28
Kto12: Frequently Asked Questions (FAQs) As of May 5, 2015

Kto12: Frequently Asked Questions (FAQs) · Lahat ng 220 dibisyon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay tapos nang magplano at mayroon na ring bilang sa enrolment na mas maaga ng isang

  • Upload
    others

  • View
    20

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Kto12: Frequently Asked

Questions (FAQs) As of May 5, 2015

Page 2 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang programang K to 12? Saklaw ng K to 12 Program ang 13 taon ng basic education:

Kindergarten hanggang Grade 3 Grade 4 hanggang Grade 6 Grade 7 hanggang 10 (Junior High School) Grade 11 hanggang 12 (Senior High School)

Bakit natin ipinapatupad ang 13 taon ng basic education?

Ang Pilipinas ang pinakahuling bansa sa Asya at isa na lamang sa tatlong bansang mayroong 10-year pre-university cycle sa buong mundo (Angola at Djibouti)

Sinasabing ang 13 taong programa ang pinakamainam na panahon para sa mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mag-aaral para maging handa para sa trabaho, kolehiyo, o negosyo. Ito rin ay kinikilalang pamantayan para sa mga estudyante at propesyunal sa buong mundo.

Ano na ang nagawa upang maging handa para sa K to 12?

SY 2011-2012: Unang ipinatupad ang Universal Kindergarten SY 2012-2013: Simula ng pagpapatupad ng Enhanced

Curriculum para sa Grade 1 at Grade 7. 2013: Pagsasabatas ng Enhanced Basic Education Act o K to 12

Program 2014: Pagtatapos ng kurikulum para sa Grade 11-12

Page 3 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 4 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 5 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ngayong 2015, patuloy tayong naghahanda para sa

malawakang implementasyon ng Senior High School sa SY 2016-2017. Nasa ika-limang taon na tayo ng pagpapatupad ng programang Kto12. Senior High School ang ating huling milya. Lahat ng 220 dibisyon ng Kagawaran ng Edukasyon

(DepEd) ay tapos nang magplano at mayroon na ring bilang sa enrolment na mas maaga ng isang taon. Ang mga planong ito ay sinuri ng isang hiwalay na grupo at naisapinal matapos

ang konsultasyon kasama ang mga stakeholders.

Silid-aralan: Nakapagpatayo na ang Kagawaran ng 66,813 silid-aralan mula 2010 hanggang 2013. Mayroong 33,608 silid-aralan ang natapos at itinatayo simula noong 2014. Sa huling tala noong April 30, 2015, mayroong 5,899 na pampublikong paaralan ang magkakaroon ng Senior High School. Sa kasalukuyan, ang DepEd ay nakapagbigay na ng provisional permits sa 1,866 pribadong eskwelahang inaasahang magbibigay ng Senior High School sa 2016.

Guro: Mula 2010 hanggang 2014, tumanggap ng 128,055 na bagong guro. Ang Kagawaran ay tumatanggap ng dalawang klase ng guro: ang gurong magtuturo ng core subjects at ang mga gurong magtuturo ng specialized subjects sa bawat track. Ang Kagawaran ay tatanggap ng 30,000 guro para sa Senior High School sa 2016.

Aklat: Ang mga kagamitan sa pag-aaral ay kasalukuyang ginagawa para sa elementarya hanggang sa Junior High School, habang ang mga aklat naman para sa Senior High School (na mayroong specialized subjects) ay kasalukyang sumasailalim sa bidding process.

Page 6 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Kurikulum: Ang kurikulum ng K to 12 ay standards- at competence-based. Ito ay pangkalahatan at ginawa base sa pangangailangan ng mag-aaral at komunidad. Ang kurikulum ay ginawa at makikita sa website ng Kagawaran. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na ang buong kurikulum ay digitized at ginawang bukas sa publiko.

Private SHS: Mayroong 2,199 pribadong eskwelahan ang mayroong permit na magpatakbo ng SHS at mahigit sa isang libong aplikasyon pa ang kasalukuyang ipinoproseso.

Paano naapektuhan ng K to 12 ang kurikulum? Ano ang mga subject na idadagdag at aalisin?

Pinahusay ng K to 12 ang kasalukuyang kurikulum na mas nakapokus upang mabigyan ng mastery ang kasanayan at karunungan ng mag-aaral sa bawat subject.

Pinagtitibay ng K to 12 ang core subjects tulad ng Mathematics, Science, at Language. Sa Senior High School (Grade 11 at Grade 12), magkakaroon ng tracks na siyang akma sa layunin at gusto ng mag-aaral.

Maaaring makita ang detalye ng mga pagbabagong ginawa sa K to 12 Curriculum Guides dito: bit.ly/kto12curriculum

Paano maaapektuhan ng K to 12 ang mga paaralan na mayroong special curricular programs? Isasakatuparan ng mga paaralang may espesyal na curricular programs tulad ng Science High School, High School for the Arts, at Technical Vocational schools ang mas pinagbuting kurikulum na mayroon sila ayon sa pamantayan ng K to 12.

Page 7 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Paano maapektuhan ng K to 12 ang multi-grade teaching? Itutuloy pa rin ang multi-grade teaching sa pamamagitan ng paggamit ng kurikulum ng K to 12.

Paano naman ang mga katutubong Pilipino, Muslim, at mag-aaral may espesyal na pangangailangan? Ang kurikulum ng K to 12 ay pangkalahatan. Maaari itong gamitin sa paraang akma sa pangangailangan ng bata.

Ngayong may K to 12 na, kailangan ba ang Kindergarten bago makatuntong ng Grade 1 ang bata? Oo. Nasa mandato ito ng Republic Act No. 10157 o Kindergarten Education Act.

Sa K to 12, hindi ba tulad lang din ng Kindergarten ang Day Care program ng lokal na pamahalaan? Hindi. Ang Day Care centers ng lokal na pamahalaan ay nakatuon sa mga batang may edad apat (4) o pababa, samantalang ang Kindergarten ay ginawa angkop para sa mga limang taong gulang na bata.

Sa K to 12, kailangan bang maghanda ang paaralan ng permanent records ng bawat mag-aaral ng Kindergarten? Oo. Habang ang pagsusuri sa kahandaan at kasanayan ng mag-aaral sa Kindergarten ay hindi nakatuon sa academics, kailangan pa rin ang records na magsasabi ng kahandaan ng bata para sa pagpasok sa pormal na edukasyon.

Page 8 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Kanino manggagaling ang sahod ng mga guro sa Kindergarten? Ang Kagawaran ng Edukasyon ang pangunahing ahensya na tumatanggap at nagbibigay ng sahod at benipisyo sa mga guro ng Kindergarten sa pampbublikong paaralan.

Aling Katutubong Wika (mother tongue) ang gagamitin bilang ang wika ng pagtuturo sa lugar kung saan maraming ginagamit na wika? Ang layunin ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ay ang gamitin ang wika kung saan pinaka-komportable at pamilyar sa mag-aaral; samakatuwid, ang karaniwang wika ginagamit sa lugar ang kailangang gamitin sa pagtuturo.

Anu-ano ang mother tongue na ginagamit sa ngayon? Sa ngayon, mayroong 19 na mother tongue na ginagamit sa pagtuturo: Bahasa Sug, Bikol, Cebuano, Chabacano, Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Maguindanaoan, Meranao, Pangasinense, Tagalog, Waray, Ybanag, Ivatan, Sambal, Akianon, Kinaray-a, Yakan, and Surigaonon

Page 9 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang Senior High School? Saklaw ng Senior High School ang huling dalawang taon ng K to 12: ang Grade 11 at Grade 12. Sa SHS, ang mga mag-aaral ay magtutungo sa isang core curriculum at mga kurso sa ilalim ng kanilang napiling track.

Paano pipipili ng SHS track ang mga mag-aaral? Sumasailalim sa pagtatasa ang mga mag-aaral upang matukoy ang kanilang mga interes. Kasama rito ang aptitude test, career assessment exam, at occupational interest inventory. Magkakaroon din ng mga gawain sa career advocacy upang makatulong at gumabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng Senior High School track.

Paano tinutukoy ang Senior High School track na iaalok sa isang lugar? Nakabatay sa pangangailangan at kakayahan ng komunidad at interes ng mag-aaral ang uri ng track na iaalok sa isang lugar.

Nangangahulugan bang dagdag-dalawang taon ang SHS sa High School? Ang dagdag na dalawang taong ito ay magbibigat sa mga mag-aaral ng mga kasanayang maghahanda para sa kanilang hinaharap, maging ito man ay sa:

Trabaho Negosyo Pagpapatuloy ng Tech-Voc training Kolehiyo

Page 10 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 11 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Masisiguro ba ng SHS ang trabaho para sa akin? Hindi masisiguro ng SHS ang trabaho NGUNIT nagbibigay ito ng mga sumusunod na oportunidad:

Maglalagay ng standard requirements upang masigurong ang mga nagsipagtapos ay may sapat na kaalaman upang makapasok sa trabaho.

Maari nang mag-apply para sa TESDA Certificates of Competency (COCs) at National Certificates (NCs) upang makapagbigay nang mas mainam na oportunidad sa trabaho.

Magbibigay rin ng partnerships sa iba’t ibang kumpanya para sa mga kursong teknikal at bokasyonal.

Maaari ka nang magkaroon ng karanasan sa trabaho habang nag-aaral pa, at maaari na rin tanggapin agad ng kumpanya ang mga magsisitapos.

Isasama na rin ngayon ang mga entrepreneurship courses. Dahil dito, maaari ka nang magtayo ng sariling negosyo pagkatapos, o ipagpatuloy pa ang iyong edukasyon hanggang sa kolehiyo.

Paano maaapektuhan ng SHS ang aking pag-aaral sa kolehiyo?

Ang SHS, bilang parte ng K to 12 Basic Curriculum, ay binuo base sa kurikulum ng Commission on Higher Education (CHED)—ang kagawarang namamahala para mga pamantasan at unibersidad sa Pilipinas.

Sinisigurado ng Senior High School na mayroon ka nang sapat na kaalaman, kakayahan at kasanayang kinakailangan pagtungtong sa kolehiyo.

Page 12 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Kailangan ba talaga ang SHS? Kailangan ko bang tumungtong sa SHS? Oo, ito ang nakasaad sa ating batas. Simula SY 2016-2017, ikaw ay dapat nang sumailalim sa Grade 11 at 12 upang makapagtapos mula sa High School.

Kung hindi ako tutungtong sa SHS, anong mangyayari sa akin? Ikaw ay magiging isang Grade 10 completer at hindi isang High School Graduate. Ang mga elementary graduate ay mga mag-aaral na nakapagtapos sa Grade 6, ang mga high school graduates naman ay ang mga mag-aaral na nakapagtapos sa Grade 12.

Saan pa ako makakakuha ng ibang impormasyon ukol sa SHS? Maaari kang makakuha ng iba pang impormasyon sa www.deped.gov.ph at sa social media accounts ng DepEd. Maari mo ring tanungin ang mga pinuno ng eskwelahan (pampubliko o pampribado) upang kumonekta sa DepEd Division Office at tumulong mag-organisa ng orientation seminars.

Page 13 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang aking matututunan sa SHS na hindi kabilang sa kasalukuyang kurikulum ng high school? Ang Senior High School ay sumasakop sa walong learning areas bilang parte ng core curriculum nito, at mayroong partikular na tracks (katulad ng mga kurso sa kolehiyo) base sa apat na disiplina:

Academic (kasama ang Business, Science & Engineering, Humanities & Social Science, at isang General Academic strand)

Technical-Vocational-Livelihood (na mayroong highly specialized subjects at TESDA qualifications)

Sports Arts & Designs

Ang mga mag-aaral sa SHS ay maaring pumili ng track base sa kung papaano niya gustong magpatuloy matapos ang high school. Maaaring makita ang iba pang impormasyon tungkol sa tracks and strands (at maging sa kurikulum ng mga ito) sa www.deped.gov.ph.

Saan ipapatupad ang Senior High School? Magbibigay ba ng SHS ang aking eskwelahan?

Ang mga pampubliko at pampridadong eskwelahan, kasama na ang mga kolehiyo, unibersidad at teknikal na institusyon ay maaaring magbigay ng Senior High School.

Mayroon ding mga stand-alone Senior High Schools na itatayo ng DepEd at mga pribadong organisasyon.

Page 14 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Maari bang magkaroon ng Senior High School ang mga paaralan bago ang SY 2016-2017

Oo. SY 2015-2016 pa lamang ay Maari nang magbibgay ng Senior High School ang mga paaralan sa mga interesadong estudyante. Subalit, hindi sapilitan ang pagkuha ng Senior High School para sa mga estudyante at pribadong paaralan. At sa mga estudyanteng pipiliing kumuha ng Senior High School sa pribadong paaralan bago ang SY 2016-2017, walang funding assistance na ibibigay ang gobyerno.

Para sa mga SHS Modelling Schools na nagpatupad ng SHS Program noong SY 2012-2013, maaari pa rin ba silang magpatupad ng SHS program?

Maaari pa ding magpatupad ng SHS Program ang lahat ng mga paaralang nakalista sa DepEd Order no. 71, s. 2013. Subalit, kinakailangan nilang mag-apply para sa isang provisional SHS permit at dapat matugunan ang mga pamantayan at mga kinakailangan para sa SHS Program.

Page 15 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano pa ang ibang mahahalagang impormasyon an kailangan alalahanin ng mga mag-aaply para sa SHS Permit?

Kinakailangang isumite ang LAHAT ng mga application sa [email protected]

Nilalaman dapat ng lahat ng application ang mga hinihiling sa DepEd Memo No. 4, series of 2014, na makikita sa https://bit.ly/AppGuidelinesforSHS. Mga applications na may KUMPLETONG REQUIREMENTS lamang ang ipoproseso ng SHS-NTF sa paraang "first come - first serve basis." Hindi ipoproseso ang mga mag-sususmite ng letter of intent lamang.

Ang iminungkahing SHS Curriculum alinsunod sa huling SHS Curriculum na inilathala ng DepEd, ay kinakailangan na isumite sa application.

Aling mga pribadong institusyon ang maaaring magbigay ng Senior High School?

Lahat ng paaralan at organisasyon ay dapat munang mag-apply para sa isang permit mula sa DepEd. Ang ibang institusyon ay maaring makisosyo sa isa’t isa at mag-apply para sa SHS bilang isang grupo.

Maglalabas ang DepEd ng temporary permits para sa mga institusyong tumugon sa requirements ng Senior High School program.

334 pribadong paaralang ang mayroon ng SHS permits sa simula ng SY 2014-2015. Noong March 31, 2015, nagpalabas na ng provisional permits ang 1,122 pribadong paaralang magbibigay ng Senior High School sa 2016.

Kung ikaw ay interesadong mag-apply para sa isang SHS permit, bisitahin ito: https://bit.ly/AppGuidelinesforSHS

Page 16 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang iba pang impormasyon ang kailangang malaman ng mga paaralag nais mag-apply para sa SHS permit?

Ang lahat ng aplikasyon ay kinakailangang ipasa sa [email protected]

Makikita ang requirements para sa aplikasyon sa https://bit.ly/AppGuidelinesforSHS. Tanging ang mga may kumpletong dokumento lamang ang dadaan sa ipoproseso ng SHS-NTF.

Kasama sa isusumite ang proposed SHS curriculum na nababatay sa pinal na kurikulum ng SHS ng DepEd.

Sino ang nagsusuri at nag-aapruba ng mga aplikasyon para sa SHS permit?

Ang SHS -National Task Force ( SHS - NTF ) ay makatatanggap ng mga aplikasyon mula sa mga interesadong partido, magtatag ng mga proseso at mga pamantayan sa pagsusuri ng mga napiling aplikante, at ang magsusuri ng mga aplikasyon para sa SHS ng mga non-DepEd na paaralan.

Ang Regional Offices ay inatasan upang magsagawa ng on-site validation para sa lahat ng mga aplikante. Ang on-site validation ay nakatuon sa mga probisyon ng SHS kinakailangan para sa ipinanukalang mga SHS track upang patunayan na ang isang paaralan mayroongsapat na SHS requirements upang ipatupad ang programa.

Ang Kalihim ng DepEd ang magbibigay ng pahintulot sa mga aplikasyong ito at ang mag-iisyu ng provisional permit sa mga aplikante.

Sa Regional Office maaaring makuha ng mga paaralan ang kanilang provisional permit.

Page 17 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Nangangahulugan ba na dagdag gastos ang dagdag na dalawang taon ng High School? Hindi naman sa ganoon. Ang Senior High School ay “kumukumpleto” sa basic education sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa bawat high school graduate na para sa trabaho, negosyo at mas mataas na edukasyon. Ito ay isang step up mula sa 10-year cycle kung saan ang mga nagsipagtapos sa high school ay nangangailangan pa ng mas mataas na edukasyon (at gastusin) para maging handa sa mundo. Libre ang SHS sa pampublikong paaralan. Mayroon ding voucher program para sa mga nagsipagtapos mula sa public junior high schools at maging sa ESC beneficiaries ng mga pampribadong eskwelahan kung ipagpapatuloy nila ang SHS sa mga pampribadong paaralan. Ito ay nangangahulugan na ang pasaning gastos para sa dagdag na dalawang taon ay hindi buong tutustusan ng mga magulang.

Page 18 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang Voucher Program? Sa pamamagitan ng Voucher Program, magbibigay ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga Grade 10 completer mula sa pampubliko at pribadong Junior High School (JHS) upang makapag-aral sila ng Senior High School sa isang (1) pribadong high school, (2) pribadong university o college, (3) state o local university o college, o sa (4) technical-vocational school simula School Year 2016-2017. Layunin ng programang ito na palawigin ang kakayahan ng mga mag-aaral at ng kanilang mga pamilya na makapili ng paaralan o track sa Senior High School na naaayon sa kanilang mga pangangailangan at layunin sa buhay.

Sino ang makikinabang sa programang ito? Maaari ba akong mag-apply at maging recipient ng Voucher Program?

Makakatanggap ng buong halaga ng voucher ang lahat ng Grade 10 completers na galing sa pampublikong paaralan.

Makakatanggap ng 80% halaga ng voucher ang Grade 10 completers na bahagi ng Education Service Contracting (ESC) grants.

Depende sa lokasyon ng SHS kung saan magpapatala ang mag-aaral ang halaga ng aktuwal na halaga ng voucher.

Page 19 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 20 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Magkano ang halaga ng voucher? Nakadepende ang halaga ng voucher sa lokasyon ng SHS kung saan magpapatala ang mag-aaral.

Ang JHS completers na magpapatala sa SHS na nasa National

Capital Region (NCR) ay makatatanggap ng buong halaga ng voucher PhP 22,500.

Ang JHS completers na magpapalatal sa SHS na nasa non-NCR Highly Urbanized Cities (HUCs) ay makatatanggap ng buong halaga ng voucher na PhP 20,000 Kabilang sa Non-NCR HUC: Angeles, Bacolod, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu City, Davao City, General Santos, Iligan, Iloilo City, Lapu-lapu, Lucena, Mandaue, Olongapo, Puerto Princesa, Tacloban, and Zamboanga City.

Ang JHS completers na magpapatala sa SHS na nasa ibang lungsod at munisipyo ay makakatanggap ng buong halaga ng voucher na PhP 17,500.

Kinakailangang magamit ng mag-aaral ang voucher sa school year na kasunod ng pagkumpleto niya ng JHS. Maaari rin lamang niyang mapakinabangan ang voucher sa loob ng dalawang (2) magkasunod na taon o school year.

Maaring hindi matugunan ng voucher ang kabuuang matrikula sa ibang mga paaralan. Ang mga mag-aaral at anilang mga magulang ang inaasahang tutustos sa kakulangan sa matrikulang ipinataw na lagpas sa tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Page 21 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 22 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Ano ang mga benepisyo ng Voucher Program?

Para sa mga estudyante Ang Voucher Program ay makapagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng klase ng estudyante. Magkakaroon ng pagkakataong makapili ng paaralan ang ang mga mag-aaral na walang pinansyal na kakayahan.

Para sa mga pribadong paaralan Ang mga pampribadong SHS ay maaaring magkaroon ng mas malawak na oportunidad—ang mga mag-aaral mula sa public junior high schools.

Sigurado ba tayong gagana ito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Noong SY 2012-2013, sinuri ng DepEd ang programa ng SHS sa mahigit 10,000 estudyante sa 56 eskwelahan sa buong Pilipinas. Ang resulta ng modeling program na ito, kasama na ang pinakamainam na gawi at karanasan sa pag-aaral, ang nakaimpluwensiya sa pagbubuo ng kasalukuyang SHS curriculum.

Paano ko mapapabuti ang basic education?

Ang mga private partners ay maaaring magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng Adopt-A-School program. Mabibigyan ng 150% tax incentive ang bawat kontribusyon.

Tumulong magbahagi ng kamalayan at impormasyon ukol sa programang K to 12.

Page 23 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Paano ako maapektuhan ng SHS? Mawawala ba ang aking trabaho?

Walang guro sa high school ang matatanggal. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy na nakikipag-usap sa

CHED at DOLE ukol sa aktuwal na bilang ng mga maaapektuhang guro mula sa pampribadong higher education institutions (HEIs). Ang pinakamalalang maaaring mangyari rito ay ang pagkawala ng trabaho ng 39,000 HEI faculty sa loob ng mahigit 5 taon. Mangyayari lamang ito kung wala sa mga HEIs na ito ang magtatayo ng sarili nilang SHS. Ito ay imposible sapagkat sa kasalukuyan, 1,000 aplikasyon ng SHS ang ipinoproseso mula sa mga pribadong institusyon.

Tatanggap din ang DepEd ng mahigit 30,000 bagong guro sa 2016 pa lamang. Uunahin ng Kagawaran ang mga apektadong guro mula sa HEIs na mag-aapply bilang mga guro o administrador ng SHS.

Nagtapos ako sa kursong may kinalaman sa science/math/engineering. Maaari ba akong pumasok bilang isang SHS teacher?

Oo. Kung payag kang magturo nang part-time, hindi mo kailangang kumuha at ipasa ang Licensure Examination for Teachers (LET).

Kung gusto mo ng permanenteng posisyon, kailangan mong kumuha at ipasa ang LET sa loob ng limang taon mula sa araw ng pagkakapasok upang manatiling isang full-time employee.

Page 24 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Isa akong hired TVI course graduate/HEI faculty/practitioner. Maari ba akong pumasok bilang isang SHS teacher?

Ang mga nagsipagtapos ng technical-vocational courses ay dapat magkaroon ng mga kinakailangang sertipikasyon mula sa TESDA at sumailalim sa isang pagsasanay na pangungunahan ng DepEd o HEIs.

Ang mga guro sa kolehiyo at unibersidad ay dapat full-time professors at may hawak na Bachelor’s degree na kaugnya sa kanilang ituturo.

Ang DepEd at mga pribadong paaralan ay maaaring tumanggap ng mga practitioners bilang part-time teachers na mayroong pagkadalubhasa sa mga specialized learning areas na iniaalok ng K to 12.

*Ang mga guro ng TVIs at HEIs ay bibigyan ng prioridad sa hiring para sa transition period mula September 2013 hanggang SY 2021-2022.

Isa akong practitioner. Maaari ba akong pumasok bilang isang SHS teacher? Maaari kang magturo bilang isang part-time teacher sa Senior High School sa ilalim ng track subjects. Hinihimok namin kayong isaalang-alang ito nang maibahagi ang inyong mahalagang kaalaman at karanasan sa ating mag-aaral sa SHS.

Page 25 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Paano makakaapekto ang K to 12 sa college curriculum? Ang College General Education curriculum ay magkakaroon ng

mas kaunting units. Ang mga kursong nakuha na sa Basic Education ay matatanggal mula sa College General Education curriculum.

Ang mga detalye ukol sa bagong GE Curriculum ay matatagpuan sa CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013.

Naririnig kong marami raw ang hindi nakonsulta sa K to 12. Totoo ba ito? Ang DepEd ay palaging bukas sa pagpapaplano at implementasyon ng K to 12. Nagkaroon na ng regular na konsultasyon kasama ang iba’t ibang sector simula noong 2010, bago naipasa ang batas, noong binubuo ang IRR at maging nang maipatupad ito. Ang mga representante ng DepEd ay dumalo na sa iba’t ibang pagtitipon, komperensya, pati na sa mga legislative inquiries, ukol sa K to 12. Kami ay bukas sa mga kritisismo at mungkahi tungkol dito.

Bakit hindi na lang i-ayon ang badyet ng K to 12 para pataasin ang sweldo ng mga guro?

Walang tinatawag na “K to 12” item sa ating pambansang badyet. Kasama ang pagbibigay ng mga silid-aralan, teacher items, aklat, upuan at banyo sa patuloy na implementasyon ng K to 12. Mayroon ding item sa badyet na nakalaan para sa computerization ng mga silid-aralan, kagamitan sa science at math, at pagsasanay para sa mga guro. Ang K to 12 ay isang reporma sa paraan at laman ng edukasyon; hindi ito isang proyektong mayroong line item budget.

Patuloy ang diskusyong nagaganap ukol sa pagtataas ng sweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan at maging sa lahat ng kawani ng gobyerno.

Page 26 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Municipality (16) PUBLIC (19) PRIVATE SCHOOLS

as of May 7, 2015

Abucay Bonifacio Camacho National

High School

Colegio de San Juan de Letran, Bataan

Kalayaan College - Bataan

Bagac E.C.Bernabe NHS

Dinalupihan Jose C. Payumo Jr. Memo. HS Luakan National High School

College of Subic Montessori St. Jerome Emiliani School St. John Academy

Hermosa Hermosa National High School Saint Peter of Verona

Academy

Limay Lamao National High School Limay National High School

The Peninsula School

Mariveles Mariveles NHS, Cabcaben Mariveles NHS, Poblacion

BEPZ Multinational School Blessed Regina Protmann

Catholic School St. Nicholas Catholic School of

Mariveles Llamas Memorial Institute Mountain View Village School

Morong Morong National High School St. James Catholic School of

Morong

Orani Orani National High School –

Main Orani NHS - Parang-Parang

Academy of Queen Mary School Inc.

Holy Rosary Parochial Institute

BLC Integrated School

Orion Bataan School of Fisheries Justice Emilio Angeles

Gancayco Mem. HS

St. Michael the Archangel Academy

Pilar Pablo Roman National High

School Bataan Christian School

Samal Samal National High School

St. Catherine of Siena Academy

DepED – BATAAN List of Schools to Offer Senior HS

Page 27 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12

Page 28 of 28

#GoKto12 | Frequently Asked Questions (FAQs) as of May 5, 2015

Para sa Karagdagang kaalaman, bisitahin ang deped.gov.ph/k-to-12