Metakognitibong Pagbasa

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    1/11

    PROSESO NG

    PAGBASA

    Ikalawang Semestre, AY 2014-2015

    G. Mar Anthony Simon dela Cruz

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    2/11

    KOGNISYON AT METAKOGNISYON

    Kognisyon- Paggamit

    ng taglay na kaalaman

    Metakognisyon

    -Kamalayan at kabatiran

    sa taglay na kaalaman

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    3/11

    METAKOGNITIBONG PAGBASA

    Kaalaman at pagkontrol sa sariling

    proseso ng pag-unawa (Tei at

    Stewart, 1985).

    Sariling pagtataya oself-evaluation

    at sariling pamamahala oself-

    management(Jacobs at Paris,

    1987)

    Ang isang mahusay na mambabasa

    ay malay sa kanyang sariling

    kahinaan at kalakasan sa pagbasa.

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    4/11

    ILANG METAKOGNITIBONG

    ESTRATEHIYA SA PAGBASA

    Pagtatakda ng layunin sa pagbasa Paggamit ng iskema Paghihinuha Pakikipag-usap sa teksto at sa

    sarili Pagtatanong Pagtukoy sa kung ano ang

    mahalaga o di-gaanong mahalaga Pagvi-visualize sa binabasa

    Pag-unawa sa estruktura at mgaelemento at kumbensiyon ng

    teksto Pagbubuo ng kongklusyon

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    5/11

    BAKIT MAHALAGA ANG

    METAKOGNITIBONG PAGBASA?

    1. Magkaroon ng mas malalim

    na pag-unawa sa teksto

    2. Iangat ang antas ng pag-

    iisip ng mambabasa

    3. Ihanda ang mambabasa samga pangangailangan ng

    pang-araw-araw na buhay

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    6/11

    ANG MATAGUMPAY NA

    MAMBABASA AY:

    1. Bumubuo ng plano bago

    magbasa

    2. Minomonitor angkanilang pag-unawa sa

    teksto habang nagbabasa

    3. Sinusuri o ineebalweytang sariling pag-iisip

    pagkatapos bumasa

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    7/11

    TANUNGIN ANG SARILI:

    BAGO MAGBASA

    Tungkol saan kaya ang tekstong babasahin ko?

    Sino ang awtor at anong anyo ng teksto angbabasahin ko?

    Ano na ang alam ko tungkol sa paksa at ano baang gusto kong matutuhan?

    Bakit ba ako magbabasa at paano ko babasahinang teksto?

    Ano-ano ang mga kailangan ko sa pagbasa?

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    8/11

    Ano ba ang layunin ng awtor?

    Ano na ang natututuhan ko?

    May silbi ba sa akin ang binabasa ko?

    Naunawaan ko ba ang mensahe ng awtor?

    Kung hindi, ano ang kailangan konggawin?

    TANUNGIN ANG SARILI:

    HABANG NAGBABASA

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    9/11

    Ano ang kalakasan at kahinaan ng teksto?

    Nagustuhan ko ba ang binasa ko?

    Ano ang nalaman o natutuhan ko?

    May nabago ba sa pananaw at paniniwala ko?

    Ano ang gagawin ko pagkatapos magbasa?

    Naging matagumpay ba ang estratehiya ko sapagbasa?

    TANUNGIN ANG SARILI:

    PAGKATAPOS MAGBASA

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    10/11

    PANGKATANG GAWAIN

    Basahin ang artikulong Bayan Ko: Laban o Bawini Jose F. Lacaba.

    Sa papel na ipapamahagi ng guro, iguguhit o ii-

    sketch ng bawat miyembro ng pangkat ang kanyang

    biswal na representasyon ng nabasa.

    Maaaring gumamit ng lapis, bolpen, pentel pen,

    krayola, o iba pang pangguhit o pangkulay.

    Layunin ng gawaing ito ang masubok ang

    kakayahan ng mambabasang unawain ang teksto sa

    pamamagitan ng paglalarawan o biswalisasyon ng

    binabasa.

  • 7/24/2019 Metakognitibong Pagbasa

    11/11

    Basahin ang artikulong Cheerdance competition: Sportsexemplar ng U.S. empire at neoliberalismo sa edukasyon

    ni Roland Tolentino. Mababasa ito online. Sagutin ang

    mga ss:

    1. Ano ang plano ninyo bago basahin ang teksto?

    2. Ano-anong mga problema ang kinaharap ninyo habang

    binabasa ang artikulo? Ano-anong estratehiya ang

    ginamit ninyo para solusyunan ito?

    3. Sa kabuuan, naging malalim ba ang pag-unawa ninyo

    sa tekstong binasa? Kung oo, bakit? Kung hindi, ano ang

    gagawin ninyo para maging matagumpay ang inyong

    susunod na pagbabasa ng katulad na teksto?

    TAKDANG-ARALIN

    (PANGKATANG GAWAIN)