

6. Nakalulungkot isipin, pero magkaiba tayo ng pananaw tungkol sa usaping ito.

(pagsang-ayon, pasalungat, pagtanggi)

7. Kailanman ay hindi ko ninais na saktan ang kanyang damdamin. (pagtanggi,

pagsang-ayon, pagtanggap)

62

Page 63: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

8. Sayang, hindi ko pinanindigan ang aking mga sinabi. (pagtanggi,

panghihinayang, pagbibigay-babala)

9. Malugod kong tatanggapin ang inyong mga paratang niyo. (pagtanggi,

pagtanggap, pagpapatawad)

10. Huwag kang magpabigla-bigka sa bugso ng iyong damdamin.

(pagbibigay-babala, pagtanggi, pagtanggap)

XIII. Mga Kasagutan

1. pagbibigay-babala

2. pagtanggap

3. panghihinayang

4. pagsang-ayon

5. pag-aalinlangan

6. pasalungat

7. pagtanggi

8. panghihinayang

9. pagtanggap

10. pagbibigay-babala

XIV. Pagpapahalaga

1. Naunawaan mob a ng mabuti ang paksa?

63

Page 64: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

2. Nakikilala mo na ba ang mga paraan sa pagpapahayag maging ng mga

emosyong nakaatang ditto?

3. Maraming beses ka na bang sumalungat sa isang ideya ng iba o sumang-

ayon din dito?

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat Pahina

UNANG MARKAHAN

Modyul 1 : Pang-abay na Pamanahon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

64

Page 65: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Modyul 2 : Mga Aspekto ng Pandiwa . . . . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . 11

IKALAWANG MARKAHAN

Modyul 1 : Mga Pahayag na Pagsang-ayon at Pagsalungat . . . . . . . . 22

Modyul 2 : Mga Antas ng Wika. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .31

IKATLONG MARKAHAN

Modyul 1 : Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal . . . . . . . . . . . . . . 43

Modyul 2 : Mga Paraan ng Pagpapahayag . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .56

Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pamantasang Normal ng Leyte

Tacloban City

Modyul Para

Sa

65

Page 66: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

BAITANG 8 - Wika

Isinumite ni:

KENNETH B. REANDINO

Isinumite kay:

DR. ALVIN ROM DE MESA

Sanggunian:

Panitikang Pilipino (Filipino Kagamitan ng Mag-aaral) http://teksbok.blogspot.com/2010/08/antas-ng-wika_6470.html

66

Page 67: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

67

Page 68: Modyul Para Sa Grade 8 (WIKA) - Reandino.docx

Ang mga sumusunod ay ang mga tao sa likod ng aking tagumpay sa

paglikha ng modyul na ito na lubos kong pinasasalamatan mula sa kainuturan ng

aking puso:

Unang-una sa ating Poong Maykapal na laging nariyan upang gabayan ako

sa bawat desisyon na aking ginagawa at pagpaparamdam sa akin na kaya kong

matapos ang lahat ng ito.

Sina Mama at Papa sa kanilang pagpapakita ng buong suporta sa akin at sa

pagbibigay nila ng pera upang matustusan ang pangangailangan ko sa pagbuo

ng awtput na ito.

Si Dr. Alvin Rom De Mesa sa kanyang mga payo upang maging maayos at

wasto ang bawat nilalaman ng aking modyul.

At sa aking kuya Beboy na walang humpay rin ang suporta at paggabay at

maging sa pagpapalakas ng loob ko na makakaya kong matapos ito at maipasa

sa tinakdang panahon.

68

Pasasal