24
1

Kasanayan Sa Pagsasalita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kasanayan sa pagsasalita

Citation preview

  • *

  • PagsasalitaKakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausapKakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas*

  • Kahalagahan ng PagsasalitaNaipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalitaNagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga taoNakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinigNaibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan*

  • PagtatalumpatiMaituturing na isang uri ng siningIto ay pinaghandaan bago bigkasin sa madlaDito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinalakay*

  • Masining na PagbigkasLakas ng Pagbigkas Bilis ng PagbigkasLinaw ng PagbigkasHintoKilos at Kumpas*

  • Lakas ng PagbigkasIto ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng tinig.Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumigkasBilis ng PagbigkasIto ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas na dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas

    *

  • Linaw ng PagbigkasAng salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng tamang diin upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita

    *

  • HintoAng paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o sa katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa loob ng pangungusap ay bahagya ang paghintoKilos at KumpasUpang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan.Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang pagbigkas

    *

  • Kasangkapan ng Isang NagsasalitaKaalaman sa paksaTiwala sa sariliTindigKasanayanLugarPapel na ginagampananPaksa

    *

  • Kaalaman sa paksaMagiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan. Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang impormasyon lalo na kung may malawak din siyang talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga nakikinig o kausap ay madalas depende sa mga ebidensiya at katibayang pinanghahawakan

    *

  • Tiwala sa sariliMadalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaanIto ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyurNgunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kungdi lalo na sa madla

    *

  • TindigSa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang at pagiging interesado sa kausapLalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng nagbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpatiMadalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa kanyang paraan ng pagtindigAng pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito*

  • KasanayanNaipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili ng mga talasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapanNaihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideyaAng kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat na kilos at kumpas

    *

  • LugarNasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa eskwelahan)Papel na ginagampananAno ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs kaibigan, amo vs utusan, namimili vs nagbibili, mag-asawa, magkasintahan, magkapatid)PaksaNosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan, hanapbuhay, laro, artista, pagkain, pag-aaral)*

  • Mga Katangian ng Mahusay na TagapagsalitaKahandaanKahusayan sa Pagsasalita

    *

  • KahandaanMalalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalitaKung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinigDalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita: a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormalLayunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig

    *

  • Kahusayan sa pagsasalitaMadaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalitaIbinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang talumpatiDito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita

    *

  • Ibat ibang uri ng talumpatiImpromptuExtemporeIsinaulong talumpatiPagbasa ng papel sa panayam o kumperensya*

  • ImpromptuIto ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahandaIbinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalitaExtemporeAyon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng exte,pore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkasAng paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan*

  • Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpatiSa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lumalampas o kayay kulangin sa orasSamakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang orasAng ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksaIbig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tagapagsalita ng ibat ibang pagtalakay tungkol sa magkaparehong paksa*

  • Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksaIsinaulong talumpatiSa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpatiSamakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati*

  • Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensyaMakikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensyaAng pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan*

  • *

    Tsart ni Gordon Wells kaugnay sa tungkulin ng komunikasyon at gawi ng pagsasalitaTungkulin ng KomunikasyonGawi ng PagsasalitaA. Pagkontrol sa Kilos o Gawi ng IbaPakikiusap, pag-utos, pagtanggi,pagmumungkahi,pagbibigay babalaB. Pagbabahagi ng Damdaminakikiramay, pagpuri, paglibak, paninisi, pagsalungat

  • *

    C. Pagbibigay o Pagkuha ng Impormasyonpag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagotD. Pagpapanatili sa Pakikipagkapwa at Pagkakaroon ng InteraksyonPagbati, pagpapakilaa, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhinE. Pangangarap at PaglikhaPagkukuwento, pagsasatao, paghula, pagsasadula

    *