of 11/11
MGA REBOLUSYONG PAMPULITIKA Ni: MARIFE C. CAPADA

Mga rebolusyong pampulitika

  • View
    462

  • Download
    4

Embed Size (px)

Text of Mga rebolusyong pampulitika

  • 1. MGA REBOLUSYONG PAMPULITIKA Ni: MARIFE C. CAPADA

2. Ang mga rebolusyong pulitikal ay mga panahon kung saan ang tao ay nagiging mulat sa mga isyung may kinalaman sa pulitika at pamamahala. Sa panahong ito, ang mga mamamayan ng ibat-ibang bansa ay naghimagsik upang makamit ang kanilang kalayaan. 3. GLORIOUS REVOLUTION Ito ay naganap sa Inglatera mula 1688 hanggang 1689. Maihahalintulad sa People Power ng Pilipinas. James II pinuno noon ng Inglatera. Ang huling haring Stuart. Hindi siya gusto ng mga tao. William of Orange at Mary sumunod na namuno sa Inglatera. 4. Katipunan ng mga Karapatan- (Bill of Rights) nagbigay ng pagkakataon sa mga tao naipahayag ang kanilang saloobin. Binigyan nito ng proteksyon ang mga tao sa pang-aabuso ng pamahalaan at ng mga pinuno nito. 5. Ang resulta ng Glorious Revolution ay ang pagupo nina William of Orange at Mary bilang pinuno ng Parlyamentong Inglatera. Naging magandang halimbawa ito sa ibang mga bansa dahil kanilang napagtanto na maaring supilin ng nagkakaisang mamamayan ang sinumang mapaniil na pinuno o kayay kumalas sa mapaniil napagkontrol ng ibang bansa. 6. AMERICAN REVOLUTION Ang layunin ng Rebolusyong Amerikano ay upang makamit ang kalayaan ng labintatlong kolonya mula sa pamamahala ng Inglatera. 7. Maraming mga pangyayari ang nagbunsod sa Rebolusyong Amerikano. Nadagdagan ito nang ipatupad ang Batas Selyo. Batas Selyo noong 1765 na nagtalaga ng karagdagang bayarin sa buwis sa mga selyo na ginagamit sa mga dokumento at sa komunikasyon. 8. Nakatulong din ang naganap na Rebolusyon sa Inglatera kung saan nakita ng mga Amerikano ang kaguluhan kung saan nahati ang atensyon ng Inglatera at nag-pokus sa sarili nitong bansa kaysa sa mga kolonya nito. Ang unang mga labanan sa gitna ng dalawa ay naganap sa Lexington at Concord sa ilalim ng pamumuno ni George Washington. Noong Hulyo 4, 1776, ipinihayag ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson. Ang digmaan sa pagitan ng dalawa ay tuluyang nagwakas sa Yorktown. Ang rebolusyong Amerikano ang nagmulat at nagpakilos sa mga Amerikano upang makamit ang kalayaan ng labintatlong kolonya. Nagsilbing mitsa ito ng Rebolusyong Pransiya. 9. FRENCH REVOLUTION Ang layunin ng Rebolusyong Pranses ay upang mapaalis sa trono ang mga malulupit na hari ng Pransiya at maging Malaya ang bansa ng Pransiya sa lahat ng sumasakop dito. 10. UNANG BAHAGI NG REBOLUSYON ( HUNYO 1789-AGOSTO 1792)Ang mga pinuno ng unang bahagi ng rebolusyon ay sina Count Mirabeau at Abbe Sieyes. RESULTA: Nagkaroon ng reporma sa Pransiya at Inglatera. Nagkaroon ng konstitusyon ang Pransiya noong 1791. 11. IKALAWANG BAHAGI NG REBOLUSYON (1792-1794) Sina Jean Paul Marat, George Danton at Mximillien Robespierre ang mga pinuno ng ikalawang bahagi ng rebolusyon. Maraming maharlika ang namatay at kasama sa pinugutan ng ulo si Marie Antoinette at Haring Louis XVI. RESULTA: Naging dahilan ng pagwawakas ng monarkiyang Pransiya at pag-usbong ng republika. Umusbong ang diwang nasyonalismo hindi lamang sa bansang Pransiya kundi sa ibang bahagi ng daigdig.