12
1 COVID-19 MAGHAHANDA: MAAASAHAN AT PAANO ANO ANG PAKETE NG IMPORMASYON PARA SA MGA KOMUNIDAD NG ASYA AT MELAA NAISAPANAHONG BERSIYON 2: 10 SETYEMBRE 2020

MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

1

COVID-19MAGHAHANDA:

MAAASAHAN

AT PAANO

ANO ANG

PAKETE NG IMPORMASYON PARA SA MGA

KOMUNIDAD NG ASYA AT MELAA

NAISAPANAHONG BERSIYON 2: 10 SETYEMBRE 2020

Page 2: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

2

Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa ng lahat ang kanilang lubos na makakaya upang manatili kang maalam, protektado at pinangangalagaan.

Maaaring may kilala kang isang tao na nagpositibo sa COVID-19. Ito ay hindi nangangahulugan na ikaw ay isang contact at nanganganib na mahawahan ng COVID-19. Ikaw ay kokontakin ng mga opisyal ng kalusugan kung ikaw ay nanganganib.

Ito ay isang virus at ang ating mga kapwa ay hindi dapat sisihin sa pagkakasakit. Lahat tayo ay dapat magtulungan upang matiyak na ligtas ang ating komunidad.

MANATILING MAHINAHON AT MAGING MABAIT

Page 3: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

3

PATULOY NA SUNDIN ANG MGA PANGUNAHING PATNUBAY SA KALUSUGAN:

f Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon nang 20 segundo, tuyuin ang mga ito nang 20 segundo

f Umubo at bumahing sa iyong braso

f Panatilihin ang 2 metrong layo sa iba kapag nasa labas ng iyong tahanan

f Magsuot ng mask o panakip sa mukha kapag nasa labas ng iyong bahay

f Kung ikaw ay makaranas ng bago o lumalalang ubo, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, tumutulong sipon, pangangapos ng hininga o lagnat- mangyaring tawagan ang doktor ng inyong pamilya o Healthline sa 0800 358 5453 (Pindutin ang Opsiyon #1 para sa isang interpreter)

Kung magagawa mo, sikaping maghanda ng ilang hand sanitiser at mga mask na magagamit kaagad kapag papasok at lalabas ng bahay.

Kung namumuno ka sa isang grupo ng pananampalataya, paaralan, early childhood centre o namamahala ng isang negosyo- magtala ng mga taong labas-masok. Makakatulong ito sa pagkontak sa lahat ng maaaring naging malapit na kontak ng isang kaso ng pagkahawa.

Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagkuha ng government QR code * o sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang libro na nagtatala ng pagpasok at paglabas.

*https://covid19.govt.nz/business-work-and-money/business/get-your-qr-code-poster/

PAGIGING HANDA

Page 4: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

MGA PANAKIP SA MUKHA

AT MGA MASK

4

Ang pagsusuot ng panakip sa mukha o mask ay tumutulong pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ang pagsusuot ng mga ito ay tumutulong pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating mga komunidad.

Ang isang panakip sa mukha ay maaaring gawa mula sa anumang uri ng tela tulad ng, isang lumang t-shirt, bandana o scarf. Hindi na kailangang bumili ng mga mask.

Ang mga mask ay karaniwang ginagamit ng mga nars at doktor. Maaari mong isuot ang mga ito kung nais mo, ngunit ang isang panakip sa mukha ay kasing-buti rin.

Bago maglagay ng panakip sa mukha o mask, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Hawakan lamang ito sa bahaging para sa iyong mga tainga, huwag hawakan ang loob o harap ng iyong panakip sa mukha o mask.

Kung kailangan mong hawakan ang iyong panakip sa mukha o mask upang ayusin ito, hawakan lamang ang mga gilid, hindi kailanman ang harap o loob nito.

Kapag aalisin ang iyong panakip sa mukha o mask, alisin muna mula sa iyong mga tainga Kung ito ay isang mask, itapon ito sa basurahan, kung ito ay isang panakip sa mukha tiyakin na ito ay lalabhan sa kamay o isama sa labada gamit ang sabon at tubig.

Hindi kailangang magsuot ng panakip sa mukha o mask ang mga maliliit na bata at ang mga tao na may kahirapan sa paghinga.

KAILANGAN MONG MAGSUOT NG PANAKIP SA MUKHA O MASK SA PAMPUBLIKONG SASAKYAN – HALIMBAWA SA BUS, TREN AT TAKSI.

Ang hindi pagsuot ng panakip sa mukha sa pampublikong sasakyan ay magiging isang pagkakasala, na may parusang $300 na abiso ng paglabag o multa na hanggang $1000 na ipinapataw ng mga korte.

Page 5: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

PAGPAPASURI

5

ANG PAGPAPASURI AY LIBRE* SAAN KA MAN PUMUNTA.

Tawagan MUNA ang doktor ng iyong pamilya upang makapagpasuri. Kung abala siya, ipaaalam niya sa iyo ang isa pang doktor na maaaring magsuri sa iyo.

Kung maaari ka niyang suriin, ipaalam sa kaniya na nais mo LANG magpasuri para hindi ka pagbayarin ng konsultasyon.

Kailangan mo lang ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan at contact number upang makapagpasuri sa isang Community Testing Centre. Dalhin ang iyong ID na may larawan mo, tulad ng iyong lisensiya sa pagmamaneho o pasaporte.

Ang mga sentrong ito ay ligtas at may seguridad.

Ang mga Urgent Care Clinic ay magagamit din para sa pagsusuri. Ang ilan sa mga ito ay bukas nang 24 oras, 7 araw

Mayroon ding mga itinalagang mga klinika ng GP kung saan maaari kang pumunta upang magpasuri.

Kapag ikaw ay pupunta upang magpasuri, magsuot ng mask o panakip sa mukha.

Dalhin ang iyong numero ng NHI kung magagawa mo, at huwag kalimutan ang iyong ID na may larawan mo - ito ay magpapabilis sa proseso ng iyong pagsusuri.

Kung ikaw ay malapitang kontak ng isang nakumpirmang kaso, maaari kang hilingan ng mga opisyal ng kalusugan na pumunta sa isang partikular na sentro ng pagsusuri.

Ang mga Community Testing Centre ay maaaring may matagal na paghihintay.

* Kung kailangan mong magpasuri para maglakbay sa ibang bansa, maaaring may bayad ito.

Para sa buong listahan kung saan ka maaaring magpasuri: arphs.health.nz/ covid19test

Kailangan mong manatili sa bahay hanggang sa matanggap mo ang mga resulta ng iyong pagsusuri. Tatanggap ka LAMANG ng mensaheng text kung negatibo ang iyong resulta. Mangyaring tandaan na ito ay maaaring abutin nang hanggang 5 araw. Kung ang iyong pagsusuri ay positibo, makakatanggap ka ng tawag sa telepono mula sa mga opisyal ng kalusugan.

Page 6: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

6

Kung ikaw ay itinuturing na nagkaroon ng CONTACT (NAKASALAMUHA) NG ISANG TAO NA MAY COVID-19, kokontakin ka ng mga pampublikong opisyal ng kalusugan, ng lider ng iyong pananampalataya o ng inyong etnikong komunidad, ng punong-guro ng isang paaralan o ng may-ari ng negosyo upang ipaalam ito sa iyo.

Pagkatapos ay tatawagan ka nang direkta ng mga pampublikong opisyal ng kalusugan o makakatanggap ka ng mga serye ng mga text na magkukumpirma kung ikaw ay malapit na contact (nakasalamuha).

Kapag nakontak ka na, maaari mong sagutin ang mga serye ng mga katanungan na kinabibilangan ng:

f saan ka maaaring nagpunta

f sino ang maaaring nakasalamuha mo

f kung mayroon kang anumang mga sintomas na may kaugnayan sa COVID-19

Padadalhan ka ng impormasyon ng mga opisyal ng kalusugan na nagpapaliwanag kung ano ang pagbubukod ng sarili (self-isolation).

ANO ANG CONTACT TRACING?(PAGHAHANAP SA MGA NAKASALAMUHA)

Page 7: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

7

PAGKAKAIBA NG MALAPIT AT KASWAL NA MGA CONTACT:

MALAPIT NA CONTACT (NAKASALAMUHA)

f Ang mga malapit na contact ay maaaring mula sa trabaho, inyong lugar ng pagsamba, paaralan, mga grupong pang-isport o panlipunan at mga pagtitipon.

f Nasa loob ng 2 metro ng isang nakumpirmang kaso nang 15 minuto o mahigit pa

f Nakatira sa iisang sambahayan kasama ng isang nakumpirmang kaso

f Bahagi ng bubble (malalapit na mga tao) ng isang nakumpirmang kaso

f Ikaw ay kokontakin nang direkta ng mga opisyal ng kalusugan

f DAPAT kang magbukod ng sarili nang hindi kukulangin sa 14 na araw, magpasuri at hintayin ang resulta ng mga pagsusuri.

f Ang pagbubukod ng sarili ay maaaring mas tumagal kung ang ibang mga tao sa sambahayan ay magkakaroon ng mga sintomas

KASWAL NA CONTACT

f Wala sa loob ng 2 metro ng isang nakumpirmang kaso o nakasama niya nang kulang sa 15 minuto

f Nagpunta sa parehong lugar o kapaligiran gaya ng nakumpirmang kaso

f Mga halimbawa: shopping mall, apartment complex, bus, tren, atbp.

f Walang kailangang gawing anuman. Magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga sintomas. Kung ikaw ay may mga sintomas, isagawa ang wastong kalinisan, magpasuri at ibukod ang sarili.

Page 8: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

8

Lahat ng mga malapit na contact AY KAILANGANG mag-bukod KAAGAD ng sarili at magpasuri.

ANG PAGBUBUKOD NG SARILI AY HINDI KUKULANGIN SA 14 NA ARAW mula sa iyong huling pakikihalubilo sa isang nakumpirmang kaso o maliban kung iba ang sinabi sa iyo ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan.

Ang payo na magbukod ng sarili ay maaari ring ibigay sa mga tao na nasa inyong sambahayan. Ang iyong pagbubukod ng sarili ay maaaring palawigin kung ang iba sa inyong sambahayan ay magkakaroon ng mga sintomas.

Ikaw ay malapit na contact kung sinabihan ka ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan, ng iyong lider sa pananampalataya, ng punong-guro o ng may-ari ng negosyo.

Lahat sa kongregasyon, sa paaralan o sa trabaho ay dapat maging alerto sa mga sintomas at magpasuri kung hihilingan silang magpasuri. Karamihan ng mga tao ay hihilingang magpasuri nang dalawang beses- minsan sa ika-5 araw at muli sa ika-12 araw.

Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa anumang pangangailangang pangkapakanan tulad ng kailangang-kailangang pagkain/ groseri, ipaalam sa mga opisyal ng kalusugan kapag kinakausap mo sila. Ikokonekta ka nila sa mga suportang serbisyo na maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon upang matasa ang iyong mga pangangailangan.

Kung ikaw ay naninirahan kasama ng ibang tao, kakailanganin mong ilayo ang

iyong sarili sa kanila hangga’t maaari.

Huwag makikigamit ng mga pinggan, baso, tasa, kutsara’t kubyertos, tuwalya, unan o iba pang mga bagay sa ibang tao sa iyong tahanan. Pagkatapos gamitin ang mga bagay na ito, dapat mong hugasan ang mga ito nang husto gamit ang sabon at tubig, ilagay ang mga ito sa dishwasher para linisin o labhan ang ilan sa mga ito sa iyong washing machine.

Punasan ang anumang madalas hawakang mga ibabaw ng mga bagay gamit ang sabon, tubig at basahan.

Hindi ka maaaring tumanggap ng mga bisita.

Maaari kang magpahatid sa ibang tao ng mga bagay sa iyong pintuan, ngunit huwag makipag-kontak sa kanila.

Kausapin ang iyong tagapag-empleyo, mga kaibigan at kapamilya upang humingi ng kanilang tulong para ma-access ang mga bagay na kakailanganin mo.

Kausapin ang iyong tagapag-empleyo upang malaman kung maaari kang magtrabaho mula sa bahay sa panahong ito.

Okey lang maglakad-lakad, tumakbo o magbisikleta, basta’t iniiwasan mo ang mga tao sa labas. Panatilihin ang hindi kukulangin sa 2 metrong layo sa iba.

Para sa suporta sa pighati, pagkabahala, pagkabalisa o kagalingang pangkaisipan, maaari kang tumawag o mag-text sa 1737 – libre, anumang oras, 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo – upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo. May mga interpreter na makukuha. Manatili sa telepono at makinig ng musika, pagkatapos ay sabihin sa kawani sa telepono ang iyong wika, halimbawa ‘Wikang Tagalog’

PAGBUBUKOD NG SARILI

Ang pagpapasuri ay mahalaga, ngunit ANG PAGBUBUKOD NG SARILI ANG PINAKAMAHALAGANG AKSYON

Page 9: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

9

Kung ikaw o ang isang tao sa inyong sambahayan ay NAKUMPIRMA BILANG ISANG KASO NG COVID-19, ikaw ay kokontakin ng mga opisyal ng kalusugan tungkol sa pananatili sa isang hotel para sa mga nakumpirmang kaso. Maaaring hilingin na sumama sa iyo ang iyong pamilya.

Ang pasilidad na ito ay ligtas at may seguridad. Ito ang lugar kung saan ang mga may COVID-19 ay maglalagi hanggang sila ay maging malusog.

Lahat ng gastos para sa iyong pananatili ay sagot ng pamahalaan.

Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa pagsagot sa mga bayarin o

suportang kailangan para sa iba pang mga miyembro ng pamilya habang naglalagi na malayo sa inyong tahanan, mangyaring talakayin ito sa mga opisyal ng pampublikong kalusugan kapag tinawagan nila kayo.

Ang mga opisyal ng pampublikong kalusugan ay magpapaliwanag ng lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa iyong pamamalagi bago ka pumunta sa isang pasilidad para sa mga nakumpirmang kaso.

May mga interpreter na makukuha sa pasilidad at sa telepono kapag nakikipag-usap sa mga opisyal ng kalusugan.

PAGBUBUKOD NG SARILI PARA

SA MGA POSITIBONG KASO NG COVID-19

Page 10: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

10

ANG MGA SERBISYO SA PANGANGALAGANG PANGKALUSUGAN AY LAGING MAKUKUHA PARA MA-ACCESS MO.

Kung ikaw ay may sakit, may mga sintomas o karamdaman na hindi nauugnay sa COVID-19, pumunta sa iyong GP o kung emerhensiya, pumunta sa ospital.

Ligtas ang pumunta sa ospital kung kailangan mong gawin ito. Lahat ng mga ospital ay may mga hakbang pangkalusugan upang matiyak na

ikaw at ang iyong pamilya ay mananatiling ligtas.

Maaari mo pa ring tawagan ang doktor ng inyong pamilya kung kailangan mo. Ang ilan ay nagsasagawa ng mga konsultasyon sa telepono o sa pamamagitan ng video-call.

Kung mayroon kang pangkalahatang mga katanungan sa kalusugan, maaari kang tumawag sa Healthline sa 0800 611 116 (Pindutin ang Opsiyon #1 para sa isang interpreter)

PANGANGALAGANG

PANGKALUSUGAN

PAG-ACCESS SA MGA

SERBISYO SA

Page 11: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

11

IMPORMASYON SA ISINALIN NA MGA WIKA: Bisitahin ang arphs.health.nz/communityinfo at covid19.govt.nz/translations.

LINYA NG TULONG SA MGA SERBISYO SA PAMILYANG ASYANO: Para sa pangkalahatang payo at suporta sa pagsusugal sa mga wikang Ingles, Mandarin, Cantonese, Korean, Vietnamese, Japanese, Thai at Hindi.Tumawag sa 0800 862 342 , Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 8 ng gabi.Bisitahin ang asianfamilyservices.nz para sa karagdagang impormasyon.

MAY BACKGROUND NA DATING REFUGEE:Tumawag sa RASNZ na Linya ng Suporta at Impormasyon, 0800 472 769, Lunes hangang Biyernes, 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.Bisitahin ang rasnz.co.nz/covid-19-resources para sa karagdagang impormasyon.Para lang sa rehiyon ng Auckland.

KAILANGAN MO BANG MAKIPAG-USAP? 1737 Libreng tawag o text 173 7Bisitahin ang 1737.org.nz para sa karagdagang impormasyon.

LINYA NG TULONG SA ALAK AT DROGA: Libreng tawag sa 0800 787 797 o mag-text sa 8681.Bisitahin ang alcoholdrughelp.org.nz para sa karagdagang impormasyon.

OUTLINE: Libreng tawag 0800 688 5463 (OUTLINE)- kumpidensyal na suporta sa telepono para sa mga tao sa rainbow community. Makukuha sa gabi mula 6 ng gabi hanggang 9 ng gabi.Bisitahin ang outline.org.nz para sa karagdagang impormasyon.

TULONG SA SULIRANIN SA PAGSUSUGAL: Libreng tawag sa 0800 654 655 o mag-text sa 8006.Bisitahin ang gamblinghelpline.co.nz para sa karagdagang impormasyon.

PAG-ACCESS SA MGA

SERBISYONG SUPORTA

Para sa tulong sa pagbabayad ng mga bayarin, suporta sa pagkawala ng trabaho, suporta sa upa, suporta sa pagbabayad ng mortgage, tawagan ang WORK AND INCOME sa 800 559 009. Bisitahin ang workandincome.gogt.nz para sa karagdagang impormasyon.

Page 12: MAGHAHANDA: COVID-19...2 Sa kaso ng COVID-19 sa Auckland maaaring may ilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan, impormasyon at kung ano ang nangyayari sa ating mga komunidad. Ginagawa

NAISAPANAHONG BERSIYON 2: 10 SETYEMBRE 2020

Healthline - 0800 611 116

(Pindutin ang Opsiyon #1 para sa isang interpreter)