44
Page 1 KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa Pagligtas ng mga Kaluluwa Pinakamamahal kong HesuKristo, kayo po na lubos ang pagibig sa amin, hayaan Nyong sa munting paraan ay makiisa ako sa pagsalba ng mga kaluluwang mahalaga sa Iyo. Kahabagan Nyo po ang lahat ng makasalanan gaano man katindi ang pasakit sa Iyo. Hayaan Nyong sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo ay matulungan ko ang mga kaluluwang nanganganib na hindi makaligtas matapos ang Babala (The Warning). Nawa’y mailigtas na buhay sila upang mapabilang po pa rin sila sa Kaharian Nyo. Pakinggan Nyo ang aking panalangin, O katamis- tamisang HesuKristo, na maisalba ang mga kaluluwang hinihiling ko. O Banal na Puso ni Hesus, isinusumpa ko ang katapatan sa Iyong Banal na Kalooban magpakailanman. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (2) Panalangin sa mga Pandaigdigang Pinuno O Makapangyarihang Ama, sa ngalan ng Iyong mahal na Anak na si HesuKristo, hinihiling ko pong iligtas Nyo ang Iyong mga anak sa binabalak na kalupitan ng mga masamang pandaigdigang mga pangkat laban sa mga bansang mahihirap o inosente. Ipinapanalangin ko din po ang kapatawaran sa mga kasalanan ng mga nagpapasimuno nitong paghihirap ng mga bansa, upang sila ay magbalik-loob sa Iyo sa pagpakumbaba at katapatan ng puso. Nawa'y itong mga lubos na pinahihirapang anak Nyo ay makaraos sa ganoong kalupitan sa pamamagitan ng lakas po Ninyo, para sa kabayaran puri ng mga kasalanan ng mundo. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

  • Upload
    docong

  • View
    380

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 1

KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa Pagligtas ng mga Kaluluwa Pinakamamahal kong HesuKristo, kayo po na lubos ang pagibig sa amin, hayaan Nyong sa munting paraan ay makiisa ako sa pagsalba ng mga kaluluwang mahalaga sa Iyo. Kahabagan Nyo po ang lahat ng makasalanan gaano man katindi ang pasakit sa Iyo. Hayaan Nyong sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo ay matulungan ko ang mga kaluluwang nanganganib na hindi makaligtas matapos ang Babala (The Warning). Nawa’y mailigtas na buhay sila upang mapabilang po pa rin sila sa Kaharian Nyo. Pakinggan Nyo ang aking panalangin, O katamis-tamisang HesuKristo, na maisalba ang mga kaluluwang hinihiling ko. O Banal na Puso ni Hesus, isinusumpa ko ang katapatan sa Iyong Banal na Kalooban magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (2) Panalangin sa mga Pandaigdigang Pinuno O Makapangyarihang Ama, sa ngalan ng Iyong mahal na Anak na si HesuKristo, hinihiling ko pong iligtas Nyo ang Iyong mga anak sa binabalak na kalupitan ng mga masamang pandaigdigang mga pangkat laban sa mga bansang mahihirap o inosente. Ipinapanalangin ko din po ang kapatawaran sa mga kasalanan ng mga nagpapasimuno nitong paghihirap ng mga bansa, upang sila ay magbalik-loob sa Iyo sa pagpakumbaba at katapatan ng puso. Nawa'y itong mga lubos na pinahihirapang anak Nyo ay makaraos sa ganoong kalupitan sa pamamagitan ng lakas po Ninyo, para sa kabayaran puri ng mga kasalanan ng mundo. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

Page 2: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 2

KRUSADA NG PANALANGIN (3) Alisin ang Takot O HesuKristo aking Panginoon, ako ay nagsusumamo na alisin Nyo sa mundo ang takot na nagpapalayo sa mga kaluluwa sa Iyong mapagmahal na puso. Ipinapanalangin ko na ang mga tunay na may takot habang nagaganap ang Babala, ay maging matiwasay at tanggapin ang bugso ng Iyong Awa upang sila'y malayang ibigin Kayo sa paraang nararapat. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (4) Magkabuklod ang mga Pamilya Pagkaisahin Nyo po, O HesuKristo, kaming lahat na magkapamilya habang nagaganap ang Babala upang matanggap naming lubos ang kaligtasang walang hanggan. Ipinapanalangin ko din po na ang lahat ng pamilya ay manatiling kabuklod Nyo, O Hesukristo, upang magmana kami ng bagong Paraiso na darating sa mundo. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (5) Papuri sa Diyos na Kaitaasan O Amang Walang Hanggan, ipinagbubunyi’t ini-alay namin sa Iyo itong mga panalangin, sa kalugod-lugod na pasasalamat, para sa pinakamahalagang handog Nyong Awa sa sangkatauhan. O Kataas-taasang Hari, humahandusay kami sa Iyong mga paa bilang aliping abang naglilingkod, dahil sa Iyong naturang handog. Nagsusumamo kami Panginoon, kaawaan at patawarin Nyo po kaming lahat na anak Nyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (6) Panalangin sa Paghadlang sa Kontra-Kristo (Anti-Christ) O Hesus, ipinapanalangin ko na sa Habag ng Ama ay mapigilan ang Kontra-Kristo at ang kanyang pangkat na kasamaan, sa kanilang binabalak na matinding pananakot at kalupitan sa

Page 3: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 3

Iyong mga anak. Ipinapanalangin naming mapigilan siya at sa pamamagitan ng pagbabalik-loob namin sa Diyos alang-alang sa Babala, ay hindi na ituloy ng Ating Ama ang pagbuhat ng kamay bilang parusa sa aming mga kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (7) Panalangin sa mga Tumatanggi sa Awa ng Diyos Hesus, ako po ay nag-susumamo na patawarin Nyo ang mga makasalanang sadlak sa kadiliman ng kanilang mga kaluluwa, at marahil diyan ay itatakwil pa rin ang liwanag ng Iyong Awa. Patawarin Nyo po sila O Hesus, upang mailigtas sila sa kanilang mga kasalanang napakahirap nilang iwasang sakupin sila. Pag-apawin Nyo po ang kanilang mga puso ng Iyong walang hanggang Awa at pagkalooban ng pagkakataon na makabalik sa Iyong piling. Amen KRUSADA NG PANALANGIN (8) Sa Kumpisal Pinakamamahal na Hesus, humihingi ako ng tawad sa mga kasalanang aking nagawa at sa mga pagdurusa at pasakit na naidulot ko sa aking kapwa. Nagpapakumbabang nagmamalimos ako ng biyaya upang hindi na muling magkasala sa Iyo at makamtan ang grasya sa pagbayad ko sa mga kasalanan ayon sa Iyong Banal na Kalooban. Nagsusumamo ako na patawarin Nyo rin po anumang kamalian na magagawa ko pa sa mga darating na panahon, na magdudulot sa Inyo ng dalamhati at pighati. Ako nawa’y isama Nyo po sa mapayapang mundong darating, nang sa gayon ay mapabilang ako sa pamilyang paghaharian Nyo na walang hanggan. Pinakamamahal kita O Hesus. Lubos kitang kailangan. Pinararangalan ko po Kayo at ang lahat ng Iyong mga gawa. Tulungan Nyo po ako O Hesus na maging marapat makapasok sa Iyong Kaharian. Amen.

Page 4: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 4

KRUSADA NG PANALANGIN (9) Pag-aalay ng Sakripisyo Bilang Handog Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, turuan Nyo po akong tumanggap ng mga pagkutya sa akin dahil lamang sa pagpapalaganap namin ng Iyong mga mensahe, sa ilalim ng pagpakumbaba at pasasalamat pa rin. Turuan nyo pong yakapin ko itong mga pagsubok na ito sabay ng pagmahal at kagandahang-loob, upang maihandog ko po sa Iyo para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, at mapalapit ako sa Iyong Banal na Puso.

KRUSADA NG PANALANGIN (10) Pagpalaganap ng Alab ng Iyong Pagmamahal Mahal naming Hesus, tulungan Nyo po kami sa Ngalan Ninyo, na walang takot na sumulong sa pagpalaganap ng alab ng Iyong pagmamahal sa lahat ng bansa. Bigyan Nyo po kaming mga anak Nyo ng lakas loob upang harapin ang mga abusong mararanasan namin mula sa mga hindi tunay na sumasampalataya sa Inyong Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (11) Itigil Ang Pagtuligsa Sa Mga Visionaries O Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, nawa’y pawiin Nyo ang galit at inggit na namamalagi sa Iyong iilang mga desipulo tungkol sa mga tunay na bisyonaryo’t propeta ngayon. Nawa’y pakinggan Nyo ang aking dalangin na mabigyan sila ng lakas loob na kailangan nila upang ipahayag ang Iyong Banal na Salita sa mundong nawawalan na ng pananampalataya. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (12) Panalangin Upang Maiwasan Ang Pagmamalaki sa Sarili O Hesus ko, tulungan Nyong maiwasan ko ang pagmamalaki sa aking sarili lalong lalo na tuwing magsasalita ako sa Ngalan

Page 5: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 5

Ninyo. Patawarin Nyo din po ako sa aking mga paghuhusga sa aking kapwa. Hesus ko, tulungan Nyo akong makinig sa Iyong tinig, at punuin Nyo ako ng Iyong Espiritu Santo upang maunawaan ko ang katotohanan ng mga mensahe Ninyo para sa sanlibutan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (13) Panalangin Sa Tiyak Na Kaligtasan O Amang nasa langit, alang-alang sa pag-ibig ng pinakamamahal Nyong Anak na si HesuKristo na nagpakasakit sa krus upang iligtas kami, iligtas Nyo din po ngayon ang mga taong ayaw tumanggap ng Iyong tulong at awa. Punuin Nyo ang kanilang kaluluwa, Mahal naming Ama, ng Iyong wagas na pag-ibig. Nagsusumamo ako, aking Ama sa langit, na pakinggan Nyo ang aking dasal at mailigtas ang mga kaluluwang ito sa walang hanggang apoy. Sa tulong ng Iyong Awa, hayaan Nyo na sila ang unang makapasok sa bago at mapayapang mundong darating. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (14) Panalangin Sa Diyos Ama Tungkol Sa Digmaang Nukleyar O Amang pinakamakapangyarihan at kataas-taasan, kahabagan Nyo po ang lahat ng mga makasalanan. Buksan Nyo ang aming puso sa pagtanggap ng kaligtasan at masaganang biyaya. Pakinggan Nyo po ang pagsusumamo ko para sa aking pamilya, nawa’y magkaroon ang bawat isa sa amin ng pagpapala sa Iyong mapagmahal na Puso. O Ama at Diyos namin sa langit, iligtas Nyo kaming lahat na anak Nyo sa mundo sa digmaang nukleyar o anumang kilos ng kaaway na magdudulot ng kamatayan. Iadya Nyo kami sa lahat ng kasamaang ito. Bigyan Nyo rin po kami ng kaliwanagan upang ang mga mata nami’y mabuksan sa katotohanan at walang takot naming tanggapin, na ang kaligtasan ay sa Iyo lamang nagmumula. Amen.

Page 6: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 6

KRUSADA NG PANALANGIN (15) Pasasalamat Sa Banal na Awa (Divine Mercy) O aking Ama sa langit, pinaparangalan Kayo namin at lubos kaming nagpapasalamat sa Inyong pagsakripisyo sa Iyong Anak na sinugo Ninyo bilang Tagapagligtas namin. Buong galak at pasasalamat naming inaalay sa Iyo ang panalanging ito sa Inyong parating na handog na Banal na Awa. O Diyos na Kaitaasan, gawin Nyo po kaming marapat tumanggap ng Iyong dakilang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (16) Pagtanggap Ng Biyaya Sa Nalalapit Na Babala O Hesus ko, palakasin Nyo po ang aking pananampalataya upang malampasan ko ang pagsubok sa Babalang darating kung kailan ipapakita Nyo ang Iyong Dakilang Awa. Pagkalooban Nyo ako ng mga biyayang kailangan ko upang magpakumbaba sa harap Nyo. Buksan Nyo ang aking mga mata sa katotohanan ng Iyong pangako, sa walang hanggang kaligtasan. Patawarin Nyo ang aking mga kasalanan at ipakita Nyo sa akin ang Iyong wagas na pag-ibig at kamay na mapag-aruga. Yakapin Nyo po ako at sa piling ng Banal na Pamilya ako nawa’y muling lubos na mapasainyo. Pinakamamahal kita Hesus at ipinapangako kong magmula ngayon ay ipapahayag ko ang Iyong Banal na Salita ng walang takot, at taglay ang kalinisan ng puso at kaluluwa, magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (17) Panalangin Sa Ina Ng Kaligtasan Para sa Kaluluwang Lugmok Sa Kadiliman O Kalinis-linisang Puso ni Maria, Ina ng Kaligtasan at Tagapamagitan ng lahat ng grasya,Kayo po ang kaisa sa pagligtas ng sangkatauhan laban sa kalupitan ni Satanas, nawa’y ipanalangin Nyo kami. Ina ng Kaligtasan, ipanalangin Nyo

Page 7: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 7

kaming lahat na kaluluwa upang mailigtas at malayang tumanggap ng pag-ibig at awa ng Iyong Anak na aming Panginoong HesuKristo na muling paparito upang tubusin ang sanlibutan at mabigyan ng walang hanggang Kaligtasan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (18) Pigilan Ang Kontra-Kristo At Kanyang Grupo O Mahal naming Hesus, iligtas Nyo po ang buong mundo sa kamay ng Kontra-Kristo. Pangalagaan Nyo kami sa mga kalupitan at pang-aakit ni Satanas. Iligtas Nyo sa kasamaan kaming mga natitirang mananampalataya ng Iyong simbahan. Pagkalooban Nyo po ang simbahan ng lakas at mga biyayang kailangan upang maipagtanggol namin ang sarili sa mga kaguluhan at pagpapahirap na balak isagawa ni Satanas katulong ang mga kawal niyang terorista. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (19) Para Sa Mga Kabataan Ina ng Kaligtasan, ipanalangin Nyo po na kahabagan ng Diyos ang mga kaluluwa ng kabataang nasa matinding kadiliman upang sa pagparito ng pinakamamahal Nyong Anak ay makilala nila Siya bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Huwag Nyo sana hayaang maski isa man sa kanila ay maligaw ng landas. Huwag Nyo sana hayaang isa man sa kanila ay tumanggi sa dakilang Awa ng Diyos. O aking Ina, ipinapanalangin ko ang kaligtasan nilang lahat at nawa’y sakluban Nyo sila ng Iyong mapagpalang balabal upang mapangalagaan sila sa mapanlinlang na kaaway. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (20) Pigilan Ang Kontra-Kristo Sa Pagwasak Ng Mundo O Ama naming Diyos, sa ngalan ng Iyong mahal na Anak, ako’y tumatawag sa Iyo. Pigilan Nyo po ang Kontra-Kristo sa

Page 8: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 8

pambibihag sa mga kaluluwa ng Iyong mga anak. Hadlangan Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at kaawaan Nyo po sana ang mga kaluluwang walang kalaban-laban. Pakinggan Nyo itong aking panalangin Mahal na Ama at iligtas Nyo ang lahat Ninyong anak sa mapangahas na kaaway. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (21) Pasalamat Sa Diyos Ama sa Pagligtas ng Sangkatauhan O Makapangyarihang Banal na Diyos na lumikha ng sangkatauhan, pinupuri Kayo namin at salamat po sa Iyong pag-ibig at awa sa amin. Kami’y lubos din nagpapasalamat sa handog Nyong kaligtasan at nagmamakaawang hinihiling namin, Panginoon, na iligtas Nyo po ang mga taong napariwara at sumunod sa yapak ng kaaway. Nawa’y mabuksan ang kanilang mga puso sa katotohanan na Kayo lamang ang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (22) Ipagpatuloy ang Tunay na Aral ng Simbahang Katolika O pinakamamahal kong Hesus, panatilihin Nyo po ang aking lakas at ilaw ng alab ng pag-ibig ko sa Iyo. Sa buong araw huwag Nyo pong tulutan dumilim, kumutitap o mapawi. Huwag din Nyo ipahintulot na manghina ako sa harap ng mga pagsubok. Pagkalooban Nyo ako ng mga biyayang kailangan ko sa aking bokasyon, debosyon, at katapatan, upang patuloy akong maging masunurin sa mga tunay na aral ng Simbahang Katolika. Inaalay ko at itinatalaga ang sarili ko sa Iyo sa lahat ng oras. Sinusumpa ko ang aking katapatan sa paglaban sa panig ng mabuti upang ang Simbahang Katolika ay maitayo muli at mabalik sa dati nitong kaluwalhatian, upang salubungin po Kayo namin sa muling pagparito Nyo. Amen.

Page 9: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 9

KRUSADA NG PANALANGIN (23) Sa Kaligtasan Ng Santo Papa Benedikto O walang hanggang Ama, sa ngalan ng Iyong bugtong na Anak na si HesuKristo at alang-alang sa pagpapakasakit Niya sa Krus upang iligtas ang sanlibutan sa kasalanan, nawa’y alagaan Nyo po ang banal Nyong sugo at pinuno ng simbahan na si Papa Benedikto, upang magampanan niya ang tungkuling mailigtas ang Iyong mga anak at Banal na katulong laban sa kalupitan ni Satanas, at ng kanyang mga demonyo. Sila ngayo’y gumagala sa mundo at nambibihag ng mga kaluluwa. O Ama ko, iligtas Nyo po ang Santo Papa upang kami ay magabayan niya sa tunay na daan patungo sa Bagong Paraisong darating sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (24) Indulhensyang Ganap Sa Kapatawaran Ng Kasalanan Mahal na Hesus at ilaw ng mundo. Kayo po ang apoy na lunas sa aming kaluluwa. Ang iyong awa at pagmamahal ay walang hangganan. Bagkus hindi kami karapatdapat na makinabang sa ganap na sakripisyo’t pagkamatay na inialay Nyo sa Kalbaryo. Kaya po, alam namin na ang iyong pagmamahal sa amin ay di hamak na labis labis sa aming sinusukli. Pakundangan Panginoon na mahubog kami sa kababaang loob upang marapat kaming maipasok Nyo sa Bagong Kaharian. Punuin Nyo po kami ng Espiritu Santo, upang lumahok at manguna kami sa iyong Hukbo, at ipahayag ang katotohanan ng Iyong Banal na Mensahe, para mailigtas ang aming mga kapatid. Gusto namin ito para sa kaluwalhatian ng Iyong Pangalawang Pagdating… Dinarangal at pinupuri kayo namin. Inaalay din namin ang aming mga sarili’t, pighati at kahirapan upang makiramay sa kanilang kaligtasan. O Hesus, mahal po namin kayo! Amen. (Ito ay dapat dasalin araw-araw)

Page 10: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 10

KRUSADA NG PANALANGIN (25) Sa Proteksyon ng mga Bisionario sa Mundo O Diyos na Kaitaas-taasan, ako’y nagsusumamo na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng banal na Tagapag-abot ng Mensahe Ninyo. Ipinapanalangin ko na sila ay maiwasan ang poot ng mga taong hindi sumasampalataya. Nawa’y ang Iyong Banal na Salita ay mapalaganap na mabilis sa buong mundo. Hadlangan Nyo po ang mga pagmamalabis, pang-aabuso, panlilinlang, at lahat ng kapahamakan sa buhay ng Iyong mga alagad. Ganoon din po ang ipagpala Nyo sa kanilang mga pamilya at ihandog Nyo sa kanila ang Iyong Espiritu Santo sa buong araw upang ang mga mensaheng hatid nila ay bigyan pansin at magbunga sa pagsisisi at kababaang-loob ng mga tao. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (26) Ang Banal na Rosaryo

[Ang Dasal na ito ay ang Banal na Rosaryo mismo]

KRUSADA NG PANALANGIN (27) Sa Kapayapaan Ng Mundo O Hesus ko, nagmamakaawa’t nananalangin ako sa kahabagan Nyo para sa mga nagdurusa’t biktima ng mga kaguluhang sanhi ng digmaan. Nagsusumamo ako para sa kapayapaan ng mga bansang ito na lubos na nahihirapan dahil sila’y bulag sa katotohanan na Kayo lamang ang tunay at nag-iisang Diyos. Nawa’y sakluban Nyo po ang mga bansang ito at kanilang mga walang salang mamamayan, ng kapangyarihan ng Iyong Espiritu Santo upang sila’y makaiwas sa kasakiman at sunggab ng kanilang maniniil. Kahabagan Nyo po ang lahat ng Iyong bansa na walang kalaban-laban sa kasakiman at kaguluhang bumabalot sa buong mundo. Amen.

Page 11: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 11

KRUSADA NG PANALANGIN (28) Panalangin Mula Kay Birhen Maria sa Pagkakaisa ng Lahat na mga Simbahang Kristiyano O Kataas-taasang Diyos, kami’y naninikluhod sa Iyo para sa pagkakaisa ng lahat ng Iyong mga anak upang ipaglaban at mapanatili ang mga Kristiyanong simbahan sa mundo. Huwag Nyo po hayaan ang mga pagkakaibang paniniwala naming magdulot ng aming pagkakawatak-watak, lalo na sa panahon ngayon na maraming tumatalikod sa pananampalatayang Kristiyano. Kami’y nagsusumamo sa Iyo na pagkalooban kami ng mga biyaya upang magmahalan sa ngalan ng mahal Nyong Anak at aming Tagapagligtas na si HesuKristo. Pinupuri’t minamahal Kayo namin. Kami’y lalaban na sama-sama upang mapanatili ang Iyong Simbahang Kristiyano sa mundo sa kabila ng mga pagsubok naming haharapin sa darating na mga taon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (29) Sa Pananatili ng Kristiyanong Kaugalian O aking Panginoong Hesukristo, nagsusumamo ako na isugo Nyo po ang Iyong Espiritu Santo sa lahat ng Iyong mga anak. Nagmamakaawang hinihiling ko na patawarin Nyo ang mga kaluluwang may matinding poot sa Iyo. Ipinapanalangin kong mabuksan ang pusong bato ng mga lubos na hindi naniniwala sa Iyo (atheists) kahit na ipinagkakaloob Nyo na sa kanila ang iyong Dakilang Awa. At ang mga anak Nyong nagmamahal sa Iyo nawa’y maparangalan Kayo kasabay ng kadakilaan kahit na sila’y nasa kuko ng pang-aapi. Nawa’y punuin Nyo ang Iyong mga anak ng iyong Espiritu upang kami’y tumindig ng buong tapang at pangunahan ang Iyong hukbo sa huling pakikipaglaban kay Satanas, at sa mga alagad niyang demonyo, kasama ng mga kaluluwang naging alipin dahil sa nalinlang sila dulot ng mga pangako na walang kabuluhan. Amen.

Page 12: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 12

KRUSADA NG PANALANGIN (30) Sa Pag-iwas sa Digmaan, Taggutom, At Paniniil Dahil Sa Relihiyon O Walang Hanggang Ama, Diyos na lumikha ng kalawakan, sa ngalan ng Iyong bugtong na Anak na si Hesus, nawa’y higit Kayo naming mahalin. Tulungan Nyo po kami na maging matapang, malakas, at walang takot sa harap ng kasamaan. Tanggapin Nyo ang aming mga sakripisyo, pagdurusa, at mga pagsubok bilang alay sa harap ng Iyong Trono para sa kaligtasan ng mga anak Nyo sa mundo. Buhayin Nyo ang mga puso ng mga kaluluwang marupok dahil sa kasalanan. Buksan Nyo ang kanilang mga mata sa katotohanan ng pag-ibig Nyo, upang sila’y mabilang sa mga anak Nyong papasok sa paraisong nilikha Nyo ng buong pagmamahal, sang-ayon sa Banal na Kalooban Ninyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (31) Para sa Ating Proteksyon O Hesus ko, nawa’y pagbigyan Nyo kami na itong panalangin namin ay mag-udyok sa Espiritu Santo na lumapag sa mga pinuno ng mga bansa na lugmok sa pagnanasa, kasakiman, katakawan at kayabangan, upang matigil na ang pagmamalabis at pagpapahirap nila sa mga anak Nyong walang kasalanan. Aking hinihiling sa Iyo na matigil ang kahirapan, taggutom, at digmaang lalamon sa Iyong mga anak. At ipinapanalangin ko rin na ang mga lider sa Europa ay ibubukas ang kanilang mga puso sa katotohanan ng Iyong pag-ibig. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (32) Pagtigil ng Aborsyon sa Ireland O Ina ng Kaligtasan, ipanalangin Nyo nawa ang iyong mga anak sa Ireland upang itigil na ang karumal-dumal na aborsyon doon. Protektahan Nyo po ang banal na bansang ito upang huwag magpatuloy sa pagtahak sa kadiliman na ngayo’y bumabalot sa

Page 13: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 13

kanilang bansa. Paalisin Nyo po sa kanila ang demonyong gustong pumatay sa mga sanggol na hindi pa naisisilang. Ipanalangin Nyo po na ang kanilang mga pinuno ay magkaroon ng lakas ng loob na pakinggan ang mga umiibig sa Iyong Anak upang sila’y matutong sumunod sa mga aral ng ating Panginoong HesuKristo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (33) Ang Tatak ng Diyos na Buhay O Panginoong Diyos, mapagmahal na Ama, buong pagmamahal at pasasalamat kong tinatanggap ang Inyong Banal na Tatak ng Inyong Pagkupkop sa akin. Ang Inyong kadakilaan ay sumasakop sa aking katawan at kaluluwa na walang hanggan. Yumuyuko ako sa pasasalamat na mataimtim, pagmamahal at katapatan. Mahal na Ama, nagsusumamo ako sa Inyo na kupkupin Nyo ako’t aking mga kapamilya’t minamahal, sa ilalim ng Banal na Tatak na ito. At sinusumpa ko ang aking buhay sa paglilingkod sa inyo magpakailanman. Iniibig ko po kayo, Mahal na Ama, at gusto kong aliwin po kayo sa mga panahong ito. Inaalay ko din po ang katawan, dugo, kaluluwa’t kadakilaan ng Inyong buong pusong minamahal na Anak, para sa pagbabayad-puri sa mga kasalanan ng mundo at para sa kaligtasan ng lahat ng kapatid namin na Inyong mga anak din. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (34) Ang Handog kong Pag-aayuno (Fasting) O Hesus Ko, tulungan Nyo ako sa aking munting paraan upang matularan ko ang Iyong buhay na puno ng sakripisyo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Hayaan Nyong mag alay ako ng pag aayuno isang araw sa isang lingo sa panahon ng kuwaresma para sa Kaligtasan ng sanlibutan upang lahat kami ay makapasok sa pinto ng Bagong Paraiso na parating na sa mundo. Inihahandog ko sa Iyo mahal kong Hesus ang

Page 14: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 14

sakripisyong ito ng may pag ibig at kagalakan sa aking puso upang ipakita sa Iyo kung gaano kita minamahal. Sa pamamagitan ng sakripisyong ito ako’y nagmamakaawa na iligtas Nyo ang bawat kaluluwang naligaw ng landas. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (35) Mga Kaluluwa’y Makapasok Sa Paraiso O Hesus ko, tulungan Nyo akong maging kaisa Nyo sa pagsalba ng mga natitirang anak Nyo sa mundo. Ipinapanalangin ko sa pamamagitan ng iyong mahabaging puso na mailigtas Nyo ang mga kaluluwang nasa kadiliman. Tanggapin Nyo rin ang mga pagsubok, sakripisyo, at dalamhati ng aking buhay upang mailigtas ang mga kaluluwang ito sa apoy ng impyerno. Punuin Nyo ako ng biyaya upang maialay ang aking mga sakripisyo sa ibabaw ng pagmamahal at kagalakan ng aking puso upang lahat ay magkaisa sa pagmamahal sa Santisima Trinidad at mamuhay kasama Nyo Hesus, bilang isang banal na pamilya sa Paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (36) Parangal sa Totoong Diyos O Hesus tulungan Nyo po ako sapagkat ako ay naliligaw at naguguluhan. Hindi ko alam ang katotohanan tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Patawarin Nyo po ako kung ako’y nagkasala sa Iyo dahil sa pagsamba sa mga diyos-diyosang hindi naman totoo. Iligtas Nyo po ako at tulungang makita ang katotohanan may kaliwanagan, at iligtas Nyo ako sa kadilimang bumabalot sa aking kaluluwa. Tulungan Nyo po akong lumapit sa liwanag ng iyong Awa. Amen.

Page 15: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 15

KRUSADA NG PANALANGIN (37) Pagbuklod ng mga Anak ng Diyos O Mahal naming Hesus, ipagbuklod Nyo po ang Iyong mga taga-sunod sa pamamagitan ng pag-ibig upang lumaganap ang katotohanan ng iyong pangako tungkol sa walang hanggang kaligtasan ng sanlibutan. Ipinapanalangin namin na ang mga kaluluwang may mababaw na pananalig sa Iyo at natatakot na ipaubaya sa Iyo ang kanilang sarili’t buong pag iisip, katawan, at kaluluwa, ay magpakumbabang loob upang mabuksan ang kanilang mga puso sa pag-ibig Ninyo at sa gano’y mapabilang sa Iyong banal na pamilyang maninirahan sa mundo.Yakapin Nyo po Hesus ang lahat ng kaluluwang naliligaw ng landas at pahintulutan ang aming pagmamahal bilang magkakapatid ay maging kaligtasan sa kapahamakan, at maakay din sila sa kanlungan, pag-ibig, at liwanag ng Santisima Trinidad. Ipinapaubaya namin ang aming buong pag asa, pagtitiwala, at pagmamahal sa Iyong mga Kamay. Mataimtim naming hinihiling na palalimin at palawakin Nyo pa ang aming debosyon sa Iyo upang mas marami pang kaluluwa ang mailigtas. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (38) Sa Kaligtasan ng Simbahang Katolika O Pinagpalang Ina ng Kaligtasan, ipanalangin Nyo nawa ang Katolikong Simbahan kasalukuyang lubog sa kaguluhan. Pagaanin Nyo ang paghihirap ng aming Mahal na Papa Benedikto XVI. Hinihiling namin sa iyo Ina ng Kaligtasan, na balutin Nyo ang mga banal nyong lingkod ng mapagpalang balabal ninyo upang sila ay mabigyan ng kalakasan, katapatan, at katapangan sa darating na mga pagsubok. Ipanalangin Nyo rin po na maayos nilang magabayan ang kanilang mga nasasakupan ayon sa mga tunay na alituntunin at batas ng Simbahang Katolika. O Banal na Ina ng Diyos, bigyan Nyo po kaming mga natitirang tapat sa simbahan ng kakayahang

Page 16: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 16

mamuno upang kami’y makatulong sa pag akay sa mga kaluluwa tungo sa Kaharian ng Iyong Anak. Hinihiling din namin sa iyo Ina ng Kaligtasan na huwag hayaang makalapit ang kaaway sa mga lingkod ng Iyong Anak habang nakikipaglaban para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa upang sila’y maging karapat-dapat makapasok sa pinto ng Bagong Paraiso sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (39) Maihanda ang mga Kaluluwa para sa Bagong Paraiso O Hesus mahal kong Tagapagligtas, hinihiling ko na lukuban Nyo ako ng Iyong Espiritu Santo upang maipahayag ko sa tinig ng maykapangyarihan ang iyong Banal na Salita para mapaghandaan ng lahat ng anak ng Diyos ang Iyong Muling Pagdating. Ako’y nagsusumamo Panginoong HesuKristo na pagkalooban Nyo ako ng lahat ng grasyang kailangan ko upang saan man ako pumunta ay makakalapit at makakapagpahayag ako sa lahat, anumang relihiyon, paniniwala, at lahi nila. Tulungan Nyo akong magpahayag taglay ang Iyong pananalita. At sa pamamagitan nito ay paginhawahin Nyo ang mga kaluluwang nagdurusa, at maiparamdam sa kanila ang Iyong natatangi at wagas na pag-ibig na dumadaloy mula sa Iyong Banal at Kamahal-mahalang Puso. Tulungan Nyo akong iligtas ang mga kaluluwang malapit sa Iyong puso. At hayaan Nyong aliwin ko ang kalooban Nyo Hesus kapag ang mga kaluluwang naliligaw ay patuloy pang tumatalikod sa Iyong Awa. Hesus ako’y walang halaga kung kayo ay wala sa aking puso. Ngunit sa pamamagitan ng Iyong pagpapala ay kakayanin kong lumaban sa ilalim ng Ngalan Nyo para sa kaligtasan ng Sangkatauhan. Amen.

Page 17: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 17

KRUSADA NG PANALANGIN (40) Paghanda ng mga Pari sa Muling Pagdating ni Kristo O Hesus ko Kayo’y lingkod at alalay ko pa rin sa paghanda ng mga kaluluwa sa Iyong tagumpay at luwalhating Muling Pagdating. Tulungan Nyo akong mahikayat ang mga kaluluwa na magbagong-buhay at ihanda sila ayon sa Banal Nyong Kalooban upang sila’y maging karapat-dapat na makapasok sa Bagong Langit at Mundong ipinangako Nyo sa sanlibutang tinubos Nyo sa pamamagitan ng pagkamatay sa Krus. Pagkalooban Nyo po ako ng mga biyayang kailangan ko upang maibahagi ko ang Iyong Salita sa mga kaluluwang uhaw at nawa’y hindi ako panghinaan ng loob sa pagtupad ng tungkulin ko sa Iyo Hesus, sa ilalim ng aking panunumpa bilang Pari at paglilingkod sa pamamagitan ng aking sagradong mga panata. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (41) Sa mga Kaluluwang Hindi Naniniwala sa Diyos O Hesus ko tulungan Nyo po ang Iyong kaawa-awang mga anak na bulag at hindi makita ang pangako Nyong kaligtasan. Ako’y nagsusumamo na sa pamamagitan ng aking mga panalangin at pagdadalamhati, ay mabuksan Nyo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya sa Iyo upang makita nila at maramdaman ang Iyong marubdob na pag-ibig at sila’y lumapit ng walang pag-aalinlangan sa mga bisig Nyong magbibigay proteksyon. Tulungan Nyo pong makita nila ang katotohanan at makamit ang kapatawaran sa lahat ng kanilang mga nagawang kasalanan upang sila’y maligtas at maunang makapasok sa pintuan ng Bagong Paraiso. Ipinapanalangin ko po ang mga kaawa-awang kaluluwang ito, lalaki, babae, at kahit mga musNyos, at nagsusumamo akong patawarin Nyo ang lahat ng kanilang mga kasalanan. Amen.

Page 18: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 18

KRUSADA NG PANALANGIN (42) Sa Pag-ayuno para Hadlang sa Pandaigdigang Salapi O Diyos na Kaitaas-taasan, inaalay namin ang handog ng pag ayuno upang Iyong hadlangan ang kasamaan sa mundo tulad ng planong ipagkait sa aming bansa ang pagkain kasama dito ang Tinapay na nagbibigay buhay. Tanggapin Nyo po ang aming handog at pakinggan ang aming pagmamakaawa para sa mga bansang balak pahirapan at ipahamak ng kontra-Kristo. Iligtas Nyo po kami sa kasamaang ito at protektahan ang aming pananampalataya upang malaya Kayo naming maparangalan ng buong pag-ibig at pagpupuri magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (43) Pagligtas ng Kaluluwa sa Pagdating ng Babala (The Warning) O Diyos Amang Makapangyarihan, sa ngalan ng Iyong pinakmamahal na Anak, si Hesukristo, at alang-alang din sa Kanyang pagkamatay sa Krus, upang mailigtas kami sa aming mga kasalanan, nagsusumamo po ako ngayon sa Iyo, na iligtas Niyo po ang mga kaluluwang maaring mamatay pagdating ng Babala, samantalang may mga kasalanang mortal pa sila. Tungkol sa pagbayad-puri ng mga pighati ng iyong Mahal na Anak, ako po ay nakikiusap sa Iyo, na pagbigyan muna sila habang hindi pa nila makakayanan mailigtas. Sapagkat po, kung patay na sila, hindi na rin sila maaring humingi ng tawad kay Kristo upang mailigtas sa kanilang mga kasalanang mortal. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (44) Laban sa Bulaang Propeta Hesus ko bigyan Nyo po ako ng lakas upang mapanatili ang mga aral na nagmula sa Iyo at maipahayag ang Iyong Banal na Salita sa lahat ng oras. Huwag Nyo pong hayaan na ako’y matuksong

Page 19: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 19

humanga sa Bulaang Propeta na magtanghal ng kanyang sarili at magpapanggap bilang Diyos at parang siya ay kayo na mismo. Panatilihin Nyo pong matibay ang pag-ibig ko sa Iyo. Bigyan Nyo po ako ng grasya ng karunungan at sapat na pag unawa upang hindi ko kailanman ipagtatwa ang katotohanang taglay ng Bibliya kahit na maraming kasinungalingan ang iharap sa akin upang akitin ako na talikuran ang Iyong Tunay na Salita. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (45) Laban sa Negatibong Kaisipan O Hesus, hindi kita lubusang nakilala. Ngunit nawa’y tulungan Nyo akong buksan ang aking puso upang Kayo ay makapasok sa aking kaluluwa upang taglayin ko ang kagalingan, kaginhawahan, at ang lubos na kapayapaan. Tulungan Nyong madama ko ang kagalakan, at malabanan ang lahat ng mga negatibong kaisipan. At turuan Nyong maunawaan ko kung paano maging kalugod-lugod sa Iyo upang ako’y makapasok sa Iyong Bagong Kaharian kung saan ako’y mamumuhay ng may pag-ibig, kagalakan, at kahanga-hanga, magpakailanman at magpasawalang-hanggan kasama Nyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (46) Kalayaan sa Tanikala ng Kaaway O Hesus, ako po’y naliligaw. Ako’y naguguluhan at pakiramdam ko’y isa akong bilanggong nabihag sa isang masalimuot na lugar kung saan hindi ako makatakas. Nagtitiwala ako Hesus na ako’y tutulungan Nyo at palalayain sa tanikala ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Tulungan Nyo ako sapagkat ako’y naliligaw. Kailangan ko ang Iyong pag-ibig upang lumakas, manalig at magtiwala sa Iyo at mailigtas sa kasamaan, at sa wakas, makamtan ang kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan. Amen.

Page 20: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 20

KRUSADA NG PANALANGIN (47) Ang Pag-ibig kay Hesus O Pinagpalang Ina, Ina ng Kaligtasan ng sanlibutan, Ipanalangin Nyo po na ang pag-ibig ko kay Hesus ay magningas. Pasiklabin Nyo Mahal na Ina ang alab ng pag-ibig ni Hesus upang mababad ang aking buong kaluluwa. Nawa’y mahalin ko si Hesus ng higit pa. Ipanalangin Nyo po ang pananalig, pag-ibig, at debosyon ko sa Kanya ay mas tumibay pa. Sugpuin Nyo anumang pag-aalinlangan na nagpapahirap sa akin upang makita ko ng malinaw ang Mabathalang Liwanag ng katotohanan na namumutawi sa Iyong mahal na Anak, ang tagapagligtas ng sangkatauhan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (48) Sa Muling Pagdating ni Kristo Mahal na Panginoong Hesus, bigyan po Nyo ako ng biyaya’t grasya sa pagpahayag kong lubos ng Iyong mga banal na mensahe sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ibuhos Nyo po ang Espiritu Santo sa aking kaluluwa’t kababaang loob, upang madinig at tanggapin ang iyong mga Mensahe, alang-alang sa mga kaluluwang lubos na nangangailangan ng Iyong Awa. Tulungan Nyo po akong iparangal ang iyong Banal na kalooban sa lahat ng panahon at kailanman hindi dapat akong mag-alispusta o magkondena sa kanino man na ayaw pang tumanggap ng Iyong Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (49) Para sa Kristiyanong Kaparian O Hesus ako’y mapagkumbabang alipin Nyo. Panata ko ang pag-ibig at katapatan sa Iyo. Nagsusumamo akong bigyan Nyo ako ng palatandaan ng Iyong pagtawag sa akin. Tulungan Nyo pong mabuksan ang aking mga mata at masaksihan ko ang

Page 21: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 21

Iyong pangako. Pagkalooban Nyo ako ng pagpapala ng Espiritu Santo upang hindi ako malinlang ng mga nagpapanggap na kasama daw Nyo ngunit puno ng kasinungalingan. Ipakita Nyo po sa akin ang katotohanan. Hayaan Nyong madama ko ang iyong pagmamahal upang matupad ko ang kabanal-banalan Nyong Kalooban. Mapagkumbabang-pusong hinihiling ko na ipakita Nyo sa akin ang daan kung saan ako’y makakapagbahagi sa pagsalba ng mga kaluluwa ng sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (50) Makilala si Hesus O Mahal kong Hesus, tulungan Nyo akong makilala Kayo. Patawarin Nyo ako kung ngayon lamang Kita kinakausap. Tulungan Nyo akong magkaroon ng kapayapaan sa aking buhay at masaksihan ko ang katotohanan ng buhay na walang hanggan. Gawin Nyong mapanatag ang aking puso. Pawiin Nyo po ang aking pagkabalisa. Ipagkaloob Nyo ang kapayapaan sa akin. Buksan Nyo ngayon din ang aking puso upang mapuno ng pag-ibig ang aking kaluluwa. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (51) Para sa Kaloob ng Espiritu Santo Halina, O Diyos Espiritu Santo! Ibuhos Nyo po sa aking kaawa-awang kaluluwa ang iyong mga biyaya para sa aking pagmamahal, karunungan at kaalaman. Punuin Nyo po ako ng liwanag ng katotohanan upang malaman ko ang katotohanan ng Panginoon at maitakwil ko ang mga kasinungalingan ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Tulungan Nyo po ako na mahawakan ko ang Tanglaw ng Pag-uunawa at maipahayag ko ito sa lahat na makakahalubilo ko, sa pamamagitan ni Kristong Panginoon. Amen.

Page 22: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 22

KRUSADA NG PANALANGIN (52) Sa Ating Ama Pinakamamahal kong Ama, sa ngalan ng Iyong mahal na Anak at sa alaala ng Kanyang pagpapakasakit sa Krus, ako’y tumatawag sa Iyo. Kayo po Diyos na Kataas-taasan, Maylikha ng daigdig at lahat na buhay o umiiral, nasa Iyong mga Banal na Kamay ang aming kaligtasan. Yakapin Nyo ang lahat ng mga anak Nyo kahit na hindi nakakakilala sa Iyo, o nakakakilala man ngunit hindi nakatuon sa Iyo. Patawarin Nyo po ang aming mga kasalanan at iligtas Nyo kami sa pagpapahirap ni Satanas at ng kanyang mga kawal.Kunin Nyo at panatilihin kami sa Iyong mga bisig at punuin kami ng pag-asang sapat upang matunghayan namin ang daan patungo sa katotohanan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (53) Para sa Simbahang Katolika O Diyos Ama, sa ngalan ng Iyong Mahal na Anak, nagmamalimos ako ng lakas at biyayang kailangan ng Iyong mga Pari upang matulungan silang maging tapat sa katotohanan ng mga aral ng Iyong Anak si HesuKristo. At nawa’y kailanman hindi sila mag-alinlangan, manghihina, o sumang-ayon sa mga kasinungalingan tungkol sa Banal na Eukaristiya. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (54) Mabawasan ang Pinsala ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig O Ama sa langit, sa ngalan ng iyong mahal na Anak na si Hesu-Kristo na lubos na naghirap dahil sa kasalanan ng sangkatauhan, tulungan Nyo po kami sa masalimuot na panahong hinaharap namin ngayon. Tulungan Nyo na mailigtas kami sa mga pahirap na binabalak ng sakim na mga pinuno ng mga bansa, at mga nais wasakin ang Iyong mga simbahan at mga anak. Nagsusumamo kami Ama naming Mahal na tulungan Nyo

Page 23: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 23

kaming tuloy na mapakain ang aming mga pamilya at iligtas ang buhay ng mga taong mapipilitan lumahok sa digmaan, na salungat sa kanilang kalooban. Pinakamamahal Ka namin Ama. Nagmamakaawa kami na tulungan Nyo kami sa panahon ng kasalatan. Iligtas Nyo kami sa kamay ng Kontra-Kristo. Tulungan Nyong maligtas kami sa kanyang tatak, ang Tatak ng Halimaw, sa pamamagitan ng pagtanggi namin nito. Tulungan Nyo po ang mga nagmamahal sa Iyo upang manatiling tapat sa Iyong Banal na Salita sa lahat ng oras, ng sa ganon ay mapagkalooban Nyo kami ng biyaya upang mailigtas ang aming mga katawan at kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (55) Paghanda sa Babala O Mahal kong Hesus, nawa’y mabuksan Nyo ang puso ng lahat ng Iyong mga anak upang tanggapin ang inyong handog na Dakilang Awa. Tulungan Nyo po silang tanggapin ang iyong Mabathalang Awa sa diwa ng pag-ibig at pasasalamat. Gawin Nyo po silang mapagkumbaba sa Iyong Harapan upang makapagsisi sa kanilang mga kasalanan at sila’y maging bahagi ng Iyong Maluwalhating Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (56) Proteksyon para sa Banal na Eukaristiya O Iniibig naming Ama, sa ngalan ng Iyong mahal na Anak, na nagsakripisyo ng kanyang Sarili sa Krus para sa sangkatauhan, tulungan Nyo akong manatili sa katotohanan. Lukuban Nyo ako ng Mahal na Dugo ng Iyong Anak at bigyan Nyo ako ng grasya sa pagpatuloy ng aking pagsisikap na tapat, mapanalig at marangal, hanggang ako’y pumanaw. Huwag Nyong ipahintulot na ako’y malinlang sa tunay na kahulugan ng Sakripisyo ng Banal na Misa o sa pagpapaliwanag ng Banal na Eukaristiya sa Iyong mga anak. Pagkalooban Nyo ako ng lakas upang

Page 24: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 24

kumatawan para sa Iyo at buhayin ang Iyong kawan sa paraang nararapat sa kanila sa pamamagitan ng Katawan, Dugo, Kaluluwa, at Pagka-Diyos ng Iyong Anak, si Hesukristo, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (57) Marinig ko ang Iyong Pagtawag O Minamahal kong Hesus, buksan Nyo ang aking taynga sa tunog ng Iyong tinig. Buksan Nyo ang aking puso sa Iyong magiliw na pagtawag. Punuin Nyo ang aking kaluluwa ng Espiritu Santo upang makilala ko Kayo O Dios sa oras na ito. Inaalay ko sa Iyo ang mapagkumbabang katapatan ko sa lahat ng utos Nyo sa akin. Tulungan Nyong mabatid ko ang katotohanan, manindigan, tumugon, at sumunod sa Iyong tinig at makatulong sa pagsalba ng mga kaluluwa ng sanlibutan. Ang Kalooban Nyo O Dios ang susundin ko. Bigyan Nyo ako ng magandang kalooban upang taglayin ko ang sanggalang na kailangan para pamunuan ang Iyong simbahan tungo sa Bagong Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (58) Sa Pagbabalik-loob O minamahal na Hesus, ako’y tumatawag sa Iyo nawa’y yakapin Nyo ang lahat ng anak ng Diyos at lukuban sila ng Iyong Mahal na Dugo. Hayaan Nyo na ang bawat patak ng Iyong Dugo ay bumalot sa bawat kaluluwa upang mailigtas sila sa masama. Buksan Nyo ang puso ng lahat lalong-lalo na ang mga suwail na kaluluwa, at ganon din ang mga kaluluwang may kilala sa Iyo ngunit may dungis ng kasalanang mortal. Nawa’y magpakumbaba at magmakaawa sila sa liwanag ng Iyong pag-ibig hanggang mag-umapaw sa kanila. Buksan Nyo ang kanilang mga mata at nawa’y makita ang katotohanan upang magsimulang umulan sa kanila ang Iyong Mabathalang Awa

Page 25: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 25

nang sa ganon ay mabalot sila ng sinag ng Iyong Awa. Buhayin Nyo po ang lahat ng kaluluwa sa pamamagitan ng mga grasyang hinihingi ko ngayon Mahal kong Hesus (sabihin ang pansariling intensyon). Nagsusumamo ako ng Awa at inaalay ko ang handog ng pag ayuno isang beses bawat linggo sa darating na buwan ng Hunyo para sa kapatawaran ng lahat ng kasalanan nila. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (59) Panata ng Katapatan sa Mabathalang Kalooban ng Diyos O Diyos na Kataas taasan, O Amang Makalangit, panata ko ang aking maigting na katapatan na parangalan at sundin Kayo sa lahat ng bagay kaisa ng Iyong Mabathalang Kalooban. Sa pamamagitan ng Banal na Dugo ng Iyong bugtong na Anak, ang Tunay na Mesiyas, inaalay ko ang aking kaisipan, aking katawan, at aking kaluluwa, sa ngalan ng lahat ng kaluluwa, upang kaming lahat ay magkasama bilang isa sa Iyong Makalangit na Kaharian na darating, alang-alang sa Iyong Mabathalang Kalooban na magaganap sa lupa para ng sa langit. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (60) Pagbabalik-loob ng mga Pamilya O minamahal at Katamis-tamisang Hesus, ako’y nagmamakaawa para sa mga kaluluwa ng aking pamilya (sabihin ang mga pangalan). Inaalay ko sa Iyo ang aking mga paghihirap, aking mga pagsubok, at aking mga panalangin upang iligtas ang kanilang mga kaluluwa sa espiritu ng kadiliman. Nawa’y wala ni isa man sa kanila, mga anak Nyo, ang tutuligsa o tatanggi sa Iyong Kamay ng Awa. Buksan Nyo po ang kanilang mga puso upang makaugnay ng Iyong Kamahal-mahalang Puso at humingi ng kapatawarang kailangan upang mailigtas sa apoy ng impyerno. Bigyan Nyo sila ng pagkakataong makipagkasundo, magbalik-loob dulot ng Sinag ng Iyong Mabathalang Awa. Amen.

Page 26: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 26

KRUSADA NG PANALANGIN (61) Pag-iwas sa Kontrol ng Kontra-Kristo O Mahal na Amang Makalangit, sa ala-ala ng pagkapako sa Krus ng Iyong mahal na Anak na si Hesukristo, nagsusumamo ako na protektahan kaming mga anak Nyo, mula sa pagpako at pagpatay ng Iyong mga anak sa kamay ng Kontra-Kristo at kanyang mga galamay. Bigyan Nyo po kami ng grasya sa pagtanggi ng Tanda ng Halimaw. Pagkalooban din Nyo kami ng tulong sa paglaban sa mga kasamaan ng mundo na kinakalat ng tagasunod ni Satanas. Nagsusumamo kami sa Iyo, Mahal na Ama, na protektahan Nyo po ang lahat ng Iyong mga anak sa kasindak-sindak na panahong ito at gawin Nyo kaming ganap na malakas upang manindigan at magpahayag ng Iyong Banal na Salita sa lahat ng oras. Amen KRUSADA NG PANALANGIN (62) Sa mga Ligaw at Napagiwan O Hesus tulungan Nyo ako, isang makasalanan, naligaw, at napagiwan sa kadiliman. Ako’y marupok at walang lakas ng loob na lumalapit sa Iyo. Bigyan Nyo po ako ng lakas loob upang tumawag sa Iyo ngayon din at makalaya sa kadilimang taglay ng aking kaluluwa. Dalhin Nyo ako sa Iyong liwanag Mahal na Hesus, at patawad po, O Dios ko! Tulungan Nyo ako sa pagbuo muli ng sarili ko at mapuno ng Iyong pag-ibig, kapayapaan, at Buhay na Walang Hanggan. Ako’y nananalig ng lubusan sa Iyo at hinihingi kong ako’y angkinin Nyo sa isip, katawan, at kaluluwa, sapagka’t ako’y sumusuko na sa Iyong Mabathalang Awa. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (63) Sa mga Naglalakbay Minamahal kong Ina ng Kaligtasan, hinihiling kong ipanalangin Nyo ako na pagkalooban ng Tinapay ng Buhay upang ako’y

Page 27: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 27

manatili sa paglalakbay na ito ng sa gayon ako’y makatulong sa pagsalba ng lahat ng anak ng Diyos. Nawa’y tulungan Nyo ang mga nalinlang sa pamamagitan ng mga maling idolo at diyos-diyosan, na mabuksan ang kanilang mga mata sa katotohanan ng Pagkamatay ng Iyong Anak sa Krus upang mailigtas ang bawat anak ng Diyos. At pagkalooban Nyo ang bawat isa sa amin ng Buhay na Walang Hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (64) Para sa Mga Kapatid O minamahal kong Tagapag-ligtas, Hesukristo, tanggapin Nyo ang handog kong panalangin at mga sakripisyo upang makatulong sa pagligtas ng aking mga kapatid sa kulungan ng kadiliman na kanilang kinaglalagyan. Tulutan Nyong makatulong ako sa pagsagip sa kanilang mga kaluluwa. Nagmamakaawa ako na sila’y patawarin Nyo sa kanilang mga kasalanan at hinihiling ko na punuin Nyo ang kanilang mga kaluluwa ng Espiritu Santo upang sila’y tumakbo patungo sa Iyong mga bisig bilang kanlungang lubha nilang kailangan, para hindi tuluyang mapahamak. Inaalay ko sa Iyo ang handog kong pagsuko ng sarili para sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng mapagkumbabang paglilingkod at pasasalamat. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (65) Sa Mga May Kasalanang Mortal O Minamahal na Hesus, Manunubos ng Sangkatauhan, sa pamamagitan ng Iyong Mabathalang Awa, nagsusumamo akong kahabagan Nyo ang lahat ng kaawa-awang kaluluwang nagkasalang mortal. Maaari pong mawala sila sa mundo habang nagaganap ang Babala. Patawarin Nyo po ang kanilang mga karumaldumal na kasalanan. At sa ala-ala ng iyong Pagpapakasakit sa Kalbaryo, nagmamakaawa akong ipagkaloob

Page 28: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 28

Nyo ang natatanging pabor na ito bilang kabayaran sa kanilang mga kasalanan. Inaalay ko, O Dios, ang aking sarili sa Iyo, isip, katawan, at kaluluwa, bilang penitensya upang maisalba ang kanilang mga kaluluwa, at maipagkaloob sa kanila ang buhay na walang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (66) Kontra sa Hari ng Kasinungalingan Nagsusumamong hinihiling ko Mahal na Hesus na panatilihin Nyo pong ligtas ang aking mga anak sa Hari ng Kasinungalingan. Itinatalaga ko ang mga batang ito (sabihin ang mga pangalan) sa Iyong Kamahal-mahalang Puso at hinihiling ko sa pamamagitan ng pagdulot ng Iyong Mahal na Dugo, mabigyan Nyo po ng liwanag ang kanilang mga kaluluwa at dalhin Nyo sila ng ligtas sa iyong mapagmahal na mga bisig upang sila’y maprotektahan sa lahat ng kapahamakan. Hinihiling ko rin na buksan Nyo ang kanilang mga puso at pag-apawin ang kanilang mga kaluluwa ng Iyong Espritu Santo habang nagaganap ang Iluminasyon ng Konsiyensya upang sila’y malinisan sa bawat kasalanan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (67) Sa Kaparian: Maging Tapat sa Banal na Salita O Minamahal na Hesus, tulungan Nyo po akong manatiling tapat sa Iyong Kabanal-Banalang Salita sa lahat ng oras. Bigyan Nyo po ako ng lakas upang manindigan sa Katotohanan ng Iyong Simbahan sa harap ng pagdurusa. Punuin Nyo ako ng grasya upang ipagkaloob ko ang mga Banal na Sakramento sa paraang itinuro Nyo sa amin. Tulungan Nyo po akong mabigyan ang Iyong Simbahan ng Tinapay ng Buhay at manatiling tapat sa Iyo kahit pinagbabawalan akong gawin ito. Palayain Nyo ako sa tanikala ng panlilinlang ng Kaaway, upang mapahayag kong tunay ang Salita ng Diyos. Balutin Nyo po lahat ng Sagradong Lingkod Nyo ng Iyong Mahal na Dugo sa mga oras na ito, upang

Page 29: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 29

kami’y manatiling malakas ang loob, tapat, at matiyaga, sa aming ugnayan sa Iyo, Hesukristo, minamahal naming Tagapagligtas. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (68) Proteksyon sa Malisya ni Satanas Ina ng Diyos, Ina ng Kaligtasan, balutin Nyo po ako ng iyong kabanal-banalang balabal at protektahan Nyo ang aking pamilya mula sa malisya ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Tulungan Nyo akong magtiwala sa Mabathalang Awa ng iyong minamahal na Anak, si Hesukristo, sa lahat ng oras. Palakasin Nyo ako sa pagibig sa Kanya at huwag na huwag Nyo akong hayaang malihis sa Katotohanan ng Kanyang Aral gaano man karami ang mga tuksong inilalaan sa akin. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (69) Ang Kalooban ng Aking Ama Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, tinatanggap ko ang Iyong Mabathalang Kalooban. Tulungan Nyo po ang Iyong mga anak at nawa’y ganoon din ang kanilang pagtanggap Saiyo. Pigilan Nyo po si Satanas sa kanyang pagkakait sa karapatan ng Iyong mga anak sa pamana ng kanilang Ama. Huwag na huwag Nyo pong hayaan na isuko namin ang labanan para sa aming mana sa paraiso. Pakinggan niyo po ang aming pagsusumamo na paalisin si Satanas at kanyang mga disgrasyadong anghel. Hinihiling ko sa Iyo Minamahal na Ama na linisin Nyo po ang mundo sa pamamagitan ng Iyong Awa at pagtawag ng Iyong Espiritu Santo. Pamunuan Niyo po kami upang maitatag ang Iyong Banal na Hukbo, puspos na may kapangyarihan upang patalsikin ang halimaw magpakailanman. Amen.

Page 30: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 30

KRUSADA NG PANALANGIN (70) Panalangin para sa Kaparian O Minamahal na Hesus, tulungan Nyo po ang mga sagradong lingkod Nyo na mabatid ang pagkakawatak-watak ng Iyong Simbahang Katolika kapag nagumpisa na. Tulungan Nyo po ang mga sagradong lingkod Nyo na manatiling matatag at tapat sa Iyong Banal na Salita. Huwag na huwag Nyo pong hayaan na ang mga makamundong ambisyon nila ay magdulot ng pagkalabo sa kadalisayan ng pag-ibig nila sa Iyo. Pagkalooban Nyo po sila ng grasya na manatiling malinis at mapagpakumbaba sa Harap Nyo at maparangalan ang Iyong Kabanal-Banalang Presensya sa Eukaristiya. Tulungan Nyo po at gabayan ang lahat ng mga sagradong lingkod Nyo upang hindi lumamig ang kanilang pag-ibig sa Iyo. Muli Nyo pong pasiklabin ang apoy ng Espritu Santo sa kanilang mga kaluluwa. Tulungan Nyo po na mabatid nila kaagad ang tukso ng halimaw kapag sila’y gambalain. Buksan Nyo po ang kanilang mga mata upang makita ang Katotohanan sa lahat ng oras. Pagpalain Nyo po sila mahal na Hesus sa oras na ito at balutin sila ng Iyong Mahal na Dugo upang manatili silang ligtas sa kapahamakan. Bigyan Nyo po sila ng lakas upang labanan ang pang-aakit ni Satanas, kung sakaling sila’y akitin na tanggapin uli ang kasamaan ng buhay na makasalanan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (71) Lunas sa Paniniil ng Kontra-Kristo O Hesus nawa’y iligtas Nyo kaming mga anak Nyo sa kamay ng Kontra-Kristo. Iligtas Nyo kami sa mga plano ng halimaw sa paniniil ng buong mundo. Panginoon, iligtas Nyo kami. Protektahan din Nyo po ang mga marupok na kaluluwa upang maaaring matubos sila sa mata Nyo. Alalayan Nyo po ang aming kahinaan. Palakasin Nyo ang aming mga espiritu upang bumangon at bawat isa’y manguna sa paglusob ng Iyong Hukbo

Page 31: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 31

hanggang sa mga Pinto ng Paraiso. Kailangan Kitang lubos O Hesus. Mahal Kita, O Hesus. Ipinagbubunyi Kita sa mundo at itinatakwil ko ang kadiliman. Sinasamba kita at naisuko na ang sarili kong katawan at espiritu sa Iyo upang makamtan ko ang Katotohanan ng Iyong Kadakilaan at aking buong tiwala sa Iyong Awa sa lahat ng panahon. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (72) Panalangin ng Disipulo Mahal kong Hesus ako’y nakahandang magpalaganap ng Iyong Banal na Salita. Pagkalooban Nyo po ako ng karunungan upang maisiwalat ang Katotohanan, at nawa’y maraming kaluluwa ang bumalik sa Iyo. Kunin Nyo ako, O Sagradong Puso, at takpan Nyo ako ng Iyong Pinakamahalagang Dugo, upang ako’y mapuno ng grasyang sapat sa pagbabalik loob at kaligtasan ng lahat ng mga anak Nyo, sa buong mundo kahit na anumang dating paniniwala nila. O Dios ako’y lubos na nagtitiwala sa Iyo, bilang Iyong mahal na disipulo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (73) Para sa mga Kabataan O Hesus, tulungan Nyo po ako na iligtas ang mga kaluluwa ng mga kabataan sa buong mundo. Sa pamamagitan ng Iyong grasya tulungan Nyo po sila na makita ang katotohanan ng Iyong Pagkatao’t Pagka-Diyos. Dalhin Nyo po sila sa Iyong Kamahal-mahalang Puso at buksan ang kanilang mga mata sa Iyong Pag-ibig at Awa. Iligtas Nyo po sila sa apoy ng impyerno sa pamamagitan ng aking mga panalangin at kaawaan Nyo po ang kanilang mga kaluluwa. Amen.

Page 32: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 32

KRUSADA NG PANALANGIN (74) Sa Pang-unawa O Ina ng Diyos, tulungan Nyo ako na ihanda ko ang aking kaluluwa para sa Iyong darating na handog, ang Iyong Espiritu Santo. Kunin Nyo po ang aking kamay na parang musmos, at akayin patungo sa landas patungo sa Kaloob na Pangunawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Buksan Nyo ang aking puso at turuang isuko ang aking katawan, kaisipan, at kaluluwa. Tanggalin Nyo po sa akin ang kahambugan at ipanalangin na ako’y mapatawad sa lahat ng aking nagawang kasalanan upang ang kaluluwa ko’y maging malinis at ako’y maging ganap at karapat-dapat tumanggap ng Espiritu Santo. Pinasasalamatan kita Ina ng Kaligtasan sa iyong pamamagitan at hinihintay ko habang puno ng pag-ibig at kagalakan ang aking puso, ang napakahalagang handog na ito. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (75) Handog Kong Pagdurusa O Hesus, itinatalaga ko ang aking mga pagdurusa at pasakit sa dinanas Mong matinding paghihirap sa Kalbaryo. Sa bawat insulto na tinitiis ko, aking inaalay sa Iyo. Sa bawat pang-aabuso at salitang mapanghusga na dinaranas ko, aking inaalay bilang parangal sa pagsuklob sa Iyo ng Koronang Tinik. Sa bawat hindi makatarungang panlalait sa akin, inaalay ko bilang parangal sa paghamak sa Iyo sa harapan ni Pilato. Sa bawat pananakit sa aking katawan na tinitiis ko sa kamay ng sinuman, aking inaalay bilang parangal sa paghampas sa Iyo habang nakagapos sa haliging bato. Sa bawat pang-aalipustang tinitiis ko, inaalay ko bilang parangal sa kalunos-lunos na pisikal na paghihirap na naranasan Nyo dahil sa koronang tinik na tumusok sa Iyong Mata. Sa bawat pagtulad ko sa Iyo, o pagpahayag ng Iyong mga Aral, at tuwing pagkutya sa akin alang-alang sa Ngalan Nyo, tulutan Nyo akong sumama sa Iyo sa landas patungong

Page 33: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 33

Kalbaryo. Tulungan Nyo rin ako sa pagalis ng aking kayabangan. At kailanman huwag akong matakot aminin na ako’y umiibig sa Iyo mahal na Hesus. At kung tila baga wala ng pag-asa sa buhay ko, Mahal na Hesus, tulungan Nyo po akong maging matapang sa pamamagitan ng pagalaala ng Iyong buong-pusong pagtanggap ng pagpapakasakit sa Krus sa napakalupit at walang habag na paraan. Tulungan Nyo din po akong manindigan at mabilang sa mga totoong Kristiyano, isang tunay na sundalo sa Iyong hukbo, mapagpakumbaba at nagsisisi ng buong puso, bilang alaala sa Sakripisyo na Iyong ginawa para sa akin. Hawakan Nyo ang aking kamay mahal na Hesus at ipakita sa akin kung paano ang aking sariling pagdurusa ay maaaring makahikayat sa iba na makiisa sa iyong hukbo kasama ng mga kaluluwang nagkakasundo sa pag-ibig sa Iyo. Tulungan Nyo akong tumanggap ng paghihirap at ialay ito sa Iyo bilang handog para sa kaligtasan ng mga kaluluwa sa huling pakikipaglaban sa kalupitan ng masamang kaaway. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (76) Sa Hindi Naniniwala sa Diyos O Hesus tulungan Nyo ako na tanggapin ang pag-ibig ng Diyos at kung paanong ipinapakita ito sa akin. Buksan Nyo ang aking mga mata, aking isip, aking puso at aking kaluluwa upang ako’y mailigtas. Tulungan Nyo akong maniwala sa pamamagitan ng pagpuno sa aking puso ng Iyong pag-ibig. Pagkatapos, nawa’y hawakan Nyo ako at iligtas ako sa pagdurusa dulot ng pag-aalinlangan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (77) Para sa Britanya O Kataas-taasang Ama sa langit, Diyos na Maylikha ng tao, nawa’y pakinggan Nyo ang aking panalangin. Ako’y nagsusumamo na iligtas Nyo ang Britanya mula sa mga

Page 34: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 34

mahigpit na kapit ng kasamaan at diktadura. Hinihiling ko na pagkaisahin Nyo kaming lahat, anumang relihiyon, pananampalataya, at kulay ng mga balat namin, lamang kami mabilang isang pamilya sa Iyong mga mata. Pagkalooban Nyo kami ng lakas upang magkaisa sa pagsuway sa anumang batas na salungat sa Iyong mga Aral. Bigyan Nyo kami ng lakas at tapang upang kailanman ay hindi Kayo namin tatalikdan at sa halip makatulong sa pagligtas ng lahat ng Iyong mga anak sa pamamagitan ng aming mga panalangin. Pagkaisahin Nyo po ang lahat ng aming mga kapatid upang sama-sama naming parangalan ang Iyong pangako na kami’y Iyong dadalhin sa buhay na walang hanggan at makapasok sa Iyong Paraiso. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (78) Iligtas Nyo Ako sa Kasamaan O Hesus protektahan Nyo po ako mula sa kapangyarihan ni Satanas. Dalhin Nyo po ako sa Iyong puso habang binibitiwan ko aking kapit sa kanya at sa mga masasamang gawain. Isinusuko ko sa Iyo ang aking kalooban at lumuluhod sa harapan Nyo ng may kababaang loob at pusong tapat. Ipinapaubaya ko ang aking buhay sa Iyong Mapagpalang Bisig. Iligtas Nyo ako sa kasamaan. Palayain at dalhin Nyo ako sa Iyong ligtas na silungan ng proteksyon ngayon at magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (79) Sa 2 Bilyong Nanganganib na Kaluluwa O Mahal na Hesus, ako’y nagsusumamo na ibuhos Nyo ang Iyong Awa sa mga nanganganib na kaluluwa. Patawarin Nyo po ang pagtakwil nila sa Iyo at gamitin Nyo ang aking panalangin at paghihirap na magbayad puri sa pamamagitan ng Iyong Awa. At ibuhos po Ninyo sa kanila ang grasya na kailangan upang maging banal ang kanilang mga kaluluwa. Humihingi ako sa Iyo ng handog ng kaluwagan (clemency) para sa kanilang mga

Page 35: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 35

kaluluwa. Hinihiling ko na buksan Nyo ang kanilang mga puso upang sila’y lumapit sa Iyo at hilingin ang Iyong Espiritu Santo upang matanggap nila ang katotohanan ng Iyong Pag-ibig at mabuhay sila kasama Nyo at ng Pamilya ng Diyos magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (80) Sa mga Kaluluwang Pumapatay O Mahal na Hesus, ako’y nagsusumamo na kaawaan Nyo ang mga pumapatay ng tao. Ako’y nagmamalimos ng kaluwagan para sa mga may kasalanang mortal sa patayan. Inaalay ko ang aking pagpapakasakit at paghihirap sa Iyo, upang Iyong buksan ang Iyong puso at patawarin sila sa kanilang mga karumal dumal na kasalanan. Hinihiling kong lukuban Nyo ng Iyong Mahal na Dugo ang mga kaluluwang may masamang layunin upang sila ay mahugasan at maging malinis mula sa kanilang labis na kawalang-katarungan. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (81) Sa Banal na Komunyon O Makalangit na Ostiya, punuin Nyo ang aking katawan ng kalakasang sapat. Punuin Nyo rin ang aking kaluluwa ng pagkamalay-tao ng Presensya ni Hesukristo. Bigyan Nyo ako ng mga biyayang kailangan sa pagtupad ko ng Banal na Kalooban ng Diyos. Punuin Nyo ako ng kapayapaan at katiwasayan na nagmumula sa Iyong Banal na Presensya. Nawa’y tulutan Nyong hindi ako mag-alinlangan sa Iyong Presensya. Tulungan Nyong tanggapin Kita sa aking katawan at kaluluwa, sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya. At nawa’y ang mga Grasyang ipinagkakaloob Nyo sa akin ay makatulong sa pagpahayag ko ng Kaluwalhatian Nyo O Panginoong Hesukristo. Linisin Nyo po ang aking puso. Buksan Nyo ang aking kaluluwa at gawin akong banal tuwing tinatanggap ko ang dakilang handog Nyo sa Banal

Page 36: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 36

na Eukaristiya. Ipagkaloob Nyo po sa akin ang mga grasya at mga pabor na pinamimigay sa lahat na anak ng Diyos. Bigyan din Nyo ako ng ganap na kaligtasan sa apoy ng purgatoryo. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (82) Sa Tagumpay ng Natitirang Simbahang Katolika O Hesus, Hari at Tagapagligtas ng sanlibutan, sinusumpa namin ang parangal, katapatan at mga gawain na para sa Iyo lamang upang ipahayag ang Iyong Kaluwalhatian sa lahat. Tulungan Nyong makamtan namin ang kalakasan, at katapangan, upang manindigan at ipahayag ang Katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Nawa’y huwag Nyo pong hayaan na kami’y magkamali o maantala sa aming pagsulong tungo sa tagumpay, at sa aming hangaring mailigtas ang Iyong mga kaluluwa. Panata namin ang pagsuko ng aming puso’t lahat na pagaari, ng sa ganon ay walang anumang maging hadlang habang kami’y patuloy sa matinik na landas tungo sa pinto ng Bagong Paraiso. Iniibig kita, pinakamamahal na Hesus, aming mahal na Tagapagligtas at Manunubos. Nais namin makipagisa ang aming mga katawan, kaisipan, at kaluluwa sa Iyong Kamahal-mahalang Puso. Ibuhos Nyo sa amin ang Iyong Grasya ng Proteksyon. Lukuban Nyo kami ng Iyong Mahal na Dugo, upang kami ay mapuno ng lakas at pag-ibig at kami’y manindigan at ipahayag ang Katotohanan ng Iyong Bagong Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (83) Pagpapagaan ng Parusa O Mahal na Ama, Panginoong kataastaasan, kami po ang iyong kaawa-awang mga anak, nagsusumamo sa harap ng iyong kaluwalhatiang trono sa langit. O Diyos, tanggalin Nyo po ang kasamaan sa mundo! Maawa po kayo sa mga kaluluwa kahit na sila ang kadahilanan ng mahigpit na pagdurusa ng iyong mga anak dito sa mundo. Patawarin ninyo po sila, at itakwil Nyo po kaagad ang kontra-Kristo pag nalaman kung sino ito. Kung maari po lamang Panginoong Ama, bawasan Nyo po ang bigat

Page 37: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 37

ng mga parusa sa sangkatauhan. At sa halip, tanggapin Nyo po ang aming mga dalangin at kusang loob na sariling pagdurusa, upang mapagaan ang kahirapan ng aming mga kapatid na anak din po ninyo, ngayon din. Dinarangal at pinasasalamatan po namin kayo sa idinulot Nyo na Dakilang Sakripisyo noong sinugo ninyo ang iyong bugtong na anak, si Hesukristo, upang iligtas kami sa aming mga kasalanan. Malugod na binabati namin uli ang iyong Bugtong na Anak, bilang Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Kupkupin Nyo po kami at ilayo sa kapahamakan ang aming mga pamilya’t kamag-anak. At maawa po kayo sa amin. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (84) Sa Piling Taong Namumuno sa Mundo. O Hesus naming mahal, bigyan Nyo po kami ng liwanag para sa mga kaluluwa ng mga Piling Tao na namumuno sa mundo. Patunayan Nyo sa kanila ang Iyong Awa. Tulutan Nyo na ang kanilang mga puso ay mabuksan at magpakita ng kababaang-loob, alang-alang sa karangalan ng Iyong dakilang Sakripisyo’t pagkamatay sa Krus para sa kanilang mga kasalanan. Tulungan Nyong malaman nila na Kayo ang Maylikha sa kanila, at kayo ang Diyos na Maykapal. Punuin din Nyo sila ng grasya upang makita ang katotohanan. Nakikiusap kami na pigilan Nyo ang kanilang layunin na saktan ang milyon-milyong tao sa pamamagitan ng bakunang gamot, kasalatan ng pagkain, pwersahang pag-ampon sa mga inosenteng bata, at pagkakawatak-watak ng mga pamilya. Lukuban Nyo sila ng Iyong Liwanag at dalhin sa kailaliman ng Iyong Puso upang mailigtas sila mula sa bitag ng Halimaw. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (85) Para sa U.S.A. O mahal na Hesus, takluban Nyo po ang Amerika ng Iyong pinakamahalagang proteksyon. Patawarin Nyo ang kanilang mga paglabag sa mga Utos ng Diyos. Tulungan Nyo ang sambayanang Amerikano na makapagbalik loob sa Diyos. Buksan Nyo ang kanilang

Page 38: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 38

mga isip sa makatotoong Landas ng Panginoon. Palambutin Nyo po ang kanilang nanigas nang mga puso, upang matanggap nila ang Iyong Awa. Nagsususmamo kami O Hesus na iligtas at ipag-iwas ang Estados Unidos sa lahat ng pinsala’t yakapin din Nyo po sila sa pamamagitan ng Iyong Sagrado Corazon. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (86) Sa Pag-aalinlangan O Hesus, ako po’y litong-lito, nag-aalinlangan at bigong-bigo, sapagkat ako’y nababahala tungkol sa katotohanang isinisiwalat Nyo mula sa Iyong mga Mensahe. Patawarin Nyo po ako kung ako’y nagkasala. Patawad din po noong hindi ko Kayo pinakinggan. At ngayon buksan Nyo ang aking mga mata upang makita ko ang dapat kong maunawaan. Nagsusumamo ako na bigyan Nyo ako ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang madama ko ang katotohanan. Mahal Kita O Hesus at nawa’y iligtas Nyo ako sa pasakit ng aking pag-aalinlangan. Tulungan Nyo akong sumunod sa Iyong tawag. Patawarin Nyo ako kung ako’y nagkasala sa Inyo. At sana po ilapit Nyo ako ng lubos sa Iyong puso. Patnubayan Nyo ako sa Iyong Bagong Kaharian at pagpalain upang makatulong ako sa pagliligtas ng mga kaluluwang napakamahalaga sa Iyong Sagrado Corazon, sa pamamagitan ng aking sariling mga dasalin at pagpapakasakit. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (87) Iadya sa Masama ang Pilipinas O Panginoong Ama, sa ngalan ng Iyong Anak, iligtas Nyo po kami sa Komunismo, at sa diktatorya. Iadya Nyo ang aming bansa sa Paganismo at iligtas ang aming mga anak sa kapahamakan. Tulungan Nyo kaming mamulat sa Liwanag ng Diyos. Buksan ang aming mga puso sa mga aral ng Iyong Bugtong na Anak. Nawa’y matulungan ang lahat ng Simbahan na manatiling tapat sa Salita ng Diyos. Nagsususmamo kami na manatiling ligtas ang aming bansa sa paniniil. Pinakamamahal na Panginoon, maawa po Kayo sa amin kahit na anumang pagkakasala namin sa Iyo. O Hesus, Anak ng Tao, takluban Nyo kami ng Iyong Pinakamahalagang Dugo at iligtas kami sa silo ng Halimaw. Pakiusap O Mahal na Diyos, mamagitan po kayo at sugpuin ang kasamaan bago umapaw sa buong mundo. Amen.

Page 39: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 39

KRUSADA NG PANALANGIN (88)

Pagkatapos ng Babala O Sagrado Corazon ni Hesus, maawa po kayo sa aming mga abang makasalanan. Bigyan po ng liwanag ang aming mga pusong bato, na uhaw na uhaw sa kawalan ng gabay. Patawarin Nyo po ang aming mga kasama at tulungan kami, sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig at awa, na lumambot ang aming mga puso upang yakapin ang Iyong dakilang Handog sa kaligtasan. Nagsusumamo ako Diyos ko, na patawarin Nyo ang lahat na kaluluwang tumakwil sa katotohanan ng Diyos. Takpan Nyo po sila ng iyong Ilaw, o Hesus, at sa gayon ay mabulag sila sa mga kasamaan at silo ng demonyong susubok na ilayo sila sa Iyo hanggang sa wakas. Nagmamalimos po ako na bigyan lahat kaming anak Nyo ng kalakasang magpasalamat sa Iyong Dakilang Awa. Buksan Nyo rin ang pinto ng Iyong kaharian para sa aming lahat na kaluluwang naligaw at gumagalagala na lamang sa kuko ng kawalang tulong at pag-asa. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (89) Para sa Kahabaghabag na Makasalanan Mahal na Hesus, tulungan Nyo po ako, isang kahabaghabag na makasalanan, na makalapit sa Iyo na puno ng mataos na pagsisisi. Linisan Nyo po ako sa baho ng aking mga kasalanang nagwasak ng aking buhay. Bigyan Nyo ako ng handog na bagong buhay na walang tanikala o hadlang dulot ng kasalanan. Baguhin Nyo po ako sa Ilaw ng Iyong Awa. Yakapin Nyo ako sa Iyong puso upang madama ko ang Iyong Pag-ibig at mapalapit ako sa Iyo’t sumiklab ang aking pag-ibig sa Iyo. Maawa po kayo sa akin, O Hesus at iadya Nyo ako sa kasalanan. Gawin Nyo akong marapat na makapasok sa Iyong Bagong Paraiso. KRUSADA NG PANALANGIN (90) Pasalamat sa Luwalhati ng Pangalawang Pagdating O Hesus, inaalay ko sa Iyo ang aking papuri’t pasalamat para sa Iyong pinakamaluwalhating Pangalawang Pagdating. Kayo po ay aking Tagapagligtas na sinilang upang mabigyan ako ng buhay na walang hanggan. Ilayo Nyo po ako sa kasalanan. Inihahandog ko po sa Iyo ang

Page 40: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 40

aking pagmamahal, pasalamat at pagsamba habang inihahanda ko ang aking kaluluwa sa Iyong Dakilang Pagdating. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (91) Ipatatag ang aking Pananampalataya O Pinagpalang Ina ng Kaligtasan, kupkupin Nyo ako sa oras ng aking pangangailangan, habang sinusugod ako ng kasamaan. Tulungan Nyo ako na ipagtanggol ko ang Salita ng Diyos na may lakas at katapatan at walang takot sa aking kaluluwa. Ipagdasal Nyo po na manatili akong tapat sa mga Aral ni Kristo at lubos na maisuko ang lahat ng aking pangamba, pag-aalala’t kalungkutan. Tulungan Nyo po ako na walang takot na lumakad sa mapanglaw na daang ito, upang ihayag ang katotohanan ng Banal na Salita ng Diyos, kahit na ang mga paniniil ng kaaway ay halos di ko na makayanan. O Pinagpalang Ina, hinihintay ko sa Iyong pamamagitan, na ang pananampalataya ng mga Kristiyano ay manatiling tapat habang na sa ilalim kami ng paniniil ng kaaway. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (92) Biyaya ng Pagsisikap O Hesus, Hinihiling ko po ang Iyong handog ng pagsisikap. Nagmamalimos po ako sa Inyo na ipagkaloob sa akin ang biyaya na aking kailangan upang maitaguyod ko ang iyong Banal na Salita. Hinihiling ko na palayain Ninyo ako sa mga nagkalat na pag-aalinlangan. Hinihiling ko sa Iyo na punuin mo ang aking kaluluwa ng kagandahang-loob, pasensya at pagsisikap. Tulungan mo akong manatiling karapatdapat sa tuwing ako’y dinudusta sa Iyong Banal na Pangalan. Palakasin Nyo ako at balutan ng iyong biyaya upang magpatuloy kahit na ako’y napapagod, nauubusan ng lakas at humaharap sa lahat ng hirap kahit pagod na pagod na, lamang matulungan Kayo sa pagsagip ng sangkatauhan. Amen.

Page 41: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 41

KRUSADA NG PANALANGIN (93) Luha ng Pagbabalik-loob O Pinakamamahal kong Hesus, Ikaw ay malapit sa aking puso. Ako ay kaisa Mo. Iniibig Kita. Mahal Ka sa akin. Ipadama Nyo din sa akin ang Iyong pagmamahal at kahit Iyong paghihirap. Ipadama Nyo sa akin ang Iyong presensya. Pagkalooban mo ako ng biyaya ng pagpapakumbaba upang ako’y maging karapatdapat sa Iyong Kaharian dito sa lupa para nang sa langit. Pagkalooban mo ako ng Luha ng Pagbabalik-loob nang sa ganoon ay aking tunay na maialay ang aking sarili sa Iyo bilang isang tunay na alagad na tumutulong sa Iyong misyon na sagipin ang bawat kaluluwa dito sa lupa. At lahat ito’y bago Kayo muling darating upang hatulan ang mga buhay at mga patay. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (94) Pagalingin ang Isip, Katawan at Kaluluwa O Hesus, inilalagay ko ang aking sarili sa Iyong harapan, kahit pagod, may sakit, nasasaktan at nananabik na marinig ang Iyong tinig. Ipahintulot Nyo pong hipuin ako ng Iyong Banal na presensya upang ako’y punuin ng Iyong Banal na Liwanag sa aking isip, katawan at kaluluwa. Nananalig ako sa Iyong Awa. Isinusuko kong buo ang aking sakit at paghihirap sa harapan Nyo at nawa’y bigyan mo ako ng biyaya sa pagtitiwala sa Iyo, upang ako’y mapagaling sa aking sakit at kadiliman. At nang sa gayon ako’y mabuo muli sa aking pagkatao upang sundan ang landas ng katotohanan at makarating sa Bagong Paraiso.

KRUSADA NG PANALANGIN (95) Upang makatulong sa paghahanap ng oras sa pagdadasal. O Mahal na Ina ng Kaligtasan, gabayan n’yo po ako upang makalaan ng panahon sa pagdarasal. Tulungan n’yo po akong maibigay kay Kristo na Anak Nyo, ang oras na kanyang minimithi, oras na talagang dapat ilaan sa kanya upang maipakita ko kung gaano ko Siya kamahal. Nananalangin po ako Pinagpalang Ina ng Kaligtasan, hingin n’yo po sa inyong mahal na anak na h’wag pong ipagkait sa akin ang mga grasya at kahilingan upang maging karapatdapat na mayakap n’ya ako sa kaibuturan ng kanyang kabanalbanalang puso. Amen.

Page 42: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 42

KRUSADA NG PANALANGIN (96) Upang pagpalain ang ating Crusade Prayer Group O aking mahal na Hesus, pagpalain at bantayan N’yo po kami, ang Iyong hukbo (Crusade Prayer Group), upang maging matagumpay sa mga masamang gawain ng Diyablo at sa iba pang mga masasamang espiritu na maaring humadlang sa Kabanalbanalang Misyong pagligtas ng mga kaluluwa. Nawa’y manatili kaming tapat, malakas ang loob sa pagpatuloy at pagpananatili ng Iyong Kabanalbanalang Ngalan sa buong mundo. At h’wag sana kaming huminto sa pagsulong at pagsisiwalat ng Katotohanan ng Iyong Mabuting Balita. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (97) Magkaisa ang mga Grupong Krusada ng Panalangin. O Mahal na Ina ng Kaligtasan, nagsusumamo ako sa Iyo na pagkaisahin, sa pamamagitan ng mga panalangin, lahat ng kalatkalat na hukbo ng Diyos sa buong mundo. Balutin Nyo ang lahat ng Grupong Krusada ng Panalangin, sa makapal na Biyaya ng Kaligtasan, at ibuhos sa amin sa pamamagitan ng Awa ng Iyong Anak na si Hesukristo. Isugo Nyo po ang Iyong mga anghel upang balutan ng grasya ang bawat isa sa amin, lalong lalo na ang mga kapariang namumuno sa mga Grupong Krusada ng Panalangin. Tulungan Nyo kaming umiwas sa gambalang nagdudulot ng pagkakawatakwatak namin at protektahan kami ng Iyong biyayang bakal upang kami ay hindi tablan ng mga kaaway, na dapat tiisin dahil sa aming pagmamahal kay Hesuristo, alang-alang sa kanyang Banal na Misyong pagsagip ng mga kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (98) Biyaya ng Diyos para mga Pinuno ng mga Bansa O pinagpalang Ina ng Kaligtasan, hingin po Ninyo sa Inyong Anak na si Hesus na ibuhos ang Kanyang Biyaya at Pagmamahal sa mga pinuno ng mga bansa. Sa pamamagitan ng Liwanag ng Diyos, nawa’y itong mga namumuno sa bansa ay mabigyang lunas ang kanilang pagbubulag-bulagan at mabuksan ang kanilang mga pusong bato, at

Page 43: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 43

tigilan na ang kanilang pang-aabuso sa mga inosenteng tao. Nagsusumamo at nananalangin kami na sila ay gabayan ng inyong Anak na si Hesus, at huwag silang hayaan humadlang sa Katotohonan ng Banal na Salita sa buong mundo. Amen. KRUSADA NG PANALANGIN (99) Para sa Australia at New Zealand O Diyos Amang Makapangyarihan, sa ngalan ng Iyong Mahal na Anak si Hesukristo, maawa po Kayo sa lahat ng anak Nyo sa Australia’t New Zealand. Patawarin Nyo kaming mga tigaroon, sa pagtakwil namin ng Iyong Banal na Salita. Patawad rin sa aming pagkawalang bahala. Alisin Nyo po ang aming maka-paganong kultura’t sukluban Nyo kami ng mga grasyang pagasa, pananampalataya’t pagmamahal, na mamumulaklak sa puso ng aming mga kapatid. Nagsusumamo kaming mabigyan Nyo ng Handog sa Pag-unawa at mga Biyaya para sa aming lahat upang maging tiyak, na ang Katotohanan lamang ng Iyong Banal na Salita ang maari namin marinig at lahat ng kaluluwa namin ay pagpalain ng mga susi sa buhay na walang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (100) Sa Kaligtasan Mismo ng Kristyanismo O Mahal na Hesus, nagsusumamo po kami na mabigyan ng kakayahan upang maligtas sa mga pasakit na hinaharap namin ngayon, habang ang huling Tunay na Papa ng Simbahan ay tinatapos ang kanyang Misyon. Tulungan Nyo kaming magampanan ang matinding pangaabusong haharapin namin ngayon dahil sa pagkabagsak ng Simbahan sa kanyang dating katayuan. H’wag Nyo pong hayaan kaming tumalikwas sa Katotohanan ng Iyong Dakilang Salita. Tulungan Nyo kaming tumahimik na lamang kapag ang mga sunggab sa aming mga balikat, ay pangaakit lamang sa pagtraydor Saiyo at sa mga Sakramentong inihandog Nyo sa mundo. Takpan Nyo ang Iyong Hukbo sa pamamagitan ng Iyong makapangyarihang

Page 44: KRUSADA NG PANALANGIN (1) Handog Kay Hesus sa …site.catholicxybr.com/clients/catholicxybr/Downloads/KRUSADA_NG... · Nyo po ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at

Page 44

pagmamahal na kailangan din namin bilang panangga sa Bulaang Propeta at sa Kontra-Kristo. Alalayan Nyo po ang Iyong Simbahan na lumaganap at dumami, upang maging tapat sa Katotohanan at tumulong sa aming mga kapatid sa Daan ng Katotohanan at sapat na maihanda ang aming sarili para sa Iyong Pangalawang Pagbalik. Amen.