22
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENT

isang dosenang klase ng high school

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Grade 7

Citation preview

Page 1: isang dosenang klase ng high school

ISANG DOSENANG KLASE NG

HIGH SCHOOL STUDENT

Page 2: isang dosenang klase ng high school

(HALAW SA LIBRONG ABNKKBSNPLAKO?!)

NI: BOB ONG

Page 3: isang dosenang klase ng high school

CLOWNS

Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na

gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi

ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na

dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa

patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang

klaseng walang ganito, at kung mayroon man,

magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa

eskwela araw-araw.

Page 4: isang dosenang klase ng high school

GEEKS

Mga walang pakialam sa mundo, libro-

teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit

na mainit ang ulo at badtrip ang teacher,

ang mga geeks ang walang takot na

lumalapit sa kanila para lang itanong kung

mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-

substitute ‘yung value ng X sa Y.

Page 5: isang dosenang klase ng high school

HOLLOW MAN

May dalawang uri ng HM virus, ang type A at

type B. Ang type A ay mga estudyanteng

madalas invisible, bakante ang upuan, madalas

absent. Type B naman ang mga mag-aaral na

bagama’t present e invisible naman madalas

ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

Page 6: isang dosenang klase ng high school

SPICE GIRLS

Barkadahan ng mga kababaihang mahilig

gumimik, sabay-sabay pero laging late na

pumapasok ng room pagkatapos ng recess at

lunch break. Madalas na may hawak na suklay,

brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo

ang isang klase, laging magkakasama sa iisang

grupo ang SG. 

Page 7: isang dosenang klase ng high school

DA GWAPINGS

Ang male counterpart ng SG, isinilang sa

mundo para magpa-cute. Konti lang ang

miyembro nito, mga dalawa hanggang apat

lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad

ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang

laman ng mga utak ng mga DG.

Page 8: isang dosenang klase ng high school

CELEBRITIES

Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban

na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan

at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes

ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din

kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng

kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw,

makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa

pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero

mababang IQ.

Page 9: isang dosenang klase ng high school

GUINNEES

Mga record holders pagdating sa

persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan

ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang

kadalasang nagtatagumpay sa buhay.

Masinop sa projects, aktibo sa recitation.

Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay

kahit na mali ang sagot.

Page 10: isang dosenang klase ng high school

LEATHER GOODS

Mga estudyanteng may maling uri ng

determinasyon. Laging determinado ang

mga ito sa harapang pangongopya,

bulgarang pandaraya, at palagiang

pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang

balat ng buwaya sa pakapalan.

Page 11: isang dosenang klase ng high school

WEIRDOS

Mga problematic students, misunderstood

daw, kadalasang tinatawag na black

sheep ng klase. May kanya-kanya silang

katangian. Konti ang kaibigan, madalas

mapaaway, mababa ang grades, at

teacher’s enemy.

Page 12: isang dosenang klase ng high school

MGA ANAK NI RIZAL

Ang endangered species sa eskwelahan.

Straight ‘A’ students, pero well rounded

at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi

sipsip. Hari ng Math, Science, at English,

pero may oras pa rin sa konting extra-

curricular activities at gimmicks.

Page 13: isang dosenang klase ng high school

BOB ONGS

Mga medyo matino na medyo may

sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang

nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano

na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol

sa mga classmates n’ya.

Page 14: isang dosenang klase ng high school

COMMONERS

Mga generic na miyembro ng klase.

Kulang sa individuality at katangiang

umuukit sa isipan. Hindi sila kagad

napapansin ng teacher pag absent, at sa

paglipas ng panahon, sila ang mga taong

unang nakakalimutan ng mga teachers at

classmates nila.

Page 15: isang dosenang klase ng high school

PANGKATANG GAWAIN

May 12 klase ang estudyante inilarawan sa akda.

Bumuo ng grupo batay sa inyong uri. ( hal. Magsama-

sama ang mga clown, geeks, anak ni Rizal )

Babasahin ng sabay-sabay ang inyong deskripsyon

ng malakas at patotohanan kung bakit ito ang

inyong uri.

Page 16: isang dosenang klase ng high school

IKALAWANG ARAW

Page 17: isang dosenang klase ng high school

BALIK-ARALPALAWIGIN

Page 18: isang dosenang klase ng high school

TANONG

1. Ano ang inyong reaksyon sa inyong binasa? Natuwa ba

kayo? Nagustuhan ninyo? Sang-ayon ba kayo sa mga sinabi

roon? Pangatwiranan.

2. Ano ang stereotyping?

3. Iugnay ninyo ang stereotyping sa akdang inyong binasa.

Sang-ayon ba kayo sa pag-uuriuri ng mga tao, gaya ng

inyong nabasa? Ano-ano ang mga maaaring maging epekto

ng stereotyping sa mga tao? Isa-isahin at ipaliwanag.

Page 19: isang dosenang klase ng high school

4. Anong maganda o makabuluhang kaisipan

ang mabubuo ninyo matapos ang ating pagbasa at

talakayan? Ipahayag ninyo sa isang pangungusap.

Page 20: isang dosenang klase ng high school

IKATLONG ARAW

Page 21: isang dosenang klase ng high school

Ipakilala ang sarili sa klase sa

pamamagitan ng paglalarawan sa

isang bagay na sumisimbolo sa

inyo.

Page 22: isang dosenang klase ng high school

IKAAPAT NA ARAW