117

Click here to load reader

Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 2: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 3: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

May apat na uri Nangangain ng bangkay, naninipsip ng dugo,

naninipsip ng lamang-loob at halimaw Nakakapagpalit ng anyo Napaghihiwalay ang katawan mula sa may

baywang Mukhang matamlay sa araw at ang mapupulang

mata ay may iris na mahaba at manipis tulad ng sa pusa

Takot sa liwanag, maanghang na rekado, bawang, suka, apoy at kutsilyo.

Page 4: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 5: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Malaki, maitim , balbon at may mahabang balbas nakahubad at mahilig manabako haang nakaupo sa punoNang-aaakit ng magagandang dilag sa pamamagitan ng pampapaambon sa kanila ng mga talulot ng bulaklak upang sa kanila ay sumama ay mapaglibanganSinasabi na pagpaso o pagdutdot lamang ng umaapoy na bagay ang makakapagpigit dito sa pagdukot ng mga babae

Page 6: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 7: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

May pakpak at sinasabing dispiguradong kaluluwa.

Ang mga daliri sa kamay , mga paa at sakong ay nakaturo patalikod at nakabaligtad

Nakakalikha ng sanggol ng isang sanggol mula sa patak ng buwanang dalaw o inunan sa pagkaanak.

Nabubuhay nito ang mga batang nalaglag sa pagkakunan

Page 8: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Isang kanibal at ang balat nito ay sintibay at singkapal ng balat ng kalabaw

May mga mahabang kamay at kuko at nangangain nu buhay na tao

Sa umaga, nakasabit ng parang paniki at sa gabi naghahanap ng makakain gamit ang matalas na pang-amoy

May kakayahang magpalit ng anyo – bilang isang lalaki, manok o isdang tabang

Page 9: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 10: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Mamumuhay sa butas sa katawan ng puno

Kung gagawing haligi ng bahay o gamit ang puno mananatili ang Batibat dito

Tagahatid ng bangungot at dinadaganan nito ang mga biktima na karaniwang tulog, lasing o sobra ang nakain.

Ang laki at bigat nito ay sapat na para makapatay

Ang panlaban at pantaboy sa batibat ay pagkagat sa daliri ng paa o paggalaw sa pinakamalaking daliri sa paa

Page 11: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 12: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa kuweba sa langitan na tinatawag na Calulundan nakatira ang dragon

Tila isang napalaking ibon kasing laki ng gusali na bihirang lumabas sa kuweba at nagpapakita lamang kung gutom

Karaniwang gustong kainin ay araw, buwan at mga bituin na nagiging dahilan ng paglaho

Upang mapigilan ang bawa kinakailangan na mag-ingay ang mga tao, magpatugtog ng musika o mag-alay ng pagkain

Page 13: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 14: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Napakalaking ogro na sa kabila ng kakaibang lakas at laki at natatakot sa alimango

Sinisipsip ang tubig sa ilog upang isipin ng mga tao na ito ay mababaw

Tapos unti-unti nilang pawawalan ang tubig sa bibig upang lunurin ang mga walang kamalay-malay na biktima na kakainin niya pagkatapos

Page 15: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 16: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa umaga ay isang napakagandang dilag ngubit sa gabi ay nakakakilabot na halimaw na naghihiwalay ang katawan

Sa itaas na bahagi ay may anyong babae at may pakpak ng ibon at paa ng kabayo

Nakatira sa kasukalan ng gubat at mahilig kumain ng bata

Binubutasan ang dibdib upang makain ang puso at atay

Takot sa asin, suka, sibuyas at luya Pagsambit laamng sa mga salitang ito ay

sapat na para mataboy ito sa takot

Page 17: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 18: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Parating nakangisi at isang kakilakilabot na ogro na kumakain ng karne ng kalabaw.

Laging naiisahan at naloloko ng mga tao May iisa lamang na mata, malalaking ngipin

at dalawang matutulis na pangil sa magkabilang bahagi ng kanyang napakalapad at napakakapal na nguso na tumatakip sa kanyang mukha pag ito ay nakangisi

May matalas na pandinig at may pambihirang lakas sapat na makapaghagis ng kalabaw at ilubog ito hanggang tuhod sa lupa.

Page 19: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 20: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Pinakamahilig sa mga alahas at palamuti Nakatira sa isang marangyang bahay na maraming

silid at maging ang bubong at dingding ay natatakpan ng mga baging na may makukulay na bulaklak

Mahilig mag-estima ng mga kaibigan nito sa bahay Sensitibo sa kagandahan at sobra ang muhi sa mga

tao Dahil sa may pagkatanga ito madali itong malinlang

na ang lubid, itak at tugtog ng tambol ay ang buhok, ngipin at tibok ng puso ng mga kaaway nitong tao.

Page 21: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 22: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Ang dahilan kung bakit walang tigil ang pagsiga ng siyam na araw at gabi ang mga pamilyang naglalamay ay upang panatilihang malayo ang ebwa sa kanilang mga patay

Matabang nilalang na nakahubad at laging humahalakhak ng walang tigil at mahilig mangolekta ng napakaraming bungo ng kanyang mga biktima

Takot ang nilalang na ito sa apoy kung kaya di niya mananakaw ang banagkay habang may sigang malapit

Page 23: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 24: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Minsan ay magiliw at mapagbigay sa mga mortal at minsan naman ay mapanira at nangangain ng tao

Anyong tao ngunit napakalaki at kung nanaisin nito ay magagawa niyang maging mabait sa mga tao

Binibigyan niya ng apoy ang mga mangangaso na lumalapit sa kanya at sumasali sa mga mortal sa paligsahan ng pagsisid ngunit may pagkatanga sa hatian ng premyo

Maaaring maging kakila-kilabot gamit ang kanyang palakol, hihilahin niya patungo sa kanyang kuweba ang mga kaawa-awang biktima na kanyang lulutuin at pagkatapos ay kakainin.

Page 25: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 26: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Isang napakalaking unggoy na may napakahabang buntot.

Naninirahan sa mga puno sa gubat, mayroon itong malalaking mga kamay at paa at ang buong katawan ay nababalutan ng malalambot na balahibo.

Napakalakas ng napakahabnag buntot nito at ito ang ginagamit nito para itaas ang tao sa puno saka ihahagis matapos nitong patayin sa sakal ang tao

Page 27: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 28: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

May pagka-hippie: mahaba nag buhok, mahilig tumugtog ng gitara at mahilig sa gulay

Paborito ang sitaw na kanyang ninanakaw kung kaya’t perwisyo sa mga tao

Mahilig magnakaw ng bigas, isda at buhok ng bata

May bagong panganak na kibaan habang umuulan at maliwanag ang sikat ng araw

Baligtad ang paa nito, sa harap ang sakong at nakaturo patalikod ang mga daliri ng paa

Nakatira sa mga halamanan na pinalilibutan ng mga alitaptap

Kilala sa pagiging lubos na mapag bigay at namimigay ito ng palayok o pitaka na puno ng ginto sa mga taong kanyang nagiging malapit na kaibigan

Page 29: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 30: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Duwendeng pastol ng mga usa Kaya maging isang usang kulay puti na isa

lamang ang mata upang lituhin ang mga mangangaso at ipagtanggol ang mga hayop

Karaniwang nasa anyo ng isang matandang lalaki na may maliliwanag na mga mata at manipis na mahabang balbas

Madaling naiiiwasan ang mga bala ng mangangaso ngunit sa ikalaimang bala ay nagbabalik na ito sa anyong duwende

Page 31: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 32: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa gitna at pinakamalalim na bahagi ng dagat naninirahan

Higanteng ahas na may dalawang putting sungay na may sukat na tig-180 talampakan ang bawat isa

May mala-tinik na buhok, maliliwanag na mata, mahahabang ngipin at malalaki’t matitigas na kaliskis

Ang dila ay mahaba at ang dulo ng bunto’t nito ay hati sa gitna

Kapag gutom ay nagbubuga ng berdeng likido at umuungol ng malalim at matagal.

Page 33: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 34: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Ay isang napakagandang babae sa araw at isang halimaw na may pakpak sa gabi

Ginagamit nag kagandahan upang mang-akit ng matitipuno at malalakas na lalaki na papakasalan niya

Mula hating-gabi hanggang madaling araw ay sinisipsipan niya ng dugo ang asawa sa pamamagitan ng kaniyang mahaba at malatubong dila at kapag namatay ang lalaki ay maghahanap ulit ng kanyang susunod na biktima

Maaaring mamatay sa pamamagitan ng sibat o tulos ng kawayan

Page 35: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 36: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Halimaw na may anyo at tunog ng baka ngunit walang sungay

Nababalot ng mahabang balahibo ang kataan nito at mayroon itong bibig na kakilakilabot

Laging nakanganga kaya nakikita ang isang pares ng matutulis na pangil nito

Kanibal at kayang pilasin ang mga biktima sa pamamagitan ng mga pangil nito

Page 37: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 38: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Isang higanteng ahas na sinasabing ang hininga ay makamandag na lason

Karimarimarim ang anyo na may malaking palong, napakahabang dila na puno ng tinik, matutulis na pangil at isang nakakatwang buntot na biyak sa dulo.

Sa gabing madilim at tahimik takpan ang tenga kapag naririnig na umaawit ito ng malakas mula sa tirahan nito sa itaas ng bundok.

Page 39: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 40: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Malabakal ang tuka at mga kuko, mala-salamin ang mga mata at mala-espada ang bawat balahibo.

Sinasabing sinlaki ng buong isla ng Negros ang halimaw na ibon at laging inaabanagan ang pagkakataon na malunok ang buwan.

Ang pandinig nito ay nasa bibig kinakailangan ng mga tao na mag-ingay upang ibuka nito ang bibig at mailuwa ang buwan.

Page 41: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 42: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Isang maitim at matangkad na lalaki na walang ulo at minsan ay walang braso

Ang leeg ay bumubula ng dugo o kundi naman ay umaapoy

May masangsang na amaoy at nagbabago ng anyo upang maging baboy, aso, kambing o pusa na walang ulo o buntot at maglalaho’t liltaw kung nanaisin nito

Mahilig manligaw sa magagandang dilag at mahilig magnakaw sa sampayan ng damit panloob ng mga babae

Kahit umaapoy ang leeg nito ay takot ito sa apoy at para ito ay mataboy ay magsiga ng mga dahong malakas ang amoy sa tabi ng tirahan nitong puno

Page 43: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 44: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Isang maliwanag na bolang apoy na tumatalbog at gumugulong ngunit walang sinusunog sa dinadaanan nito

Layunin lamang nito na iligaw ang mga manlalakbay

Naglalagi sa bukirin at halamanan Nagpapalit ng anyo upang maging isang

halimaw na bumubuga ng apoy Upang makabalik sa tamang landas ang

naligaw ng santelmo kinakailangan lamang na isuot nang pabaligtad ang mga damit

Page 45: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 46: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Kanibal na dinidilaan ang mga biktima upang patayin

Ang ulo at ang buntot nito ay magkahawig at magsimbilis itong tumakbo na pasulong at paatras

Ang malalaking tenga nito ay hawig sa dahon ng gabi at maingay pag pinapagaspas

Page 47: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Hawig sa kangaroo at kumakain ng bangkay May mabahong amoy at ang mga mata ay

nagbabaga Maliban sa bangkay mahilig din ito sa biik

at talbos ng kalabasa Tulad ng buwitre, inaabananga nito ang

taong naghihingalo upang padaliin ang pagkamatay nito sa pamamagitan ng pagkagat sa anino nito

Kinakatakutan ang amoy ng suok, mga rekado at matatalas na kutsilyo

Page 48: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 49: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Hinango mula sa tunog na ginagawa nito Halimaw na naghihiwalay ang itaas at ibabang

bahagi ng katawan Maaari rin isang mapanlinlang na halimaw na

nagiging ibon Sa araw, ito ay may anyong magandang dalaga

ngunit ang mga braso nito ay nagiging itim na pakpak sa gabi upanga mag-anyong halimaw.

Naglalaway kapag nakakakita ng buntis Upang maiwasan maging biktima ng wakwak

maglagay ng suha sa bubong Napapatay sa pamamagitan ng pagsaksak ng

tulos ng kawayan sa puso nito

Page 50: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 51: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nagkukubbli sa matataas na talahib at nagbibiktima ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng pag-iyak na parang isang naiwang sanggol.

Maliit, maitim, at mabangis na halimaw na may pangil at matutulis na kuko at may paang mas mahaba pa sa isa

Kaluluwa ng mga nilaglag o di napanganak na mga sanggol at naghihiganti dahil sa pinagkait na buhay sa kanila

Page 52: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 53: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Hinago mula sa tunog na kanilang ginagawa Sa araw ay parang pangkaraniwang tao at sa

gabi ay isang mala-ibon at maitim na halimaw Nangangain ng lamang loob ng tao. Sumasalakay sa gabi at parang pusa ito ay

tumatalon nang pataas sa bubong ng bahay ng napipinto nitong biktima.

Kayang sumabit ng parang paniki upang makapwesto ng mabuti pagkatapos ay ilalabas nito ang napakahabang dila upang pilasin ang tiyan ng natutulog na biktima.

Upang mapatay kinakailangan gutumin sa pamamagitan ng pagputol sa dila nito.

Page 54: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 55: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Palatandaan na may tikbalang kapag may malakas na amoy kambing

May ulo at leeg ng kabayo pati ang malagong kiling nito at ang katawan nito ay sa tao ngunit may paa ng kabayo.

Nagpapalit anyo ito upang magpanggap bilang kamag-anak o kaibigan ng manlalakbay para iligaw ito.

Ang sumpa ng tikbalang ay maaaring makabulag o makabaliw ngunit pag napaamo ito ay maaari ding maging isang tapat na kaibigan at utusan.

Isang tao lamang na pambihirang tapang lamang ang makakabihag sa tikbalang at kailangang sumakay ito sa likod at kumuha ng tatlong hibla ng kiling.

Para mapawalang bisa ang sumpa ng tikbalang kinakailangang tagain ng biktima ang pinakamalapit na puno sa pamamagitan ng sundang o bolo o kayay suotin pabaligtad ang damit.

Page 56: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 57: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Ang mga abgay na naaaninag sa mata ng mga mangkukulam ay baligtad

Karaniwang anyo ng isang pangit na babae na nakatira sa maliit na kubo sa labas ng bayan

Maaaring pasukin ang katawan sa pamamagitan ng pagsumpa o pagtusok ng karayom sa isang manyika

Maaaring bigyan ng sakit sa ulo, tumor, o sakit sa katawan

Kinatatakutan ang asin, suka, rekado at ilaw na artipisyal gaya ng bumbilya

Hindi nakakaakyat ng hagdan kung may bayong dito

Page 58: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 59: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Halimaw na nahahati ang katawan sa may baywang

Maingat na itinatagao ang ibabang bahagi ng katawan

Upang itaboy ito kinkailangan magsabog ng asin, suka at rekado sa labas ng bintana habang isa-isang sinasambit ang pangalan ng mga naturang bagay

Pagbaon ng sibat ang paraan ng pagpatay dito Upang maging manananggal kumain ng mga

pagkaing nabasa sa laway ng mananagggal o lumunok na sisiw na lalabas sa lalamunan ng nanghihingalong manananggal

Page 60: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 61: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nannakit sa pamamagitan ng pagsanay sa mga insektong pumasok sa katawan ng kanilang mga kaaway.

Ang mga insekto na kanilang pangkaraniwang inaalagaan ay mga uwang, balang, ipis at uod na inuutusan nilang saktan o patayin ang mga kaaway ng mga mambabarang.

Ang katawan ng mga biktima ay namamaga hanggang sa pumutok

Albularyo ang makakalaban sa kapangyarihan ng mga barang

Page 62: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 63: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sinasabing ang mga tao na may nunal sa mata ay madaling makakita ng sirena

Magandang dilag mula ulo hanggang baywang at may buntot

Maputi, mahaba ang buhok at may magandang tinig na nang-aakit sa mga kalalakihan

May kakayahang magbigay ng kapangyarihan ng kakayahang huminga sa ilalim ng dagat sa mga kalalakihan at dadalhin sa ilalim ng tubig upang maging kabiyak

Nilulunod ang mga napapasama ng kanyang loob Karaniwang matatagpuan sa lawa, ilog, look at

kuweba sa likod ng talon

Page 64: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 65: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Lumilitaw kapag baha dahil hilig nitong sunggaban ang mga binti ng mga batang lumalangoy at pagkatapos ay hihilahin pababa sa tirahan nito at bibigyan ng kakayahang makahinga

May kulot, maikli at kulay mais na buhok. Mukhang tao na balbon at kayumangggi ang kulay mula ulo hanggang baywang at mukhang isda mula baywang pababa

Nilulunod ang mga tao na umaamin na kumakain sila ng karne at isda at maging ang mga gulay na kulot ang dulo, dahil sila’y kalahating karne at isda at ang kanilang buhok ay kulot

Page 66: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 67: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Minsan sila ay tapat na kaibigan ngunit minsan naman ay nandurukot ng mga bata

Nakatira sa punso na sinasabing pinagtataguan nito ng mga alahas at mga garapong puno ng ginto.

Maliit at kulubot na matandang lalaki na may malaking ilong, mahaba at manipis na balbas at malalaking bilog na tainga.

Kinakailangan humingi ng pahintulot kapag dumadaan sa kanilang mga punso dahil sila ay mapaghiganti

Gumagamit sila ng sumpa na nakakabulag o nakakamatay

Page 68: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 69: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 70: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 71: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 72: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 73: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 74: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 75: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami

Ng Tao

Page 76: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

NANGYARI naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng tigmamanokan.

Page 77: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 78: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng tigmamanokan ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kagilagilalas, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang dalawang Unang Tao sa daigdig.

Page 79: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 80: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa dalawang  tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda. Nangyari nga ito at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba’t ibang tao sa daigdig ngayon. Pagtagal, nayamot ang mag-asawang Malakas at Maganda sa dami ng kanilang mga tamad at walang-pakinabang na mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit hindi nila alam kung saan itatapon ang mga ito kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa.

Page 81: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 82: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa paglipas ng panahon at nangyari na hindi na nakaranas ng tahimik sina Malakas at Maganda. Isang araw, hindi na nakatiis si Malakas at, dampot ang isang bakawan, pinagha-hataw ang mga bata. Takbuhan sa takot ang mga anak at nagtago sa iba’t ibang lugar. Ang iba ang nagtago sa mga silid ng bahay, ang iba ay sumingit sa mga dingding. Ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa kusina. Ang ibang anak ay tumakas sa labas, habang ilan ay tuluyang lumayas sa dagat.

Page 83: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa ganitong paraan, nagka-iba-iba ang mga tao na kumalat sa daigdig. Ang mga nagtago sa mga silid ang naging mga pinuno sa mga pulo. Ang mga sumingit sa dingding ang naging mga alipin. Ang mga nagkubli sa mga kalan ay naging mga negro. Ang mga tumakas sa labas ang naging mga malaya. Pagkaraan ng maraming taon, ang mga anak ng lumayas sa dagat ay bumalik, at sila ay mga maputing tao, ang mga dayuhan.

Page 84: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Si Lalak, At Si Babaye

(Mito ng mga Bisaya/Hiligaynon)

Page 85: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nuong unang panahon, may dalawang  bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan at sila ay nag-asawa. Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang paghihinagpis na umalis si Maguayan.

Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay.

Page 86: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.  Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim ng kawayan sa halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo.

Page 87: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong kumakaway sa daloy ng hangin.

Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,” buntong hininga niya, “kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong magandang tanawin sa gitna ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon!” Patuloy ang pagtubo ng kawayan.         

Page 88: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

  Ang halamanan ay lalong gumaganda araw-araw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.”

Page 89: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Agad-agad, ang kawayan ay nahati sa dalawang kabiyak. Mula sa isang bahagi, lumitaw ang unang tao. Pinangalan ni Kaptan ang tao ng Sikalak, pangalang nangangahulugan “ang matipunong nilikha.” At mula nga nuon, ang mga katulad ni Sikalak ay tinawag na lalak, o sa palayaw na lalaki.” Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay “katulong ng nilalang na malakas.” Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.

Page 90: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan. Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang babae ay tumanggi. “Hindi ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang lalaki. “Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si Sikalak. “At kailangan natin ang mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa para sa ating panginoon.”

Page 91: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

        Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.” Pagtagal-tagal, matapos ng mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pag-aasawa. “Kailangang mag-asawa kayo,” sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.”

Page 92: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae, na tinawag nilang Samar.

Page 93: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nilikha Ni Lumawig ang mga Tao

(Creation Myth of the Igorots)

Page 94: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 95: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

NUONG simula, walang tao sa daigdig. Si Lumawig, ang pinaka-makapangyarihang diwa (espiritu, god ), ay bumaba mula sa langit at pumutol ng maraming yantok (cañas, reeds). Siya ang diyos ng araw at patron ng mga sunadalo at mandirigma ng mga sinaunang Pilipino. Pinaghiwa-hiwalay niya ang mga ito nang tig-dalawa bago ikinalat sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tapos, inutusan niya ang mga ito.

Page 96: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

  “Magsalita kayong lahat!”  Walang kaabog-abog, ang mga yantok ay naging mga tao, - naging isang babae at isang lalaki ang bawat tig-2 ikinalat sa daigdig. At lahat sila ay nagsimulang magsalita subalit magka-kaiba ang kanilang mga wika. “Mag-asawa kayong lahat!” Ito ang sunod na utos ni Lumawig. Sumunod ang mga bagong tao at pagkaraan ng panahon, maraming mga anak ang isinilang. Pagtagal pa, nag-asawa-asawa rin ang mga anak kaya lalong dumami ang mga tao sa daigdig.

Page 97: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Lahat ay nagsalita ng wika ng kanilang mga magulang kaya magka-kaiba ang usap-usapan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.Napansin ni Lumawig na may mga kailangan ang mga tao, at lumapag siya muli sa lupa upang magbigay ng biyaya.

Page 98: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Dumating ang panahon na ang mga taong nilikha ni Lumawig ay nagkaroon ng sigalot at di pagkakaunawaan. Nagkaroon ng digmaan at marami ang namatay sa mga pangyayaring ito. Naisip ni Lumawig na kailangan ng pigilan ang pangyayaring ito kayat siya ay lumikha ng nilalang na siyang maghahatid ng kapayapaan sa buong Ifugao.

Page 99: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
Page 100: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Dito isinilang si Aliguyon siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Bata pa lamang ay natuto na siya kung paano makipagdigma nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang mahika. Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya. Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang pinuno ng tribong kanilang kaaway, sa nayon ng Daligdigan.

Page 101: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay ang mabangis na anak ni Panga-iwan, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon. Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay!

Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Page 102: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng tatlong taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng tatlong  taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa at nahinto, sa wakas, ang digmaan.

Page 103: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa dalawang nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng dalawang bayani.

Page 104: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.  Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang dalawang pamilya nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao. Dahil dito natuwa si Lumawig dahil muling nanumbalik ang kapayapaan sa puso ng kanyang mga nilikha.

Page 105: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Ang Tigmamanokan At Ang Paglikha Sa

Daigdig (The Tagalog Myth of

Creation)

Page 106: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

NOONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang  dagat lamang at ang langitang naruroonat sa pagitan nila ay isang tigmamanokan. Walang tigil anglipad ng tigmamanokan at dumating ang isang araw nang  napagod siya.Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisipniyang galitin ang dagat.

Page 107: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

 Sa poot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang tigmamanokanhanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman anglangit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato angdagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulosa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.

Page 108: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Inutos ng langit sa ibon na lumapag sa isa  sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon,tahimik na namuhay ang  lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit. 

Page 109: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Digmaan: Kung Paano Nilikha Ang Daigdig

(A Cebuano Tale of the Creation of the World)

Page 110: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

LIBU-LIBONG taon sa nakaraan, nuong wala pang araw o buwan, o mga bituwin, walang lupa - ang daigdig ay natatakpan ng dilim at malawak na dagat. At sa itaas, ng taklob ng langit. Ang makapangyarihang Kaptan ang hari sa langit, samantalang ang tubig ay kaharian ni Maguayan. May anak na babae si Maguayan, ang ngalan ay Lidagat. Lalaki ang anak ni Kaptan, si Lihangin.

Page 111: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nagkasundo ang dalawang diyos na mag-asawa ang mga anak nila kaya nagsama ang hangin at dagat. Nagka-anak sila ng 3 lalaki at isang babae, si Lisuga, hubog sa lantay na pilak, mahinhin at mayumi. Ang mga lalaki ay si Likalibutan, buong bato, malakas at matapang, si Liadlao, lantay na ginto at laging masaya, at si Libulan, buong tanso, mahina at kimi. Mahal silang lahat ng mga magulang at pinalaki sila sa ligaya. Dumating ang panahon, namatay si Lihangin. Si Likalibutan, ang panganay, ang nagmana ng pagka-hari sa hangin.

Page 112: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Hindi nagtagal, si Lidagat man ay namatay. Naiwang ulila ang mga anak kaya inaruga sila ng mga lolo, sina Kaptan at Maguayan, at iniligtas sa anumang panganib. Paglaki, nawili si Likalibutan sa minanang pagka-hari sa hangin, at hinangad niyang palakihin pang lalo ang kanyang kapangyarihan. Hinimok niya ang dalawang kapatid na lalaki na sumabwat sa kanyang pag-agaw sa lakas ng lolo, si Kaptan. Tumanggi muna ang 2 kapatid subalit nagalit si Likalibutan kaya pumayag na rin si Liadlao upang mapahinahon ang kapatid.

Page 113: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Magkatulong, madali nilang napilit ang kiming kapatid, si Libulan. Naghanda sila at biglang sinugod ang langit subalit hindi nila naibagsak ang nakaharang na pintong bakal. Pinawalan ni Likalibutan ang pinaka-malakas niyang hangin at giniba ng ipu-ipo ang pintong bakal. Lumusob ang 3 magka-kapatid subalit hinarap sila ng puot na puot na Kaptan. Natakot ang 3 at mabilis na tumalilis subalit ipinahagad sila sa kidlat ni Kaptan. Ang kiming Libulan ang unang tinamaan, natunaw at naging bilog na bola. Sunod tinamaan at natunaw ang ginintuang Liadlao.

Page 114: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Nang tamaan ng kidlat si Likalibutan, nagka-pira-piraso ang kanyang katawang bato at kalat-kalat na bumagsak sa dagat. Napaka-laki ng katawan ni Likalibutan kaya ang tipak-tipak na bato ay usli sa dagat at naging mga pulo. Samantala, ang mayuming Lisuga ay nalumbay at hinanap ang mga kapatid, walang malay na nagka-digmaan, at puot na puot ang kanyang lolo. Papalapit pa lamang siya sa langit nang nalingatan si Kaptan at, bago nakapag-pigil, pinukol din ng kidlat. Nadurog si Lisuga sa libu-libong piraso ng pilak.

Page 115: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sukdulan pa rin ang galit, lumundag sa dagat si Kaptan at sumisid upang sabakan si Maguayan na akala niya ay kasabwat sa paglusob. Subalit mabilis na lumitaw si Maguayan at nangatwirang wala siyang kinalaman sa nangyari, sapagkat natutulog siya nuon sa kalaliman ng dagat. Napahinahon din niya sa wakas si Kaptan, at magka-akbay silang nagluksa sa pagkamatay ng mga apo, lalo na ang maganda at mahinhing Lisuga. Sinubok nilang ibalik ang buhay ang mga apo subalit hindi abot ng kanilang kapangyarihan, kaya pinatawan na lamang nila ng liwanag na kikinang habang panahon.

Page 116: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Sa gayon, ang ginintuang katawan ni Liadlao ay naging araw (sol, sun), ang kiming Libulan ang naging buwan (luna, moon), at si Lisuga ay naging libu-libong bituwin sa langit. Ang buhong na Likalibutan ay hindi binigyan ng liwanag at hindi inangat sa langit. Ipinasiya ng lolo na gamitin ang kanyang pira-pirasong bangkay bilang sibulan ng ibang uri ng tao.

Page 117: Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino

Naglabas ng buto si Kaptan at itinanim sa isang pulo na dating bahagi ni Likalibutan. Dinilig ito lagi ni Maguayan at hindi nagtagal, tumubo ang isang puno ng kawayan. Mula sa isang biyas (node) nito, lumabas ang isang lalaki, si Sikalak, at isang babae, si Sikabay. Sila ang magulang at ninuno ng lahat ng tao sa daigdig.