5 Pakikipag-usap, pagkanta, pagbasa, pagsulat at paglalaro—mga simpleng bagay na maaari mong gawin sa araw-araw at kahit saan! Ang ganitong paraan ng pagtulong sa mga anak upang matuto ay gagawing mas madali para sa kanila ang bumasa sa pagsisimula nila sa paaralan. PAKIKIPAG-USAP Kung ang Ingles ay hindi ang iyong pangunahing wika, makipag-usap sa iyong anak sa wika na pinakamahusay ka. Maaari mong ipaliwanag nang mas malinaw ang mga bagay at mas matututo ang iyong anak. PAGKANTA Ang pagkanta ay nakakatulong na marinig mo ang iba't ibang tunog na bumubuo ng mga salita. Ang pagpalakpak kasabay ng himig ay tumutulong na marinig ang pagpantig sa mga salita. PAGBASA Ang pagbabasa nang magkakasama ay ang pinakamahalagang paraan upang matulungan ang iyong anak na maghandang bumasa sa sarili. PAGSULAT Ang pagsusulat ay tumutulong sa mga bata na maunawaan na ang mga nakalimbag ay kumakatawan ng mga salita. Kausapin sila tungkol sa kanilang mga pag-guhit at mga drowing, at isulat ang paglalarawan. PAGLALARO Magbahagi ng tulang pambata, kumanta at maglaro ng tugmaan. Ang iyong anak ay natututo habang naglalaro. Ang pagiging mapanlikha ay nakakatulong sa mga bata na ipahayag ang kanilang sarili at magsabi ng mga kuwento tungkol sa ginagawa nila. Ang bumasa at kumanta sa iyong wika ay isang kahanga-hangang bagay para sa iyong anak! Madaling mga paraan upang tulungan ang iyong anak na maghanda sa pagbasa Mangyaring tandaan: Ang serbisyo ng Aklatan ay nag-iiba-iba depende sa komunidad. Ang iyong lokal na aklatan ay kasapi ng InterLINK, isang pagtutulungan ng mga pampublikong aklatan na naglilingkod sa iba't ibang mga komunidad sa timog-kanlurang British Columbia. Filipino Mabuhay! Ito ay Iyong Pampublikong Aklatan Welcome to Your Public Library Isang mainam na lugar para sa mga bata at sa kanilang mga pamilya

Mabuhay! Ito ay Iyong Pampublikong Aklatan · Magbahagi ng tulang pambata, kumanta at maglaro ng tugmaan. Ang iyong anak ay natututo habang naglalaro. Ang pagiging mapanlikha ay nakakatulong

  • Upload
    vuque

  • View
    217

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mabuhay! Ito ay Iyong Pampublikong Aklatan · Magbahagi ng tulang pambata, kumanta at maglaro ng tugmaan. Ang iyong anak ay natututo habang naglalaro. Ang pagiging mapanlikha ay nakakatulong

5Pakikipag-usap, pagkanta, pagbasa, pagsulat at paglalaro—mga simpleng bagay na maaari mong gawin sa araw-araw at kahit saan! Ang ganitong paraan ng pagtulong sa mga anak upang matuto ay gagawing mas madali para sa kanila ang bumasa sa pagsisimula nila sa paaralan.

PAKIKIPAG-USAP Kung ang Ingles ay hindi ang iyong pangunahing wika, makipag-usap sa iyong anak sa wika na pinakamahusay ka. Maaari mong ipaliwanag nang mas malinaw ang mga bagay at mas matututo ang iyong anak.

PAGKANTAAng pagkanta ay nakakatulong na marinig mo ang iba't ibang tunog na bumubuo ng mga salita. Ang pagpalakpak kasabay ng himig ay tumutulong na marinig ang pagpantig sa mga salita.

PAGBASAAng pagbabasa nang magkakasama ay ang pinakamahalagang paraan upang matulungan ang iyong anak na maghandang bumasa sa sarili.

PAGSULATAng pagsusulat ay tumutulong sa mga bata na maunawaan na ang mga nakalimbag ay kumakatawan ng mga salita. Kausapin sila tungkol sa kanilang mga pag-guhit at mga drowing, at isulat ang paglalarawan.

PAGLALAROMagbahagi ng tulang pambata, kumanta at maglaro ng tugmaan. Ang iyong anak ay natututo habang naglalaro. Ang pagiging mapanlikha ay nakakatulong sa mga bata na ipahayag ang kanilang sarili at magsabi ng mga kuwento tungkol sa ginagawa nila.

Ang bumasa at kumanta sa iyong wika ay isang kahanga-hangang bagay para sa

iyong anak!

Madaling mga paraan upang tulungan ang iyong anak na maghanda sa pagbasa

Mangyaring tandaan: Ang serbisyo ng Aklatan ay nag-iiba-iba depende sa komunidad. Ang iyong lokal na aklatan ay kasapi ng InterLINK, isang pagtutulungan ng mga pampublikong aklatan na naglilingkod sa iba't ibang mga komunidad sa timog-kanlurang British Columbia.

Filipino

Mabuhay! Ito ay Iyong Pampublikong Aklatan

Welcome to Your Public Library

Isang mainam na lugar para sa mga bata

at sa kanilang mga pamilya

artuso
branch maps
Page 2: Mabuhay! Ito ay Iyong Pampublikong Aklatan · Magbahagi ng tulang pambata, kumanta at maglaro ng tugmaan. Ang iyong anak ay natututo habang naglalaro. Ang pagiging mapanlikha ay nakakatulong

Mag-aral, tumuklas, makipagkaibigan…

Ano ang maaari kong hiramin para sa aking anak?• Mga aklat na pambata na may makulay na

mga larawan, simpleng salita, mga kuwento at mga katotohanan

• Mga DVD, mga aklat sa CD at musika sa CD

• Mga aklat sa iba't ibang wika

Ang librarian para sa mga bata ay magiliw na tutulong sa iyo na hanapin kung ano ang iyong kailangan at puwede mong gamitin.

Paano ko mahihiram ang mga materyales?Gamitin ang isang libreng library card! Kapag mayroon ka ng library card, maaari mong hiramin ang mga materyales nang libre sa loob ng isa hanggang apat na linggo.

Paano ako makakakuha ng isang library card?Mag-aplay sa iyong lokal na aklatan. Magdala ng pagkakakilanlan o ID, kabilang ang isang bagay na nagpapakita sa iyong address ng tahanan.

Maaari ko bang ikuha ng card ang aking anak?Oo! Bawat bata ay maaaring magkaroon ng isang card, kahit na mga sanggol.

Ano pa ang mayroon sa aklatan para sa aking pamilya?• Mga oras ng kuwento o ‘storytime’ at mga

espesyal na programa para sa mga sanggol hanggang anim na taon gulang na mga bata

• Mga aklat, magasin at DVD na makakatulong sa mga magulang

• Impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng bata, preschool, masasayang aktibidad, mga programa at iba pang serbisyo sa komunidad para sa mga pamilya

• Libreng paggamit ng kompyuter, internet at akses sa wifi

Ano ba ang storytime?Ang storytime ay oras na…

• Kumanta, maglaro at tumawa kasama ng iyong anak sa isang grupo

• Makinig sa magagandang kuwento at matuto ng mga bagong salita

• Tuklasin ang mga bagong aklat na maraming larawan, mga tugmaan at kanta

• Makipagkaibigan at makakilala ng mga bagong pamilya sa komunidad

• Pumili ng mga aklat kasama ang iyong anak upang maiuwi at basahin sa iyong tahanan

Ang storytime ay karaniwang inaabot nang 30 hanggang 45 minuto at ito ay walang bayad. Magtanong sa iyong lokal na aklatan para sa mga detalye.

Maaari ko bang gamitin ang aklatan kung wala akong library card?Oo. Maraming mga pamilya ang nagpupunta sa aklatan upang magbasa, makakilala ng mga kaibigan at dumalo sa mga programa.

Ang lahat ba ng bagay sa aklatan ay libre?Halos. Karamihan sa mga aklatan ay sumisingil ng bayad sa mga nagsasauli ng hulí, sa mga nawala at nasirang materyales.