17
Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 1 Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 7: KONSENSYA TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE) Kapag naubos ang kayaman, may nawawala, kapag nagkasakit nang malubha, malaki ang nawawala, ngunit kapag nawasak ang pagkatao, lahat nawawala.Naniniwala ka ba sa kasabihang ito? Paano maaaring iwasan ang pagkawasak na ito ng pagkatao upang maiwasan din na mawala ang lahat sa iyo? Sa modyul na ito mauunawaan mo ang kalikasan at kahalagahan ng konsensyang ipinagkaloob sa tao. Matutuklasan mo rin kung paano mo ito gagamitin at lilinangin para sa iyong pag-unlad. Sa modyul na ito, inaasahang: a. masasagot ang tanong na: Paano nalalaman ng tao ang mabuti at masama sa isang kongkretong sitwasyon? b. Maisasagawa mo ang hakbang upang maiwasan ang hindi magandang epekto sa pagkatao ng paggamit ng maling konsensya. Narito ang mga kraytirya sa pagtataya ng awtput mo sa titik b: a. Nailahad nang malinaw ang mga tiyak na hakbang b. Makatotohanan ang mga hakbang na naitala c. Nakapagtala ng 5 -7 hakbang d. May kalakip na patunay ng pagsasabuhay ng mga hakbang Paunang Pagtataya Sakaling ikaw ay naharap sa ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin?

Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

  • Upload
    others

  • View
    107

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 1

Edukasyon sa Pagpapahalaga I

Ikalawang Markahan

Modyul 7: KONSENSYA

TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE)

“Kapag naubos ang kayaman, may nawawala, kapag nagkasakit

nang malubha, malaki ang nawawala, ngunit kapag nawasak ang

pagkatao, lahat nawawala.”

Naniniwala ka ba sa kasabihang ito? Paano maaaring iwasan ang pagkawasak

na ito ng pagkatao upang maiwasan din na mawala ang lahat sa iyo? Sa modyul na ito

mauunawaan mo ang kalikasan at kahalagahan ng konsensyang ipinagkaloob sa tao.

Matutuklasan mo rin kung paano mo ito gagamitin at lilinangin para sa iyong pag-unlad.

Sa modyul na ito, inaasahang:

a. masasagot ang tanong na: Paano nalalaman ng tao ang mabuti at masama

sa isang kongkretong sitwasyon?

b. Maisasagawa mo ang hakbang upang maiwasan ang hindi magandang

epekto sa pagkatao ng paggamit ng maling konsensya.

Narito ang mga kraytirya sa pagtataya ng awtput mo sa titik b:

a. Nailahad nang malinaw ang mga tiyak na hakbang

b. Makatotohanan ang mga hakbang na naitala

c. Nakapagtala ng 5 -7 hakbang

d. May kalakip na patunay ng pagsasabuhay ng mga hakbang

Paunang Pagtataya

Sakaling ikaw ay naharap sa ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin?

Page 2: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 2

Sa apat na pagpipiliang gawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali.

Pangatwiranan ang iyong sagot. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.

P

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita

kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman

ito ng dalawang libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na

isa mong kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa

perang pambili ng kanyang gamot.

Kukunin ko ito para may ipambili kami ng gamot para sa tatay ko. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: _____________________________________________________________________

Hahayaan ko lang ito sa mesa tutal hindi naman ito sa akin. ( ) TAMA ( ) MALI Paliwanag: ____________________________________________________________________________________________________________

Ibibigay ko ito sa kaklase ko na nagmamay-ari nito. ( ) TAMA ( ) MALI Paliwanag: __________________________________________________________________

Ituturo ko ito sa kasama ko para siya ang sasabihin kong kumuha. ( )TAMA ( ) MALI Paliwanag: ________________________________________________________________________________________________________________

Page 3: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3

Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong na ito sa iyong

kuwaderno :

1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mo ng Tama? Bakit mo nasabing ito ay

tama?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang Mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Kumusta? Naging makabuluhan ba ang Gawain na ito para sa iyo? Marahil

natulungan ka nito upang magsimulang mahasa ang iyong kakayahan sa pamimili nang

tama at mabuti. Mas mahahasa pa ang iyong kakayahan na ito habang ipinagpapatuloy

ang mga gawain sa aralin na ito.

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Araw-araw gumagawa ka ng maraming pagpapasya mula paggising mo sa

umaga. Ang ilan sa mga pasyang ito ay pangkaraniwan lamang tulad ng damit na

isusuot o kulay ng sapatos na gagamitin, subalit may mga desisyong nakasalalay ang

iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan ito ng malalim

na pag-iisip.

Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas.

Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos

ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag.

Page 4: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 4

LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)

Marahil naririnig mo ang payo na “Gawin mo ang gabay ng iyong konsensya”,

sa tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang pagpapasya. Maraming paniniwala ang

nakakabit sa salitang ito, gayundin ang iba’t ibang pakahulugan dito. Ikaw, ano ang

pakahulugan mo sa salitang ito?

Isulat mo sa mga kahon sa ibaba ang mga salitang nagbibigay-kahulugan sa

salitang konsensya. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong

kuwaderno.

Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng pera,

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

____________________________________

KONSENSYA

Halimbawa:

Gabay sa pagkilala ng mabuti at masama

Page 5: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 5

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno, gamit ang pormat sa ibaba.

Mga Tanong:

1. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensya?

2. Batay sa iyong naging karanasan, ano ang natuklasan mo tungkol sa

konsensya?

3. Paano ka nagabayan ng konsensya sa mga pasya at kilos mo?

4. Mabisa bang gabay ang konsensyang taglay mo? Patunayan.

PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)

Naalala mo pa ba ang paraan mo ng pagpili ng mabuti at masamang

kilos noong bata ka pa? Sa pamamagitan ng babasahin sa bahaging ito ng modyul,

mabibigyan ka ng masusing paliwanag tungkol sa bahaging ginagampanan ng

konsensya sa buhay mo. Matutulungan ka rin upang ilapat mo ang iyong kaalaman sa

paggamit ng konsensya. Magiging handa ka rin upang mahinuha ang Kakailanganing

Pag-unawa (EU), kaugnay ng paksa.

KONSENSYA: GABAY SA PAGPAPASYA

Page 6: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 6

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong ama at

ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng mabuti o ng masama? Ayon sa

kanila may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at isa sa kaliwa.

Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama na

dapat mong gawin sa isang sitwasyon. Ayon sa kanila, kapag pinili mo ang mabuti,

sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo ang masama,

sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kaliwa.

Ngayon naman, marahil naririnig mo ang mga katagang: “Malinis ang konsensya

ko” o kaya naman “Hindi maatim ng aking konsensya…”

Ano nga ba ang konsensya?

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang

kakayahang ito ay tinatawag na konsensya. Ang salitang konsensya ay mula sa

salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay

“knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensya ay nangangahulugang “with

knowledge” o mayroong kaalaman. Ginagamit ito sa paggawa ng wastong desisyon sa

buhay. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat

naipakikita ang paglalapat (aplikasyon) ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na

ginawa.

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga

sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas:

Page 7: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 7

a. Sa tulong ng konsensya, nakikilala ng tao na may bagay siyang

ginawa o hindi ginawa. Halimbawa nito, iniwan sa pangangalaga mo

ang iyong nakababatang kapatid dahil umalis ang iyong ina. Ngunit

sinabayan mo ang pag-aalaga ng panonood ng telebisyon. Dahil dito,

nahulog ang kapatid mo. Nagkaroon ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina,

hindi lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng nanay mo may bukol din

ito sa noo. Nang tanungin ka, sinabi mong napadikit lang sa dingding kaya’t nagkaroon

ng gasgas, subali’t di mo alam bakit may bukol ito. Hindi mo man aminin ang iyong

ginawa at itanggi ang katotohanan, makumbinsi mo man ang iba at ika’y paniwalaan, ang

iyong konsensya ay nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang konsensya ay tumatayong

testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa

ng tao.

b. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may

bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya

dapat isinagawa subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa

itaas, sa iyong pag-iisa hindi ka mapakali, nararamdaman mong dapat

mong sabihin sa iyong ina ang tunay na nangyari sa iyong kapatid. Ang konsensya sa

sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

c. Gamit ang konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay

nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali.

Halimbawang binalewala mo ang bulong ng konsensya na sabihin sa

iyong ina ang tunay na pangyayari, hindi na natahimik ang iyong

kalooban. Mas tumindi pa ang pagkabagabag nito lalo na nang

nilagnat ang kapatid mo. Kaya’t sinabi mo ang totoong nangyari sa iyong ina,

napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong pag-aalala at nakadama ka ng

kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito, ang konsensya ay mararamdamang

nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring nagpapahirap sa tao. Ang konsensya ang

Page 8: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 8

bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng katagang

“hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking konsensya”.

Ipinakikita dito na ang konsensya ay nakakabit sa isip ng tao, kaya’t ito ay

kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensya ang batayan ng

isip sa paghuhusga ng tama o mali. Ibinabatay ng konsensya ang pagsukat o paghusga

sa kilos sa obhektibong pamantayan ng Likas na Batas Moral. Itinuturing ang

konsensya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Dahil dito,

ang konsensya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang

aksyon kung tama o mali. Sa paghuhusga sa moralidad ng kilos, ginagamit ng

konsensya ang katotohanang nauunawaan ng tao.

Ang konsensya ay praktikal na paghuhusga ng isip na nag-uutos na gawin ang

mabuti at iwasan ang masama. Pangunahing tungkulin nito na malaman ang tamang

gagawin sa bawat sitwasyon. Nararapat na maging malinaw sa konsensya ng tao kung

ano ang mabuti at masama. Lumilitaw dito ang mahalagang elemento ng konsensya –

ang pagninilay upang maunawaan kung ano ang tama at mali at paghatol na ang isang

gawain ay tama o mali, mabuti o masama at ang obligasyong gawin ang mabuti.

Dahil ang konsensya ay personal, hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya sa

bawat tao. Nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

Ang konsensya ay nahuhubog sa tulong ng pamilya, paaralan, simbahan at iba pang

sektor ng lipunan. May pagkakataon na kahit masama ang isang kilos, tinatanggap ito

ng lipunan bilang normal. Minsan pa’y nagmumukhang tama dahil sa dami ng

gumagawa nito.

Ayon kay Santo Tomas, sa kabila ng katotohanan na alam ng tao ang

panuntunan na gawin ang mabuti at iwasan ang masama, ang konsensya ay maaari pa

ring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan kung anong panuntunan ng kilos

ang gagamitin. Maaari ring magkamali sa paraan ng paggamit ng panuntunang ito.

Page 9: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 9

Dahil dito, ang konsensya ay maaaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na Batas

Moral (Esteban, 1990).

Narito ang mga Uri ng Konsensya:

1. Tama - Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na

kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang

pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at

bilang mali ang mali (Agapay).

Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra

ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon, hindi

ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa

pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa

iyo. Katwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.

2. Mali - Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga

maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay

Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama

ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang

sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo naman

ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera

at nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera.

Samakatuwid, ayon pa rin kay Santo Tomas de Aquino, kailangang hubugin at

sanayin ang konsensya upang makilala nito ang tunay na mabuti. Susog sa sinabi ni

Socrates, ang taong nakaaalam ng tama ay kikilos nang tama. Ang kilos-loob ay pinipili

kung ano ang iniisip ng taong tama at makabubuti sa kanya.

Page 10: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 10

Paglinang ng Konsensya

Ang paglinang ng konsensya ay isang proseso ng pagtanim sa isipan ng tao ng

tamang alituntunin ng asal. Ang tamang alituntuning ito ang panghahawakan ng

konsensya bilang batayan ng paghuhusga. Narito ang ilang paraan ng paglinang ng

konsensya ayon kay Cardinal Newman:

1. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang

konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama. Mahalaga ang patuloy na

pag-aaral o edukasyon at pagbabasa.

2. Isabuhay ang mga alituntuning ito, hindi sapat na maunawaan lamang ang

mga ito. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon

sa tamang alituntunin.

3. Ipagpaliban muna ang paggawa ng pasya o kilos kung may pag-aalinlangan

at agam-agam dito. Hindi kailangang kumilos dahil lang sa pansariling

kagustuhan, kapritso o kaginhawahan. Kailangang maisaayos ang pag-

aalinlangang ito batay sa katotohanan.

4. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya. Ito ay

sensitibong gabay at madaling masira ang tinig nito. Kapag ito ay sinanay na

binabalewala, hindi na ito magiging epektibong tagahusga.

Mahalagang mapanatili ang epektibong gabay ang konsensya. Epektibo itong

gabay kung ang moral na alituntunin na kanyang sinusunod ay tama at naaayon sa

obhektibong katotohanan. Nababatid din nito kung ito ay nagkakamali. Hindi ito

natatahimik at patuloy na nananawagan upang maitama ang maling nagawa.

Ang konsensya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na

maaaring gawin. Taliwas sa komersyal ng sabon o sa katauhan na nasa kanan at

kaliwang bahagi ng tao, ang paghuhusga ng konsensya ay hindi nagmumula sa labas

ng tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama na kanyang gagawin

gamit ang kanyang konsensya.

Page 11: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 11

May pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi

nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao. Ito ang nagaganap sa kanyang

konsensya nang hindi niya namamalayan. Karaniwang sinasabi ang mga katagang:

maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang upang pangatwiranan ang

maling ginawa. Kung patuloy na babalewalain ng tao ang kanyang konsensya, darating

ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Epekto nito, ang tao

ay maaaring maging katulad ng hayop sa kanyang pagpasya at pagkilos.

Kamusta ang iyong pagbabasa? Malinaw ba para sa iyo ang konsepto tungkol sa

konsensya? Upang masubukan mo ito, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong:

1. Paano nalalaman ng tao ang mabuti at masama sa isang kongkretong sitwasyon? ________________________________________________________________________________________________________________________

2. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ _________________________

3. Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensya ng tao? ___________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano ang pinagdadaanan ng taong nagtutunggali ang isip at kilos-loob sa isang pasya at kilos na gagawin? _____________________________________________________________________________________________________________________________

5. May tao bang walang konsensya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 12: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 12

Tama na dapat sundin upang

maabot ang …

Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding o EU)

Ang konsensya ay ang Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa puso at isip

ng tao.

2 uri ng KONSENSYA

PAGSASABUHAY NG PAG-UNAWA (TRANSFER)

Naging malinaw ba para sa iyo ang mga konseptong

tinalakay tungkol sa konsensya ng tao? Nawa’y naging malinaw sa

iyo ang tamang paraan ng paggamit ng kaloob na ito sa iyo ng Diyos na pakikinggan

mo sa panahon ng iyong pagpili. Hangad kong magiging matalino ang iyong pagpili

gamit ang iyong konsensya upang mas maging kapaki-pakinabang ang iyong gagawing

pagpapasya.

Mal

i

na

dap

at i

was

an

upan

g

hin

di

ta

hak

in

a

ng

landas

na

Page 13: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 13

Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat mo ang mga natutunan mong konsepto tungkol

sa Konsensya sa pang-araw-araw ng buhay mo.

Pagganap

Panuto: Balikan ang Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko sa Modyul 6. Pumili ng

isang malungkot na mukha at punan ang matrix sa ibaba: Ang Kontrata ng mga Pasya

at Kilos na Pauunlarin Ko. Gabay mo ang halimbawa.

Kung Ang pasya o kilos sa mukhang malungkot

Damdamin ko

Damdamin ko sa pasya o kilos

Kaya Ang dapat kong gawin tungo sa kabutihan

Ang Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Kung Naglalaro ako ng computer games tuwing bago gawin ang homework ko.

Damdamin ko

Nalulungkot ako dahil naging pabaya ako. Nagsisisi ako dahil wala akong maisumite na homework kinabukasan.

Kaya Uunahin ko ang paggawa ng homework bago maglibang tulad ng paglalaro ng computer games.

Page 14: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 14

Ipinapangako kong tuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang linggo.

Pagninilay

Ano kaya ang iyong mga natutuhan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng

konsensya mo? May mga pagbabago bang nangyari sa sarili mo matapos gawin ang

“Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko”? May paraan pa kaya upang

mapaunlad mo ang pagiging sensitibo upang sundin ang binubulong ng iyong

konsensya?

Mahalagang pagnilayan ang mga sagot sa tanong na ito upang mabigyang-

halaga ang pagpili mo sa paggawa ng mabuti at iwasan ang paggawa ng masama.

Isulat ang iyong sagot sa mga tanong na ito sa iyong journal.

__________________________________ ______________________________________________ Lagda ng Mag-aaral (Tagatupad ng Kontrata)

Lagda ng Kapatid o Kaklase na Sumubaybay sa Tagatupad

__________________________________

Lagda ng Magulang

Kahalagahan na paunlarin at gawing epektibo ang konsensya sa buhay ko

Mga pagbabagong naganap sa sarili matapos ang gawain:

Mga hakbang upang maging sensitibo sa pagsunod sa konsensya:

Page 15: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 15

Pagsasabuhay

Mabisa ba ang paggamit mo ng iyong konsensya? Gawin mo ang gawain sa

bahaging ito upang tulungan kang masanay sa wastong paggamit nito kasama ang mga

taong malapit sa iyo. Kailangan ito sapagkat ang tamang sukatan ng pagkatuto at

pagkaunawa ng isang mag-aaral ay kung nailalapat niya sa pang-araw-araw na buhay

ang kanyang natutuhan. Sa ganitong paraan makikita ang unti-unting pag-unlad ng

pagkatao ng isang indibiduwal.

Panuto: Suriin ang paggamit ng konsensya ng dalawang taong malapit sa iyo.

Obserbahan ang kanilang gagawing pagpapasya at pagkilos gamit ang kanilang

konsensya.

Punan ang tsart sa ibaba.

Taong Malapit sa Akin

Pasya o kilos na ginawa

gamit ang konsensya

Uri ng Konsensya

Epekto sa Pagkatao

Mga Natuklasan Ko Mula sa Aking Pagmamasid: _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________

Page 16: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 16

Magaling! Natapos mo na naman ang isang mahalagang paksang dapat mong

maunawaan at pagsumikapang patuloy na isabuhay. Ipagpatuloy mong gamitin ang

kakayahan mo upang palagi mong sundin ang tamang konsensya. Ngayon handa ka

na para sa susunod na modyul.

Mga Sanggunian:

Agapay, Ramon B. (1991). Ethics and the Filipino:A Manual on Morals for Students

and Educators. Mandaluyong City. National Book Store

Esteban, Esther J.(1990). Education in Values: What, Why and for Whom.

Manila:Sinag-tala Publishers, Inc.

Institute for Development Education Center for Research and Communication(1992).

Perspective: Current Issues in Values Education 4 Manila:Sinag-tala Publisher

Quito, Emerita S. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc.

Crisostomo, Rosar. (2004) nagsalin sa Filipino. Konsensya para sa mga Katolikong

Pilipino. Mandaluyong City. National Book Store

Upang maiwasan ko ang hindi magandang epekto sa aking pagkatao

ng paggamit ng maling konsensya, gagawin ko ang mga sumusunod:

___________________________________

___________________________________

___________________________________

___________________________________

___________________________________

__________________

Lagda ng Mag-aaral

Page 17: Modyul 7: KONSENSYA - mgaraullo.depedmanila.commgaraullo.depedmanila.com/wp-content/uploads/2019/02/Q2_MODULE_7...Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 3 Matapos ang gawain,

Open High School Program, EP I Modyul 7 Page 17

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa

Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig

City: Awtor

Conscience (n.d.)Retrieved November 21, 2009 from

http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience

Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 from

www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html

Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini-in-

english.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm

Mga Larawan, hinango sa:

http://www.acclaimages.com, May 20, 2011 http://hkcscheer.net, May 20, 2011 http://www.positive-parenting-ally.com, May 20, 2011 http://www.randomchronicles.com, May 20,2011 http://journalsandpapersblog.com, May 19, 2011 http://depositphotos.com, May 19, 2011

http://www.clipartpal.com/clipart_pd/education/openbook1.htm/ , May 17, 2011

http://www.skateboardinguniversity.com My Personal Notebook Secrets, May 17, 2011