"KASAL" by kristian suratos

  • Published on
    12-Nov-2014

  • View
    702

  • Download
    13

DESCRIPTION

violent,gory,crazy,ghosts,horror,spirit,phantom,mysterious presence,ghoul,complicated,madness,aggressive,brutal,fierce,cruel,sadistic,fatal,vicious,cruel,bloody,vehement,forceful,intense,furious,strong,slaughter,savagery,short story,massacre,execute, kristian suratos,suicidal,hopeless,depress,killings,first work,

Transcript

KASALBy: Jan Kristian SuratosINTRODUCTIONNarrator: Ano nga ba ang sukob? Sabi raw ng ating mga nakatatanda, kapag ang magkapatid ay nagpakasal sa loob ng isang taon, sila ay mamalasin. Meron namang nagsasabing bawal rin magpakasal kapag ang isang kapamilya ay patay sa panahon na iyon. Marami ng mga Pilipinong hindi naniniwala sa Sukob pero may roong maliit na persyentong naniniwala pa. Ngunit, itoy isang pamahiin lamang na hindi natin dapat seryosohin, hindi ba? (Fade) Narrator: Sa ilalim ng mga mabibigat na ulap ng ulan, merong isang maliit na subdivision sa Manila. Duon nakatira ang magkaibigang Luisa at Sally. Nagsimula ang kanilang pagkaibigan nuong bata pa sila, kaya halos magkapatid na ang turing nila sa isat isa. Ngunit sa isang pagkakataon magbabago ang lahat. Tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan nila

INarrator: Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan sa parke, biglang dumating si Jakob, ang isang matangkad na lalaki. Ngumiti ang dalawang dalaga habang tinitingnan ang binata. Muling tumibok ang puso ni Sally habang minamasdan niya si Jakob, ang binata ay ang pinaka-unang pag-ibig niya. May lihim siyang

pagtinigin sa lalaking ito. Ito ang tanging sikretong hindi niya sinasabi kahit kanino man, kahit sa kanyang itinuturing kapatid na si Luisa. Luisa: Ah, Sally, meet Jakob pala, my boyfriend! Sally: Ha? Boyfriend mo siya? Luisa: Nagulat ka, noh? Siyempre. Alam kong hindi mo akalaing ang pinakaguwapong lalaki dito ay magiging labidabs ko. Hindi ba, honey? Jakob: Huh? Ay, hehe, oo naman love (Nakatingin kay Sally) Sally: (Nakangiti) Hmmm Jakob, bakit parang paimiliar ang pangalang iyonhmmm Bakit kaya Jakob: Kaklase kita noong elementary pa tayo. Naalala mo pa? Sally: Hindi masyado. Could you refresh me? Jakob: (Nakangiti) Hay. Sure, ako yung batang lalaking lagi nagaasar sayo noon. At lagi mo nga akong kinukurot at tinatawag na Sally: Jakobina. Oo, naalala ko na, Jakob Eduard Perez. Jakob: Kilala mo naman pala ako eh. Ikaw talagang babae ka. Sally: Of course, ikaw ang seatmate ko hanggang naggraduate tayo. How could I ever forget you. I will never fail to remember such a face. Maaalala kita kahit ano pa man ang mangyari sa akin o sayo, Jakob. Jakob: (Nakatingin kay Sally) Wow, ang lalim nun, ha. Dont worry, I miss you too, Sally. Luisa: Ehem! May tao pa kaya dito! Jakob: (Yinakap si Luisa) Ay, sori. Pasensya na, teddy bear. Sally: (Nanahimik na lang.) Narrator: Dahil sa madalas na pag-gimmick ni Sally kay Luisa habang kasama si Jakob, mas lalo pang namuo ang labis na pagmamahal niya sa binata.

IINarrator: Sa isang kapani-panibagong panahon, nagkita ang dalawang dalagita sa Starbucks. At dahil may inasikasong ibang bagay si Jakob, hindi siya nakasama sa kanila.

Sally:

Luisa:

Sally: Luisa: Sally: Luisa:

(Nagiinom ng kape) O, Bakit mukhang ang saya-saya mo diyan? Kulang na lang tumalon kia diyan sa upuan mo. Ay, hihi Monthsary kasi namin kahapon ni hon. Tingnan mo, rinegalohan niya ako ng singsing. (Ipinakita ang singsing sa daliri) Ang ganda-ganda, noh? Original iyan, hindi iyan binili sa mga Muslim. Grabe ka naman, hindi lahat ng tinda ng mga Muslim peke. Anyway, pakita nga. (Tinanggal ang singsing at iniabot kay Sally) O, ingatan mo iyan. Masmahal pa iyan sa buhay mo. (Isinukat ang regalo ng kanyang ibig sa sariling daliri, iniisip na para sa kanya dapat iyon) O, tama na iyan. Akin na, baka madumihan pa.

IIINarrator: Pagkalipas noon, matagal ng hindi nagkita ang magkaibigan. Dahil doon, nagsimula ng magdalawang isip si Sally kung ipagtatapat na niya ang nararamdaman sa kababata. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasalubong sila Jakob at Sally. Agad namang yinaya ng binata ang dalaga na kumain sa isang restaurant. Sa labas ng kainan Sally: Jakob, ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko para sa iyo. Alam ko na kahit nasa puso ka ng aking pinakamatalik na kaibigan, hindi pa rin kita maalis dito. (Hinawakan ang dibdib) Araw-araw kitang naiisip at naaalala, and it hurts so much to know that you already belong to someone else. Please, bago ka mag-react, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Oo, totoo yung mga narinig mong mga tsismis nung bata pa tayo na crush kita! Totoo iyon, Jake! At hindi tumigil ang pagmamahal na iyon. Hanggang ngayon, tumitibok pa rin ang aking puso para lang sayo. Sana nauunawaan mo ako! Jakob: (Hinawakan ang kamay ni Sally) Sally, naiintindihan kita dahil nararamdaman ko rin ang mga iyon. Tuwing

Sally: Luisa:

Sally:

Luisa: Sally: Luisa:

Sally: Jakob:

sumasapit ang umaga, ikaw lang ang aking naaalala. Tama ka nga, mahal ko si Luisa pero hindi ng buong puso. Akala ko noon, siya na ang aking nararapat na maging kasintahan, ngunit may nararamdaman akong harang na pumipigil sa akin na mahalin ko siya ng lubos. Sabi ko sa sarili ko, bakit parang may kulang sa akin, kahit kasama ko na si Luisa parang hindi pa rin ako masaya. Ngunit ngayon, alam ko na kung bakit. Ikaw pala ang dahilan ng lahat. Ikaw ang kulang na piyesa sa aking buhay. Ikaw lamang ang nakakapagtibok ng aking puso at wala ng iba. You complete me, Sally. Without you I feel nothing, but when youre here with me I feel everything. (Hinawakan ang pisngi ng babae) I love you. (Hinawakan naman ang kamay ni Jakob) I love you, too. Kailangan na nating ipagtapat ito kay Luisa. (Nagpakita sa likod ng mga halaman) Hindi na kailangan! Mga lapastangan kayo! Walang kwenta! Mga ahas! Lalo na ikaw, Sally! Itinuring kita ng isa kong kapatid, tapos ganito ang gagawin mo sa akin! Wala kang hiya! Ako naman talaga ang nauna kay Jake, ha! Matagal kong kinimkim ang nadarama kong ito kapag nakikita ko kayong dalawa! Alam ko na doon ka sasaya Luisa! Alam ko iyan, dahil parang na rin ikaw kapatid ko. Ngunit hindi hahayaan na hindi ko maibulaslas ito! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dahil masasaktan ka lang. Kahit papaano, best friend pa rin kita. Oo na, alam ko na ang lahat. Sorry Jakob, its over. Okay, magsama kayong dalawa! (Umalis habang umiiyak) Huwag, Luisa! Hintay! (Tinigil si Sally) Wag mo na. Hayaan mo na siya. Marahil hindi na niya tayo mapapatawad.

Narrator: Tatlong taon na ang nakalipas, wala ng koneksyon sa isat isa ang magkaibigan. Naging executive producer ng pelikula samantala si Sally naman ay isa ng assistant manager ng isang kumpanya. May mga sariling buhay na sila at pareho ng may asawa at sariling bahay. Si Luisa ay napangasawa ng direktor ng pelikulang prinoduce niya. May anak na rin sila.

IVNarrator: May bagong proyekto ang mag-asawang Direk Mateo at Luisa. Gumagawa silang pelikulang kailangan ng produkto ng kumpany nila Sally. At sa set mismo nagkita uli ang dating magkaibigan Luisa: Hoy, babae! Anong ginagawa mo sa set nitong pelikula? Umalis ka nga dito, baka masira mo pa ang mga equipment sa camera. Sally: (Nakatalikod kay Luisa) Madali lang po ito, maam. May isinusulat kasi ako para kay boss eh. Luisa: (Hinawakan sa balikat) Sinabi ng umalis, eh. Kung hindi ka aalis tatawag ako ng security. Sally: (Kinuha ang gamit at humarap) Ay huwag na ho. Aalis na po ako Luisa: (Nagulat) Sally?! Sally: (Aalis na sana ngunit pinatigil ni Luisa, dahan-dahang humarap siya uli) Sorry Luisa dun sa ginawa ko sa iyo. Sinira ko buong buhay mo at pinerwisyo ko ang pamilya mo. Luisa: (Hingang malalim) Hay naku, bes. Kung napatawad ka na ng Diyos, wala na ako magagawa niyan. Kalimutan na lang natin ang nakaraan, okay? So, ano, lets start all over uli tayo. Hi, my name is Luisa can you be my bff? Sally: (Yinakap si Luisa ng mahigpit na mahigpit) Why wouldnt I? Narrator: Sa opisina ni Luisa Luisa: O, kamusta na ang buhay?

Sally:

(Ipinakita ang singsing) As you can see, Im already a married woman. Luisa: (Ngumiti) Kay Jake? Sally: Kanino pa naman ba? Pagkatapos ng lahat. Luisa: (Natahimik, kahit papaano nasaktan pa rin siya) Sally: Ay, sorry. Luisa: Hindi, okay lang. Kasal na rin kaya ako. May anak na nga. Sally: So whos the lucky man? Luisa: Si Mateo. Sally: Oo? As in si Direk Mateo P.? Luisa: Oo naman. Sino pa ba ang Mateo dito na pede ko mapakasalan? Sally: Sabagay. Luisa: Hay. Alam mo namiss kita, Sally. Sally: Ako rin nga. Siguro, kung may oras kayo, punta kayo sa bahay. Luisa: Sure. Narrator: Ngunit hindi na natuloy ang plano ng magkaibigan. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng kumplikasyon sa paghinga ang siyam na buwang gulang na anak nila Luisa. Hindi nagtagal ay sumakabilang-buhay din ang bata.

VNarrator: Sa burol ng sanggol, dumating ang dalawang kapatid ni Luisa na sina Mary at Joyce. Nakiramay rin ang tiyain nila na si Tita Laura. At sa tabi ng kabaong ng bangkay ay ang nanghihinang si Luisa. Mateo: Luisa, honey, magpahinga ka muna. Pagod ka na. Ako na muna ang magbabantay. Tita Laura: Mabuti nga at magpahinga ka na. muna, anak. Kumain ka

Narrator: Sa oras din yung, dumating ang mag-asawang Sally at Jakob

Sally: Jakob: Luisa: Sally:

Luisa, Mateo makikiramay kami. Pare, Luisa (Yinakap si Sally, at naghagulhol) Ang sakit hindi ko matanggap Shhh Tahan na

VINarrator: Pagkalipas ng ilang oras, nagpahinga muna si Luisa. Napansin naman ni Sally na isang bata ay nagwawalis. Agad-agad naman niya itong pinahinto. Sally: Bata, halika nga. Bata: Ako po? Sally: Oo, ikaw. Yung nagwawalis. Bata: (Lumapit kay Sally) Ano po ba, ate? Sally: Hindi mo ba alam na bawal magwalis sa loob dahil may patay? Bata: (Kumakamot sa ulo) Bakit naman po? Madumi na kasi dito, eh. Sally: Kahit na. Akin na nga iyan. (Kinuha ang walis sa bata) Bata: Sorry po,ate. Gusto ko lang po kasi maging malinis itong lugar. Sally: Hayaan mo na. Lilinisan na lang natin ito kapag tapos na ang lamay. Okay? Bata: Opo.

VIINarrator: Pumasok sa CR si Tita Laura upang maghugas ng kamay ngunit nakita niya ang magkapatid na Mary at Joyce na nanunuklay at nananalamin. Laura: Hoy, mga babae! Di ba sabi ko, huwag manuklay at manalamin sa harap ng patay? Ano ba naman kayo? Mary: Ay sorry ho, tita. Joyce: (Nanunuklay pa rin) Sus naman si tita, naniniwala pa rin kayo sa mga pamahiin. Ang korni na niyan ngayon. Mary: Joyce, ano ba? Tigilan mo na yan na panunuklay mo.

Joyce: Mary: Joyce: Laura:

Grabe talaga, pati ikaw naniniwala ka na rin. Konting respeto naman sa patay, ate. O sige na nga. Ang korni niyo talaga. Mga bata talaga ngayon, hindi mapagsabihan ng isahan.

VIIINarrator: Pagkalipas ng libing ng anak ni Luisa, nagsisimula na siyang kalimutan ang nangyari sa anak ngunit wala pa ngang sampung araw ng biglang may narinig na malakas na sunod-sunod na katok sa pinto nila. Binuksan niya ito at nakita si Sally Sally: Luisa! Luisa! Dalian mo! Sina Mary at Joyce nagkulong sa kuwarto! Paulit-ulit silang sumisigaw! Luisa: Ha? Ano ba ang nangyayari, Sally? Sally: (Hinila ang kamay ni Luisa) Basta, sundan mo ako! Narrator: Dali-daling tumakbo sila papunta sa apartment ng magkapatid, nasa third floor pa. Nang nakarating ana sila, nakita nila ang mga taong nagkukumpol-kumpol sa labas ng kuwarto. Tama nga si Sally, rinig na rinig ang mga sigaw ng mga dalagita sa labas. Luisa: (Kumakatok) Mary? Joyce? Ano ba? Buksan niyo itong pinto! Mary: Aaaaah! Ate huwag! HUWAG! (Sigaw) Luisa: Mary! Anong nangyayari? Mary: AAAAAaaaah! Tulong! TULONG!! Ang buhok ko! Luisa: Mary! Joyce! Buksan niyo itong pinto ngayon din! Joyce: Hahahaha!! Mary: AAAAaaaaaaaHhh! Ate Joyce, huwag na po! Tama na! Joyce: Bwuhahahahaha! Luisa: (Sa mga tao) Tulungan niyo akong buksan ang pintong ito! Mary: Aaaaah! Tama na Ate Joyce! Pawang awa mo na! Sally: Ayaw mabuksan! Luisa: Saklolo! Tulungan niyo po kami! Mga kapatid ko! Pinapatay sila!

Jakob: Sally:

Anong nangyayari dito? Jakob! Salamat nandito ka! Tulungan mo kaming buksan itong pinto! Jakob: (Sinipa ang pinto) Narrator: At duon nila nakita ang nangyayaring eksena sa loob ng kuwarto ng magkapatid. Si Joyce ay mukhang nakapulupot sa kanyang kapatid na si Mary, napuno ang kuwarto ng dugo ni Mary. At dahil nakatalikod sila sa pinto, hindi masyado nakikita ang ginagawa ni Joyce. Gumagalaw ng mabilis ang kamay ni Joyce at mukhang may tinatanggal sa ulo ni Mary. Joyce: Hahahaha! Mary: (Mahina na ang boses) Ate Luisa: Joyce! Anong ginagaw mo?! Bitawan mo si Mary! Joyce: (Tumingin sa kapatid) Hahahaha! Luisa: Ano iyan sa kamay mo? Joyce: (Itinaas ang hawak-hawak na pinutol na mga buhok ni Mary, may kasama pang balat at may tumutulo pang dugo) Hahahahaha! (Natumba si Mary, patay. Wala ng buhok siya at nakikita na ang parte ng kanyang bungo.) Luisa, Sally: (Nagulat at sumigaw) Joyce: (Lumingon sa bintana) Aaaah! Ang ganda ng reflection ko! (Tumakbo papunta sa bintana) Jakob: Huwag, Joyce! Huwag! Joyce: Ahihihihi! (Dire-diretsong sinalubong ang bintana. Nabasag ang salamin at nahulog siya) Luisa: (Natulala) Sally: (Sumigaw) Joyce!!! Jakob, tawag ka na ng pulis! Jakob: Oo. Luisa: (Paulit-ulit na sinasabi) Patay na sila ko. Mga kapatid

XI

Narrator: Hindi pa nagtagal, binigla naman ang pamilya ni Luisa ng balita na namatay ang isang bata na nakiramay sa kanila nuon dahil nadurog ang ulo nito pagkatapos hampasin ng ilang beses ang ulo ng bata ng isang baliw gamit ang isang walis tambo. Nakilala naman ito ni Sally kaagad dahil ito yung bata na nagwalis sa lamay. At dahil sa mga sunod-sunod na nangyayaring hindi maintindihan, napilitan ang pamilya na humingi na ng tulong sa isang manghuhula. Damin: Anong kailangan niyo dito? Sarado na kami. Sally: Sarado? Umaga pa lang ho. Damin: Ano pakialam mo, iha. Kapag sinabi kong sarado, eh di sarado kami. Sally: Hihingi lang sana kami po ng payo at tulong. Damin: Ano ba ang hindi mo naiintindihan, ha? Sarado nga kami! Sally: Hoy! Babayaran ka na lang ---! (Tinigil ni Luisa) Luisa: Pagpasensyahan niyo na po kami. Ngunit, kinakailangan ho talaga naming ang iyong tulong. May nangyayari po sa amin na hindi naming po naiintindihan. Sunod-sunod pong namamatay ang aming mga kakilala sa hindi malamang dahilan. Please po, hinihingi lang po naming ang iyong konting oras. Damin: (Hingang malalim) O, sige. Upo na kayo. May sasabihin ako sa inyo. Sally: Ano iyon? Damin: Pagpasok pa lang ninyo, may naramdaman na akong pagkakaiba. Biglang lumamig ang hangin at parang dumilim ang silid na ito. Kaya ayaw ko sanang papasukin kayo. Luisa: Ano po ang ibig sabihin nun? Damin: May dala kayong masamang presensya o merong sumusunod na masamang maligno sa inyo. Ngunit hindi ako nakakasegurado dahil pilit niya akong hinaharangan na makapasok sa inyong isipan. Damin: Kailan at saan ba kayo kinasal?

Sally:

Nuong September 16, 2007 ho, duon sa cathedral malapit sa aming bayan sa Manila. Damin: At ikaw, iha? Luisa: June 6, 2007, sa Manila Cathedral din po. Damin: Parang alam ko na kung ano ang sanhi ng mga problema niyo. Magkapatid ba kayo? Dahil kung oo, malaki ang posibelidad na nasukob kayong dalawa. Sally, Luisa: Ha? Hindi po kami magkapatid. Damin: Baka naman magpinsan kayo? Sally, Luisa: Hindi po. Wala po kaming relasyon sa isat-isa. Magkaibigan lang ho kami. Damin: Sigurado kayo? Malakas kasi ang kutob ko na nasukob kayo. Sabay pa naman kayo kinasal sa loob ng isang taon at sa is...