19
Banghay Aralin sa Sibika at Kultura

Mary Grace Power Point

Embed Size (px)

Citation preview

Banghay Aralin sa Sibika at Kultura

Inihanda ni: Mary Grace B. Aprong

BEED 2

Mga bata, tumayo kayong lahat. Cyren ikaw ang mamuno sa panalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ng makakain sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala. Para nang mapatawad namin ang nagkasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at ilayo mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Magandang hapon mga bata. Umupo na kayo.

Mga bata, alam ba ninyo ang kantang “Kamusta Ka”?Ngayon ay tuturuan ko kayo ng kantang ito. Una, makiniglamang habang inaawit ko ito. Pagkatapos ay tuturuan kokayo ng aksyon. At sunod ay sabay-sabay natin itong awitin.Maliwanag ba mga bata?

Kamusta ka, kamusta ka?Tayo ay magsaya, tayo ay magsaya

Pumalakpak, pumalakpakIturo ang paa…

Padyak sa kanan, padyak sa kaliwaUmikot ka, umikot ka

Ituro ang paa…

At ngayon ay sabay-sabay natin itong awitin.

Class monitor, sino ang hindi pumasok ngayong araw?

Mayroon ba silang excuse letter?

Salamat.

Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang aralin. Ginawa ba ninyo ito?

Pakipasa ng inyong takdang aralin sa harap. Ako na ang bahalang magwasto niyan.

Mga bata, sino ba sa inyo ang nakikinig sa radyo o nanonood ng telebisyon? Ano ba ang balitang napapanahon ngayon?

Sharen, maaari mo ba itong iulat sa harap ng klase?

Salamat Sharen.

Kahapon ay tinalakay natin ang mga tanyag na pilipino sa larangan ng palakasan. Bilang pagbabalik aral, sino sa inyo ang makakapagtala ng mga Pilipino na naging tanyag sa larangan ng palakasan? April? Magaling.

Ang mga Pilipino na tanyag sa larangan ng palakasan ay sina Lydia de Vega, Paeng Nepomuceno, Mansueto “Onyok” Velasco, Mikee Cojuangco, Efren “Bata” Reyes, Manny Pacquiao, at Monsoor del Rosario.

May inihanda akong pagsasanay dito. Tukuyin kung saang laro tanyag ang taong nasa bawat numero. Cyril sagutan mo ang unang bilang. Nikki pangalawa. Er-Vee ikatlo. Jerald sa ikaapat, at Leopoldo sa ikalima.

Mga bata, mahilig ba kayong magbasa ng libro? Anu-anong uri ng libro ang binabasa ninyo? Ano ang pamagat ng libro na nabasa na ninyo? Sinu-sino ang may-akda ng librong inyong nabasa?

Ang ilan sa mga binanggit ninyo ay mga Pilipinong manunulat, hindi ba? Kilala ba ninyo ang ilan sa ating mga Pilipinong manunulat?

Ngayong araw ay tatalakayin natin ang mga Pilipino na tayag sa larangan ng panitikan. Pagkatapos ng talakayan ay inaasahan ko na matukoy ninyo ang mga Pilipinong naging tanyag sa larangan ng panitikan.

Pero bago ang lahat ay makinig muna kayo habang binabasa ko ang tekstong ito.

Maraming angking talino at kakayahan angmga Pilipino. Kahit na mahirap ang kalagayan sapanahon ng pananakop ng mga dayuhan, ito aykanilang patuloy na naipamalas. Bunga nito,patuloy ding napagyayaman at napauunlad angkulturang Pilipino.

Panahon pa ng mga Espanyol ay maraminang nakilalang manunulat na Pilipino. Ilan samga ito ay sina Juan de Vera, Tomas Pinpin,Francisco Baltazar, Padre Modesto de Castro,Pedro Bukaneg, Jose Rizal, at Andres Bonifacio.Sina Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, MarceloH. del Pilar, at iba pang mga manunulat nanagpayabong ng larangang ito kahit na noon aywalang kalayaan sa pagsulat.

Naidagdag dito ang mga kilalang manunulatna sina Lope K. Santos, Amado V. Hernandez,Florentino Collantes, Cirio Panganiban at iba pa nakaramihan ay sa wikang Filipino sumusulat. Ito aydahil sa pagpahayag ng Pangulong Quezon ngpagkakaroon ng wikang pambansa na batay saisang katutubong wika.

May mga panitikan ding nasulat sa Ingles.Ilan dito ay nalimbag pa sa ibang bansa tulad ngmga akda nina N.V.M. Gonzales, BienvinidoSantos, at Joe Garcia Villa.

Ang mga akda sa kasalukuyan nina NickJoaquin, Liwayway Arceo, Efren Abueg at iba pa aymay mataas na uri ng panitikan na nagtamo nggantimpala sa larangan ng pagsulat.

Mga Katanungan:1.Tungkol saan ang tekstong binasa?2. Sinu-sinong mga Pilipino ang naging

tanyag sa larangan ng panitikan?3. Bakit kaya naging tanyag sa panitikan

ang ilan sa ating kapwa Pilipino?4. Dapat bang ipagmalaki na tayo ay

isang Pilipino? Bakit?

Mga bata, gusto ba ninyong malaman ang ilan sa mga isinulat at ang naging kontribusyon ng ilan sa mga Pilipino nating manunulat?

Simulan natin kay Juan de Vera – nakilalang manunulat na Pilipino sa panahon

ng Espanyol dahil sa kanyang Doctrina ChristianaTomas Pinpin – tinaguriang “Prinsipe ng mga Manlilimbag na Pilipino”Francisco Baltazar – may akda ng Florante at LauraPadre Modesto de Casto – may akda ng Urbana at FelisaPedro Bukaneg – sumulat ng Biag ni Lam-angJose Rizal – Pambansang Bayani ng Pilipinas at ang sumulat ng Noli Me

Tangere at El FilibusterismoAndres Bonifacio – nagsalin ng Noli Me Tangere at El filibusterismo sa wikang

FilipinoApolinario Mabini, Emilio jacinto, at Marcelo H. del Pilar- nagpayabong sa larangan ng panitikan kahit na noon ay walang kalayaan ang pagsulatLope K. Santos, Amado V. Hernandez, Florentino Collantes, at Cirio Panganiban – mga makata na sumulat sa wikang tagalogN.V.M. Gonzales, Bienvinido santos, At jose Garcia Villa – mga makata na sumulat sa wikang InglesNick Joaquin, Liwayway Arceo at Efren Abueg – nagtamo ng gantimpala sa larangan ng pagsulat

Mga bata, sinu-sinong mga Pilipino ang naging tanyag sa larangan ng panitikan?

Basahin natin ng sabay-sabay.

Ang mga Pilipinong naging tanyag sa larangan ng panitikan ay sina Juan de Vera, Tomas Pinpin, Francisco Baltazar, Padre Modesto de Castro, Pedro Bukaneg, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, at Marcelo H. del Pilar. Kasama din sina Lope K. Santos, Amado V. Hernandez, Florentino Collantes at CirioPanganiban. Maidaragdag din sina N.V.M. Gonzales, Bienvinido Santos, at Jose Garcia Villa. Sina Nick Joaquin, Liwayway Arceo, at Efren Abueg ay kabilang din sa mga Pilipinong manunulat.

Mga bata, bumuo kayo ng tatlong pangkat sa pamamagitan ng pagbilang ng isa hanggang tatlo. Simulan na ang pagbilang.

Ang unang pangkat ay umupo dito sa kaliwa, ang pangatlo sa kanan, at ang pangalawa dito sa gitna.

Mayroon akong mga larawan dito ng mga Pilipinong manunulat. Bawat pangkat ay may isang kasama na siyang magbibigay ng impormasyon tunkol sa kung sinong manunulat ang nasa larawan na napili niya. Ang dalawang grupo ang siyang huhula kung sino ang manunulat na ito. Naiintindihan ba ninyo?

Ang larawang nabunot ng unang pangkat ay inilarawan ni Jim bilang Ama ng Katipunan. Idinagdag din niya na ito ang nasalin ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal sa wikang tagalog. At nahulaan ito ng pangalawang pangkat. Ang sagot nila ay si Andres Bonifacio.

Ang larawang nabunot naman ng pangalawang pangkat ay inilarawan ni Vanessa na kilala bilang “ama ng Balagtasan”, kilala din ito sa tawag na “Balagtas”. Idinagdag din niya na ito ang may akda ng Florante at Laura. Nahulaan ito ng pangatlong pangkat. Ang kanilang sagot ay si Francisco Baltazar.

Ang pangatlong pangkat naman, inilawan ni Gerlie ang manunulat na ito bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Idinagdag din niya na ang ilan sa mga tanyag niyang sulat ay ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo. Tama naman ang hula ng unang pangkat na ang manunulat na ito ay si Jose Rizal.

Nayon ay bumalik na kayo sa inyong mgaupuan.

Mga bata, ano ang natutunan ninyo sapangkatang gawain na ito? Journa?

Tama. Pagkakaisang bawat kasapi ng pangkatang natutunan ninyo.

Hindi ninyo mahuhulaan ng tama ang manunulat na nasa larawan kung walang pagkakaisa sa bawat kasapi ng pangkat, tama?

Kumuha kayo ng isang kapat na pirasong papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tinaguriang “Prinsipe ng Manlilimbag na Pilipino”?a. Jose Rizal b. Tomas Pinpin c. Francisco Baltazar

2. Si _______ ay ating Pambansang Bayani na siya ring sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.a. Jose Rizal b. Apolinario Mabini c. Andres Bonifacio

3. Naging tanyag siya dahil sa kanyang akda na Biag ni Lam-ang. Sino siya?a. Lope K. Santos b. Cirio Panganiban c. Pedro Bukaneg

4. Sino ang nagsalin ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa Wikang Tagalog?a. Florentino Collantes b. Andres Bonifacio c. Emilio Jacinto

Tapos na ba kayo sa pagsagot mga bata?

Ipasa ang inyong papel sa harap at ako na ang bahalang magwasto niyan.

Para sa inyong takdang aralin, basahin ang inyong aklat, Pilipino Ako, Pilipinas ang Bayan Ko IV, pahina 249-250 at itala ang mga Pilipinong tanyag sa larangan ng pagpinta at paglilok. Isulat ang inyong sagot sa isang kalahating piraso ng papel.