2
Maligayang Pagdating sa Parlyamento Tagalog | tagalog Ang Monarkiya Ang Senado Ang House of Commons 105 MIYEMBRO 338 MIYEMBRO Puno ng Estado Kinakatawan ng Gobernador Heneral Ang Mataas na Kapulungan Hinihirang o itinatalaga Mayroon 105 miyembro na kumakatawan sa mga rehiyon ng Canada Ang Mababang Kapulungan Inihahalal Mayroong 338 miyembro na kumakatawan sa populasyon ng Canada Paano Gumagana ang Parlyamento Isang konstitusyonal na monarkya ang Canada, na nangangahulugang ang puno ng Estado ay ang Monarko at ang Prime Minister. May tatlong mga bahagi ang Canada, sama-samang kumikilos upang lumikha ng mga bagong batas. 3 5 2 4 1 Senate (the Senate of Canada Building) House of Commons (West Block) Centre Block (closed for rehabilitation) East Block Visitor Welcome Centre 2 3 4 5 1 Konpederasyon ng sampung mga probinsya at tatlong mga teritoryo na kabahagi sa magkakatulad na pamahalaan ang Canada. Sama-samang gumagawa bilang mga kinatawan sa buong Canada ang mga Senador at ang mga Parlyamentaryo. Tahanan ng Demokrasya sa Canada ang Parlyamento. Dito nagpupulong ang mga parliamentaryo upang gumawa ng mga bagong batas, magdebate tungkol sa pampamahalaang patakaran at suriin ang mga isyu sa araw na iyon.

Maligayang Pagdating sa Parlyamento · panukalang batas ay ssang-ayunan ng dalawang Kamara, ito ay ipadadala sa Gobernador Heneral upang bigyan ng “Royal Assent” at maging ganap

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maligayang Pagdating sa Parlyamento · panukalang batas ay ssang-ayunan ng dalawang Kamara, ito ay ipadadala sa Gobernador Heneral upang bigyan ng “Royal Assent” at maging ganap

Maligayang Pagdating sa Parlyamento

Tagalog | tagalog

Ang Monarkiya Ang Senado Ang House of Commons

105 MIYEMBRO 338 MIYEMBRO• Puno ng Estado

• Kinakatawan ng Gobernador Heneral

• Ang Mataas na Kapulungan

• Hinihirang o itinatalaga

• Mayroon 105 miyembro na kumakatawan sa mga rehiyon ng Canada

• Ang Mababang Kapulungan

• Inihahalal

• Mayroong 338 miyembro na kumakatawan sa populasyon ng Canada

S����S�����CANADA

Paano Gumagana ang ParlyamentoIsang konstitusyonal na monarkya ang Canada, na nangangahulugang ang puno ng Estado ay ang Monarko at ang Prime Minister.

May tatlong mga bahagi ang Canada, sama-samang kumikilos upang lumikha ng mga bagong batas.

3

5

2

4

1

Senate (the Senate of Canada Building)

House of Commons (West Block)

Centre Block (closed for rehabilitation)

East Block

Visitor Welcome Centre

2

3

4

5

1

Konpederasyon ng sampung mga probinsya at tatlong mga teritoryo na kabahagi sa magkakatulad na pamahalaan ang Canada. Sama-samang gumagawa bilang mga kinatawan sa buong Canada ang mga Senador at ang mga Parlyamentaryo.

Tahanan ng Demokrasya sa Canada ang Parlyamento. Dito nagpupulong ang mga parliamentaryo upang gumawa ng mga bagong batas, magdebate tungkol sa pampamahalaang patakaran at suriin ang mga isyu sa araw na iyon.

Page 2: Maligayang Pagdating sa Parlyamento · panukalang batas ay ssang-ayunan ng dalawang Kamara, ito ay ipadadala sa Gobernador Heneral upang bigyan ng “Royal Assent” at maging ganap

Paggawa ng Mga Batas ng Canada – Paano Ito Gumagana?

At kung ang panukalang batas ay ssang-ayunan ng dalawang Kamara, ito ay ipadadala sa Gobernador Heneral upang bigyan ng “Royal Assent” at maging ganap na batas ng Canada.

Kung ang panukalang batas ay pumasa, ito ay ipadadala sa kabilang Kamara upang ito’y muling talakayin, pag-aralan at pagbotohan;

Ang panukalang batas na may susog at naaayon sa ulat ng Komite ay muling ibabalik sa plenaryo upang muling talakayin at pagbotohan;

Kung kinakailangan ng pagsusuri, ang panukalang batas ay isasailalim sa malawakang pagsusuri ng isang komite o lupon ng mga miyembro ng Parlyamento kung saan sila ay magbibigay ng kani-kaniyang mungkahi, susog o pagbabago sa tinatalakay na panukalang batas;

Tinatalakay ng mga miyembro ng Parlyamento ang panukalang batas na inihain at pagpapasyahan sa pamamagitan ng pagboto kung ito ay kinakailangan pang sumailalim sa malalimang pagsusuri;

Ang mga panukakang batas ay inihahain sa Senado o sa “House of Commons”;

Ang Senado Ang House of Commons

Ang Gusali ng Senado ng Canada

Ang House of Commons ay ang nahalal na Mababang Chamber. Bawa’t Miyembro ng Parlyamento (MP) ay kumakatawan sa isang partikular na heyograpikong lugar, na tinaguriang Konstituwensiya.

Kinakatawan ng mga MP ang mga tao sa kanilang konstituwensiya at dinadala nila ang kanilang mga alalahanin sa House of Commons. Ginugugol ng mga MP ang karamihan ng kanilang panahon sa pagdedebate, pagboboto at pakikilahok sa mga komite.

Karamihan sa mga MP ay kabilang sa partidong pampulitika. Ang lider ng partido na may pinakamaraming puwesto ang nagiging Prime Minister at siyang bumubuo ng Gobyerno. Nagiging Opisyal na Oposisyon ang pangalawang pinakamalaking partido.

West Block

S����S�����CANADA

Mataas na Chamber ng Parlyamento ang Senado. Itinatalaga ng Governador Heneral ang mga Senador sa payo ng Prime Minister upang kumatawan sa mga rehiyon ng Canada at sa mga grupong minorya. Itinatalaga ang mga posisyon sa mga rehiyon upang makatiyak nang pantay-pantay na representasyon sa buong bansa.

Mga Canadian ang mga Senador na may mga sapat nang nagawa at karanasan mula sa iba-ibang mga larangan. Ang mga Senador ang nagpapabuti ng lehislasyon, nagmumungkahi ng mga pagbabago, nagpapakilala ng mga panukalang-batas at nagdedebate tungkol sa kasalukuyang mga isyu.

Ang karamihan sa mga gawain ng mga Senador ay ginagawa sa lupon kung saan nagagamit ang kahusayan ng mga Senador at pinakikinggan ang mga testigo sa pag-aaral ng mga panukalang-batas.

Natapos noong 1912, ang Gusali ng Senado ng Canada ay orihinal na sentral na istasyon ng tren sa Ottawa.

Nagsara ang istasyon noong 1996 at sa kalaunan ay ginawa itong mga silid-pulungan para sa gobyerno.

Ang gusali ay ginawang bago upang maging tahanan ng Senado samantalang ang Centre Block ay pinagpanibagong-ayos.

Natapos noong 1865, ang West Block ay isa sa orihinal na mga gusali ng Parlyamento.

Sa pagdaan ng panahon, ito ang ginawang mga tanggapan ng mga miyembro ng Parlyamento at kagawaran ng gobyerno. Pinagpanibagong-ayos ito upang maging tahanan ng House of Commons nang magsara ang Centre Block.