61
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Phil. History Presentation

Citation preview

Page 1: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Kabanata 7:

Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Page 2: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

I. Kaunlaran sa Kabuhayan

Page 3: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Ginawa na ng Hari ang sa tingin nya’y dapat gawin upang mapaunlad ang likas na kayamanan ng Pilipinas at magamit ang kita nito sa pamamahala ng bansa.

Ngunit may mga sanhi na nagpapabagal sa pag-unlad ng bansa.

Page 4: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Mga Sanhi

• Mga namamahalang Kastila na ang tanging nais ay ang magpayaman lamang.

• Pag-aaklas ng mga Pilipino na nagpahina sa pamahalaan.

• Pagiiringan ng mga Kastila at Pilipino.

Page 5: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Jose Basco Vargas (Gobernador Basco)

• Dumating sa Maynila noong 1778.

• Napansin na pabigat ang Pilipinas sa Espanya.

• Nag-isip ng paraan upang mapa-unlad ang kabuhayan ng bansa upang ito’y makapagsasarili at hindi umaasa sa tulong ng Hari at ng Meksiko.

Page 6: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Inakit ang mga magsasaka na magtanim ng :

TUBO , KAPOK , Mga PANGREKADO , at punong pinagkukuhanan ng SUTLA.

• Nangako sya ng gantimpala sa sinumang magpapamalas ng kahusayan sa paggawa ng bulak, lubid na Abaka, sutla at lino (flax).

Page 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Kapisanang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan.

(Sociedad Economica de Amigos del Pais)

• Itinatag noong 1781.• Binubuo ng mga makabayang Kastila na

nagbibigay sa Kapisanan ng P 960.00 taun – taon.• Pinsinayahan noong Mayo 1781.

Page 8: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Limang Sangay

Sangay ng Likas na Kalikasan. (Natural History)

Sangay ng Industriyang Panlahat at Edukasyong Panlahat.

Sangay ng mga Pagawaan.

Sangay ng Pagsasaka at Kabuhayang Pambukid.

Sangay ng Komersiyong Panloob at Panlabas.

Page 9: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Naglathala sila ng mga polyetong nauukol sa pagsasaka, gaya ng pagtatanim ng tubo, nila (pantina), abaka, kakaw, sutla, kape at iba pang halaman. Ipinamigay ito sa buong kapuluan.

• Upang maakit ang mga tao sa mabuting pagsasaka at paggawa ng mga kapaki pakinabang ay nagkaloob sila ng gantimpala: sa mga manghahabi, inbentor at manggagawa ng tina.

• 1784 – Nakapagbili ang Pilipinas sa kauna unahang sandali ng tina sa Europa.

Page 10: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Ѽ Sa larangan ng edukasyon, ang Kapisanan ay nagpapadala ng mga Pilipino at Kastila sa ibang bansa at pinag-aaral doon ng pagtitina ng damit o kayo.

1820 – Nagtatag ng pagka propesor sa pagsasaka.

1824 - Itinatag ang Paaralan ng Pagpipinta.

Page 11: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Ang MONOPOLYO.• Nagtatag si Basco ng monopolyo sa tabako at sa iba pang

produkto upang lumaki ang kita ng pamahalaan.

• Real Situado – ang pagpapadala ng Meksiko sa Pilipinas ng P 250,000 taun – taon, upang matustusan ang gugulin ng pamahalaan sa Monopolyo.

• Itinatag noong Marso 1782.

• Ang bawat mag-anak sa mga lalawigan ng Ilokos, Kagayan, Nuweba Isiha at Marinduke ay maaring magtaning ng 40,000 halaman sa isang taon at ang pamahalaan lamang ang maaring bumili.

Page 12: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Kapag nasalanta ang mga pananim ay magmumulta ang mga magsasaka.

• Ang mga lalabag sa mga alituntunin ay mapapatawan ng mabigat na parusa.

• Bawal humithit ng sariling tabako ang mag magsasaka.

• Nagtatag din ng monopolyo sa baraha at buyo.

Page 13: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Epekto ng Monopolyo

Mabuting Epekto

Lumaki ang kita ng pamahalaan.

Nakahikayat pa ng mga magsasaka na magtanim.

Ang Pilipinas ang naging pangunahing pagawaan ng tabako sa buong daigdig.

Naging tanyag ang Tabakong Pilipino o Tabakong Maynila.

Page 14: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Pagpapayaman ng mga ahente.

Ang mga magsasakang napinsalaan ay hindi lang pinagmumulta, binabawian din ng lupa.

Ang mga pera na dapat maibayad sa mga magsasaka ay ibinubulsa na ng mga inspektor na gahaman.

Masamang Epekto

Page 15: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Hunyo 1881Inutos ng Hari ng Espanya na alisin ang monopolyo

sa Tabako.

• 1882Ang kautusan ng Hari ay pinatupad at tuluyan ng

naalis ang monopolyo sa Tabako.

Page 16: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Real Compania de Filipinas

• Itinatag ng Hari noong 1785

• Layunin na paunlarin ang kalakal at pagsasaka sa Pilipinas.

• Ayon sa Saligang Batas ng Samahan ay ang apat na bahagdan (4%) ng pakinabang ay mapapapunta sa pagpapaunlad ng industriya at pagsasaka.

Page 17: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Mga prebilehiyong binigay ng Hari:

Monopolyo sa kalakalan ng Pilipinas at Meksiko.

Di pagbabayad ng buwis sa mga produkto ng Pilipinas na pumapasok sa Espanya.

Pag-aalis ng pagtatakda ng mga mangangalakal na Indiya at Tsina sa Maynila.

Page 18: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sanhi ng pagkabigo:

– Di pagkakaroon ng mabuting pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga bansa sa Silangan.

– Di pakikiisa ng mga mangangalakal ng Maynila sa

Samahan.

– Masamang palakad ng samahan sa mga mangangalakal.

Page 19: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Setyembre 6, 1834 – Pinagpasyahan ng Hari na patayin ang Samahan.

• Bukod sa pagpupunyagi ng Kapisanan at ng Samahan na mapaunlad ang pagsasaka ay nagpilit din ang pamahalaan na umangkat sa Estados Unidos ng mga bagong makinarya.

• Sinubukan ang mga makina sa pagsasaka sa mga lalawigan ng Ilokos Sur, Kapampangan, Isabela, Albay at Ilo Ilo.

Page 20: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• 1834 – Pagbubukas ng Pilipinas sa pangangalakal ng daigdig.

• 1810 – umabot sa P 500,000 ang halaga ng ipinagbili ng Pilipinas sa ibang bansa.

• 1879 – tumaas pa ito sa P 19,000,000

Page 21: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• 1593 – 1815 --> Tinakdaan ang kalakalan ng Pilipinas at Meksiko at ng ibang bansa sa Silangan.

• Ang mga kalakal sa mga bansang Hapon, Tsina, Haba, Sumatra, Kambodya at Malaka, ay dinadala sa Meksiko; na hindi minabuti ng manganglakal na Kadis at Sebilya.

• Kaya nagpasa ng patakaran ng pagtatakada sa nasabing pagkakalakalan at pinagpatuloy hanggang noong 1800.

Page 22: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Kalakalang Galyon

• Nagdadala ng paninda mula sa Maynila pa – Meksiko.

• Pinahihintulutan lamang ang Gobernador Heneral, mga Prayle, matataas na pinuno ng pamahalaan, mga kai-kaibigan nla at ang mga balo ng mga namahingang pinunong Kastila.

• Mayroon silang tiket na ang tawag ay BOLETA.• Bawat sapi ay nagkakahalagang P 250.00

Page 23: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Page 24: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Bawat BOLETA ay katumbas ng isang pitak sa Galyon na paglalagyan ng panindang dadalhin sa Meksiko.

• “Maynila - Akapulko” – ang tawag sa kalakalang Maynila at Meksiko.

• Naging “Kaban ng Kayamanan” ang Galyon, taglay nito ang: produkto ng Silangan, gaya ng Sutla, Porselanang Intsik, mahahalagang batong pang Hiyas, mga Kayong bulak atbp.

Page 25: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ang pag-alis at pagdating ng Galyon ay araw ng pangilin sa Maynila. Maligaya ang mga tao, may mga palamuti sa lansangan, may mga tugtugan sa liwasang bayan at ang mga simbahan ay napupuno ng Te Deum.

• Hindi laging nakikinabang ang nangangalakal sa Galyon. May pagkakataong nahaharang ng mga mgangungulimbat na Olandes at Inggles ang Galyon, o kaya naman ay inaabutan ng bagyo, sa ganito’y nalulugi ang mga mangangalakal at ang pagkaluging ito’y pinagdadalamhatian ng Maynila.

Page 26: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Pagbumalik ang Galyon ay may dala itong: – Salaping pilak na ngkakahalaga ng tatlong angaw

na piso– Sulat, mga kautusan at tagubiling opisyal.– At ang Real Situado.

• Dumadaong ito sa Kabite, ang mga kargamento ay iniaahon sa maliliit na sasakyang pandagat at dinadala sa pampang ng Ilog Pasig, sa pook na malapit ang Tanggapan ng Pambansang Ingat Yaman.

Page 27: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Hindi Mabuting Epekto ng Monopolyo sa Galyon.

• Napabayaan ng mga pinunong Kastila ang pagpapaunlad ng Kabuhayan.

• Ang tanging yumayaman lamang ay ang ilang kastila na walang inatupag kundi maghintay sa pagdating ng Galyon na dala ang kanilang pakinabang.

• Hindi nakinabang ang mga Pilipino.• Sa pagpunta ng mga namamahalang Kastila sa

Maynila upang makipagkalakalan ay napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan.

Page 28: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sa ika- 19 dantaon, ang kaisipang “huwag makialam” ay namayani sa Europa.– ang pangangalakal at produksyon ay dapat na

malaya at di dapat na tinatakdaan. Maliban kung para sa ikabubuti ng bayan.

1815 – inalis ng Hari ng Espanya ang pangangalakal sa Galyon.

Page 29: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Obras Pias

• May uring isang barko.• Ang inuutangan ng mga mangangalakal sa

Meksiko na walng sapat na puhunan.• Ang sinumang mangangalakal na kailangan ng

puhunang ilalagay sa pangangalakal sa Galyon ay maaaring umutang at magbabayad ng limangpung bahagdan (50%) ng tubo santaon.

• Kung sa Indiya mangangalakal ay tatlumput limang bahagdan (35%) ng tubo, dalawangput limang bahagdan (25%) sa Tsina.

Page 30: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Nalugi ang Obras Pias dahil sa:– Ang mga nangungutang ay ipinangsusugal lamang

ang pera.– Hindi nasusuri ng maayos ang salaping inuutang.

Domestic Trade / Panganglakal na Panloob

- Walang gaanong naiunlad ito dahil sa pagkaraan ng maraming taon ng pagkakasakop sa Pilipinas ay nanatiling masama ang mga daan

- Isa pa’y pinagbabawalan ang mga pilipino na mangibang bayan.

Page 31: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Ika – 19 dantaon:• Si Gobernador Rafael Maria de Aguilar ang humalili

kay Basco.– Pinagpatuloy ang pagpapaunlad sa bayan.– Nagbukas ng mga bagong daan at pinaayos ang mga

luma na.– Naglagay ng mga ilaw sa mga daan at lansangan ng

Maynila.– Pinabakunahan ang mga mamamayan upang

maiwasan ang paglaganap ng salot.– Pagbukas ng mraming daan at nagpagawa ng tulay.– Inalis ang pagbabawal sa mga Pilipino na

mangibang bayan.

Page 32: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Dahil sa pinayagan na ang mga Pilipino na mangibang bayan, ito ang nagtulak sa kanila upang mangalakal sa ibang bayang di sakop ng kanilang lalawigan.

• 1848 – Nagkaroon ng mga Bapor sa Maynila.• 1891 – Natapos ang daang tren mula Maynila

hanggang Pangasinan.• 1893 – Nagkaroon ng tambriya.

– Pinasinayahan ang pagkakaroon ng telepono, telegrapo at kableng pahatiran

– Naugnay ang Maynila sa ibang bansa.

Page 33: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Naging mabilis ang paghahatid ng balita. Na naging malaking pakinabang sa mga mangangalakal at mamamahayag.

• Ang iba’t ibang basahin katulad ng aklat ay nakapasok sa Maynila na nakatulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng karunungan.

Page 34: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

II. Kaunlaran sa Edukasyon at Kalinangan.

Page 35: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas ay sinunog ng mga unang Prayleng Misyonero ang mga tala ng mga Pilipino na nakasulat sa mga dahon at banakal ng punongkahoy sa paniwalang mga likha ito ng Dyablo.

• Nagturo ang mga unang prayle ng mga simulain ng relihiyong Katoliko. Nagsulat ng mga aklat at polyetong makakapang-akit sa mga Pilipino na maging Katoliko.

• Tinuruan ng mga musikang kanluranin, pagpipinta, pagdidibuho, paglilimbag at paglililok.

Page 36: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ika 16 – dantaon ay nasa rurok ng kapangyarihan ang Espanya.

• Ang tadhana ng batas ng 1555 na lumiliwanag sa patakarang Kastila:

“Upang makapaglingkod sa Diyos, ang ating Panginoon, at sa kapakanan ng ating kaharian, ay kailangan magkaroon ang ating mga basalyos, nasasakupan, at mga katutubong mamamayan ng mga unibersidad… na mapapasukan nila at mapapagtapusan ng agham at iba pang karunungan.”

Page 37: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Walang layon ang mga Kastila na magturo sa mga nasasakupan nila ng nauukol sa mundong ito, at relihiyon ang namamayani sa kanilang kaisipan.

• Gayari sa sinabi ni Rafael Palma (Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas): “Ang mga layon at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay maliwanag na itanim at ipilit saisip ang kabutihan sa pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang karunungan at bagay-bagay na nahihinggil sa mundo at Kalikasan, na palagay nilang lumilipas at di palagian, sa mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa kahanga hangang bagay sa kabilang daigdig.”

Page 38: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sa bisa nga ganyang patakaran ay itinatag ang unang misyonero, ang unang paaralang Primarya.

• 1582 – si Obispo Domingo de Salazar ang nagbalangkas ng mga tuntuning sususundin sa pagtatatag ng mg paaralan.

Mga alituntunin:

- Pagtatatag ng mga paaralang primarya para sa mga lalaki at para sa mga babae.

- Paghirang sa mga gurong makakatulong ng Prayle.

- Sapilitang pagpapatala sa mga bata sa mga paaralan.

- Pagtuturo ng magandang asal, Doktrina Kristyana, pagsulat, pagbasa, at pagbilang.

Page 39: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng kura.– Tinuturuan ang mga bata ng relihiyon, Kastila,

pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika, at paghahanap buhay.

– Ang mga aralin o leksiyon ay isinasaulo.

Ang sabi ng paring Heswitang si Pedro Chirino (1604):

“Natutuhan nila ang ating wika, ang pagbigkas dito, at sumusulat sila sa wikang ito ng mas mahusay kaysa pagsulat natin, sapagkat gayon nalamang ang kanilang katalinuhan na madali nilang natutuhan ang kahit na ano.”

Page 40: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Antonio de Morga (Mehiko 1609)

- nagpatotoo sa kanyang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas hinggil sa kahusayan ng mga Pilipino sa musika:

“Nagpakilala sila rito ng kakayahan, lalo na yung mga mamamayan sa gilid ng Maynila, at dito’y masusumpungan ang mga mang-aawit at musikong katutubo…. Ang mga batang lalaki ay nagtatanghal ng dula at komedya, sa Kastila at sa wikang katutubo, sa isang paraang kahali-halina.”

Page 41: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Nagtatag din ang mga prayle ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga magaaral sa pagpasok sa mataas na paaralan.

• 1599 – Itinatag ng mga Heswita ang kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila. Nang sumunod na taon ay ang kolehiyo ng San Ildefenso sa Sebu na naging Seminaryo ng San Carlos.

• 1601 – Itinatag naman ang Kolehiyo ng San Jose.

Page 42: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• 1611 – Ang mga Dominikano naman ay itinatag ang Kolehiyo ng Santo Rosario na naging Kolehiyo ng Santo Tomas noong 1616.

• 1630 – Itinatag nila ang Kolehiyo ng San Juan de Letran.

• Sa mga kolehiyong ito ay nagtuturo ng tungkol sa : Banal na Kasaysayan, Doktrina Kristyana, etika, hiyograpiya, balarilang Latin at Kastila, matematika, panitikang Latin, pilosopiya, lohika, retorika at panulaan.

• Wikang Kastila ang gamit sa pagtuturo.

Page 43: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Nagpatayo rin ng kolehiyo para sa mga kababaihan, ginawa ito upang sila’y maging mabuting asawa hindi ang ipantay sila sa mga lalaki.

• 1594 – Itinatag ang kauna-unahang kolehiyong pambabae ang kolehiyo ng Santa Potencia. Na laan lamang sa mga babaeng anak ng mga kawal na Kastila at sa mga ulila na.

• 1596 – Itinatag ang Kolehiyo ng Santa Isabel• 1696 – Itinatag ang Beateryo ng Santa Catalina• 1750 – Itinatag ang Kolehiyo ng Santa Rosa• 1869 – Itinatag ang Kolehiyo ng Concordia• 1892 – Itinatag ang Kumbento ng Asuncion

Page 44: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Itinuturo dito ang Doktrina Kristyana, Kastila, Latin, Kasaysayan, Matematika, Musika, magandang asal, pagpipinta, mga sining na pantahanan, gaya ng pananahi, paggawa at pagaayos ng bulaklak, at pagbuburda.

• Dahil sa pangangailangan sa mga guro na may sapat na kakayahan, ay gumawa sila ng komisyon noong 1855 upang pag-aralan ang kalagayan ng edukasyon ng Pilipinas.

Page 45: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ang Paaralang Normal

- Nagkakaloob ng sertipiko o katibayan pagkatapos ng tatlong taong pagaaral.• 1861 – Ang komisyon ay nag-ulat at itinagubilin ang

pagbubukas ng paaralang normal para sa babae’t lalaki.• 1863 – Inilathala ang Batas Ukol sa Edukasyon na

nagtatadhana ng pagbubukas ng paaralang normal para sa mga lalaki.

• 1865 – Binuksan ang paaralang ito sa ilalim ng pamamahala ng mg Heswita.

• 1871 – Binuksan ang paaralang Normal para sa mga babae dahil sa kulang parin ang bilang ng mga guro.

Page 46: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• 1875 – nagtayo ng Paaralang Normal sa Naga para sa mga lalaki.

• 1893 – Isa pang paaralang normal para sa mga babae.

• 1863 – Itinadhana rin ng Kautusan ang pagbubukas ng Paaralang Bayan na tutustusan ng pamahalaan.

- Sapilitan at walang bayad ang pagpasok dito. Ang Padre Kura ang inspektor sa paaralan.

Ang mga batang lalaki ay tinuturuan ng kasaysayan ng Espanya, hiyograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat, pagawit, at magandang asal.

Page 47: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Ang mga babae ay tinuturuan ng: pagbuburda, paggagantsilyo, pagluluto (kapalit ng pagsasaka), hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya.

1589- Itinatag ng mga Heswita ang unang unibersidad sa Pilipinas ang Unibersidad ng San Ignacio.

1611 – Itinatag naman ng mga Dominikano ang Unibersidad ng Santo Tomas.

1707 – Itinatag ng pamahalaan ang Unibersidad ng San Felipe.

Ang mga unibersidad na ito ay nagkakaloob ng titulo sa pagaabugado at panggagamot.

Page 48: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ngunit ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad ay bukas lamang para sa mga Kastila at mestisong Kastila. At pinid na pinid para sa mga Pilipino.

• Kahit na pinag-utos ng Hari na ituro ang wikang Kastila sa mga Pilipino ay hindi ito sinunod ng mga namamahalang Kastila.

• Sapagkat ang pagtuturo sa mga Pilipino ng wikang Kastila ay nangangahulugang:– Pagkakaroon ng iisang wikang pambansa.– Maaring gamitin upang humingi ng pagbabago at

kaluwagan sa buhay at kabuhayan.– Tuluyan na silang magkakaunuwaan.– Pagkakaisa ng bansa, pagkakaisa laban sa mga Kastila.

Page 49: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Ikalawang hati ng ika-19 na dantaon nagbukas ang pinto ng mga paaralan, kolehiyo, unibersidad para sa mga Pilipino.

• Sa mga kolonya ng ibang bansang Europeo, ay nagkaroon ng edukasyon na inihatid ng mga Kastila sa Pilipinas.

• Ang mga mamamayan ng mga nasabing kolonya, (gaya ng MALAYA, INDONESIA, INDIA atbp) ay hindi natuto ng mga wika ng mga bansang nanakop.

Page 50: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• 1593

– Itinatag ng mga Dominikano ang unang limbagan sa pook na tinatawag na San Gabriel.

- Inilimbag ang kauna unahang aklat ang Doctrina Christiana sa wikang Tagalog na sinundan ng Doctrina Christiana sa wikang Intsik.

Page 51: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Mga Unang Manlilimbag:

– Juan de Vera at Tomas Pinpin– Si Pinpin ang may akda ng Librong Pagaaralan

ng mga Tagalog nang uicang Castilla. (1610)– Si Gaspar Aquino De Belen ang tumagalog sa

bantog na Pasion ni Jesu Christong P. Natin. (1704).

– Si Domingo Laoag ang naglimbag ng kauna unahang diksyonaryong tagalog, ang Vocabulario de Lengua Tagala (1613).

Page 52: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Page 53: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Mga Pilipinong Dalubhasa sa Paguukit:– Si Nicolas de la Cruza Bagay ang umukit ng mapa

ng Pilipinas noong (1734)– Laureno Atlas, Felipe Sevilla, Cipriano Bagay.• Ang pagbabasa ng mga romansa na pawang

salaysaying patula at nahihinggil sa mga santo at bayani, ito ang uri ng panitikan na inihatid dito ng mga kastila.

• Ganyan ang mga Ibong Adarna, Bernardo Carpio, Don Juan Tenoso, Doce Peres de Francia at marami pang ibang hindi na kinahuhumalingan ngayon.

Page 54: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Dalawang Uri ng Romanse– Awit – salaysaying patula– Kurido – walong pantig sa bawat taludtod.

MGA DULANG KANLURANIN• Duplo – ginaganap sa bakuran ng may patangahal

sa pagsisiyam.- BELYAKO – tawag sa lalaking naganap- BELYAKA – tawag sa babaeng naganap

• Moro – Moro

– pagkamatay ng Muslim o kaya pagpapabinyag at pagyakap sa relihiyong Katoliko.

Page 55: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Komedya – pagiibigan ng prinsesa at prinsipe.

• Dakong katapusan ng ika 19 na dantaon:o Sarsuwela – dulang may salitaan, awitan, at sayawano Karilyo – mga karton na tau tauhan ang

pinapagalaw sa harap ng ilaw upang magkaroon ng anino sa putting tabing.

o Sinakulo – pagsasadula ng paghihirap, pagpapakasakit at pagkamatay ng poong Hesus. Na tinatanghal tuwing Mahal na Araw.

Page 56: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

Comision Permanente de Censura- Magsuri sa lahat ng aklat na ipalilimbag at

ipapalathala.

• Jose de la Cruz / Huseng Sisiw(1746-1829)

-Prinsipe Baldovino, Jason at Madea, Reina Encantadia, Hernandez at Glisandra, atbp.

• Francisco Baltazar / Balagtas (1789 - 1861) – La India Elegante y el Negrito Amante, Orosman at Zafira, Abdal at Miserena, Almanzor at Rosalina atbp.

Page 57: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sa larangan ng akdang tuluyan o prosa:– Modesto de Castro – may akda ng urbano at Feliza– Vicente Garcia – nagsalin ng Pagtulad cay Cristo– Juan Evangelista – tumagalog sa Martir sa

Golgota.

• Mga Ilokanong Manunulat.– Pedro Bukaneg (1591 - 1630) – may akda ng Biag

ni Lam ang– Mena Crisologo, Leona Florentino, Isabelo de los

Reyes.

Page 58: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Mga Kapampangan Manunulat– Anselmo Fajardo – may akda ng Don Gonzalo de

Cordoba– Juan Crisostomo Soto

• Sa Kabisayaan:

- Mariano Perfecto, Magdalena Jalandoni, Pedro Monteclaro, Dionisio Gumban, Juan Villagonzalo, Martha Jalandoli, Cornelio Hilado atbp.

Page 59: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sa musika:

(Mga Pangunahing Kompositor at Musiko)– Marcelo Adonay, Jose Canseco, Bibiano Morales,

Hipolito Rivera, Andres Dancel, Ladislao Bonus atbp.

• Sa pagpipinta:

- Juan Luna, Felix Resurrecion Hidalgo, Damian Domingo, Lorenzo Guerrero, Isidro Arceo, Simeon Flores, Rafael Enriquez, Telesforo Sucgang atbp.

Page 60: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

• Sa Paglililok:– Romualdo Teodoro de Jesus, Manuel Asuncion,

Jose Arevalo, Sotero Garcia, Isabelo Tampinco at Manuel Flores.

• Si Tampinco ang naglilok ng dambana at iba pang bahagi ng simbahan ng mga Heswita.

Page 61: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya

End of Presentation