4
Isang Paglalakbay sa Lucban, Quezon (Pictorial Essay By Tristan Jay B. Bayan) Sa aking buhay bilang estudyante may mga pangarap akong nais makamtan tulad nalang ng makapagtapos ng pag-aaral, matulungan ang aking magulang at ang makapaglakbay sa iba’t ibang lugar dahil dito marami akong gustong mapuntahang lugar sa aking buhay pero mas uunahin ko ang lugar kung saan malapit ang aking bayan o probinsyang sinilangan ito ay ang Quezon. Ang Lucban, Quezon ang isa sa mga una kong napuntahang pasyalan. Sinasalamin sa bayan na ito ang simpleng pamumuhay ng bawat tao at pagpapahalaga sa kanilang mayamang kultura at kasaysayan. Dito mayroong mga tanyag na pasyalan na kanilang pinakaiingat-ingatan bilang kanilang atraksyon at sumasalamin sa kagandahan ng kanilang bayan. Ang Lucban ay nasa Ika- unang Distrito at matatagpuan sa paanan ng Bundok Banahaw. Ito ay isang makabuluhang paglalakbay patungo sa kagandahang mayroon ang Lucban, Quezon kung kaya’t parini na sa Lucban at saksihan ang ipinagmamalaki ng mga mamamayan. Maagap pa lamang ay nagbiyahe na kami papunta sa Kamay ni Hesus at ako ay namangha sa magagandang tanawin. Ang kamay ni Hesus ang isa sa mga pasyalan o atraksyon na dinadayo ng mga tao at bawat turista na matatagpuan sa Lucban, Quezon. Ang simbahan sa Kamay ni Hesus o mas kilala sa tawag na Kamay ni Hesus Healing Church ang isa sa mga bahay dalanginan sa Lucban, Quezon ng mga mananampalataya at ito ay isang simabahaan na pinapamunuan ng mga pari partikular na si Fr. Joey Faller isang healing

Isang Paglalakbay sa Lucban, Quezon€¦ · Sa pag-akyat ko sa Kamay ni Hesus, ito ay binubuo ng mga istasyon. Sa larawan ng Last ... Ang ikalabindalawang istasyon ay ang pagkamatay

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Isang Paglalakbay sa Lucban, Quezon

    (Pictorial Essay – By Tristan Jay B. Bayan)

    Sa aking buhay bilang estudyante may mga pangarap akong nais makamtan tulad nalang

    ng makapagtapos ng pag-aaral, matulungan ang aking magulang at ang makapaglakbay sa iba’t

    ibang lugar dahil dito marami akong gustong mapuntahang lugar sa aking buhay pero mas uunahin

    ko ang lugar kung saan malapit ang aking bayan o probinsyang sinilangan ito ay ang Quezon. Ang

    Lucban, Quezon ang isa sa mga una kong napuntahang pasyalan. Sinasalamin sa bayan na ito ang

    simpleng pamumuhay ng bawat tao at pagpapahalaga sa kanilang mayamang kultura at

    kasaysayan. Dito mayroong mga tanyag na pasyalan na kanilang pinakaiingat-ingatan bilang

    kanilang atraksyon at sumasalamin sa kagandahan ng kanilang bayan. Ang Lucban ay nasa Ika-

    unang Distrito at matatagpuan sa paanan ng Bundok Banahaw. Ito ay isang makabuluhang

    paglalakbay patungo sa kagandahang mayroon ang Lucban, Quezon kung kaya’t parini na sa

    Lucban at saksihan ang ipinagmamalaki ng mga mamamayan.

    Maagap pa lamang ay nagbiyahe na kami papunta sa Kamay ni Hesus at ako ay namangha

    sa magagandang tanawin. Ang kamay ni Hesus ang isa sa mga pasyalan o atraksyon na dinadayo

    ng mga tao at bawat turista na matatagpuan sa Lucban, Quezon.

    Ang simbahan sa Kamay ni Hesus o mas kilala sa tawag na Kamay ni Hesus Healing

    Church ang isa sa mga bahay dalanginan sa Lucban, Quezon ng mga mananampalataya at ito ay

    isang simabahaan na pinapamunuan ng mga pari partikular na si Fr. Joey Faller isang healing

  • priest. Kami ay sumimba at nagdasal ng mataimtim gayundin ay nagpasalamat sa mga biyaya na

    pinagkakaloob ng Maykapal.

    Ang Kamay ni Hesus ay isang lugar kung saan maaaring ang bawat tao ay magnilay-nilay

    o mamanata sa pamamagitan ng pag-akyat sa tuktok nito na may mahigit tatlong daang baytang.

    Sa pag-akyat ko sa Kamay ni Hesus, ito ay binubuo ng mga istasyon. Sa larawan ng Last

    Supper ay makikita dito ang pagtitipon ng mga apostol kasama si Hesus.

    Ang ikalabindalawang istasyon ay ang pagkamatay sa krus na masaklap na nangyari kay

    Hesus. Si Longinus ang sundalong tumusok sa tagiliran ni Hesus gamit ang isang sibat.

  • Sa Lucban, Quezon din tanyag ang tinatawag na Pahiyas Festival. Ito ay isang selebrasyon

    sa pagpupugay sa kapistahan ng mahal na patron na si San Isidro Labrador. Iba’t ibang mga

    Matapos ang mahabang lakaran o pag-akyat ay narating na naming ang estatwa ni Hesus

    o ang Kamay ni Hesus sa tuktok. Mula dito makikita ang magagandang mga tanawin at ang

    bayan ng Lucban. Sa lugar na ito ay maaaring magdasal at magpasalamat sa pagbibigay ng

    tulong at gabay ni Hesukristo.

    Ang Noah’s Ark ay isa sa mga atraksyon sa Kamay ni Hesus. Ito ay isang bahay

    pahingahan kung saan ay may kapilya sa loob ng gusali at makikita ang iba’t ibang dekorasyon

    at mga kasaysayan ng lugar.

  • nakapalamuti, makukulay na dekorasyon tulad ng mga gulay, mga pangunahing produkto tulad ng

    mga abaka, sambalilo na gawa sa buntal at iba pa ang mas lalong nagpabuhay sa bawat kabahayan.

    Matapos naming mamasyal at manood ng iba’t ibang makukulay na kabahayan ay

    dumiretso kami sa isa sa mga kilalang kainan sa Lucban, Quezon ito ay ang Kamayan sa

    Palaisdaan. Dito matitikman ang iba’t ibang mga pagkain partikular ang mga ipinagmamalaking

    pagkain ng mga taga Lucban tulad nalang ng pancit lucban, langgonisang lucban, inihaw na mga

    isda at iba pa.

    Ang Air Summit naman ang pangalan ng isang eroplano at isa sa mga atraksyon sa

    Kamayan sapagkat sa loob nito ay maaari ditong kumain at masaksihan kung ano ang

    pakiramdam sa loob ng eroplano.

    Kilala ang Floating Bamboo Raft sa Kamayan sa kakaibang disenyo ng kanilang kainan

    sapagkat ito ay nipa o kubo na nagmimistulang nakalutang sa ibabaw ng tubig.