16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Migrasyon: Sanhi Dulot ng Golbalisasyon Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Migrasyon: Sanhi Dulot ng Golbalisasyon...Tuklasin Basahin at unawain ang tula na tungkol sa mga OFW. Sa Gitna ng Disyerto ni Noel Malicdem Bayani kung ituring ng gobyerno Wala naman

  • Upload
    others

  • View
    130

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Migrasyon: Sanhi Dulot ng

    Golbalisasyon

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Alamin

    Magandang umaga mga mag-aaral. Welcome sa bagong aralin sa Araling

    Panlipunan 10. Ang modyul ay inihanda para sa pagkatoto at pagkaunawa ng Sanhi ng

    Migrasyon Dulot ng Globalisasyon.

    Pagkatapos mong mabasa at masagot ang modyul:

    Ø Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

    Balikan

    1. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas

    dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa

    sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working

    arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng

    serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?

    A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.

    B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.

    C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.

    D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Angel P. Aying Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer

    Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist

    Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III

    Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales

    Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

    Name of District Supervisor/PICD

    Name of School Principal

  • 2. Ang globalisasyon ay may mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao.

    Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng globalisasyon?

    A. Pagpapalala sa problemang pang-ekonomiya

    B. Lumalala ang pagitan sa mahihirap at mayayaman

    C. Nakapaglilikha ng maraming trabaho at mga opurtunidad

    D. Higit na pinalalaki ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa mundo

    3. Bakit maraming sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?

    A. dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay

    B. dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at magliwaliw

    C. dahil nais nilang makakakita ng dayuhang magaganda at gwapo

    D. dahil nais nilang mabisita ang mga kamag-anak nila sa ibang bansa

    4. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas paggawa ay mga

    kababaihan. Kung ikaw ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE),

    paano ka makakatulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan?

    A. Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga kababaihan

    B. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang magprotekta at mag-aala sa mga sa kababaihan

    C. Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakihang manggagawa upang maalagaan silang mabuti

    D. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa ibang sektor ng lipunan

    5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema

    ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto

    ng mura at flexible labor?

    A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.

    B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

    C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

    D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

  • Tuklasin

    Basahin at unawain ang tula na tungkol sa mga OFW.

    Sa Gitna ng Disyerto

    ni Noel Malicdem Bayani kung ituring ng gobyerno Wala naman magawa kapag kami’y inaabuso Baka masira daw relasyon sa bansang kinalalagyan ko Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.

    Mayroon nga tayong konsulado Mga nakatalaga naman dito mga abusado Walang pakialam kung ano kalagayan mo Baka mas malala pa kapag napadpad ka rito

    Isa lang akong saksi buhay dito sa disyerto Na kung tawagin lupa ng pera piraso Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo Walang pakialam magutom man ang pamilya mo.

    Tama na sa akin ang tawaging OFW Na umalis ng bayan para sa kinabukasan ng pamilya ko Ang kaligayahan pansamantalang kinalimutan ko Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.

    Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito Bahagi lang ito ng pakikibaka sa buhay ko Hindi ang maging saksi sa mga mapagsamantalang politiko Na lalo lang nagpapahirap pagnakaupo na sa puwesto.

    Aralin 5

    Migrasyon: Konsepto at Dahilan dulot ng Globalisasyon

  • Ang hiling lang namin tunay na pagbabago Magbigyan pansin mga karaingan naming OFW Dahil bahagi rin kami ng pag-unlad kahit kami’y malayo Isigaw sa buong mundo, mabuhay ang Pilipino.

    Gawain 2: Suri Tula!

    Suriin ang tula ayon sa hinihingi ng bawat colom/hanay isulat ang sagot sa loob ng talahanayan.

    Suriin

    Magaling! Ipinakita mo ang iyong interest sa panibagong leksyon. Nandito ang mga mahalagang terminolohiya na dapat mong pansinin.

    Migrasyon - ay tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon manirahan.

    Mahalagang ideya sa awit

    Mga ideya nararanasan ng iyong pamilya o

    kakilalang OFW

    Mga ideyang nagkaroon ng pagbabago at lagyan

    ng patunay

  • Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang

    maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito

    ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.

    Flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa

    isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong

    gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.

    Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo.

    Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists,

    entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.

    Stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

    Dahilan / Sanhi ng Migrasyon

    • hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na

    inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;

    • paghahanap ng ligtas na tirahan;

    • panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na

    matagal nang naninirahan sa ibang bansa;

    • pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman

    partikular sa mga bansang industriyalisado.

    • Pag-iwas sa malaking gutom sanhi ng kalamidad

    • Suliranin sa unemployment rate o kawalan ng hanapbuhay sa bansang tinitirhan

    • Globalisasyon

    MGA SANHI NG MIGRASYON

    Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang bansa ay

    tinatawag na economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang

    pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang grupong

    ito ng mga migrante ay mabilis na dumarami sa kasalukuyang panahon.

    Dahil sa globalisasyon, mas madali na ngayong makahanap ng trabaho

    sa ibang bansa. Dahil ang mga mayayamang bansa ay nakakaranas

    ngayon ng pagbaba ng populasyon kaya’t naghahanap sila ng mga

    mangagawa mula sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang

    pambansang ekonomiya.

    Bahagi rin sa mga migrante sa buong mundo ay mga refugee na

    lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,

    prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.

  • Migrasyon ng mga Pilipino

    Taong 2013 umabot ng 10 milyong Pilipino ang naghahanap-buhay sa mahigit

    190 bansa sa daigdig. Mayroon ding Overseas Flipino Workers (OFW) o temporary

    migrants na nagtatrabaho sa bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates,

    Kuwait, Hongkong, Japan, Italy at Espanya.

    Malaking tulong sa bansa ang OFW dahil sa ipinadala nitong pera para sa

    kanilang pamilya na tinawag na remittance. Samantala umaabot naman sa 800,000 ang

    mga migranteng walang papeles. Karaniwan sa mga nangibang bansa ay mga

    kababaihan o peminismo.

    Pamprosesong Tanong:

    1. Bakit maraming nag-migrante sa bansang napabilang third world countries? Magbigay ng mga dahilan: ______________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    2. Mula sa mga dahilan ng migrasyon, alin dito ang nangngunang sanhi na nangyayari inyong komunidad? Bakit?

    _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    3. Paano nagkakaiba ang flow at stockfigures sa migrasyon? Ano ang kaugnayan ng dalawa sa globalisasyon? Ipaliwanag.

    ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    4. Bakit itinuturing na bayani ang mga OFW?

    ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    5. Naniniwala ba kayo na ang pinakadahilan ng migrasyon ay ang globalisasyon? Ipaliwanag ang sagot.

  • _____________________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________________________

    Sa ibaba mayroong pagkalahatang obserbasyon ng migrasyon:

    Gawain 2: Venn Diagram

    Pumili ng tatlong pangkalahatang obserbasyon ng suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba nito.

    Pagkakatulad ng Pagkakatulad ng tatlo

    Dalawa

    Pangkalahatang Obserbasyon ng Migrasyon

    1. Globalisasyon ng migrasyon

    Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New

    Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay

    nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Karaniwan na

    dumadagsa ay mula sa Asya, Latin Amerika at Africa.

    2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon Malaki ang implikasyon nito sa batas at polisiya sa bansa.

  • 3. Pagkaiba-iba ng uri ng Migrasyon - labour migration, refugees at maging permanenteng migrante Irregular migration - nagtungo sa ibang bansa na walang permit magtrabaho at

    overstaying sa ibang bansa.

    Temporary migration - tawag sa taong nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang

    permit at papeles sa pagtrabaho nang may kaukulang takdang panahon.

    Permanent migration - layunin ng migrante ang pagtatrabaho at paninirahan sa

    piniling puntahang bansa kalakip ang pagkuha ng pagkamamamayan o citizenship

    Dalawang Uri ng Migrasyon A. Panloob na Migrasyon

    - nangyayari ang paglipat sa loob ng bansa B. Panlabas na Migrasyon

    - paglipat ng tao sa ibang bansa upang manirahan o mamalagi sa matagal na

    panahon.

    4.Pagturing sa migrasyon bilang isyung politika

    Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang

    polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

    5.Paglaganap ng ‘migration transition’

    Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang

    pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga

    manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng

    South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.

    6.Peminisasyon ng migrasyon

    Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa

    kasalukuyan dahil karamihan sa migrante ay kababaihan.

    Pagyamanin

    Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng sumusunod.

    ______________________ 1. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa isang lugar

    ______________________ 2. Tawag sa mga migrante na lumikas para umiwas sa labanan o

    pagkagutom

  • ______________________ 3. Karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino

    ______________________ 4. Kontribusyon ng OFW sa ekonomiya ng bansa

    ______________________ 5. Tawag sa taong migrante na permanenteng naninirahan sa

    ibang bansa.

    ______________________ 6. Pagkakaroon ng demand ng maraming trabaho sa paglago ng

    kalakalan.

    ______________________ 7. Tawag sa mga migrante naghahanapbuhay sa ibang bansa.

    ______________________8. Pangunahing problema ng isang bansa maraming nangibang

    bansa sa paghahanap-buhay.

    ______________________ 9. Karaniwang nangingibang bansa sa Pilipinas.

    ______________________10. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon

    manirahan.

    Gawain

    Gawain 3: Spider Web

    Magtala ng isang dahilan sa migrasyon dulot ng globalisasyon sa bilog at ilagay naman

    sa kahon ang mga kaugnayang dahilan sa pagmigrate.

    Gawain 4: Timbangin Mo!

  • Suriin mula sa sanhi ng migrasyon kung alin ang nangunguna at kasunod ayon

    sa inyong pag-aanalisa sa daloy ng ekonomiya ng bansa.Isulat sa loob ng tatlong maliit

    na kahon at sa malaking kahon ay ipaliwanag ang pagkakahanay.

    Paliwanag:

    Gawain 5: Burger Organizer

    Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa burger organizer.

    Paksa: Globalisasyon ba’y pangunahing sanhi ng migrasyon?

    Mahalagang Punto#1:

    Pansuportang detalye:

    Mahalagang Punto# 2:

  • Isaisip Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot

    sa patlang bago ang numero.

    HANAY A HANAY B 1. Pinagmulan migrasyon ngunit a. Pag-aaral sa ibang bansa daungan na

    ngayon pinupuntahan na turista

    2. Exchange student si Ana b. migrationtransition sa Chicago, USA.

    3. Pagpasok ng maraming tao sa ibang c. Panloob na Migrasyon

    Bansa kada taon maaring trabaho o negosyo

    4. Tumutukoy sa loob nagtrabaho d. Flow

    Sa Cebu

    5. Ipinapadalang pera ng OFW sa bansa e. Hanapbuhay

    6. Madaling nakapunta sa iba’t ibang bahagi f. Remittance

    ng daigdig ang mga tao, ideya, kaalaman at

    produkto

    7. Pangunahing sanhi sa pangingibang bansa g. Globalisasyon

    na mga Pilipino

    8. Migranteng naiipit sa kaguluhan h. Australia

    9. Maunlad na bansang pipuntahan ng mga i. refugee

    migrante

    10. Bansang pinagmulan ng migrante j. Africa

    Tayahin

    Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot sa sumusunod na tanong.

    Pansuportang detalye:

    Konklusyon:

  • 1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Alin sa ibaba ang pinakadahilan ng migrasyon?

    A. Paglipat ng tirahan B. Mapalapit sa malaking siyudad C. Makapag-aral sa sikat na paaralan. D. Paghahanapbuhay para mapaunlad ang kabuhayan

    2. Pataas na pataas ang mga taong nagsipaglikas sa kanilang bayan tinitirhan lalo na dito sa lugar ng Midanao. Ano ang tawag sa mga taong lumikas na biktima ng bakbakan?

    A. Refugee C. Migrante B. Immigrant D. Naghanapbuhay

    3. Mula sa sitwasyon sa itaas, ano ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar sa parehong bansa dahil sa pagnenegosyo?

    A. Pandarayuhan B. Panlabas na Migrante C. Panloob na Migrante D. Pangingabang bansa

    4. Ano ang tawag sa mga bansang dating pinagmulan ng mga migrante ngunit ngayon ay naging distination ng migransyon?

    A. Migrationtransition C. Peminisasyon B. Globalisasyon D. Refugees

    5. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa dahilan ng migrasyon?

    A. Globalisasyon B. Paghahanapnuhay para kumita ng malaki C. Pamamasyal ng pamilya sa ibang bansa D. Paglikasa dahil sa laban at gutom ng lugar.

    6. Bakit lalong umunlad ang migrasyon sa mga nagdaang panahon?

    A. Dahil sa kahirapang dinanas ng mga bansang mahirap. B. Dahil kawalan ng kaunlaran sa mga liblib na lugar. C. Dahil sa paglakas ng globalisasyon ng buong mundo. D. Dahil nais ng mga magulang na makapagtapos ang anak sa pag-aaral.

    7. Ano ang tawag sa galaw ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon?

    A. Flow B. Stocks C. Entrepreneur D. Manwal

    8. Sa bahagi sa Mindanao lalo sa Julu Sulu nakaranas kahirapan. Ano ang pangunahing sanhi sa pangingibang lungsod ng mga mamamayan?

    A. Kabuhayan B. Kaligtasan C. Pag-aaral D. Pagnenegosyo

    9. Alin sa mga dahilan/sanhi ang hindi kabilang sa migrasyon dulot ng globalisasyon?

    A. Paghahanap ng kabuhayan sa malaking siyudad. B. Paglipat ng tirahan sa U.S para makaahon ang pamilya. C. Pag-aaral sa paghasa sa kasanayan bilang entrepreneur.

  • D. Pagbibili ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay.

    10. Bakit malaking ang impluwensya ng globalisasyon sa migrasyon ng mga tao?

    A. Dahil sa pangunahing pangangailangan ng tao. B. Dahil sa nais ng tao na mabuhay at makabili ng luho. C. Dahil sa globalisasyon nagmumura ang mga bilihin sa merkado. D. Dahil sa globalisasyon lumalawak ang maraming oportunidad sa

    trabaho at negosyo.

    Karagdagang Gawain

    Panuto :

    1. Gumawa ng jingle song sa epekto ng ekonomiya sa pagdami ng OFW sa iba’t ibang bahagi

    ng mundo.

    2. Subukang maipresenta sa video ang nabuong jingle song.

    PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG JINGE SONG

    1. Angkop sa nilalaman 7

    2. Nakapanghihikayat sa nakikinign 6

    3. Orihinalidad 6

    4. Creativity 6

    Kabuuan 25

    Susi sa Pagwawasto

    Pagyam

    anin

    1.M

    igrasyon

    2.R

    efugees

    3.Pagh

    anapbu

    hay

    4.R

    emittance

    5.Perm

    anent M

    igrant

    6.G

    lobalisasyon

    7.E

    conomic M

    igrants

    8.U

    nem

    ploymen

    t rate

    9.K

    ababaihan

    10.Migrasyon

    Tayain Mo

    1.D 6. C

    2.A 7. A

    3.C 8. A

    4.A 9. D

    5.B 10. D

  • Sanggunian: MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN - Rehiyon IX – Zamboanga

    Peninsula, pahina: 220-240

    Evanlgeline M. Dallo, Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B.

    Samson, Celia D. Soriano; KAYAMANAN mga Kontemporayong Isyu ,pp.96-100

    Balik

    an

    1.C

    2.C

    3.A

    4.D

    5.C

    Isaisip

    1.B

    6. g

    2.A

    7. e

    3.D

    8. i

    4.C

    9. h

    5.f

    10. j

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.