34
SANDAMAKMAK Ronel I. Osias Mga Tula

SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

SANDAMAKMAK

Ronel I. Osias

Mga Tula

Page 2: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Sandamakmak...

Sandamakmak...

Sandamakmak...

Sandamakmak...

RONEL I. OSIAS

Page 3: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Sandamakmak ni Ronel I. Osias

Karapatang-ari © 2020 ng awtor. Reserbado ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng zine

na ito ay orihinal at hindi maaaring ilathala sa anomang

kaparaanan ng walang pahintulot ng may-akda.

Disenyo, guhit at mga akda ni Ronel I. Osias

Para sa mga puna at mungkahi, ipadala sa e-mail na nasa ibaba:

[email protected]

Page 4: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

BOTE

Mauubusan ka rin. Mauuhaw.

Masisimot ang kaloob-looban. Papanaw.

Magiging alaala pagdating ng araw.

Nababasag. Nadudurog.

Sumasapi sa alikabok.

Kamatayan ang kawalan.

Isasalansan.

Ilalagak sa basyo. Iiyakan.

Page 5: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

NICOTINE

Manatili ka

sa pagitan ng labi;

Ng tao at ng sigarilyo.

Hayaan mong kumapit

ang iyong sarili

sa dalawang bagay

na unti-unting naglalaho.

Mag-iwan ka ng bakas,

palatandaang minsan kang pumarito,

at titulong magpapatotoong pagmamay-ari mo

ang mga abo

ng sigarilyo

at ng tao.

Page 6: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

BILANG MAGSASAKA

Lahat ay dumaraan sa iyong palad.

Alam nito ang hapis ng binhi‟t lupa,

Ang kuwento ng pagkabuhay at pagbagsak

Ng „yong katawang hapo sa pagtatatak

Sa likod at dulong bahagi ng bansa;

Lahat ay dumaraan sa iyong palad.

Matapos buhayin ang sining sa lapad

Ng balat, nagpresentang bayad ang bala;

Ang k‟wento ng pagkabuhay at pagbagsak.

Butas ang dibdib, hingalo‟t walang lakas,

Ladlad ang dila, agos ng dugo‟t luha.

Lahat ay dumaraan sa iyong palad

Puwera lamang sa tama‟t sapat na bayad

Bilang magsasaka. Tamang magsasaka

Ang k‟wento ng pagkabuhay at pagbagsak,

Ika‟y kamatayan at tagapagligtas

Dahil ikaw mismo ang puso ng bansa.

Lahat ay dumaraan sa iyong palad,

Ang k‟wento ng pagkabuhay at pagbagsak.

Page 7: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

BAKA, KASI…

A, baka…

Labis-labis ang pagkayod,

„Di tama ang pasahod,

Mangingisdang walang dagat,

Magsasakang walang laman ang hapag.

O baka…

Ahenteng inabuso ng kontrata,

Siguro ng NutriAsia? Siguradong

May dugo ang botilya.

A, baka…

„Yong hindi pinalabas nang umuga

Ang lupa—“Wala muna pong lalabas,

hinihintay pa ang utos ng nasa

itaas…”

SM „to „di ba? SaMa, a!

Hitik ang pagtataka

Kapag walang hustisya.

Mga kamao‟y nakasara,

Tumitindig sa kalsada.

Ito ang kan‟yang pahinga.

“Ano ba „yan mga tamad! Puro rally!”

Baka, kasi…

Hindi ka pa naging biktima.

Huwag na sana.

Page 8: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Sa tuwing bumubuhos ang iniipon,

Lalong lumulubog ang sumasalo.

Nagiging malayo ang dating malapit.

Nagiging tanaw ang dating titig.

Bakit natin sinusukat ang sakit

Ng isa‟t isa para ilihim ang pag-ibig?

Sino tayo para labanan

Ang grabedad ng sangkalupaan?

Anong maipagmamalaki natin

Sa mga dapat na mangyari?

Pareho tayong alipin ng nakatakda.

At gaano na nga ba katagal noong ipilit

Natin ang sarili sa pag-ibig?

Page 9: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

ANG BATANG NAKALILIPAD

Ipinapagaspas ng batang lango

Sa Vulcaseal ang kan‟yang murang-diwa

Na nag-anyong pakpak. Kasa-kasama

Ang kan‟yang tagapagbantay na anghel—

Lumilipad silang tila bagong laya

Patungo sa langit.

Maya-maya‟y mawawala ang bisa—

Mala-kometang bubulusok sa daigdig

Ang kan‟yang katawang kakambal ang

grabedad.

Magiging demonyo ang kaninang sugo ng

kaluwalhatian,

Nakangiti itong nakaharap sa kan‟yang

mukha.

Aawit ito ng Oyayi.

Maaantok ang malay, mahihimbing sa gutom.

Sa kan‟yang pagbagsak,

„Di maaalintana ng bubot

Na katawan ang pagkalabog

Sa marungis na aspalto.

Page 10: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

“Gagsti „to! Totoo nga! Nando‟n nga ako

kanina, e!”

Walang naniniwalang narating niya

Ang langit kahit na saglit.

Aniya, wala raw roon ang Diyos.

Page 11: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

SINAPUPUNAN

Sa tao, siyam na buwan.

Sa daigdig, wala pang nakaaalam

Kung kailan siya magluluwal.

Tayo ang mga sanggol;

Sumisipa, naninipa,

Umiiyak, nagpapaiyak.

Tahanan niya ang kalawakan,

Sansinukob ang amang mahigpit,

Bituin ang inang maningning.

Mababanaag sa kan‟yang balat

Ang mga lukso-luksong bitak,

Mga sanga-sangang ugat ng dagat.

Tayo ang kan‟yang mga sanggol,

Tayo rin ang kan‟yang lason.

Page 12: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

QUIAPO

Ipinasyal ako ni nanay.

Tumatagos sa balat

Ng aking munting silid

Ang salita ng Diyos sa boses ng isang

pari,

Ang tunog ng banal na tubig

Na sumasamba sa mga nananampalataya,

Ang bulong-bulungan,

Ang maalikabok na bintilador,

Ang „di matapos-tapos

Na girian ng mga busina.

Ipinasyal ako ni nanay,

Iginala ang pandinig,

Ipinaranas ang mabuhay.

Ipinasyal ako ni nanay.

Nang siya‟y nauhaw

Nakiinom sa palengke ng hiwaga,

Kung ano ang mga sumunod na nangyari

Ay hindi ko na maalala.

Page 13: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

DAAN

Nagiging anghel daw ang mga sanggol

Na tinitisod ng tadhana. Tahanan daw

Nila ang paraiso, katabi ang Diyos

At mga santo. Namamalagi sa pangako

Na langit. Sa impiyerno raw ay malayo.

Malabo raw na doon magtungo

Ang kululuwa ng kaluluwal,

O mga nasa sinapupunan pa lamang

Noong takasan ng buhay.

Handa na silang magtungo sa dagat

Ng apoy.

Ngunit hindi sa pagiging isang ama‟t ina.

Batid nilang „di na magdurugtong

Ang kanilang mga daan

Sa kabilang buhay, at walang-hanggan.

Page 14: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Matutuyot sa liwanag,

Maaagnas ang dagitab.

Papanaw nang walang sugat,

Puntod ay nasa itaas

PUNDIDO

Page 15: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

MAHAL ANG BULAKLAK KAPAG

PEBRERO

Mahal tayo ng kapitalismo,

Kaya may Araw ng mga Puso.

Alanganin ang katorse sa s‟weldo,

Kaya tipirin ang kinita nang Enero.

Napipilitang magmahal,

Ang bulaklak, pati na rin ang tao.

Mahal,

Mahal ang bulaklak kapag Pebrero,

Kaya paumanhin kung hindi maisilid sa uso

Ang pumupuno sa puso.

Page 16: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

ANG AKALA

Natural niyang nakasasalubong

Ang dugo buwan-buwan.

Itinakda siyang tanggapin ito

Nang walang pagdadamot sa sakit.

Ngunit kung,

Dadanak ang kan'yang dugo

Nang hindi pa sumasapit ang dalaw—

Magiging babae ang babae,

Magiging mandirigma ang dati ng

mandirigma.

Pagkatapos ay hahangaan ito ng lipunan,

Ang hindi nalalaman ng karamihan,

Karaniwan sa babae,

Ang akala nating „di karaniwan.

? ! ! !

Page 17: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

NAWAWALA AT NAGHIHINTAY

Nangalay, at pudpod na sa kaluluhod

Ang iyong tuhod—kadarasal sa lagot

Na buhay ng anak at desparasedos

Mong bana na hinihinalang nadukot.

Ito‟y sa panahong „tinuturing labag

Ang paglabag sa utos ng lumalabag

Sa karapatang-pantao. Ay! Kahabag-

Habag nga! Buong araw ang paghahanap!

Hanggang sa kinuba ang araw at buwan,

Kumunot ang balat ng talaarawan,

Nalagas ang ngipin at mata‟y tumamlay—

„Di pa rin umuwi ang kan‟yang panganay,

At asawang nangakong ipagtatangol

S‟ya, at ang bayang ito laban sa Apo(y).

Page 18: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

TAYO NA!

May kalbaryo ang eskinita

Kapag medya-medya

Ang takbuhan. Kanya-kanya,

May lamay sa'n mang banda.

Ito'y pagbabago ng bawat kanto

Kapag tambay, sigurado

Sa hinala ng berdugo.

Dahil sa bawat tulak ng bibig,

May sumasabog na dibdib.

Tayo na sa pagbabago!

Sa kalsada wala ng tao.

Tayo na sa pagbabago!

Pinupuno ang sementeryo!

KILL KILL KILL

Page 19: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

PAGTATAPOS

Limang pilas sa kalendaryo

Na galing sa isang bigasan;

Tanggal na ako sa trabaho, at 'di sigurado

Kung kailan ulit makababalik

Sa pagawaan,

At bigasan.

Palaging nasa bingit ng kamatayan,

Kung nakatutok na ang balisong ng

kontrata.

Kontra-gutom kung bakit palaging pumapalag

Ang masa sa gahamang kapitalista.

Nanginginig na naman ang lamesa,

Papalapit na ang huling pirma.

Kung pagtatapos ito ng mga manggagawa,

Galit ang kanilang diploma.

Inabusong lakas ang matrikula.

Page 20: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

MINSANG WALANG UMAGA

May mga umagang hindi sumasapit.

Ikinukubli ng dilim ang mga piling

Bukang-liwayway. Gabi pa rin

Ang tatapos sa gabi.

Wala na munang umaga.

Nakabalandra sa kalsada

Ang mga dahilan kung bakit

Ito pinipili ng tadhana.

May mga umagang hindi sumasapit.

Hindi maitatanggi, tila bukang-

Bukang bulaklak na nangungumusta

Sa bawat putok ng araw ang mga dahilan.

Wala na munang umaga.

Naglulustay nang walang iniisip

Na bukas ang gabi. Naglululong

Page 21: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Sa bisyong patayin ang bawat maaabutang

umaga.

May mga umagang ito ang sinasapit,

At hindi na natin muling maibabalik.

Page 22: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

SANGG L

Aanurin sa ilog,

Ihahatid sa dagat,

Magiging bagyo.

Likido mong sinalubong

Ang mahabang lakbayin,

Hangin kang magpapasalin-salin

Page 23: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

TUTURUAN TAYO

Pagkatapos tayo turuan ng pag-ibig

Kung paano ang umibig. At saka

Ito magbibigay ng mga bagay

Na mahirap ibigin. Susubukin

Tayo, na sa totoo lang ay subok na ng panahon,

Datapuwa‟t hindi ng mga ganitong pagkakataon.

Hindi itinuro ng pag-ibig

Ang magturuan,

Ngunit laging sa ganito natatapos

Ang usapan.

Malulunod tayo sa galit,

Kapag wala nang hininga,

Pipiliin natin muli ang pag-ibig

Upang mabawi ang sarili sa kamatayan.

Page 24: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

FACE MASK

Alam mo ang gusto ko sa ganitong klase ng

pag-ibig,

Mas lumalapit ako sa iyong bibig

Kapag delikado ang paligid.

Kapag walang kasiguraduhan ang bawat araw,

Doon mo lamang ako pinapayagan dumalaw.

Oo nga‟t malapit sa labi,

Ngunit hindi halik.

“Sino ako para humiling ng halik?”

Alam mong gusto ko ang ganitong klase ng

pag-ibig.

Kahit pa naaalala mo lamang ako kapag

delikado ang paligid.

At masaya akong nakahihinga ka nang

maluwag,

Habang nanunuot sa akin ang sakit.

Page 25: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

SCROLL

Ang pála sa „ting kamay,

Kay lalim kung humukay.

Kahahanap sa bangkay,

Oras ang namamatay.

Page 26: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Sa ibabaw

Ng Cubao,

May umibig

Sa pusikit.

Sa dilim

Nagliwaliw.

Sa talim

Naglambing.

Sa ginaw nahimbing,

Sa apoy nagising.

Mga mangingibig

Na sa gutom sumisisid.

Sino bang malinis

Sa sistemang mapanganib?

Page 27: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Dito ka lang,

Sa „kin mo ipagkatiwala.

„Di ka lilisan,

Sila pa rin ang may sala.

“Maligayang kaarawan!”

—„Lang Law

KAY HENERAL

Page 28: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Bihira ang katapusang sinusundan

Ng simula. Madalas ay hindi matapos-

Tapos na pangungulila ang kapalit

Ng lumilisan. Parang halamang

Uhaw sa pusod ng disyerto—

Ni hindi makagawa ng hakbang

Sa pang-aapi ng umaalong buhangin

At nagsusungit na araw.

Parang ibong walang lupaing

Maibigan, pinagdadamutan

Ng madarapuan

O agiw na hindi makapiglas

Sa yakap ng mga pader—

Ni hindi makakibo sa lalim

Ng mga sugat na inukit

Ng umalis.

Isang salaysay na nalulumbay

Sa iisang tuldok.

Page 29: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

HINDI KO PA RIN MAWARI

May langgam ang nagtangkang makiinom

Sa aking bagong timplang kape.

Pinagmamasdan ko lamang

Ang kan‟yang pagpupursigi

Sa paggalugad ng daan

Tungo sa bunganga ng basong

Ineregalo mo.

Tiniis ko ang pangangati

Ng lalamunan. Pinanood ko

Ang paraan ng munting

Nilalang sa pagtuklas

Sa aromang siguradong dahilan

Kung bakit siya naririto

At nagnakaw ng kaniyang

Hindi pagkakuntento.

Hindi ko na lamang mawari,

Kung saan siya nabigo,

Sa init ba o sa pagkalunod?

Palutang-lutang. Binigyang pugay

Ng aking kutsara ang kaniyang kamatayan.

Inilapat ko sa bibig ang bunganga

Page 30: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

Ng basong tanging naiwan mo sa akin.

Hindi ko pa rin mawari

Kung saan ako nabigo,

Sa init ba o sa pagkalunod?

Page 31: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

TANONG

Palaging ipinapahid sa balita

Ang mukha ng maralita.

Karukhaang tumatawid

Sa pagitan ng mga linya.

Ipinaliliwanag sa kung sinoman

Ang kanilang pagpapakasakit.

Sa mga kolum ay ipinipiit,

Sa mga pahina‟y iniipit.

"Hindi kami kuhaan

Ng inyong materyal.

Kami‟y tanong na nanatili

Sa tambakan ng mga pangako."

"Paanong makalalaya?

Kung ang may kayang bumili

Ng dyaryo, telebisyon, at radyo

Ay sila-silang hindi kami binabasa."

Page 32: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

BATIS

Bakit kung kailan malalim ang dilim?

At saka nararating ang batis

Ng talinghaga, ng harayang

Kanina pa hinahagilap

Sa ekta-ektaryang gubat.

Nakaliligaw ang utak

Na may daang sala-salabat.

Walang kasiguraduhan ang pagliko.

Pinagduduhan ang kaligtasan

Sa tuwing humihinto.

Maingat sa bawat hakbang,

Lalo na't ang hinuhuli ay hindi kumikinang

Na ginto. Tanging lagaslas lamang

Ang palatandaan ng hinahanap.

Page 33: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

KUNG MAY PUSO ANG BARIL

Malamang ay umibig ito

Nang higit sa paraan ng tao.

Baka...matigil ang nakatakda

N'yang gampanin na pumaslang

Na parang walang naaaninag na kaba

O magwakas na ang paglikha n'ya ng patay.

Kung may puso ang baril,

At walang may utak-pulbura,

Baka...umibig ito nang mas may-lalim

Higit sa kayang maabot ng mga bala.

Page 34: SANDAMAKMAKpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/SANDAMAKMAK-1-1.pdfKung ano ang mga sumunod na nangyari Ay hindi ko na maalala. DAAN Nagiging anghel daw ang mga sanggol Na tinitisod

SANDAMAKMAK©2020. Karapatang-ari ng awtor.