21
Mga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga kasama: ang Curie Museum, University of Paris-Diderot, University Pierre and Marie Curie, at ang University Paris 11 Orsay. Ang mga pahayag ni Marie Curie ay mula sa Marie Curie’s Lessons ni Isabelle Chavannes na inilathala ng EDP Science Editions, 2003. Pagmamay-ari ng Curie Museum sa Paris ang mga larawan ni Marie Curie. Isinalin sa Filipino sa pamumuno ng Southeast Ministers of Education Organization - Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO INNOTECH), Quezon City, Philippines. www.maison-des-sciences.ac-versailles.fr © La Maison des Sciences 2011 La Maison des Sciences 20 rue Benoît Malon 92290 Châtenay-Malabry (FRANCE) (33) 1 40 94 91 56

Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

  • Upload
    vanbao

  • View
    237

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Mga Aralin ni

Marie Curie

Pagtatanghal-Pagsasanay

Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga kasama: ang Curie

Museum, University of Paris-Diderot, University Pierre and Marie Curie, at ang University Paris 11 Orsay.

Ang mga pahayag ni Marie Curie ay mula sa Marie Curie’s Lessons ni Isabelle Chavannes na inilathala ng EDP Science Editions, 2003. Pagmamay-ari ng Curie Museum sa Paris ang mga larawan ni Marie Curie.

Isinalin sa Filipino sa pamumuno ng Southeast Ministers of Education Organization - Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO INNOTECH), Quezon City, Philippines.

ww

w.m

aiso

n-de

s-sc

ienc

es.a

c-ve

rsai

lles.f

r

©

La

Mai

son

des S

cienc

es 2

011

La Maison des Sciences20 rue Benoît Malon92290 Châtenay-Malabry (FRANCE)(33) 1 40 94 91 56

Page 2: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ipinanganak si Marie Curie sa Warsaw, Poland noong ika-7 ng Nobyembre, 1867. Kilala siya noon sa pangalang Marya Sklodowska. Nag-aral siya sa Sorbonne University sa Paris,

France. Dalawampung-taon pa lamang noon tumatanggap ng mga estudyanteng babae ang Sorbonne.

Tinupad niya ang isang pangarap na noon ay hindi pa naiisip para sa isang babae – ang maging siyentipiko. Natuklasan niya ang radioactivity nang matapos ang kaniyang Master’s degree sa Physics noong Hulyo, 1896. Noong 1898, natuklasan niya at ng kaniyang asawang si Pierre Curie ang dalawang bagong elemento na Polonium (Po) at Radium (Ra), na lubhang napakahalaga sa larangan ng siyensya.

Ang Buhay ni Marie Curie

Noong panahon ng digmaan, naging katulong niya ang kanyang anak na si Irene. Nagkamit din ang anak niya ng Nobel Prize sa Chemistry noong 1935.

Pagtatanghal-Pagsasanay

Noong 1903, tumanggap siya ng Nobel Prize sa Physics kasama ang kanyang asawa at si Henri Becquerel. Siya ang kauna- unahang babae

na nakatanggap ng ganitong karangalan na ipinagkakaloob sa mga pinakamahuhusay na siyentipiko. Noong 1911, tumanggap siya ng Nobel Prize sa Chemistry. Siya ang kauna-unahang tao na nakatanggap ng dalawang

Nobel Prize.

Isang babae

ng agham

Noong 1907-08, naglunsad si Marie Curie at ang kanyang mga kaibigan ng isang orihinal na paraan ng pagtuturo na tinawag na pangkatang-pagtuturo.

Dahil sa pagnanais niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa Physics, iniakma niya sa kakayahan ng mga bata ang mga hands-on na gawain at experiment upang maintindihan nila ang mga batayang prinsipyo at batas ng Physics. Makikita rito ang kanyang husay sa pagtuturo.

Si Marie Curie habang nagtuturo sa School of Arts and Metiers noong 1924. © Musée Curie

Ang mga

Munting

Curie

Hanggang ngayon, itinuturing siyang isa sa mga pinakadakilang siyentipiko sa kasaysayan ng mundo. Noong 1995, bilang parangal at pagpupugay, inilipat ang kanyang labi sa Pantheon Paris. Ito ang himlayan ng mga bayani at magigiting na tao sa France.

Noong 1910, nagtrabaho siya sa Radium Institute at doon napagbuti ang mga pamamaraan sa paggamot ng kanser sa pamamagitan ng radiotherapy. Noong sumiklab ang Unang Digmaang

Pandaigdig, ipinamalas ni Marie Curie ang kanyang hangaring makatulong. Sa pamamagitan ng kanyang marubdob

na malasakit, nag-organisa siya ng mobile X-ray service vans na binansagang mga Munting Curie. Nakapag-X-ray

ang mga Munting Curie ng milyong sugatang sundalo.

Noong Hulyo 1934, namatay sa leukemia si Marie – pagod na pagod, halos bulag at sunog ang mga daliri dahil sa radium.

Si Marie Curie at ang kanyang anak na si Irene sa Radium

Institute noong 1923.© © Musée Curie

Cov

er o

f «Le

çons

de

Mar

ie C

urie

», ©

édi

tions

ED

P Sc

ienc

es

Noong 1930, naging bahagi siya sa pagtatag ng Marie Curie High School - isang paaralan para sa mga batang babae sa bayan ng Sceaux, kung saan siya nakatira.

Mga

tala

nin

a Pi

erre

at M

arie

Cur

ie sa

pag

tukl

as n

g ra

dium

noo

ng 1

902.

© ©

Mus

ée C

urie Dalawang

NobelPrize

Isang

pangkatang-

pagtuturo

©La

Pos

te

Isang babaeng mapagmahal

Sina Pierre at Marie C

urie sa kanilang laboratoryo sa rue Cuvier.

1904 . © M

usée Curie

Page 3: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Paano maipapakita ang ebidensiya na may hangin?“Upang maipakita kung may lamang hangin ang bote, kailangan mayroong isang bagay, tulad ng tubig,

na dapat ilagay sa loob ng bote.”

“Lulutang sa tubig ang ano mang bagay na may mas mababang density kaysa tubig; at lulubog naman ito kung mas mataas ang density nito kaysa tubig.”

Iminungkahi ni Marie Curie na ilubog sa tubig ang isang bote na may nakapasak na tapon o cork sa bibig nito , alisin ang cork habang nakalubog ang bote , at pagmasdan kung ano ang mangyayari .

Mga Aralin ni Marie Curie

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ith

1

Page 4: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

May bigat ba ang hangin?“Hindi ito madaling malaman di tulad ng tubig at mga bato. Susubukan natin itong timbangin sa pamamagitan ng pagtanggal ng hangin sa lobo.”

“Dapat nating tandaan na ang bigat ng isang litrong tubig ay isang kilo o 1,000 grams; at ang bigat ng isang litrong hangin ay 1.3 grams.”

Iminungkahi ni Marie Curie na ilagay ang dalawang magkasingtulad na boteng sarado sa timbangan, na may dalawang patungan (double pan balance) . Alisin ang hangin sa loob ng isang bote, ibalik sa timbangan at pagmasdan kung ano ang mangyayari .

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

in p

artn

ersh

ip w

ith

2

Mga Aralin ni Marie Curie

Page 5: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ano ang pressure ng hangin?“Nagbibigay ng parehong diin o puwersa ang hangin na nasa loob at labas ng bell jar. Ano ang mangyayari kung tatanggalin

natin ang hangin sa loob ng bell jar?”

“Malakas ang diin ng hangin sa lahat ng bagay na inaabot nito.”

Iminungkahi ni Marie Curie na ipasok ang lobong may kaunting hangin sa ilalim ng bell jar ,gumamit ng pump upang higupin ang hangin sa loob ng bell jar ,at pagmasdan kung ano ang mangyayari .

3

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 6: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Paano gumagalaw ang likido sa loob ng U-tube?“Narito ang isang U-tube na may dalawang sanga na magkarugtong. Magbuhos ng likidong may kulay sa isang sanga ng U-tube.”

“Ang lebel ng likido ay nananatiling pantay o hindi natitinag (in equilibrium) sa loob ng dalawang sanga ng

U-tube kung nakatayo o nakatagilid ang U-tube dahil pareho lang ang diin ng hangin sa magkabilang sanga.”

Iminungkahi ni Marie Curie na pagmasdan ang mangyayari sa likido kung ang U-tube ay nakatayo ng tuwid o nakatagilid .

4

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 7: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Paano nakakarating ang tubig sa gripo?“Narito ang isang reservoir (lalagyan ng tubig). Ito ay nakakabit sa tubo na may gripo. Kung mas mataas ang lalagyan ng tubig, may lalabas na tubig sa gripo. Kung mas mababa naman ang lalagyan ng tubig, walang tubig na lalabas sa gripo. Ganito umaabot ang tubig sa ating mga tahanan.”

“Napaparating ang tubig sa mga tahanan sa pamamagitan ng isang pababang

tubo na nakakabit sa mataas na reservoir.”

Iminungkahi ni Marie Curie na tingnan kung ano ang mangyayari kung mas mababa ang lalagyan ng tubig kaysa sa pinakamababang labasan ng tubig , kung mas mataas ang lalagyan ng tubig kaysa sa pinakamababang labasan ng tubig , kung ang lalagyan ng tubig ay mas mataas sa lahat ng labasan ng tubig .

5

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 8: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Paano napapanatili ang tubig sa tubo?“Kung pupunuin ng tubig ang isang tubong may takip sa isang dulo at ibabaligtad sa isang lalagyang may tubig, ano ang

mangyayari sa tubig sa loob ng tubo?”

“Pressure ng hangin ang tumutulak o dumidiin sa ibabaw ng tubig sa isang lalagyan.

Walang hangin sa loob ng tubo, kaya walang pressure na dumidiin sa tubig.”

Iminungkahi ni Marie Curie na punuin ng tubig ang tubo ,takpan ang tubo sa isang dulo, baligtarin at ilubog sa lalagyang may tubig at pagmasdan kung ano ang mangyayari .

6

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 9: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ano ang nangyayari kapag sinisipsip natin ang isang likido?“Alam ng mga bata na masisipsip ang isang likido gamit ang straw. Habang tayo ay sumisipsip, bumubu-kas ang ating baga at nagkakaroon ng puwang sa loob; gagalaw ang tubig pataas.”

“Ang pressure sa loob ng tubo ay hindi na atmospheric pressure. Ang pressure sa loob ay nagiging mas mahina kaysa sa pressure sa labas, kaya gagalaw ang tubig pataas.”

Iminungkahi ni Marie Curie na bombahin ang hangin palabas sa dalawang tubong nakalubog sa likido at pagmasdan ang mangyayari .

7

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 10: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ano ang nangyayari sa timbang ng isang bagay kung ito ay ilulubog sa tubig?“Marunong lumangoy ang ilan sa inyo. Lumulutang tayo sa tubig, ngunit hindi sa hangin. Sa tubig, gumagaan ang timbang ng tao.”

“Kapag ang isang bagay ay inilubog sa tubig, ito ay nagiging mas magaan kaysa sa timbang nito kapag nasa hangin.”

Iminungkahi ni Marie Curie na timbangin ang isang bagay na nasa hangin , ilubog sa tubig at pagmasdan ang mangyayari .

8

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 11: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ano ang volume (dami o kabuuan) ng tubig na natapon o umapaw dahil sa pagkalubog ng isang bagay?“Kumuha ng lalagyan na may overflow (daluyan ng pag-apaw) at punuin ito ng tubig hanggang sa daluyan. Ilubog ang cylinder (silindro) sa lalagyang may daluyan ng pag-apaw. Pinapalitan ng cylinder ang tubig na lumalabas sa daluyan ng pag-apaw.”

“Ang nawalang timbang ng cylinder ay katumbas ng timbang ng volume ng tubig na natapon o umapaw.”

Iminungkahi ni Marie Curie na ilubog ang isang bagay sa lalagyang may daluyan ng pag-apaw, ipunin ang tubig na natapon o umapaw

at timbangin ito .

9

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ith

Mga Aralin ni Marie Curie

Page 12: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Paano gumagana ang timbangan?“Kapag pantay ang timbangan at ang magkabilang bahagi nito, ang timbangan ay nasa kalagayang equilibrium.”

“Kung nasa equilibrium ang timbangan na hindi pantay ang haba ng mga kamay, ang bahaging doble ang haba ay nagdadala ng timbang na mas-doble ang gaan.”

Iminungkahi ni Marie Curie na simulan ang pagsasaayos ng timbangan sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang parehong bigat at nasa magkaparehong agwat , ilipat ang isa sa mga bigat papuntang kanan at pagmasdan ang mangyayari . Tapos, iminungkahi niya na gawing pantay ang timbangan sa pamamagitan ng dalawang magkaibang bigat .

10

Ang

Eksperimento

ni Marie Curie

Ang sabi ni

Marie Curie

n pa

rtne

rshi

p w

ithMga Aralin ni Marie Curie

Page 13: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Ilan sa mga prosesong kemikal na ginamit ni Marie Curie sa paghihiwalay ng Radium.

Hakbang 1:

Ang

Decanting

Hakbang 3:

Epekto ng

kimikal

Kumuha ng isang maliit na piraso ng “mineral”.

Pulbusin ito. Haluin.Ibuhos ito sa beaker na puno ng tubig.

Pagkatapos makagawa ng synthetic minerals, ihihiwalay natin ang isang partikular na elemento na ipapalit sa Radium:

ang pampakulay.

Hintaying matapos ang reaksyon.

Magdagdag ng suka hanggang tumigil ang pagbula at pagtunog nito.

Hakbang 4:

Fractioning by

Crystallisation

Hayaang mag-evaporate hanggang matuyo.

Pangkulay

Mga Kristal

Buhusan ng kaunting mainit na tubig ang residue o natira.

Haluin hanggang matunaw. Ibuhos ito sa Petri dish at palamigin.

Itagilid ang Petri dish: maghihiwalay ang kulay.

Ibuhos ang suka sa filter.

Hakbang 2:

Ang paghihiwalay

ng natutunaw sa

hindi natutunaw

Ibuhos ang laman ng beaker sa filter ng hindi hinahalo ang ilalim.

Hintaying matapos ang decanting.

Kutsarahin ang mga nakalutang.

Makakakuha ng mas puro (concentrated) na produkto sa paulit-ulit na paggawa ng mga hakbang na ito.

Mga Aralin ni Marie Curie

Page 14: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Solid, butil-butil, kulay beige

Hindi natutunaw sa tubig

Tumitining nang mabilis sa tubig

Kalugin Hintaying tumining

Tubig

Buhangin

Talaan ng GawainBuhangin

Tumitining

Mga Katangian :

Sa chemistry, ginagamit ang pagtining para sa paghihiwalay ng mga produkto

Page 15: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Produktong Likido

?

?

Talaan ng Gawain Food coloring (pangkulaysa pagkain)

Mga Katangian :

Ito ang produkto na nais mong ihiwalay. Para dito, magsasagawa tayo ng ilang

hakbang na maghihiwalay ng dye (tina) mula sa ibang mga sangkap ng ore.

Page 16: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Mga Katangian :

Kalugin Hintaying tumining

Tubig

Ginadgad na niyog

Talaan ng GawainNiyog

Sa chemistry, ginagamit ang pagtining para sa paghihiwalay ng mga produkto

Solidong produkto, puting ginadgad

Hindi natutunaw sa tubig

Tumitining agad sa tubig

Tumitining

Page 17: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Solidong produkto na madaling madurog at hindi matingkad ang kulay

Susuriin

Susuriin

Talaan ng Gawain

Ang ore ay bato na binubuo ng ibat-ibang sangkap.

Mga Katangian :

• 1takalngpinulbosnaniyog• 1takalngbuhangin• 4takalngsodiumbicarbonate• halos30maliliitnapatakngfoodcoloring

*1takal≈halos20mL

Mga sangkap :

Ore

Page 18: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Produktong solid katulad ng puting pulbos

Madaling matunaw sa mainit na tubig, di-madaling matunaw sa malamig na tubig

Madaling mag-crystallize at lumamig

Buhusan ng kaunting mainit na tubig ang sodium acetate.

Haluin hanggang lubos na matunaw.

Mainit na tubigSodium Acetate

Talaan ng GawainSodiumAcetate

Hayaang lumamig at pag-masdan.

Sa chemistry, ginagamit ang crystallization sa paghihiwalay ng mga produkto.

Mga Katangian :

Mga kristal ng sodium acetate

Page 19: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Produktong solid katulad ng puting pulbos

Natutunaw sa tubig

Sa pamamagitan ng tubig at asido (suka), ito ay naghihiwalay at pinagmumulan ng carbon dioxide (CO2) at sodium acetate na natutunaw sa tubig.

Suka

Sodium Bicarbonate

Talaan ng GawainSodium Bicarbonate

Sa chemistry, ang chemical reaction ay ginagamit upang mabago ang katangian ng mga produkto.

Mga Katangian :

CO2

Mabula

Tubig +

SodiumAcetate

Page 20: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Likidong binubuo ng tubig (92%) at ng acetic acid (8%) na may natatanging amoy at lasa

Humahalo sa tubig

Nasisira kapag nahaluan ng sodium bicarbonate

Talaan ng GawainSuka(Sangkap ng Reaksiyon)

Mga Katangian :

Suka

Sodium Bicarbonate

CO2

Mabula

Tubig +

SodiumAcetate

Sa chemistry, ang chemical reaction ay ginagamit upang mabago ang katangian ng mga produkto.

Page 21: Mga Aralin - seameo- · PDF fileMga Aralin ni Marie Curie Pagtatanghal-Pagsasanay Isang pagtatanghal-pagsasanay ng House of Sciences at ng CNRS (laboratory MSC) at ng kanilang mga

Produktong likido na nasa ambient temperature, at walang kulay

Isa sa mga karaniwang ginagamit na pantunaw (maraming sangkap ang natutunaw sa tubig)

Mabilis mag-evaporate sa init

Talaan ng GawainTubig(Sangkap ng Reaksiyon)

Sa chemistry, ginagamit ang evaporation upang bawasan ang likido at gawing puro ang natutunaw na produkto.

Mga Katangian :

Ibuhos ang solution sa isang lalagyang

malinaw.

Evaporate :

Makikitang solid lamang ang natira.