Upload
others
View
6
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
1
2
Mga Nilalaman
1. Ang Pag-ibig ng Diyos Para sa Iyo …………….. 5
2. Hinamon ang Kaharian ng Diyos ..…………….10
3. Mga Tagapagmana ng Kaharian …….……….. 15
4. Mga Pangakong Natupad ………..……………. 20
5. Ang Hiwaga ng Kasamaan ……………..……... 25
6. Ang Sabbath sa Huling mga Panahon ….…….. 31
7. Ang Sumisiyasat na Paghuhukom …….……… 36
8. Ang Huling Babala sa Lupa ……..……………. 41
9. Ang Mga Lingkod ng Diyos ay Natatakan .….. 46
10. Ang Ikalawang Pagparito ni Kristo ………… 52
11. Ang Pinakahuling Kaaway ……..…………… 57
12. Ang Milenyo at Ang Bagong Lupa ….……… 62
13. Ang Kaharian Sainyo ……………..…………. 67
Mga Aralin Mula sa Biblia, isang programa para sa araw-araw na pag-
aaral, na batay lamang sa Biblia at Espiritu ng Hula na walang idinagdag na
opinyon. Ang mga sipi ay sinikap na mapaikli, upang maibigay ang maikli,
tuwirang mga kahulugan. Ang mga panaklong [ ] ay ginamit sa ilang
pagkakataon upang tiyakin ang malinaw, tamang kahulugan, at maayos na
pagbasa. Ang malawakang pag-aaral sa mga pinagkunan ng mga sipi ay
matapat na iminumungkahi.
3
Paunang Salita
Tayo ay nabubuhay sa napakadakilang panahon. Sa bawat dako—ang
siyensiya, relihiyon, politika, ang natural na daigdig—may mga bagong bagay
na nakikita araw-araw na hindi pa nasaksihan noon. May mga bagong tuklas
sa siyensiya na patuloy na nagpapamangha sa atin, habang ang kalagayan ng
kalikasan ngayon ay nakakabahala, at ang usapin para sa kalayaan ay patuloy
sa gitna ng bagong mga paglaban at walang tigil sa gitna ng daigdig.
Maraming mga tao ang nabubuhay sa paghihintay sa dakilang mga
pangyayari na darating. Ang mga paghihintay na ito ay malawak ang mga
pagkakaiba, ngunit ang buong mundo ay naghahanda sa ilang bagay. Para sa
mga Kristyano, ang nalalapit na hinaharap ay nakatakda upang ipahayag ang
pangwakas na mga kaganapan sa labanan ng mabuti at masama. Ito ay tiyak
na isang dakila at nagpapasiglang panahon upang mabuhay.
“Kabilang sa ibat-ibang mga relihiyon at kultura, ay may maraming ibat-
ibang mga teorya tungkol sa darating na panahon. Ang salitang “Adventista”
sa ating pangalan ay nangangahulugan ng pag-asa na ang pagdating ni Jesus
ay nalalapit na. Gayon pa man, bagaman marami ang mga Kristyano, ang
kanilang paghihintay sa Kanyang pagdating ay hindi lahat magkakatulad. Tulad ng unang pagparito ni Jesus sa lupa bilang isang tao ay hindi naunawaan
ng tama ng Kanyang sariling bayan, gayon din ang Kanyang ikalawang pagparito ay
hindi lubos na nauunawaan ngayon. Ang karaniwang mga pananaw sa paksang ito ay
madalas na nakabatay sa isang maling pasimula, na iniiwanan ang mahahalagang
punto at nauuwi sa mapanganib na mga konklusyon.
Ang likas ng kaharian, ang pangwakas na mga kaganapan, ang mga
bagay na dapat paghandaan—lahat ng mga ito ay mga punto kung saan may
ibat-ibang opinyon at magkakasalungat na pananaw. Gayon pa man, may
ilang bagay na mahalaga tulad ng wakas ng daigdig at ang pagpasok ng
walang hanggang kaharian ang dapat na maunawaan ng lubusan tulad ng
ipinahayag ng Salita ng Diyos. “Dumating nawa ang kaharian mo. Matupad nawa ang kalooban mo, sa lupa,
tulad din sa langit” (Mat. 6:10), ay isang panalangin na hindi lamang tumutukoy sa
kasalukuyan kundi sa darating na panahon kapag ang kalooban ng Diyos ay ganapin
na ng mga naninirahan sa lupa. Ngunit paano ito matutupad? Sa halip na maglarawan
ng kilalang mga kamalian, ating pag-aaralan ang mga prinsipyo ng katotohanan mula
sa salita ng Diyos. Ang kamalian ay itataboy mismo ng katotohanan, tulad ng
kadiliman na likas na napapawi pagdating ng liwanag. Ang mga guro ay hinihimok
na maging bihasa sa napapaloob na usapin, upang makapagturo ng tama sa kanilang
mga klase, upang ang mga katanungan ay masagot.
Ang araling ito ay para sa inyong katatagan at pagkatuto. Ito’y naghuhukay ng
mga katanungan at mga usapin na napapanahon sa sanlibutan ngayon. Kami ay
umaasa at dumadalangin na nawa’y inyong matanggap ang pagpapala mula sa pag-
aaral ng paksang ito.
The General Conference Sabbath School Department
4
5
Leksiyon 1 Sabbath, Oktubre 3, 2015
Ang Pag-ibig ng Diyos Para sa Iyo
“At ito ang naghayag ng pag-ibig ng Diyos sa atin, dahil sinugo ng
Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan, upang tayo’y
mabuhay sa pamamagitan niya” (1 Juan 4:9).
“Nababayubay sa krus si Kristo ang ebanghelyo…. Ito ang ating mensahe,
ang ating pangangatwiran, ang ating doktrina, ang ating babala sa mga hindi
nagsisisi, ang ating pampasigla sa mga nalulumbay, ang pag-asa ng bawat
mananampalataya.”—6 SDA BC [E.G. White Comments], p. 1113.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 9-15.
Linggo Setyembre 27
1. ISANG PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG
a. Ano ang pinakamatagal ng katangian ng ating Manlilikha? 1 Juan
4:16.
“Ang Diyos ay pag-ibig,’ ay nasusulat sa bawat nagbubukang usbong, sa
mga talulot ng bawat bulaklak, at sa bawat tulis ng mga damo…. Lahat ng
mga bagay sa kalikasan ay sumasaksi sa mapagmahal, pangangalaga ng ating
Diyos at sa Kanyang mithiing gawing masaya ang kanyang mga anak. Ang
Kanyang mga pagbabawal at pagtuturo ay hindi lamang layuning ipakita ang
Kanyang kapangyarihan, kundi sa lahat Niyang ginagawa ay layunin Niya
ang ikabubuti ng Kanyang mga anak.”—PP, p. 600.
b. Paano lubusang ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig? Juan
3:16; Roma 5:6-8.
“Habang higit nating pinag-aaralan ang banal na ugali sa liwanag ng krus,
higit nating makikita ang habag, pagmamahal, at pagpapatawad na kasama ng
katarungan at hustisya, at higit nating makikilala ang di-mabilang na mga
katibayan ng isang pag-ibig na hindi masusukat at ang mapagmahal na habag
na higit sa pagmamahal ng ina sa kanyang suwail na anak.”—SC, p. 15.
6
Lunes Setyembre 28
2. INILIGTAS MULA SA KASALANAN
a. Anong dakilang misyon ang ginanap ni Jesus sa pamamagitan ng
Kanyang sakripisyo? Mat. 1:21.
“Si Jesus ay maaaring manatili sa tabi ng Kanyang Ama. Maaari Niyang
panatilihin ang kaluwalhatian ng langit at ang pagsamba ng mga anghel.
Subalit pinili Niya na ibalik sa kamay ng Ama ang setro, at bumaba mula sa
luklukan ng sansinukob, upang Kanyang dalhin ang liwanag sa nadidiliman
at buhay sa napapahamak.”—DA, pp. 22, 23.
“Ang misyon ni Kristo ay magaganap lamang sa pamamagitan ng
paghihirap. Sa harapan Niya ay ang buhay ng kalungkutan, kahirapan, at
pakikibaka, at ang pinakamasamang kamatayan. Dapat Niyang pasanin ang
mga kasalanan ng buong sanlibutan. Dapat Niyang tiisin ang paghihiwalay
mula sa pag-ibig ng Kanyang Ama.”—Ibid., p. 129.
b. Ano ang Kanyang kalooban para sa bawat tao? 2 Ped. 3:9; 1 Tim. 2:4.
“Si Kristo ay itinuring ng nararapat sa atin, upang tayo ay ituring ng
nararapat sa Kanya. Siya’y hinatulan para sa ating kasalanan, kung saan Siya
ay walang bahagi, upang tayo ay ariing-ganap sa pamamagitan ng Kanyang
katuwiran, kung saan tayo ay walang bahagi. Siya’y nagdusa ng kamatayan
na dapat ay sa atin, upang ating matanggap ang buhay na para sa Kanya.”—
Ibid., p. 25.
k. Paano natin matatanggap ang pakinabang sa kamatayan ni Kristo
para sa ating mga kasalanan? Gawa 16:31; 1 Juan 1:9.
“Ang mga kondisyon ng pagtamo ng habag ng Diyos ay simple at matuwid
at makatuwiran. Ang Panginoon ay hindi hinihingi sa atin na gumawa ng ilang
mahirap na bagay upang mapatawad ang ating kasalanan. Hindi natin
kailangang gumawa ng mahaba at nakakapagod na paglalakbay, o magsagawa
ng masakit na penitensiya, upang ipagkatiwala ang ating kaluluwa sa Diyos
ng langit o mapatawad ang ating pagsalangsang; kundi siya na nagkukumpisal
at iniiwan ang kanyang kasalanan ay kahahabagan.”—SC, p. 37.
“Si Kristo ang bukal ng bawat tamang damdamin. Tanging Siya lamang
ang makakapagtanim sa puso ng pakikibaka laban sa kasalanan. Bawat
mithiin para sa katotohanan at kadalisayan, bawat pagkabagbag sa ating
sariling pagkamakasalanan, ay isang patunay na ang kanyang Espiritu ay
kumikilos sa ating mga puso.”—Ibid., p. 26.
7
Martes Setyembre 29
3. INILIGTAS MULA SA KASAMAAN NG PUSO
a. Ang maligtas ay kinabibilangan hindi lamang ng kapatawaran, kundi
ng ano pa? Tito 2:11-14; Gal. 2:20.
“Imposible para sa atin, na sa ating sarili ay makatakas mula sa hukay ng
kasalanan kung saan tayo ay nakabaon. Ang ating mga puso ay masama, at
hindi sila mababago…. Ang edukasyon, kultura, paggamit ng kalooban,
makataong pagsisikap, lahat ay may kapangyarihan, subalit dito ay wala
silang kapangyarihan. Maaari silang magpakita ng panlabas na katuwiran at
ugali, subalit hindi nila mababago ang puso; hindi nila malilinis ang bukal ng
buhay. Kailangan ang kapangyarihan na gumagawa mula sa kalooban, isang
bagong buhay mula sa itaas, sa harapan ng mga tao ay mababago mula sa
kasalanan tungo sa kabanalan. Ang kapangyarihang iyon ay si Kristo. Ang
Kanyang biyaya lamang ang magpapalakas sa walang buhay na kasangkapan
ng kaluluwa, at inaakit ito tungo sa Diyos, tungo sa kabanalan.”-SC, p. 18.
b. Ano ang ginagawa ng kapangyarihan ng Diyos sa puso ng nahikayat
na Kristyano? Fil. 2:13; Heb. 13:20, 21.
“Ang kautusan ay isang pahayag ng isipan ng Diyos; kapag tinanggap
kay Kristo, ito’y nagiging isipan natin. Itinataas tayo nito higit sa
kapangyarihan ng likas na mga mithiin at hilig, higit sa mga tukso na tungo
sa pagkakasala.”—DA, p. 308.
“Habang tayo ay nakikibahagi sa banal na likas, ang mga namana at
napalakas na mga hilig sa kamalian ay naaalis mula sa ugali, at tayo ay
nagiging isang buhay na kapangyarihan para sa kabutihan. Ang patuloy na
pagkatuto sa banal na Guro, araw-araw na pakikibahagi sa Kanyang likas,
tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos sa pakikibaka sa mga tukso ni
Satanas.”—7 SDA BC, [E.G. White Comments], p. 943.
k. Ano ang dapat nating patuloy na panalangin? Awit 139:23, 24.
“Walang sinoman ang maaaring maglinis ng sarili. Ang magagawa
lamang natin ay pahintulutan si Kristo na gawin ang gawain. At ang salaysay
ng kaluluwa ay, Panginoon, kunin po Ninyo ang aking puso; sapagkat hindi
ko magagawang ibigay ito. Ito ay pag-aari Mo. Panatilihin Mo itong dalisay,
sapagkat hindi ko ito magagawa para sa Inyo. Iligtas Mo ako sa kabila ng
aking kalagayan, ang aking kahinaan, hindi tulad ni Kristong buhay. Hubugin
po Ninyo ako, anyuan Ninyo ako, at palaguin Ninyo ako tungo sa isang
dalisay at banal na kapaligiran, kung saan ang masaganang daloy ng Inyong
pag-ibig ay dadaloy sa aking kaluluwa.”—COL, p. 159.
8
Miyerkules Setyembre 30
4. ESPIRITUWAL NA PAKIKIBAKA
a. Anong panloob na labanan ang dapat na bakahin araw-araw? Kaw.
16:32; Efe. 6:11.
“Ang pakikibaka laban sa sarili ang pinakamalaking labanan na dapat
bakahin.”—SC, p. 43.
“Ang krus ay nakatayo bilang pangako na wala ni isa mang binhi ang
dapat mawaglit, na ang masaganang tulong ay ibinibigay sa bawat
kaluluwa.”—1 SM, p. 96.
b. Ano ang pangwakas na hakbang sa kaligtasan ng matuwid? Heb. 9:28;
1 Cor. 15:51-54.
“Bagaman [yaong mga natulog kay Kristo] ay nasira ang anyo,
nagkasakit, o pumangit sa buhay na ito, subalit sa kanilang nabuhay na muli
at naluwalhating katawan ang kanilang sariling pagkakilanlan ay ganap na
mananatili, at makikilala natin, sa kumikislap na mukha dahil sa liwanag na
kumikinang mula sa mukha ni Jesus, ang hitsura ng ating mga iniibig.”—3
SOP, p. 219.
“Ang buhay na mga matuwid ay nabago ‘sa isang sandali, sa isang kisap-
mata’ (1 Cor. 15:52). Sa tinig ng Diyos sila ay naluwalhati; ngayon sila ay
ginawang walang kamatayan at kasama ng binuhay na mga banal ay dinala sa
itaas upang salubungin ang kanilang Panginoon sa langit .”—GC, p. 645.
k. Kailan matatapos ang pakikibaka? 2 Tim. 4:7, 8.
“Pinakamalapit sa luklukan [ni Kristo sa Bagong Jerusalem] ay yaong
minsan ay naging masigasig sa gawain ni Satanas, subalit inagaw na parang
baga mula sa pagliliyab, at sumunod sa kanilang Tagapagligtas na may
malalim, masidhing katapatan. Kasunod ay yaong mga may sakdal na ugaling
Kristyano sa gitna ng kasinungalingan at kasamaan, yaong mga gumalang sa
kautusan ng Diyos nang ito’y ipinahayag na walang bisa ng daigdig ng
Kristyano, at ang milyun-milyon, sa lahat ng panahon, na naging martir dahil
sa kanilang pananampalataya. At sa likuran ay ang ‘lubhang karamihan’ na
walang sinoman ang makakabilang, mula sa lahat ng bansa, at lipi, at bayan,
at wika,… sa harapan ng luklukan, at sa harapan ng Kordero, na nadadamtan
ng maputing damit, at may mga palma sa kanilang kamay’ (Apoc. 7:9). Ang
kanilang pakikibaka ay natapos na, sila ay nagtagumpay. Natapos nila ang
takbuhin at natamo ang gantimpala. Ang sanga ng palma sa kanilang mga
kamay ay sagisag ng kanilang tagumpay, ang maputing damit ay sagisag ng
walang mantsang katuwiran ni Krsito na ngayon ay taglay nila.”—Ibid., p.
665.
9
Huwebes Oktubre 1
5. ANG KAMAY NA KUMAKATOK
a. Anong paanyaya ang ipinapaabot ni Jesus sa bawat kaluluwa ngayon?
Juan 7:37, 38; Apoc. 22:17.
“Ang banal na isipan din na gumagawa sa mga bagay ng kalikasan ang
nangungusap sa puso ng mga tao at lumilikha ng di-mabigkas na pananabik
sa mga bagay na wala sa kanila. Ang mga bagay sa sanlibutan ay hindi
magbibigay kasiyahan sa kanilang pananabik. Ang Espiritu ng Dios ay
nagsusumamo sa kanila na hanapin ang mga bagay na siyang tanging
magbibigay ng kapayapaan at kapahingahan—ang biyaya ni Kristo, ang
kagalakan ng kabanalan. Sa pamamagitan ng mga impluwensiya na nakikita
at di-nakikita, ang ating Tagapagligtas ay patuloy sa paggawa upang akitin
ang mga isipan ng mga tao mula sa di-nagbibigay kasiyahang mga kalayawan
ng kasalanan tungo sa walang hanggang pagpapala na maaari nilang matamo
sa Kanya. Sa lahat ng gayong mga kaluluwa, na walang kabuluhang
nagsisikap na uminom mula sa basag na sisidlan ng sanlibutang ito, ang banal
na mensahe ay para sa kanila, [Apoc. 22:17 sinipi].
“Ikaw na ang puso ay nananabik sa mga bagay na mas mainam kaysa sa
maibibigay ng sanlibutang ito, ay kilalanin mo ang pananabik na ito bilang
tinig ng Diyos sa iyong kalululwa.”—SC, p. 28.
b. Ano ang dapat nating alalahanin tungkol sa kamay na kumakatok sa
pintuan ng inyong puso? Apoc. 3:20; Zac. 13:6.
“Dapat tayong magtipon sa paanan ng krus. Si Kristo na nabayubay sa krus ang
siyang dapat na maging paksa ng pagbubulay-bulay, pag-uusap, at ng ating
pinakamasayang damdamin. Dapat nating panatilihin sa ating isipan ang bawat
pagpapala na ating natatanggap mula sa Diyos, at kapag naunawaan natin ang
Kanyang dakilang pag-ibig tayo ay dapat maging handang ipagkatiwala ang bawat
bagay sa kamay na napako sa krus para sa atin.”—Ibid., pp. 103, 104.
Biyernes Oktubre 2
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa iyo?
2. Ano ang kahalagahan ng kamatayan ni Kristo para sa bawat tao?
3. Paano ang kaligtasan humihigit pa sa kapatawaran lamang ng
nakalipas na kasalanan?
4. Ano ang pinakahuling hakbang upang tapusin ang gawain ng
kaligtasan?
5. Ano ang nagpapaging pinakamabuting panahon ngayon upang
tumugon sa pagkatok ni Jesus sa pintuan ng inyong puso?
10
Leksiyon 2 Sabbath, Oktubre 10, 2015
Hinamon ang Kaharian ng Diyos
“At papag-aalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang
kanyang binhi; siya ang dudurog sa iyong ulo, at ikaw ang dudurog sa
kanyang sakong" (Gen. 3:15).
“Sa pamamagitan ng nahayag na mga katotohanan sa pagpapatuloy ng
malaking tunggalian, ipapakita ng Diyos ang mga prinsipyo ng Kanyang
alituntunin ng pamamahala, na pinalsipika ni Satanas at ng lahat ng kanyang
nadaya.”—PP, p. 79.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs and Prophets, pp. 33-43.
Linggo Oktubre 4
1. ANG WALANG HANGGANG LUKLUKAN
a. Mula sa mga paglalarawan ng posisyon at kapangyarihan ng Anak ng
Diyos, ano ang ating matututunan tungkol sa pamahalaan ng Diyos?
Awit 45:6; Heb. 1:1-3.
“Hindi sa pamamagitan ng sarili nitong likas na kalakasan na ang lupa ay
namumunga ng kanyang mga ani, at bawat taon ay patuloy ang pag-inog nito
sa palibot ng araw. Ang hindi nakikitang kamay ang nagpapatnubay sa mga
planeta sa kanilang pag-ikot sa kalangitan.”—Ed. p. 99.
b. Ano ang nalalaman natin tungkol sa kautusan na bumubuo sa saligan
ng kahariang ito? Awit 19:7; Mat. 22:37-40.
“Ang kautusan ng Diyos ay pahayag ng Kanyang likas; ito ang larawan
ng dakilang prinsipyo ng pag-ibig, at sa gayon, ang saligan ng Kanyang
pamahalaan sa langit at sa lupa.”—SC, p. 60.
“Ang kautusan ng pag-ibig bilang saligan ng pamahalaan ng Diyos, ang
kaligayahan ng lahat na nilalang ay nakabatay sa kanilang sakdal na
pakikiayon sa dakilang mga prinsipyo ng katuwiran. Mithiin ng Diyos mula
sa Kanyang lahat na nilalang ang paglilingkod ng pag-ibig—pagsamba na
nagmumula sa isang matalinong pagpapahalaga sa Kanyang ugali.”—GC, p.
493.
11
Lunes Oktubre 5
2. ISANG KAAWAY NA KAHARIAN
a. Sa pamamagitan ng sagisag ng hari sa Tero, paano inilarawan ng
Biblia ang pagbagsak ni Lucifer? Eze. 28:11-15.
“Ang kasalanan ay nagsimula sa kanya na, sumunod kay Kristo, siyang
pinararangalan ng Diyos at tumatayong pinakamataas ang kapangyarihan at
kaluwalhatian sa gitna ng mga naninirahan sa langit. Bago ang kanyang
pagbagsak, si Lucifer ang pinakauna sa nagtatakip na kerubin, banal at walang
dungis.”—GC, pp. 493, 494.
b. Paano si Lucifer, na ngayon ay Satanas, hinamon ang pamahalaan ng
Diyos? Isa. 14:12-14.
“Iniwan ang kanyang lugar sa harapan ng presensiya ng Ama, si Lucifer
ay humayo upang ikalat ang espiritu ng kawalan ng kasiyahan sa gitna ng mga
anghel. Siya ay gumawa na may mahiwagang paglilihim, at pansamantala
niyang naitago ang kanyang tunay na layunin sa ilalim ng pagpapakita ng
paggalang sa Diyos. Nagsimula siyang mag-udyok ng pagdududa tungkol sa
kautusan na namamahala sa makalangit na mga nilalang, na ipinapahiwatig
na bagaman kailangan ang kautusan sa mga naninirahan sa mga daigdig, ang
mga anghel, dahil mas mataas, ay hindi kinakailangan ang gayong
pagbabawal, sapagkat ang kanilang sariling karunungan ay sapat ng gabay.
Hindi sila mga nilalang na lalapastangan sa Diyos; lahat ng kanilang mga
isipan ay banal.”—PP, p. 37.
k. Ano ang naging bunga ng hamong ito? Apoc. 12:7-9; Luc. 10:18.
d. Nang itinapon sa lupa, anong posisyon ang inangkin ni Satanas? Job
1:7; Juan 14:30.
“Ang paghahari ni Satanas ay yaong inagaw niya mula kay Adan, subalit
si Adan ang itinakdang tagapamahala ng Manlalalang. Hindi siya
mamamahala batay sa kanyang sarili. Ang lupa ay pag-aari ng Diyos, at
ibinigay Niya ang lahat ng mga bagay sa Kanyang Anak. Si Adan ay
mamumuno sa ilalim ni Kristo. Nang ipinagkanulo ni Adan ang kanyang
kataasan sa kamay ni Satanas, si Kristo ay nananatiling may karapatang
Hari…. Magagamit ni Satanas ang kanyang inagaw na kapangyarihan kung
pahihintulutan lamang ng Diyos.”—DA, pp. 129, 130.
12
Martes Oktubre 6
3. ANG TUNGGALIAN SA LUPA
a. Ano ang orihinal na posisyon kung saan ang tao ay inilagay? Awit 8:4-
6.
b. Sa pamamagitan ng ahas, paano sinikap ni Satanas na ilapit si Adan
at si Eba sa tunggalian? Gen. 3:1, 4, 5.
“Sa pamamagitan ng pagkain ng bunga ng punong ito [sa gitna ng
halamanan], [ang ahas] ay nagsabi, mararating nila ang mas mataas na
kalagayan ng kanilang buhay at makakapasok sa mas malawak na kaalaman.
Siya mismo ay kumain ng ipinagbabawal na bungang-kahoy, at bilang bunga
siya ay nakapagsalita. At kanyang iginiit na ang Panginoon ay may
paninibughong nais ipagkait ito sa kanila, na baka sila ay maitaas na kapantay
Niya. Dahil sa kahanga-hangang mga nilalaman nito, na nagbibigay kaalaman
at kapangyarihan, kaya ipinagbabawal Niya sa kanila ang pagtikim at maging
ang paghipo nito. Ang manunukso ay ipinahiwatig na ang banal na babala ay
hindi talaga natutupad; ito ay ginawa lamang upang takutin sila. Paano
mangyayari na sila ay mamatay? Hindi ba’t kumain sila ng bunga ng punong-
kahoy ng buhay? Sinisikap ng Diyos na hadlangan sila sa pagtamo ng mas
marangal na paglago at pagkasumpong ng mas dakilang kagalakan.”—PP, p.
54.
k. Sa pamamagitan ng mga tukso ni Satanas, ano ang nangyari sa lahi ng
tao? Roma 6:16; 5:12.
d. Paano ang paghahari ng tao sa lupa nawala? Gen. 3:24; 9:2.
“Sa ilalim ng sumpa ng kasalanan ang lahat ng kalikasan ay kailangang
maging saksi sa tao ng katangian at bunga ng paghihimagsik laban sa Diyos.
Nang nilikha ng Diyos ang tao ginawa Niya itong tagapamahala ng lupa at ng
lahat ng mga nabubuhay na nilalang. Hanggat nananatiling tapat si Adan sa
Langit, lahat ng kalikasan ay tumatalima sa kanya. Subalit ng siya ay
naghimagsik laban sa banal na utos, ang mas mababang mga nilalang ay
naghimagsik laban sa kanyang pamamahala. Sa gayon ang Panginoon, sa
Kanyang dakilang habag, ay ipinakita sa tao ang kabanalan ng Kanyang
kautusan, at dinala sila, sa pamamagitan ng kanilang sariling karanasan,
upang makita ang panganib ng pagsasantabi nito, maging sa pinakamagaang
antas.”—Ibid., pp. 59, 60.
13
Miyerkules Oktubre 7
4. PAG-ASA SA DARATING NA HARI
a. Ilarawan ang pangako na nakapaloob sa sumpa sa ahas. Gen. 3:15.
“Ang kahatulang ito, na binigkas sa paglilitis ng ating unang mga
magulang, ay pangako para sa kanila. Habang ito’y naghuhula ng digmaan sa
pagitan ng tao at ni Satanas, ito’y nagpapahayag na ang kapangyarihan ng
dakilang kaaway sa wakas ay mawawasak. Si Adan at si Eba ay nakatayo
bilang mga kriminal sa harapan ng matuwid na Hukom, na naghihintay ng
kahatulan na dulot ng pagsalangsang; ngunit bago nila narinig ang buhay ng
pagpapagod at kalungkutan na magiging bahagi nila, o ng pahayag na sila ay
dapat mauwi sa alabok, sila’y nakinig sa mga salita na hindi mabibigo upang
bigyan sila ng pag-asa. Bagaman sila’y kailangang magdusa mula sa
kapangyarihan ng malakas na kaaway, maaari na silang umasa sa pangwakas
na tagumpay.”—PP, pp. 65, 66.
b. Paano ang pangakong ito matutupad? Juan 12:31, 32; 1 Tim. 3:16.
“Ang plano para sa ating katubusan ay hindi ginawa sa huli, isang
planong binuo matapos ang pagkahulog ni Adan. Ito ay pahayag ng ‘hiwaga
na naitago sa loob ng walang hanggang panahon’ (Roma 16:25). Ito ay
paghahayag ng mga prinsipyo na mula sa walang hanggang panahon ay
naging saligan ng luklukan ng Diyos. Mula sa pasimula, ang Diyos at si Kristo
ay nakakaalam ng pagtalikod ni Satanas at ng pagkahulog ng tao sa
pamamagitan ng mapanlinlang na kapangyarihan ng mananalangsang. Hindi
itinakda ng Diyos na lumitaw ang kasalanan, subalit nakita na Niya ang
paglitaw nito at gumawa ng daan upang harapin ang kakilakilabot na
sakunang ito. Dakila ang Kanyang pag-ibig sa sanlibutan, na Kanyang
ipinangako na ibibigay ang Kanyang bugtong na Anak, ‘upang ang sinomang
manampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hanggan’ (Juan 3:16).”—DA, p. 22.
k. Sa anong marangal na wika inilarawan ng propeta ang katangian ng
darating na Mesias? Gen. 49:10; Isa. 9:6, 7.
“Ang pag-asang ito ng katubusan [ng mga tao at ng kanilang nawalang
pamamahala] sa pamamagitan ng pagparito ng Anak ng Diyos bilang
Tagapagligtas at Hari ay hindi kailan man nabura sa puso ng mga tao. Mula
sa pasimula mayroong ilang tao na ang pananampalataya ay umabot sa kabila
ng mga anino ng kasalukuyang mga katotohanan sa hinaharap.”—PK, p. 682.
14
Huwebes Oktubre 8
5. DALAWANG URI ANG NABUO
a. Kung paghahambingin ang dalawang mga talata, ilarawan ang
dalawang uri na nabuo sa lahi ng tao. Roma 8:14; 1 Juan 3:1; Roma
1:21, 22; Efe. 2:1-3.
“Habang ang mga tao ay dumadami, ang kaibahan sa pagitan ng
dalawang uri [ng mga mananamba] ay lalong nakikilala. Mayroong hayagang
pagtanyag ng katapatan sa Diyos sa isang bahagi, habang naroon ang pagdusta
at pagsalangsang sa bahagi ng isa pa.”—PP, p. 80.
b. Paano ang karanasan ni Cain at Abel naglalarawan ng kalagayan ng
sangkatauhan? Heb. 11:4; 1 Juan 3:12.
“Si Cain at si Abel ay kumakatawan sa dalawang uring mananatili sa
sanlibutan hanggang sa wakas ng panahon. Ang isang uri ay nakinabang sa
itinakdang handog para sa kasalanan; ang isa pa ay nangahas na umasa sa
kanilang sariling mga merito; ang kanila ay isang handog na walang
kagalingan ng banal na pamamagitan, at sa gayon hindi makapagdadala sa tao
tungo sa panig ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng mga merito ni Jesus na
ang ating mga pagsalangsang ay mapapatawad…. Wala ng ibang paraan na
ginawa kung saan sila ay mapapalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan.”—
Ibid., pp. 72, 73.
k. Anong pagpili ang ipinahayag sa bawat anak ni Adan ngayon? Roma
6:16.
Biyernes Oktubre 9
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano natin malalaman na ang kautusan ng Diyos ay umiiral mula sa
walang hanggan?
2. Paano hinamon ni Lucifer ang pinakasaligan ng pamahalaan ng
Diyos?
3. Paano ang sangkatauhan ngayon patuloy na nadadaya ng
kasinungalingan ng ahas?
4. Ano ang pag-asa na nagpalakas sa pananampalataya ng mga
mananampalataya noong unang mga panahon?
5. Tukuyin ang mga kinakatawanan ni Cain at ni Abel ngayon.
15
Leksiyon 3 Sabbath, Oktubre 17, 2015
Mga Tagapagmana ng Kaharian
“Makinig kayo, mahal kong mga kapatid, Hindi ba’t pinili ng Diyos
ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayaman sa pananampalataya, at
tagapagmana ng kaharian na kanyang ipinangako sa kanila na umiibig
sa kanya?” (Sant. 2:5).
“Lahat ng nakay Kristo ay mga ‘binhi ni Abraham, at tagapagmana ayon
sa pangako’—tagapagmana ng ‘isang pamanang walang kasiraan, at walang
kapintasan, at hindi kumukupas’—ang lupa na nilinis mula sa sumpa ng
kasalanan.”—PP, p. 170.
Mungkahing Babasahin: Prophets and Kings, pp. 681-702.
Linggo Oktubre 11
1. PAGTANAW SA HINAHARAP
a. Paano bubuodin ang ebanghelyo? Roma 1:16, 17.
b. Sino ang dapat na makinig nito, at anong pagpili ang dapat nilang
gawin? Mat. 24:14; Mar. 16:15, 16.
“Kapag ang mga miyembro ng iglesia ng Diyos ay gawin ang itinakdang
gawain sa mga nangangailangang bukirin sa tahanan at sa labas, sa pagtupad
sa atas ng ebanghelyo, ang buong sanlibutan ay madaling mabibigyan ng
babala at ang Panginoong Jesus ay babalik sa lupang ito na may
kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”—AA, p. 111.
k. Sa anong uri ng mga tao ang kaligtasan ay nakalaan? Gawa 10:34, 35;
Roma 8:14; Efe. 3:6.
“Ang mga pagpapala ng kaligtasan ay para sa bawat kaluluwa. Walang
anomang bagay kundi ang kanyang sariling pagpili ang makakahadlang sa
sinomang tao mula sa pagiging kabahagi ng pangako ni Kristo sa
pamamagitan ng ebanghelyo.”—DA, p. 403.
16
Lunes Oktubre 12
2. MGA PANGAKO NG DIYOS SA KANYANG UNANG BAYAN
a. Anong mga pangako ang binigay kay Abraham at sa kanyang lahi?
Gen. 12:1-3; 13:14-17.
“Sa pamamagitan ng bansang Hudyo layunin ng Diyos na ibahagi sa lahat
ng Kanyang bayan ang masaganang mga pagpapala. Sa pamamagitan ng
Israel ang daan ay dapat ihanda para sa pagpapalaganap ng Kanyang liwanag
sa buong daigdig….
“Para sa katuparan ng layuning ito na ang Diyos ay tinawagan si
Abraham mula sa kanyang mapagsamba sa diyusdiyusang lipi at inutusan
siyang manirahan sa lupain ng Canaan.”—COL, p. 286.
b. Bakit ang Diyos naghintay ng ilang mga henerasyon paglipas ni
Abraham bago tuluyang ibinigay sa kanila ang lupain ng Palistina?
Gen. 15:13-16.
“Ang mga bansa sa sanlibutan, sa pamamagitan ng pagsunod sa maling
mga gawain, ay nawala ang pagkakilala sa Diyos. Subalit sa Kanyang habag
hindi sila pinuksa. Layunin Niya na bigyan sila ng pagkakataon na makilala
Siya sa pamamagitan ng Kanyang iglesia.”—Ibid.
“Bagaman ang mga Amorhiyo ay mga mapagsamba sa diyusdiyusan, na
ang buhay ay nawala dahil sa kanilang malaking kasamaan, iniligtas sila ng
Diyos sa loob ng apatnapung taon upang bigyan sila ng hindi nagkakamaling
katibayan na Siya lamang ang tunay na Diyos, ang Manlilikha ng langit at
lupa. Lahat ng Kanyang kababalaghan sa pagdala ng Israel mula sa Egipto ay
alam nila. Sapat na katibayan ang ibinigay sa kanila; maaari nilang malaman
ang katotohanan, kung sila ay handang tumalikod mula sa kanilang
diyusdiyusan at kahalayan.”—PP, p. 434.
k. Ano sa wakas ang nangyari sa mga Amorhiyo? Hukom 11:21-24.
“Pagdating sa hangganan ng mga Amorhiyo, ang Israel ay humingi
lamang ng pahintulot na makidaan sa kanilang bansa, na nangangakong
susundin ang mga batas na namamahala sa kanilang pakikipagkasundo sa
ibang mga bansa. Nang ang hari ng mga Amorhiyo ay tumanggi sa magalang
na pakiusap na ito, at mabagsik na tinipon ang kanyang mga hukbo sa
pakikidigma, ang saro ng kanilang kasamaan ay napuno, at gagamitin na
ngayon ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan upang pabagsakin sila.”—
Ibid., p. 435.
17
Martes Oktubre 13
3. ISANG TIPANANG NASIRA
a. Paano ang Israel nabigong mamuhay sa layunin ng Diyos sa
paglalagay sa kanila sa Lupang Pangako? Hukom 2:10-13.
“Hanggat ang henerasyon na tumanggap ng tagubilin mula kay Josue ay
nalipol, ang pagsamba sa diyusdiyusan ay unti-unting lumago; subalit ang
mga magulang ang naghanda sa kanilang mga anak sa pagtalikod sa Diyos.
Ang di-pagpapahalaga sa mga pagbabawal ng Panginoon sa bahagi ng mga
nanirahan sa Canaan ay naghasik ng mga binhi ng kasamaan na nagpatuloy
sa pagbunga ng mapapait na bunga sa loob ng maraming henerasyon. Ang
simpleng mga kasanayan ng mga Hebreo ay nagbigay sa kanila ng kalusugan
ng katawan; subalit ang pakikisalamuha sa mga pagano ay nagdala sa kanila
sa pagpapakabuyo sa panlasa at hilig, na dahan-dahang nagpahina ng kanilang
lakas at nagpahina ng kapangyarihan ng isipan at ng moral. Sa pamamagitan
ng kanilang mga kasalanan ang mga Israelita ay nahiwalay sa Diyos; ang
kanyang kalakasan ay inalis sa kanila, at hindi na sila makapanaig laban sa
kanilang mga kaaway. Sa gayon sila ay napasa ilalim sa mga bansang sa
pamamagitan sana ng Diyos kanilang sasakupin.”—PP, pp. 544, 545.
b. Ano ang nangyari dahil sa impluwensiya ng unang hari ng kalahating
hilaga ng nahating bansa? 1 Hari 14:15, 16.
“Kung ang Israel ay nakinig sa mga mensahe ng mga propeta, maiiwasan
sana nila ang kahihiyang sumunod. Ito’y dahil sa kanilang pagpupumilit na
humiwalay sa Kanyang kautusan na ang Diyos ay napilitang pahintulutan
silang mabihag….
“Sa bawat panahon, ang pagsalangsang sa kautusan ng Diyos ay
sinusundan ng katulad na bunga. Sa panahon ni Noe, nang ang bawat
prinsipyo ng paggawa ng kabutihan ay sinalangsang at ang kasamaan ay
naging napakalalim at napakalawak na hindi na ito matiis ng Diyos…. Sa
panahon ni Abraham ang bayan ng Sodoma ay hayagang sinalangsang ang
Diyos at ang Kanyang kautusan; at sumunod ang katulad na kasamaan,
katulad na kabulukan, katulad na di-mapigilang pagpapakabuyo na
nagpakilala sa mga tao bago ang Baha. Ang mga naninirahan sa Sodoma ay
lumampas sa hangganan ng banal na pagtitiis, at sumiklab laban sa kanila ang
apoy ng paghihiganti ng Diyos.
“Ang panahon bago ang pagkabihag ng sampong mga tribu ng Israel ay
katulad ding pagsalangsang at katulad ding kasamaan. Ang kautusan ng Diyos
ay ibinilang na walang kabuluhang bagay, at ito ang nagbukas ng pintuan ng
kasamaan sa Israel.”—PK, p. 297.
18
Miyerkules Oktubre 14
4. ANG HARI NG JUDAH
a. Gaano katagal na ang tribu ng Judah nanatili sa marangal na
pagkakilanlan? Gen. 49:10; Eze. 21:25-27.
“Ang leon, hari ng kagubatan, ay tumpak na sagisag sa tribung ito, kung
saan nagmula si David, at ang Anak ni David, ang Shiloh, ang tunay na ‘Leon
ng tribu ng Judah,’ kung saan ang lahat ng kapangyarihan sa wakas ay
yuyukod at ang lahat ng mga bansa ay sasamba.”—PP, p. 236.
b. Sino ang “Shiloh” (ang isang “may karapatan nito”), at kailan Siya
pumarito? Zac. 9:9; Mat. 21:1-9.
“Paglipas ng mga dantaon; sa wakas ang mga tinig ng mga propeta ay
tumigil. Ang kamay ng mang-aapi ay mabigat sa Israel. Habang ang mga
Hudyo ay lumalayo sa Diyos, ang pananampalataya ay humihina, at ang pag-
asa ay bahagya ng lumiwanag sa hinaharap. Ang mga salita ng mga propeta
ay hindi naunawaan ng marami; at yaong may pananampalatayang dapat
panatilihing malakas ay handang sumigaw, ‘Ang araw ay nagluwat, at ang
bawat pangitain ay nabigo’ (Eze. 12:22). Subalit sa kapulungan ng langit ang
oras ng pagparito ni Kristo ay tiyak.”—PK, p. 700.
“Habang kakaunti ang nakakaunawa sa likas ng misyon ni Kristo, may
malawak na paghihitay sa isang malakas na prinsipe na magtatatag ng
kaharian sa Israel, at darating upang maging tagapagligtas ng mga bansa.”—
DA, p. 34.
k. Ano ang likas ng Kanyang kaharian? Juan 18:36, 37. Ano ang
magaganap kapag ang kaharian ay lubusan ng ipahayag? Mat. 24:14.
“Siya na ating halimbawa ay nanatiling atubili mula sa makalupang
pamahalaan. Hindi dahil Siya ay walang pakialam sa mga kahirapan ng tao,
kundi dahil ang lunas ay hindi lamang nakasalalay sa tao at sa panlabas na
mga hakbang. Upang maging mabisa, ang lunas ay dapat makarating sa mga
tao bawat isa, at dapat magbago ng puso.
“Hindi sa pamamagitan ng mga pagpapasya ng hukuman o mga
kapulungan o ng mga mambabatas, hindi sa pamamagitan ng pagtangkilik sa
mga makalupang dakilang mga tao, na ang kaharian ng Diyos ay itinatag,
kundi sa pamamagitan ng pagkikintal ng likas ni Kristo sa sangkatauhan sa
pamamagitan ng paggawa ng Banal na Espiritu.”—Ibid., p. 509.
19
Huwebes Oktubre 15
5. ISANG BAHAY NA WASAK
a. Nang si Kristo ay itinakwil ng Kanyang sariling bansa, ano ang
Kanyang sinabi? Mat. 23:37, 38. Kailan naging lubos ang pagkawasak
(literal at espirituwal)? Mat. 24:1, 2.
“Hanggang ngayon tinawag [ni Jesus] ang templo na tahanan ng Kanyang
Ama; ngunit ngayon, habang ang Anak ng Diyos ay lalabas mula sa mga
pader na iyon, ang presensiya ng Diyos ay aalisin na hanggang sa walang
hanggan mula sa templo na itinatag para sa Kanyang kaluwalhatian. Kung
kaya ang mga seremonya nito ay wala ng kabuluhan, ang mga serbisyo ay
isang katatawanan.”—DA, p. 620.
“Nakita [ni Jesus] ang Jerusalem na napapalibutan ng mga sundalo, ang
napapalibutang mga naninirahan ay itinutulak sa gutom at kamatayan….
Nakita Niya na ang katigasan ng ulo ng mga Hudyo, ayon sa nahayag sa
kanilang pagtakwil sa Kanyang kaligtasan, ay magdadala din sa kanila sa
pagtangging magpasakop sa mga mananakop na mga kawal…. Nakita Niya
ang abang mga naninirahan na nagdurusa sa pagpapahirap at sa pamamagitan
ng pagpako sa krus, ang magandang mga lugar ay nasira, ang templo ay
nawasak, at sa matitibay na pader nito ay wala ni isa mang bato ang naiwang
nakapatong, habang ang siyudad ay inararo na tulad ng isang bukid.”—Ibid.,
p. 577.
b. Sa pagtakwil kay Kristo, ano ang dinala ng mga pinuno ng Hudyo sa
kanilang sarili? Mat. 27:24, 25. Sino ang pinili nilang pinuno, at ano
ang ginawa ng pinunong ito sa wakas? Juan 19:14, 15; Luc. 21:20, 24.
Biyernes Oktubre 16
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ipaliwanag ang layunin ng Diyos sa pag-antala sa pagkubkob sa
Canaan.
2. Ano ang matututunan ng bayan ng Diyos ngayon mula sa kabiguan ng
Israel na sakupin ang lupain?
3. Bakit ang kahariang ipinangaral ni Jesus ay lubhang naiiba sa
inaasahan ng Kanyang bayan?
4. Paano ang mga serbisyo sa tahanan ng Diyos nawawalan ng kanilang
kahulugan ngayon?
5. Paano ako higit na makakagawa upang ibahagi sa mga kailangang
makarinig ng ebanghelyo?
20
Leksiyon 4 Sabbath, Oktubre 24, 2015
Mga Pangakong Natupad
“At kung tayo’y mga anak, tayo nga’y tagapagmana, at kapuwa
tagapagmana ni Kristo; kung kaya tayo ay nagdurusang kasama niya,
upang tayo din ay luwalhatiing magkakasama” (Roma 8:17).
“Hindi kailan man nawalan ang Panginoon ng tunay na kinatawan sa
lupang ito na ibinilang ang Kanyang interes na kanila. Ang mga saksing ito
para sa Diyos ay kabilang sa mga espirituwal na Israel, at sa kanila ay
matutupad ang lahat ng mga pangako ng tipanan na ginawa ni Jehova sa
Kanyang unang bayan.”—PK, p. 714.
Mungkahing Babasahin: Prophets and Kings, pp. 703-721.
Linggo Oktubre 18
1. PANTAY NA PAGKAKATAON
a. Kaysa sa gumawa ng walang kondisyong mga pangako, ano ang
inaasahan ng Diyos? Jer. 18:7-10.
“Walang kaligtasan maliban sa mahigpit na pagtalima sa salita ng Diyos.
Lahat ng Kanyang mga pangako ay ginawa sa kondisyon ng pananampalataya
at pagtalima, at ang pagkabigong tumupad sa Kanyang mga utos ay
nagpuputol ng katuparan sa atin ng masaganang mga pangako ng
Kasulatan.”—PP, pp. 621, 622.
b. Anong katangian ang hinahanap ng Panginoon sa mga tao, anoman
ang kanilang katayuan o mga pribilihiyo? Gawa 10:34, 35.
“Sa kaharian ng Diyos, ang posisyon ay hindi natatamo sa pamamagitan
ng paboritismo. Hindi ito natatamo, ni natatanggap sa pamamagitan ng
paghahari-harian. Ito ay bunga ng ugali. Ang putong at ang luklukan ay mga
sagisag ng naabot na kondisyon; sila ay mga sagisag ng pagsupil sa sarili sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesukristo.”—DA, p. 549.
21
Lunes Oktubre 19
2. TUNAY NA ISRAEL
a. Ano ang ipinangako tungkol sa hinaharap ng Israel? Jer. 33:16; Roma
11:25-27.
“Ang Diyos ay masaganang makakapagbago ng puso ng mga Hudyo at
Gentil, at bigyan ang bawat mananampalataya kay Kristo ng mga
pagpapalang ipinangako sa Israel.”—AA, p. 379.
b. Ano ang tanging daan tungo sa kaligtasan, maging ito man ay Hudyo
o Gentil na isinilang? Gawa 4:10-12.
“Itinatanyag ng ilan na ang lahi ng tao ay nangangailangan, hindi ng
pagtubos, kundi ng paglago—na malilinis, maitataas, at mababago nito ang
sarili…. Ang kasaysayan ni Cain ay nagpapakita kung ano ang magiging
bunga. Ipinapakita nito ang mangyayari sa tao kapag hiwalay kay Kristo. Ang
sangkatauhan ay walang kapangyarihan upang baguhin ang sarili. Hindi ito
nakahilig paitaas, tungo sa kabanalan, kundi pababa, tungo sa pagsunod kay
Satanas. Si Kristo ang ating tanging pag-asa.”—PP, p. 73.
k. Ano ang katangian ng tunay na Israel? Roma 2:28, 29. Sa liwanag na
ito, kanino ang mga pangako tunay na matutupad? Roma 9:6-8.
“Ang mga Pariseo ay nagtatanyag na mga anak ni Abraham, at
ipinagmamalaki ang kanilang panghahawak sa kasulatan ng Diyos; subalit
ang mga pakinabang na ito ay hindi nagliligtas sa kanila mula sa
pagkamakasarili, lubhang kasamaan, kasakiman sa pakinabang, at ang
pinakamasamang pagpapaimbabaw. Iniisip nila na sila ang pinakadakilang
relihiyon sa buong daigdig, subalit ang tinatawag nilang paniniwala ay nag-
udyok sa kanila na ipako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.
“Ang katulad ding panganib ay nananatili. Marami ang nagtatanyag na
sila ay Kristyano, dahil lamang sa sila ay naniniwala sa mga paniniwalang
pang-teolohiya. Subalit hindi nila isinasakabuhayan ang katotohanan. Hindi
nila pinaniniwalaan at iniibig ito, kung kaya hindi nila natatanggap ang
kapangyarihan at biyaya na dumarating sa pamamagitan ng pagpapakabanal
ng katotohanan. Ang mga tao ay maaaring magtanyag ng pananampalataya sa
katotohanan; subalit kung ito’y hindi nagpapaging matapat, mabait, matiisin,
mapagparaya, makalangit ang isipan sa kanila, ito ay sumpa sa may hawak
nito, at sa pamamagitan ng kanilang impluwensiya ito’y sumpa sa
sanlibutan.”—DA, pp. 309, 310.
22
Martes Oktubre 20
3. ANG BINHI NI ABRAHAM
a. Anong pangako ang ginawa kay Abraham tungkol sa kanyang
relasyon sa ibang nasa sanlibutan? Gen. 22:18.
“Mataas na karangalan ang pagkatawag kay Abraham, bilang ama ng
mga taong sa loob ng mga dantaon ay naging tagapag-ingat at tapag-alaga ng
katotohanan ng Diyos para sa sanlibutan—ng mga tao na kung saan ang lahat
ng mga bansa sa lupa ay pagpapalain sa pagdating ng pangakong Mesias.”—
PP, pp. 140, 141.
b. Ano ang ibig sabihin ng salitang “binhi” sa pangakong ito? Gal. 3:16.
Ano ang kinakailangan upang matanggap ang mga pagpapala?
Talatang 8, 9.
“Ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na ang mga pangako kay Abraham
ay tutuparin sa pamamagitan ni Kristo. Lahat ng kay Kristo ay ‘binhi ni
Abraham, at tagapagmana ayon sa pangako’—tagapagmana ‘ng pamanang
hindi masisira, at walang dungis, at hindi kumukupas’—ang lupa ay nalinis
mula sa sumpa ng kasalanan (Gal. 3:29; 1 Ped. 1:4).”—Ibid., p. 170.
k. Pag-aralan ang pag-uusap na naitala sa Juan 8:31-45, at ilarawan ang
uri ng ugali na kailangan upang makilahok sa espirituwal na relasyon
na binanggit dito.
“Ang mga Pariseo ay ipinahayag ang kanilang sarili na mga anak ni
Abraham. Sinabi sa kanila ni Jesus na ang pag-angking ito ay mapapatibay
lamang sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain ni Abraham. Ang tunay
na mga anak ni Abraham ay ipamumuhay ang kanyang buhay, isang buhay
ng pagtalima sa Diyos. Hindi nila sisikaping patayin ang Isang nagsasalita ng
katotohanan na ibinigay sa Kanya mula sa Diyos. Sa mga pakana laban kay
Kristo, ang mga guro ay hindi gumagawa ng mga gawain ni Abraham. Ang
pagiging lahi lamang ni Abraham ay walang kabuluhan. Kung walang
espirituwal na kaugnayan sa kanya, na mahahayag sa pagtataglay ng katulad
na espiritu, at paggawa ng katulad na gawain, sila ay hindi niya mga anak.”—
DA, pp. 466, 467.
23
Miyerkules Oktubre 21
4. PAGMANA NG LUPAIN
a. Paano ang mga patriarka mismo kabilang sa pangako ng pagmana ng
lupain? Exo. 6:8. Ano ang dapat mangyari upang matupad ang
pangakong ito? Luc. 20:34-38.
“Ang pamanang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan ay hindi sa
sanlibutang ito. Si Abraham ay walang pag-aari dito sa lupa, ‘walang higit
kaysa sa napapatungan ng kanyang mga paa’ (Gawa 7:5). Siya’y mayroong
malaking ari-arian, at ginamit niya ito sa kaluwalhatian ng Diyos at sa
kapakanan ng kanyang kapuwa; subalit hindi siya tumingin sa sanlibutang ito
bilang kanyang tahanan. Tinawag siya ng Panginoon upang iwanan ang
kanyang mapagsamba sa diyusdiyusang mga kababayan, na may pangako ng
lupain ng Canaan bilang walang hanggang pag-aari; subalit siya man ni ang
kanyang anak ni ang anak ng kanyang anak ay hindi pa tumanggap nito. Nang
si Abraham ay nangarap ng kanyang libingan, kailangan niya itong bilhin sa
mga taga Canaan. Ang tanging ari-arian niya sa Lupang Pangako ay ang
libingang batong inukit sa yungib ng Machpelah.
“Subalit ang salita ng Diyos ay hindi mabibigo; at hindi pa naganap ang
lubos na katuparan nito sa pagkubkob ng Canaan ng bayan ng Hudyo. ‘Kay
Abraham at sa kanyang binhi ang pangako ay binigay’ (Gal. 3:16). Si
Abraham mismo ay makikibahagi sa pamana. Ang katuparan ng pangako ng
Diyos ay maaaring tila matagal—sapagkat ‘ang isang araw sa Panginoon ay
tulad sa isang libong taon, at ang isang libong taon ay tulad sa isang araw’ (2
Ped. 3:8); ito’y tila naantala; subalit sa takdang panahon ‘ito’y tiyak na
darating, hindi ito maaantala’ (Hab. 2:3). Ang kaloob kay Abraham at sa
kanyang binhi ay kabilang hindi lamang ang lupain ng Canaan, kundi ang
buong lupa.”—PP, pp. 169, 170.
b. Ano ang nagpapakita na nauunawaan ito ng mga patriarka? Heb.
11:13-16.
k. Sino ang ibinibilang na tunay na angkan ni Abraham, at sa gayon ay
mga tagapagmana ng pangako? Gal. 3:27-29; Mat. 8:11, 12.
“Hindi kinikilala ng Diyos ang kagalingan ng pagiging lahi. Itinuro Niya
na ang espirituwal na kaugnayan ay nangingibabaw sa lahat ng likas na
kaugnayan…. Sila lamang na mga napatunayan sa kanilang sarili na naaayon
kay Abraham sa espirituwal sa pamamagitan ng pagtalima sa tinig ng Diyos
ang ibinibilang na tunay na angkan.”—COL, p. 268.
24
Huwebes Oktubre 22
5. ISANG MALUWALHATING PAMANA
a. Ano ang magiging kalagayan ng lupa kapag natupad na ang pangako?
Isa. 65:17-19.
“Sa Biblia ang mamanahin ng mga naligtas ay tinawag na ‘isang bansa’
(Heb. 11:14-16). Doon ang makalangit na Pastor ay papatnubayan ang
Kanyang kawan sa mga bukal ng buhay na tubig. Ang punong-kahoy ng
buhay ay namumunga bawat buwan, at ang mga dahon ng punong-kahoy ay
para sa paglilingkod ng mga bansa. Naroon ang walang patid sa pagdaloy na
mga sapa, malinaw tulad ng kristal, at sa pampang nito ay ang mga
kumakaway na mga punong-kahoy na nagbibigay lilim sa mga daan na
inihanda sa mga tinubos ng Panginoon. Naroon ang napakalawak na
kapatagan na may magagandang burol, at kabundukan ng Diyos na nagtataas
ng kanilang matatayog na tuktok. Sa mapayapang kapatagang iyon, sa tabi ng
buhay na mga sapa, ang bayan ng Diyos, na matagal na naging manlalakbay
at dayuhan, ay makakasumpong ng tahanan.”—GC, p. 675.
b. Paano inilarawan ng Kasulatan ang espirituwal na pagkakaisa ng
namanag kaharian? Jer. 23:3-6; Eze. 37:24-27.
“Iisang pulso ng pagkakaisa at kagalakan ang pumipintig sa buong
malawak na nilalang…. Mula sa pinakamaliit na atomo hanggang sa
pinakamalaking daigdig, lahat ng mga bagay, may buhay o walang buhay, sa
kanilang di-maitatagong kagandahan at sakdal na kagalakan, nagpapahayag
na ang Diyos ay pag-ibig.”—Ibid., p. 678.
k. Kapag binago na ang lupa, ano ang gagawin ng Diyos sa kanyang
tahanan? Apoc. 21:1-3.
Biyernes Oktubre 23
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Kapag ang Diyos ay nangako, paano ang katuparan nito nakasalalay
sa mga kondisyon?
2. Ano pa ang kailangan maliban sa pagtanyag ng pananampalataya kay
Kristo?
3. Ano ang nagpapaging tunay na anak ni Abraham sa isang tao?
4. Kailan matutupad ang pangako ng pagmana ng lupain?
5. Ano ang magiging ugali ng mga naligtas sa Bagong Lupa?
25
Leksiyon 5 Sabbath, Oktubre 31, 2015
Ang Hiwaga ng Kasamaan
“Sapagkat ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: siya lamang
na nagpapahintulot ngayon ang magpapahintulot, hanggang sa siya ay
alisin” (2 Tes. 2:7).
“Si apostol Pablo, sa kanyang ikalawang sulat sa mga taga Tesalonica, ay
naghula ng malaking pagtalikod na magbubunga ng pagtatag ng
kapangyarihan ng papa…. Maging sa unang mga panahon ay nakita niya, na
gumagapang sa loob ng iglesia, ang mga kamalian na maghahanda ng daan
ng paglago ng kapapahan.”—GC, p. 49.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 49-60.
Linggo Oktubre 25
1. PANGANIB SA KAWAN
a. Anong panganib ang binigay na babala ni Jesus na haharapin ng
iglesia? Mat. 24:4, 5, 11. Ano sa wakas ang mabubuo? Gawa 20:28-30;
2 Tes. 2:1-12.
“Sa loob ng maikling mga taon marami sa mga tumayong mga
tagapagturo at pinuno ng iglesia ay ibibigay ang kanilang buhay para sa
ebanghelyo. Hindi magtatagal ang mababangis na lobo ay papasok, na hindi
kaaawaan ang kawan. Subalit ang mga ito’y hindi dapat magpahina sa kanila
na ang pag-asa ay nakasentro kay Kristo.”—AA, p. 528.
b. Ano ang magagawa ng iglesia tungkol sa panganib na ito? 2 Tim. 3:13-
15; Roma 16:17, 18.
“Si Pablo ay nangatal para sa iglesia, habang tinitingnan ang hinaharap,
nakita niya ang pagsalakay na kanyang dadanasin mula sa panlabas at sa
panloob na mga kaaway. Sa taimtim na kasigasigan kanyang inutusan ang
kanyang mga kapatid na bantayan ng masikap ang banal nilang tungkulin.”—
Ibid., p. 395.
26
Lunes Oktubre 26
2. ANG BANTA NG PANG-UUSIG
a. Ano ang ginawa ng mga di-nananampalatayang mga Hudyo sa mga
mamamayang Kristyano? 1 Tes. 2:14-16; Gawa 14:2. Anong nangyari
bilang bunga ng pang-uusig? Gawa 8:1, 4.
“Ang gawain ng pangangaral ng mensahe ng ebanghelyo sa gitna ng mga
Gentil ngayon ay uusigin na may kalakasan; at bilang bunga ang iglesia ay
mapapalakas sa pamamagitan ng dakilang pag-aani ng mga kaluluwa. Ang
mga apostol na hinirang upang manguna sa gawaing ito ay malalantad sa
pagdududa, masamang akala, at paninibugho. Ang kanilang mga pagtuturo
tungkol sa pagbagsak ng ‘pader na namamagitan’ (Efe. 2:14) na matagal ng
naghihiwalay sa daigdig ng mga Hudyo at ng mga Gentil, ay likas na dahilan
upang sila’y paratangan ng maling pananampalataya.”—AA, p. 161.
“Kung ang mga nakakaalam ng katotohanan ay ipamumuhay ito,
makakagawa ng mga paraan upang maabot ang mga tao saan man sila
naroroon. Probidensiya ng Diyos na sa pasimula ng iglesia ng Kristyano ay
kumalat ang mga banal, na ipinadala sila sa labas ng Jerusalem tungo sa
maraming bahagi ng sanlibutan. Ang mga alagad ni Kristo ay hindi nanirahan
sa Jerusalem o sa mga kalapit na mga siyudad, kundi tumungo sila sa labas
ng mga hangganan ng kanilang sariling bansa tungo sa mahabang daan ng
paglalakbay, na naghahanap ng nawaglit upang ibalik nila sa Diyos. Ngayon
mithiin ng Diyos na makita ang Kanyang gawain na isinusulong sa maraming
mga dako. Hindi natin dapat panatilihin ang ating mga paggawa sa kakaunting
mga lugar.”—6 T, p. 330.
b. Ang pang-uusig bang ito ay isang bagay na dapat nilang asahan? Juan
15:20; 2 Tim. 3:12. Anong mangyayari na dahilan na ang isang tao ay
mawalan ng kanyang pananampalataya sa harapan ng pang-uusig?
Mar. 4:16, 17.
k. Paano tayo dapat tumugon sa pang-uusig? Mat. 5:10-12; Roma 8:37-
39.
“[Mat. 5:10-12 sinipi]. Ipinapakita dito ni Jesus [sa Kanyang mga alagad]
na sa panahong sila ay nakakaranas ng malaking pagdurusa sa Kanyang
gawain, may dahilan sila upang magalak at kilalanin na ang kanilang paghi-
hirap ay kapakipakinabang sa kanila, na may impluwensiya na ihiwalay ang
damdamin mula sa sanlibutan at ituon ito sa Langit.”—2 SOP, pp. 211, 212.
27
Martes Oktubre 27
3. HUDYONG MGA GURO
a. Paano ang takot sa pang-uusig nagpatuloy sa pamiminsala sa iglesia?
Gawa 15:1, 2.
“Habang ang mga apostol ay nagkakaisa kasama ng mga ministro at mga
miyembro sa Antioch sa masigasig na pagsisikap na magdala ng maring
kaluluwa kay Kristo, ilang mga mananampalatayang Hudyo mula sa Judea
‘sa sekta ng Pariseo’ ang nagtagumpay sa pangangaral ng usapin na di-
nagtagal nagdala sa malawakang pagtatalo sa iglesia at nagdala ng
pangingilabot sa mga mananampalatayang Gentil. Sa malakas na katiyakan
ang mga Hudyong guro ay tiniyak na upang maligtas, ang isang tao ay dapat
matuli at dapat sumunod sa buong kautusang seremonyal….
“Ang mga hikayat na Hudyo sa pangkalahatan ay hindi nakahilig sa
agarang pagkilos tulad sa pagbubukas ng daan ng probidensiya ng Diyos.
Mula sa bunga ng paggawa ng mga apostol sa gitna ng mga Gentil ay
mapapatunayan na ang mga hikayat mula sa mga Gentil ay mas madami kaysa
sa nahikayat na mga Hudyo. Takot ang mga Hudyo na kung ang pagbabawal
at mga seremonya ng kanilang kautusan ay hindi ipatutupad sa mga Gentil
bilang batayan ng pag-anib sa iglesia, ang pambansang kaibahan ng mga
Hudyo, na nagbibigay sa kanila ng kaibahan mula sa lahat ng mga tao, ay
tuluyang mawawala mula sa gitna ng mga tumanggap ng mensahe ng
ebanghelyo.”—AA, pp. 188, 189.
b. Anong espiritu ang nasa likod ng kilusang ito? Gal. 6:12-16. Anong
mga katangian ang ipapahayag ng isang tunay na Kristyano sa
ganitong mga kalagayan? 2 Tim. 1:7.
k. Paano hinarap ni apostol Pablo ang maling aral na ito sa kanyang
sulat? Roma 2:25-29; 1 Cor. 7:18, 19; Gal. 5:6.
“Itinalaga ni Pablo ang kanyang sarili at ang kanyang kapangyarihan sa
paglilingkod sa Diyos. Tinanggap niya ang katotohanan ng ebanghelyo na
derektang mula sa langit, at sa lahat niyang pangangaral kanyang pinanatili
ang malakas na kaugnayan sa mga makalangit na kasangkapan. Tinuruan siya
ng Diyos tungkol sa bisa ng mga hindi mahahalagang pasanin sa mga Gentil
na Kristyano; kung kaya nang ang mga Hudyong mananampalataya ay
nagturo sa iglesia sa Antioch ng usapin ng pagtutuli, alam ni Pablo ang isipan
ng Espiritu ng Diyos tungkol sa mga aral na ito at tumayong matatag at di-
sumusukong posisyon na nagbigay sa mga iglesia ng kalayaan mula sa mga
ritwal at seremonya ng mga Hudyo.”—Ibid., p. 200.
28
Miyerkules Oktubre 28
4. KATATAGAN AT PAGPAPAHINUHOD
a. Tulad ni apostol Pablo, anong espiritu mayroon dapat tayo? Gal. 6:14;
Roma 1:14-17.
b. Sa anong pagpapahinuhod ang dakilang apostol ay hinimok ng
kanyang mga kapatid na gawin, at paano ito nagdala sa pag-aresto sa
kanya? Gawa 21:17-24; 26-30.
“Ang mga kapatid ay umaasa na si Pablo, sa pagsunod sa gawaing
iminungkahi, ay magbibigay ng matibay na pagtanggi sa maling mga balita
tungkol sa kanya. Tiniyak nila sa kanya na ang kapasyahan ng unang
kapulungan tungkol sa mga hikayat na Gentil at ng kautusang seremonyal, ay
nananatiling mabuti. Subalit ang payong ibinigay ngayon ay hindi naaayon sa
kapasyahang iyon. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi nag-udyok ng tagubiling
ito; ito ay bunga ng kaduwagan. Ang mga namumuno sa iglesia sa Jerusalem
ay nakakaalam na ang hindi pagsang-ayon sa kautusang seremonyal, ay
dinadala ng mga Kristyano sa kanilang sarili ang poot ng mga Hudyo at
inilalantad ang kanilang sarili sa pang-uusig…. Kung ang mga
mananampalataya kay Kristo ay mahatulan sa harapan ng Sanhedirn bilang
mananalangsang ng kautusan, sila ay magdurusa ng matinding parusa bilang
tumalikod sa pananampalatayang Hudyo.
“Marami sa mga Hudyo na tumanggap sa ebanghelyo ang nananatiling
nagpapahalaga sa kautusang seremonyal at handang gumawa ng maling
pagpapahinuhod, na umaasang sa gayon ay matatamo nila ang pagtitiwala ng
kanilang mga mamamayan, upang alisin ang kanilang masamang akala, at
hikayatin sila sa pananampalataya kay Kristo bilang Manunubos ng
sanlibutan. Naisip ni Pablo na hangga’t marami sa mga nangungunang mga
miyembro sa iglesia sa Jerusalem ang magpapatuloy sa pagpapahalaga sa
masamang akala laban sa kanya, sila ay patuloy na gagawa upang salungatin
ang kanyang impluwensiya…. Subalit hindi siya binigyan ng karapatan ng
Diyos na makiayon sa lahat nilang hinihingi. “Kung iisipin natin ang dakilang mithiin ni Pablo na makiayon sa kanyang mga
kapatid, ang kanyang kaamuan sa mahihina sa pananampalataya, ang kanyang
paggalang sa mga apostol na nakasama ni Kristo, at kay Santiago, ang kapatid ng
Panginoon, at ang kanyang layunin na maging kaayon sa lahat ng bagay sa lahat ng
tao hangga’t walang prinsipyo na isasakripisyo—kung iisipin natin ang lahat ng ito,
hindi nakakapagtaka na siya ay napilitang lumihis mula sa matatag, matibay na
layunin na kanyang sinusunod. Ngunit sa halip na magawa ang minimithing layunin,
ang kanyang pagsisikap para sa pagkakasundo ay nagpasiklab lamang ng krisis,
nagpabilis ng kanyang inaasahang paghihirap, at nagbunga ng paghihiwalay niya sa
kanyang mga kapatid, na inalis sa iglesia ang isa sa malalakas na haligi, at nagbigay
kalungkutan sa puso ng mga Kristyano sa bawat lupain.”—AA, pp. 404-406.
29
Huwebes Oktubre 29
5. ANG HIWAGA AY NABUO
a. Matapos ang paghihimagsik ng mga Hudyo mula sa pamumuno ng
Roma at ng pagbagsak ng Jerusalem noong A. D. 70, paano nabago
ang tinititigang layunin ng mga nakipagkasundong mga Kristyano?
Apoc. 2:2-4.
“Sa unang kasaysayan ng iglesia ang hiwaga ng kasamaan na inihula ni
apostol Pablo ay nagsimula na sa masamang gawain nito; at habang ang mga
huwad na mga tagapagturo kung saan si Pedro ay nagbigay babala sa mga
mananampalataya, ay iginigiit ang kanilang maling paniniwala, marami ang
nadaya ng huwad na mga doktrina.”—AA, p. 587.
“Ano ang pasimula ng malaking pagtalikod? Paano ang iglesia unang
humiwalay sa kasimplihan ng ebanghelyo? Sa pamamagitan ng pakikiayon sa
mga kasanayan ng paganismo, upang bigyang-daan ang pagtanggap sa
Kristyanismo ng mga pagano.”—GC, p. 384.
b. Talakayin kung paanong ang kilalang paghamak ng mga Hudyo sa
buong empiryo ng Roma nagpalakas ng pagtanggi sa pangingilin sa
Sabbath.
“Sa unang mga dantaon ang tunay na Sabbath ay ipinangilin ng lahat ng
mga Kristyano…. Subalit sa malaking panlilinlang si Satanas ay gumawa sa
pamamagitan ng kanyang mga kasangkapan upang isakatuparan ang kanyang
layunin. Upang ang pansin ng mga tao ay matawag tungo sa Linggo, ito’y
ginawang pista at parangal sa muling pagkabuhay ni Kristo…. “Ngayon, sa pagsasamantala sa huwad na liwanag kung saan kanyang ipinakilala
[ang Sabbath], [si Satanas], ay naglagay ng paninisi sa alituntunin ng mga Hudyo.
Habang ang mga Kristyano sa pangkalahatan ay nagpapatuloy sa pangingilin ng
Linggo bilang masayang pista, pinangunahan niya sila, upang ipakita ang kanilang
pagkasuklam sa pananampalatayang Hudyo, na gawin ang Sabbath na pag-aayuno,
isang araw ng kalungkutan at kalumbayan.”—Ibid., pp. 52, 53.
Biyernes Oktubre 30
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong espiritu ang ugat ng paglago ng hiwaga ng kasamaan?
2. Paano ang tunay na nahikayat tutugon sa banta ng pang-uusig?
3. Ipaliwanag ang usaping nakapalibot sa unang pagtatalo sa doktrina sa
unang Kristyanong iglesia.
4. Ano ang nag-udyok sa payong ibinigay kay Pablo nang siya ay nasa
Jerusalem? Bakit?
5. Paano ang hiwaga ng kasamaan patuloy na iginigiit ang sarili sa iglesia
ngayon?
30
31
Leksiyon 6 Sabbath, Nobyembre 7, 2015
Ang Sabbath sa Huling mga Panahon
“Pakabanalin ninyo ang aking mga Sabbath; at sila’y magiging isang
tanda sa pagitan ko at sainyo, upang malaman ninyo na ako ang
Panginoon ninyong Diyos” (Eze. 20:20).
“Sa panahon ng wakas bawat banal na institusyon ay ibabalik. Ang
sirang ginawa sa kautusan sa panahong ang Sabbath ay binago ng tao ay
aayusin.”—PK, p. 678.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 433-450.
Linggo Nobyembre 1
1. ALALAHANIN MO?
a. Anong pahiwatig sa Exo. 20:8 ang nagpapakita na ang araw ng
Sabbath ay ipinangingilin na, bago pa ang Diyos nagsalita at nagsulat
ng Kautusan sa Sinai?
“Ang Sabbath ay hindi ipinakilala bilang bagong institusyon kundi ito’y
itinatag na noong paglikha. Ito ay dapat alalahanin at ipangilin bilang alaala
ng gawain ng paglikha.”—PP, p. 307.
b. Ano ang ginawa ng Diyos sa ikapitong araw ng paglikha? Gen. 2:1, 2.
Ano ang natatangi tungkol sa araw na ito? Gen. 2:3.
“Tulad ng Sabbath, ang sanlinggo ay nagsimula noong paglikha, at ito’y
iningatan at nakarating sa atin sa pamamagitan ng kasaysayan ng Biblia. Ang
Diyos mismo ang nagbilang ng unang sanlinggo bilang halimbawa ng
susunod na mga sanlinggo hanggang sa wakas ng panahon. Tulad ng iba, ito’y
binubuo ng pitong literal na mga araw. Anim na araw ang ginamit sa gawain
ng paglalang; sa ikapito, ang Diyos ay nagpahinga, at Kanyang binasbasan
ang araw na ito at ihiniwalay ito bilang araw ng kapahingahan para sa tao.”—
Ibid., p. 111.
“Dahil Siya ay nagpahinga sa Sabbath, ‘binasbasan ng Diyos ang
ikapitong araw, at pinabanal ito’ (Gen. 2:3),--ihiniwalay para sa banal na
kagamitan. Ibinigay Niya ito kay Adan bilang isang araw ng pahinga. Ito’y
isang alaala ng gawain ng paglikha, at sa gayon ay isang tanda ng
kapangyarihan ng Diyos at ng Kanyang pag-ibig.”—DA, p. 281.
32
Lunes Nobyembre 2
2. ISANG ALAALA NG PAGLIKHA
a. Ano ang ipinapaalala sa atin ng Sabbath? Exo. 20:11; Awit 111:4.
“Itinuturo ang Diyos bilang Manlilikha ng kalangitan at ng lupa, [ang
Sabbath] ay nagpapakilala ng tunay na Diyos mula sa lahat ng mga huwad na
diyos. Lahat ng mga nangingilin ng ikapitong araw ay pinatutunayan sa
pamamagitan ng gawaing ito na sila ay mananamba ni Jehova. Sa gayon ang
Sabbath ay palatandaan ng katapatan ng tao sa Diyos hangga’t mayroon pang
tao sa lupa na maglilingkod sa Kanya.”—PP, p. 307.
“Panukala ng Diyos na ang Sabbath ay magdala ng isipan ng tao sa
pagbubulaybulay ng Kanyang mga nilikha. Ang kalikasan ay nagsasalita sa
kanilang pandama, na nagsasabi na mayroong isang buhay na Diyos, ang
Manlilikha, ang Pinakamataas na Tagapamahala ng lahat…. Ang
kagandahang bumabalot sa lupa ay sagisag ng pag-ibig ng Diyos. Makikita
natin ang mga ito sa walang hanggang mga burol, sa matatayog na mga
punong-kahoy, sa tumutubong usbong at sa masisilang bulaklak. Lahat ay
naglalahad sa atin tungkol sa Diyos. Ang Sabbath, na palaging nagtuturo sa
Kanya na gumawa ng lahat, ay nag-uutos sa tao na buksan ang dakilang aklat
ng kalikasan at bakasin doon ang karunungan, ang kapangyarihan, at ang pag-
ibig ng Manlilikha.”—Ibid., p. 48.
b. Kung ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay, anong posisyon ang
pinaglalagyan nito sa atin? Awit 100:3; Efe. 2:10.
k. Sino ang Manlilikha na nagmamay-ari ng Sabbath? Juan 1:3; Mar.
2:27, 28.
“Dahil ang Sabbath ay ginawa para sa tao, ito ang araw ng Panginoon.
Ito’y pag-aari ni Kristo. Sapagkat ‘lahat ng mga bagay ay ginawa Niya; at
kung wala Siya ay walang anomang bagay ang nalikha’ (Juan 1:3). Dahil
ginawa Niya ang lahat ng mga bagay, ginawa Niya ang Sabbath. Sa
pamamagitan Niya ito’y inihiwalay bilang alaala ng gawain ng paglikha.
Itinuturo Siya nito bilang Manlilikha at Nagpapabanal. Ipinapahayag nito na
Siya na lumikha ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, at nangangalaga sa
kaayusan ng lahat, ang siyang Ulo ng iglesia, at sa Kanyang kapangyarihan
tayo ay ipinagkasundong muli sa Diyos.”—DA, p. 288.
“Ang ikaapat na utos ay tanging utos sa sampu kung saan matatagpuan
kapuwa ang pangalan at ang titulo ng Tagapagbigay ng kautusan. Ito ang
tanging utos na nagpapakita kung kaninong kapangyarihan ang utos ay
ibinigay. Kung kaya ito’y naglalaman ng tanda ng Diyos, na nakapaloob sa
Kanyang kautusan bilang patunay ng pagiging tunay at ng kalakasan ng bisa
nito.”—PP, p. 307.
33
Martes Nobyembre 3
3. ISANG TANDA NG PAGPAPAKABANAL
a. Anong dagdag na layunin ang ginagampanan ng Sabbath matapos
pumasok ang kasalanan sa sanlibutan? Eze. 20:12.
“Ang Sabbath ay isang tanda ng kapangyarihan ni Kristo upang tayo’y
pabanalin. At ito’y binigay sa lahat na pinabanal ni Kristo. Bilang tanda ng
Kanyang nagpapabanal na kapangyarihan, ang Sabbath ay ibinigay sa lahat
ng magiging kabahagi ng Israel ng Diyos.”—DA, p. 288.
b. Para saan ang Sabbath isang natatanging paalaala sa mga anak ni
Israel? Deut. 5:15.
k. Paano ang mga paksang “pakikibaka” laban sa kasalanan at paglaya
mula dito makikita sa kahulugan ng Sabbath? Gen. 3:15; Exo. 31:13.
“Gawain ng paghikayat at pagpapakabanal ang ipagkasundong muli ang
mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa pakikiayon sa
mga prinsipyo ng Kanyang kautusan…. ‘Ang isipang laman ay kaaway ng
Diyos: sapagkat hindi ito sumusunod sa kautusan ng Diyos, at hindi kailan
man mangyayari” (Roma 8:7). Subalit ‘Gayon na lamang ang pagsinta ng
Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak,’ upang
ang tao ay muling maipagkasundo sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga merito
ni Kristo siya ay maibabalik sa pakikiayon sa kanyang Manlilikha. Ang
kanyang puso ay dapat mabago ng banal na biyaya; dapat siyang magkaroon
ng bagong buhay mula sa langit. Ang pagbabagong ito ay ang muling
pagsilang; na kung wala ito, sabi ni Jesus, ‘hindi niya makikita ang kaharian
ng Diyos.”—GC, p. 467.
“Ang Sabbath ay binigay sa sanlibutan na isang tanda ng Diyos bilang
Manlilikha ay tanda rin Niya bilang Tagapagpabanal. Ang kapangyarihang
lumikha ng lahat ng bagay ay siyang kapangyarihan na nagbabago sa
kaluluwa ayon sa Kanyang sariling larawan. Sa mga nangingilin ng banal sa araw
ng Sabbath ito ay tanda ng pagpapakabanal. Ang tunay na pagpapakabanal ay
pakikiayon sa Diyos, pakikiisa sa Kanya sa ugali. Ito’y natatanggap sa pamamagitan
ng pagtalima sa mga prinsipyo na kopya ng Kanyang ugali. At ang Sabbath ay tanda
ng pagtalima. Siya na sumusunod sa ikaapat na utos mula sa puso ay tatalima sa buong
kautusan. Siya ay napabanal sa pamamagitan ng pagtalima.”—6 T, p. 350.
“Lahat ng nagmamahal sa Panginoon bilang kabahagi sa buhay na ito ay
mapapasailalim sa Kanyang pamamahala at tatanggap ng tanda, ang tatak ng Diyos,
na nagpapakita na sila ang natatanging pag-aari ng Diyos. Ang katuwiran ni Kristo
ang mangunguna sa kanila at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay susunod sa kanila.
Iniingatan ng Panginoon ang bawat taong nagdadala ng Kanyang tanda.”—7 SDA
BC [E.G. White Comments], p. 969.
34
Miyerkules Nobyembre 4
4. ANG KARANASAN NG TUNAY NA PANGINGILIN NG SABBATH
a. Ano ang kabilang sa tunay na pangingilin ng Sabbath sa mga huling
araw na ito ng kasaysayan ng lupa? Mat. 11:28-30; Efe. 4:22-24.
“Bawat isa ay nangangailangan na magkaroon ng isang personal na
karanasan sa pagtamo ng kaalaman sa kalooban ng Diyos. Dapat marinig Siya
ng bawat-isa na nagsasalita sa puso. Kapag may ibang tinig na bumubulong
at sa katahimikan ay naghintay tayo sa Kanya, ang katahimikan ng kaluluwa
ay lalong nakakakilala sa tinig ng Diyos. Inutusan Niya tayo, ‘Tumahimik
kayo, at kilalanin ninyo ako na inyong Diyos’ (Awit 46:10). Dito lamang
masusumpungan ang tunay na kapahingahan…. Sa gitna ng nagmamadaling
karamihan at ang kapaguran sa matinding mga gawain ng buhay, ang
kaluluwang sa gayon ay napanariwa ay mababalot ng kapaligirang ng liwanag
at kapayapaan.”—DA, p. 363.
b. Ano ang bunga ng gawain ng pagbabago? 2 Cor. 5:17.
k. Upang maipangilin ang Sabbath na totoong banal, sa anong
kalagayang espirituwal dapat naroon tayo? Lev. 20:26; Efe. 1:3, 4.
d. Ano ang dapat na masikap nating hanapin araw-araw? Awit 51:10.
“Ang pinakaunang paghahanap ng puso sa Diyos ay nalalaman Niya.
Walang isa mang dalanging inihandog, bagaman nauutal, walang luhang
pumatak, bagaman lihim, walang taimtim na pananabik sa Diyos, bagaman
mahina, na hindi tinutugunan ng Espiritu ng Diyos.”—COL, p. 206.
“Italaga ang inyong sarili sa Diyos sa umaga; gawin ninyo itong pinaka-
unang gawain. Ito ang dapat ninyong dalangin, ‘Tanggapin mo ako, O
Panginoon, ang aking buong pagkatao ay sa Iyo. Inilalagak ko ang lahat kong
plano sa paanan Mo. Gamitin mo ako ngayon sa Iyong gawain. Samahan Mo
po ako, at ang lahat kung gawain ay magawa nawa para sa Iyos.’ Ito ay araw-
araw na gawain. Bawat umaga ay italaga ang inyong sarili sa Diyos para sa
isang araw. Ipasakop ang lahat ninyong plano sa Kanya, upang isakatuparan
o isuko ayon sa ipinapahayag ng Kanyang probidensiya. Sa gayon, araw-araw
ay inyong ibinibigay ang inyong buhay sa mga kamay ng Diyos, at sa gayon
ang inyong buhay ay higit pang mahuhubog ayon sa buhay ni Kristo.”—SC,
p. 70.
35
Huwebes Nobyembre 5
5. ISANG KALUGURAN AT ISANG KAGALAKAN
a. Kung tatanggapin natin ang tipanan ng Sabbath, at naganap ang
layuning gawain nito sa atin, anong mangyayari dito? Isa. 58:13, 14.
Ano ang kahulugan ng salitang “ang banal Kong araw”? Mat. 12:8.
b. Anong pagpapala ang dala ng Sabbath sa lahat ng tunay na tatanggap
nito? Mat. 11:28.
“Sa lahat ng tatanggap ng Sabbath bilang isang tanda ng mapanlikha at
tumutubos na kapangyarihan ni Kristo, ito’y magiging isang kaluguran.
Nakikita si Kristo dito, sila’y nalulugod sa Kanya.”—DA, p. 289.
“Ang buong langit ay ipinakita sa akin na nakatitig at nagmamasid sa
Sabbath yaong mga kumikilala sa mga inaangkin ng ikaapat na utos at
nangingilin ng Sabbath. Tinatatakan ng mga anghel ang kanilang interes, at
ang mataas na pagkilala sa banal na institusyong ito. Yaong mga nagpabanal
sa Panginoong Diyos sa kanilang puso sa pamamagitan ng mahigpit na
pagtatalaga ng isipan, at nagsikap na mapalago ang banal na mga oras sa
pangingilin ng Sabbath sa abot ng kanilang makakaya, at maparangalan ng
Diyos sa pamamagitan ng pagtawag sa Sabbath na isang kaluguran—ang mga
ito’y pinagpapala ng natatanging liwanag at kalusugan ng mga anghel, at ang
natatanging lakas ay ibinigay sa kanila.”—2 T, pp. 704, 705.
k. Kung tayo’y masusumpungang tapat, ano ang ating gagawin bawat
Sabbath sa kaharian ng lupang binago? Isa. 66:23.
Biyernes Nobyembre 6
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ipaliwanag ang dahilan bakit sinabi ng Diyos na “alalahanin mo.”
2. Anong mga bagay ang ipinapaalala sa atin ng Sabbath?
3. Anong iba pang kahulugan mayroon ang Sabbath sa karanasan ng
Kristyano?
4. Paano natin tunay na mararanasan ang kapahingahan ng Sabbath?
5. Paano ka nakikinabang sa mga pagpapala ng araw ng Panginoon?
36
Leksiyon 7 Sabbath, Nobyembre 14, 2015
Ang Sumisiyasat na Paghuhukom
“At ang mga kasalanan ng ilang mga tao ay binuksan, at dinala sa
paghuhukom; at ang ibang mga tao ay sumunod” (1 Tim. 5:24).
“Habang ang sumisiyasat na paghuhukom ay nagpapatuloy sa langit,
habang ang mga kasalanan ng nagsising mga mananampalataya ay inaalis
mula sa santuaryo, magkakaroon ng natatanging gawain ng pagdadalisay, ng
pagtakwil sa kasalanan, sa bayan ng Diyos sa lupa.”--Mar. p. 254.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 479-491.
Linggo Nobyembre 8
1. ANG INYONG KASO AY HINDI PA TAPOS
a. Sino ang mayroong hindi pa natatapos na kaso sa hukuman? 2 Cor.
5:10. Kanino ito magsisimula? 1 Ped. 4:17.
“Habang ang mga aklat ng talaan ay nabuksan sa hukuman, ang buhay
ng lahat na nanampalataya kay Jesus ay siniyasat ng Diyos. Nagsimula sa mga
unang nabuhay sa lupa, ang ating Tagapamagitan ay iniharap ang mga kaso
ng bawat dumaang henerasyon at nagtatapos sa mga nabubuhay. Bawat
pangalan ay binanggit, bawat kaso ay masusing siniyasat.”—GC, p. 483.
b. Kailan ang karamihang mga tao hahatulan? Heb. 9:27. Bakit?
k. Sa anong katibayan ang paghatol nakabatay? Apoc. 20:11, 12. Ano
ang nakatala sa mga aklat? Jer. 2:22; Mal. 3:16; Neh. 13:14.
37
Lunes Nobyembre 9
2. ANG PAMANTAYAN AT ANG ABOGADO
a. Ano ang pamantayan kung saan tayo ay hahatulan? Sant. 2:10-12. Ano
ang katangian ng pamantayang ito, at ano ang hinihingi nito? Awit
19:7; Mat. 5:48.
“Ang kautusan ng Diyos ang siyang pamantayan kung saan ang mga ugali
at ang buhay ng mga tao ay susubukan sa hukuman.”—GC, p. 482.
“Sa Kanyang pagtuturo, ipinakita ni Kristo kung gaano kalawak ang mga
prinsipyo ng kautusan na binigkas sa Sinai. Ipinakita Niya sa totoong buhay
ang kautusan kung saan ang mga prinsipyo ay nananatili magpakailan man na
siyang dakilang pamantayan ng katuwiran—ang pamantayan kung saan ang
lahat ay hahatulan sa dakilang araw kapag ang paghatol ay maitakda na, at
ang mga aklat ay mabuksan na.”—1 SM, p. 211.
b. Ano ang parusa sa mga kalikuan? Roma 6:23. May pag-asa ba sa isang
taong may masamang tala? 1 Juan 2:1, 2.
“Ang kamatayan ng walang dungis na Anak ng Diyos ay nagpapatunay
na ‘ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan’ (Roma 6:23), na ang bawat
paglabag sa kautusan ng Diyos ay tatanggap ng makatarungang parusa, at ang
pagtatakip ng mukha ng Kanyang Ama, hangga’t ang Kanyang puso ay
mawasak at ang Kanyang buhay ay madurog. Lahat ng mga sakripisyong ito
ay ginawa upang ang mga makasalanan ay matubos. Walang ibang paraan
upang mapalaya ang tao mula sa parusa ng kasalanan.”—GC, p. 540.
k. Paano natin matatanggap ang katubusan? Roma 3:25; 1 Juan 1:9.
“Ang mga halimbawa sa salita ng Diyos ng tunay na pagsisisi at
kapakumbabaan ay nagpapahayag ng espiritu ng pagkukumpisal kung saan
walang pagdadahilan para sa kasalanan o pagtatangkang ipagkatwiran ang
sarili. Hindi sinikap ni Pablo na ipagtanggol ang kanyang sarili; kanyang
ipininta ang kanyang kasalanan sa pinakamadilim na kulay nito, na hindi
nagtangkang pagaanin ang kanyang kasalanan….
“Ang nagpapakumbaba at bagbag na puso, na nasupil ng tunay na
pagsisisi, ay pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos at ang halaga ng Kalbaryo;
at tulad ng anak na nagkukumpisal sa maibiging ama, gayon ihaharap ng
tunay na nagsisisi ang lahat niyang kasalanan sa Diyos. At nasusulat, ‘Kung
ating ikukumpisal ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat ay matuwid na
patatawarin ang ating mga kasalanan, at lilinisin tayo mula sa lahat nating
kalikuan’ (1 Juan 1:9).”—SC, p. 41.
38
Martes Nobyembre 10
3. ANG PANAHON NG PAGHATOL
a. Ano ang mangyayari sa mga tunay na tumanggap ng Abogado? Juan
11:25; Juan 5:24-29.
“Lahat ng tunay na nagsisi sa kasalanan, at sa pananampalataya ay
naangkin ang dugo ni Kristo bilang tumutubos na handog, ay may nakasulat
na kapatawaran sa tapat ng kanilang pangalan sa mga aklat ng langit; dahil
sila ay naging kabahagi ng katuwiran ni Kristo, at ang kanilang mga ugali ay
nasumpungang kaayon ng kautusan ng Diyos, ang kanilang kasalanan ay
buburahin, at sila mismo ay ibibilang na karapatdapat sa walang hanggang
buhay.”—GC, p. 483.
b. Sa pagbalik ni Jesus, ano ang dadalhin Niya, at ano ang gagawin niya
dito? Apoc. 22:12; 2 Tim. 4:7, 8.
k. Ano ang dapat munang mangyari upang bigyan ng gantimpala ni
Kristo ang matapat? 1 Tim. 5:24; 1 Ped. 4:17; Luc. 20:35, 36.
“Bago ibigay ang pangwakas na gantimpala, dapat munang mapag-
pasiyahan kung sino ang nararapat na makibahagi sa pamana ng matuwid.
Ang kapasyahang ito ay dapat magawa bago ang ikalawang pagparito ni
Kristo sa alapaap ng langit; sapagkat sa Kanyang pagdating, dala Niya ang
gantimpala, ‘upang ibigay sa bawat tao ayon sa kanyang mga gawa’ (Apoc.
22:12). Bago ang Kanyang pagdating, kung gayon, ang katangian ng bawat
gawa ng tao ay dapat mapagpasiyahan na, at sa bawat isa na mga tagasunod
ni Kristo ang gantimpala ay katumbas ng kanilang mga gawa.
“Habang ang mga tao ay nananahan pa sa lupa na ang gawain ng
sumisiyasat na paghuhukom ay magaganap sa hukuman ng langit. Ang buhay
ng lahat ng nagtatanyag na tagasunod Niya ay dumaan na sa pagsusuri ng
Diyos. Lahat ay nasuri na ayon sa tala ng mga aklat ng langit, at ayon sa
kanyang gawa na ang kahihinatnan ng bawat isa ay maitatakda para sa walang
hanggan.”—COL, p. 310.
“Wala ng darating pang pagkakataon upang maghanda para sa walang
hanggan. Sa buhay na ito tayo ay dapat magsuot ng damit ng katuwiran ni
Kristo. Tanging ito lamang ang ating pagkakataon upang humubog ng ugali
para sa tahanan na inihanda ni Kristo para sa lahat ng tumalima sa Kanyang
mga kautusan.”—Ibid., p. 319.
39
Miyerkules Nobyembre 11
4. ANG PAGBURA NG MGA KASALANAN
a. Ano ang mangyayari sa mga kasalanan ng matuwid na tumanggap ng
kanilang gantimpala sa pagkabuhay na muli? Mikas 7:19; Isa. 43:25.
“Ang gawain ng sumisiyasat na paghuhukom at ang pagbura ng mga
kasalanan ay tatapusin bago ang ikalawang pagdating ng Panginoon. Dahil
ang mga patay ay hahatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga aklat,
imposible na ang mga kasalanan ng mga tao ay mabura hanggang matapos
ang paghuhukom kung saan ang kanilang mga kaso ay sisiyasatin. Subalit si
apostol Pedro ay malinaw na nagsabi na ang mga kasalanan ng mga
mananampalataya ay mabubura ‘kapag dumating na ang panahon ng
pananariwa mula sa presensiya ng Panginoon; at susuguin Niya si Jesukristo’
(Gawa 3:19, 20). Sa pagtatapos ng sumisiyasat na paghuhukom, si Kristo ay
darating, at dala Niya ang Kanyang gantimpala upang ibigay sa bawat tao
ayon sa kaniyang gawa.”—GC, p. 485.
b. Ipaliwanag kung paano ang talinhaga ng di-matuwid na alipin (Mat.
18:23-35) nagpapakita ng kaibahan sa pagitan ng kapatawaran at
pagbura ng kasalanan. Bagaman tayo ay maaaring matapat ngayon,
anong nakakagising na katotohanan ang dapat magdala sa atin sa
palaging pagbabantay? Eze. 33:13-16.
k. Anong mangyayari sa pangalan ng mga di-tapat na tao, na nakasulat
sa aklat ng buhay? Exo. 32:32, 33. Paano naisulat ang pangalan doon,
at kaninong pangalan ang mananatili? Fil. 4:3; Apoc. 3:5.
“Tayo ngayon ay nabubuhay sa dakilang araw ng pag-uuyan. Sa
sumasagisag na serbisyo, habang ang mataas na saserdote ay gumagawa ng
pag-uuyan para sa Israel, lahat ay kinakailangang pighatiin ang kanilang mga
kaluluwa sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga kasalanan at pagpapakumbaba
sa harapan ng Panginoon, at kung hindi sila ay ihihiwalay sa bayan. Gayon
din, lahat ng nais manatili ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay ay dapat
ngayon, sa natitirang kaunting mga araw ng kanilang pagkakataon, ay
pighatiin ang kanilang kaluluwa sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng
pagkalungkot sa kasalanan at tunay na pagsisisi. Dapat magkaroon ng
malalim, tapat na pagsasaliksik ng puso…. Bagaman ang lahat ng mga bansa
ay dapat dumaan sa paghuhukom sa harapan ng Diyos, Kanyang sisiyasatin
ang kaso ng bawat isa ng masusing pagsusuri na para bagang wala ng ibang
tao sa ibabaw ng lupa.”—Ibid., pp. 489, 490.
40
Huwebes Nobyembre 12
5. PAGSUSURI AT GANTIMPALA
a. Upang mabura ang mga kasalanan, ano ang dapat unang maganap,
ayon sa inilarawan sa talinhaga ng taong walang damit pangkasal?
Mat. 22:9-14. Ano ang sinasagisagan ng damit pangkasal? Apoc. 19:8;
Fil. 3:9.
“Sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng hari sa mga panauhin sa [kasalan]
ay ipinakikita ang gawain ng paghuhukom. Ang panauhin sa piging ng
ebanghelyo ay yaong mga nagtanyag na naglilingkod sa Diyos, yaong ang
mga pangalan ay naisulat sa aklat ng buhay….
“Ang damit na pangkasal sa talinhaga ay sumasagisag sa dalisay, walang
dungis na ugali na taglay ng mga tunay na tagasunod ni Kristo…. Ito ang
katuwiran ni Kristo, ang Kanyang sariling walang kapintasang ugali, na sa
pamamagitan ng pananampalataya ay naibahagi sa lahat ng tumanggap sa
Kanya bilang kanilang personal na Tagapagligtas.”—COL, p. 310.
b. Anong gawain ang ginagawa ni Kristo para sa mga nagsisising
makasalanan ngayon, at ano ang magiging pahayag kapag natapos na
ang gawain? Heb. 2:17; Apoc. 22:11, 12; Dan. 12:1.
k. Dahil ang paghuhukom ay magtatapos sa huling henerasyon na
hahatulan habang nabubuhay, ano ang babala ni Jesus sa atin? Mar.
13:33. Anong katiyakan mayroon tayo? Heb. 4:14-16; 13:20, 21.
“Ang paghuhukom ay dumadaan ngayon sa santuaryo sa itaas…. Hindi
magtatagal—walang nakakaalam kung gaano kalapit—na ito’y dadaan sa
mga kaso ng nabubuhay.”—GC, p. 490.
Biyernes Nobyembre 13
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Bakit ang panahon ng paghuhukom ay isang taimtim na panahon ng
pamumuhay?
2. Paano natin matitiyak na tayo’y hahatulan ng “walang kasalanan”?
3. Bakit ang paghatol sa mga nagtatanyag na mananampalataya ay dapat
maganap bago ang Ikalawang Pagparito?
4. Ano ang kaibahan sa pagitan ng pagpapatawad at pagbura ng mga
kasalanan?
5. Anong karanasan dapat magkaroon ang tunay na mga tagasunod ni
Kristo na hahatulan habang nabubuhay?
41
Leksiyon 8 Sabbath, Nobyembre 21, 2015
Ang Huling Babala sa Lupa
“Ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos na ating
Tagapagligtas; na maligtas ang lahat ng mga tao, at makarating sa
kaalaman ng katotohanan” (1 Tim. 2:3, 4).
“Ang kilusang adventista noong 1840-44 ay isang maluwalhating
pagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos; ang mensahe ng unang anghel ay
nadala sa bawat lugar ng pagmimisyonero sa sanlibutan, at sa ilang mga bansa
ay nagkaroon ng dakilang pangrelihiyong interes na nasaksihan saan mang
lupain mula noong Repormasyon noong ikalabing-anim na siglo; ngunit ito’y
hihigitan pa ng malakas na kilusan sa ilalim ng huling babala ng ikatlong
anghel.”—GC, p. 611.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 603-612.
Linggo Nobyembre 15
1. BAWAT-ISA AY DAPAT MAKAALAM
a. Anong mahalagang atas ang binigay ni Jesus sa Kanyang mga alagad?
Gawa 1:8.
“Bago umakyat sa langit, binigay ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang
kanilang atas. Sinabi Niya sa kanila na sila ang magiging tagapagpatupad ng
kalooban kung saan Kanyang iniwan sa sanlibutan ang mga kayamanan ng
walang hanggang buhay….
“Sila ay hindi dapat maghintay na lumapit sa kanila ang mga tao; sila ang
dapat na lumapit sa mga tao dala ang kanilang mensahe.”—AA, pp. 27, 28.
b. Ano ang dapat maganap bago ang wakas ng sanlibutan? Mat. 24:14.
“Pribilihiyo ng bawat Kristyano hindi lamang maghintay kundi ang
pabilisin ang pagparito ng ating Panginoong Jesukristo (2 Ped. 3:12, margin).
Kung ang lahat na nagtatanyag ng Kanyang pangalan ay nagbubunga sa
Kanyang kaluwalhatian, napakabilis na ang sanlibutan ay mahahasikan ng
binhi ng ebanghelyo. Mabilis na mahihinog ang huling ani, at si Kristo ay
dumating na sana upang tipunin ang mahahalagang butil.”—COL, p. 69.
42
Lunes Nobyembre 16
2. MGA HULA SA PAGKAWASAK
a. Bakit naantala ang pagparito ni Jesus, at ano ang nakaimbak para sa
lupang ito, ayon sa ating nalalaman? 2 Ped. 3:7-10.
b. Ilarawan ang mga hula ng pagkawasak sa madramang wakas ng
kasaysayan ng lupang ito? Isa. 13:6-9; 34:1-5; Apoc. 6:14-17; 11:18.
“Pinahihintulutan ng Diyos ang masama na umunlad at ipakita ang
kanilang pakikibaka laban sa Kanya, upang kung mapuno na nila ang sukatan
ng kanilang kasamaan ay makita ng lahat ang Kanyang hustisya at habag at
ang kanilang sukdulang pagkawasak. Ang araw ng Kanyang paghihiganti ay
nagmamadali, kung saan ang lahat ng sumalangsang sa Kanyang kautusan at
nang-api sa Kanyang bayan ay haharapin ang makatuwirang parusa sa
kanilang mga gawa; kung saan ang bawat gawa ng kalupitan o kawalan ng
katarungan sa matatapat na tao ng Diyos ay parurusahan na para bagang
ginawa mismo sa Kanyang sarili.”—GC, p. 48.
k. Paano ito naihahalintulad sa Baha sa panahon ni Noe? Gen. 6:13, 17;
7:23; Mat. 24:37-41.
“Ang Biblia ay nagsasabi na sa huling mga araw ang mga tao ay
malululong sa makasanlibutang mga bagay, sa kalayawan at paghahanap ng
salapi. Sila’y mabubulag sa walang hanggang mga katotohanan….
“Ang mga tao ay nagmamadali sa paghahanap ng kita at makasariling
pagpapakabuyo na para bagang walang Diyos, walang langit, at walang buhay
sa kabila ng kamatayan. Sa panahon ni Noe ang babala ng baha ay pinadala
upang gulatin ang mga tao sa kanilang kasamaan at tawagin sila sa pagsisisi.
Gayon din ang mensahe ng nalalapit na pagparito ni Kristo ay itinakda upang
gisingin ang tao mula sa kanilang pagkalulong sa makasanlibutang mga
bagay. Layunin nito na gisingin sila sa pagkadama ng walang hanggang mga
katotohanan, upang sila ay makinig sa paanyaya ng hapag ng Panginoon.”—
COL, p. 228.
“Bago ang Baha ay sinugo ng Diyos si Noe upang bigyan ng babala ang
sanlibutan, upang ang mga tao ay madala sa pagsisisi, at makatakas sa
nakaambang pagkawasak. Habang ang panahon ng ikalawang pagparito ni
Kristo ay papalapit, sinugo ng Panginoon ang Kanyang mga alipin, dala ang
babala sa sanlibutan upang maghanda para sa malaking kaganapan.
Napakadami ang nabubuhay sa pagsalangsang sa kautusan ng Diyos, at
ngayon sa habag ay Kanyang tinawag sila na sundin ang banal na mga
alituntunin nito. Lahat ng magtatakwil ng kanilang mga kasalanan sa pagsi-
sisi sa Diyos at sa pananampalataya kay Kristo ay patatawarin.”—PP, p. 102.
43
Martes Nobyembre 17
3. ANG PITONG HULING SALOT
a. Paano inilarawan ng Apocalipses ang aktuwal na pagsasakatuparan
ng paghuhukom ng Diyos sa lupa? Apoc. 15:7; 16:1-21.
“Nakita ko na ang galit [ng Diyos] ay nakakatakot at nakakakilabot, at
kung dapat Niyang iunat ang Kanyang kamay, o itaas ito sa galit, ang mga
naninirahan sa sanlibutan ay magiging tila hindi lumitaw, o magdurusa ng
walang kagamutang mga sugat at nakakatuyong mga salot na darating sa
kanila, at hindi sila makakasumpong ng kaligtasan, kundi masusupok nito….
At naunawaan ko, ang hindi ko nauunawaan noon, na kahalagahan ng
masusing pagsasaliksik ng Salita ng Diyos, upang malaman kung paano
makakatakas sa mga salot na ipinapahayag ng Salitang iyon na darating sa
lahat ng mga walang takot sa Diyos.”—EW, pp. 64, 65.
“Ang ating sariling mga gawa ang magtatakda kung tayo ay tatanggap ng
tatak ng buhay na Diyos o lilipulin ng pumapatay na mga sandata. May ilang
pagpatak ng galit ng Diyos ang bumagsak na sa lupa; subalit kapag ang pitong
huling salot ay ibuhos na na walang halong awa sa saro ng Kanyang galit, ay
magiging walang hanggang huling-huli na ang pagsisisi at paghanap ng
kaligtasan. Wala ng dugong pantubos ang maglilinis ng kanilang mantsa ng
kasalanan.”—5 T, p. 212.
b. Ilarawan ang tanawin kapag ang pagpatay sa mga natitirang mga
buhay ay magwakas na. Apoc. 19:17-19.
“Ang aking pansin ay muling naituon sa lupa…. Matapos ang mga banal
ay nailigtas ng tinig ng Diyos, ang karamihang masasama ay ipinukol ang
kanilang galit sa isat-isa. Ang lupa ay tila bumaha ng dugo, at ang patay na
mga katawan ay mula sa isang dulo hanggang sa isa pang dulo.
“Ang lupa ay naging tila isang magulong ilang. Ang mga siyudad at mga
bahayan, na inalog ng lindol, ay naging tulad sa tambak na dayami. Ang mga
bundok ay nawala sa kanilang kinalalagyan, na nag-iwan ng malalawak na
hukay. Ang malalaking bato, na inilabas ng mga dagat, o winasak mismo ng
lupa, ay nagkalat sa buong lupa. Ang malalaking puno ay nabuwal at nagkalat
sa lupa.”—EW, pp. 289, 290.
k. Sa pagtatapos ng pagkawasak ng lupa, ano ang pinakahuling
kaganapan? Mal. 4:1-3; 2 Ped. 3:10.
44
Miyerkules Nobyembre 18
4. ANG TATLONG ULIT NA MENSAHE
a. Paano inilarawan ang kahatulan at ang pagbagsak ng espirituwal na
Babelonya ng una at ikalawang anghel sa Apocalipses 14? Apoc. 14:6-
8.
“Sa hula ang babalang ito ng paghuhukom, kasama ng nakaugnay na mga
mensahe nito, ay sinundan ng pagdating ng Anak ng tao sa alapaap ng langit.
Ang pahayag ng kahatulan ay isang pagpapahayag ng nalalapit na ikalawang
pagdating ni Kristo. At ang pahayag na ito ay tinawag na walang hanggang
ebanghelyo. Sa gayon ang pangangaral ng ikalawang pagparito ni Kristo, ang
pahayag ng nalalapit na kaganapan nito, ay ipinakita na isang mahalagang
bahagi ng mensahe ng ebanghelyo.”—COL, pp. 227, 228.
b. Paano ipinahayag ng ikatlong anghel ang panghuling babala bago ang
pitong huling salot? Apoc. 14:9-12.
“Ang kakilakilabot na pagbabanta para sa tao ay nakapaloob sa mensahe
ng ikatlong anghel. Ang katakot-takot na kasalanan ang tumawag sa galit ng
Diyos upang ibuhos na walang halong awa. Ang mga tao ay hindi dapat
pabayaan sa kadiliman kaugnay ng mahalagang bagay na ito; ang babala
laban sa kasalanang ito ay dapat ibigay sa sanlibutan bago ang pagdalaw ng
kahatulan ng Diyos, upang ang lahat ay makaalam kung bakit sila’y
kailangang magdusa at magkaroon ng pagkakataong tumakas sa mga ito.”—
GC, pp. 449, 450.
k. Sino ang kinakatawanan ng mga “anghel” (mensahero) na ito na
“nangangaral” ng walang hanggang ebanghelyo sa mga tao sa lupa?
Mar. 16:15.
“Ang tatlong mga anghel sa Apoc. 14 ay sumasagisag sa mga tao na
tumanggap ng liwanag ng mensahe ng Diyos at humayo bilang Kanyang mga
kasangkapan upang patunugin ang babala sa buong kahabaan at lawak ng
sanlibutan’ (Mat. 5:14). Sa bawat kaluluwa na tumanggap kay Jesus ang krus
ng Kalbaryo ay nangungusap: ‘Narito ang halaga ng kaluluwa: “Humayo
kayo sa buong sanlibutan, at ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat
nilalang” (Mar. 16:15). Walang anomang bagay ang pahihintulutang
humadlang sa gawaing ito. Ito ang pinakamahalagang gawain sa panahong
ito; ito ay aabot hanggang sa walang hanggan. Ang pag-ibig na ipinahayag ni
Jesus para sa mga kaluluwa ng tao sa sakripisyo na Kanyang ginawa para sa
kanilang katubusan ang magpapasigla sa lahat Niyang mga tagasunod.”—5
T, pp. 455, 456.
45
Huwebes Nobyembre 19
5. ANG PANGHULING PANAWAGAN
a. Bago ang mga salot, anong natatanging panawagan ang inulit sa mga
matatapat ng Diyos na hindi pa nakikiisa sa nalabing iglesia? Apoc.
18:1-5.
“Sa kabila ng espirituwal na kadiliman at paghiwalay mula sa Diyos na
nananatili sa mga iglesia na bumubuo ng Babelonya, ang dakilang katawan
ng tunay na mga tagasunod ni Kristo ay masusumpungan parin sa kanilang
pakikipag-usap sa Diyos….
“Ang Apoc. 18 ay tumutukoy sa panahon kung saan, bilang bunga ng
pagtakwil sa tatlong ulit na babala ng Apoc. 14:6-12, ang iglesia ay
mararating ang kalagayang inihula ng ikalawang anghel, at ang bayan ng
Diyos na naroon pa sa Babelonya ay tatawagin upang humiwalay mula sa
pakikisama sa kanya. Ang mensaheng ito ang pinakahuling ibibigay sa
sanlibutan; at ito ang tatapos sa gawain. Kapag yaong mga ‘hindi naniniwala
sa katotohanan, kundi nalulugod sa kalikuan’ (2 Tes. 2:12), ay hayaang
tumanggap ng malaking panlilinlang at maniwala sa kasinungalingan, ang
liwanag ng katotohanan ay sisikat sa lahat ng mga nakabukas ang puso sa
pagtanggap nito, at ang lahat ng mga anak ng Panginoon na nananatili sa
Babelonya ay makikinig sa panawagan.”—GC, p. 390.
b. Upang ang sanlibutan ay “maliwanagan ng kanyang kaluwalhatian,”
anong katangian ang dapat ipakita ng anghel (mensahero)? Isa. 52:7,
8; Mat. 5:16; Col. 1:27.
k. Anong plano ng gawain ang ipinakita sa atin ng apostol kaugnay ng
mga katotohanang ito? 1 Tes. 5:4-6.
Biyernes Nobyembre 20
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong gawaing dapat madaliin ang iniwan sa ating mga kamay ng
Panginoon?
2. Paano nahahalintulad ang kalagayan at ang kahihinatnan ng lupa
ngayon sa panahon ni Noe?
3. Ilarawan kung paano wawakasan ng Diyos ang sanlibutang ito.
4. Anong babala ang dapat ibigay bago ang ganap na pagkawasak ng
lupa?
5. Paano natin matitiyak na tayo ay nasa panig ng Diyos sa mga darating
na panahon?
46
Leksiyon 9 Sabbath, Nobyembre 28, 2015
Ang Mga Lingkod ng Diyos ay Natatakan
“Huwag mong saktan ang lupa, maging ang dagat, maging ang mga
puno, hangga’t aming matatakan ang mga lingkod ng Diyos sa kanilang
mga noo” (Apoc. 7:3).
“Si Satanas ay gumagamit ngayon ng bawat paraan sa panahong ito ng
pagtatatak upang alisin ang isipan ng bayan ng Diyos mula sa kasalukuyan,
tumatatak na mensahe at upang papag-alinlanganin sila. Nakita ko ang
pantakip na inilalapit ng Diyos sa Kanyang bayan upang ipagsanggalang sila
sa panahon ng kabagabagan; at bawat kaluluwa na nagpasya para sa
katotohanan at nadalisay ang puso ay tatakpan ng pantakip ng
Pinakamakapangyarihang Diyos.”—RH (The Present Truth), Agos. 1, 1849.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 5, pp. 207-216.
Linggo Nobyembre 22
1. ISANG TANGGULAN
a. Anong paanyaya ang ginagawa ng Diyos sa Kanyang bayan bago ang
pagkawasak ng lupa? Isa. 26:20, 21.
b. Anong mga pangako ang magiging kaaliwan sa mga araw ng
kabagabagan? Awit 46:1-3; 91:1-10.
“Ang panahon ng kabagabagan ay mapanganib na siyang magpapalabas
ng ugaling tulad ng kay Kristo. Ito’y itinakda upang dalhin ang bayan ng
Diyos upang talikuran si Satanas at ang kanyang mga tukso. Ang huling
labanan ay ihahayag si Satanas sa kanila sa kanyang tunay na ugali, na isang
malupit na mang-aapi, at magagawa nito sa kanila ang hindi kayang gawin ng
anomang bagay, bunutin siya mula sa kanilang damdamin.”—RH, Agos. 12,
1884.
“Ang pananampalataya [ng bayang ng Diyos] ay hindi manghihina sa
dahilang ang kanilang mga panalangin ay hindi agad nasasagot. Bagaman
nagdurusa ng pinakamatinding kapighatian, takot, at pagkabahala, hindi sila
tumitigil sa kanilang pagsusumamo. Sila’y kumapit sa kalakasan ng Diyos
tulad ng pagkapit ni Jacob sa Anghel; at ang wika ng kanilang kaluluwa ay:
‘Hindi kita bibitiwan, malibang basbasan Mo ako’ (Gen. 32:26).—GC, pp.
619, 620.
47
Lunes Nobyembre 23
2. TINATAKAN O PINATAY
a. Sino ang pinatay, at sino ang binigyan ng tanggulan sa pangitain ni
Ezekel? Eze. 9:3-6, 9, 10.
b. Paano ang gawain ng tagapag-ingat na anghel na binanggit sa
Apocalipses nahahalintulad sa lalaking may panulat sa pangitain ni
Ezekel? Apoc. 7:1-3.
k. Paano ang karanasan ng mga Hudyo sa panahon ni Ester naglala-
rawan sa bayan ng Diyos sa panahon ng wakas? Ester 3:8, 9; 9:1-3.
“Ang pagtatatak ng mga lingkod ng Diyos ay katulad ng ipinakita kay
Ezekel sa pangitain.”—TM, p. 445.
“Ang mapanubok na karanasan na dumating sa bayan ng Diyos sa
panahon ni Ester ay hindi natatangi para sa panahong iyon lamang…. Ang
katulad ding espiritu na nagdala sa mga tao noong nakaraang mga panahon
upang usigin ang tunay na iglesia ang mangunguna sa hinaharap upang
sundan ang katulad ding gawain sa mga nananatiling tapat sa Diyos….
“Ang batas na sa wakas ay ipapatupad laban sa nalabing bayan ng Diyos
ay magiging katulad ng batas ni Ahasuero laban sa mga Hudyo. Ngayon ang
mga kaaway ng tunay na iglesia ay nakikita sa maliit na pulutong na nangi-
ngilin ng utos ng Sabbath ang isang Mardocheo sa pintuan. Ang paggalang
ng bayan ng Diyos sa Kanyang kautusan ay patuloy na saway sa mga nag-
iwan ng pagkatakot sa Panginoon at niyuyurakan ang Kanyang Sabbath.
“Gigisingin ni Satanas ang galit laban sa kakaunti na tumangging
tanggapin ang kilalang mga kaugalian at tradisyon. Ang mga taong may
posisyon at dinig ay aanib sa mga masasama at malulupit upang magpulong
laban sa bayan ng Diyos. Kayamanan, katalinuhan, edukasyon, ay magsa-
sanib upang sila’y hatulan. Ang mapang-usig na mga pinuno, mga ministro,
at mga miyembro ng iglesia ay magsasabwatan laban sa kanila. Sa tinig at
panulat, sa kapalaluan, pagbabanta, at paghamak, kanilang sisikaping
pabagsakin ang kanilang pananampalataya. Sa pamamagitan ng huwad na
mga paglalahad at galit na pagsamo, gigisingin nila ang galit ng mga tao. Wala
ang ‘Sinasabi ng Kasulatan’ upang iharap laban sa mga nagsusulong ng
Sabbath sa Biblia, gagamitin nila ang mapang-aping gawain upang punuan
ang kawalan. Upang maging kilala at tangkilikin, ang mga mambabatas ay
sasang-ayon sa hinihinging mga batas ng Linggo…. Sa labanang ito ay pag-
aawayan ang huling dakilang digmaan ng tunggalian sa pagitan ng
katotohanan at kamalian. At hindi tayo maiiwang nag-aalinlangan sa usapin.
Ngayon, tulad ng panahon ni Ester at Mardocheo, ang Panginoon ay ipapa-
kilala ang Kanyang katotohanan at ang Kanyang bayan.”—PK, pp. 605, 606.
48
Martes Nobyembre 24
3. PAGDADALISAY NG UGALI
a. Anong uri ng ugali ang mabubuo sa mga naghahanda para sa tatak?
Apoc. 14:1, 5. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng pangalan
ng Ama? Mat. 6:9; 1 Ped. 3:15.
“Ngayon na ang panahon upang maghanda. Ang tatak ng Diyos ay hindi
kailan man ilalagay sa noo ng isang maruming lalaki o babae. Hindi ito kailan
man ilalagay sa mapag-imbot, maibigin sa sanlibutang lalaki o babae. Hindi
ito kailan man ilalagay sa noo ng mga lalaki at mga babae na sinungaling ang
dila at mapandaya ang puso. Lahat ng tatanggap ng tatak ay kailangang
walang mantsa sa harapan ng Diyos—kandidato para sa langit.”—5T, p. 216.
“Hindi tatak o tanda na makikita, kundi pagpapatibay sa katotohanan,
kapuwa sa isipan at sa espirituwal, upang [ang bayan ng Diyos] ay hindi
matinag.”—4 SDA BC [E.G. White Comments], p. 1161.
“Tayo ba ay nagsisikap sa buong kapangyarihan upang makarating sa
ganap na anyo ng mga lalaki at babae kay Kristo? Hinahanap ba natin ang
Kanyang kalubusan, na patuloy na sumusulong tungo sa guhit na inilagay sa
ating harapan—ang kasakdalan ng Kanyang ugali? Kapag ang bayan ng
Panginoon ay marating ang guhit na ito, sila ay matatatakan sa kanilang mga
noo.”—6 Ibid., p. 1118.
“Nakita ko rin na marami ang hindi nakakaunawa sa dapat nilang
marating upang mabuhay sa harapan ng Panginoon na wala ang mataas na
saserdote sa santuaryo sa panahon ng kabagabagan. Ang sinomang
nakatanggap ng tatak ng buhay na Diyos at may tanggulan sa panahon ng
kabagabagan ay dapat ipakita ng lubusan ang larawan ni Jesus.”—EW, p. 71.
b. Paano isasagawa ng Panginoon ang nagpapabanal na gawaing ito sa
atin? Heb. 7:25; 13:20, 21; Fil. 1:6; 2:12, 13.
“Nakita ko na ang panahon ni Jesus sa kabanalbanalang dako ay malapit
ng matapos at ang panahong iyon ay maikli na. Ang ating mga labis na oras
ay dapat gamitin sa pagsasaliksik ng Biblia, na siyang hahatol sa atin sa huling
mga araw….
“Mabuhay at kumilos ng lubos na nakaayon sa pagdating ng Anak ng tao.
Ang panahon ng pagtatatak ay napakaikli at malapit ng matapos. Ngayon na
ang panahon, habang ang apat na mga anghel ay pinipigilan ang apat na
hangin, upang tiyakin ang ating pagkatawag at pagkahirang.”—EW, p. 58.
“Magsikap tayo sa ating buong kapangyarihan na bigay sa atin ng Diyos
upang makabilang sa isang daan at apat na pu’t apat na libo.”—RH, Mar. 9,
1905.
49
Miyerkules Nobyembre 25
4. NAGBUBUNTONG-HININGA AT DUMADAING
a. Ano ang gawain ng bayan ng Diyos sa huling mga araw? Isa. 58:12.
“Sa panahon ng wakas bawat banal na institusyon ay ibabalik. Ang butas
na ginawa sa kautusan noong ang Sabbath ay binago ng tao ay aayusin. Ang
nalabing bayan ng Diyos, na nakatayo sa harapan ng sanlibutan bilang mga
repormador, ay ipapakita na ang kautusan ng Diyos ang siyang saligan ng
lahat ng nagpapatuloy na repormasyon at ang Sabbath ng ikaapat na utos ay
tatayong isang alaala ng paglikha, isang patuloy na paalaala ng kapangyarihan
ng Diyos.”—PK, p. 678.
b. Ano ang ibig sabihin ng nagbubuntong-hininga at dumadaing? Eze.
9:4.
“Ang kasamaan kung saan ang matatapat ay nagbubuntong-hininga at
dumadaing ay yaong lahat ng nakikita ng mga mata, subalit ang lalong higit
pang masamang kasalanan, yaong gumising sa paninibugho ng dalisay at
banal na Diyos, ay hindi nahayag.”—5 T, p. 211.
“Sa panahong ang panganib at panlulupaypay ng iglesia ay malubha, ang
maliit na pulutong na nakatayo sa liwanag ay magbubuntong-hininga at
dadaing para sa kasamaan na ginagawa sa lupa. Subalit lalong higit na ang
kanilang dalangin ay papailanlang para sa iglesia sapagkat ang mga kaanib
nito ay gumagawa ayon sa kaugalian ng sanlibutan….
“Sila’y dumadaing sa harapan ng Diyos dahil sa nakikita na ang relihiyon
ay hinahamak sa tahanan ng mga may malaking liwanag. Sila’y dumadaing
at nagdadalamhati ng kanilang kaluluwa sapagkat ang kapalaluan, kasakiman,
pagkamakasarili, at panlilinlang sa halos lahat ng uri ay nasa iglesia.”—Ibid.,
pp. 209, 210.
k. Saan magsisimula ang paghuhukom, at ano ang kahulugan nito para
sa nagtatanyag na bayan ng Diyos? Eze. 9:6.
“Subalit ang pangkalahatang pagpuksa sa lahat na hindi nakakita ng
malaking kaibahan sa pagitan ng kasalanan at katuwiran, at hindi nakadama
ng nadarama ng mga nakatayo sa payo ng Diyos at tumanggap ng tatak, ay
inilarawan sa utos sa limang lalaking may dalang pampatay na sandata: [Eze.
9:5, 6 sinipi].”—3 Ibid., p. 267.
50
Huwees Nobyembre 26
5. KALIGTASAN
a. Paano sa wakas ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan sa panahong ito?
Luc. 18:7; Dan. 12:1, 2. Talakayin ang pagdadalisay sa iglesia bago
ang pagsasara ng pagkakataon.
“Sa panahon ng malaking panganib ng iglesia higit na maalab na
panalangin ang ihahandog para sa kanyang kapakanan ng mga matatapat na
nalabi, at ang Diyos ay makikinig at tutugon sa panahong ang kasalanan ng
mga mananalangsang ay makarating sa kaitaasan.”—5 T, p. 524.
“Ang iglesia ay maaaring makitang halos babagsak na, subalit hindi ito
bumagsak. Ito’y nanatili, habang ang mga makasalanan sa Sion ay
palalabasin—ang ipa ay ihihiwalay mula sa mahalagang trigo.”—2 SM, p. 380.
“Ang panahon ay hindi na magtatagal na ang pagsubok ay darating sa
bawat kaluluwa. Ang tanda ng hayop ay ipipilit sa atin…. Sa panahong ito
ang ginto ay ihihiwalay mula sa kalawang ng iglesia…. Ang ipa na tulad sa
alapaap ay ililipad ng hangin, maging sa mga lugar na ang nakikita lamang
natin ay sahig ng masaganang trigo. Lahat ng nag-aangking palamuti sa
santuaryo, subalit hindi nadamtan ng katuwiran ni Kristo, ay makikita sa
kahihiyan ng kanilang sariling kahubaran.”—5 T, p. 81.
b. Sino ang makakaligtas sa mga salot at ililipat sa ikalawang pagparito
ni Jesus? 1 Tes. 4:16, 17; Apoc. 14:4.
“Walang iba kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo ang
matututo ng awit; sapagkat ito ang awit ng kanilang karanasan…na walang
ibang pulutong ang may taglay nito…. Ang mga ito, na inilipat mula sa lupa,
mula sa mga buhay, ay ibinibilang na ‘unang bunga sa Diyos at sa Kordero’
(Apoc. 14:4).”—GC, p. 649.
Biyernes Nobyembre 27
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong pananggalang sa mga salot ang iniaalok ng Diyos, at paano ka
magkakaroon nito?
2. Paano tayo madadala sa kalagayang handa para sa pagtatatak?
3. Paano ang nalabi nakakaugnay sa kasalanan sa kanilang paligid, sa
loob at sa labas ng iglesia?
4. Nadarama mo ba ang personal na katiyakan ng pangako ng Diyos na
maghahanda sa iyo para sa wakas?
5. Paano ang pananaw ng Diyos sa trigo at ipa naiiba kaysa sa atin?
51
52
Leksiyon 10 Sabbath, Disyembre 5, 2015
Ang Ikalawang Pagparito ni Kristo
“At kung ako ay pumaroon at maghanda ng lugar para sa inyo, ako’y
muling babalik, at tatanggapin ko kayo; upang kung saan ako naroroon,
ay naroroon din kayo” (Juan 14:3).
“Ang katotohanang si Kristo ay paparito ay dapat panatilihin sa
isipan.”—Eva. p. 220.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 640-646.
Linggo Nobyembre 29
1. “AKO’Y MULING BABALIK”
a. Ano ang pangako ni Jesus, bago Siya namatay? Juan 14:1-3. Sa anong
paraan Siya umakyat, at paano ito nahahalintulad sa Kanyang
pagbalik? Gawa 1:9-11.
“Ang pangako ng ikalawang pagparito ni Kristo ay dapat panatilihing
sariwa sa mga isipan ng Kanyang mga alagad. Si Jesus din na kanilang
nakitang umakyat sa langit, ay babalik, upang kunin ang mga naglingkod sa
Kanya dito sa lupa. Ang tinig ding iyon na nagsabi sa kanila, ‘Narito, Ako’y
kasama ninyong palagi, hanggang sa wakas’ (Mat. 28:20), ang mag-aanyaya
sa kanila sa Kanyang presensiya sa makalangit na kaharian.”—AA, p. 33.
b. Bagaman ang sanlibutan ay puno ng mangungutya, ano ang pag-asa
ng Kristyano? 2 Ped. 3:3, 4; Tito 2:13.
“Si Pedro ay napasigla na balangkasin ang mga kalagayang magaganap
sa sanlibutan bago ang ikalawang pagparito ni Kristo…. Habang ang wakas
ng lahat ng mga bagay sa lupa ay paparating, may mga matatapat na
makakakilala ng mga tanda ng panahon. Habang ang malaking bilang ng
nagtatanyag na mga mananampalataya ay itatanggi ang kanilang
pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, mayroong nalabing
makakatiis hanggang sa wakas.”—Ibid., pp. 535, 536.
53
Lunes Nobyembre 30
2. KAGULUHAN SA KALANGITAN
a. Ilarawan ang paraan ng pagdating ni Jesus? Apoc. 1:7; Luc. 21:26.
“Hindi nagtagal lumitaw sa silangan ang maliit na itim na ulap, kalahati
ng palad ng tao ang laki. Ito ang ulap na pumapalibot sa Tagapagligtas at sa
malayo ay tila napapalibutan ng kadiliman. Ang bayan ng Diyos ay
nalalamang ito ang tanda ng Anak ng tao. Sa taimtim na katahimikan sila ay
nakatanaw dito habang ito’y papalapit sa lupa, lumiliwanag at lalong nagiging
maluwalhati, hangga’t ito’y naging malaking puting ulap, ito’y nakapatong sa
kaluwalhatiang tulad sa sumusupok na apoy, at sa ibabaw nito ay ang
bahaghari ng tipan. Si Jesus ay nakasakay dito bilang isang malakas na
mananakop…. Sa makalangit na mga himig ang banal na mga anghel, isang
malawak, di-mabilang na karamihan, ang nagbabantay sa Kaniyang daan.
Ang kalangitan ay tila napuno ng mga kislap—‘sampung libong
tagsasampung libo, at libu-libo’ (Apoc. 5:11). Walang makataong panulat ang
makakapaglarawan ng tanawin; walang isipan ng tao ang makakatarok ng
kagandahan nito…. Habang ang buhay na ulap ay papalapit ng papalapit,
bawat mata ay nakatitig sa Prinsipe ng buhay. Walang putong na tinik ngayon
ang sumusugat sa banal na ulo; kundi putong ng kaluwalhatian ang naka-
patong sa Kanyang banal na noo. Ang Kanyang mukha ay higit ang liwanag
sa kislap ng liwanag ng araw sa tanghaling tapat.”—GC, pp. 640, 641.
“Ang pangungutya ay natigil na. Ang sinungaling na mga labi ay
napatahimik. Ang labanan ng mga sundalo, ang ingay ng digmaan, ‘na may
nakakalitong ingay, at mga damit na iginulong sa dugo’ (Isa. 9:5), ay
tumahimik. Walang naririnig ngayon kundi ang tinig ng panalangin at ang
tunog ng pag-iyak at panaghoy. Ang pag-iyak ay pumutok mula sa mga labi
na kanina lamang ay nagungutya: ‘Ang dakilang araw ng Kanyang galit ay
dumating na; at sino ang makakatayo?’ (Apoc. 6:17). Ang masasama ay
nanalanging tabunan sana ng mga bato ng kabundukan kaysa sa makita ang
Kanyang mukha na kanilang kinutya at itinakwil.”—Ibid., p. 642.
b. Paano ang pangitain ni Juan sa Apoc. 6:12-17 pinagtibay ang ibang
hula sa Lumang Tipan? Isa. 2:10, 11, 19; 34:4, 8; Joel 3:14-16.
“Si Satanas ay hindi pinahintulutang gayahin ang paraan ng pagdating ni
Kristo. Ang Tagapagligtas ay nagbigay babala sa Kanyang bayan laban sa
panlilinlang sa bagay na ito at malinaw na inihula ang paraan ng Kanyang
ikalawang pagdating…. Ang pagdating na ito ay walang paraan upang
magaya. Ito’y malalaman ng buong daigdig—masasaksihan ng buong
sanlibutan.”—Ibid., p. 625.
54
Martes Disyembre 1
3. ANG UNANG PAGKABUHAY NA MULI
a. Sa gitna ng kaguluhan sa kalangitan at sa lupa, ano ang gagawin ni
Jesus? 1 Tes. 4:16, 17; Juan 5:25; 1 Cor. 15:51-53.
“Sa gitna ng pag-uga ng lupa, ang pagkislap ng kidlat, at ang pag-ugong
ng kulog, ang tinig ng Anak ng Diyos ay tinawag ang natutulog na mga banal.
Siya’y tumingin sa mga libingan ng mga matuwid, at, itinaas ang Kanyang
mga kamay sa langit, Siya’y sumigaw: ‘Gumising, gumising, gumising, kayo
na natutulog sa alabok, at bumangon!’ Sa buong kahabaan at kalawakan ng
lupa ay narinig ng mga patay ang tinig na iyon, at sila na nakarinig ay
nabuhay. At ang buong lupa ay uugong sa yapak ng napakadaming kawal sa
bawat bansa, lipi, wika, at bayan. Mula sa bilangguan ng kamatayan sila ay
dumating, na nadadamtan ng walang kamatayang kaluwalhatian, na
sumisigaw: ‘O kamatayan, nasaan ang iyong tuklaw, O libingin, nasaan ang
iyong tagumpay?’ (1 Cor. 15:55). At ang buhay na mga matuwid at ang binuhay na mga banal ay nagkaisa sa kanilang tinig sa mahaba, masayang sigaw ng
tagumpay.”—GC, p. 644.
b. Ano ang mangyayari sa mga namatay sa matapat na pag-asa sa
pagparito ni Kristo? Juan 11:25, 26; 1 Tes. 4:13, 14.
“Lahat ay lumabas sa kanilang libingan na may anyong tulad ng kanilang
pagpasok sa libingan…. Lahat ay bumangon na may pananariwa at kalakasan
ng panloob na kabataan. Sa pasimula, ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng
Diyos, hindi lamang sa ugali, kundi sa anyo at sa hitsura. Ang kasalanan ay
binura at halos pinawi ang banal na wangis; subalit si Jesus ay pumarito upang
ibalik yaong nawala. Babaguhin Niya ang ating maruming katawan at
aanyuan sila ayon sa Kanyang maluwalhating katawan. Ang may kamatayan,
nasisirang anyo, nasirang kagandahan, minsang nadumhan ng kasalanan, ay
naging sakdal, maganda, at walang kamatayan. Lahat ng mga kapintasan at
kasiraan ay naiwan sa libingan. Naibalik sa punong kahoy ng buhay sa
matagal na nawalang Eden, ang mga tinubos ay ‘lalago’ (Mal. 4:2) hanggang
sa ganap na anyo ng lahi sa kauna-unahang kaluwalhatian nito. Ang
pinakahuling naiwang mga bakas ng sumpa ng kasalanan ay mawawala, at
ang matatapat kay Kristo ay makikita sa ‘kagandahan ng Panginoon nating
Diyos’ (Awit 90:17), sa isip at sa kaluluwa at katawan ay nagpapakita ng sakdal na wangis ng kanilang Panginoon….
“Tinipon ng mga anghel ang Kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin,
mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila’ (Mat. 24:31). Ang maliliit na bata
ay dala ng banal na mga anghel sa bisig ng kanilang mga ina. Ang magkaibigang
matagal na pinaghiwalay ng kamatayan ay nagkaisa, hindi na muling maghihiwalay,
at sa awit ng kagalakan ay umakyat na magkasama sa Siyudad ng Diyos.”—Ibid., pp.
644, 645.
55
Miyerkules Disyembre 2
4. DINALA O INIWAN
a. Sa anong panahon sa kasaysayan ng Biblia inihambing ni Jesus ang
Kanyang ikalawang pagdating? Mat. 24:37; Luc. 17:28.
“Inilagay ng mga tao sa kanilang sarili ang pagtatayo ng pamantayan na
naaayon sa kanilang sariling kaisipan, at ang kautusan ni Jehova ay
nilapastangan. Ito ang dahilan kung bakit napakalaki at laganap ang
kasamaan. Ito ang dahilan kung bakit ang ating mga panahon ay nagiging
tulad ng mga araw ni Noe at Lot.”—RH, Mayo 2, 1893.
b. Ano ang bunga ng kahatulan ng Diyos sa mga panahong ito? Gen.
7:21-23; 19:24, 25.
k. Sa gayon ding paraan, ano ang mangyayari sa pagparito ni Kristo?
Luc. 17:34-37.
“Kapag ang pangangatwiran ng pilosopiya ang pumawi sa takot sa
kahatulan ng Diyos; kapag ang mga gurong pangrelihiyon ay nagtuturo tungo
sa mahabang kapayapaan at pag-unlad, at ang sanlibutan ay abala sa kanilang
mga negosyo at kalayawan, nagtatanim, at nagtatayo, nagpipiyesta at
nagsasaya, itinatakwil ang babala ng Diyos at kinukutya ang Kanyang mga
mensahero—at darating ang biglang pagkawasak sa kanila, at hindi sila
makakatakas.”—PP, p. 104.
d. Ipaliwanag kung sino yaong mga “dadalhin” sa ikalawang pagparito
ni Kristo. Mat. 24:40-42; Mal. 3:17.
“Ang panahon ng paghuhukom ang siyang pinakataimtim na panahon,
kapag tipunin na ng Panginoon ang Kanyang pag-aari sa gitna ng mga
panirang damo. Sila na naging mga kaanib ng iisang pamilya ay
magkakahiwalay. Isang tatak ang inilagay sa mga matuwid…. Yaong mga
tumalima sa kautusan ng Diyos ay makikiisa sa pulutong ng mga banal sa
liwanag; sila ay papasok sa pintuan ng siyudad at may karapatan sa punong
kahoy ng buhay. Ang isa ay dadalhin. Ang kanyang pangalan ay mananatili
sa aklat ng buhay, habang yaong mga nakasama niya ay magkakaroon ng
tatak ng walang hanggang pagkahiwalay mula sa Diyos.”—TM, pp. 234, 235.
56
Huwebes Disyembre 3
5. HANDA KA NA BA?
a. Anong mangyayari sa masasama na buhay sa pagdating ni Kristo? 2
Tes. 1:7-9; 2:8; Awit 97:3.
b. Magiging ano ang mga masama para sa mga “agila” na binanggit ni
Jesus sa Luc. 17:37? Apoc. 19:17, 18; Eze. 39:17-20.
k. Nalalaman ang darating, ano ang dapat nating pagtuunan ng pansin?
2 Ped. 3:11; Awit 24:3, 4; Judas 23, 24.
“Si Jesus ay darating na, ngunit hindi tulad ng una Niyang pagdating,
isang sanggol sa Bethlehem; hindi tulad ng Siya’y naglakbay tungo sa
Jerusalem, nang ang mga alagad ay nagpuri sa Diyos sa malakas na tinig at
sumisigaw, ‘Hosana’; kundi sa kaluwalhatian ng Ama at lahat ng banal na
mga anghel na kasama Niya sa Kanyang daan tungo sa lupa. Ang buong langit
ay mawawalan ng anghel, habang ang naghihintay na mga banal ay nakatitig
sa Kanya at nakatanaw sa langit, tulad ng mga tao sa Galilea nang Siya ay
umakyat mula sa Bundok ng mga Olibo. At yaong mga banal lamang, yaong
mga sumunod ng lubos sa maamong Huwaran, ang sisigaw na may kagalakan
habang sila’y nakatitig sa Kanya, ‘Narito, ito ang aming Panginoon;
hinihintay namin Siya, at ililigtas Niya kami’ (Isa. 25:9).”—EW, p. 110.
Biyernes Disyembre 4
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong katiyakan ang binigay ni Jesus sa Kanyang pagbalik?
2. Paano mo makikilala ang huwad na pag-angkin tungkol sa anyo ng
ikalawang pagparito ni Kristo mula sa katotohanan na Kanyang
itinuro?
3. Ilarawan ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan mula sa
panahong si Jesus ay nagpakita sa alapaap hanggang sa panahong ang
mga banal ay sumama sa Kanya pabalik sa langit.
4. Nais mo bang “dalhin” o “iwanan” sa pagbalik ni Jesus?
5. Paano mo matitiyak na maging kabilang sa mga naghihintay kay
Kristo?
57
Leksiyon 11 Sabbath, Disyembre 12, 2015
Ang Pinakahuling Kaaway
“Ang pinakahuling kaaway na pupuksain ay ang kamatayan” (1
Cor. 15:26).
“Ang kirot ay hindi lilitaw sa kapaligiran ng langit. Wala na doong
pagluha, wala ng kamatayan, wala ng bakas ng kalungkutan.”—GC, p. 676.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 531-550.
Linggo Disyembre 6
1. ANG PASIMULA NG KAMATAYAN AT ANG UNANG MALA-
KING KASINUNGALINGAN
a. Saan isinama ang unang pagbanggit ng Biblia sa kamatayan? Gen.
2:17. Anong kasinungalingan ang sinabi ng ahas sa pag-uusap na
naganap sa punong-kahoy na ito? Gen. 3:1-4.
“Ang tanging nangako kay Adan ng buhay sa pagsalangsang ay ang
dakilang manlilinlang. At ang sinabi ng ahas kay Eva sa Eden—‘Tiyak na
hindi ka mamamatay’ (Gen. 3:4)—ang unang sermon na ipinangaral sa
kawalan ng kamatayan ng kaluluwa. Subalit ang pahayag na ito, na nakabatay
lamang sa kapangyarihan ni Satanas, ay umaalingawngaw mula sa mga
pulpito ng Kristyanismo at handang tanggapin ng karamihang tao tulad ng
tinanggap ito ng ating unang mga magulang. Ang banal na kahatulan, ‘Ang
kaluluwang nagkasala, ay mamamatay’ (Eze. 18:20), ay pinalitan ng: Ang
kaluluwang nagkasala, ay hindi mamamatay, kundi mabubuhay magpakailan
man. Hindi tayo magtataka sa pambihirang kahibangan na nagdala sa mga tao
sa pagiging mapaniwalain sa mga salita ni Satanas at napakahirap paniwalaan
ang mga salita ng Diyos.”—GC, p. 533.
b. Nang kaharap ang tukso upang kumain ng bunga ng punong ito, ano
ang ginawa ng unang mag-asawa? Gen. 3:6. Ano ang dumating bilang
bunga ng kasalanang ito? Roma 5:12; 6:23.
“Napatunayan sa lahat na ang kabayaran ng kasalanan ay hindi ang
marangal na kalayaan ng sarili at buhay na walang hanggan, kundi pagiging
alipin, pagkawasak, at kamatayan.”—Ibid., p. 668.
58
Lunes Disyembre 7
2. ANG LIKAS NG KAMATAYAN
a. Paano pinagsama ng Diyos ang katawan at hininga upang bigyang
buhay ang unang tao? Gen. 2:7. Anong nangyayari kapag ang isang
kaluluwa ay namatay? Awit 146:4.
b. Anong kapangyarihan mayroon ang tao sa kamatayan, at sa anong
kalagayan pumapasok ang tao sa kanyang kamatayan? Awit 6:5;
89:48; 115:17; Ecle. 8:8; 9:5.
“Sa saligang kamalian ng likas na kawalan ng kamatayan ay nakabatay
ang doktrina ng pagkakaroon ng malay sa kamatayan—isang doktrina, tulad
ng walang hanggang pagdurusa sa impiyerno, ay salungat sa mga aral ng
Kasulatan, sa dikta ng pang-unawa, at sa ating damdamin bilang tao. Ayon sa
kilalang paniniwala, ang mga tinubos sa langit ay bihasa sa lahat ng mga
nangyayari sa lupa at lalo na sa buhay ng mga kaibigan na kanilang naiwan.
Subalit paano ito magiging bukal ng kaligayahan sa mga patay na malaman
ang kaguluhan ng mga nabubuhay, na masaksihan ang mga kasalanang
ginagawa ng kanilang mga mahal sa buhay, at makita silang nagtitiis ng lahat
ng kalungkutan, kabiguan, at kapighatian ng buhay? Anong kagalakan ang
tatamasain sa tahanan ng langit ng mga umaali-aligid sa kanilang mga
kaibigan sa lupa? At lubhang nakapanghihimagsik ang paniniwala na sa
panahong iniwan ng hininga ang katawan ang kaluluwa ng hindi nagsisi ay
dadalhin na sa apoy ng impiyerno! Anong malalim na paghihinagpis ang
mararamdaman ng mga nakakakita sa kanilang kaibigan na namamatay na
hindi handa, na pumasok sa isang walang hanggang kaabahan at kasalanan!
Marami ang nadadala sa kahibangan ng nakapanlulumong kaisipang ito.”—
GC, p. 545.
k. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa kamatayan? Mat. 9:18, 19, 23, 24;
Juan 11:11-14.
“Tinawag ni Jesus ang kamatayan na isang pagtulog sa Kanyang
nananampalatayang mga anak. Ang kanilang buhay ay nakakubling kasama
ni Kristo sa Diyos, at hanggang sa huling tunog ng pakakak ang mga namatay
ay matutulog sa Kanya.”—DA, p. 527.
d. Paano ipinahiwatig ni apostol Pedro na ang isang matuwid na tao ay
hindi agad pumaparoon sa langit sa kanyang kamatayan? Gawa 2:29,
34.
59
Martes Disyembre 8
3. ANG KASINUNGALINGAN NG AHAS AY INULIT
a. Paano binalaan ang mga Israelita laban sa kaugalian ng mga pagano
na kinabibilangan ng pakikipag-usap sa patay? Lev. 19:28; Deut.
14:1.
“Halos lahat ng anyo ng panggagaway at pangkukulam noong unang
panahon ay nakabatay sa paniniwala ng pakikipag-usap sa patay. Yaong mga
nagsasagawa ng pakikipag-usap sa espiritu ng patay ay nag-aangking
nakipag-ugnayan sa umalis na espiritu, at natamo sa pamamagitan nila ang
isang kaalaman sa darating na mga kaganapan….
“Ang ganito ring paniniwala ng pakikipag-usap sa patay ang bumuo ng
patibayan ng pagsamba sa diyusdiyusan ng mga pagano. Ang mga
diyusdiyusan ng mga pagano ay pinaniniwalaang mga sinasambang espiritu
ng mga limisang mga bayani. Kung kaya ang relihiyon ng mga pagano ay
isang pagsamba sa patay….
“Ang pagsamba sa patay na kilala sa halos bawat uri ng paganismo, ay
kabilang din ang sinasabing pakikipag-usap sa patay. Ang mga diyusdiyusan
ay pinaniniwalaang iniuugnay ang kanilang kalooban sa mga tao, at gayon
din, kapag sinasangguni, nagbibigay sa kanila ng payo. Ito ang katangian ng
kilalang kasulatan ng Grecia at Roma.”—PP, p. 684.
b. Paano si Haring Saul nadala sa paghingi ng payo mula kay Satanas sa
ilalim ng pagbabalatkayo ng pinaniniwalaang espiritu ng patay na
propeta? 1 Sam. 28:7-14.
k. Ano ang dapat na pananaw ng bawat tunay na mananamba ng buhay
na Diyos? Isa. 8:19, 20.
“Kung ang mga tao ay handang tumanggap ng katotohanan na malinaw
na sinabi ng Kasulatan tungkol sa likas ng tao at sa kalagayan ng patay,
makikita nila sa mga pag-angkin at pagpapakita ng espirituwalismo ang
paggawa ni Satanas na may kapangyarihan at mga tanda at huwad na mga
kababalaghan. Subalit sa halip na isuko ang kalayaang naaayon sa pusong
laman, at talikuran ang mga kasalanan na kanilang iniibig, marami ang
ipinikit ang kanilang mga mata sa liwanag at lumakad ng pasulong, anoman
ang babala, habang hinahabi ni Satanas ang mga tukso sa harap nila, at sila’y
naging biktima niya. ‘Sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig sa
katotohanan, upang sila ay maligtas,’ kung kaya ‘Padadalhan sila ng Diyos
ng malakas na panlilinlang, upang sila’y maniwala sa kasinungalingan’ (2
Tes. 2:10, 11).”—GC, p. 559.
60
Miyerkules Disyembre 9
4. ANG TAGUMPAY NI KRISTO LABAN SA KAMATAYAN
a. Sino ang humahawak sa buhay at kamatayan? Awit 68:20; Apoc. 1:18.
Bagaman hawak Niya ang susi ng kamatayan, ano ang ginawa ni
Jesus? Heb. 2:9; Gawa 2:24.
“Kay Kristo ay may buhay, orihinal, hindi hiram, hindi nagmula sa kanino
man. ‘Siya na kinaroroonan ng Anak ay may buhay’ (1 Juan 5:12). Ang
kabanalan ni Kristo ang siyang katiyakan ng mananampalataya sa walang
hanggang buhay. ‘Siya na nananampalataya sa Akin,’ sabi ni Jesus, ‘mamatay
man siya, ay mabubuhay muli: at sinomang nabubuhay at nananampalataya
sa Akin ay hindi kailan man mamamatay. Naniniwala ba kayo dito?’ (Juan
11:25, 26). Dito si Kristo ay nakatanaw sa panahon ng Kanyang ikalawang
pagparito. At ang matuwid na mga patay ay ibabangong wala ng kamatayan, at ang
nabubuhay na mga matuwid ay ililipat sa langit na hindi nakakita ng kamatayan….
Sa pamamagitan ng Kanyang salita at ng Kanyang mga gawa Kanyang ipinahayag
ang Kanyang sarili na siyang May-akda ng pagkabuhay na muli. Siya mismo na
malapit ng mamatay sa Krus ay tumayong hawak ang susi ng kamatayan, isang
mananakop ng libingan, at ipinahayag ang kanyang karapatan at kapangyarihan sa
pagbibigay ng walang hanggang buhay.”—DA, p. 530.
b. Ano ang ginawa ni Jesus sa kamatayan? 2 Tim. 1:10; Heb. 2:14, 15.
“Ang katanungang, “Kung ang tao’y mamatay, mabubuhay pa kaya
siyang muli?” ay nasagot na. Sa pamamagitan ng pagpasan ng parusa sa
kasalanan, sa pamamagitan ng pagpasok sa libingan, Binigyang liwanag ni
Kristo ang libingan para sa lahat ng namatay sa pananampalataya. Si Jesus sa
anyong tao ay binigyang liwanag ang buhay at kawalan ng kamatayan sa
pamamagitan ng ebanghelyo. Sa pagkamatay, tiniyak ni Kristo ang buhay na
walang hanggan para sa lahat ng nananampalataya sa Kanya. Sa pagkamatay,
hinatulan Niya ang pasimula ng kasalanan at di-pagtatapat upang magdusa ng
parusang kamatayan—walang hanggang kamatayan.”—6 T, pp. 230, 231.
k. Katumbas ng parusang kamatayan, ano ang kaloob ng Diyos? Roma
6:23; Juan 3:16.
“Sa mga nananampalataya, si Kristo ay pagkabuhay na muli at ang buhay. Sa
ating Tagapagligtas ang buhay na nawala dahil sa kasalanan ay naibalik; sapagkat
Siya’y may buhay sa Kanyang sarili upang buhayin ang sinomang naisin Niya.”—
DA, pp. 786, 787.
“Lahat ng mananamalataya na dumaan sa natural na kamatayan, sa pamamagitan
ng pagkain ng laman at pag-inom ng dugo ng Anak ng Diyos, ay may buhay na
walang hanggan sa kanila, ang buhay ni Jesukristo. Sa pagkamatay, ginawang
imposible ni Jesus sa mga nananampalataya sa Kanya na mamatay ng walang
hanggan.”—7 SDA, BC [E.G. White Comments], p. 926.
61
Huwebes Disyembre 10
5. ANG KAMATAYAN AY SINIRA
a. Anong nangyari matapos ang una at ikalawang pagkabuhay na muli?
Apoc. 20:4-15.
“Sa pagtatapos ng isang libong taon, si Kristo… ay inutusan ang
masasamang patay na bumangon upang tanggapin ang kanilang parusa….
Napakalaking kaibahan sa mga binangon sa unang pagkabuhay na muli! Ang
mga matuwid ay nadadamtan ng walang kamatayang kabataan at kagandahan.
Ang masasama ay taglay ang mga bakas ng sakit at kamatayan.”—GC, p. 662.
b. Ano ang huling magaganap sa mga masasama? Mat. 13:40-42. Sa halip
na walang hanggang parusa, ano ang magpapahirap sa kanila? Mal.
4:1-3.
“Ang ilan [sa mga masasama] ay namatay sa isang saglit, habang ang iba
ay nagdusa ng maraming mga araw. Lahat ay pinarusahan ‘ayon sa kanilang
mga gawa’ (Awit 28:4)…. [Si Satanas] ay pinahirapan hindi lamang sa
kanyang sariling paghihimagsik, kundi pati na ang lahat ng kasalanan na siya
ang dahilan kaya nagawa ito ng bayan ng Diyos. Ang parusa sa kanya ay
lalong higit na malaki kaysa sa kanyang mga nadaya. Matapos mamatay ang
lahat ng nagkasala dahil sa kanyang panlilinlang, siya ay buhay pa at
nagdurusa. Sa lumilinis na apoy ang masasama sa wakas ay nasupok, ugat at
mga sanga—si Satanas ang ugat, ang kanyang mga tagasunod ang mga sanga.
Ang buong parusa ng kautusan ay dumalaw; ang hinihingi ng hustisya ay
naibigay; at ang langit at lupa, na nakakakita, ay ipinahayag ang katuwiran ni
Jehova.”—Ibid., p. 673.
k. Ano ang mangyayari maging sa kamatayan mismo? 1 Cor. 15:26;
Apoc. 21:4.
Biyernes Disyembre 11
Personal na mga katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano ipinakilala ang kamatayan sa sanlibutang ito?
2. Anong kalagayan ang pinapasok ng tao matapos ang kamatayan?
3. Paano ang unang kasinungalingan ng ahas nagpapatuloy sa buong
kasaysayan?
4. Ano ang ginawa ni Kristo sa sumpa ng kamatayan?
5. Paano natin malalaman na ang masasama ay hindi hahayaang
nasusunog ng walang hanggan?
62
Leksiyon 12 Sabbath, Disyembre 19, 2015
Ang Milenyo at Ang Bagong Lupa
“Mapalad ang maaamo: sapagkat sila’y magmamana ng lupa” (Mat.
5:5).
“Ang buong sansinukob ng Diyos ay nilinis, at ang malaking tunggalian
ay natapos na sa walang hanggan. Saan man tayo tumingin, saan man ibaling
ang paningin ay maganda at banal…. Ang magandang bagong lupa, sa buong
kaluwalhatian nito, ang walang hanggang pamana sa mga banal.”—EW, p.
295.
Mungkahing Babasahin: Early Writings, pp. 17-20, 288-295.
Linggo Disyembre 13
1. PAGPASOK SA KAHARIAN NG KALUWALHATIAN
a. Saan paroroon ang matatapat pagkatapos ng ikalawang pagparito ni
Kristo? 1 Tes. 4:15-17.
“Lahat tayo ay pumasok sa alapaap na magkakasama at sa loob ng pitong
araw ay umakyat tungo sa dagat na bubog, nang dinala ni Jesus ang mga
putong, at sa pamamagitan ng Kanyang sariling kanang kamay ay inilagay ito
sa ating mga ulo. Binigyan Niya tayo ng gintong alpa at palma ng
tagumpay…. Lahat ay ganap na nasiyahan sa kanilang mga putong. At lahat
sila ay dinamtan ng isang maluwalhating puting damit mula sa kanilang mga
balikat hanggang sa kanilang mga paa.”—EW, pp. 16, 17.
b. Ano ang nagbigay karapatan sa mga banal na makapasok sa Bagong
Jerusalem? Awit 87:3-6; Gal. 4:26; Apoc. 22:14; Isa. 26:1, 2.
“Ang mga anghel ay nakapalibot sa atin habang tayo’y nagmamartsa sa
ibabaw ng dagat na bubog tungo sa pintuan ng siyudad. Itinaas ni Jesus ang
Kanyang malakas, maluwalhating mga bisig, at hinawakan ang pintuang
perlas, at idinuyan ito sa kumikislap na mga bisagra, at sinabi sa atin, ‘Kayo
ay naglinis ng inyong mga damit sa Aking dugo, tumayong matatag sa Aking
katotohanan, pumasok kayo.’ Tayong lahat ay nagmartsa papasok at nadama
na tayo ay may sakdal na karapatan sa siyudad.”—Ibid., p. 17.
63
Lunes Disyembre 14
2. ANG MILENYO
a. Gaano katagal ang gugugulin ng mga banal sa langit? Apoc. 20:4. Ano
ang ating gagawin sa panahong ito? 1 Cor. 6:2; Mat. 19:28.
“Sa panahon ng isang libong taon sa pagitan ng una at ikalawang
pagkabuhay na muli ang paghuhukom sa mga masama ay magaganap…. Sa
pakikiisa kay Kristo hahatulan ng [mga matuwid] ang masasama, na
inihahambing ang kanilang mga gawa sa aklat ng alituntunin, ang Biblia, at
pinagpapasyahan ang bawat kaso ayon sa mga gawa na ginawa sa katawan.
At ang bahagi na dapat pagdusahan ng masama ay sinukat, ayon sa kanilang
mga gawa; at itinala laban sa kanilang pangalan sa aklat ng kamatayan.”—
GC, pp. 660, 661.
b. Saan naroroon si Satanas sa panahon ng milenyo? Apoc. 20:1-3. Sa
anong kalagayan naroroon ang lupa sa panahong ito? Jer. 4:23-27.
“Dito [sa lupang ito] ang siyang magiging tahanan ni Satanas kasama ng
kanyang mga anghel sa loob ng isang libong taon. Natatakdaan lamang dito
sa lupa, hindi siya magkakaroon ng daan sa ibang mga daigdig upang tuksuhin
at inisin yaong mga hindi pa nagkasala. Ito ang diwa na siya ay nakagapos:
walang naiwan, kung saan kanyang magagamit ang kanyang kapangyarihan.
Siya ay lubusang napahinto mula sa gawain ng panlilinlang at pagwasak na
sa loob ng maraming daangtaon ito ang tanging kaluguran niya….
“Sa loob ng anim na libong taon, ang paghihimagsik ni Satanas ay
nagpangatal sa lupa.’ Ginawa niyang ‘isang ilang ang sanlibutan, at sinira ang
mga siyudad nito.’ At ‘hindi niya binuksan ang mga tahanan ng kanyang mga
bilanggo.’ Sa loob ng anim na libong taon ang kanyang bilangguan ay
tumanggap ng mga tao ng Diyos, at kanya itong binilanggo hanggang sa
walang hanggan; subalit winasak ni Kristo ang mga gapos at pinalaya ang
mga bilanggo.
“Sa loob ng anim na libong taon, Si Satanas ay paroroo’t paparito sa
magulong lupa upang tingnan ang mga bunga ng kanyang paghihimagsik
laban sa kautusan ng Diyos. Sa panahong ito ang kanyang paghihirap ay
matindi. Mula nang siya ay nagkasala ang kanyang buhay ng walang tigil na
paggawa ay nagbura sa pagbubulaybulay; subalit ngayon ay inalisan siya ng
kapangyarihan at pinabayaang magbulaybulay sa bahagi na kanyang
ginampanan mula ng siya’y unang maghimagsik laban sa pamahalaan ng
langit, at tumanaw na may pangangatal at takot sa kakilakilabot na hinaharap
kapag siya ay magdurusa na sa lahat ng kasamaan na kanyang ginawa at
parurusahan sa mga kasalanan na siya ang naging dahilan.”—Ibid., pp. 659,
660.
64
Martes Disyembre 15
3. PAGLIPAT NG PUNONG HIMPILAN
a. Ano ang magaganap sa pagtatapos ng pahuhukom sa langit? Apoc.
21:2, 3.
“Pinangungunahan ni Jesus tayong lahat ay bumaba mula sa siyudad
tungo sa lupa, sa isang dakila at malakas na bundok, na hindi kayang dalhin
si Jesus, at ito’y nahati, at nagkaroon ng isang malakas na kapatagan. At tayo
ay tumingala at nakita ang dakilang siyudad, na may labindalwang patibayan,
at labindalwang pintuan, tatlo sa bawat gilid, at may isang anghel sa bawat
pintuwan. Tayong lahat ay sumigaw, ‘Ang siyudad, ang dakilang siyudad,
ito’y dumarating, ito’y bumababa mula sa Diyos sa kalangitan,’ at ito’y
lumapag sa lugar na ating kinalalagyan.”—EW, pp. 17, 18.
b. Saan masusumpungan ang Bagong Jerusalem? Zac. 14:4.
“Bilang lugar ng Kanyang pag-akyat, pinili ni Jesus ang dakong madalas
na napabanal ng Kanyang presensiya habang Siya’y naninirahan kasama ng
mga tao. Hindi ang Bundok ng Sion, ang lugar ng siyudad ni David, hindi ang
Bundok ng Moriah, ang kinalalagyan ng templo, ang siyang pinarangalan.
Doon si Kristo ay hinamak at itinakwil. Doon ang mga alon ng habag, na
bumabalik sa mas malakas na alon ng pag-ibig, ay hinahampas pabalik ng
mga pusong kasing-tigas ng malaking bato. Doon si Jesus, pagod at
nabibigatan ang puso, ay pumaparoon upang makasumpong ng kapahingahan
sa Bundok ng mga Olibo. Ang banal na Shekinah, sa paghiwalay mula sa
unang templo, ay tumayo sa ibabaw ng bundok sa silangan, na para bagang
ayaw iwanan ang piniling siyudad; gayon din si Kristo na nakatayo sa ibabaw
ng Olibo, sa nananabik na puso ay nakadungaw sa Jerusalem. Ang kagubatan
at lambak ng bundok ay naitalaga sa pamamagitan ng Kanyang mga
panalangin at pagluha. Ang matarik na kalagayan nito ay umaalingawngaw
sa mga sigaw ng tagumpay ng karamihan na nagpahayag sa Kanya bilang
hari. Sa dalisdis nito ay nakasumpong Siya ng tahanan kasama ni Lazaru sa
Betanya. Sa halamanan ng Gethsemane sa paanan nito Siya ay nanalangin at
nagsumamo na mag-isa. Mula sa bundok na ito Siya ay aakyat sa langit. Sa
ibabaw ng tuktok nito ang Kanyang mga paa ay tatapak sa Kanyang pagbalik.
Hindi na isang lalaki ng kalungkutan, kundi isang maluwalhati at
matagumpay na hari na Siya’y tatayo sa ibabaw ng Olibo, habang ang
haleluya ng mga Hebreo na kasama ang hosana ng mga Gentil, at ang tinig ng
mga tinubos na tulad sa isang malakas na hukbo ay isisigaw ang papuri,
Parangalan Siya na Panginoon ng lahat!”—DA, pp. 829, 830.
65
Miyerkules Disyembre 16
4. ISANG BAGONG LUPA
a. Kapag wala na ang masasama, ano ang mangyayari sa lupa? Apoc.
21:1; Awit 102:25, 26.
b. Anong gagawin ng mga tinubos sa bagong lupa? Isa. 32:18; 65:21, 22.
“At tayo’y nagsimulang tumingin sa maluwalhating mga bagay sa labas
ng siyudad. Doon ay nakita ko ang pinakamaluwalhating mga tahanan, na ang
hitsura ay pilak, na may apat na mga haligi na may mga perlas na
napakagandang tingnan. Ito ay mamanahin ng mga banal. Bawat isa ay may
isang gintong lalagyan. Nakita ko na marami sa mga banal ang pumaroon sa
mga tahanan, at tinanggal ang kanilang kumikinang na mga putong at inilagay
sa lalagyan, at lumabas sa bukirin sa tabi ng mga tahanan upang gawin ang
gawain sa lupa; hindi tulad ng ating gawain sa lupa dito; hindi, hindi. Isang
maluwalhating liwanag ang sumisikat sa kanilang mga ulo, at sila’y patuloy
na sumisigaw at nagpupuri sa Diyos.”—EW, p. 18.
“Sa lupang binago, ang mga tinubos ay makikisangkot sa mga gawain at
kaluguran na nagbigay ng kaligayahan kay Adan at kay Eba noong pasimula.
Ang buhay sa Eden ay ipamumuhay, ang buhay sa halamanan at sa
bukirin.”—PK, pp. 730, 731.
k. Paano inilarawan ng Biblia ang kapaligiran ng bagong lupa? Isa. 11:6-
9; 65:25.
“Nakita ko ang iba pang bukirin na puno ng lahat ng uri ng mga bulaklak,
at ng sila’y pinitas ko, ako’y sumigaw, ‘Hindi sila kukupas.’ Sunod ay nakita
ko ang bukirin ng matataas na damo, napakagandang tingnan; ito’y buhay na
berde at kumikinang tulad ng pilak at ginto, habang ito’y pumapagaspas na
may pagmamalaki sa kaluwalhatian ng Haring si Jesus. At kami ay pumasok
sa bukirin ng lahat ng uri ng mga hayop—ang leon, ang tupa, ang leopardo,
at ang lobo, lahat ay magkakasama sa sakdal na pagkakaisa. Kami ay dumaan
sa gitna nila, at sila’y sumunod na tahimik. At kami ay pumasok sa kagubatan,
hindi tulad ng madilim na kagubatan dito; hindi, hindi; kundi maliwanag, at
maluwalhati; ang mga sanga ng mga punong kahoy ay pumapagaspas, at
kaming lahat ay sumigaw, ‘Tayo’y mananahang ligtas sa ilang at matutulog
sa kagubatan.’”—EW, p. 18.
“Ang isipan [ng mga bata] ay dapat punuin ng mga kuwento ng buhay ng
Panginoon, at ang kanilang imahinasyon ay pasiglahin sa paglalarawan ng
mga kaluwalhatian ng darating na sanlibutan.”—CG, p. 488.
66
Huwebes Disyembre 17
5. PAGMANA NG LUPA
a. Ano ang hula sa mga taong, bagaman itinakwil mula sa sanlibutan
ngayon, ay mamanahin ang susunod? Awit 37:8-11.
“Ang maaamo ‘ay magmamana ng lupa’ (Mat. 5:5). Sa pamamagitan ng
mithiing itaas ang sarili kung kaya pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at
ang ating unang mga magulang ay nawala ang paghahari sa magandang lupa,
ang kanilang kaharian. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sarili na
tinubos ni Kristo ang nawala. At Kanyang sinabi na dapat tayong magta-
gumpay tulad Niya. Apoc. 3:21. Sa pamamagitan ng kapakumbabaan at
pagpapasakop ng sarili tayo ay magiging tagapagmanang kasama Niya….
“Ang lupang ipinangako sa mga maaamo ay hindi katulad nito, na
madilim dahil sa anino ng kamatayan at ng sumpa….
“Walang kabiguan, walang kalungkutan, walang kasalanan, walang
sinoman ang magsasabi, may sakit ako; wala ng mahabang hanay tungo sa
libingan, wala ng pagkalumbay, walang kamatayan, walang paghihiwalay,
walang wasak na puso; bagkus si Jesus ang naroroon, kapayapaan ang
naroon.”—MB, p. 17.
b. Ano ang ugali ng mga mananahan sa bagong lupa? 2 Ped. 3:13.
“Ang mga paa ng masasama ay hindi kailan man lalapastangan sa
binagong lupa. Ang apoy ay bababa mula sa Diyos sa kalangitan at susupukin
sila—susunugin sila mula sa ugat hanggang sa mga sanga. Si Satanas ang
ugat, at ang kanyang mga anak ang mga sanga.”—EW, p. 52.
“Ang apoy ngang galing sa Diyos na sumupok sa masasama ang naglinis
ng buong lupa. Ang wasak, mabatong kabundukan ay natunaw ng matinding
init, ang kapaligiran din, at ang lahat ng sukal ay nasupok. At ang ating
pamana ay binuksan sa harapan natin, maluwalhati at maganda, at ating
minana ang buong lupa na binago.”—Ibid., p. 54.
Biyernes Disyembre 18
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Sa anong kondisyon ang isang tao ay ibinibilang na mamamayan ng
Bagong Jerusalem?
2. Anong mangyayari sa panahon ng Milenyo sa langit at sa lupa?
3. Bakit pipiliin ng Diyos ang lupa para sa bagong paglalagyan ng
Kanyang punong-himpilan?
4. Ilarawan ang bagong lupa.
5. Anong uri ng mga tao ang magmamana ng bagong lupa?
67
Leksiyon 13 Sabbath, Disyembre 26, 2015
Ang Kaharian Sainyo
“Ako’y lumaban ng mabuting pakikilaban, natapos ko ang aking
gawain, napanatili ko ang aking pananampalataya: kung kaya may
nakalaang putong ng katuwiran para sa akin, na ibibigay sa akin ng
Panginoon, ang matuwid na hukom, sa panahong iyon: at hindi lamang
sa akin, kundi sa lahat ng umiibig sa kanyang pagparito” (2 Tim. 4:7, 8).
“Yaong mga naikubli ang buhay kay Kristo, yaong mga nakipaglaban ng
mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya, ay sisikat sa kaluwalhatian ng
Manunubos sa kaharian ng Diyos.”—9 T, p. 287.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 674-678.
Linggo Disyembre 20
1. SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN
a. Ano ang ipinahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang kaharian sa
sanlibutang ito ngayon? Luc. 17:20, 21; Juan 4:20-24.
“Hindi sa pamamagitan ng paghahanap ng isang banal na bundok o ng
isang banal na templo na ang mga tao ay nakakaugnay ng langit. Ang
relihiyon ay hindi dapat manahan sa panlabas na mga pagtatanghal at mga
seremonya. Ang relihiyong mula sa Diyos ang siyang tanging relihiyon na
maghahatid tungo sa Diyos. Upang mapaglingkuran Siya ng tama, dapat
tayong maipanganak ng banal na Espiritu. Ito ang magdadalisay ng puso at
magbabago ng isipan, na bibigyan tayo ng isang bagong kakayahan na
makilala at ibigin ang Diyos. Bibigyan tayo nito ng isang handang pagtalima
sa lahat Niyang mga hinihingi. Ito ang tunay na pagsamba.”—DA, p. 189.
b. Kanino ibinigay ang kaharian? Luc. 12:32; Mat. 5:3; 7:21.
“Kapag ang kaluluwa ay naghahanap sa Diyos, naroon ang paggawa ng
Espiritu nahahayag, at ipapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kaluluwa.
Ang ganitong mga mananamba ang Kanyang hinahanap. Hinihintay Niya na
tanggapin sila at gawin silang Kanyang mga anak na lalaki at anak na mga
babae.”—Ibid.
68
Lunes Disyembre 21
2. ISANG NAGPAPATULOY NA PAG-ASA
a. Ano ang ating pag-asa bilang mga mananampalataya kay Kristo? Tito
2:13.
b. Ano ang ibibigay sa mga makakapasok sa langit? 2 Tim. 4:8. Paano ito
magpapasigla sa atin upang maging matatag? Apoc. 3:11
“Sa mga mananagumpay ay ipinangako ang putong ng walang maliw na
kaluwalhatian at ang buhay na kasing-haba ng buhay ng Diyos. ‘Sa kanya na
nagtagumpay, ‘sabi ni Kristo, ‘pakakanin ko siya ng punong-kahoy ng buhay,
na nasa gitna ng paraiso ng Diyos.’ ‘Hindi pa nakita ng mata, ni narinig ng
tainga, ni pumasok man sa puso ng tao, ang mga bagay na inihanda ng Diyos
para sa kanila na umiibig sa Kanya’ (Apoc. 2:7; 1 Cor. 2:9). Magsikap tayo
na matamo ang masaganang pagpasok sa kaharian ng ating Panginoon.
Masikap nating pag-aralan ang Ebanghelyo na dahilan kung kaya si Kristo ay
pumarito ng personal upang iharap kay Juan sa Isla ng Patmos—ang
Ebanghelyo na tinawag na, ‘Ang Apocalipses ni Jesukristo, na ibinigay ng
Diyos sa kanya, upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na
malapit ng maganap.’ Palagi nating alalahanin na ‘mapalad siya na
nagbabasa, at sila na nakikinig sa mga salita ng hulang ito, at iniingatan ang
mga bagay na nasusulat doon; sapagkat malapit na ang panahon’ (Apoc. 1:1,
3).”—ST, Peb. 4, 1903.
k. Bagaman ang kasamaan ay tila nagtatagumpay, anong katiyakan
mayroon tayo? Roma 8:28; 2 Cor. 13:8.
“Sa loob ng mga daangtaon ng pang-uusig, labanan, at kadiliman, ang
Diyos ang nangangalaga sa Kanyang iglesia. Wala ni isa mang ulap ang
bumagsak dito na hindi Niya pinaghandaan; wala ni isa mang sumasalungat
na kalakasan ang bumangon upang labanan ang Kanyang gawain, na hindi
Niya nakita bago pa maganap. Lahat ay nagaganap ayon sa Kanyang hula.
Hindi Niya pinabayaan ang Kanyang iglesia, bagkus Kanyang binakas sa
pahayag ng hula ang mga magaganap, at ang mga bagay na iniudyok ng
Kanyang Espiritu sa mga propeta upang ihula ay naganap. Lahat ng Kanyang
mga layunin ay matutupad. Ang Kanyang kautusan ay nakadugtong sa
Kanyang luklukan, at walang anomang kapangyarihan ng kasamaan ang
makakasira dito. Ang katotohanan ay kinasihan at binabantayan ng Diyos; at
ito’y magtatagumpay laban sa lahat ng sumasalungat.”—AA, pp. 11, 12.
69
Martes Disyembre 22
3. PAGPAPABILIS NG KANYANG KAHARIAN
a. Ano ang dapat nating idalangin tungkol sa kaharian ng Diyos? Mat.
6:10. Paano ang panalanging ito makakaimpluwensiya sa ating mga
pangunahing bagay sa buhay? Talatang 33.
“Minamahal kong mga kapatid, nawa’y ang kautusan ng Diyos at patotoo
ni Jesukristo ay manatili sainyong isipan at nawa’y palitan nito ang
makasanlibutang mga kaisipan at alalahanin. Sainyong paghiga at sainyong
pagbangon, nawa’y ito ang bulaybulayin ninyo. Nawa’y mamuhay at kumilos
kayo ng lubusang nagpapatunay ng pagparito ng Anak ng Diyos. Ang
panahon ng pagtatatak ay napakaikli at malapit ng matapos. Ngayon na ang
panahon, habang ang apat na mga anghel ay pinipigilan pa ang apat na hangin,
upang tiyakin ang ating pagkatawag at pagkahirang.”—EW, p. 58.
b. Anong bahagi mayroon tayo sa nalalapit na pagparito ni Kristo? Mat.
24:14; 2 Ped. 3:12.
“Pribilihiyo ng bawat Kristyano hindi lamang ang maghintay kundi ang
pabilisin ang pagparito ng ating Panginoong Jesukristo (2 Ped. 3:12, margin).
Kung ang lahat sanang nagtatanyag ng Kanyang pangalan ay nagbubunga
para sa Kanyang kaluwalhatian, gaano kabilis na ang buong sanlibutan ay
mahahasikan ng binhi ng ebanghelyo. Mabilis na ang huling ani ay
mahihinog, at si Krisyo ay paparito upang tipunin ang mahahalagang butil.”—
COL, p. 69.
“Sa mga kaharian ng sanlibutan, ang posisyon ay nangangahulugan ng
kadakilaan ng sarili…. Ang impluwensiya, kayamanan, edukasyon, ay
napakadaming paraan upang panghawakan ang mga tao para sa kapakanan ng
mga namumuno….
“Si Kristo ay nagtatag ng isang kaharian sa naiibang mga prinsipyo.
Tinawag Niya ang mga tao, hindi sa pagkakaroon ng kapangyarihan, kundi
upang maglingkod, ang malalakas upang pasanin ang kahinaan ng mahihina. Kapangyarihan, posisyon, talento, edukasyon, naglalagay sa mayhawak nito sa ilalim
ng mas malaking tungkulin sa paglilingkod sa kanyang mga kapwa….
“Kasama ng Kanyang mga alagad si Kristo sa bawat diwa ay naging isang
tagapag-alaga, isang tagapagdala ng pasanin. Nakibahagi Siya sa kanilang kahirapan,
Siya’y namuhay sa pagtanggi sa sarili alang-alang sa kanila, Siya’y nanguna sa kanila
upang ayusin ang pinakamahirap na mga lugar, at hindi nagtagal Kanyang tinapos
ang Kanyang gawain sa lupa sa pag-aalay ng Kanyang buhay. Ang prinsipyo kung
saan si Kristo ay kumilos ang magpapalakas sa mga miyembro ng iglesia na Kanyang
katawan…. Sa kaharian ni Kristo ang pinakadakila ay yaong mga sumunod sa
Kanyang halimbawa at gumawa bilang mga pastor ng Kanyang kawan.”—DA, p.
550.
70
Miyerkules Disyembre 23
4. MGA PAALALA
a. Anong seremonya ang nagpapaalala sa atin ng darating na kaharian?
Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:26.
“Ang ordinansa ng Hapunan ng Panginoon ay ibinigay upang gunitain ang
dakilang kaligtasang nagawa bilang bunga ng kamatayan ni Kristo. Hanggang
sa Kanyang ikalawang pagdating sa kapangyarihan at kaluwalhatian, ang
ordinansang ito ay ipagdiriwang. Ito ang paraan upang ang Kanyang dakilang
gawain para sa atin ay manatiling sariwa sa ating isipan.”—DA, pp. 652, 653.
“Sa mga [ordinansang ito], na Siya mismo ang nagtakda, si Kristo ay
nakikipagtagpo sa Kanyang bayan at pinalalakas sila ng Kanyang
presensiya.”—Ibid., p. 656.
b. Bagaman tayo ay humaharap sa mga kapighatian at pang-uusig, ano
ang dapat nating tandaan? Mat. 5:10; 2 Cor. 4:16-18.
“Marami sa inyong kapighatian ay dumarating sa inyo, sa karunungan ng
Diyos, upang kayo ay lalo pang ilapit sa luklukan ng biyaya. Pinalalambot
Niya at sinusupil ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng mga
kalungkutan at pagsubok. Ang sanlibutang ito ay pagawaan ng Diyos, kung
saan Kanyang hinuhubog tayo para sa kaharian ng langit. Ginagamit Niya ang
pampakinis na kutsilyo para sa ating nangangatal na puso hangga’t ang
gaspang at kasiraan ay mawala at tayo ay maiangkop sa ating tamang
kalalagyan sa makalangit na gusali. Sa pamamagitan ng kaguluhan at
pangamba ang Kristyano ay nadadalisay at napapalakas, at nahuhubog ang
ugali ayon sa halimbawa na binigay ni Kristo. Ang impluwensiya ng isang
tunay, banal na buhay ay hindi masusukat. Ito’y nakakarating sa labas ng
tahanan at mga kaibigan, na nagbibigay liwanag na humihikayat ng kaluluwa
kay Jesus.”—4 T, p. 143.
“Ang maliwanag at masayang bahagi ng ating relihiyon ay ipapakita ng
lahat ng araw-araw na nagtatalaga sa Diyos. Hindi natin dapat lapastanganin
ang Diyos sa pamamagitan ng malungkot na pakikiugnay sa mga pagsubok
na tila malupit. Lahat ng mga pagsubok na tinatanggap bilang tagapagturo ay
magbubunga ng kagalakan. Ang buong buhay pangrelihiyon ay magiging
pampasigla, nagtataas, nagpaparangal, humahalimuyak sa mabubuting salita
at gawa. Ang kaaway ay lubos na nalulugod kapag nanghihina ang kaluluwa,
nawawalan ng pag-asa, nalulungkot at dumadaing; nais niyang palabasin na
ang mga ito’y bunga ng ating pananampalataya. Subalit nais ng Diyos na ang
isipan ay hindi bumaba. Mithiin Niya na ang bawat kaluluwa ay
magtagumpay sa nag-iingat na kapangyarihan ng Manunubos.”—Ibid., pp.
365, 366.
71
Huwebes Disyembre 24
5. ISANG KAHARIANG WALANG WAKAS
a. Sa pagtanaw sa pamamanhik ng mga apostol, ano ang dapat nating
gawin ngayon at sa darating na mga araw? 1 Juan 2:28; Juan 3:2, 3;
2 Ped. 1:10, 11.
b. Paano natin gugugulin ang walang hanggan sa di-magwawakas na
kaharian? Apoc. 5:13.
“At ang mga taon ng walang hanggan, habang lumilipas, ay magbibigay
ng mas malawak at lalong mas maluwalhating paghahayag sa Diyos at kay
Kristo. Habang lumalago ang kaalaman, gayon din ang pag-ibig, banal na
paggalang, at ang kaligayahan ay lalago. Habang higit na nakikilala ng mga
tao ang Diyos, higit nilang hahangaan ang Kanyang ugali. Habang
binubuksan ni Jesus sa kanilang harapan ang kasaganaan ng katubusan at ang
kahanga-hangang tagumpay sa dakilang tunggalian laban kay Satanas, ang
puso ng mga tinubos ay lubos na mananabik sa mas higit pang maalab na
pagtatalaga, at sa higit pang nag-uumapaw na kagalakan kanilang kinalabit
ang gintong alpa; at ang sampung libong tagsasampung libo at ang libu-libong
mga tinig ay nagkaisa upang isigaw ang malakas na awit ng papuri….
“Ang malaking tunggalian ay natapos na. Wala na si Satanas at ang mga
makasalanan. Ang buong sansinukod ay malinis na. Iisang pulso ng
pagkakaisa at kagalakan ang pumipintig sa malawak na nilalang. Mula sa
Kanya na lumikha ng lahat, ay dumadaloy ang buhay at ang liwanag at
kagalakan, sa buong kaharian ng walang hanggang kalawakan. Mula sa
pinakamaliit na atomo hanggang sa pinakamalaki sa sanlibutan, lahat ng mga
bagay, may buhay at walang buhay, sa kanilang di-maitatagong kagandahan
at sakdal na kagalakan, nagsasabing ang Diyos ay pag-ibig.”—GC, p. 678.
Biyernes Disyembre 25
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano natin matitiyak ang ating lugar sa espirituwal na kaharian ng
Diyos?
2. Anong pangako ang magpapalakas sa atin sa gitna ng labanan sa
pagitan ng mabuti at masama?
3. Ano ang magagawa mo upang pabilisin ang pagparito ni Jesus?
4. Ipaliwanag ang ilang mga bagay na makakatulong sa atin upang
panatilihin sa isipan ang walang hanggan.
5. Ano ang iyong mga plano para sa walang hanggan?