14
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan ISPESYAL NA ISYU MARSO 29, 2016 Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking Pagsulong sa Digmang Bayan Pahayag ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa TK sa Ika-47 Anibersaryo ng New People’s Army Marso 29, 2016 M alugod nang salubungin at ipagdiwang ngayong Marso 29 ang ika-47 taon ng pagkakatatag ng ang dakilang New People’s Army. Magbigay pugay tayo sa lahat ng magiging na Pulang kumander at mandirigma at sa buong hanay ng rebolusyonaryong mamamayan sa kanilang mapagsakripisyong pagsusulong ng rebolusyon sa buong kapuluan. Ibigay nan ang pinakamataas na pagpaparangal sa lahat ng bayaning marr ng rebolusyon at tularan ang kanilang dakilang buhay at rebolusyonaryong halimbawa. Kung wala ang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan. Ang New People’s Army—ang pangunahing organisasyon ng Pardo Komunista ng Pilipinas—ang tanging pwersa at sandata ng rebolusyon sa pagdurog sa kapangyarihang pang-estado ng lokal na mga reaksyunaryong papet ng US at sa pagtatayo ng Pulang kapangyarihang pampulika sa kanayunan. Dahil sa New People’s Army na nasa absolutong pamumuno ng Pardo, nalikha nan sa kanayunan ang mga sona at larangang gerilya, baseng masa at mga lokal na komite ng Pardo, mga organo ng Pulang kapangyarihang pampulika at mga tagumpay sa reporma sa lupa. Dahil sa New People’s Army, nalansag ang armadong tauhan ng mga lokal na rano at napahina ang paglaban ng mga panginoong maylupa sa anpyudal na kilusang masa at rebolusyong agraryo. Gayundin, nalipol nan ang iba pang kriminal na elemento at pwersang bumibikma’t pumipinsala sa interes ng karaniwang mamamayan. Pakamahalin nan ang ang hukbong bayan at iambag ang pinakamahuhusay na anak ng bayan sa New People’s Army at sa pagsusulong ng armadong rebolusyon. Sa kabuuan, bigo ang Oplan Bayanihan na pawalang-saysay ang rebolusyonaryong armadong kilusan sa TK. Bigo itong ihiwalay ang hukbong bayan sa malawak na mamamayan. Kabaligtaran sa hinahangad ng palalong kaaway, patuloy na tinatamasa ng rebolusyonaryong kilusan ang malawak na suporta’t simpatya ng masang api at pinagsasamantalahan.

Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

ISPESYAL NA ISYU MARSO 29, 2016

Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking Pagsulong sa Digmang Bayan

Pahayag ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa TKsa Ika-47 Anibersaryo ng New People’s Army

Marso 29, 2016

Malugod nating salubungin at ipagdiwang ngayong Marso 29 ang ika-47 taon ng pagkakatatag ng ating dakilang New People’s Army. Magbigay pugay tayo sa lahat ng magigiting na

Pulang kumander at mandirigma at sa buong hanay ng rebolusyonaryong mamamayan sa kanilang mapagsakripisyong pagsusulong ng rebolusyon sa buong kapuluan. Ibigay natin ang pinakamataas na pagpaparangal sa lahat ng bayaning martir ng rebolusyon at tularan ang kanilang dakilang buhay at rebolusyonaryong halimbawa.

Kung wala ang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan. Ang New People’s Army—ang pangunahing organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas—ang tanging pwersa at sandata ng rebolusyon sa pagdurog sa kapangyarihang pang-estado ng lokal na mga reaksyunaryong papet ng US at sa pagtatayo ng Pulang kapangyarihang pampulitika sa kanayunan. Dahil sa New People’s Army na nasa absolutong pamumuno ng Partido, nalikha natin sa kanayunan ang mga sona at larangang gerilya, baseng masa at mga lokal na komite ng Partido, mga organo ng Pulang kapangyarihang pampulitika at mga tagumpay sa reporma sa lupa. Dahil sa New People’s Army, nalansag ang armadong tauhan ng mga lokal na tirano at napahina ang paglaban ng mga panginoong maylupa sa antipyudal

na kilusang masa at rebolusyong agraryo. Gayundin, nalipol natin ang iba pang kriminal na elemento at pwersang bumibiktima’t pumipinsala sa interes ng karaniwang mamamayan.

Pakamahalin natin ang ating hukbong bayan at iambag ang

pinakamahuhusay na anak ng bayan sa New People’s

Army at sa pagsusulong ng armadong rebolusyon.

Sa kabuuan, bigo ang Oplan Bayanihan

na pawalang-saysay ang rebolusyonaryong armadong kilusan sa TK. Bigo itong ihiwalay

ang hukbong bayan sa malawak na mamamayan. Kabaligtaran sa hinahangad ng palalong kaaway,

p a t u l o y n a t i n a t a m a s a n g rebolusyonaryong kilusan ang malawak na suporta’t simpatya ng masang api at

pinagsasamantalahan.

Page 2: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 20162 KALATAS

Taun-taon, umaani ng mga tagumpay ang New People’s Army sa armadong pakikibaka, pagtatayo ng baseng masa at pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Naging posible ito dahil itinataguyod ng hukbong bayan ang wastong linya ng Partido sa pulitika at militar sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon at matagalang digmang bayan.

Tiwala tayong patuloy na magkakamit ang Partido at hukbo ng malalaking tagumpay at pagsulong sa susunod na mga taon basta’t mabilis nating maiwawasto ang mga kahinaan at pagkakamali. Dapat nating masusing pag-aralan, suriin at lagumin ang ating rebolusyonaryong praktika, kunan ng mahahalagang leksyon kapwa ang mga positibo at negatibong karanasan at alinsunod dito, iguhit ang linya ng pagsulong at gumawa ng makatotohanang plano paano ito mararating.

Tanawin natin ang maaliwalas na hinaharap at gawin ang lahat ng makakaya upang patuloy na magpalakas sa proseso ng paglaban at hawanin ang daan upang makasulong sa bungad ng estratehikong pagkakapatas.

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected]

Marso 29, 2016Ispesyal na Isyu

Malalim na pagbulusok ng krisis ng pandaigdig na kapitalismo

Higit kaysa nakaraan, matinding binabayo ng krisis ng labis na produksyon ang pandaigdig na

sistemang kapitalista. Sapul sa pagputok noong 1997 ng krisis sa pinansya sa Asya hanggang sa nangyaring pagguhong pinansyal noong 2008, ang pandaigdig na monopolyo-kapitalismo ay patuloy na nasadlak at di makabangon sa matagalang istagnasyon at pandaigdig na depresyon na kasing lubha ng Malaking Depresyon ng 1930’s.

At upang mailigtas ang buong kapitalistang sistema sa pagkawasak at pagbagsak, pinag-ibayo ng imperyalismong US ang mga neoliberal na solusyon upang itaas ang tubó kapalit ng paghila pababa ng antas ng sahod ng mga manggagawa, maramihang tanggalan at pagbawas sa trabaho, pagpapaliit ng pensyon at pagbawas ng mga panlipunang benepisyo at serbisyo. Sa kabilang banda, isinasagasa ang neoliberal na reseta sa liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan, pagsasapribado ng mga pag-aaring publiko, pag-aalis ng mga panlipunan at pangkapaligirang restriksyon at denasyunalisasyon ng mga atrasadong ekonomiya.

Sa maling pag-aakala na masasansala ang krisis at muling mabubuhay at sisigla ang produksyon, ipinatutupad ng mga industriyalisadong bansang kapitalista ang pagpapalawak ng suplay ng salapi sa pamamagitan ng quantitative easing at ng pautang habang ipinapataw sa mamamayan ang paghihigpit ng sinturon. Subalit ang nalilikhang salaping kapital ay hindi napupunta sa produksyon at tunay na ekonomiya kundi sa pamilihang pinansyal, ispekulasyon at ibayong pinansyalisasyon ng kapitalistang ekonomiya. Kaya, taliwas sa inaasahan, ibayo lamang itinutulak ang pagtamlay ng produksyon at konsumo at hinihila ang krisis sa panibagong lalim ng pagbulusok.

Susuray-suray sa matinding krisis ang imperyalismong US at pandaigdig na sistemang kapitalista. Ang lumolobong pampublikong utang ay nakatakdang di mabayaran. Nakaambang sumambulat anumang oras ang pinakamalaking

Page 3: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

3 KALATASMARSO 29, 2016

buláng pampinansya sa pandaigdigang utang pampubliko na tiyak na lilikha ng walang kapantay na kapinsalaan kaysa nangyaring pagguhong pinansyal noong 2008.

Ang lumulubhang krisis ng pandaigdig na kapitalismo ay humahantong sa pagpapalaki ng produksyong militar at paghahanda para sa digma, pagpaypay sa rehiyunal na mga kaguluhan at alitan, terorismo at pagdagdag ng pwersa at presensyang militar, at agresibong interbensyon at pananalakay ng imperyalismong US at ng iba pang mga imperyalistang bansa na kaalyado ng US.

Upang magkaroon ng di mahahamong kontrol sa rekursong langis sa Middle-East, desidido ang US na pabagsakin ang gubyernong Assad ng Syria tulad ng ginawa nitong pagpapabagsak sa gubyerno nina Sadam Hussein sa Iraq, Khadaffy sa Libya at Mubarak sa Egypt. Ginagamit nito ang Zionistang Israel na asong panunggab laban sa sariling pagpapasya ng mamamayang Palestino, Iran at iba pang anti-US na mga bansa at kilusan sa Middle-East. Sinasangkalan ng US ang paglaban sa Al Nushra at Daesh para salakayin ang Syria at mamamayang Kurds sa pamamagitan ng Turkey.

Subalit napigilan ang pakanang ito ng US sa pagpasok ng Russia sa eksena ng digmaan kung saan nasansala ng magkasamang pwersa ng gubyernong Assad at Russia ang opensiba ng mga pwersang suportado ng US na lumalaban kay Assad at napwersa ang huli na pumasok sa pagtigil ng labanan.

Abala din ang US sa mga sumiklab na panibagong mga labanang etniko at gera ng mga sektang relihiyoso sa mga bansa sa North, Northeast, West at Southwest Africa bukod sa Middle-East. Ang mga kaguluhang ito ay nagluwal ng krisis sa pagdagsa ng milyun-milyong mga refugee sa Europa at iba pang Kanlurang bansang kapitalista. Pinalalakas nito ang negatibong ihip ng rasismo, neopasismo, sobinismo at panatisismong relihiyon para sa pagmamalupit at karahasan sa mga refugees.

Sa Asya-Pasipiko, nais bawiin ng US ang dumadausdos na impluwensya at igiit muli ang

di mahahamong kapangyarihan at hegemonya sa rehiyon. Patuloy na itinutulak ng US ang Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA) at estratehikong ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at pagdaragdag ng presensyang militar upang kontrahin ang paglakas ng impluwensya ng China. Samantala, tinitingnan ng China ang ganitong hangarin ng US bilang banta sa sariling imperyalistang ambisyon sa balangkas ng Silk Road Economic Belt (SREB) at Maritime Silk Road (MSR)—ang ambisyosong estratehikong mag-uugnay ng China sa Europa. Ang huli ang tinutungtungan ng China sa ilalim ng inimbento at katawa-tawang nine-dash claims ng China sa kabuuang teritoryo ng South China Sea at West Philippine Sea.

Dahil sa agresibong postura ng US, pinatitibay ng China at Russia ang pagtutulungan upang palakasin ang sariling blokeng pang-ekonomiya—ang BRICS—at blokeng pangseguridad na Shanghai Cooperation Organization upang itulak ang isang multipolar na mundo laban sa unipolar na mundo na ambisyon ng US.

Nagpapatuloy ang estratehikong paghina at pagdausdos ng US. Pinabibilis pa ito lalo ng labis na pagkabanat at pagkahila sa maraming pinagkakaabalahang geopolitikal na interes, pinansyalisasyon ng ekonomiya, pagbulusok ng manupaktura, malalang kawalan ng trabaho, pagbagsak ng kabuhayan ng panggitnang uri, pagsamá ng panlipunang serbisyo, malaganap na kahirapan at paglalaan ng pansin sa produksyong high tech para sa gera.

Sa pagtindi ng paligsahan ng mga imperyalistang kapangyarihan na muling hatiin ang mundo, lilitaw ang maraming paborableng kalagayan para sa paglakas at paglitaw ng mga rebolusyonaryong kilusan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa Pilipinas, ang krisis ng monopolyo-kapitalismo ay ibayong magpapalubha sa krisis ng malapyudal at malakolonyal na sistema sa bansa, magpapalakas ng rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan at pahihinain ang paghahari ng mga lokal na reaksyunaryo.

Page 4: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 20164 KALATAS

Sumasahol na krisis ng malapyudal at malakolonyal na Pilipinas

Ipinipwersa ng US sa lalamunan ng mamamayang Pilipino ang mga neoliberal na dikta sa balangkas ng APEC at iba pang katulad na multilateral na kasunduan upang bigyang laya ang pagdambong sa patrimonya at likas na yaman ng bansa at marealisa ang maksimisasyon ng tubó. Nakaturol ang talim ng mga diktang ito sa pagpapababa ng antas ng sahod sa mga manggagawa sa anyo ng 2-tiered wage system, pagmasaker sa mga regular na trabaho sa anyo ng iskema ng kontraktwalisasyon at labor flexibilization, liberalisasyon ng pamumuhunan, kalakalan at pinansya, pagsapribado ng pag-aari ng estado, pag-aalis ng kontrol sa mga restriksyong panlipunan at pangkapaligiran, at denasyunalisasyon ng ekonomiya.

Nagsasabwatan ang imperyalismong US at mga lokal na naghaharing malalaking burgesya-kumprador–panginoong maylupa upang patibayin ang ligal na salalayan ng mga neoliberal na imposisyong ito sa pamamagitan ng tatlong sangay ng gubyerno—ang Kongreso at Senado na lumilikha’t nagpapatibay ng mga batas, ang ehekutibo na nagpapatupad ng mga batas at naglalabas ng mga kautusang ehekutibo at ang Korte Suprema na binabasbasan at binibihisan ng ligalidad ang naunang dalawa.

Nasa likod ang US sa pakanang ilusot ang isang economic chacha upang alisin ang mga balakid sa malayang pag-aari ng mga lupain at pagkontrol sa pambansang patrimonya ng mga dayuhang korporasyon at entidad sa negosyo sa ngalan ng malayang pamumuhunan, komersyo at kalakalan. Nagsasabwatan ang US at mga lokal na reaksyunaryo upang dambungin ang likas na yaman ng bansa, higit na pagsamantalahan ang mamamayang Pilipino at gamitin ang marahas na instrumento ng estado (batas, korte,

kulungan at armadong pwersa) upang supilin ang pagtutol at paghihimagsik ng sambayanan.

Sukdulang kahiya-hiya at buong karuwagang isinuko ng rehimeng Aquino sa US ang pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas dahil labis na nahintakutan sa ekspansyunistang ambisyon ng China sa West Philippine Sea. Kasuklam-suklam na hinayaan nitong lapastanganin ang soberanya at teritoryo ng bansa ng mga di pantay na kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA), Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Military Logistics and Support Agreement (MLSA) at Mutual Defense Treaty (MDT). Sa pamamagitan ng EDCA, binigyan ng lisensya ang US na magtayo ng mga base at enklabong militar na di sinasaklaw ng otoridad at batas ng burges na Konstitusyon ng Pilipinas at nababalutan ng diplomatikong proteksyon.

Laganap ang kahirapan, karukhaan at kagutuman sa lipunan. Higit na masahol kaysa

ipinakikita ng estadistika ng reaksyunaryong gubyerno ang

kahirapan, kagutuman at kawalang trabaho.

Pinasasahol ng krisis ng imperyalismo ang kronikong panlipunang krisis ng malapyudal at neokolonyal na Pilipinas. Nasa ugat ng krisis na ito ang pagiging atrasado, agraryan at walang tunay na industriyalisasyon

ng bansa. Higit pa, ibayong tumatalim ang krisis sa ekonomiya, pulitika at lipunan ng bansa bunga ng neoliberal at panseguridad na imposisyon ng US. Pinaiigting nito ang panlipunang kontradiksyon sa lipunang Pilipino at sa hanay ng mga reaksyunaryo at higit na nagiging mataba ang lupa para sa armadong pakikibaka.

Page 5: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

5 KALATASMARSO 29, 2016

Higit na nagtitiis ang masang manggagawa sa mahirap at mapagsamantalang kundisyon sa paggawa. Tinanggal ng 2-tiered wage system ang minimum wage na dati nang sinalaula ng pinaiiral na regional wage standardization system. Higit pa, ang lumiliit na tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa ay lalo pang dumausdos sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo at saglit na pumapalis sa mumunting naipagtatagumpay nilang mga pakikibakang pang-ekonomiya. Samantala, binaklas ng iskema ng kontraktwalisasyon at labor flexibilization ang proteksyon at seguridad sa trabaho ng mga regular na manggagawa at ibinukas ang tarangkahan sa malawakang pagmasaker ng regular na trabaho. Sa mga enklabo, parkeng industriyal at special economic zones ng Calabarzon, umaabot sa 90 porsyento ng lakas-paggawa ay mga kontraktwal na manggagawa.

Lalong masahol ang kundisyon ng mga maralita sa kalunsuran na nagsisiksikan at nagkukumpulan sa masikip na mga barung-barong sa maralitang mga komunidad at mga eryang relokasyon hanggang sa ilalim ng mga tulay at estero. Ni wala silang tinatamasang matinong serbisyo sa kuryente, tubig na maiinom at sanitasyon. Wala silang seguridad sa paninirikan at marahas pang dinidemolis upang bigyan ng daan ang pagtatayo ng mga gusali at negosyo. Sila ang mga naitaboy mula sa kanayunan dahil sa pagkasagad ng lupang prontera, pagpapalayas at pangangamkam ng lupa at nagiging murang suplay ng paggawa bilang mga odd jobbers at manggagawa sa serbisyo. Pinahihirapan sila ng mataas na presyo at bayarin sa tubig, kuryente, pagkain at iba pang batayang pangangailangan.

Patuloy na nagiging busabos ang masang magsasaka. Patindi nang patindi ang kawalan ng lupang masasaka dahil walang tunay na reporma sa lupa. Dahil sa neoliberalismo, inabandona na ng reaksyunaryong gubyerno ang natitirang pagpapanggap at pakitang-taong programa sa reporma sa lupa. Higit na malaganap at malawakan ang pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa masang magsasaka para bigyan ng daan ang pagpapalit ng gamit sa lupang agrikultural tungong industriyal, residensyal, ekoturismo at plantasyon ng mga komersyal na pananim na pang-eksport.

Higit pa, matinding sinasapo ng masang magsasaka ang kalupitan ng Oplan Bayanihan at matinding militarisasyon sa kanayunan.

Tulad ng mga kapatid na magsasaka, marahas na inaagaw sa mga pambansang minorya ang kanilang lupang ninuno upang bigyan ng daan ang operasyon ng mga dambuhalang korporasyon sa pagmimina at pagtotroso. Nagpapakana ng iba’t ibang programa ang reaksyunaryong gubyerno tulad ng National Greening Program at KALAHI para alisan ng karapatan ang mga pambansang minorya sa kanilang lupang ninuno at sariling pagpapasya. Biktima rin sila ng tumitinding pasismo ng estado. Ipinatutupad ng AFP sa pamamagitan ng indigenous peoples’ centric strategy (IP centric) ng Oplan Bayanihan ang etnosidyo at henosidyo laban sa pakikibaka ng mga katutubong mamamayan para sa sariling pagpapasya at demokrasya.

Ang masang estudyante ay palaging binabagabag ng mataas na bayarin sa matrikula, masamang kalidad ng edukasyon at panunupil sa kalayaang akademiko. Sila ang pangunahing biktima ng komersyalisasyon ng edukasyon na higit pang pinatindi ng pagrereporma ng sistema ng edukasyon sa ilalim ng K-12. Ang K-12 ay ang bersyon sa Pilipinas ng neoliberal na reporma sa edukasyon na naglalayong ireoryenta ang edukasyon para suplayan ang pangangailangan ng kapitalismo ng mura at skilled labor.

Ang maliliit na kawani sa gubyerno ay dumaranas ng kasing-sahol na kundisyon ng mga manggagawa sa manupaktura at agrikultura. Pinagtatrabaho sila nang sobra sa walong oras at tumatanggap ng sweldo na kapos para mabuhay nang disente. Higit pa, sinusupil ang kanilang karapatan na mag-unyon at walang seguridad sa trabaho.

Ang kawalan ng tunay na industriyalisasyon ang dahilan ng patuloy na lumalaking hukbo ng mga walang trabaho. Ang malaking tantos ng disempleyo sa bansa ay nag-aanak ng migrasyon palabas ng bansa ng patuloy na lumalaking pwersa sa paggawa upang maghanap ng trabaho sa ibayong dagat. Inuudyukan din nito ang paglisan ng mga manggagawang propesyunal na may mataas na kasanayan at talento. Ang mga kababayang manggagawa sa ibayong dagat ay nagtatrabaho sa di matiis na kalagayan,

Page 6: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 20166 KALATAS

salat sa benepisyo at biktima ng pagmamalupit, diskriminasyon at pang-aabuso ng kanilang employer.

Ang masahol na kahirapan at laganap na kagutuman ay nagpapakulo sa isang panlipunang bulkan na anumang oras ay maaaring sumambulat at lumikha

ng matinding ligalig na mabilis na magpapahinog ng malawakang pangmasang paglaban at magpapaalab ng apoy ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Dapat samantalahin ng Partido ang paborableng sitwasyong ito upang higit na palawakin at paigtingin ang mga rebolusyonaryong aksyong armado at di-armado.

Mga tagumpay sa armadong pakikibaka sa TK

Patuloy na nagkakamit ng mahahalagang tagumpay at pagsulong ang Partido at hukbong bayan sa larangan ng armadong pakikibaka, pagtatayo ng baseng masa at reporma sa lupa. Nakalatag ang mga

larangang gerilya ng NPA sa 84 porsyento ng mayor na mga probinsya ng Calabarzon at mayor na mga isla ng Mimaropa na sumasaklaw sa mahigit sa tatlong-kapat (3/4) ng kabuuang bayan at lunsod at 40 porsyento ng kabuuang baryong saklaw. Sa saklaw ng mga larangang gerilya, patuloy na nadadagdagan ang may ilampung libong nakapaloob sa mga saligang organisasyon ng mamamayan at mahigit isandaang libong baseng suporta. Sa mga pinakakonsolidadong bahagi, pinamumunuan ng Partido ang rebolusyonaryong kilusang magsasaka sa pamamagitan ng mga komiteng subseksyon at may ilandaang mga lokal na sangay ng Partido sa baryo gayundin ng mga komiteng seksyon na nakabase sa mga platung gerilya. Sa saklaw nito, naitatayo na ang mga balangay ng mga samahang masa sa antas ng munisipalidad at mga laking kumpanya at laking platung pormasyon ng mga yunit ng milisyang bayan.

Patuloy na nagkakamit ang Partido at hukbong bayan ng mga tagumpay sa reporma sa lupa. Libu-libong ektaryang lupain ang sinaklaw na ng maksimum na programa ng rebolusyong agraryo na tuwirang pinakikinabangan ng puong libong mga pamilyang magsasaka at pambansang minorya. Higit na mas maraming pamilya ang nakinabang sa minimum na programa sa reporma sa lupa tulad ng pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng partehan at presyo sa mga produktong bukid, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng interes sa singil sa pautang at pagkontrol sa usura ng mga komersyante-usurero at iba pang malapyudal na operasyon ng mga komersyante-usurero. Pinamunuan din ng hukbong bayan ang mga pagkilos ng masa laban sa malakihang pagmimina, pagpapalayas at pangangamkam ng mga debeloper at ispekulador sa real estate, iskema ng pagpapalit ng gamit sa lupa at pananim at iba pang kontra-rebolusyonaryo’t ant i -mamamayang programa ng

reaksyunaryong gubyerno.

Patuloy na nakapagpapalakas ang laking batalyong pultaym na pwersa ng hukbong bayan at laking brigadang pwersa ng milisyang bayan sa mga larangang gerilyang ito. Ang mga pwersang ito na absolutong pinamumunuan ng Partido ay patuloy na kinokonsolida sa ideolohiya, pulitika at organisasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa pulitika at militar at mga pormal at di pormal na mga pag-aaral sa lipunan at rebolusyong Pilipino, teorya ng digmang

bayan, linya at programa ng demokratikong rebolusyon at ideolohiya ng Marxismo-Leninismo-

Maoismo.

Sa taong nagdaan, matagumpay na nailunsad ang serye ng mga pagsasanay

para sa mga upisyal ng hukbong bayan, isnayping, close quarter combat,

medikal, at ordnans/demolisyon. Malaki ang naitulong ng mga

pagsasanay na ito para itaas ang opensiba at depensibang

kakayanan ng mga yunit ng NPA at pagpapasigla ng mga

Page 7: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

7 KALATASMARSO 29, 2016

taktikal na opensiba.

Mula 2014 hanggang unang kwarto ng 2016, nailunsad ang kabuuang 111 na mga taktikal na opensiba (2014: 62; 2015: 44; Enero-Marso 2016: 5) na iba’t iba ang tipo. Kinumpiska ng NPA ang kabuuang 61 armas o 43 malakas na kalibreng riple at 18 pistola at binigyan ng malaking kaswalti ang kaaway ng 85 patay, di bababa sa 83 sugatan at 14 na binihag at sumuko sa labanan. Sa kabilang banda, nagtamo ng kaswalti ang NPA na tatlong (3) namartir sa labanan at isang (1) nasugatan.

Sa panahon ng pagdaraos ng APEC sa bansa noong Nobyembre 18 at 19, 2015, matagumpay na tumugon ang mga yunit ng NPA sa paglulunsad ng isang kampanyang militar. Pinakamasinsin ang mga taktikal na opensiba ng hukbong bayan sa panahong ito kung saan pumutok ang 13 taktikal na opensiba sa mga probinsya ng Batangas, Cavite at Rizal na nasa mismong tarangkahan ng Kamaynilaan, at sa isla ng Mindoro.

Pinatamaan ng bigwas sa ulo at katawan ang halos lahat ng mga pangunahing pwersa ng AFP na marahas na nagsasagawa ng operasyong kombat sa mga larangang gerilya. Kabilang dito ang 76th, 4th, 85th, 74th, 1st, 80th at 16th IB ng Philippine Army, ang 12th MBLT ng Philippine Marines, Regional Public Safety Batallions-MIMAROPA ng PNP at iba pang pwersang para-militar.

Kapuri-puri ang ginawang pangunguna ng mga yunit ng Lucio de Guzman Command ng NPA sa Mindoro na siyang nagdala ng bigat ng mga taktikal na opensibang inilunsad sa buong rehiyon habang makabuluhang nag-ambag ang iba pang mga larangang gerilya sa iba pang mga erya ng digma at probinsya ng rehiyon.

Tampok sa mga anihilatibong taktikal na opensibang nailunsad sa saklaw na panahon ang mga sumusunod:

1. Reyd sa pinagsanib na laking platung pwersa ng 76th IBPA, PNP-PSB at PNP-Municipal Police Station, sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro noong ika-7 ng Nobyembre, 2014. Nakumpiska sa reyd na ito ang kabuuang 23 iba’t ibang kalibre ng armas, kabilang ang 21 HPR at iba pang mga kagamitang militar. Napatay naman ang 5, nakasugat ng 7 pa, habang nahuli’t sumuko ang 11. Wala ni isa mang kaswalti sa panig ng NPA;

2. Ambus sa nakasakay na laking platung pwersa ng Bravo Company ng 4th IBPA sa Sityo Mongos, Brgy. Hagan, Bongabong, Oriental Mindoro noong Marso 15, 2016. Napatay ang 10 kaaway at malubhang nasugatan ang di kukulangin sa 7 na iba pa. Kinumpiska ng NPA ang 5 HPR at maraming kagamitang militar;

3. Ambus sa nakasakay na 18 kataong pwersa ng Bravo Company ng 85th IBPA sa Brgy. Cogorin Ilaya,

Lopez, Quezon noong Marso 24, 2014. Napatay ang 9 na kaaway, kabilang na si Lt. Region Blancada,

ang Commanding Officer ng Charlie Company ng 85th IBPA. Wala ni isa

mang kaswalti sa panig ng NPA;

4. Reyd sa 7 kataong pwersa ng 85th IBPA na nagsisilbing bantay ng itatayong mapanira sa kalikasang Coal Fire Thermal Power Plant na pag-aari ng monopolyo-kapitalistang Hapon. Napatay ang 3 kaaway at malubhang nasugatan ang 4. Dalawa ang namartir sa panig ng NPA sa labanang ito;

5. Magkasabay na reyd

Page 8: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 20168 KALATAS

noong ika-19 ng Nobyembre, 2015 sa security guard ng Ayala Land at Selecta Farms na pag-aari ng mga Ayala-Zobel at Don Mauro Arce, kasosyo ang pamilya ni Jose Concepcion sa Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal. Pinarusahan ang mga ito ng NPA dahil sa ginagawa ng mga itong pangangamkam ng lupain at pagpapalayas sa mga magsasaka sa lugar. Nakumpiska sa nasabing mga security guards ang 11 HPR.

Sa isang banda, naging tampok naman ang nailunsad na mga maliliit na taktikal na opensiba na nagkukumplementa sa mga mayor na gerilyang aksyon sa itaas. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Operasyong isnayping ng isang tim ng NPA-Mindoro sa Brgy. Batasan, San Jose, noong Oktubre 25, 2015 laban sa nag-ooperasyong ilang kolum ng 203rd Brigade sa Mindoro. Nasapol sa layong 300 metro at napatay sa nasabing operasyon ang 2 kaaway kabilang si 1Lt. Mike Nollora, Commanding Officer ng isang kumpanya ng 4th IBPA;

2. Operasyong sapper ng isang tim ng NPA-Mindoro laban sa nag-ooperasyong kolum ng 203rd Brigade sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, noong Oktubre 31, 2015. Napatay ang 7 kaaway, nawawala ang 2 pa habang nasugatan pa ang marami matapos na eksaktong masabugan ng isang command-detonated explosive ng nakapakat na sapper team;

3. Matagumpay na operasyong ambus ng isang tim ng NPA-Quezon, laban sa dalawang operatibang paniktik ng 85th IBPA at mga taksil na sina Joel at Ariel. Napatay ang 2 at nakumpiska ang kanilang dalang 2 pistola. Wala ni isa mang kaswalti ang NPA;

4. Matagumpay na operasyong isparo ng isang tim ng NPA-Quezon sa San Marcelino, General Nakar, Quezon. Napatay sa nasabing isparo ang isang pwersa ng 59th IBPA at nakakumpiska ng 1 M14 ang NPA. Wala ni isa mang kaswalti ang NPA;

5. Matagumpay na espesyal na operasyon na nagparusa kay Roy Montenegro sa Brgy. San Vicente, Abra De Ilog, Occidental Mindoro noong Pebrero 23, 2016. Si Roy Montenegro ang numero unong tulak ng shabu sa MAPSSA area (Mamburao-Paluan-

Sta. Cruz-Sablayan-Abra De Ilog) ng probinsya ng Occidental Mindoro.

Masiglang-masigla ang gawaing pang-ideolohiya, panloob na propaganda at gawaing pangkultura sa halos lahat ng mga yunit ng NPA sa TK. Sa pamamagitan nito, napapanatili ng NPA sa rehiyon ang mataas na diwa ng paglaban at mataos na paglilingkod sa mamamayan. Halos araw-araw na ginagawa ng lahat ng yunit ng NPA ang pag-eere ng Radyo Pakikibaka, ang panrehiyong rebolusyonaryong radyo na nasa pangangasiwa ng departamento sa pulitika ng hukbong bayan.

Ang Radyo Pakikibaka ay isang buhay na pakikipag-aralan ng mga Pulang kumander at mandirigma sa pang-araw-araw na kaganapan sa pulitika, ekonomiya, lipunan at militar sa bansa at daigdig at maging ng lokal na kalagayan sa mga probinsya at saklaw ng mga larangang gerilya. Masigla rin ang gawaing pangkultura ng mga yunit sa mga kapehan. Ang Kapehan ang regular na pangkulturang aktibidad pangkasiyahan at pangkonsolida ng lahat ng mga yunit ng NPA sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, higit na naitataas ang kakayanang pangkultura (umawit, tumula, umarte, magdrowing, magtalumpati, sumayaw, atbp.) ng mga kadre, kumander at mandirigma, at kaalinsabay, mabilis silang nakokonsolida at napapagkaisa sa mga panawagan, tungkulin at gawaing nakatakda sa kanila.

Ang ibayong konsolidasyon ng pwersa at mga yunit ng NPA sa rehiyon ang naging salalayan upang

Page 9: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

9 KALATASMARSO 29, 2016

Ang ating mga tungkulin sa susunod na mga taon

Pamumunuan ng Partido bilang pwersang nasa bag-as ng mga pagsisikap at koordineytor ng paglaban ng mamamayan ang pagsasakatuparan ng sumusunod na mga tungkulin:

1. Ipagtanggol ang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa

Dapat depensahan ng hukbong bayan ang pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa mula sa panghihimasok ng imperyalismong US at mga mapandambong na operasyon ng mga dayuhang korporasyon. Nagtatayo ang US ng mga base at enklabong militar sa Palawan at iba pang bahagi ng rehiyon sa balangkas ng EDCA at naglulunsad ng

mga military exercises sa balangkas ng

VFA. Alinsunod dito, kailangang aktibong tumulong ang hukbong bayan sa mga pagsisikap ng Partido na likhain ang pinakamalawak na pagtutol sa presensya ng mga sundalong US sa Pilipinas. Kailangang balakin ang pagpapadala ng yunit sa gawaing masa upang pukawin, organisahin at pakilusin ang masa sa paligid ng mga base at enklabong militar ng US.

Dapat ding pukawin, organisahin at pakilusin ang masa para labanan at pigilan ang operasyon ng malalaking negosyong dayuhan at kumprador na mapanira sa kapaligiran at kabuhayan ng mamamayan at malawakang nagpapalayas at nangangamkam ng lupa ng masang magsasaka at mga pambansang minorya. Kabilang dito ang mapandambong na

operasyon sa pagmimina, pagtotroso at plantasyon ng mga komersyal na pananim na pang-eksport. Gawing target ang mga ito

ng mga operasyong pamamarusa upang sirain, patigilin hanggang ganap na pilayin ang operasyon

ng mga ito. Gawing target din ng mga operasyon sa pamamarusa ang

pagdis-arma sa mga security guards at pribadong hukbo ng kumpanya na nandarahas sa masa.

epektibo nitong gampanan at tupdin ang tungkuling ibinigay sa kanya ng Partido alinman upang isulong ang armadong pakikibaka, itayo ang base at isulong ang rebolusyong agraryo.

Ang mga inaaning pagsulong at tagumpay ng hukbong bayan sa TK ay bunga ng ginawang pagwawasto at puspusang pagbaka sa mga natukoy na problema at kahinaan sa mga pagtatasa at paglalagom ng mga kinauukulang namumunong komite sa larangang gerilya, komiteng subrehiyon at rehiyon. Kabilang dito ang manipestasyon ng gerilya-ismo, konserbatismo at pasibidad sa pagtupad ng mga tungkulin sa gawaing masa at militar, kaisipang kutang-bundok at maluwag na disiplina.

Ginawa din ang mga pagtutuwid sa mga kamalian sa deployment ng pwersang gerilya kaugnay sa pagpapaunlad ng platun bilang saligang pormasyon ng hukbong bayan. Kabilang dito ang pagwawasto sa ginawang pagtitilad-tilad sa operasyon ng platun sa mga iskwad at nagsasariling mga tim sa gawaing masa, pagpapahina ng sentro de grabidad at mga kapabayaan sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa pulitika at militar.

Malalaki ang prospek para sa pagsulong ng armadong pakikibaka at paglakas ng hukbong bayan sa mga larangang gerilya at mga eryang subrehiyon sa susunod na mga taon. Dapat na pagyamanin ang mga tagumpay at magpunyaging sumulong sa direksyon ng estratehikong patas.

Page 10: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 201610 KALATAS

2. Magpalakas habang lumalaban at nagpupunyagi sa malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya

Makakamit lamang ang paglakas ng hukbong bayan sa proseso ng paglaban. Sa paglaban, napapanday ang hukbo, naitataas ang kakayanan sa pulitika, militar at organisasyon, at sa kabilang banda, hakbang-hakbang na napapahina at nalalansag ang kaaway. Ang daan sa pagpapalakas ay makakamit lamang sa pagpupunyagi sa matagalang digmang bayan sa pamamagitan ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya na patuloy na umaani ng papalawak at papalalim na suporta ng mamamayan. Sa landas lamang na ito lalaki ang hukbong bayan mula sa maliit at lalakas mula sa mahina.

Alinsunod dito, kailangang patuloy na paunlarin ang platun bilang saligang pormasyon ng hukbong bayan at itayo ang mga larangang gerilyang laking kumpanya. Dapat na ideploy ang mga platung gerilya sa paraan na may relatibong konsentradong platung sentro de grabidad na napaliligiran ng mga relatibong nakadispers na mga platun at iskwad sa gawaing masa. Sa paraang ito ginagawa ang karaniwang deployment ng mga pwersang gerilya sa isang tipikal na larangang gerilyang laking kumpanya. Ang mga platun lalo sa mga larangang gerilyang laking kumpanya ang nasa mahusay na kalagayan na mapanatili ang inisyatiba at maging pleksible sa ilalim ng iba’t ibang sitwasyong militar.

Dapat na iwasan ang deployment ng mga pwersang gerilya sa maliliit na pormasyong iskwad at tim na walang sentro de grabidad. Maling patakaran na pagtilad-tilarin ang mga platung gerilya sa mga independyenteng iskwad dahil sa kagustuhang sumaklaw ng malawak na erya. Inilalagay nito ang mga pwersang gerilya sa pasibidad sa harap ng mga operasyong paghanap at paglipol ng kaaway. Hindi lamang pinahihina ng ganitong kalakaran ang kakayahan sa opensa at

depensa ng mga pwersang gerilya kundi inaalis ang kundisyon para makapagsanay ng mga pamplatung kadreng militar at upisyal.

Sa halip na gumawa ng mga adyasment na nagdidistrungka sa platun bilang saligang pormasyon, kailangang sanayin ang mga upisyal ng platun kung paano gagamitin ang mga taktikang gerilya ng konsentrasyon, dispersyon at paglipat sa proseso ng pagtupad ng mga tungkulin sa pulitika at militar. Magagawang epektibong makapag-oopereyt ang platun sa tereyn na mabundok, magubat at bulubunduking kapatagan sa paggamit ng mga subok na taktikang ito upang lumangoy sa malawak na masa.

Ang mga larangang gerilyang nagsimulang maliliit, nagsisimulang iskwad at maliit na platun ang mga pormasyon ng hukbo. Maiintindihan ang pag-iral ng ganitong sitwasyon sa simula subalit hindi tama na patagalin ang ganitong kairalan. Kahit sa ganitong panimulang kalagayan, kailangang may tumayong pwersang sentro de grabidad. Dapat gawin kaagad sa pinakamaagap na panahon na palakihin ang mga pormasyong ito sa regular na mga platung gerilya upang maideploy ang mga pwersa ng hukbo sang-

ayon sa isang tipikal na larangang gerilyang laking kumpanya.

May natural na magneto ang malaking pormasyon ng hukbo sa pag-engganyo sa pagpapasampa at pagpaparami ng rekrut. Ang kabiguang mabilis na lumaki ng hukbo ay karaniwang nagmumula sa maling employment ng platun at di namamalayang

paghahati-hati sa platun sa independyenteng mga iskwad na walang

sentro de grabidad, dahil tulak ng kagustuhang sumaklang sa malawak na lugar. Dapat gumawa ng mga pagtutuwid saan man umiiral ang ganitong kalagayan. Kailangang lutasin ang mga dahilan ng istagnasyon at kahirapang makapagpalaki.

Kailangang lagumin ang mga karanasan at wastong tukuyin ang mga problema upang mabuo ang wastong solusyon sa problema.

Page 11: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

11 KALATASMARSO 29, 2016

Dapat ding tiyakin na may sapat na lawak ng erya na makakapagmaniubra ang mga platung gerilya upang hindi makupot at maitulak sa sulok at sa isang lantay-militar na sitwasyon. Kailangang tiyakin sa antas ng pagpaplano ng mga eryang subrehiyunal at mga larangang gerilya na nakalatag ang mga platung gerilya sa malawak na lugar na sapat ang lawak ng maniubrahan upang mabigo ang plano ng kaaway na ikonsentra lamang ang kanyang atake sa isa o nagkakailang tipak ng teritoryo.

Ang tungkulin ng Partido sa rehiyon ay pamunuan ang kabuuang pambansang pagsisikap sa armadong pakikibaka upang mag-ambag sa pambansang pagsulong tungo sa direksyon ng estratehikong pagkakapatas. Nangangahulugan ito ng pagpapahinog ng kasalukuyang yugto ng digmang bayan tungo sa abanteng bahagi ng estratehikong depensiba. Ibig sabihin, kailangang palitawin at mulat na paunlarin ang ilang elemento ng pakikidigmang makilos sa gitna ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya.

3. Mahigpit na isanib ang tungkulin sa armadong pakikibaka, pagbubuo ng base at reporma sa lupa

Ginagampanan ng hukbong bayan ang magkakakambal na tungkulin sa armadong pakikibaka, pagbubuo ng baseng masa at reporma sa lupa. Magmimistulang isang rebeldeng lagalag ang hukbong bayan kung hindi nito isasanib ang tungkulin sa pagsusulong ng armadong pakikibaka sa pagbubuo ng base at pagsusulong ng reporma sa lupa. Ang isang rebeldeng lagalag ay naglalayon lamang ng preserbasyon ng sarili at tiyakin ang kanyang pang-araw-araw na kaligtasan. Wala itong malinaw na layunin na magkaroon ng matibay na ugnayan sa mamamayan alinsunod sa isang layunin sa pulitika at pagbabago ng lipunan.

Kabaligtaran sa isang rebeldeng lagalag, nililikha ng hukbong bayan ang popular na suporta para sa armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng baseng masa at pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng baseng masa, naitatatag ang rebolusyonaryong kapangyarihan sa kanayunan sa pamamagitan ng mga organo ng Pulang kapangyarihang pampulitika, mga rebolusyonaryong

pangmasang organisasyon at lokal na mga komite ng Partido. Sa reporma sa lupa, nilulutas ang dantaong suliranin sa monopolyong pyudal na pag-aari ng mga panginoong maylupa at tinutugunan ang saligang demokratikong kahilingan ng masang magsasaka sa lupa at tungo rito, nabubuo ang pinakamalaking pangmasang suporta sa rebolusyon. Sa katulad na paraan, inilalatag ng unang dalawa ang matibay na pundasyon sa paglawak at paglakas ng hukbong bayan bilang pangunahing organisasyon ng Partido sa paglulunsad ng armadong pakikibaka at pagdurog sa reaksyunaryong kapangyarihan.

Kailangang linangin sa mga kadre at upisyal sa hukbong bayan ang kakayahan na maging mapamaraan at mapanlikha sa pagtupad ng magkakakambal na tungkulin sa armadong pakikibaka at labanan ang hila ng mekanikal na paggawa. Laging bigyan ng mataas na pagpapahalaga ang pagsasagawa ng panlipunang pagsisiyasat at pagsusuri ng mga uri at matutuhan na gamiting gabay ito sa pagtatakda ng mga plano sa pagkilos.

Kapag lumitaw at nabuo na alinman sa mga lokal na sangay at komiteng seksyon at subseksyon ng Partido, mga ganap na samahang masa at lokal na organong pampulitika, dapat nang ipasa at ipaubaya sa kanila ng yunit ng hukbong bayan ang mga tungkulin sa gawaing masa at pamumuno sa baryo upang makapagbigay ng papalaking pansin ang hukbong bayan sa gawaing militar at paglaban. Dapat na gawin ito sa pinakamaagang panahon na makakaya.

Malaking kahinaan sa pagtupad sa linyang masa ang kabiguang magsanay ng mga lokal na rebolusyonaryong lider ng Partido at masa na aako ng mga tungkulin sa pamumuno sa baryo at sa antas ng seksyon at subseksyon. Ang hukbong bayan sa pamamagitan ng Partido sa loob nito ang magbubuo at magtatatag ng kundisyon para maging kaganapan ito.

4. Palawakin at konsolidahin ang mga tagumpay sa rebolusyong agraryo

Ang reporma sa lupa ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Sa paglutas sa suliranin ng masang magsasaka, nabubuo ang matatag at malakas na suporta ng masang magsasaka

Page 12: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 201612 KALATAS

sa demokratikong rebolusyon at napalalaya sila mula sa pyudal na pagkakagapos.

Ang neoliberalismo ay tutol sa reporma sa lupa kahit pakitang-tao lamang. Ito’y anti-magsasaka sa kaibuturan at nilalaman at dapat puspusang labanan ng masang magsasaka at ng kanilang hukbo. Ang rebolusyong agraryo kung gayon ay hindi lamang punyal na itatarak sa pyudalismo kundi sa neoliberal na interes ng imperyalismo.

Alinsunod sa mga nakamit nang tagumpay sa pagpapatupad ng minimum at maksimum na layunin, kailangang higit pang palawakin ang saklaw ng ating programa sa reporma sa lupa. Dapat na konsolidahin at ipagtanggol ang mga tagumpay sa rebolusyong agraryo at hadlangan ang mga pakana ng kaaway na bawiin ang mga ipinaglabang tagumpay ng uring magsasaka. Dapat pangunahan ng hukbong bayan ang paggawa ng plano para bawiin ang mga nabitiwan at nabawi ng kaaway na mga lugar na sinulungan ng rebolusyong agraryo at kung saan nakapanumbalik ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa at mga dating anyo ng pagsasamantala at partehan.

Pinakamatindi ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa mga bulubunduking kapatagan at eryang rural na malapit sa pangunahing mga kalsada at baybaying dagat at lawa. Dito higit na makapal ang populasyon at pinakamasahol ang iba’t ibang anyo ng komersyanteng pagsasamantala at sistemang upahan sa mga manggagawang bukid at kung saan din pinakamatalas ang kontradiksyon ng mga uri. Dapat abutin ng gawaing masa ng mga yunit ng hukbong bayan ang mga bulubunduking kapatagang rural upang higit na palawakin ang saklaw ng mga sona at larangang gerilya at eryang maniubrahan ng hukbong bayan.

Mali na patuloy na magpaikot-ikot na lamang sa makitid na kalupaan na relatibong paborable nga sa pisikal na pagbabase pero manipis ang populasyon. Pagpapakitid ito sa sarili at kung magtatagal magiging malaking disbentahe at maglalagay sa kahirapan sa yunit ng hukbo kapag masinsin na sinalakay ng kaaway. Dapat magmatyag sa paglakas ng kaisipang kutang-bundok ang mga yunit ng hukbong nahirating kumilos sa liblib ng kabundukan at mga interyor na

malayo sa kalsada.

5. Pasiglahinangmgataktikalnaopensibaat paunlarin ang kakayanan ng hukbo sa mga opensibang aksyon

Ang hukbong bayan ang pangunahing organisasyon ng Partido sa paggapi at pagdurog sa kaaway. Bukod sa paglaban, may tungkulin ang hukbong bayan sa gawaing masa, produksyon, propaganda at kultura. Subalit, higit sa lahat, tungkulin ng hukbong bayan ang pag-agaw at pagdurog sa kapangyarihang pampulitika ng reaksyunaryong estado at paglansag sa kaaway sa pamamagitan ng mga pamamaraang militar at pulitikal.

Dapat nating linangin at hubugin ang hukbong bayan bilang pangunahing armadong organisasyon sa paglansag sa kaaway at pagsupil sa mga lokal na tirano at mga kaaway ng mamamayan. Dapat nitong ilunsad ang mga taktikal na opensiba laban sa mahihina at nakahiwalay na pwersa ng kaaway upang kumpiskahin ang kanilang armas. Dapat nitong ilunsad ang mga labanang tiyak na maipagtatagumpay at umiwas sa mga labanang di napaghandaan at gasgasan.

Sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba, ipatupad ang patakaran na umiwas sa matitigas na target na malamang mabigo at unahin ang mga madali at di matigas na target na malaki ang porsyentong maipagwawagi. Tungkulin kapwa ng mga platung pambanat at mga platun sa gawaing masa na paunlarin ang kanilang kapasidad sa mga opensibang aksyon at operasyon.

Sa gawaing masa, nalilikha ang mga kundisyon at oportunidad para sa gawaing militar. Naggagawaing masa ang hukbo upang likhain ang baseng suporta

Page 13: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

13 KALATASMARSO 29, 2016

para mailunsad ang isang matagumpay na taktikal na opensiba. Mula sa hanay ng mga napalilitaw ng mga saligang organisasyon ng mamamayan at mga alyado, maitatayo ang malawak na network na pagmumulan ng mayamang impormasyon sa pagsero ng mga target para sa taktikal na opensiba at pamamarusa. Sa proseso ng gawaing masa, napalalalim ang kaalaman ng hukbong bayan sa mga pangunahing kaaway ng mamamayang nang-aapi sa kanila. Malugod silang mapapakilos ng hukbo upang parusahan at sugpuin ang mga lokal na tirano at pasista.

Dapat na iwaksi ang mga maling pag-iisip na kaya hindi napag-uukulan ang paglulunsad ng taktikal na opensiba dahil naggagawaing masa o dahil naghahanda sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Maaari pang umiral ang kabilang dulo na kaya’y hindi nakapaggagawaing masa o naaasikaso ang reporma sa lupa dahil naghahanda ng taktikal na opensiba. Dalawang dulo ng maling pag-iisip ito na maaaring taglayin ng mga bertikal at horisontal na pormasyong gerilya at kung gayon dapat na bantayan sa mga pagtatasa.

Malaki ang halaga at lugar ng pagpapasigla ng mga taktikal na opensiba sa harap ng mas masahol na krisis sa lipunan at sa kundisyon na pinalalakas ng mga reaksyunaryo ang hangin ng repormismo sa pamamagitan ng burges na mga eleksyon. Sa konteksto ng nalalapit na eleksyong presidensyal sa Mayo, 2016 tungkulin ng hukbong bayan na pagmarkahin sa kamalayan ng mamamayan ang pangangailangan ng armadong rebolusyon sa pamamagitan ng ibayong

pagpapasigla ng mga umaalingawngaw na taktikal na opensiba na patama sa reaksyonaryong paghahari.

Bigyan ng pansin ang madadaling target. Alinsunod dito, dis-armahan ang mga security guards ng mga dayuhang kumpanya na gumagawa ng mga anti-mamamayang aktibidad. Dapat na parusahan ang ekonomikong interes ng mga dayuhang negosyo’t kumprador na nang-aagaw ng lupa’t sumisira sa kabuhayan ng mamamayan at kapaligiran tulad ng mga minahan, plantasyon at kumpanya sa real estate. Sa katulad na paraan, target ng mga rebolusyonaryong aksyon ang pamamarusa at pagpapatigil ng mga operasyon sa quarry at iba pang mapanira sa kapaligiran at kabuhayan ng masa.

Gawing target ng opensibang aksyon ng NPA ang mga istasyon ng pulis at detatsment na mahina ang depensa, mga nagpapatrulyang sundalo na lakad at nakasakay, perimeter patrol ng mga kampo, mga

kolum na naglulunsad ng operasyong kombat at mga nakahiwalay na pwersa ng peace and development teams ng kaaway. Sa mga target na ito, mailulunsad ang mga operasyong anihilasyon at atrisyon batay sa sitwasyon gamit ang bombang command-detonated.

Dapat pag-ibayuhin at paunlarin ang mga pagsasanay sa pulitika at militar. Sa mga pagsasanay, nalilinang ang opensibang kakayanan ng hukbong bayan at napauunlad ang mga teknik at taktika sa pakikipaglaban. Kailangang bigyan ng

pansin ang pag-aaral at paglalagom ng mga labanan upang mahango ang mga aral

mula sa mga positibo at negatibo, magkaroon ng nagkakaisang pag-unawa at patuloy na mapataas

ang diwang opensiba.

6. Itaguyod at ipagtanggol ang karapatan ng mga pambansang minorya para sa pagpapasya-sa-sarili

Tungkulin ng New People’s Army na suportahan at ipagtanggol ang karapatan ng mga pambansang minorya para sa sariling pagpapasya. Kabilang dito ang

Page 14: Ipagtanggol ang mga Tagumpay at Magkamit ng Malalaking ... · PDF filesa mga bansa sa North, Northeast, ... ipinipihit ng US sa East Asia ang pagpapalakas at ... patrimonya at likas

MARSO 29, 201614 KALATAS

pagkilala at pagtatanggol sa karapatan nila sa lupang ninuno at pagrespeto sa kanilang katutubong kultura at kaugalian. Sa kasaysayan ng hukbong bayan sa rehiyon, mahalaga ang naging papel ng pagtangkilik ng mga pambansang minorya sa nagsisimula pa lamang na mga yunit ng hukbong bayan upang maligtasan ang malupit na mga operasyong paghanap at pagkitil sa usbong.

Malugod na tinanggap ng mga komunidad ng mga pambansang minorya ang hukbo dahil itinaguyod nila ang kahilingang mabawi ang mga lupang komunal ng mga angkanan na kinamkam at binakuran ng malalaking rantsero. Sinuportahan ng hukbong bayan ang muling pag-okupa sa mga lupang pastuhan at pagbubuwag ng mga rantso upang muling matamnan at mabungkal ng mga pambansang minorya. Mula

noon, nagsimulang ibigay nila ang mga mabubuting anak para maging bahagi ng hukbo at ibukas ang mga tahanan at komunidad para masilungan at maging kanlungan ng mga pwersang gerilya.

Hibang na nilalayon ng Oplan Bayanihan na tibagin at pahinain ang malakas na suporta ng mga katutubong komunidad sa hukbong bayan sa pamamagitan ng kanilang IP centric strategy and approach. Ginagamit ng estado at AFP ang National Greening Program at iba pang iskema tulad ng CADC at CADT upang linlangin ang masa ng mga katutubong mamamayan. Subalit napakalalim na ng naipundar na binhi ng paglaban at mabuting relasyon ng hukbo sa pambansang minorya na hindi sukat matitibag sa pamamagitan ng panlilinlang at karahasan.