6
AGRICULTURAL FREE PATENT REFORM ACT Republic Act No. 11231 MGA DAPAT MALAMAN SA

MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

AGRICULTURAL FREE PATENT REFORM ACTRepublic Act No. 11231

MGA DAPAT MALAMAN SA

Page 2: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

Ano ang Agricultural Free Patent Reform Act?Tinanggal ng Agricultural Free Patent Reform Act o Republic Act (RA) No. 11231 ang mga limitasyon sa mga lupang patente sa ilalim ng Commonwealth Act (CA) No. 141 o Public Land Act of 1936.

Pagkatanggap ng agri free patent, maari na itong gamiting pangkolateral o ibenta. Hindi na kailangang maghintay ng limang taon;

Maaari na ring magmay-ari ang mga asosasyon at korporasyon ng lupa galing sa agri free patent.

Aalisin na ang karapatang bawiin sa pamamagitan ng balik-benta sa loob ng limang taon ang agri free patent na naibenta na, maliban na lamang kung may transaksyon sa lupa (pagbebenta) na naganap bago naisabatas ang RA 11231 (maaari pa ring gamitin ang karapatang bilhin muli ang lupa na nakapaloob sa Sec 119 ng CA 141); at

Bakit tinanggal ang mga limitasyon o restriction sa agricultural free patent?

Unti-unti nang tinatanggal ng Gobyerno ang mga limitasyon o paghihigpit sa paglipat at balik-benta sa mga public land na ipinagkaloob nito

Agricultural Free Patent Reform Act

Nababawasan ang kita ng Gobyerno mula sa mga buwis at bayad sa pagrerehistro ng transaksyon ng lupa dahil ito ay nagaganap sa impormal na merkado

Napagkakaitan o nalilimitahan ang pagkakataong makautang ang mga may hawak ng agri free patent sa formal credit institutions

Mataas ang posibilidad na maibenta ng may agri free patent ang kanyang lupa sa impormal na merkado at sa mas mababang halaga

Page 3: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

SPONSORS

Ano ang agricultural free patent?

Ang agricultural free patent ay lupang iginagawad sa mga magsasaka sa ilalim ng Public Land Act. Upang magkaroon ng karapatan sa isang agri free patent, marapat lang na ikaw ay isang:

• Pilipino;• naninirahan at nililinang ang lupa sa loob ng 30 taon; at• nagbabayad ng buwis ng 30 taon.

Ano ang pagkakaiba ng agricultural free patent at ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA?

Ang agricultural free patent ay mula sa public land na ipinagkaloob ng Gobyerno sa mga magsasaka na matagal nang nagmamay-ari at nagsasaka ng lupang agrikultural at nagbabayad ng amelyar sa loob ng 30 taon.

Ang CLOA naman ay lupang sakahan na iginawad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasakang walang lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ibig sabihin, ang sakop lamang ng batas na ito ay agri free patent. Hindi kasama ang CLOA.

Sen. Richard GordonSen. Paolo Benigno Aquino IVCong. Joey SalcedaCong. Christopher BelmonteCong. Romero QuimboCong. Arthur Yap

Ano ang kaibahan ng agricultural free patent sa residential free patent?

Ang residential free patent ay iginagawad sa mga public land na na-zone bilang residential, inookupahan ng higit sa 10 taon at alinsunod sa naipairal na area limitations.

Cong. Monsour del Rosario IIICong. Ferdinand HernandezCong. Reynaldo UmaliCong. Orestes SalonCong. Delphine LeeCong. Luis Villafuerte, Jr.

Page 4: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

REFORM PARTNERSLand Management BureauRural Bankers Association of the PhilippinesPhilippine Solar Power AllianceDr. Ramon ClareteDr. Rolando DyDr. Raul FabellaDr. Bruce Tolentino

Ang RA 11231 ba ay retroactive?

Oo. Ang RA 11231 ay retroactive. Ibig sabihin, ang mga agri free patent na ipinagkaloob bago maisabatas ang Agricultural Free Patent Reform Act ay mawawalan na rin ng mga limitasyon.

Kung kakabenta ko lang ng agricultural free patent, mababawi ko ba ito?

Oo naman. Para sa mga transaksyon na nangyari bago magkaroon ng bisa ang batas, may karapatan ka parin bawiin ang lupang ibinenta mo.

Saklaw ba ng batas na ito ang land conversion?

Hindi saklaw ng bagong batas ang land use conversion o ang pagpalit ng gamit ng lupa mula sa agricultural patungo sa iba pang agricultural o non-agricultural na gamit.

Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para sa batas na ito?

Hindi na dahil ang RA 11231 ay naging epektibo matapos itong pirmahan ni Pangulo Rodrigo Duterte at mailathala sa pahayagan ng naaayon sa batas. Ang karapatan na nilikha sa ilalim ng batas na ito ay awtomatikong makukuha ng mga nagmamay-ari ng agri free patent. Tukoy na din sa probisyon ng batas kung anong klaseng titulo ng lupa (agri free patent) ang tinanggalan ng limitasyon.

Agricultural Free Patent Reform Act

Page 5: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

FoundationforEconomicFreedom RPeconfreedom www.fef.org.ph

MGA BENEPISYO NG

KALAYAAN SA PAGPILI

BUO ANG PAGMAMAY-ARI SA LUPAKarapatang gamitin, ilipat at paalisin ang iba

PAGKAKATAONG MAKA-ACCESS SA PORMAL NA PAUTANGPara sa pagpapaunlad ng lupang sakahan

MATAAS ANG TIWALANG MAMUMUHUNAN

MIN MAXLAND

MAS MATAAS NA HALAGANG LUPA

MAS MALAYANG KALAKALAN

RA 11231

Page 6: MGA DAPAT MALAMAN SA AGRICULTURAL FREE PATENT … · Kailangan pa ba ng mga angkop na ahensya ng Gobyerno (hal. DENR o LRA) na mag-isyu ng implementing rules and regulations para

ABOUT FEFAng Foundation for Economic Freedom ay isang organisasyong nagtataguyod at naglalayong isulongang kalayaang pang-ekonomika at politikal, mabuting pamamahala, malinaw at siguradong karapatan sa pag-aari, at market-oriented na reporma.

May suporta ng:

I-like at sundan ang amingsocial media page:

/AgriFreePatentReform/FoundationforEconomicFreedom

MGA BENEPISYO NG

MAS MATAAS NA HALAGANG LUPA

RA 11231

@RPeconfreedom

www.fef.org.ph

Makipag-ugnayan sa amin:Rm 105 Philippine Social Science Center,

Commonwealth Ave., Diliman, 1100Quezon City, Philippines

(02) 453-2375 | [email protected]