Click here to load reader

KAKAYAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO: SUSI SA

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of KAKAYAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO: SUSI SA

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/348349990
Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa
Gramatika ng mga Mag-aaral
1 author:
Some of the authors of this publication are also working on these related projects:
Kabisaan ng mga KAN (Kontekstwalisadong Akdang Naratibo) sa Pagkatuto ng mga Pokus ng Pandiwa ng mga Mag-aaral View project
Rey Mark Ibay
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by Rey Mark Ibay on 09 January 2021.
The user has requested enhancement of the downloaded file.
KAKAYAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO: SUSI SA PAGPAPAYAMAN NG
KAALAMAN SA GRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL
ni:
2020
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas kakayahan ng mga guro
sa Filipino at kung paano ito nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika
ng mga mag-aaral. Konteksto ng pag-aaral ang mga ginagawa ng mga guro sa pagtuturo
ng Filipino at ang mga pagtugon sa pangangailangang kakayahan sa Gramatika.
Isinagawa ang pag-aaral sa mga paaralan ng ika-7 Klaster ng Sangay ng
Pampanga. Ginamit ang talatanungang pagsusulit sa pagtukoy sa kakayahan ng mga guro
sa Morpolohiya at Sintaks, at ang talatanungang sarbey sa paglikom ng datos hinggil sa
mga kaparaanang ginagawa at mga pagtugon sa pangangailangan ng mga guro sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral at sa pagpapataas
ng kanilang kakayahan sa Gramatika.
Natuklasan sa pag-aaral na nasa katamtamang husay ang antas ng kakayahan ng
mga guro sa Gramatika. Sa kabila man ng kahirapan nila sa Sintaks, nagiging maparaan
sila at madalas na nagsisikap upang matugunan ang kaalamang panggramatika ng
kanilang mga mag-aaral maging ng kanilang kakayahan rito.
Maikling Panimula
Pangunahing tungkulin ng mga guro sa pagtuturo ng wika ay ang balarila o
gramatika. Ito ay ang pangangalaga sa kawastuhan sa malinaw na pagpapahayag. Ang
isang mag-aaral ay dapat marunong sa mga tuntuning pangwika sa pagpapahayag upang
magamit nang wasto ang wika, pasalita o pasulat man. Samakatuwid, kailangang
malinang ang kanyang kakayahang panggramatika tungo sa pagkakaroon ng kakayahang
komunikatibo. Ang kaalaman ng mga mag-aaral ay maaaring may kinalaman sa
kakayahan din ng mga guro.
Samantala, isang malaking hamon para sa mga guro sa pagpapalaganap at
pagpapahalaga sa wikang Filipino ang lumabas na Commision on Higher Education
(CHEd) Memorandum blg. 20, serye ng 2013. Itinatakda nito ang pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo upang makisabay sa kahingiang pandaigdig ang mga
Filipino na naaayon sa mga dapat matutuhan sa tinatahak na kurso ng mga mag-aaral.
Dahil dito, lumabas sa pag-aaral na ang pag-alis ng nasabing asignatura ay
maaaring makaapekto sa kaalamang pangwika ng mga mag-aaral na magbibigay
hangganan sa pag-aaral dito at magbubunga ito ng kawalan nila ng interes na payabungin
ito. Ito ang mga dahilan ng hindi pag-sang-ayon ng mga mag-aaral ukol sa isinasaad ng
memorandum (Inocencio, Amurao, Felomina, Francisco, Gubatan, Geuvarra, Holgado,
Hongco, Honda, Tenorio, 2017).
Maraming pamamaraan sa pagpapayaman ng kakayahang panggramatika ng mga
guro sa Filipino. Marami nang mga naglabasang mga sanayang aklat na makatutulong sa
2
paglinang ng kakayahang pangwika na magagamit sa kani-kanilang pagtuturo. Hindi
sapat na umasa sa mga natutunan sa kolehiyo bagkus lubos pang mapauunlad ang sarili
kung dadalo sa iba’t ibang mga pagsasanay, palihan, pagtamo ng antas gradwado at iba
pa.
Sa katunayan, kahit ang gurong hindi medyor sa Filipino ay may kakayahan ding
ituro ito sa kani-kanilang mga klase sa kadahilanang nagkaroon na ng karanasan at
kaalamang pangwika sa dami ng bilang ng taong itinuturo ito. Ngunit, hindi pa rin sapat
ang kaalamang nakukuha ng mga mag-aaral. Ang kakulangan sa mga dalubwika o guro
sa Filipino ang nagiging dahilan ng paglaganap ng ganitong sitwasyon sa mga paaralan
ngayon sa DepEd.
Ang mga nabanggit na mga kalagayan sa mga pampublikong paaralan ang mga
naging sandigan at batayan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. Maaaring
hindi na mapababago ang polisiya ng DepEd sa pagtanggap sa mga aplikanteng guro at
ang mismong pagbibigay ng asignaturang dapat ituturo batay sa kanilang pinag-aralan
dahil ang layon ng ahensya ay maparami ang bilang ng mga guro na makapagtuturo sa
patuloy na pagdami ng bilang ng mga mag-aaral. Marami man ang nakakakitang
suliranin ito ng kagawaran subalit isa pa rin itong solusyon sa pagtugon sa pangangailang
guro ng bansa.
Nilalayon ng mananaliksik na matukoy ang antas ng kakayahan ng mga guro sa
Filipino at kung paano ang mga ito nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa
Gramatika ng mga mag-aaral. Tutuklasin ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro at
ang mga pangangailangan nila tungo sa pag-abot ng kahusayan sa pagtuturo at pag-aaral
ng Gramatika.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang pangunahing tanong na:
“Paano nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalamang panggramatika ng mga mag-aaral
ang kakayahan ng mga guro sa Filipino?
Sinikap na matugunan ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
1. Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino batay sa:
1.1. Morpolohiya
1.2. Sintaks?
2. Ano ang mga suliranin ng mga guro sa Gramatika batay sa:
2.1. Morpolohiya
2.2. Sintaks?
3. Ano ang mga kaparaanang ginawa ng mga guro sa Filipino sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral?
4. Paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro sa kakayahan
sa Gramatika?
Pinagsamang mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ayon sa DepEd Order blg. 7, serye ng 2015, pinaniniwalaang higit na nakasalalay
sa kakayahan ng mga guro ang tagumpay ng anumang sistema ng edukasyon. Kaya
naman, isa sa mga pangunahing isinasaalang-alang nito sa pagpapalaganap ng
malawakang pagpapatupad ng K-12 kurikulum ay ang pagkuha at pagpili ng mga guro
3
para sa mga pampublikong paaralang primarya at sekundarya. Tatayahin at pipiliin ang
mga guro batay sa pamantayang:
Talahanayan 1
Pamantayan sa Pagpili ng mga mga Guro (DepEd Order blg. 7, serye ng 2015)
Pamantayan Puntos
Panayam
Pakitang-Turo
Kabuuan 100
Dahil dito, makikita na hindi basta-basta kumukuha bagkus ay sistematiko at
obhektibo ang pagtanggap sa mga aplikanteng guro. Bukod pa rito, masasabing matatasa
ang kakayahan sa komunikasyon at sa pagtuturo ng mga guro at masasabing sila’y
mayroon ng kahandaan na daraan sa proseso ng pagtanggap ng kagawaran sa mga guro
saan mang pampublikong paaralan.
Sa kasalukuyang pag-aaral, ang mga guro na magsisilbing respondente ay mula sa
mga pampublikong paaralan na natasa mula sa nasabing pamantayan sa pagpili at
pagtanggap ng aplikenteng guro sa DepEd, Sangay ng Pampanga. Ang mga nabanggit na
pamantayan ay kinakailangan ng mahusay na kakayahang panggramatika ng guro sa
pagkakaroon ng kaalamang panggramatika ng mga mag-aaral.
Kung pag-uusapan ang mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, ito ay
nakabatay sa salik-pangguro na nakaaapekto sa mabisang pagtuturo at ito ay ang mga
sumusunod: Nagtuturo ng asignaturang Filipino kahit hindi ito ang medyor, at madaling
naiintindihan ang asignaturang Filipino kaya hindi na nag-aaral nang malalim sa
pagtuturo (Abagon, 2013).
Samantala, inisa-isa ni De Juan (2016) ang ilang mga suliranin ng guro sa
pagtuturo ng wikang Filipino. Una, ang kamalayang makadayuhan sa
pakikipagtalastasan. Ikalawa, kakulangan nila ng kaalaman sa mga teknik o estratehiya sa
larangan ng pagtuturo ng pagsulat. Ikatlo, ang kakulangan ng kaalaman sa istrukturang
gramatikal (pagbabaybay, gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita). Ikaapat, ‘di
lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo. Ikalima,
hirap sa pagtuturo ng mga matatalinhagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral, at ang
panghuli, ang kakulangan ng kaalaman sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa
pagtaya sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik, ang ikatlo hanggang ikalimang
suliranin ang tutuklasin at bibigyang solusyon para sa mga guro sa Filipino . Inalam ang
mga suliranin ng mga guro sa pamamagitan ng pagtataya sa kanilang kakayahang
panggramatika. Subalit, ang nasabing unang dalawang suliranin ay naiiba sa pag-aaral
dahil nakapokus ang mga suliranin na ito sa estratehiya sa pagtuturo ng guro sa Filipino.
4
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ni Domingo (2017), bahagi ng kurikulum ang
wikang Filipino sa Unibersidad ng California sa Los Angeles (UCLA). Natuklasan na
kapwa ang mga guro at mag-aaral ay may mga hamon sa pagkatuto ng wikang Filipino at
ito ay ang mga sumusunod: morpolohiya, sintaksis, kaukulan, aspekto, pokus at panagano
ng pandiwa, at ang paggamit ng pang-angkop. Sa madaling sabi, ang pagtuturo ng mga
guro sa ikalawa o ikatlong wika, mga banyaga at mga Heritage language ay
nangangailangan ng masinop, maingat, at sistematikong pagkakasunud-sunod ng mga
paksain sa nilalaman at kultura hindi lamang ng leksiyon sa gramatika upang hindi
malunod sa dami ng maliliit na detalye ng paggamit ng pang-angkop, pagkasunud-sunod
ng ingklitik sa isang pangungusap, mga pananda ng pangngalan, at iba pa na dapat
pagtuunan ng pansin upang kuminis ang wika at epektibong makipagtalastasan sa wikang
Filipino.
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ni Cortez (2011), may mga
kwalipikadong guro at may kakayahan sa pagtuturo ngunit mayroon ding mga gurong
mahina ang kakayahan at hindi sapat ang kaalaman sa tiyak na asignatura na kanyang
itinuturo. Subalit, natuklasan na ang mga guro sa Filipino ay itinatama ang mga
nakikitang kamalian sa Gramatika ng mga mag-aaral ngunit hindi pa rin sapat ang
kanilang mga kaalamang naibabahagi upang maging karapat-dapat ang isang mag-aaral
na magtapos sa isang lebel ng sekondarya upang makaakyat sa malawak na mundo ng
antas kolehiyo.
Nilinaw nina Alejo, Balana, at Bas (2015) na magkaiba na ang pokus sa pagtuturo
ng wika. Noon, kaalamang istruktural o kayarian ng wika ang pinagtutuunan ng pansin
subalit ngayon ay paglinang na ng kahusayan sa paggamit nito, kasanayang
pakikipagtalastasan o ang kakayahang komunikatibo.
Kaugnay ang ideya na ito sa pag-aaral ng mananaliksik dahil layon nito na tasahin
ang kakayahan sa Morpolohiya at Sintaks ng mga guro na nasa pag-aaral ng kayarian ng
wika. Bukod dito, upang lubos na masukat ang kakayahang komunikatibo ng mga guro at
mag-aaral ay kailangang matasa ang kanilang kakayahan sa Gramatika gamit ang
pagsusulit na ginamit ng mananaliksik tungo sa komunikatibong kakayahan.
Dagdag pa ni Ferrer (2019), dapat maging aktibo sa pagbabasa ang mga mag-
aaral ng iba’t ibang panitikang Filipino upang mas lumawak ang kanilang nalalaman sa
mga bokabularyo. Mainam din para sa kanila ang pagbabasa ng diksyunaryong Filipino
para sa mas ikauunlad pa ng kanilang bokabularyo.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Pangunahing disenyo ng pag-aaral ang palarawang pamamaraan sapagkat
ilalarawan ang kakayahang panggramatika ng mga guro sa Filipino at kung paano ito
nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral.
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 49 na mga guro sa
Filipino sa ika-7 klaster sa Sangay ng Pampanga sa mga paaralan. Ginamit ang
Convinience Sampling Technique sa pagpili ng mga respondente sapagkat malapit ang
mananaliksik sa mga paaralan ng ika-7 klaster at madaling malilikom ang mga datos
hinggil sa pag-aaral.
Nahahati sa apat na bahagi ang talatanungang gagamitin ng mananaliksik para sa
mga guro bilang instrumento ng pag-aaral. Una, ang talatanungan na tseklis na lumikom
ng datos ukol sa profayl ng mga guro sa Filipino, ang edad, kasarian, pinakamataas na
edukasyong nakamit, medyor, bilang ng taon na nagtuturo ng asignaturang Filipino, at
5
posisyon sa pagtuturo. Ang ikalawang bahagi naman ay isang pagsusulit na nagtaya sa
kakayahan sa Gramatika ng mga guro sa Filipino batay sa morpolohiya at sintaks. Ang
pagsusulit ay binubuo ng 60 puntos para sa mga guro sa Filipino. Ang ikatlong bahagi
naman ay tungkol sa mga pagsisikap na ginagawa ng mga guro sa pagpapayaman ng
kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral, at ang panghuli, ang paglikom ng
datos hinggil sa mga pagtugon sa mga pangangailangan ng mga guro sa pagpapataas ng
kanilang kakayahan sa Gramatika.
Sinikap ng mananaliksik na maghanap ng mabisa at balidong mga tanong para sa
pagtataya bilang instrumento sa pangangalap ng datos sa pag-aaral. Ang bahaging
pagtataya sa talatanungan na ginamit ng mananaliksik ay binubuo ng mga aytem sa bawat
pagsusulit na halaw mula sa internet ngunit upang makitaan nang kabisaan ito,
kinailangan pa ring dumaan sa proseso ng balidasyon kahit na ito ay hango kina Nabbil
Abbas, Leo Ricafrente (2010), Pia Noche (2014) at Anne Sibayan (2014).
Bukod pa rito, bumuo ang mananaliksik ng talatanungang sarbey na nagtaya at
naglalarawan sa kakayahan, mga pagsisikap at mga pagtugon sa pangangailangan ng mga
guro na mga respondente ng pag-aaral sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa
Gramatika. Ang bahagi ng talatanungan na ito para sa mga guro ay inilapit, isinangguni at
ipinasuri sa tagapayo upang maging balido.
Samantala, bumuo ang mananaliksik ng Talaan ng Ispesipikasyon (Table of
Specification o TOS) at nagsagawa ng pilot testing ng dalawang instrumento sa mga guro
mula sa ibang paaralan na hindi bahagi ng pag-aaral upang mapagtibay lalo ang
balidasyon. Bilang pagpapatibay, isinangguni ang resulta nito sa mga eksperto o mga
batikang guro sa Filipino mula sa iba’t ibang paaralan.
Upang maisagawa nang maayos ang pagbibigay ng kahulugan sa mga nakalap na datos,
ang mananaliksik ay gumamit ng istadistikong hinihingi ng isinagawang pagsusulit at
pagtataya upang maging malinaw at makabuluhan ito.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang STATA Program na katumbas din ng resulta ng
SPSS bersyon 24 at ginamit ang mga palarawang istadistiko tulad ng dalas (frequency),
bahagdan (percentage), at promedyo (mean).
Ginamit ang dalas o dami (frequency) at bahagdan (percentage) sa pag-aanalisa
ng datos hinggil sa demograpikong profayl ng mga respondenteng mga guro batay sa
edad, kasarian, pinakamataas na edukasyong nakamit, medyor, bilang ng taon na
nagtuturo ng asignaturang Filipino, at posisyon sa pagtuturo.
Ginamit naman ang promedyo (mean) sa pagtukoy sa antas ng kakayahan sa
Gramatika ng mga guro sa Filipino, mga suliraning panggramatika, mga pagsisikap na
ginagawa sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral, , at ang mga
pagtugon na maaari nilang gawin sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa Gramatika.
Ang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit sa paglalarawan sa antas ng kakayahan
sa Gramatika ng mga guro sa Filipino batay sa isinagawang pagtataya o pagsusulit:
Iskala Markang Katumbas Deskriptibong katumbas Interpretasyon
4.20 – 5.00 - 90-100 - Napakataas Napakahusay
3.40 – 4.19 - 85-89 - Mataas Mahusay
2.60 – 3.39 - 80-84 - Katamtaman Katamtamang Husay
1.80 – 2.59 - 75-79 - Di-gaanong Mababa Di-gaanong Mahusay
1.00 – 1.79 - 74 pababa - Mababa Hindi Mahusay
6
Samantala, ang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit sa paglalarawan sa pagsisikap
na ginagawa ng mga guro sa pagpapataas ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga
mag-aaral:
3.41 – 4.20 - Madalas
2.61 – 3.40 - Minsan
1.00 – 1.80 - Hindi
Ang isa pang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit naman sa paglalarawan sa mga
pagtugon sa pangangailangang kakayahan sa Gramatika ng mga guro:
Iskala Deskriptibong katumbas Interpretasyon
3.41 – 4.20 -Pangunahin Kailangan
Kinalabasan ng Pag-aaral
1. Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino batay sa Morpolohiya at
Sintaks?
Napatunayan sa pag-aaral na ang mga guro sa Filipino ng ika-7 klaster ay
nagtamo ng mataas na marka at mahusay na antas ng kakayahan sa Gramatika sa
bahaging Morpolohiya na may promedyong 4.12, ngunit mababa ang kanilang natamong
marka at mailalarawan na hindi sila mahusay sa Sintaks na may promedyong 1.71.
Gayunpaman, lumalabas na ang kanilang antas ng kakayahan Gramatika ay may
promedyong 2.65 na nasa katamtaman at nangangahulugang may katamtamang husay.
2. Ano ang mga suliranin ng mga guro sa Gramatika batay sa Morpolohiya at
Sintaks?
Lumitaw sa pag-aaral na ito na ang mga guro sa Filipino ng ika-7 klaster ay
nakararanas ng kahirapan sa pokus ng pandiwa wastong gamit ng mga salita, at sa
kawastuhan ng pangungusap. Sa madaling sabi, sila ay may suliranin pagdating sa
Sintaks at batay sa nalikom na datos ay hindi sila mahusay rito. Sa kabilang banda, wala
namang natuklasang suliranin sa Morpolohiya ang mga guro sapagkat ang kanilang antas
ng kakayahan dito ay mataas at nangangahulugang may mahusay na kakayahan.
3. Ano ang mga kaparaanang ginawa ng mga guro sa Filipino sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral?
Ang lahat ng aytem sa talatanungan ay madalas ginagawa ng mga guro sa Filipino
sa Gramatika at ang mga ito ay susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga
mag-aaral na may promedyong 4.11.
4. Paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro sa kakayahan
sa Gramatika?
Mahihinuha mula sa datos na ang lahat ng mga pagtugon sa pangangailangan ng
mga guro sa Filipino na nasa talatanungan ay lubhang pangunahin at lubos na kailangan
7
na may promedyong 4.31 at ito ay upang mapataas ang kanilang kakayahan sa
Gramatika.
Buod ng Antas ng Kakayahan ng Guro sa Gramatikang Filipino
Antasng
kakayahan
Sintaks 1.71 .145803 1.421129 2.007442 Mababa/Hindi Mahusay
Kabuuan
2.92
.1856937
2.279699
3.026423
Katamtaman/Katamtamang
Husay
Sa kabuuan, ang mga guro sa Filipino ay nagtamo sa Morpolohiya ng
promedyong 4.12 na may deskripsyong interpretasyon na mataas at mahusay, ngunit
mababa at hindi sila mahusay pagdating sa Sintaks na nagtamo lamang ng promedyong
1.71 na nasa mababa at hindi mahusay. Gayunpaman, lumalabas na ang kanilang antas sa
kakayahan sa Gramatika ay may promedyong 2.92 na nasa katamtaman at
nangangahulugang may katamtamang husay.
Ang pagtatamo ng ganitong kakayahan ng mga guro sa Filipino ay isa na ring
katanggap-tanggap na resulta sapagkat sila ay may katamtamang husay pa rin sa
gramatikang Filipino. Masasabi rito na kailangan pa talagang paghusayan ng mga guro
ang kanilang kakayahan. Ang paglinang ng sariling kakayahan ang makapagpapaunlad at
tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral ni Meniado (2019), ang mga guro sa kolehiyo
ay nailarawan na may kalayaan na o independent sa paggamit ng wikang Ingles. Ibig
sabihin, batid naman nila ang wastong gramatika subalit natuklasan din na nakararanas
sila ng mga kahirapan dito tulad halimbawa ng pag-unawa sa kahabaan ng teksto,
pagtukoy sa di lantad na kahulugan nito, mabisang pagpapahayag ng sarili.
Sa kasalukuyang pag-aaral, may katamtamang husay naman ang mga guro sa
Filipino subalit may mga kahirapan din silang kinakaharap sa Gramatika, patikular sa
Sintaks. Natuklasan sa kasalukuyang pag-aaral sa Sintaks na hirap ang mga guro unang-
una sa pokus ng pandiwa sa pangungusap, sunod ay sa kawatuhan ng mga pangungusap,
at sa wastong gamit ng mga salita. Sa madaling sabi, sa kabila ng kanilang kahusayan,
kapwa ang mga guro ay nakararanas pa rin ng suliranin sa gramatika ng dalawang wika
gayong batid nila ang mga tuntunin dito.
Batay naman sa buod ng resulta ng pag-aaral ni Gannaban (2012), naobserbahan
sa pangkalahatan na naipakita ng mga guro sa Filipino ang kanilang kahusayan sa wika,
sa nilalaman, at sa estratehiya sa pagtuturo. Napansin din sa tulong ng pagmamasid na
nagpakita ng kahusayan sa pagtuturo ang mga guro mula sa pampublikong paaralan
kaysa sa mga nasa pribadong paaralan. Sa mga nalikom na datos ng mananaliksik, hindi
inobserbahan ang mga guro batay sa kanilang pagtuturo kundi sila’y dumaan sa isang
pagsusulit at natuklasang mahusay sa Morpolohiya ngunit hindi mahusay sa Sintaks.
8
Wala namang tinangkang paghahambing sa pagitan ng mga guro mula sa publiko at
pribadong paaralan.
Talahanayan 3
Pagsusulit sa Sintaks Bilang ng Aytem na may
Maling Sagot ang mga Guro
Antas ng
Kahirapan o
Difficulty Index
Pokus ng Pandiwa 5 Bahagyang Mahirap
Kawastuhan ng Pangungusap 3 Bahagyang Mahirap
Kabuuan 10 Bahagyang Mahirap
Batay sa datos na nasa talahanayan 3, natuklasang lima ang bilang ng aytem na
bahagyang mahirap o moderately difficult sa pagsusulit sa bahaging pokus ng pandiwa,
tatlo naman sa kawatuhan ng pangungusap at dalawa sa angkop na gamit ng mga salita.
Nangangahulugan lamang ito na ang mga guro sa Filipino ay nakararanas ng bahagyang
kahirapan sa wastong gamit ng mga salita, pokus ng pandiwa at sa kawastuhan ng
pangungusap. Sa madaling sabi, sila ay may suliranin pagdating sa Sintaks at batay sa
nalikom na datos ay hindi sila mahusay rito. Sa kabilang banda, wala namang
natuklasang suliranin sa Morpolohiya ang mga guro sapagkat ang kanilang antas ng
kakayahan dito ay mataas na nangangahulugang mahusay.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Araneta (2017), naitala ang mga karaniwang
pagkakamali sa wastong gamit ng mga salita: nilabag ng mga mag-aaral ng ika-7 baitang
ang tuntunin sa wastong gamit ng…