20
© 2018 Overcoming Obstacles Pagiging Responsable Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang ARALIN 1 PAGIGING RESPONSABLE | SHEET NG AKTIBIDAD 11 Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad Aking Komunidad Aking Sarili Aking Mga Kapamilya at Kaibigan

Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagiging Responsable Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 1 PAgiging resPonsAble | sheet ng AktibidAd 11

Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

Aking Komunidad

Aking Sarili

Aking Mga Kapamilya at Kaibigan

Page 2: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 2 PAg-unAwA sA kAlAgAyAn ng ibA | sheet ng AktibidAd 18

6 o 9?

SiyamAnim SiyamAnim

Page 3: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 2 PAg-unAwA sA kAlAgAyAn ng ibA | sheet ng AktibidAd 19

5 hakbang para maunawaan ang kalagayan ng iba

HAKBANG 1: MAKINIG AT MAGMASID!• Ano ang sinasabi ng iyong kaibigan?• Paano mo ilalarawan ang kanyang mga ikinikilos?

HAKBANG 2: MAKIRAMDAM!• Ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon ng iyong kaibigan.• Kailan ka nakaranas ng katulad na sitwasyon?

HAKBANG 3: ISAISIP!• Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng iyong kaibigan sa

ngayon?• Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa kanyang

sitwasyon?

HAKBANG 4: MAGTANONG!• Kumustahin ang kalagayan ng iyong kaibigan.

HAKBANG 5: KUMILOS!• Makinig nang mabuti sa mga saloobin ng iyong kaibigan.

Tingnan siya sa mga mata.• Ipakita sa iyong kaibigan na mahalaga siya sa iyo sa pamamagitan

ng iyong mga salita at gawa.

Page 4: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 2 PAg-unAwA sA kAlAgAyAn ng ibA | sheet ng AktibidAd 20

Mga Card ng Mga Sitwasyong Nagpapakita ng Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba

Nagseselos si Sara, ang iyong matalik na kaibigan, sa bago mong kaibigang si Leila. Isang araw habang nakapila sa carpool, nagsimulang mangutya at magbitaw si Sara ng hindi magagandang komento tungkol sa sasakyang minamaneho ng ina ni Leila. Narinig siya ni Leila, na labis namang napahiya; kamakailan lang kasi nawalan ng trabaho kanyang ina. Ano ang dapat mong gawin?

Pinagtatawanan ng iyong matalik na kaibigang si Mateo ang kaklase ninyong si Jaden dahil mabagal siyang magbasa. Natatawa ka rin noong una, pero hindi nagtagal ay lalong naging mapanakit ang mga komento ni Mateo. Sa katunayan, nahihiya nang magbasa si Jayden sa klase, at yumuyuko na lang siya sa tuwing tinatawag siya para sumagot ng tanong. Natatawa pa rin ang ibang mag-aaral sa klase sa mga komento at pangungutya ni Mateo sa tuwing kailangang magbasa ni Jayden. Ano ang dapat mong gawin?

Pinapalibutan ng isang bully sa paaralan at ng ilan sa kanyang mga kaibigan ang isang mag-aaral habang recess. Pinagtatawanan nila ang marumi niyang sapatos. Ano ang dapat mong gawin?

Pumipili ng team ang mga bata para sa larong baseball sa P.E. Dalawang mag-aaral na lang ang natitira, pero ayaw silang piliin ng mga lider ng team. Ano ang dapat mong gawin?

Ipagdiriwang ni Shania ang kanyang kaarawan. Inimbitahan ang buong klase maliban sa isang mag-aaral. Ano ang dapat mong gawin?

May pumasok na bagong-lipat na mag-aaral sa iyong silid-aralan, marami siyang tigyawat at malaki ang kanyang mga salamin sa mata. Nagsimulang tumawa ang ilan sa ibang bata sa klase. Mag-isa lang siya tuwing tanghalian. Ano ang dapat mong gawin?

Online ka at nakatanggap ka ng isang mensahe kung saan pinagtatawanan ang isa mong kaklase, na ipinadala rin sa iba pang mag-aaral sa iyong klase. Hindi alam ng iyong kaklase ang tungkol sa lihim na group message. Ano ang dapat mong gawin?

Nagpagupit si Kayla, at mas maikli ang kinalabasan nito kaysa sa inaasahan dahil napaikli ang gupit ng parlorista. Sinasabi ng lahat ng iyong kaibigan na nagmukha siyang lalaki. Labis itong ikinalungkot ni Kayla. Ano ang dapat mong gawin?

Page 5: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 2 PAg-unAwA sA kAlAgAyAn ng ibA | sheet ng AktibidAd 21

Pagsusuri ng Mga Sitwasyong Nagpapakita ng Pag-unawa sa Kalagayan ng Iba

Pangalan: __________________________________________________________

1. Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng indibidwal sa iyong sitwasyon?

2. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon?

3. Kung masasaksihan mo ang sitwasyong ito sa totoong buhay, ano kaya ang maaari mong gawin para maipakitang nauunawaan mo ang kalagayan ng iba?

Page 6: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paggalang Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 4 PAggAlAng | sheet ng AktibidAd 34

Pagpapakita ng Paggalang

Paano Ako Makakapagpakita ng Paggalang?

Sa Paaralan

PAARALAN

Sa Bahay

Sa Komunidad

Page 7: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paggalang Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 4 PAggAlAng | sheet ng AktibidAd 35

Mga Card ng Mga Sitwasyong Nagpapakita ng Paggalang

Card 1Pinakuha ng guro ni Johnny sa klase ang

kanilang aklat sa matematika at lapis. Galit si Johnny dahil nakalimutan niyang gawin ang

kanyang takdang-aralin, at hindi niya inilabas ang kanyang aklat sa matematika o lapis. Nang ipaalala ng guro ang ipinapagawa

niya kay Johnny, hindi pa rin siya sumunod. Magalang ba ang ginawang iyon ni Johnny?

Ano ang dapat gawin ni Johnny para makapagpakita ng paggalang sa kanyang

guro?

Card 2Nasa parke si Sarah; ibinato niya sa lapag

ang supot ng potato chip pagkatapos kumain, at tumakbo siya para maglaro sa mga duyan. Magalang ba ang ginawang iyon ni Sarah? Ano ang dapat gawin ni

Sarah para maipakitang iginagalang niya ang komunidad?

Card 3Tumatakbo si Ben sa hallway papuntang

banyo. Pinakiusapan siya ng isang gurong hindi niya kakilala na maglakad na lang.

Hindi pinansin ni Ben ang guro at nagpatuloy siya sa pagtakbo. Magalang ba ang

ginawang iyon ni Ben? Ano ang dapat gawin ni Ben para makapagpakita ng paggalang sa

paaralan?

Card 4Pinatago ng guro ni Anna sa klase ang kanilang mga tablet at pinabalik sila sa

kanilang mga upuan. Gusto nang tapusin ni Anna ang nilalaro niya, kaya hindi siya

nakinig sa guro at nagpatuloy siya sa paglalaro. Magalang ba ang ginawang iyon ni Anna? Ano ang dapat gawin ni Anna para makapagpakita ng paggalang sa kanyang

guro?Card 5

Hindi nanalo ang team ni Eric sa baseball sa kanilang malaking laro. Galit na galit si Eric. Nang oras na para magkamayan ang mga team, umupo si Eric sa bench at tumanggi siyang makipagkamay sa kabilang team.

Magalang ba ang ginawang iyon ni Eric? Ano ang dapat gawin ni Eric para makapagpakita

ng paggalang?

Card 6Sinabihan si Sean ng kanyang ina na hindi

siya maaaring makipaglaro sa kanyang mga kaibigan hangga't hindi niya nililinis ang

kanyang kwarto. Ayaw maglinis ni Sean sa kanyang kwarto, pero gusto niyang maglaro

sa labas. Umakyat at naglinis si Sean sa kanyang kwarto gaya ng sinabi ng kanyang

ina. Magalang ba ang ginawang iyon ni Sean?

Card 7Nagluto ng pasta ang lola ni Serena para sa

hapunan. Hindi mahilig si Serena sa pasta. Sa hapag-kainan, sinigawan niya ang kanyang lola dahil sa pagluluto ng pasta at sinabihan siyang walang kwentang magluto. Magalang ba ang ginawang iyon ni Serena? Ano ang

dapat gawin ni Serena para makapagpakita ng paggalang sa kanyang lola?

Card 8Sa Show and Tell, natawa ang dalawang batang lalaki nang ibahagi ng kanilang

kaklase ang kanyang paboritong pelikula. Pinagtawanan nila ang isinagot na pelikula dahil nakakainip daw ito. Magalang ba ang ginawang ito ng mga mag-aaral sa kanilang kaklase? Ano ang dapat gawin ng mga lalaki

para makapagpakita ng paggalang?

Page 8: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Integridad Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 5 integridAd | sheet ng AktibidAd 41

Mga Halimbawang Sipi Tungkol sa Integridad

“Ang tunay na integridad ay ang paggawa ng tama, kahit alam mong wala namang makakaalam ginawa mo man ito o hindi.” —Oprah Winfrey

“Nakikita ang integridad sa pagkilos ng isang indibidwal batay sa kanyang mga prinsipyo, at hindi batay sa kanyang mga personal na interes.” —Hindi kilala

“Ang sinumang hindi mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay, ay hindi mapagkakatiwalaan sa mahahalagang usapin.” —Albert Einstein

“Walang pinipiling oras ang paggawa ng tama.” —Martin Luther King, Jr.

“Ang integridad ay ang paggawa ng tama, wala mang nakakakita.” —C. S. Lewis

“Ang karunungan ay ang pagkabatid sa landas na dapat tahakin…at ang integridad ay ang pagtahak sa landas na iyon.” —Hindi kilala

“Nakikita ang integridad hindi sa kung ano ang ipinapakita natin, kung hindi sa kung ano ang isinasabuhay natin.” —Sir Francis Bacon

“Kung matapat ka, iilan lang ang iyong magiging kaibigan, pero tiyak namang busilak ang kanilang kalooban.” —John Lennon

Page 9: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Integridad Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 5 integridAd | sheet ng AktibidAd 42

Mga Sitwasyong Sumusubok ng Integridad

Basahin ang mga sitwasyong ito sa iyong klase. Atasan ang mga mag-aaral na piliin ang kanilang gagawin sa bawat sitwasyon, at pumunta sa kaukulang bahagi ng silid—1 o 2.

1. Dumating ang iyong kaibigan, at ginamit ninyo ang computer ng iyong ina. Gusto ng iyong kaibigang bumisita sa isang website na alam mong ayaw ng iyong ina. Gayunpaman, sandaling pumunta ang iyong ina sa kapitbahay, kaya ikaw at ang iyong kaibigan lang ang nasa bahay. Ano ang pipiliin mo…

Opsyon 1: …bisitahin ang website? Wala sa bahay ang iyong ina, at malamang ay hindi niya malaman na binisita mo ito.

Opsyon 2: …sabihin sa iyong kaibigan na ibang website na lang ang inyong bisitahin o ibang bagay na lang ang inyong gawin? Mapapahamak ka kapag binisita mo ang website.

2. Hindi ka nakapag-aral para sa iyong pagsusulit sa bokabularyo, at sinabihan ka ng iyong lola na kailangan mong makakakuha ng “A” sa pagsusulit para makasama ka sa kanya sa mall sa paparating na weekend. Habang sinasagutan mo ang pagsusulit, napansin mong kitang-kita mo ang mga sagot ng mag-aaral na katabi mo. Ano ang pipiliin mo…

Opsyon 1: ...kopyahin ang mga sagot ng mag-aaral sa pagsusulit? Alam mong nag-aral siya at malamang ay tama ang kanyang mga sagot!

Opsyon 2: …sagutan ang mga tanong nang mag-isa? Hindi ka man makakuha ng “A,” hindi ka naman nangopya.

3. Nakita mong nagnakaw ang iyong matalik na kaibigan mula sa backpack ng isang mag-aaral sa iyong klase. Ano ang pipiliin mo…

Opsyon 1: …iuulat ang nakita mo sa iyong guro? Alam mong maaaring magalit ang iyong kaibigan, pero wala nang pambili ng tanghalian ang mag-aaral sa iyong klase.

Opsyon 2: …hindi magsasalita? Hindi naman ikaw ang nagnakaw!

Page 10: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagkakaroon ng Positibong Pananaw Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 6 PAgkAkAroon ng Positibong PAnAnAw | sheet ng AktibidAd 48

Sheet ng Mga Positibong Ideya

Matalino ako.

Masipag ako.

Palakaibigan ako.

Responsable ako.

Maaasahan ako.

Nakakaaliw ako.

Kaaya-aya ang aking hitsura.

Mahusay ako sa sports.

Magaling akong magbasa.

Matulungin ako.

Magaling ako sa matematika.

Magalang ako.

Marunong akong makisama.

Mabait ako.

Malikhain ako.

Page 11: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagkakaroon ng Positibong Pananaw Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 6 PAgkAkAroon ng Positibong PAnAnAw | sheet ng AktibidAd 49

Sheet ng Mga Negatibong Ideya

Wala akong alam.

Wala na akong ginawang tama.

Hindi ako mahusay sa sports.

Walang gustong makipagkaibigan sa akin.

Nahihirapan ako sa lahat ng bagay.

Hindi ako marunong gumuhit.

Masama ang pakikitungo ng lahat sa akin.

Palagi akong sinisigawan ng aking guro.

Ayaw ko sa matematika.

Ayaw makipaglaro sa akin ng kuya ko.

Nakakainip tuwing recess.

Hindi ako magaling magbasa.

Hindi ako papasa sa paaralan.

Palagi akong inuutusan sa bahay.

Wala pa akong ginagawang kinasisiyahan ko.

Page 12: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagsisikap at Mga Nakamit Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 7 PAgsisikAP At MgA nAkAMit | sheet ng AktibidAd 55

Ang Mga Layunin ng Pagsisikap

Ang aking pangmatagalang layunin ay: ________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Kapag nakamit ko na ang aking layunin…

Page 13: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagsisikap at Mga Nakamit Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 7 PAgsisikAP At MgA nAkAMit | sheet ng AktibidAd 56

NAKAMIT NA PANGMATAGALANG LAYUNIN:

Panandaliang Layunin 5:

Panandaliang Layunin 3:

Panandaliang Layunin 2:

Ang Mga Layunin ng Pagsisikap Kapag nakamit ko na ang aking layunin...

Panandaliang Layunin 1:

Panandaliang Layunin 4:

Page 14: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paglutas ng Mga Salungatan Ikatlong Hakbang—Ikalimang Hakbang

ArAlin 9 PAglutAs ng MgA sAlungAtAn | sheet ng AktibidAd 68

Halimbawang “Mensahe Mo”

Basahin ang pag-uusap ni Naomi (mga puting mensahe) at ng kanyang kaibigan (mga asul na mensahe).

Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang kaibigan ni Naomi?

Page 15: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paglutas ng Mga Salungatan Ikatlong Hakbang—Ikalimang Hakbang

ArAlin 9 PAglutAs ng MgA sAlungAtAn | sheet ng AktibidAd 69

Pagsasanay na “Mensahe Ko”Mga tagubilin: Basahin ang mga sumusunod na halimbawa.

Ipagpalagay na nangyayari ang mga ito sa iyo; pagkatapos ay magsulat ng sarili mong “Mensahe Ko” para sa bawat halimbawa.

HALIMBAWA:

Gusto ng iyong inang magpagupit ka bago ka bumisita sa iyong lolo't lola. Pero ayaw mong galawin ang iyong buhok.

Ako ay ___________________________________________________

kapag ____________________________________________________

dahil _____________________________________________________

1. Pinagtatawanan ng isang kasama mo sa team ang mga sapatos na

isinusuot mo sa mga pagsasanay.

Ako ay _________________________________________________

kapag _________________________________________________

dahil __________________________________________________.

2. Ayaw kang pasalihin ng iyong mga klase sa kanilang laro tuwing recess.

Ako ay _________________________________________________

kapag _________________________________________________

dahil __________________________________________________.

3. Tinatawag kang “nerd” ng iyong kapatid dahil mahilig kang magbasa.

Ako ay _________________________________________________

kapag _________________________________________________

dahil __________________________________________________.

nalulungkotpinapabago ninyo ang istilo ng aking buhok

gusto ko ang aking buhok sa ngayon.

Page 16: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paglutas ng Mga Salungatan Ikatlong Hakbang—Ikalimang Hakbang

ArAlin 9 PAglutAs ng MgA sAlungAtAn | sheet ng AktibidAd 70

paglutas ng salungatanManghuhula

Humingi ng

paumanhinAsu

l

Purple

Orange

BrownBerd

e

Pink

Pula

Dilaw

Makipag

kompromiso

Makipag

-

usap sa

iba

tungkol

dito

Humingi

ng tulong

o payo

Hayaan

munang

mawala ang

tensyon

Makipag

kasu

ndoMak

ipagsa

litan/

magbigay

an

Ibahagi ito!

3 4

5 6

1 2

7 8

Page 17: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Paglutas ng Mga Salungatan Ikatlong Hakbang—Ikalimang Hakbang

ArAlin 9 PAglutAs ng MgA sAlungAtAn | sheet ng AktibidAd 71

Mga Emoji na Nagpapakita ng Emosyon

Page 18: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagharap sa Impluwensya ng Mga Kaibigan Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 10 PAghArAP sA iMPluwensyA ng MgA kAibigAn | sheet ng AktibidAd 78

Listahan ng Mga Sitwasyong Nagpapakita ng Impluwensya ng Mga Kaibigan

1. Naglalaro ka at ang iyong mga kaibigan ng soccer sa isang field malapit sa inyong bahay. Pinapauwi ka sa inyo bago dumilim. Nang papalubog na ang araw, niyaya kayo ng isang batang maraming kaibigan sa komunidad na pumunta sa kanilang bahay at maglaro ng mataya-taya sa kanilang bakuran. Napagpasyahan ng lahat ng iyong kaibigan na sumama, pero alam mong dapat kang umuwi bago dumilim.

2. Habang nagkaklase kayo sa computer, bumisita ang isa sa iyong mga kaklase sa isang website na alam mong hindi maaaring bisitahin sa paaralan. Gusto niyang bumisita ka rin sa naturang website para mapapanood niya sa iyo ang isang “astig” na video. Sabi ng iyong kaklase, sipsip ka sa guro kung palagi kang susunod sa mga panuntunan ng paaralan.

3. Gustong-gusto ni Geraldo na magkaroon ng isang pares ng soccer cleats. Inihatid siya ng kanyang lola sa isang lokal na mall, at binigyan siya ng pera para bilhin ang nabanggit na sapatos. Habang naglalakad siya papunta sa shoe department, nakakita siya ng isang grupo ng mga manlalaro ng soccer na pare-pareho ang suot na shorts. Bagama't matagal na niyang gustong bumili ng soccer cleats, gusto rin ni Geraldo na maging astig at maging katulad ng iba pang manlalaro ng soccer.

4. Sa bus papasok ng paaralan, tinanong si Naquan ng kanyang kaklase kung maaari siyang kumopya ng takdang-aralin. Gustong tumanggi ni Naquan dahil alam niyang pandaraya iyon. Pero sinabihan siya ng kanyang kaklase na “Mga nerd lang ang hindi nagpapakopya. Gusto mo bang tawaging nerd?”

5. Habang nasa isang school dance si DeAnna, sinubukan ng bagong-lipat na mag-aaral sa kanyang paaralan na lumapit at sumama sa dance circle nilang magkakaibigan. Umirap ang lahat ng kaibigan ni DeAnna, at lumipat sila ng puwesto para hindi makalapit ang nabanggit na mag-aaral. Napansin ni DeAnna na mukhang malungkot ang mag-aaral, pero ayaw niyang maging “loser” sa kanyang mga kaibigan.

6. Tahimik na nakaupo at nagbabasa si Rachel sa klase gaya ng sinabi ng guro nang bigla siyang abutan ng kanyang matalik na kaibigan, na nakaupo sa tabi niya, ng sulat para iabot sa ibang mag-aaral. Ayaw mapahamak ni Rachel, pero binantaan siya ni Leilani na hindi na sila magiging matalik na kaibigan kapag hindi niya ipinasa ang sulat.

Page 19: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagiging Mabuting Kaibigan Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 11 PAgiging MAbuting kAibigAn | sheet ng AktibidAd 85

Web ng Mga Katangian

Katangian

Katangian

Katangian

(Mga) halimbawa• ________________

________________• ________________

________________

(Mga) halimbawa• ________________

________________• ________________

________________

(Mga) halimbawa• ________________

________________• ________________

________________

Page 20: Mga Bilog na Kumakatawan ng Responsibilidad

© 2

018 O

verc

omin

g O

bsta

cles

Pagiging Mabuting Mamamayan Ikatlong Baitang—Ikalimang Baitang

ArAlin 12 PAgiging MAbuting MAMAMAyAn | sheet ng AktibidAd 91

Chart ng pagkamamamayan

Mapapabuti ko ang mundong ito sa pamamagitan ng…

Sa paaralan Sa bahay Sa aking komunidad