28

KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap
Page 2: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap
Page 3: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

KNOWING GODPananalangin at Pag-aayuno sa Kalagitnaan ng 2017

Hulyo 4-6, 2017

MGA NILALAMAN

Isang Praktikal na Gabay sa Pananalangin at Pag-aayuno ........... 1

Talaan .......................................................................................................... 3

Mga Magagandang Nangyari at mga

Nasagot na Panalangin Ngayong 2017 .............................................. 4

Nais Makamtan sa Pananampalataya para sa Taong 2017 ........... 5

Day 0: Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Pagsubok ..................... 6

Day 1: Pagkilala sa Diyos sa Pamamagitan ng mga

Magkakaibang Hamon .............................................................. 9

Day 2: Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Kagipitan .................. 14

Day 3: Ang Pagkilala sa Diyos at ang Pagkilala Niya .................. 18

Page 4: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap
Page 5: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

Isang Praktikal na Gabay sa Pananalangin at Pag-aayuno

6“Ang ayunong makapagpapalugod sa akin ay ang ayunong may kasamang

matuwid na pag-uugali. Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan, pairalin

na ninyo ang katarungan, palayain ninyo ang mga inaalipin at ang inaapi ay

inyong tulungan. 7Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, patirahin

ninyo sa inyong tahanan ang mga walang tahanan, bigyan ninyo ng damit ang

mga walang damit, at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak. 8Kapag ginawa

ninyo ito, darating sa inyo ang kaligtasan na parang bukang-liwayway, at

pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Diyos na matuwid ang mangunguna

sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. 9At

kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayo’y aking sasagutin. . . .”I S A I A S 5 8 : 6 - 9

PAGHAHANDA PARA SA PAG-AAYUNO

Pagkatapos, sinabi ni Josue sa mga tao, “Linisin ninyo ang inyong sarili dahil

bukas ipapakita sa inyo ng Panginoon ang mga kamangha-manghang bagay.” J O S U E 3 : 5

Manalangin — Maglaan ng oras sa pagbabasa ng Bibliya bago ang pag-aayuno.

Hingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka sa iyong mga panalangin. Sa mga

susunod na pahina, isulat ang mga magagandang nangyari at mga nasagot na

panalangin para sa 2017, at kung ano pa ang mga ipinapanalangin mo para sa

taong ito.

Magpasya — Ipanalangin ang uri ng pag-aayuno na gagawin mo at

magpasyang gagawin ito bago pa man magsimula ang pag-aayuno. Huwag

gawin ang desisyon sa bawat araw ng nakatakdang pag-aayuno. Hingin sa

Diyos ang kakahayang gawin ito.

Magsagawa — Dahan-dahang bawasan ang pagkain ilang araw bago ang

simula ng pag-aayuno. Iwasan ang pagkain ng matatamis at mamantika.

Hangga’t maaari, iwasan ang nakakapagod na gawain at maging ang

pakikisalamuha sa mga tao sa linggo ng pag-aayuno. Humanap ng makakasama

mo sa pananalangin sa panahon ng pag-aayuno.

Page 6: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

2 Knowing God

PAALALA: Kumunsulta sa doktor, lalo na kung ikaw ay buntis, nagbibigay

ng gatas sa sanggol, o kaya ay umiinom ng gamot. Kung hindi ka maaaring

ganap na mag-ayuno, itala kung ano ang pinakamainam para sa iyo.

HABANG NAG-AAYUNO

Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain

nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Diyos.’”M AT E O 4 : 4

Magtuon ng pansin — Maglaan ng oras upang sagutan ang debosyonal na

ito. Maging handang tumugon sa Salita ng Diyos at sa sasabihin ng Banal

na Espiritu.

Manalangin — Makibahagi kahit sa isang sama-samang pananalangin sa

iyong iglesya. Manalangin para sa iyong pamilya, iglesya, pastor, bayan, mga

paaralan, at mga misyon sa buong linggo.

Magpalakas — Sa tuwing oras ng pagkain, magbasa ng Bibliya at manalangin.

Uminom ng maraming tubig at magpahinga tuwing may oras. Maging

handa sa pasumpong-sumpong na panghihina, kawalan ng pasensya, at

pagiging mainisin.

PAGHINTO SA PAG-AAYUNO

“At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayo’y

aking sasagutin. . . .”I S A I A S 5 8 : 9

Kumain – Dahan-dahanin ang muling pagkain ng karaniwan mong kinakain.

Kailangan ng katawan ng panahon upang muling matanggap ang dating

dami at uri ng iyong pagkain. Simulan sa prutas, mga inumin, at salad, at saka

damihan ang gulay. Kumain ng maliliit na bahagi lamang sa buong maghapon.

Manalangin – Huwag bibitiw! Manalig sa katapatan at sa takdang oras na

inilaan ng Diyos. Isapamuhay sa natitira pang bahagi ng taon ang bago mong

taglay na pagmamahal sa Kanya. Manampalataya na patuloy na sasagutin ng

Diyos ang iyong mga panalangin.

Page 7: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

3Talaan

DAY 1

MGA PAGPIPILIAN

Ȋ Tubig lamang

Ȋ Sabaw o inumin lamang

Ȋ Agahan, tanghalian, o hapunan lamang

Ȋ Iba pa

Pupuntahang pagtitipon:

DAY 3

MGA PAGPIPILIAN

Ȋ Tubig lamang

Ȋ Sabaw o inumin lamang

Ȋ Agahan, tanghalian, o hapunan lamang

Ȋ Iba pa

Pupuntahang pagtitipon:

DAY 2

MGA PAGPIPILIAN

Ȋ Tubig lamang

Ȋ Sabaw o inumin lamang

Ȋ Agahan, tanghalian, o hapunan lamang

Ȋ Iba pa

Pupuntahang pagtitipon:

ORAS NG PANALANGIN

Isulat kung anong oras at gaano katagal kang mananalangin.

Talaan

Page 8: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

4 Knowing God

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa . . .MGA MAGAGANDANG NANGYARI AT MGA NASAGOT NA PANALANGIN NGAYONG 2017

Isulat ang mga magagandang nangyari, nasagot na mga panalangin, at mga aral na iyong

natutunan ngayong 2017. Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang katapatan, paglalaan, at

biyaya sa iyong buhay.

Page 9: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

5Para sa natitirang bahagi ng taong 2017, patuloy akong naniniwala sa Diyos para sa . . .

Para sa natitirang bahagi ng taong 2017, patuloy akong naniniwala sa Diyos para sa . . .AKING NAIS NA MAKAMTAN SA PANANAMPALATAYA

Espirituwal na Pagbabagong Buhay • Pisikal na Paggaling • Kaunlaran at Kasaganaan •

Masaganang Pagbibigay

AKING PAMILYA

Pagpapanumbalik ng mga Nasirang Relasyon • Kaligtasan ng Sambahayan

AKING PAARALAN / TRABAHO

Kahusayan • Pagtaas ng Posisyon

AKING PAGLILINGKOD

Paglago ng Victory Group • Kaligtasan ng mga Kaibigan, Kamag-aral,

Namumuno sa Trabaho, at Kasama sa Trabaho

AKING KASAMA SA PANANALANGIN

Page 10: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

6 Knowing God

P A G H A H A N D A P A R A S A P A G - A AY U N O

Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng PagsubokBASAHIN ANG D E U T E RO N O M I O 8 : 1 - 1 8

2“Alalahanin ninyo kung paano kayo ginabayan ng Panginoon na inyong Diyos

sa paglalakbay ninyo sa disyerto sa loob ng 40 taon. Ginawa niya ito upang

turuan kayong magpakumbaba, at sinubok niya kayo upang malaman kung

ano talaga ang nilalaman ng inyong puso, kung susundin ninyo ang kanyang

mga utos o hindi. 3Pinagpakumbaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom

sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain

na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong

una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lang sa pagkain

nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Panginoon.”D E U T E RO N O M I O 8 : 2 , 3

Papunta sa Lupang Ipinangako, dinala ng Diyos ang mga Israelita sa isang

malawak na disyerto kung saan wala silang ibang maaaring gawin kung hindi

ang magtiwala sa Kanya para sa pagkain, tubig, at proteksiyon. Sa panahong

ito ng pagsubok, ang mga Israelita ay inutusan na sumunod sa lahat ng utos ng

Panginoon na kanilang Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa

Kanyang mga pamamaraan at paggalang sa Kanya (Deuteronomio 8:6). Bakit

ito ginawa ng Diyos? Dinadala sila ng kanilang Panginoon na kanilang Diyos sa

isang magandang lupain kung saan maraming pagkain, at kung saan hindi sila

makararanas ng kakulangan (Deutoronomio 8:6-10). Nais ng Diyos na

makilala at sundin Siya ng mga Israelita sa disyerto—isang panahon ng

pagsubok—upang patuloy silang mamuhay kasama Niya kapag nakapasok na

sila sa lugar ng kasaganaan.

Naipakita ng Diyos ang Kanyang

tapat na pagbibigay sa mga Israelita

sa disyerto sa pamamagitan ng

pagbigay sa kanila ng ‘manna’, na

isang tinapay na himalang nagmula

DAY

0

Ang Diyos ay laging tapat, anuman ang pagsubok na

ating kinakaharap.

Page 11: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

7Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Pagsubok

sa langit. Maging ang kanilang mga damit ay hindi nasira at ang kanilang

mga paa ay hindi namaga sa apatnapung taon ng paglalakad sa disyerto.

Naging tapat ang Diyos sa kanilang paglalakbay sa disyerto. Ibinigay Niya

ang kanilang mga pangangailangan at tinustusan maging ang mga maliliit

nilang pangangailangan.

Sa mga panahon ng pagsubok, nakikilala natin ang katapatan ng Diyos. Siya

ay mapagbigay na Ama na tapat na nagtutustos sa mga pangangailangan

ng Kanyang mga anak, sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Sa pamamagitan ng mga pagsubok, makikilala natin Siya sa paraang hindi

natin magagawa kung wala ang mga ito. Kapag nagtitiwala tayo sa Kanyang

katapatan sa panahon ng pagsubok, malalaman natin ang Kanyang kabutihan

sa panahon ng kasaganaan.

ISAPAMUHAY

• Kasalukuyan ka bang dumaranas ng isang pagsubok? Isulat o iguhit ang

iyong pinagdaraanan at ang itinuturo sa iyo ng Diyos sa pamamagitan

nito. Basahin ang Deuteronomio 8:2,3 nang malakas at may buong

pagtitiwala, pagkatapos ay pagnilayan ito. Ihayag ang katapatan ng Diyos

sa buhay mo, at ipanalangin na makilala at magawa mong manalig sa

Kanya sa oras ng pagsubok.

Page 12: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

8 Knowing God

• Hingin sa Diyos na ipaalala sa iyo ang mga kapamilya o kaya’y kaibigan

mo na dumaranas ng pagsubok. Isulat ang kanilang mga pangalan at

sitwasyon. Panghawakan ang katapatan ng Diyos sa kanilang mga buhay.

Ipanalangin na lumalim ang pagkakakilala nila sa Diyos sa pamamagitan

ng mga pagsubok na ito.

MANALANGIN

• Ipanalangin na tulad ng mga Israelita, mas maging malalim ang

pagkakakilala mo sa Diyos sa mga panahon ng pagsubok. Ipanalangin na

magawa mong mas magtiwala pa sa Kanyang katapatan upang magawa

mong mamuhay kasama Niya sa oras ng pagsubok at kasaganaan.

Ipanalangin ang kakayahan, kaparaanan, at karunungan na maipakita

ang katapatan ng Diyos sa ibang tao sa pamamagitan ng pagiging isang

pagpapala sa kanila sa mga panahong ito.

• Ipanalangin na ang iyong mga pastor, mga kasama sa Victory at Leadership

group, at iglesya ay maranasan ang presensya ng Diyos ng mas malalim pa

maging sa panahon man ng pagsubok o kasaganaan. Ipanalangin na sila ay

lumago sa kanilang pagtitiwala at pagsunod sa Diyos, at maranasan nila

ang Kanyang katapatan sa lahat ng pagkakataon.

Page 13: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

9Pagkilala sa Diyos sa Pamamagitan ng mga Magkakaibang Hamon

Pagkilala sa Diyos sa Pamamagitan ng mga Magkakaibang HamonBASAHIN ANG 1 H A R I 2 0 : 1 3 - 3 0 • M G A S A L M O 2 3

Pumunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, at sinabi, “Ito po ang sinasabi

ng Panginoon: Inaakala ng mga Arameo na diyos ako ng mga bundok at hindi

diyos ng mga kapatagan, kaya ipapatalo ko sa iyo ang napakarami nilang

sundalo para malaman ninyo na ako ang siyang Panginoon.”1 H A R I 2 0 : 2 8

Si Ben Hadad, na hari ng Aram, ay kumampi sa tatlumpu’t-dalawa pang mga

hari, at nilusob nila ang Israel dala ang mahigit 100,000 kalalakihan. Ito ay

pagpapakita ng kapangyarihan ng Aram, at isang pagsubok sa kalakasan ng

mga Israelita. Bilang tugon sa hamon ni Ben Hadad, sinabi ng Panginoon kay

Haring Ahab ng Israel, “Nakita mong napakaraming sundalo ni Ben Hadad. Pero

ipapatalo ko sila sa iyo sa araw na ito, at malalaman mo na ako ang Panginoon”

(1 Hari 20:13). Si Haring Ahab, dala ang 7,000 kalalakihan, ay tumalo sa Aram

na may 100,000 kalalakihan. Ito ay tagumpay ng Panginoon.

Ang mga tagapagsilbi ni Haring Ben

Hadad ay nagtangkang pagaanin ang

kaniyang kalooban sa pagsabing,

“Ang diyos ng mga Israelita ay diyos

ng mga bundok; iyan ang dahilan ng

kanilang pagkapanalo. Pero kung

makikipaglaban tayo sa kanila sa

kapatagan, siguradong matatalo natin

sila.” (1 Hari 20:23). Minaliit nila ang Diyos sa pamamagitan ng pag-iisip

na madaling matatalo ng 100,000 mga sundalo ang 7,000 kalalakihan sa

kapatagan, kung saan walang mapagtataguan. Upang masiguro ang kanyang

pagkapanalo, pinalitan ni Haring Ben Hahad ang lahat ng nawala sa kanya,

kabayo sa kabayo, karwahe sa karwahe (1 Hari 20:25).

DAY

1

Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang dakilang

kapangyarihan at walang hanggang kakayahan sa

pamamagitan ng mga magkakaibang hamon na

ating kinakaharap.

Page 14: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

10 Knowing God

Sa gitna ng kanilang pangalawang pakikipaglaban, pinuno ng mga sundalo ng

Aram ang kapatagan, habang kaunti pa lang ang mga Israelita na nagmukhang

tila dalawang maliliit na pulutong ng mga kambing. Nang oras na iyon,

ipinangako ng Panginoon na ipapakita Niya ang Kanyang walang hanggang

kapangyarihan at tagumpay kay Haring Ahab. Sinabi niya: “Inaakala ng mga

Arameo na diyos ako ng mga bundok at hindi diyos ng mga kapatagan, kaya

ipapatalo ko sa iyo ang napakarami nilang sundalo para malaman ninyo na ako ang

siyang Panginoon” (1 Hari 20:28).

Dala ang kasiguraduhang ito, napatay ng mga Israelita ang 100,000 mga

sundalo sa loob lamang ng isang araw, na nagtulak sa mga Arameo na tumakbo

papunta sa pinakamalapit na bayan. Sa lugar na ito, bumagsak ang isang pader

na pumatay sa 27,000 pa na mga Arameo. Ang hukbo ng Aram ay natalo, at

sa pagkakataong ito, walang duda nilang nalaman na ang tagumpay ay sa

Diyos. Ipinakita ng Diyos na Siya ay Diyos ng mga bundok at mga kapatagan.

Ipinagtanggol Niya ang Kanyang mga mamamayan at ipinakita ang Kanyang

kapangyarihan sa paraang hindi maipagsasawalang-bahala ng mga Arameo.

Kadalasan, naniniwala tayo sa kasinungalingang pinaniwalaan ng mga

Arameo, na ang Diyos ay kasama natin sa mga bundok (ang mga magagandang

panahon sa ating buhay) subalit hindi sa mga kapatagan (ang mga mabababang

panahon). Naniniwala tayo na malalampasan natin ang mga kapatagan sa

pamamagitan ng labis na pagsusumikap, gaya ng ginawa ng mga Arameo.

Nililimitahan natin ang Diyos dahil natatakot tayong magtiwala at sumunod sa

Kanya sa mga mabababang panahon sa ating buhay.

Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang dakilang kapangyarihan at walang

hanggang kakayahan sa pamamagitan ng mga magkakaibang hamon na ating

kinakaharap. Madalas nating nararamdaman na tila naiipit tayo sa kapatagan,

at napalilibutan ng hindi matapos-tapos na pagdating ng mga kaaway. Subalit

sa mga kapatagan na iyon, mas lalo natin Siyang makikilala. Iyon ang tamang

oras at lugar para maipakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan. Kung

hindi natin lilimitahan ang Diyos sa mga bundok, at hindi tayo makakalimot

na magtiwala sa Kanya sa mga kapatagan, makikita natin ang Kanyang

kapangyarihan sa pagharap natin sa mga hamon ng buhay.

Page 15: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

11Pagkilala sa Diyos sa Pamamagitan ng mga Magkakaibang Hamon

ISAPAMUHAY

• Naniniwala ka ba na ang Diyos ay ganap na makapangyarihan, at kasama

mo Siya maging sa matataas o mabababang panahon sa iyong buhay? Sa

anong mga bahagi ng iyong buhay ka nahihirapang magtiwala sa Kanya?

Paano ka lalago sa pagkaunawa mo sa kapangyarihan at kakayahan ng

Diyos na iligtas ka? Ano ang mga Salita ng Diyos na pinanghahawakan mo

sa kasalukuyan?

Page 16: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

12 Knowing God

• Maingat na basahin ang Mga Salmo 23. Isulat ang kabuuang Salmo sa

ibaba, at simulang pagbulay-bulayan kung ano ang kahulugan nito.

Guhitan at bilugan ang mga mahahalagang salita, at isulat ang iyong

mga naisip, naintindihan, at napagnilay-nilayan sa paligid nito. Ano ang

natutunan mo tungkol sa kapangyarihan at walang hanggang kakayahan

ng Diyos mula sa Salmong ito? Maglaan ng oras upang isaulo ito, at nang

magawa mo itong panghawakan sa tuwing ikaw ay nasa mababang sandali

ng iyong buhay.

Page 17: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

13Pagkilala sa Diyos sa Pamamagitan ng mga Magkakaibang Hamon

MANALANGIN

• Sa pamamagitan ng panalangin, panghawakan, at ihayag ang

Mga Salmo 23 sa buhay mo. Hingin sa Diyos na ipakita ang Kanyang

sarili sa iyo sa dakilang paraan sa pamamagitan ng iba’t ibang hamon

na iyong kinakaharap. Ipanalangin na hindi mo malimitahan ang Diyos,

at sa halip ay makilala at magtiwala ka pa lalo sa Kanya sa matataas at

mabababang panahon ng iyong buhay.

• Isipin ang isang kamag-anak o kaibigan na hindi pa nakakikilala sa Diyos

at may pinagdaraanang mga pagsubok sa kasalukuyan. Ipanalangin na

ipakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa taong ito bilang Diyos ng mga

matataas at mabababang panahon ng buhay.

• Ipanalangin din ito sa iyong iglesya at sa mga misyonerong nagmula sa

iyong iglesya.

Page 18: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

14 Knowing God

Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Kagipitan

BASAHIN ANG DA N I E L 3

24Habang nakatingin si Haring Nebucadnezar bigla siyang tumayo sa laki ng

kanyang pagkamangha. Tinanong niya ang kanyang mga opisyal, “Hindi ba’t

tatlo lang ang itinapon sa apoy?” Sumagot sila, “Opo, Mahal na Hari.” 25Sinabi

ng hari, “Tingnan ninyo! Apat na ang nakikita kong palakad-lakad sa gitna ng

apoy. Hindi na sila nakagapos at hindi sila nasusunog. At ang isa sa kanila ay

parang diyos.”DA N I E L 3 : 2 4 , 2 5

Si Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay gumawa ng gintong imahe upang

makilala siya ng mga tao, at upang maalala siya ng kanyang mga supling at ng

mga susunod pang mga hari. Ang lahat ng gobernador, hukom, at mga opisyal,

pati na rin ang mga galing sa iba’t ibang bansa at lahi, ay inutusan na yumuko

at sumamba sa imaheng ito. Kung sila ay tatanggi, ipapasunog sila ng buhay

sa hurno.

Kasama sa mga opisyal na ito sina

Shadrac, Meshac, at Abednego, na

mga bihag mula sa Israel. Itinalaga

sila ng hari upang mamuno sa

mga probinsya ng Babilonia, sa

pamamagitan ng pagbibigay sa

kanila ng mga posisyon at pribilehiyo

na hindi ibinibigay sa mga bihag. Sa kabila nito, nang ibigay ang utos na

yumuko at sumamba sa gintong imahe, nanatili silang nakatayo. Hindi

sila nakipagkompromiso sa kanilang debosyon sa Diyos sa pamamagitan

ng pagyuko sa isang imahe na ginawa upang parangalan at ituring ang

isang tao na tila diyos. At handa silang harapin ang anumang kapalit ng

kanilang desisyon.

DAY

2

Kung tayo ay magtitiwala na ililigtas tayo ng Diyos sa

kabila ng paghihirap, marami pa ang makaaalam

at makakikilala din sa Kanya.

Page 19: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

15Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Kagipitan

Sinabi ng tatlong lalaki kay Nebucadnezar, “Kung talaga pong ganyan

ang mangyayari, ililigtas kami ng Diyos na aming pinaglilingkuran mula

sa naglalagablab na hurno. Ililigtas niya kami mula sa inyong mga kamay”

(Daniel 3:17). Sa galit, iniutos ng hari na ipatapon sila sa hurno na sa sobrang

init ay ikinamatay ng mga sundalong naghatid sa kanila dito. Ang tatlong lalaki

ay dapat agad-agad na namatay. Sa halip, nakita nila sa loob ng hurno ang

pisikal na pagpapatunay ng Diyos at nakalas mula sa pagkakatali ang tatlong

bihag. Kasama nila ang Diyos na nagligtas sa kanila sa gitna ng apoy. Iningatan

sila ng Diyos.

Nakita rin ng hari, na nanonood sa labas ng hurno, ang tila isang diyos na

lumalakad kasama ng tatlong lalaki. Nakita ni Nebucadnezar na iniligtas sila

ng Diyos mula sa apoy na ikinamatay ng kanyang mga sundalo. Nang lumabas

ang tatlong lalaki at lumapit sa hari at sa kaniyang mga tagapayo, hindi man

lamang sila nag-amoy usok. Ang presensya at proteksiyon ng Diyos ay ganap

at pumalibot sa kanila bago pa man sila lumapit sa hurno at maging pagkalabas

nila dito.

Nagsama-sama at nakita ng hari, mga gobernador, mayor, komisyoner, at iba

pang opisyal ng hari kung paano inalagaan at iniligtas ng Diyos sina Shadrac,

Meshac, at Abednego (Daniel 3:27). Kinilala ni Nebucadnezar ang Diyos na

nagligtas sa kanila at sinabi niya:

28“. . . Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagpadala siya

ng kanyang anghel para iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa

kanya. Hindi nila sinunod ang aking utos; minabuti pa nilang mapatapon

sa apoy kaysa sumamba sa alinmang diyos maliban sa kanilang Diyos. 29Kaya iniuutos ko na ang sinumang tao sa alinmang bansa, lahi, o wika na

magsasalita ng masama laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego

ay pagpuputol-putulin ang katawan at wawasakin ang kanilang mga bahay.

Sapagkat walang diyos na makapagliligtas katulad ng kanilang Diyos.”DA N I E L 3 : 2 8 , 2 9

Kung tayo ay magtitiwala na ililigtas tayo ng Diyos sa kabila ng paghihirap,

marami pa ang makaaalam at makakikilala din sa Kanya.

Page 20: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

16 Knowing God

ISAPAMUHAY

• Sa anong bahagi ng buhay mo nararanasan ang paghihirap? Habang

isinasaalang-alang ang kuwento nila Shadrac, Meshac, at Abednego,

paano mo magagawang mamuhay sa paraang makapagbibigay karangalan

sa Diyos? Ano ang handa mong gawin upang parangalan ang Diyos kahit

sa gitna ng kahirapan?

• Basahin nang malakas ang deklarasyong ito ng pananampalataya:

Sa panahon ng kagipitan, sasamahan ako ng Diyos sa pagdaan sa apoy.

Walang puwang ang takot sa akin, dahil naniniwala ako sa Kanya.

Hindi ko tutularan ang mundong ito (Mga Taga-Roma 12:2). Kahit

ano pa ang mangyari, pararangalan ko ang Diyos at Siya lamang ang

aking paglilingkuran.

Page 21: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

17Pagkilala sa Diyos sa mga Oras ng Kagipitan

MANALANGIN

• Ipanalangin na lagi mong maalala na kasama mo ang Diyos sa anumang

sitwasyon, mabuti man o masama. Ipanalangin na sa pagharap mo sa

kagipitan, magkakaroon ka ng matatag at hindi matitinag na pagtitiwala

sa presensya ng Diyos at sa Kanyang kapangyarihang magligtas mula sa

sitwasyong iyong kinakaharap.

• Ipanalangin na maalala ng iyong pastor, mga Victory at leadership group,

at iglesya na kasama nila ang Diyos sa lahat ng sitwasyon, lalo na sa mga

panahon ng kagipitan o kaya ay panahon ng pagdaan sa apoy. Ipanalangin

na maging buo ang kanilang pagtitiwala sa kakayahan ng Diyos na ililigtas

sila sa mga ganitong sitwasyon.

• Ipanalangin na sa mga panahon ng kagipitan, makilala ng mga tao sa

paligid mo ang Diyos. Ipanalangin ang kaligtasan ng iyong mga kapamilya

at kaibigan na hindi pa nakakakilala sa Diyos. Ipanalangin na magkaroon

ng mga pagkakataon na magamit ka ng Diyos upang matagpuan nila Siya.

Page 22: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

18 Knowing God

Ang Pagkilala sa Diyos at ang Pagkilala Niya

BASAHIN ANG M G A G AWA 9 : 1 - 5 • M G A TAG A- G A L AC I A 1 : 1 5 , 1 6 ; 4 : 7 - 9

3Nang malapit na si Saulo sa bayan ng Damascus, bigla siyang napalibutan ng

nakakasilaw na liwanag mula sa langit. 4Natumba siya, at may narinig siyang

tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” 5Sumagot si Saulo,

“Sino po ba kayo?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Jesus na iyong inuusig.”M G A G AWA 9 : 3 - 5

Bago naging apostol si Pablo sa mga Hentil (hindi Hudyo), siya ay isang Pariseo

na tumutuligsa sa mga Kristiyanong Hudyo (Mga Gawa 22:3; Mga Gawa 26:5).

Maaaring naisip niya na kilala na niya ang Diyos batay sa listahan ng mga

katangiang nagpabanal sa kanya sa harapan ng Diyos: ang kanyang pagiging

Hudyo, edukasyon, kawalan ng kapintasan sa pagsunod sa Kautusan, at sigasig

sa pagtuligsa sa mga Kristiyano (Mga Taga-Filipos 3:5,6). Sa kanyang

matinding damdamin at pagkamasigasig, nagbanta siya laban sa mga

Kristiyano, na kanya ring ginawa, at nakakuha siya ng pahintulot mula sa

punong saserdote na dalhin sa Jerusalem ang sinumang mahuli niya sa

Damascus sa pamamagitan ng dahas.

Subalit, habang papunta sa

Damascus, nakapanagpo ni Pablo ang

Panginoong Jesu-Cristo sa paraang

bumago sa kanya habambuhay. Bigla

siyang napalibutan ng nakakasilaw na

liwanag mula sa langit, kung kaya’t

natumba siya. May tinig na tumawag sa kanyang pangalan. “Saulo, Saulo! Bakit

mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo, “Sino po ba kayo?” Ang sagot ay, “Ako si Jesus

na iyong inuusig.” Inihayag ni Pablo na nakita niya si Jesu-Cristo sa liwanag,

at habambuhay siyang binago nito. Naunawaan niya kung sino ang Diyos,

kung ano ang Kanyang ginawa, at kung ano ang layunin Niya para sa buhay ni

Pablo. Ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili kay Pablo, at tinawag siya para

DAY

3

Ang buhay Kristiyano ay tungkol sa pagkakaroon ng

malalim na pagkaunawa sa ibig sabihin ng pagkilala

Niya sa atin.

Page 23: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

19Ang Pagkilala sa Diyos at ang Pagkilala Niya

sa Kanyang layunin (Mga Taga-Galacia 1:15,16). Habang nakikilala niya ang

Diyos, nauunawaan ni Pablo na kilala siya ng Diyos.

Sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, sinabi ni Pablo na ang mga kinilala na

ng Diyos noon pa man ay Kanya ring itinalaga (Mga Taga-Roma 8:29). Kilala

na tayo ng Diyos noon pa man, minahal, at tinawag ayon sa Kanyang layunin,

magmula pa noon, bago pa man natin Siya nakilala o sinimulang mahalin din.

Sa kanyang sulat sa mga Taga-Galacia, sinabi ni Pablo na sa pagpili sa atin

ng Diyos, pinalaya Niya tayo sa pang-aalipin ng kasalanan at ginawa tayong

Kanyang mga anak at tagapagmana sa pamamagitan ng pananampalataya.

Gayunpaman, ang buhay Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa pagkilala sa

Diyos sa pamamagitan ng pagharap sa mga pagsubok, iba’t ibang hamon, at

kahirapan, kundi tungkol sa pagkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa

ibig sabihin ng pagkilala Niya sa atin.

Sa panahon ng kagipitan o kaginhawaan, sa mga bundok o sa mga kapatagan

ng buhay, sa gitna ng naglalagablab na hurno, hindi lamang natin nakikilala

ang Diyos sa mas malalim na paraan, nalalaman natin na kinilala Niya tayo

(Mga Taga-Galacia 4:9).

ISAPAMUHAY

• Tulad ni Pablo, naranasan mo na bang makapanagpo ang Panginoong

Jesu-Cristo sa paraang nagdala ng habambuhay na pagbabago sa iyo?

Ibahagi ang patotoo kung paano mo nakilala ang Diyos, at kung paano

nabago ang buhay mo ng Kanyang pag-ibig, layunin, at itinakdang

tungkulin para sa iyo.

Page 24: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

20 Knowing God

• Basahin ang Mga Taga-Galacia 4:7-9. Pagnilayan kung ano ang ibig sabihin

ng pagkilala ng Diyos sa iyo bilang Kanyang anak. Isulat ang talata, at itala

ang iyong mga naisip sa malikhaing paraan. Pagnilayan kung paano mo

nakikilala si Cristo bilang tapat, makapangyarihan, at kapiling sa anumang

oras dahil sa bago mong katayuan sa Kanya. Magsulat ng panalangin ng

pasasalamat para dito.

Page 25: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

21Ang Pagkilala sa Diyos at ang Pagkilala Niya

MANALANGIN

• Pasalamatan ang Diyos sa pagkilala sa iyo. Ipanalangin na magdulot

ito ng mas malawak na lakas ng loob, katatagan, pananampalataya,

at kaginhawaan sa pamumuhay mo sa araw-araw. Ipanalangin na sa

pagharap mo sa mga pagsubok at hamon ay magkaroon ka ng mas malalim

na pagkaunawa sa katapatan, kapangyarihan, at presensya ng Diyos.

Ipanalangin na habang nakikita ito ng iyong mga kapamilya at kaibigan

ay makilala nila Siya at magdulot ito ng kamalayan na kilala Niya sila at

nauna na Niya silang minahal.

• Ipanalangin na habang lumalago ka sa kaalaman mo tungkol sa Diyos ay

maging malakas ang iyong loob na ipangaral ang ebanghelyo sa iyong

komunidad. Hingin sa Diyos ang pagkakataon, karunungan, at lakas ng

loob. Ipanalangin ang kaligtasan ng mga kapamilya mo at kaibigan, at

maging ang mga bago mo lang na kakilala at mga hindi pa nakikilala.

• Ipanalangin na lumago ang iglesya sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos

bilang tapat, makapangyarihan, at kapiling sa anumang oras. Ipanalangin

na hindi tayo uurong sa mga pagsubok at hamon na kinakaharap o

kakaharapin natin. Pasalamatan ang Diyos sa katagumpayang mayroon

tayo sa Kanyang pangalan dahil kilala Niya tayo at lumalago ang

pagkakakilala natin sa Kanya.

Page 26: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap

© 2017 sa pamamagitan ng VICTORY®

Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari.

Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS®

Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica® Ginamit na may pahintulotmula sa Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.® Reserbado ang lahat ng pag-aari.

victory.org.ph

Page 27: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap
Page 28: KNOWING GOD - · PDF filena hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon ... ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga ... ating kinakaharap