32
Mga Huling Araw ni Rizal (PART 2) Sarmiento, Ma. Kea Patricia C. Section 1-7

Mga huling araw ni rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Mga Huling Araw ni Rizal(PART 2)

Sarmiento, Ma. Kea Patricia C.Section 1-7

Pagpili ng Tagapagtanggol

• December 8- Binigyan si Rizal ng listahan ng mga

pangalang na maaaring tagapagtanggol niya.

• Don Luis Taviel de Andrade- Pinili upang maging tagapagtanggol- kapatid ni Ten. Jose Taviel de

Andrade na dating “bantay” ni Rizal sa Calamba noong 1887.

“Pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon.”

- Ang akusasyon kay Rizal

G.H. Camilo G. de Polavieja- Pumalit kay Gobernador Blanco (sinasabing mas makatao kesa kay Polavieja)

Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan

- Isinulat ito ni Rizal habang siya ay nakapiit sa kanyang selda sa Fuerza Santiago.

- Isinulat niya ito dahil gusto niyang ibahagi sa taumbayan na makakamit lang natin ang kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.

- Sinasabi rito na ikininagulat niya na ang ngalan niya ang naging pamansag ng ilang mga rebolusyon.

- Nililinaw din dito na tinutulan na niya ang balak ng rebolusyon dahil hindi pa raw tayo handa para dito.

Huling Pasko- Ang araw ng Pasko ang pagdiriwang sa

kapanganakan ni Kristo na Siyang katubusan at nagdala ng kapayapaan at kapatiran sa lahat. Ngunit sa araw na ito ay nakapiit pa rin sa kulungan si Rizal.

- Dahil nararamdaman niya na wala na siyang pagasa sa kanyang kasasapitan, siya ay sumulat sa kanyang tagapagtanggol na si Ten. Luis Taviel de Andrade.

- Isinulat ni Rizal na makapunta sana ang kanyang tagapagtanggol noong umagang iyon dahil nais niyang kausapin siya bago sila humarap sa hukuman.

Ang Paglilitis kay Rizal- isang patunay ng kawalang-katarungan ng

mga Espanyol.- Dec. 26, 1896(Cuartel de España),

nagsimula ang hukumang-militar.

Mga Miyembro ng Hukumang-Militar:

- Ten. Kol. Jose Togores Arjona(pangulo)- Kapt. Ricardo Muñoz Arias- Kapt. Manuel Reguera- Kapt. Santiago Izquierdo Osorio- Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez- Kapt. Manuel Diaz Escribano- Kapt. Fermin Perez Rodriguez

Mga Tauhan sa Hukuman- Dr. Jose Rizal (Ang akusado)

- Ten. Taviel de Andrade (Tagapagtanggol ni Rizal)

- Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)

- Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-usig)

*Kasama rin dito si Josephine Bracken, mga manonood at maraming Espanyol

Simula ng Paglilitis- Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko, ngunit siya ay nanatiling kalmado.- Ang Huwes Tagapagtanggol na si Kapt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman ng kaso laban kay Rizal.-Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.- Si Ten. Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati upang ipagtanggol si Rizal.**Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang hukomdahil sa sila ay may napagdesisyunan na hatol bago man magsimula itong paglilitis.

Pagtanggol ni Rizal sa Sarili- pinatunayan ni Rizal na siya ay inosente sa pamamagitan ng 12 puntos:

1) Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas

2)Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.

3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.

4) Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.

5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

6) Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay pansibikong asosasyon at hindi isang samahang pangrebolusyon.

7) Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon na siya sa Dapitan.

8) Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindi niya alam.

9) Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y di na itinatag ang Katipunan.

10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11) Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng naroon at sa mga misyonerong pari.

12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw ng kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa armadong rebolusyon. Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang kilusang marahas.

- Ang pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom, dahil may pinapanigan na silang desisyon.- Pinalabas na ang mga tauhan ng ipagpalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na tapos na ang paglilitis.

- Matapos ang napakaikling delibirasyon ipinataw ang sentensiyang kamatayan.

- Kaagad nilang pinadala ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja.

- Humingi ang Gob. Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas de la Peña.

Ang Desisyon ng Gob. Hen.

• December 28 – Nilagdaan ni GH Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal na kamatayan.

“ Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensiya ng Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito parusang kamatayan ang ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa ganap na alas siyete ng umaga ng ika-30 araw ng buwang ito sa Bagumbayan”

PagkamartirSa

Bagumbayan

Mga Huling Oras ni Rizal

• December 29, 1896 – ang huling 24 oras ng buhay ni Rizal.

6:00AM – Si Kapitan Rafael Dominguez, na inatasang mamahala sa paghanda ng pagbitay kay rizal, ay ang siyang nagbasa ng napagdesisyunang hatol sa kanya na kamatayan.

7:00AM – Dinala siya sa kapilya ng preso. Binisita siya ng mga Heswitang pari na galing Ateneo na sina Padre Miguel Sadera Mata (Raktor ng Ateneo Municipal) at Padre Luis Viza, isang guro.

7:15AM – Umalis na si Padre Saderra. Napagusapan ang Sagradong Puso ni Hesus na inukit ni Rizal noong siya ay isang estudyante. Dala-dala pala ito ni Padre Viza at ibinigay kay Rizal at siya namang tinanggap.

8:00AM – Umalis na din si Padre Viza at dumating naman si Padre Antonio Rosell na siyang nagyaya kay Rizal na mag-agahan. Matapos ang agahan, dumating naman ang tagapagtanggol ni Rizal na si Ten. Luis Taviel de Andrade at siya ay pinasalamatan sa serbisyong ibinigay niya sa kanya.

9:00AM – Dumating si Padre Federico Faura, na siyang nagpa-alala kay Rizal sa sinabi niya sa kanya noon na mapupugutan siya ng ulo ng dahil sa Noli Me Tangere. Tinawag ni Rizal ang Padre na isang “propeta” dahil sa kanyang babala noon pa man ngunit hindi lang pinakinggan.

10:00AM – Dinalaw naman siya ng isa sa mga guro niya sa Ateneo na si Padre Jose Vilaclara kasama si Vicente Balaguer na isa namang paring heswita sa Dapitan na napalapit kay Rizal noong siya ay naka-destino doon. Pag-alis nila ay nakausap naman niya ang isang mamamahayag na Espanyol ng El Heraldo de Madrid na si Santiago Mataix.

12:00PM-3:30PM – Naiwang magisa sa selda si Rizal, at matapos niya kumain ay dito na siya naging abala sa pagsusulat. Sa mga oras na ito ay maaaring naisulat ni Rizal ang kanyang huling paalam na itinago sa alkohol nalutuan na regalo ng asawa ni Juan Luna na si Paz Pardo de Tavera.

- Ang huling liham niya kay Propesor Blumentritt, sa wikang Aleman na naglalaman ng kanyang huling paalam kasama ng isang aklat.

3:30PM – Bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago upang kausapin muli si Rizal. Ang kanyang dahilan ay upang talakayin ang pagbawi ni Rizal sa mga ideyang anti-Katoliko sa kanyang sulatin at pagsapi sa Masonerya.

4:00PM – Dumating ang ina ni Rizal. Nang kanyang hagkan ay pilit na pinaghiwalay sila ng guwardiya at siyang dahilan ng pagiiyakan nila. Pumasok na rn sa selda si Trinidad para sunduin ang ina, ibinigay ni Rizal ang alkohol na lutuan na siyang naglalaman ng kanyang huling pamamaalam.

- Pagkaalis ni Doña Teodora at Trinidad ay dumating naman sila Padre Vilaclara, Padre Estanislao March at Padre Rosell.

6:00PM – Dumating naman si Don Silvino Lopez Tuñon, and Dekano ng Katedral ng Maynila. Umalis na sina Padre Balaguer at Padre March at naiwan si Padre Vilaclara kasama nina Rizal At Don Tuñon.

8:00PM – Ang huling hapunan ni Rizal. Sa mga oras na rin na ito ay ipinaalam ni Rizal kay Kapitan Dominguez na pinapapatawad na niya ang kanyang mga kaaway kasama na rin rito ang mga huwes-militar na nagsentensiya sa kanya ng kamatayan.

9:30PM – Ang sumunod na panauhan ni Rizal ay si Don Gaspar Cesteño, ang piskal ng Royal Audiencia de Manila. Matapos ng kanilang magandang usapan ay napaniwala ang piskal sa angking katalinuhan ni Rizal.

10:00PM – Pinadala ni Padre Balaguer kay Rizal ang burador ng pagbawi na ipinadala ng Arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino Nozaleda, ngunit hindi ito nilagdaan ni Rizal dahil hindi niya ito nagustuhan.

- Ayon naman kay Padre Balaguer, nagpakita siya ng mas maikling burador na inihanda ni Padre Pio Pi (Superyor ng mga Heswita sa Pilipinas). At makaraan ng ilang pagbabago ay isinulat ni Rizal ang k anyang retraksiyon, na kung saan itinatakwil na niya ang Masonerya at mga relihiyosong ideang anti-Katoliko.*

*Ang Sulat na ito, ay naging malaking debate sa mga Rizalista sapagkat sa mga Rizalistang Mason o anti-Katoliko, ang dokumentong ito ay huwad. At para naman sa mga Rizalistang Katoliko, ito daw ay tunay na dokumento.

• December 30, 1896

3:00AM – Nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal at nangumunyon.

5:30AM – Ang huli niyang agahan. Pagkatapos nito ay sumulat siya para sa kanyang pamilya at isa pa para sa kanyang kapatid na si Paciano.

Liham sa Pamilya:- Paghihingi ng tawad ni Rizal sa bigat ng pagdurusang naidulot niya sa pamilya.- Ang huling habilin niya ukol sa kanyang libing.

Liham kay Paciano:- Pagpapasalamat sa lahat ng naidulot ni Paciano kay Rizal.- Paghihingi ng tawad kay Paciano at ang habilin na sabihin sa ama nila na mahal niya ito at hingan ng kapatawaran.

5:30AM – Dumating si Josephine Bracken kasama ang kapatid ni Rizal na si Josefa. Nagpaalam si Josephine kay Rizal na lumuluha. Ibinigay niya kay Josephine ang isang relihiyosong aklat na Imitation of Christ ni Padre Thomas a Kempis na kanyang nilagdaan.

6:00AM – Habang naghahanda ang mga sundalo para sa Pagmamartsa. Si Rizal ay sumalat para sa kanyang mga mahal na magulang.

Pagmartsa sa Bagumbayan

6:30AM – Nagsimula nang tumunog ang mga trumpeta sa Fuerza Santiago na siyang hudyat ng simula ng pagmartsa. Apat na armadong sundalo ang nanguna, sunod naman ay si Rizal na nasa pagitan ng kanyang tagapagtanggol, Ten. Luis Taviel de Andrade, at dalawang Heswitang pari, Padre March at Padre Vilaclara.-Si Rizal ay nakasuot ng itim na terno, sumbrero, sapatos,kurbata at putting polo. At nakagapos ang sa braso siko pa-siko tulad noong sa hukuman ngunit mas maluwag para maigalaw niya ang kanyang braso

- Nagmartsa sila mula Fuerza Santiago hanggang sa Plaza de Palacio sa harapan ng katedral ng Maynila kung saan napakaraming tao ang nagaabang.- Nadaanan din nila ang isang makitid na Tarangkahan ng Postigo na halos walang katau-tao at siyang nasabi na napakanda ng umagang iyon, ang tipong namamasyal sila ng kanyang kasintahan.- Kanila naman nadaanan ang Ateneo.- Narating nila ang Bagumbayan na malapit sa Look ng Maynila. Payapang pumunta sa katatayuan niya si Rizal, sa pagitan ng dalawang posteng de-lampara.

Pagigigng Martir ng Isang Bayan- Nagpaalam si Rizal sa kanyang mga kasama na sina Padre Vilaclara, Padre March at ang kanyang magiting na tagapagtanggol na si Ten. Luis Taviel de Andrade.-Binasbasan siya ng isang pari at pinahalikan ang krusipiho.- Humiling si Rizal na siya’y barilin na nakaharap sa mga sundalo, ngunit hindi siya pinagbigyan dahil sa istriktong pagsunod ng komandante sa utos ng ibinigay sa kanya.- Dr. Felipe Ruiz Castillo, isang doktor na Espanyol na siyang tumingin sa pulso ni Rizal at laking gulat nito na normal ang kanyang pulso, na siyang nagpapakita na hindi takot si Rizal sa kanyang kamatayan.

- Tumunog na ang mga tambol, at habang sila ay tumutunog ay may sumigaw ng “Magpaputok”. Sa kanyang pagkabaril ay ipinilit pa rin ni Rizal na humarap sa mga sundalo at nagawa niya ito. Sa kanyang pagbagsak ay nakaharap ang mukha niya sa sumisikat na araw.

7:03AM – Oras ng kamatayan. Sa edad na 35, 5 buwan at 11 araw.

*Ang kanyang araw ng kamatayan ay maaaring nakutuban niya dahil 14 na taon bago siya bitayin ay nanaginip noong ika-30 ng Disyembre na siya ay namatay.

Pagkaraang Mamatay ang isang Bayaning Martir

- Nagsaya ang mga Espanyol at nagsigawan ng “Mabuhay ang Espanya”. Dahil isang malaking tagumpay sa kanila ang kamatayan ng pinakamahigpit nilang kaaway. Nagpatugtog pasila ng masayang Marcha de Cadiz.- Hindi alam ng mga Espanyol na ito, na ang pagkamatay ni Rizal ang siyang naging pundasyon ng bansang nagsasarili. Ang kanyang mga naisulat ay nagudyok sa nasyonalismong Pilipino at naghawan ng landas para sa Rebolusyon ng Pilipinas.-Kanyang napatunayan na “mas mabisa ang panulat kaysa espada”.

“Mamamatay akong natatanawSa likod ng dilim

angbukangliwayway,Kung kailangan mo ang pulang

pangulay,Dugo ko’y gamitin sa

kapanahunanNang ang liwanag mo ay lalong

kuminang”

-Dr. Jose Rizal