33
Unibersidad ng Santo Tomas FACULDAD NG FARMACIA Sampaloc, Manila Ang Medisinal na Benepisyo ng Ubas Isang Pananaliksik Bilang Isa sa mga Pangangailangan sa Kursong Filipino 2 sa Pamamatnubay ni Dr. Teresita C. Meer Inihanda ng Pangkat 3 ng 1 A – Biochemistry na Binubuo nina: Ching, Danica Chiu, Carlo Choi, Adrian Raphael Chua, Victor Correa, Pamela Cjisel

Medicinal Benefits of Eating Grapes

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Language is in Filipino

Citation preview

Page 1: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Unibersidad ng Santo TomasFACULDAD NG FARMACIA

Sampaloc, Manila

Ang Medisinal na Benepisyo ng Ubas

Isang Pananaliksik Bilang Isa sa mga Pangangailangan sa Kursong Filipino 2sa Pamamatnubay ni Dr. Teresita C. Meer

Inihanda ng Pangkat 3 ng 1 A – Biochemistry naBinubuo nina:

Ching, DanicaChiu, Carlo

Choi, Adrian RaphaelChua, Victor

Correa, Pamela Cjisel

Talahanayan ng mga Nilalaman

Page 2: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Panimula….……………………………………………………………….…1

Rebyu ng mga Kaugnay na mga Literatura…………………………….....4

Metodolohiya……………………………………………………...................9

Presentasyon at Analisis ng mga Datos…………………………………...10

Kongklusyon at Rekomendasyon………………………………………….18

Tsapter 1: Panimula

Page 3: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Introduksyon

Sa kapanahunan ngayon, dahil sa pagkaubos ng ibang mga likas na yamang nakatutulong sa ating kalusugan, marami na ang naiimbentong mga alternatibo katulad ng mga gamot (tablet, capsule o syrup) upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating katawan, subalit marami sa atin ang hindi alam na ang ubas pala’y hindi lamang masarap kainin o inumin, may medisinal na benepisyo din pala sa kalusugan ang ubas na maaring idagdag sa panggagamot. Hindi lamang ang laman nito ang may benepisyo sa ating katawan kung hindi pati na rin ang ugat nito.

Ang ubas ay may iba’t ibang polyphenols katulad ng resveratrol na pamilyar sa karamihan na tumutulong labanan ang mga karamdaman o sakit katulad ng platelet aggregation, cyclooxygenase, endothelial dysfunction, atbp. Maliban sa organic na ubas, ang wine ay mas may benepisyal na epekto rin kumpara sa alak katulad ng pagpapataas ng plasma level nito na nakatutulong sa pagbawas ng blood cholesterol, pagbawas ng muscle spasms at stiffness kaugnay sa may athritis at iba pang cardiovascular diseases. Ito rin ay nagpapabagal o nagpeprevent sa pagdebelop ng diabetes. Nakatutulong din ito sa pag – iwas sa kanser. Marami pang mga iba’t ibang kemikal na sangkap ang tatalakayin sa susunod na pahina.

Pagpapahayag ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay inaasahang makatugon sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mga medisinal na nilalaman ng ubas?2. Ano ang gamit ng mga kemikal na nasa ubas?3. Anong mga sakit ang maaari nitong malabanan, malunasan, maiwasan, mapigilan

o mabawasan?4. Anu –ano ang mga benepisyo nito na makakatulong sa kabataan at matatanda?5. Paano ito nakalulunas ng sakit?6. May negatibo rin bang epekto ito sa ating kalusugan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Hindi alam ng nakararami na ang ubas ay maraming naitutulong sa ating kalusugan. Ngunit saan nga ba nakatutulong ang ubas? Mula sa pagiging epektibo sa pagkakaroon ng malusog na puso, ang ubas ay maaari ring panlaban sa kanser at iba pang sakit na tatalakayin sa pananaliksik. Ito ang nais talakayin ng mga mananaliksik: Ang medisinal na gamit ng ubas.

1Maraming prutas na ang napatutunayang mahalaga sa pagpapagaling ng iba’t

ibang karamdaman, isa rito ang ubas. Ang natural na ubas ay talagang masustansya

Page 4: Medicinal Benefits of Eating Grapes

ngunit nagdudulot din ng maraming kuryosidad dahil na rin sa hindi matagumpay na pag –isolate ng mga eksperto sa mga mahahalagang components ng ubas na nakatutulong at nakapaglilikha ng gamit para sa mga tao.

Batayang Konseptual

Ang nabuong batayang konseptual ay tungkol sa ubas: ang depenisyon, benepisyo, sangkap, parte, at gamit nito. Kalakip ng ilang pang – ugnay ay ang leybel ng mga konsepto.

Iskop at Delimitasyon

Ang pananaliksik ay tungkol sa mga benepisyong medisinal ng ubas, ang mga kemikal na sangkap ng ubas mula sa balat hanggang sa pagiging wine nito. Tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang sakit o karamdaman na maaaring mapagaling at mapigilan ng pagkain ng ubas.

Dahil sa kakulangan sa oras, hindi na tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga chemical na reaction na nangyayari sa ubas, sapagkat ito’y masyadong komplikado at madami. Bilang isang mag – aaral sa kolehiyo hindi kaya ng mga mananaliksik na

2

Ubas

Benepisyo

Gamit

Medisinal

Kalusugan

Nilalaman na mga kemikal

Sakit

Antioxidant

Resveratrol

Iba pang polypheno

l

Panglunas

Pang - iwas

ParteBalat

Laman

Buto

OrganicWine

Depinisyon

Page 5: Medicinal Benefits of Eating Grapes

pumunta sa ibang bansa upang mag – interbyu ng mga nutritionist o eksperto sa prutas o ubas na may akda ng mga nakalap na mga libro’t journal. Hindi rin aabot ng ibang lungsod ang pagbibigay ng survey dahil sa kakulangan sa oras at pondo.

Pagkuha ng Datus

Gagamitan ng mga mananaliksik ng survey upang kumuha ng datus.Ang mga bibigyan namin ng survey ay 30 repondante babae o lalaki na nasa edad 16 hanggang 24 na nakatira dito sa Maynila. Maaaring ipamigay ang mga ito sa mga nag – aaral sa mataas na pamantasan o di kaya’y sa mga mahilig sa prutas partikular na ang ubas.

Gagamitan ng mga mananaliksik ng grap upang malaman ang porsyento ng kabuuang resulta at maeksamin nang mabuti.

Depinisyon ng mga Termino

Polyphenols–ito ay isang biomolecules na sa halaman ay may depinisyong phytochemicalsResveratrol – kapag ang halaman ay inatake ng mga bacteria o fungi ito ang kalabasanAntioxidant - A chemical compound or substance that inhibits oxidationUbas – isang klase ng prutas na tumutubo sa vines. Maaari itong maging juice, wine o manatiling preska

3

Page 6: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Tsapter II: Rebyu ng mga Kaugnay na mga Literatura

Ang ubas o vitis ay isang masarap na prutas ngunit may kalakip na benepisyal na epekto sa ating pangangatawan. Marami sa atin ang may limitadong kaalaman pagdating sa ubas, marahil dahil hindi na natin pinoproblema kung ano ang sangkap o nilalaman ng ating kinakain. Ang ubas ay isang mabisang sangkap panglaban sa iba’t ibang sakit lalo na sa sakit na may kaugnay sa puso. Ang ubas, kahit na anong gawin mong proseso ng pagpasok sa katawan, mapaalak man o karaniwang prutas lamang, ito pa rin ay may benepisyal na epekto sa ating katawan. Hindi lamang ang prutas nito ang may bitamina, kung hindi pati na rin ang iba’t ibang parte pa nito mapatangkay, o ugat, mapabuto man o balat, may kani-kaniyang mga nilalaman ang mga ito. Ang ubas ay maraming polyphenols na kung saan may taglay itong mga iba’t ibang compounds. Ang halimbawa nito ay ang reservatrol, antioxidant, tartaric acid at iba pang phenolic compounds.

Ayon kay Johnson (2001), ang ubas ay ang pangunahing sangkap ng bawat wine, at ang bango, kulay, at lasa ng wine ay umaasa sa uri ng ubas o sa ubas mula sa kung saan ito ginawa. Sinabi ni Huter (2006) na ang ubas ay may nilalaman na “anthocyanins” at “salicylates” na nagbabawas ng sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Ayon naman kay McLellan (1993), ang anthocyanins, ang glucosides at ang paghalay ng produkto ay responsable sa kulay ng ubas. Ayon kay Jackson (2000), Ang lasa ay nilikha sa pamamagitan ng acids, sugars at phenolics at aroma sa pamamagitan ng isang magkakaibang timpla ng volatile ng sekundaryong metabolayt sa napakababang concentrations. Tanging ang mga ubas lamang ang nag –iimbak ng carbohydrates na karamihan ay sa anyo ng soluble sugars. Sinabi ni Muller (1995) na ang ubas ay kakaunti ang ascorbic acid; marami sa mga ito ay nagmetabolize para maging tartaric acid pagkatapos na maproseso ng halaman; ngunit ang ubas ay may maraming ibaibang klase ng phenolic compounds. Sa mga antioxidant ng ubas at ng alak marami ang napasasama sa kategorya ng mga radical scavengers. Ayon din kay McLellan (1993), ang carbohydrates ay ang pinaka - abundant na sangkap sa ubas. Ang tartaric at malic acid ay mga pangunahing mga acids sa ubas at account para sa karamihan ng mga tartness ng juice. Sinabi naman ni Johnson (2001) na ang ubas ay naglalaman ng glucose o fructose at tubig. Ito rin ay naglalaman ng nutrients tulad ng magnesium, calcium, manganese, gallic acid, phosphoric acid, salicylic acid, oxalic acid, at loads of vitamin A, B complex, C and K. Ang ubas ay kayang pigilan ang sakit sa puso sa kabila ng simpleng presyon ng dugo. Ang ubas ay tumutulong sa pagbaba ng presyon ng dugo, mas maayos na puso, at mas kaunting mga palatandaan ng heart muscle damage.

Ayon kay Chiou (2009), ang ugat ng Vitis thunbergii, isang klase ng ubas ay napatunayang nakapagpapagamot sa pagtatae, sugat, pilay, at hepatitis. Muli itong isinailalim sa eksperimento at nadiskubre na ito ay gumaganap ito bilang isang anti-oxidant. Mayroon ring nadiskubreng mga nilalaman ang halaman nito. Isa na rito ay ang vitisinols na sinabing pang protekta mula sa sakit na A (H1N1).

4Ayon kay Jackson (2000), ang wine naman ay isang mahalagang source ng

vanadium na maaaring makatulong sa impluwensiya ng ethanol para patagalin o pigilin

Page 7: Medicinal Benefits of Eating Grapes

ang pagdbelop ng ilang uri ng diyabetis. Sinabi naman ni Yildirim (2005) na ang ubas at wine ay naglalaman ng malaking halaga ng phenolic compounds, at halos lahat dito ay flavonoids na may mataas na concentrations na 1000 - 1800mg L -. Karamihan sa mga phenolic na matatagpuan sa mga wines ay maaaring kumilos bilang isang antioxidant.

Ang mga produkto ng ubas kasama na ang wine ay bumubuo ng isang reputasyon bilang malusog sa puso, panlaban sa labis na katabaan at nakapagpapalusog para sa mga tao may diabetes (Raloff, 2010). Isa sa mga pinakabagong lumalagong listahan ng correlations sa pagitan ng pagkonsumo ng wine at kalusugan ay ang pagbawas ng pagkalat ng macular degeneration. Ito ay humahantong sa pagkabulag ng mga may edad na 65 pataas (Jackson, 2000). Kumpara sa mga alak at spirits, ang wine ay mas mayroong benepisyal na epekto sa ating kalusugan (Yildirim, 2005).

Ang pagkonsumo ng katamtamang halaga ng wine ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga panganib ng ilang mga uri ng kanser (Jackson, 2000). Sinabi din ni Jackson (2000) na binabawasan ng wine ang mga insedente ng iba't ibang uri o anyo ng cardiovascular disease, halimbawa ay ang hypertension, stroke at peripheral artery disease na pinapatunayan naman ng National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism na nagsasabi na “May isang kaunting katibayan na ang mas mababang lebel ng pag-inom ay nagpapabawas ng panganib ng kamatayan mula sa coronary heart disease.” Ayon din kay Kolpum (2002) na dahil sa antioxidant properties ng alak, lalo na ang resveratrol sa red wine at ang bioflavonoids sa red grapes, ang wine ay maaring maging gamit din para sa pag-iwas at pagpigil sa kanser.

Bukod sa pangkalusugang benepisyo ng wine sa mga cardiovascular na sakit, binababaan din ng wine ang mga hindi kanais-nais na epekto ng stress, nagpapababa ng bilang ng clinical depression, nakapagpapabuti ng tiwala sa sarili at pati ang pagkakaroon ng gana sa pagkain ng mga matatanda. Ito rin ay nagdaragdag ng mga plasma levels of high-density lipoprotein na kung saan ay nakatutulong sa pagpapababa ng  l concentration at mga saklaw ng arteriosclerosis. Ang iba pang benepisyo ng pag – inom blood cholesterong wine ay ang kanyang pagbawas ng diuretic at muscle relaxant properties. Ito ay maaaring makatulong na mabawasan ang water retention at ng pamamaga ng kasukasuan. Ang wine ay maaari ring bawasan ng direkta ang muscle spasms at ang pagkastiff dahil sa arthritis. Sa mga resulta ng pananaliksik ni Huter (2006) ang pag – inom ng alak, lalo na ang gawa sa ubas, ay nagiging hadlang sa pagkaroon ng sakit sa puso. Binabawasan ang “bad cholesterol” at “triglycerids” sa paginom ng alak.

Ang mga polyphenols ay kinabibilangan ng malawak na uri ng mga may kaugnayan na compounds na nasisynthesize ng mga halaman; nabibilang dito ang flavonoids na nasa soybeans (genistein & deidzen) at stilberes sa mga red grapes (reservatrol). Bawat isa sa mga ito ay nagpakita ng mga anticancer properties sa mga cell culturena na may mga modelo para sa cancer (Barnes, 2004).

5Ang ubas ay may pinakamalaking source ng phenolic compounds na mayroon

ding neutraceutical potential. Ang phenolic compounds ay nakatawag pansin sa mga field of nutrition, health at medicine dahil na rin sa kanilang anticarcinogenic/

Page 8: Medicinal Benefits of Eating Grapes

antimutagenic, antiulceric, antiallergic, antiatherogenic, anti-inflammatory, antiarthritic, antimicrobial properties nito at lalo na sa antioxidant activity nito. Ang antioxidant ng ubas ay konektado positively sa concentration ng phenolic compounds at sa kanila ring composisyon viz. anthcyanins, flavanols, flavan-3-ols, hydroxybenzoates atbp. (Banerjee, 2006)

Ang concentration ng phenolic sa grape berries ay nakadepende sa iba’t-ibang genetic, environmental at cultural na aspeto. Ang iba’t-ibang mga uri ng ubas ay sinasabing kakaiba na may kinalaman sa relative proportion sa isang phenolic compounds sa mga berries at sa gayon ang kanilang mga katangian ay maaring magamit para malaman ang parentage ng mga grape cultivars. Isa pa, ang phenolic composition ng ubas ay maaring mag-iba-iba sa iba’t-ibang maturation stage nito na maaring magdaan sa serye ng mga chemical at enzymatic alterations ng iba sa mga phenolics habang nasa maturation phase ito, na kasama ang hydrolysis ng glycosides sa pamamagitan ng glycosidases, ang oxidation ng phenols sa pamamagitan ng phenol oxidases at polymerization ng free phenols. (Banerjee, 2006)

Ayon kay Yildirim (2005), kabilang sa mga prutas, ang ubas ay binubuo ng isa sa mga pangunahing pinagkukunan na phenolic compounds at ang pomeys ay partikular na mayaman sa phenols. Ang ubas, katas, at ang pomeys samakatuwid ay kumakatawan sa isang potensyal na mahalagang source na phenolic antioxidants na maaaring may teknolohikal na aplikasyon bilang additives sa pagkain at posibleng nutritional na benepisyo. Ayon naman kay Akcay (2004), ang mga phenolic compounds na nasa red wine ay nagdudulot ng pagtaas sa serum total antioxidant capacity kapag ito ay nainom kaya naman nagkakaroon ng low-density lipoprotein oxidation na maagang proseso sa atherogenesis. Sinabi din ni Kolpum (2002) na ang mga antioxidant properties ng mga phenolic compound sa alak ay binababa ang risk ng pagkakaroon ng atherosclerosis at atake sa puso.

Sinabi din ni Goepp (2007) na ang grape polyphenols ay makatutulong na maiwasan ang mga clumping ng mga platelets, na nagtataglay ng malakas na proteksyon laban sa mga blood clots na maaaring humantong sa atake sa puso at stroke. Dinadagdagan ng grape seed polyphenols ang nitric oxide production na nageenhance ng endothelial function. Ito rin ang nakaiimpluwensiya sa prostaglandin synthesis na tumutulong sa pagbawas ng pamamaga. Ang grape polyphenols ay lumalaban sa ilang pangunahing mga nakamamatay na cardiovascular disease, lipid preoxidation, endothelial dysfunction, at mga aberrant platelet aggregation.

Ayon kay Goepp (2007) , ang grape seed proanthocyanidin ay nagpapabuti ng cardiac function sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng mechanics base sa mga modelo na hayop na mayroong cardiac disease, kabilang ang pagbabawas ng infract size, ang

6pagpapabuti ng ventricular function, at pumipigil sa rhythm disturbances na ang kasunod ay sa atake sa puso.

Page 9: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Isa pa, ang mga antioxidants ay maaring makatulong na maiwasan ang iba’t-ibang liver damage, kasama na ang cirrhosis at cancer (Muller, 1995).

Ang resveratrol ay isa sa mga nilalaman ng prutas na ubas. Ginagamit itong gamot ng mga intsik para panlaban sa mga sakit ng atay at balat (Miksits, 2009). Ang resveratrol ay kilala sa pagprotekta sa arterial walls mula sa pinsala. Binabawasan ng oxides ang akumulasyon ng kolesterol, pagbawas ng platelet collection, mas mababang panganib ng Alzheimer’s Disease, at pagtataguyod ng kalusugan sa baga at ang panganib ng kanser (Johnson, 2001). Ang resveratrol ay may kapasidad ng antioxidant na may abilidad na dagdagan ang aktibidad ng plasma antioxidant at upang bawasan ang lipid peroxidation.

Ang resveratrol ay isang phytoalexin na may kanser chemopreventive properties sa preclinical models of carcinogenesis. Ang mekanismo na kung saan ang resveratrol ay naisip na maglabas ng chemopreventive efficacy ay ang mga pagsugpo ng cyclooxygenase enzymes, pagsugpo ng angiogenesis, modulasyon ng gamot na metabolising enzymes, antioxidation at pagalter sa cell cycle at apoptotic machinery. Ang resveratrol ay isang halimbawa ng isang pandiyetang sangkap na ipinapakita sa huling dekada na nagtataglay ng isang kaakit-akit na spectrum ng pharmacological properties. Ang resveratrol ay nagsusugpo ng enzymatic activity na parehong cyclooxygenase enzymes Cox-1 at -2 (Gescher, 2008). Ang resveratrol ay maaaring pumasok sa blood system sapat na upang magkaroon ng isang epektong sikolohikal sa pagbawas sa mga galaw ng cyclooxygenases at 5 – lipooxygenase pati na rin ang pagganap bilang isang phytoestrogen (Jackson, 2000).

Sinabi ni Gescher (2008) na ang epidemiological na katibayan ay nagpapahiwatig na ang pang-matagalang pagsugpo ng cyclooxygenase ay makabuluhang binabawasan ang panganib ng pagbuo ng maraming uri ng kanser, at pagtanggal ng mga gene na encodes Cox-2 na pangharang sa isang daga na may colorectal kanser. Base naman kay Barnes (2004) na ayon sa mga epidiomological na pag-aaral ang mga espesipikong dietaries ay mayroong nasasamang potensyal para sa mas mababang cancer risk. Ang mga kasamahan nito ay mga bitamina pati na rin ibang mga phytochemicals, lalo na ang polyhenols. Itong diet na ito ay naglalaman ng maraming uri ng phytochemicals, kasama na ang mga bitamina at iba pang mga components na hindi maaring I-synthesize ng tao man o hayop. Sa kasalukuyan, ang mga pangkalusugang benepisyo ng mga bitamina ay malawakang nakokonsumo, ngunit ang benepisyo ng ibang phytochemicals gaya ng polyphenols ay hindi pa lubusang naiintindihan o natatanggap, sa isang parte, ito ay dahil sa complexity ng kanilang mga ginagawa.

Sinabi ni Aggarwal (2006) na Madaming pananaliksik na nagpapatunay na ang “resveratol”, na nahahanap sa ubas, may maaaring maging gamot sa mga sakit. Ayon naman kay Raloff (2010), ang resveratrol ay maaaring maging panlaban sa paglaganap

7ng fat cells at pagbutihin ang asukal na galing sa dugo. Ang mga bahagi ng pulang ubas ay tumutulong iwasan ang mga oxidant damage sa isang malaking bilang ng human tissue model na mas mahusay kaysa sa vitamin C, E at beta – carotene. Sinabi din ni

Page 10: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Jackson (2000) na ang resveratrol ay isang phenolic compound na ginawa bilang tugon sa fungal attack ng mga ubas. Ito ay may mas higit na antioxidant action kaysa sa mga dietary antioxidant tulad ng vitamin E at ascorbic acid.

Sinabi ni Ziegler (2004) na ang resveratrol ay ginamit sa isang eksperimento gamit ang mga daga. Napag alamang ito ay napupunta sa ating small intestine bago ito tuluyang pumunta sa ating dugo. Matapos ang eksperimento, nadiskubreng ang resveratrol ay hindi nakakabawas sa tumor cells na nasa ating katawan. Napagtanto na ang resveratrol ay gamit lamang para makaiwas sa tumor cells at hindi nakakapagpagaling ng tumor.

Sinabi ni Akcay (2004) na ang pinakaimportanteng factor na nakakaapekto sa nilalaman ng mga compounds sa ubas, pomace, katas, must at alak ay ang kanilang concentration sa ubas, ang teknolohiya sa paggawa ng alak at ang kanilang transpormasyon sa aging process ng alak.

Ayon sa isang pag –aaral sa University of Kentucky sa U.S., nalaman nila na ang mga leukemia cancer cells na naekspose sa grape seed extrat (GSE) ay nakakapatay ng mga cancer cells sa pamamagitan ng prosesong cell suicide o apoptosis. Salamat sa GSE, 76% na leukemia cells ay nagcommite ng suicide dahil sa abilidad ng GSE na mag – activate ng protein na JNK kung saan nagreregulate ito ng apoptosis. Normal lang sa katawan ng tao ang pagconduct ng cancer cells na sa kalaunan ay papatayin nila ang kanilang sarili kung napagtanto nilang wala silang silbi sa ating katawan, subalit kinakailangan ng cell communication na base sa nutrition, minerals at protinang nasa ating katawan. Kaya naman ang GSE ay maaari ring gawing chemotherapeutic agent. Kumpara sa mga toxic na chemotherapy, ang GSE ay walang side effects, at marami pa itong benepisyong pangkalusugan katulad ng source ng resveraterol. (Adams, 2009)

8Tsapter III: Metodolohiya

Page 11: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa at sinimulan sa pamamagitan ng paghahanap ng magandang paksa na base sa interes ng mananaliksik. Nagbrainstorm ang mga mananaliksik upang makabuo ng magandang paksa. Pagkatapos ay masusi itong pinag –aralan upang sa gayon ay makita kung ano ang maaaring isaliksik sa paksang napili. Nang nakahanap na ng maaaring maging pananaliksik, nag – umpisa ng gumawa ang mga mananaliksik ng tesis na pahayag sa pamamagitan ng pagbabasa sa aklatan ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Base na rin sa proseso kung paano gumawa ng pananaliksik na papel, sinimulan nang paghati – hatiin ng lider ang mga dapat gawin ng bawat miyembro. Gamit ang mga nakalap na dalawampu’t limang mga journal at sampung mga librong pangsiyensiya, sinuri ang mga literatura at materyal na kaugnay ng pag – aaral at pinalawak pa ang mga ito. Ang mga nakalap na literatura ay pinagsama – sama. Sinimulan ang pagsalin ng mga nakuhang literatura sa Filipino at doon ay inihanay ito base sa order ng paksa. Upang mas magkaroon ng matibay na katunayan ang pananaliksik tungkol sa ubas, nagsagawa ng mga sarbey ang mga mananaliksik na nangailangan ng 30 respondante na nanggaling naman sa Main Building ng Unibersidad ng Sto. Tomas, ang mga respondanteng ito ay kailangang nasa edad na 16 at pataas. Sa pagkalap ng mga datos ng mga respondante ng mga mananaliksik, nakagawa sila ng presentasyon at analisis ukol dito. Nagkaroon din ang mga mananaliksik ng kapakipakinabang na mga resulta at interpretasyon na nakatulong upang masaayos ang mga katanungan ng mga mananaliksik at nakapaglahad ng mga may laman na rekomendasyon na maipapayo sa kanilang mga mambabasa gayundin, para ito’y makatulong sa nasimulang pananaliksik at makagawa ng magandang kongklusyon.

9Tsapter IV – Presentasyon at Analisis ng mga Datos.

Page 12: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Upang mas lalong maging impormatibo ang papanaliksik na papel sa aming pag-aaral ng Medisinal na Benepisyo ng Ubas, nagsagawa kami ng isang pagsusuri sa pamamagitan ng sarbey upang magkaroon ng karagdagang kaalaman at upang mahalintulad ang mga nakalap na datos sa pag-aaral sa Ubas.

Sa unang katanungan, kung mahilig ba silang kumain ng ubas, ang may pinakamalaking porsyento na nakuha ay ang sagot na oo, na may 60%. Pumapangalawa ang medyo, na may 37%. At 3% lamang ang hindi mahilig kumain ng ubas.

10

Page 13: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ikalawang katanungan, kung kinakain rin nila ang balat ng ubas, ang may pinakamalaking porsyento na nakakuha ng 87% ay ang nagsabing oo. Pumapangalawa naman ang hindi na may 7%. At ang may pinakamababang nakuhang porsyento ay ang minsan na may 6%.

11

Page 14: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ikatlong katanungan, kung aling klase ng ubas ang madalas na kinakain nila. Ang may pinakamataas na porsyento ay ang pareho na may 53%. Pangalawa ang Seedless na ubas na may 34%. Pangatlo ang Normal na ubas na may 10%. Sinusuportahan ng pananaliksik ni Adams (2009) na ang grapeseed extract ay pumapatay ng leukemia cancer cells sa pamamagitan ng cell suicide na tinatawag na apoptosis. At ang pinakamababa ay ang Wala na may 3%.

Sa ika-apat na katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang pamilyar sa kanila na nilalaman ng ubas. Ang may pinakamataas na porsyento ay ang Antioxidant na may 57%, Pangalawa ang Wala na may 30%, Pangatlo ang Resveratrol na may 13% na sinupotahan ni Miksits (2009). Ginagamit itong gamot ng mga intsik para panlaban sa mga sakit ng atay at balat at ni Jackson (2000) na ang resveratrol ay isang phytoalexin na may kanser chemopreventive properties sa preclinical models of carcinogenesis pati ni Aggarwal (2006) na ang resveratrol ay maaaring maging panlaban sa paglaganap ng fat cells at pagbutihin ang asukal na galing sa dugo. Ang pinakamababa ay ang Tannins na may 0%.

12

Page 15: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ika-limang katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang alam nilang benepisyong makukuha sa ubas. Ang may pinakamalaking poryentong nakuha ay ang Panglaban sa sakit ng puso na may 41%. Sinusuportahan ito ng pahayag ni Jackson (2001) na ang ubas kayang pigilan ang sakit sa puso sa kabila ng simpleng presyon ng dugo. Sinabi din ni Jackson (2000) na binabawasan ng wine ang mga insidente ng iba’t ibang uri o anyo ng cardiovascular disease katulad ng hypertension, stroke at peripheral artery disease na pinatunayan naman ng National Institure on Alcohol Abuse and Alcoholism. Ayon naman kay Huter (2006), Ang pag – inom ng alak, lalo na ang gawa sa ubas ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng sakit sa puso dahil dinabawasan nito ang “bad cholesterol” at triglycerids” sa pag – inom ng alak. Pangalawa ang Pang - iwas sa sakit na kanser na may 28%. Sinusuportahan naman nito si Kolpum (2002) na nagsasabi na dahil sa antioxidany properties ng alak, lalo na ang resveratrol sa red wine at ang bioflavanoisds sa red grapes ang alak ay maaaring maging gamit din para sa pag – iwas ay pagpigil sa kanser. Pangatlo ang Pangprotekta sa virus na A (H1N1) na may 17%. Sinusuportahan naman ito ni Chiou (2009) na ang ubas ay may nilalamang vitisinols na sinasabing pang protekta mula sa sakit na A (H1N1). At ang pinakamababang nakuha ay ang Wala na may 14%.

13

Page 16: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ika-anim na katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang nalalaman nila na epekto ng phenolic compounds. Ang pinakamataas na porsyento ay ang Anti-carcinogenic na may 62%. Pangalawa ang Wala na may 31%. Pangatlo ang Anti-allergic na may 4%. At ang may pinakamababang porsyento ay ang Anti-arthritic na may 3%. Sinusuportahan ito ni Banerjee (2006) na nagsasabi na ang phenolic compounds ay nakatawag pansin sa mga field of nutrition, health at medicine dahil na rin sa kanilang anti - carcinogenic, anti - allergic, anti-inflammatory, anti - arthritic, atbp. lalo na sa antioxidant activity nito.

14

Page 17: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ika-pitong katanungan, kung aling bahagi ng halaman ang sa tingin nila ang may pinakamataas ng mapagkukunang benepisyo. Ang pinakamataas ay ang Prutas na may 90%. Pangalawa naman ang Ugat na may 7%. Pangatlo ang Dahon na may 3%. At ang pinakamababang porsyento ay ang Tangkay na may 0%.

Sa ika-walong katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang alam nilang maaaring maging produkto ng prutas na may iba’t ibang epekto. Ang may pinakamataas na porsyento ay ang Alak na may 83%. Pangalawa ang Bitamina na may 17%. Ang Katad at Jams and Jellies ay parehong nakakuha ng 0% at silang dalawa ang pinakamababang porsyentong nakuha.

15

Page 18: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Sa ika-siyam na katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang tingin nilang masamang dulot sa sobrang pagkain ng ubas. Ang pinakamataas na porsyento ay ang Pagtatae na may 64%. Pangalawa ang Pag-uubo na may 14%. Parehong nakakuha ng 11% ang Pagsakit ng katawan at Pagsusuka.

16

Sa huling katanungan, kung alin sa mga sumusunod ang tingin nila na mainam na kainin/inumin ng isang taong may diabetes. Ang pinakamataas ay ang Prutas na ubas na

Page 19: Medicinal Benefits of Eating Grapes

may 58%. Pangalawa ang Wala na may 23%. Pangatlo ang Alak mula sa ubas na may 19%. At ang pinakamababang porsyento ay ang Serbesa na may 0%. Ayon kay Jackson (2000), ang wine ay isang mahalagang source ng vanadium na maaaring makatulong sa impluwensiya ng ethanol para patagalin o pigilin ang pagdebelop ng ilang uri ng diyabetis.

Ang mga resulta ng datos na aming nakalap mula sa mga respondante ay sumusuporta sa aming pag-aaral sa Medisinal na Benepisyo ng Ubas. Lumalabas sa sarbey na karamihan sa mga respondante ay mayroon nang kaunting kaalaman sa prutas na ubas, ngunit kulang pa rin ang kanilang nalalaman tungkol dito.Ang prutas na ubas ay sinasabing non-climacteric o nahihinog ng kusa sa kanyang halaman. Ibig sabihin nito na ang prutas na ito ay purong natural mula sa halaman nito at walang halong kahit na anong kemikal o kontaminasyon. Kailangang regular ang ating pag konsumo nito dahil ang ubas ay may maraming mga benepisyo. Ang bawat parte ng prutas na ito ay may kanya kanyang gamit. Ngunit dapat wasto lamang ang dami na ating kakainin dahil meron din itong mga masasamang dulot sa ating katawan kapag labis ang ating nakain. Ito rin ay nagagamit bilang panlaban o pang iwas sa mga sakit. Kaya’t hindi dapat natin binabalewala ang prutas na ito.

17Tsapter V – Kongklusyon at Rekomendasyon

Page 20: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Marahil sa panahon natin ngayon, marami na sa iang punto ng buhay ng isang nilalang ang nakatikim o nakakain na ng ubas. Base sa pananaliksik, malaking bagay ang nagagawa ng pagkonsuma ng ubas papasok sa ating katawan. Bawat parte ng prutas na ito ay may kani kaniyang gamit. Masasabing ang ubas, mapaanong parte man ito ay may benepisyong pangkalusugan. Ang antioxidant, resveratrol at iba pang phenolic compound ay napatunayang nakatutulong pang – iwas o panglunas kanser, diabetes, heart attack at iba pang cardiovascular diseases. Makikita na kahit kakaunti ang kaalaman ng nakararami sa kung ano ang nilalaman ng ubas, tinatangkilik pa rin nila ito. Sa kabuuan ng pananaliksik, ang ubas, kahit anong uri ng pagkonsuma nito ay may medicinal na benepisyo sa ating kalusugan. Dapat lang tandaan at malaman ng mga mambabasa na may limitasyon at hangganan ang pagkain ng ubas, dahil maaari rin itong makasama sa ating pangangatawan. Ang pananaliksik na ito ay nakasagot sa mga suliranin ng mga mananaliksik:

Ano ang mga medisinal na nilalaman ng ubas?

Ang medisinal na nilalaman ng ubas ay ang resveratrol, antioxidant, tartaric acid at iba pang phenolic compounds.

Ano ang gamit ng mga kemikal na nasa ubas?

Ang mga kemikal na nasa ubas ay maaaring makapag – iwas ng dyabetis, makapatay ng kanser cells, makapagkontrol ng blood pressure.

Anong mga sakit ang maaari nitong malabanan, malunasan, maiwasan, mapigilan o mabawasan?

Maaari nitong labanan, lunasan, iwasan, pigilan o bawasan ang kanser, dyabetis, hypertension, stroke at peripheral artery disease at iba pang cardiovascular diseases, sa stress, macular degeneration, pagbawas ng direkta ng muscle spasms at ang pagkastiff dahil sa arthritis, risk ng pagkakaroon ng atherosclerosis, akumulasyon ng kolesterol, pagbawas ng platelet collection, mas mababang panganib ng Alzheimer’s Disease.

Anu –ano ang mga benepisyo nito na makakatulong sa kabataan at matatanda?

Nakakatulong ang pagkonsuma ng ubas sa mga matatanda at kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng nutrients na kung saan pinapanatiling malusog ang ating katawan.

Paano ito nakalulunas ng sakit?

18Ang iba’t ibang mga phenols na makikita sa ubas ay pumapatay o pumipigil sa

mga maaaring maging sanhi ng mga saki na nabanggit.

Page 21: Medicinal Benefits of Eating Grapes

May negatibo rin bang epekto ito sa ating kalusugan?

Mayroong din itong negatibong epekto sa ating katawan lalo na ang sobra sa pagkain ng ubas at pag – inom ng wine.

Sa pananaliksik na ito, binigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga medisinal na benepisyo ng ubas sa kalusugan. Sa mga gustong ipagpatuloy ang nasimulan ng mga mananaliksik, maiging pag – usapan naman ang mga negatibong epekto nito sa ating kalusugan, sa gayon, hindi lamang mamumulat ang mga mambabasa na mayroon din palang epektong nakakasama ang ubas, madaragdagan din ang impormasyon nila ukol dito. Kahit na ang mga mananaliksik ay nakapaggawa ng serbey sa mga piling respondante, mas mainam na mag – interbyu ng mga propesyonal na may kaugnay sa pananaliksik upang mas maging informatib ang papel. Bilang rekomendasyon, magandang makipagtulungan at humingi ng payo sa guro o mentor para sa mga karagdagang impormasyon. Kapag gagawa ng isang pananaliksik, mas maiging paglaanan ito ng maraming oras hindi lamang para makapaghanda, kung hindi pati na rin para magkaroon ng kabuluhan an paksang napili!

19Sanggunian 

 

Page 22: Medicinal Benefits of Eating Grapes

2001. The Grape. Wine Essentials. Carol and Brown. United States. p. 10 – 11. 

Acree, Terry, McLellan, Mark R.(1993). Grape Juice. Fruit Juice Processing Technology, pages 318-320. 1993 . Agscience, Incorporation, Florida. 

Adams, Mike. 2009. Resveratrol, The Miracle Nutrient to Prevent Heart Disease. Natural News. Tucson, Arizona. 

Aggarwal, Bharat B. (2006) “Resveratrol in Health and Disease” CRC Press. 600 Broken Sound Parkway NW, FL. 

Akcay, Y., Altindisli, A., Guvenc, U., Yildirim, H., Sozmen, E., 2005. Antioxidant Activities of Organic Grape, Pomace, Juice, Must, Wine and Their Correlation with Phenolic Content. International Journal of Food Science and Technology vol. 41. Ege University. Izmir, Turkey. p. 133-134. 

Baker, S.L. 2010. New Research Shows Grapes reduce Risk for Heart Disease and Diabetes. Natural News. Tucson, Arizona. 

Baker, Sherry. 2008. Study finds Grapes offer a Bunch of Ways to Help Heart. Natural News. Tucson, Arizona. 

Barnes, S., Grubbs, C., Hall, P., kirk, H., Smith, M., Prasain, J. 2004. Chemoprevention by Grape Seed Extract and Genistein in  Carcinogen- Induced mammary Cancer in Rats is Diet Dependent. The Journal of Nutrition vol. 134. Washington, D.C. p. 3445s- 3446s. 

Baydar NG, Sagdic O, Ozkan G, Cetin S. 2006. “Determination of Antibacterial Effects and Total Phenolic Contents of Grape (Vitis vinifera L.) Seed Extracts.” International Journal of Food Sciences and Technology vol. 41.  

Chiou, W. F., Shen, C., Chen, C., Lin, C., Huang, Y. 2009. Oligostilbenes from the Roots of Vitis thunbergii. Planta Med vol. 75. Georg Thieme Verlag KG Struttgart, New York. p. 856-859. 

Daayf, Fouad, Lattanzio, Vincenzo. 2008. Recent Advances in Polyphenol Research. Blackwell Publishing Ltd., United Kingdom. 

Doshi, P., Adsule, P. & Banerjee K. 2006. Phenolic Composition and Antioxidant Activity in Grapevine Parts and Berries (Vitis vinifera L.) cv. Kishmish chornyi (sharad seedless). International Journal of Food Science and Technology vol. 41. Institute of Food and Science & Technology Trust Fund. p.1 

Page 23: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Freedman JE, Parker C III, Li L, Perlman JA, Frei B, Ivanov V, Deah LR, Iafrati MD, Folts JD. 2001."Select Flavonoids and Whole Juice from Purple Grapes Inhibit Platelet Function and Enhance Nitric Oxide Release". Circulation vol. 103. 

Gescher, Andreas J. 2008. Resveratrol from Red Grapes – Pedestrian Polyphenol or Useful Anticancer Agent? Planta Medica vol. 74. Georg Thieme Verlag KG Stuttgart. New York. p. 1651-1655. 

Goepp, Julius G. 2007. Protecting Cardiovascular Health With Whole Grape Extract. Le Magazine. 

Gutierrez, David. 2009. Common Table Grapes reduce Blood Pressure, repair Heart Damage. Natural News. Tucson, Arizona. 

Halliwell, Barry, Gutteridge, John M. 2007. Free Radicals in Biology ang Medicine ( 4th ed.). Oxford University Press. New York. 

Hatherill, J. Robert Ph. D. 1998. Eat to Beat Cancer: A research Scientist explains How You and Your Family can avoid Up to 90% of All Cancers. Renaissance Books/ St. Martin’s Press. New York. p.180. 

Homer, Megan. 2008. Resveratrol Found To Improve Health, But Not Longetivity In Aging Mice On Standard Diet. Nih News. 

Huter, Flora. 2006. “Foods that Harm, Foods that Heal” Reader’s Digest Association Limited, London. 

Jackson, Ron S. 2000. Wine Science. Academic Press. United States of America. Junttila, Henri. 2009. Facts about Grapes anf Their Amazing Health Benefits are Proven.

Natural News. Tucson, Arizona. 

Kolpum, S., Smith, B.H., Weiss, M. 2002. Exploring wine: The culinary institute of America’s complete guide to wines of the world. John Wiley & Sons, In. New York. p. 673- 688. 

Laverie, Susan. 2010. Grapes offer Natural Cures for Gout and Rheumatoid Athritis Pain Relief. Natural News. Tucson, Arizona. 

May, Luella. 2010.Enjoy the Many Benefits of Dark Grapes. Natural News. Tucson Arizona. 

Miksits, M., Wlcek, K., Svoboda, M., Kunert, D., Haslinger, E., Thalhammer, T., Szekeres, T., Jager, W. 2009. Antitumor Activity of Resveratrol and its Sulfated Metabolites against Human Breast Cancer cells. Planta Medica vol 75. Georg Thieme Verlog KG Struttgart. New York. p. 1227-1230. 

 

Page 24: Medicinal Benefits of Eating Grapes

Minton, Barbara L. 2008. Resveratrol has Anti – aging ang Anti – cancer Properties linked to Cardiovascular Health. Natural News. Tucson, Arizona. 

 Muller, C., 1995. “ Wine and Health- It is more than Alcohol”. Wine Analysis and

Production. Chapman & Hall. New York. p. 14-29. 

Raloff, Janett. 2010. How Resveratrol (in grapes, peanuts and wine) Fights Fat and Disease. Science News. 

Stein JH, Keevil JG, Wiebe DA, Aeschlumann S, Folts JD. 1999. "Purple Grape Juice Improves Endothelial Function and Reduces the Susceptibility of LDL Cholesrerol to Oxidation in Patients with Coronary Artery Disease". Circulation vol. 100. 

Vive, R. D. 1997. Wine Appreciation (2nd ed). John Wiley and Suns, Inc. p. 14-18. 

Walter F, Ulrich S, Stein J. 2004. "Molecular Mechanisms of the Chemopreventive Effects of Resveratrol and Its Analogs in Colorectal Cancer: Key Role of Polyamines?". American Society for Nutritional Sciences. 

Whitney, M.T. 2007. Grape Sees Flavonoids Demonstrate Anti – cancer, Anti – inflammatory and Antioxidant Properties. Natural News. Tucson, Arizona. 

Yildirim, Hatice K.2005. Antioxidant Activities Of Organic Grape, Promace, Juice, Must, Wine and Their Correlation with Phenolic Content. 

Ziegler, C., Rainwater, L., Whelan, J., and McEntel, M. 2004. Dietary Resveratrol Does not Affect Intestinal Tumorigenesis in ApcMin/+ Mice’ Biochemical and Molecular Action of Nutrients, pages 5-10. July 23, 2003. American Society for Nutritional Sciences.