14
MASAYANG MUNDO NG FILIPINO Nursery

Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masayang Mundo ng Filipino - Nursery•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino•There will be songs, rhymes, poems and stories for children

Citation preview

Page 1: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

MASAYANG MUNDO NG FILIPINONursery

Page 2: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Masayang Mundo ng FilipinoNurseryBatayang Aklat

Karapatang-ari 2010 ng DIWA LEARNING SYSTEMS INCReserbado ang lahat ng karapatan

Ang pangangasiwa sa editoryal, layout, at disenyo ay isinagawa ng

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

Tanging tagapamahagi angDIWA LEARNING SYSTEMS INC4/F SEDCCO 1 Bldg.120 Thailand corner Legazpi StreetsLegaspi Village, Makati City, PhilippinesTel. Nos.: (632) 893-8501FAX: (632) 817-8700

ISBN 978-971-46-0139-0

Bernadine M. Tamayo (May-akda)

Nagtapos si Bernadine M. Tamayo ng kursong Communication Arts sa Philippine Women’s University (PWU). Siya ay guro sa BJ Christian Learning Center sa loob ng 11 taon.

Mona R. Alagar (Konsultant)

Nagtapos si Mona R. Alagar ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa St. Paul College–Quezon City. Siya ay kasalukuyang Preschool area coordinator sa Poveda Learning Center.

Page 3: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Paunang Salita

Narito ang bagong aklat sa Filipino na sadyang inihanda para sa inyo. Layunin ng aklat na ito na malinang ang inyong kakayahan at kasanayan sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Hinati-hati sa apat na yunit ang aklat na ito. Ang bawat yunit ay binubuo ng mga kawili-wiling tugma, awit, diyalogo, at kwento. Maging ang mga pagsasanay ay inihanda na tiyak na inyong kasisiyahan. Ang mga ito ay makatutulong upang malinang sa inyo ang kahalagahan ng katangian ng tunay na Pilipino tulad ng mabuting pakikipag-ugnayan sa inyong mag-anak, pagmamalasakit sa inyong mga kaibigan sa paaralan, at mahusay na pakikitungo sa mga namumuno sa pamayanan.

Inaasahang mapahahalagahan ninyo ang bawat aralin na makatutulong sa inyong pag-unlad bilang isang mabuting mamamayan. Gawin ninyong kawili-wili ang inyong pagtuklas sa mga bagay na nasa inyong paligid sa tulong ng aklat na ito.

Mahalin at ingatan sana ninyo ang aklat na ito. Ugaliin ang pagiging palabasa dahil ito ang magpapayaman sa inyong kaalaman.

Mabuhay ka!

Halinang magbasa!

Page 4: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Para sa mga Guro

Ang makabagong aklat na ito para sa mga preschooler ay sadyang inihanda upang mabigyan ng makabuluhan at kawili-wiling pagsasanay ang mga mag-aaral. Layunin ng aklat na ito na malinang sa mga bata ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Isinasaalang-alang din na sa tulong ng mga larawan, awitin, tugma, diyalogo, at kwento sa aklat na ito ay malilinang sa mga mag-aaral ang kawilihan sa pagtuklas ng mga bagay sa kanyang paligid

Inaasahan na huhubugin ang kakayahan ng mga bata ng mga aralin na kinakailangan upang maging handa sila sa susunod na antas at tungo sa mas malawak pang gawain.

Nakapaloob sa aklat na ito ang mga sumusunod na kasanayan: Pagtukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga hugis at anyo; Pagkilala at pagbasa sa Alpabetong Filipino; Pagsasagawa ng mga gawaing humuhubog sa kabutihang asal; Pagkagiliw sa mga tula, awit, at kwento.

Inaasahan na sa masusing pagsubaybay ng guro ay makakamit ng mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan. Gawing kawili-wili ang pagtuturo ng mga aralin upang ito‛y maging matibay na sandigan sa pagkatuto ng mga kinakailanagang aralin sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Maligayang pagtuturo!

May-akda

Page 5: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1 Ipinagmamalaki Ko ang Aking SariliAralin 1 Ako ay Pilipino .............................................................................2Aralin 2 Magagalang na Pananalita at Pagbati .....................................6Aralin 3 Ako ay Obra ng Maykapal .........................................................9Aralin 4 Ang Aking Kasarian ................................................................. 20Aralin 5 Mga Tunog ng Hayop ............................................................... 26 Aralin 6 Alpabetong Filipino ................................................................. 30Aralin 7 Makulay na Mundo ................................................................... 67Aralin 8 Iba-ibang Hugis ....................................................................... 73

Yunit 2 Ako at ang Aking Masayang Mag-anakAralin 1 Mahal Ko ang Pamilya Ko! ....................................................... 78Aralin 2 Ang Galing ng Pamilya Ko! ...................................................... 84Aralin 3 Sa Pagdalaw Nina Lolo, Lola, Tito, at Tita ......................... 87 Aralin 4 Mga Pasalubong Nina Lolo, Lola, Tito, at Tita .................. 92Aralin 5 Ang Aming Tahanan ................................................................ 98Aralin 6 Ang mga Ginagawa Ko sa Bawat Silid ................................ 105 Aralin 7 Pangangalaga ng Aming Tahanan ........................................ 109 Aralin 8 Wastong Pag-uugali sa Hapag-kainan ................................. 115

Page 6: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Yunit 3 Tahanan ng Karunungan at Kaalaman Aralin 1 Ang Aking Pangalawang Tahanan ................................ 122 Aralin 2 Ang mga Silid ng Aking Paaralan ........................................ 126Aralin 3 Ang Aming mga Kamag-aral ................................................. 133 Aralin 4 Ang Aming mga Pangalawang Ina at Ama ......................... 138 Aralin 5 Mga Gamit na Makikita sa Loob ng Silid-aralan ............. 143Aralin 6 Tayo ng Magbilang! ................................................................ 148 Aralin 7 Mga Araw sa Isang Linggo ................................................. 162 Aralin 8 Mga Maaaring Gawin o Ginagawa sa Isang Linggo ........... 171

Yunit 4 Ako Bilang Bahagi ng Magandang Pamayanan at DaigdigAralin 1 Ang Pamayanan at ang Ating Tungkulin Dito ................. 182 Aralin 2 Ang Pinuno ng Pamayanan ..................................................... 190Aralin 3 Wastong Paggamit ng Ang at Ang Mga ............................ 192 Aralin 4 Ilang Pook sa Pamayanan .....................................................203 Aralin 5 Wastong Pag-uugali sa Loob ng Simbahan at Ospital ...209Aralin 6 Iba‛t Ibang Tao sa Pamayanan ........................................... 216 Aralin 7 Iba pang Kasapi sa Pamayanan at ang Tungkulin Nila ... 221 Aralin 8 Wastong Paggamit ng sa Itaas, sa Ibaba, at sa Gitna .227

Page 7: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

1YUNIT

Ipinagmamalaki Ko ang Aking Sarili

Page 8: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Masayang Mundo ng Filipino–Nursery2

Aralin

1

Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino, ako ay PilipinoTaas noo kahit kanino

Ang Pilipino ay ako!

Ako si Leon F. Garcia.

Ako ay Pilipino

Awitin natin ang “Ako ay Pilipino.” Sabihin nang malakas na ikaw ay Pilipino.

Pakinggan natin sina Dahlia at Leon sa pagpapakilala ng kanilang mga sarili.

Ikaw, ano ang pangalan mo?

Ako si Dahlia F. Cruz.

Page 9: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Ipinagmamalaki Ko ang Aking Sarili 3

Ikaw, ilang taon ka na?

Ako ay apat na taong gulang.

Mahilig akong gumuhit ng larawan.

Page 10: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Masayang Mundo ng Filipino–Nursery4

Idikit sa kahon ang larawan na hilig mo namang gawin.

Page 11: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Ipinagmamalaki Ko ang Aking Sarili 5

Bakatin ang putul-putol na linya.

Sa mga Magulang: Sanayin pa ang inyong anak sa wastong pagpapakilala ng kanyang sarili at maipagmalaki ang kanyang pagiging Pilipino.

Sabihin natin ang hilig ng

dalawang bata.

Page 12: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Masayang Mundo ng Filipino–Nursery6

Aralin

2

Magagalang na Pananalita at Pagbati

Magandang umaga, Inay!

Bigkasin natin ang mga salitang

“Magandang umaga!”

Page 13: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Ipinagmamalaki Ko ang Aking Sarili 7

Magandang umaga!

Bigkasin natin ang mga salitang

“Maraming Salamat!”

Inay, Itay, maraming salamat po

sa almusal!

Walang anuman, mga anak!

Page 14: Masayang Mundo ng Filipino - Nursery

Masayang Mundo ng Filipino–Nursery8

Bakatin ang mga guhit na nakapahilis.

Maraming salamat!

Sa mga Magulang: Ipaliwanag pa nang lubos sa inyong anak na ang magiliw na pagbati sa nakatatanda, kamag-anak, kaibigan, o panauhin ay nagpapakita ng kagandahang-asal.

Magandang gabi, Itay.