4
15 August 2018 Publications MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN by: Darren M. Manimbo Teacher II, Mariveles National High School-Poblacion Paano nga ba magiging mabisa ang pagtuturo ng guro? Ito ba ay nakasalalay sa kaniyang mga mag-aaral, sa kaniya o sa parehong partido? Ano-ano ang palatandaan sa pagkatuto ng mga mag-aaral? Paano nga ba masasabi na ang guro ay epektibo sa kaniyang klase? Ayon kina Fernandez at Lim (2013), guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Samakatuwid, kinakailangang maging mabusisi at mapanuri ng guro hinggil sa sitwasyon, pag-uugali, kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral. Ito ay maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa gayundin sa malayang talakayan sa klase. Kinakailangang mabatid ng guro ang kahinaan at kalakasan ng kaniyang mga estudyante upang malaman niya ang tamang atake at naaangkop na istratehiya sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan. Sang-ayon kay Howard Gardner, mayroong siyam (9) na uri ng katalinuhan kaya naman kinakailangang maibigay ng guro ang kagustuhan ng mag-aaral ayon sa kanilang taglay ng katalinuhan. Walang maituturing na pinakamahusay na istratehiya sa lahat, sapagkat ito ay nakadepende sa guro at mag-aaral. Kung ibig ng guro na lahat ay pumasa o magkaroon ng mataas ng bilang ng batang pasado sa pagsusulit, dapat niyang ibaba ang kaniyang pamantayan. Hindi ang mag-aaral ang aakyat sa pamantayan ng guro sapagkat lubha itong mahirap para sa kanila. Sa madaling salita may maiiwan at maiiwan pa rin sa baba at ito ay hindi dapat pahintulutan ng guro. Maituturing na hindi tama ang sapantaha ng ilan na kapag marami ang bumagsak sa isang asignatura ay mahihinuhang mahusay ang

MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN · maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa

  • Upload
    buihanh

  • View
    311

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN · maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa

15 August 2018

Publications

MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN

by: Darren M. Manimbo

Teacher II, Mariveles National High School-Poblacion

Paano nga ba magiging mabisa ang pagtuturo ng guro? Ito ba ay nakasalalay sa

kaniyang mga mag-aaral, sa kaniya o sa parehong partido? Ano-ano ang palatandaan sa

pagkatuto ng mga mag-aaral? Paano nga ba masasabi na ang guro ay epektibo sa

kaniyang klase?

Ayon kina Fernandez at Lim (2013), guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa

mabisang pagtuturo. Samakatuwid, kinakailangang maging mabusisi at mapanuri ng

guro hinggil sa sitwasyon, pag-uugali, kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral. Ito ay

maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng

pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa gayundin sa malayang talakayan sa klase.

Kinakailangang mabatid ng guro ang kahinaan at kalakasan ng kaniyang mga estudyante

upang malaman niya ang tamang atake at naaangkop na istratehiya sa pagbabahagi ng

kaalaman at kasanayan. Sang-ayon kay Howard Gardner, mayroong siyam (9) na uri ng

katalinuhan kaya naman kinakailangang maibigay ng guro ang kagustuhan ng mag-aaral

ayon sa kanilang taglay ng katalinuhan.

Walang maituturing na pinakamahusay na istratehiya sa lahat, sapagkat ito ay

nakadepende sa guro at mag-aaral. Kung ibig ng guro na lahat ay pumasa o magkaroon

ng mataas ng bilang ng batang pasado sa pagsusulit, dapat niyang ibaba ang kaniyang

pamantayan. Hindi ang mag-aaral ang aakyat sa pamantayan ng guro sapagkat lubha

itong mahirap para sa kanila. Sa madaling salita may maiiwan at maiiwan pa rin sa baba

at ito ay hindi dapat pahintulutan ng guro. Maituturing na hindi tama ang sapantaha ng

ilan na kapag marami ang bumagsak sa isang asignatura ay mahihinuhang mahusay ang

Page 2: MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN · maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa

15 August 2018

Publications

guro sapagkat hindi lahat ay nakakamit ng kaniyang pamantayan. Sa katotohanan kung

talagang mahusay ang guro dapat lahat ng mag-aaral na kaniyang tinuturuan ay

makapapasa, maging iyong mga mag-aaral na hirap makaunawa ay mapatututo niya. Ito

ay nangangailangan ng mahaba-habang pasensiya at panahon. Kaya naman inasahan

ang guro na maglalaan ng karagdagang oras upang matutukan ang mga mag-aaral na

nangangailangan ng ibayong paggabay.

Ayon kay Nadayao (2007), ang epektibong pag-aaral ay nakabase sa epektibong

ugnayan ng mga mag-aaral at ng guro. Ito ay nakasalalay sa maayos na relasyon ng guro

at mga mag-aaral. Papasok dito kung paano sisimulan ng guro ang kaniyang pagtuturo.

Kung magtuturo ba siya nang makalat ang klase at hindi handa ang lahat o magsisimula

ba siya kahit walang nakikinig sa kaniya? Tandaan natin na ang kinikilos ng mga mag-

aaral sa loob ng klasrum ay nakadepende sa ugali ng kaniyang guro sa silid-aralan. Kung

alam ng mag-aaral na kaya niyang magpasaway sa guro, hindi niya ito pag-uukulan ng

pansin. Taliwas naman kung alam niyang hindi siya uubra, sa halip magpapakita siya ng

kaiga-igayang pag-uugali. Paano ito makakamit? Ito ay magsisimula sa guro. Kung gusto

ng guro na igalang siya, dapat lamang siyang magpakita ng respeto sa mga mag-aaral

nang sa ganoon ay mawalan ng dahilan para siya ay mabastos. Ikalawa, pagsabaying

ipatupad ang disiplina at pagtuturo sa loob ng klase. Laging isipin na kung ano ang sinabi

sa kanila ay hindi dapat mabali nang basta-basta upang mabuo ang pagtitiwala ng mga

mag-aaral sa guro. Malaking bagay rin ang pagpasok sa klase sa tamang oras o bago

sumapit ang takdang oras. Iwasan ang pagliban lalo na kung hindi naman kailangan

upang tumatak sa isipan ng mga mag-aaral ang magandang imahe ng guro sa kanila.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat upang mahikayat ng mga guro ang kanilang mag-

aaral na makinig ay ang pagkakaroon ng “mastery of the lesson”. Dito natin sila unang

mapupukaw. May mga mag-aaral na sinusubok lagi ang kakayahan at abilidad ng guro.

Ayon nga sa kasabihan “kung ano ang unang nakita sa iyo, ito ang matatandaan ng mga

tao habambuhay”. Kaya napakaimportante na sa unang pagtuturo pa lamang ng guro

Page 3: MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN · maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa

15 August 2018

Publications

ay maibigay na niya nang buong puso ang pagtuturo sa aralin at mas pag-igihan pa sa

susunod para hindi makaramdam ng pagkabagot ang mga mag-aaral.

Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ng mag-aaral ay ibig ang

asignaturang Filipino dahil sa dami ng panitikan at malalalim na balarila. Kaya naman

ang guro ay nahaharap sa isang malaking hamon kung paano gigisingin ang diwa ng

mga mag-aaral sa loob ng isang oras nang walang paghihikab na nagaganap sa parte ng

mga mag-aaral. Naniniwala si Geronimo (2015) na hindi makaaasang magiging mahusay

na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo, ang mga guro.

Kapag nakuha ang interes ng mga mag-aaral, susunod nang papasok dito ang pakikinig

at pagbibigay ng atensyon sa guro. Makabubuti kung ang guro ay gagawa ng mga paraan

upang maituro ang isang mahirap na aralin sa madaling paraan. Kung panitikan naman

ang pinag-uusapan, maaari niya itong maibuod nang hindi nawawala ang mahahalagang

detalye. Kung balarila naman, nararapat lamang na magbigay ng maraming halimbawa

at mas kasiya-siya rin kung tututukang isa-isa ang mga mag-aaral upang mabatid ng guro

kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Kapag nahustuhan na ang guro, maaari

na siyang magbigay ng pagsusulit. Paano kung may bumagsak? Magsagawa ng remedial

class. Uulitin ang pagtuturo at sa pagkakataong ito ay dapat gawin sa mas magaan at

mababaw na paraan ng paglalahad ng mga impormasyon. Ito ay makatutulong upang

mahawakan ang kaalaman at mapagaan ang proseso ng pagkatuto hanggang sa

makapasa sa pagsusulit. Paano kung muling bumagsak ang mag-aaral? Ulitin lamang

ang proseso. Huwag mawalan ng pag-asa. Ito ang magiging daan upang makita ng bata

ang iyong ginagawa at sa huli siya ay magsusumikap pang lalo dahil ramdam niya ang

pagpapahalaga ng kaniyang guro sa kaniya bilang mag-aaral.

Ang epektibong guro ay hindi makikita sa dami ng kaniyang naiturong aralin, ito

ay mababanaag sa hawak na kaalaman at kasanayan ng mga mga-aaral na maaari nilang

magamit sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa realidad ng buhay.

Page 4: MGA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGBABAHAGI NG KAALAMAN · maaring matukoy sa mga unang linggo ng pagtuturo tulad halimbawa sa mga resulta ng pagsusulit, pakikipag-uusap nang isa sa isa

15 August 2018

Publications

References:

Jee Y. Geronimo (2015). Mga Guro, Maging Malikhain Sa Pagtuturo ng Filipino.

Rappler. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/101762-guro-

maging-malikhain-pagtuturo-filipino.

Lilibeth E. Nadayao (2007). Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng

Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan State University. Palawan

State University. Master’s Thesis.

Fricx Mhel A. Fernandez at Lianne Frances S. Lim (2013). Pag-unawa sa Suliranin

ng mga Di-Medyor na Guro sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Pamantasang

De La Salle – Dasmariñas. Master’s Thesis, p. 1.