2
Ang rice-duck technology ay isang paraan sa integrated farming na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka at nakatutulong sa pamamahala ng climate change. Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang maging moderno ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan sa pangunguna ni Dr. Takao Furno ng Japan. Noong 2011, sinimulan naman ng PhilRice na pag-aralan ang rice-duck technology. Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology Pinupuksa ng mga pato ang mga insekto, golden apple snail, at mga damo sa palayan Ang paggalaw ng mga pato o itik ay nagpapalago ng root system. Mas madaling makukuha ng palay ang mga sustansya sa lupa Nagbibigay ito ng karagdagang sustansya sa lupa at sa pananim Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka Nakakapagpataas ito ng ani

Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology · Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology · Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang

Ang rice-duck technology ay isang paraan sa integrated farming na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka at nakatutulong sa pamamahala ng climate change.

Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang maging moderno ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan sa pangunguna ni Dr. Takao Furno ng Japan. Noong 2011, sinimulan naman ng PhilRice na pag-aralan ang rice-duck technology.

Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology

• Pinupuksa ng mga pato ang mga insekto, golden apple snail, at mga damo sa palayan

• Ang paggalaw ng mga pato o itik ay nagpapalago ng root system. Mas madaling makukuha ng palay ang mga sustansya sa lupa

• Nagbibigay ito ng karagdagang sustansya sa lupa at sa pananim

• Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka

• Nakakapagpataas ito ng ani

Page 2: Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology · Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang

Mga hakbang sa pagsasagawa ng rice-duck technology

Sinuri ni: Rizal Corales, Agronomy, Soils, and Plant Physiology Division

1. Sa isang ektarya, maaaring mag-alaga ng 500-1,000 pato. Iba’t-iba ang uri ng mga pato na maaaring alagaan sa bukid. Ilan sa mga ito ay ang mallard duck o itik at muscovy duck o bibi/pato.

2. Sampu hanggang labinlimang araw matapos ang pagsilang ng mga pato, maari silang pakawalan 10-20 araw matapos ang paglilipat-tanim.

3. Alisin ang pato sa palayan kapag nasa heading stage na ang palay.