35

Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang
Page 2: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | i

Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang beses sa isang taon

KOMPUTASYON NG EDAD NG BATA

Makaraan na matiyak ang mga petsa, ikompyut ang edad ng bata sa pamamagitan ng pagbabawas ng

petsa ng kaniyang kaarawan mula sa petsa ng pagsasagawa ng eksaminasyon. Bawat buwan ay binubuo

ng 30 araw. Huwag i-round off ang mga buwan o taon. Isulat ang pangalan ng eksaminer bawat

pagkakataon na isinasagawa ang pagsusulit.

Taon Buwan Araw Pangalan ng Eksaminer

Unang Pagtataya

Petsa ng Pagsusulit

Petsa ng Kapanganakan ng Bata

Edad ng Bata

Ikalawang Pagtataya

Petsa ng Pagsusulit

Petsa ng Kapanganakan ng Bata

Edad ng Bata

Ikatlong Pagtataya

Petsa ng Pagsusulit

Petsa ng Kapanganakan ng Bata

Edad ng Bata

Petsa ng Kapanganakan ng Bata

Edad ng Bata

Page 3: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | ii

PAGPAPAKILALA SA CHECKLIST

Ipakilala ang Checklist sa magulang/caregiver sa pamamagitan ng pagsabi ng sumusunod:

Narito kami upang tulungan kang malaman kung paano nagdedevelop ang iyong anak sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa mga bagay na kaya niyang gawin, o pagpapagawa sa iyong anak ng ilang mga gawain. Walang pasado o bagsak na iskor. Ito ay checklist lamang. Ang ilang mga tanong ay para sa mga batang mas matanda sa iyong anak, kaya hindi ko inaasahang gawin niya ang lahat ng bagay na sasabihin ko. Plano naming isagawa ang Checklist nang maraming beses hanggang ang iyong anak ay umabot ng 5 taon at 11 buwan. Kung kaya’t sana ay huwag ninyo siyang turuan o sanayin dahil importante na malaman kung ano lamang ang kaniyang kaya at hindi kayang gawin para sa kaniyang edad. Makaraang isagawa ang Checklist, ibabahagi namin ang resulta sa inyo at kami’y magbibigay ng suhestiyon kung ano ang maaari ninyo pang gawin upang mapagbuti ang development ng bata.

Makaraang maitatag ang relasyon, ipakilala ang Checklist sa bata sa pamamagitan ng pagsabi ng

sumusunod:

May mga bagay akong ipagagawa sa iyo ngayon. Ang ilan dito ay napakadali. Ang ilan

naman ay medyo mahihirapan kang gawin. Huwag kang mag-alala kung hindi mo kayang

gawin lahat dahil ang ilang mga gawain ay para sa mga batang mas matanda sa iyo. Kung

kaya’t hindi ko inaasahan na magagawa mo ang lahat ng sasabihin ko. Subukan mo

lamang.

Page 4: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | iii

PAANO ISAGAWA?

Ang form na ito ay maaaring gamitin para sa anim na hiwalay na mga ebalwasyon ng parehong bata kaya

magiging madali para sa iyo na makita kung paaano siya nagdedevelop habang tumatanda. Ang “Present”

na bahagi ng Form na ito ay may 6 na kolum kung saan mamarkahan mo ang kakayahan at pag-uugali ng

bata sa bawat panahon na tinataya mo siya. Kung ang bata ay nagpakita ng kakayahan o pag-uugali,

maglagay ng tsek (✓) sa naturang kolum. Kung ang bata ay hindi nagpakita, maglagay ng gitling (-) at

isulat ang dagdag na impormasyon sa “Mga Komento” na kolum na nagpapaliwanag kung bakit hindi

naipakita ng bata ang pag-uugali.

Kailan magsisimula at titigil?

Isagawa ang lahat ng item.

Paano lalagyan ng iskor?

I-tally ang bilang ng tsek (✔) sa bawat domeyn at irekord ito sa seksiyon na may label na “Total

Score.”

Page 5: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 1

Domeyn na Gross Motor / Panlahat na Kakayahan

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento

1st 2nd 3rd

1

Nakaaakyat sa upuan o ibang mataas na gamit/kasangkapan katulad ng kama nang hindi tinutulungan

Sapat ang ulat ng magulang.

2

Nakalalakad ng paurong o paatras.

PAMAMARAAN: Sabihan ang bata na lumakad ng patalikod o paurong. Ipakita kung paano ito gagawin. Sapat ang ulat ng magulang. Italâ kung ang bata ay nakakalakad nang paurong/paatras nang hindi natutumba at walang hinahawakan.

3 Nakatatakbo nang hindi natutumba o nadadapa.

MATERYALES: bola PAMAMARAAN: Hikayating tumakbo ang bata sa pamamagitan ng pagpagulong ng bola sa sahig. Italâ kung ang bata ay makakatakbo ng mabilis at maayos na hindi natitisod/nadadapa o natutumba.

4 Nakabababa ng hagdanan, dalawang paa bawat baitang, na nakahawak ang isang kamay sa hawakan ng hagdanan.

Agarang italâ kung makikitang nagagawa niya ang aytem #6. Sapat ang ulat ng magulang.

Page 6: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 2

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

5 Nakaaakyat ng hagdanan na nakahawak sa hawakan ng hagdan, 2 paa sa bawat baitang.

MATERYALES: laruan PAMAMARAAN: Maglagay ng laruan sa pagitan ng ika-4 o ika-5 baitang ng hagdan. Paakyatin ang bata upang kunin ang laruan. Italâ kung ang bata ay magagawang umakyat ng hagdanan sa pamamagitan ng pagyapak ng dalawang paa sa unang baitang gayundin sa mga susunod na baitang na nakahawak sa hawakan o baybay ng hagdanan o kaya’y sa dingding para suporta. Agarang italâ kung ang bata ay nagagawa ang aytem #6 Sapat ang ulat ng magulang.

6 Nakaaakyat ng hagdanan na halinhinan ang paa at hindi humahawak sa hawakan ng hagdan.

MATERYALES: laruan PAMAMARAAN: Maglagay ng laruan sa gitna ng ika-4 o ika-5 baitang ng hagdan. Paakyatin ang bata upang kunin ang laruan. Italâ kung magagawa ng batang umakyat ng hagdanan na halinhinan ang paa at hindi humahawak sa hawakan ng hagdano dingding para suporta. Sapat ang ulat ng magulang.

Page 7: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 3

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

7 Nakabababa ng hagdan na halinhinan ang paa at hindi kumakapit sa hawakan hagdan.

MATERYALES: laruan PAMAMARAAN: Maglagay ang laruan sa pinaka baba ng hangdan. Pababain at ipakuha ito sa bata. Italâ kung halinhinan ang paang bababa at hindi humahawak sa hawakanng hagdan. Huwag bibigyan ng puntos kung iaapak ang parehong paa sa bawat baytang ng hagdan o kumapit sa dingding o hawakan ng hagdan. Sapat ang ulat ng magulang.

8 Naigagalaw ang katawan ayon sa sasabihing kilos.

PAMAMARAAN: Sabihin sa bata na itaas ang dalawang kamay.

9 Nakalulundag. Kailangang makita ito ng interviewer

10 Naihahagis ang bola mula sa ibabaw ng ulo sa direksyon na ninanais.

MATERYALES: bola PAMAMARAAN: Bigyan ang bata ng bola at tumayo ng may layong tatlong (3) talampakan mula sa kanya. Sabihin sa bata na ihagis ang bola mula sa ibabaw ng kanyang ulo sa patungo sa iyo. Italâ kung maihahagis ng bata ang bola mula ibabaw ng kanyang ulo at aabot sa iyo na ang direksyon ay tungo sa pagitan ng iyong tuhod at ulo. Masdan kung hindi ito patagilid o galing sa ibaba.

Page 8: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 4

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

11 Nakalulundag o nakakandirit ng tatlong (3) beses gamit ang nakasanayang paa (preferred foot)

PAMAMARAAN: Sabihin sa batang itaas ang isang paa at lumundag o kumandirit ng 3 beses na gamit ang nakasanayang paa (preferred foot). Italâ kung ang bata ay makakalundag na gamit ang nakasanayang paa (preferred foot) nang walang hinahawakan.

12 Nakalulundag at nakakaikot.

PAMAMARAAN: Sabihin sa batang lumundag sabay ikot palikod likod. Italâ kung magagawa ito ng bata nang hindi natutumba.

13 Nakasasayaw nang may sinusunod na pattern o nakakasabay sa mga gawaing pang grupo.

Sapat ang ulat ng magulang.

KABUOANG ISKOR

Page 9: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 5

Domeyn na Fine Motor / Pangkamay

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento

1st 2nd 3rd

1 Kayang kunin / pulutin ang pagkain o laruan gamit ang limang daliri na nasa isang patag na lugar.

MATERYALES: maliit na laruan o bagay PAMAMARAAN: Paupuin ang bata sa kandungan ng magulang kung saan ang siko ng bata ay kapantay sa lamesa at ang mga kamay ay nakapatong dito. Maghulog ng maliit na laruan. Tawagin ang pansin sa pag tapik o pagtuktok sa ibabaw ng lamesa o di kaya’y ituro ang laruan. Italâ kung pupulutin ng bata ang laruan gamit ang kanyang limang daliri, o tila pakalaykay. Agarang italâ kung nagagawa na niya ang susunod na aytem.

2 Kayang pulutin o kunin ang laruan o pagkain gamit ang hinlalaki at hintuturong daliri.

MATERYALES: maliit na laruan o pagkain PAMAMARAAN: Ilagay ang laruan o pagkain sa harap ng bata na kaya niyang abutin. Tawagin ang pansin ng bata sa pagtapik o pagtuktok ng malapit sa pagkain o laruan. Italâ kung gagamitin ng bata ang dulo ng hinlalaki at hintuturong daliri sa pagpulot ng laruan o pagkain.

3 Naipakikita o naipapamalas ang nakasanayang kamay (right- o left-handedness).

MATERYALES: maliit na laruan PAMAMARAAN: Ilagay ang laruan sa tiyak na harapan ng bata. Siguraduhing nasa gitna ang laruan. Sabihan ang bata na abutin o kunin ang laruan. Ipagawa ng 2 hanggang 3 beses. Italâ kung gagamitin ang isang kamay (kaliwa o kanan) ng dalawang beses sa loob ng tatlong pagsubok. Sapat ang ulat ng magulang.

Page 10: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 6

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

4 Nailalagay sa loob at inilalabas ng isang lalagyan ang maliliit na bagay.

MATERYALES: maliliit na bagay at malalagyan ng mga ito Dapat maipagawa o maipalabas ng interviewer

5 Nahahawakan ang krayola gamit ang 5 daliri ng kamay na parang nakatikom na kamao (palmar grasp)

MATERYALES: krayola PAMAMARAAN: Ipakita ang krayola sa bata at hayaang kunin nya ito. Italâ kung hahawakan ng bata ang krayola gamit ang kanyang limang daliri o buong kamay na parang nakatikom na kamao. Atomatikong bigyan ng puntos kung hahawakan ng bata ang krayola ng mga dulo ng kanyang 5 daliri. Dapat maipagawa o maipalabas ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

6 Nabubuksan ang takip ng boteng de roskas (screw)o nababalatan ang kending nakabalot.

MATERYALES: Boteng may takip na de roskas o kending may balat Dapat maipagawa o maipalabas ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

7 Kusang sumusulat o guri-guring sumusulat (scribbles).

MATERYALES: papel, lapis/ krayola PAMAMARAAN: Ilagay ang isang pirasong papel at lapis o krayola sa ibabaw ng lamesa at sabihin sa bata na magdrawing ng gusto nya. Dapat ay hindi sasabihin kung anong idodrowing at hindi rin ipapakita ng tagasuri kung paano ang gagawin. Italâ kung gagamitin ng bata ang dulo ng mga daliri sa paghawak ng lapis o krayola at nagsulat/nakakaguhit sa papel (hindi accidental)

Page 11: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 7

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

8 Nakasusulat ng pahalang at patayong linya.

MATERYALES: papel; lapis / krayola PAMAMARAAN: Ilagay ang lapis o krayola at papel sa ibabaw ng lamesa at sabihin sa bata na gayahin ang isusulat mong pahalang at patayong linya. Italâ kung makasusulat ang bata ng linyang pahalang at patayo na may sukat na dalawang pulgada at hindi halos naiiba sa iyong sinulat. Maaring medyo wavy (hindi tuwid na tuwid) ang kanyang nagawa ngunit hindi dapat putol putol ang linya.

9 Nakaguguhit ng bilog.

MATERYALES: papel; lapis / krayola PAMAMARAAN: Ilagay ang papel at lapis o krayola sa ibabaw ng mesa at sabihin sa kanyang gayahin ang iginuhit mong bilog o bola. Italâ kung ang bata ay makakaguhit ng bilog o putol na bilog. Walang puntos kung ang ginuhit ay paikid ikid (spiral).

10 Nakaguguhit ng tao (ulo, mata, katawan, braso, kamay / daliri)

MATERYALES: papel; lapis / krayola PAMAMARAAN: Bigyan ng lapis at papel ang bata at sabihing gumuhit ng tao. Italâ kung ang bata ay makaka guhit ng tao na may 3 o higit na parte ng katawan. Ang bilang ng 1 pares ay 1 bahagi tulad ng (mata, tainga, braso, kamay, binti at paa). Pares dapat ang pagkakaguhit ng mga ito upang magkaroon ng puntos.

Page 12: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 8

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

11 Nakaguguhit ng bahay gamit ang iba’t ibang hugis (geometric figure)

MATERYALES: papel; lapis/ krayola PAMAMARAAN: Bigyan ng lapis at papel ang bata at sabihing gumuhit ng bahay. Italâ kung maguguhit ng bata ang bubong, katawan ng bahay, pinto, at bintana.

KABUOANG ISKOR

Page 13: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 9

Domeyn na Self-Help / Pansarili

Self-Help Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

Sub-domeyn na pagkain 1 Nakakakain ng

biskwit o tinapay (o iba pang finger food) nang mag-isa gamit ang mga daliri.

MATERYALES: Tinapay o biskwit Dapat makita ito ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

2 Mag-isang kumakain ng kanin at ulam gamit ang mga daliri / kamay na may kalat o natatapon.

Awtomatikong italâ kung naipapakita ang aytem # 4. Sapat ang ulat ng magulang.

3 Kumakaing mag-isa gamit ang kutsara na may kalat o natatapon.

Awtomatikong italâ kung naipapakita ang aytem # 5. Sapat ang ulat ng magulang.

4 Nakakakain gamit ang mga daliri / kamay na walang kalat o natatapon.

Sapat ang ulat ng magulang.

5 Nakakakain nang mag-isa gamit ang kutsara na walang kalat o natatapon.

Sapat ang ulat ng magulang.

6 Nakakakain nang mag-isa. Hindi na sinusubuan.

Sapat ang ulat ng magulang.

7 Tumutulong sa paghawak ng tasa habang umiinom.

MATERYALES: tasang inuman, tubig Dapat walang bibig o tuka ang tasang inuman Dapat maipakita o maipalabas ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

Page 14: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 10

Self-Help Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

8 Nakaiinom sa tasa ngunit may tapon.

MATERYALES: tasang inuman, tubig Dapat walang bibig o tuka ang tasang inuman Dapat maipakita o maipalabas ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

9 Nakaiinom sa tasa nang hindi nangangailangan pa ng tulong.

MATERYALES: tasang inuman, tubig Dapat maipakita o maipalabas ng tagasuri / tagapanayam (interviewer)

10 Kumukuha ng inumin nang mag-isa at walang umaalalay

Sapat ang ulat ng magulang.

11 Nakapagbubuhos ng tubig mula sa pitsel na walang tapon.

Sapat ang ulat ng magulang.

12 Inihahanda ang sariling pagkain (snacks)

Tanungin ang tagapag-alaga kung nakapaghahanda ng kanyang baon / snack na walang tumutulong maliban na lang sa pagkuha ng mga mahirap kuning gagamitin para dito (hal. tasa, kutsara)

13 Nakapaghahanda ng pagkain para sa mga nakababatang kapatid o pamilya kung walang matandang kasama.

Sapat ang ulat ng magulang.

Sub-domeyn na pagdadamit 14 Sumusunod/

nakipagtutulungan kapag binibihisan (itinataas ang kamay at at paa).

Sapat ang ulat ng magulang.

15 Nahuhubad ang shorts/pantalong de garter mag-isa.

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 15: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 11

Self-Help Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

16 Nahuhubad ang sando nang mag-isa.

Sapat ang ulat ng magulang.

17 Nakapagsusuot ng damit / nakapagbibihis mag-isa maliban sa pagbubutones o pagtatali.

Sapat ang ulat ng magulang.

18 Mag-isang nakapagbibihis, nakapagbubutones at nakaagtatali nang walang tumutulong

MATERYALES: kamiseta o polo na may butones at sapatos na may sintas PAMAMARAAN: Ipagawa sa bata ang pagbubutones ng damit at pagtatali ng sapatos na may sintas

Sub-domeyn na toileting 19 Naipaaalam lamang

sa nakatatanda matapos niyang umihi o dumumi sa kanyang salawal.

Sapat ang ulat ng magulang.

20 Nagsasabi sa nakatatanda na gusto niyang umihi o dumumi upang siya ay madala sa nakatakdang lugar (hal. palikuran)

Sapat ang ulat ng magulang.

21 Kaya na niyang pumunta sa palikuran / CR kapag siya ay maiihi o madudumi. Maaring minsan ay napapaihi o napapadumi pa rin siya sa salawal.

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 16: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 12

Self-Help Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

22 Kaya na niyang pumunta sa palikuran/CR kapag siya ay maiihi o madudumi.

Sapat ang ulat ng magulang.

23 Nakapagpupunas o nakapaglilinis ng sarili matapos dumumi.

Sapat ang ulat ng magulang.

Sub-domeyn na pagligo 24 Nakipagtutulungan

kapag pinapaliguan (hal. sinasabon ang sariling braso)

Sapat ang ulat ng magulang.

25 Naghuhugas at tinutuyo ang mga kamay na hindi tinutulungan.

Tanungin ang tagapag-alaga kung kaya na ng bata maghugas at magpunas ng kamay. Maaring tinutulungan pa siyang magbukas o magsara ng gripo

26 Nakapaghihilamos nang mag-isa.

Tanungin ang tagapag-alaga kung kaya na ng batang maghilamos at magpunas ng mukha na hindi tinutulungan. Maaring tinutulungan pa siya sa pagbukas o pagpatay ng gripong hindi maabot.

27 Nakaliligo nang mag-isa at nang walang tulong galing sa iba.

Sapat ang ulat ng magulang.

KABUOANG ISKOR

Page 17: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 13

Domeyn na Receptive Language / Pang-unawa

Receptive Language

Materyales/ Pamamaraan Present Mga

Komento 1st 2nd 3rd

1 Naituturo ang kapamilya / tagapag-alaga kapag ipinatutro.

PAMAMARAAN: Ipaturo sa bata kung nasaan ang magulang o tagapag-alaga. Italâ kung kaya ng bata na maituro ng tama.

2 Naituturo ang 5 bahagi ng kanyang katawan

PAMAMARAAN: Ipaturo sa bata ang bahagi ng kanyang katawan tulad ng ilong, mata, bibig, kamay at paa. Italâ kung maituturo niya ang lahat ng mga ito.

3 Naituturo ang 5 larawan na babanggitin ng tagapanayam.

MATERYALES: picture book na may 2 larawan sa kada pahina. PAMAMARAAN: Ipakita sa bata ang mga larawan sa libro (may 2 larawan ang bawat pahina) at ipaturo ang mga larawan na itatanong mo “Nasaan ang ______?”). Italâ kung maituturo niya (ng kanyang daliri o hintuturo) ang tamang larawan na hindi bababa sa bilang na lima (5)

4 Nakasusunod sa isahan o “one-step instruction” na may payak na pang-ukol (simple prepositions) tulad ng nasa (in); sa (on); sa ilalim (under); etc.

MATERYALES: blocks o laruan PAMAMARAAN: Sabihin sa bata na ilagay ang blocks o laruan sa ilalim ng lamesa; ibabaw ng lamesa; sa loob ng bag. Huwag ituro sa bata habang nagbibigay ka ng “instructions”. Italâ kung ang bata ay nakasunod ng hindi bababa sa isang panuto

Page 18: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 14

Receptive Language

Materyales/ Pamamaraan Present Mga

Komento 1st 2nd 3rd

5 Nakasusunod sa 2 step o dalawa-dalawang “instructions” na gamit ang mga payak na pang-ukol (simple prepositions)

MATERYALES: blocks o laruan PAMAMARAAN: Sabihin sa bata na kunin ang laruan sa ilalim ng lamesa pagkatapos ay ilagay sa ibabaw ng lamesa. Huwag ituro sa bata o magbigay ng “clue” habang nagbibigay ka ng “instsructions”. Italâ kung nagawa ng bata ang iyong panuto.

KABUOANG ISKOR

Page 19: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 15

Domeyn na Expressive Language / Pangwika

Receptive Language

Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento

1st 2nd 3rd

1 Malinaw na nakapagsasabi ang bata ng 5 hanggang 20 na mga salita.

PAMAMARAAN: Itanong sa tagapag-alaga kung ang bata ay nakapagsasabi na ng 5 o 6 na malinaw na salita maliban sa mama at papa. Ito ang pinakamababang bilang ng salitang masasabi.

2 Gumagamit na ng mga panghalip (hal. ako, akin).

Sapat ang ulat ng magulang.

3 Nakabubuo na ng 2-3 kombinasyon ng pandiwa at pangngalang salita (verb-noun) tulad ng “hingi-gatas”

Sapat ang ulat ng magulang.

4 Nasasabi ang tamang pangalan ng mga larawan sa aklat.

MATERYALES: picture book PAMAMARAAN: Ituro ang isang larawan sa aklat at tanungin kung ano ito. Italâ kung makakapagsabi ng hindi bababa sa apat na tamang sagot ang bata. Sapat na ang ulat ng magulang

5 Nakapagsasalita ng malinaw at tama gamit ang pangungusap na may 2 – 3 salita.

Sapat ang ulat ng magulang.

6 Nagtatanong ng mga tanong na nagsisimula sa “ANO”.

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 20: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 16

Receptive Language

Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento

1st 2nd 3rd

7 Nagtatanong ng mga tanong na nagsisimula sa “SINO’ at “BAKIT”.

Sapat ang ulat ng magulang.

8 Naikukwento ng bata ang mga bagong karanasan niya (may “guide”) nang naayon sa pagkasunud-sunod ng pangyayari. Gumagamit ng mga nasa salitang past tense.

PAMAMARAAN: Tanungin ang tagapag-alaga kung ang bata ay nakapag-salaysay ng kanyang mga karanasan na may tamang pagkakasunod-sunod at gamit ang mga salitang nasa past tense o nakalipas. Maaaring magbigay ng “clue” ang tagapag-alaga upang maisalaysay ng maayos at kumpleto ang kwento. Sapat ang ulat ng magulang.

KABUOANG ISKOR

Page 21: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 17

Domeyn na Cognitive / Pangkaisipan

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

1 Tumitingin sa direksyon ng nahuhulog na bagay.

MATERYALES: kutsara o bola PAMAMARAAN: Ihulog ang bola o kutsara upang makuha ang atensyon ng bata habang siya ay naka-upo. Tingnan kung susundan ng tingin ang nahulog na bagay. Italâ kung titingin o susundan ng tingin ng bata ang bagay na nahuhulog. Atomatikong bigyan ng puntos kung magagawa niya ang aytem #5

2 Tinitingnan ang bahagyang nakatagong bagay.

MATERYALES: bola, /face towel o tela PAMAMARAAN: Habang nakaharap sa iyo ang bata, bahagyang itago ang bola sa maliit na tuwalya at pagmasdan kung hahanapin at makikita niya ito. Italâ kung kinuha ng bata ang nakatagong bola. Agad bigyan ng puntos kung magagawa niya ang aytem #5

3 Ginagaya ang kilos na kakikita pa lamang

Agad bigyan puntos ang bata kung magagawa niya ang aytem #6 Sapat ang ulat ng magulang.

4 Iniaalok ang hawak na bagay ngunit hindi naman binibitawan.

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 22: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 18

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

5 Hinahanap ang bagay na lubusang nakatago

MATERYALES: bola, / face towel o tela PAMAMARAAN: Habang nakaharap sa iyo ang bata, itago ang bola sa maliit na tuwalya at masdan kung hahanapin at makikita niya ito sa ilalim ng tuwalya. Italâ kung hinanap ng bata ang nakatagong bola at kinuha ito.

6 Nakikitang naglalaro ng kunyari-kunyarian o pretend play (hal. nagpapakain o nagpapatulog ng manika)

MATERYALES: manika o laruang sasakyan/ block PAMAMARAAN : Kargahin ang manika at kunwaring patutulugin o paandarin ang kotse-kotsehan ng paurong – sulong. Italâ kung kaya itong gayahin ng bata.

7 Napagsasama-sama ang mga magkakatulad na bagay.

MATERYALES: 1 pares ng kutsara, blocks, at bola PAMAMARAAN: Ihanay ang 1 kutsara, 1 bola at 1 block sa mesa. Ibigay sa bata ang mga kaparehas ng mga bagay na nasa mesa at sabihing “Pagsama samahin mo nga ang magkakatulad o magkakapareho”. Italâ kung mapagsasama-sama ng bata ang magkakatulad na bagay.

Page 23: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 19

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

8 Kayang makapagtugma ng 2 - 3 kulay.

MATERYALES: 3 pares na krayola (asul, pula, dilaw) PAMAMARAAN: Maglagay ng tig iisang kulay ng krayola sa ibabaw ng lamesa. Ibigay naman ang natitirang krayola sa bata. Magpakita ng halimbawa ng krayola na magkaparehas ang kulay (pula sa pula). Pagkatapos ay ibigay sa bata ang krayola at ipagawa sa kanya. “Itabi mo ang bawat krayola sa kaparehas nitong kulay” Italâ kung mapagpapares pares ng bata nang tama ang mga kulay.

9 Kayang makapagtugma ng magkakaparehas na mga larawan

MATERYALES: 3 pares ng picture cards (tulad ng mansanas, orange, saging) PAMAMARAAN: Ilagay sa ibabaw ng mesa ang tig-iisang kopya ng mga larawan. Ibigay sa bata ang ibang larawan. Ipakita kung paano ang pagpapapares-pares (saging sa saging). Matapos ipakita ay ipagawa naman sa bata. “Ipagpares pares mo nga ang magkakatulad na larawan.” Italâ kung maipagtutugma ng bata ang 3 pares ng larawan.

10 Napagsasama-sama ang mga magkakatulad ang hugis

MATERYALES: 4 na pares ng iba’t ibang hugis na magkakatulad ang laki at kulay PAMAMARAAN: Ipakita sa bata ang mga hugis. Sabihin sa bata na ipagpares-pares o pagsamahin ang mga magkakatulad. Matapos mapagsamasama, ituro ang mga magkakatulad na hugis at tanungin ang bata, “Bakit sila ang iyong pinagsama?” Italâ kung mapagsasama ng bata ang magkakaparehong hugis at masasabi kung bakit sila magkakatulad (pareho sila, pareho sila ng hugis, puro sila bilog).

Page 24: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 20

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

11 Napagsasama sama ang mga bagay ayon sa dalawa nitong katangian (hal. laki at kulay)

MATERYALES: 4 na pares ng iisang hugis: 2 magka ibang laki; 2 magkaibang kulay na pareho ang laki at kulay. PAMAMARAAN: Ipakita sa bata ang mga hugis. Sabihin sa bata na “Pagsamasamahin ang magkakatulad.” Italâ kung mapagsasama sama ng bata ang mga hugis na magkakapareho ang laki at kulay.

12 Naiaayos ang mga bagay ayon sa laki mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

MATERYALES: 4 na pirasong parisukat (square) na magkakasunod ang laki at 4 na pirasong bilog na magkakasunod ang laki. PAMAMARAAN: Ilatag at ipakita sa bata ang unang set ng mga parisukat (hindi magkakasunod). Ipakita sa bata kung paano aayusin ang mga ito mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaki. Sabihin: “Aayusin ko itong mga parisukat mula pinaka maliit hanggang pinakamalaki”. Matapos ipakita guluhin ang pagkaka ayos at sabihin sa kanyang, “Ikaw naman ang mag-ayos mula sa pinaka maliit hanggang pinakamalaki”. Muling ipagawa ang proseso sa mga hugis bilog naman. Huwag nang ipakita kung paano. Italâ kung tama ang pagsasaayos ng bata ng mga sets ng hugis mula pinakamaliit hanggang pinakamalaki. Hayaang sumubok ng 2 beses sa bawat hugis.

Page 25: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 21

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

13 Napapangalanan ang 4 hanggang 6 na kulay

MATERYALES: 6 na papel na may 6 na iba’t ibang kulay PAMAMARAAN: Tanungin ang bata kung anong kulay ang mga papel, “Anong kulay ito?” Italâ kung mapapangalanan ng bata nang tama ang 4 hanggang 6 na kulay.

14 Nakakokopya ng mga hugis

MATERYALES: papel at lapis / krayola PAMAMARAAN: Ipakopya sa bata ang hugis bilog, parisukat, at tatsulok matapos ipakita kung paano ito iguhit.

15 Napangangalanan ang tatlong (3) hayop o gulay kung tatanungin

Italâ kung makapagsasabi ng 3 hayop o 3 pangalan ng gulay.

16 Makapagsasabi kung para saan ginagamit ang mga gamit sa bahay

Italâ kung masasabi ng bata kung saan ginagamit ang 2 o higit na gamit sa bahay tulad ng kama a baso.

17 Makabubuo ng payak na puzzle

MATERYALES: 4 hanggang 6 na pirasong puzzle PAMAMARAAN: Hayaan buuin ng bata ang puzzle sa loob ng 2 minuto. Ituloy ang susunod na aytem matapos ang 2 minuto.

18 Naipakikita na naiintindihan ang mga kabaligtaran sa pamamagitan ng pagbubuo ng pangungusap. Tulad ng “Ang aso ay malaki, ang daga ay ___________.”

Italâ kung masasabi ng bata ang kabaligtarang salita.

Page 26: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 22

Cognitive Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

19 Naituturo ang kaliwa at kanang bahagi ng katawan.

PAMAMARAAN: Umupo sa harap ng bata at sabihing “Ipakita mo nga sa akin ang iyong kaliwang kamay.” Gawin ang katulad na proseso sa mga sumusunod: kanang kamay, kaliwang paa, kanang tuhod; kaliwang balikat; kanang kamay; kanang tuhod; kaliwang binti. Italâ kung maituturo ng bata nang tama ang 5 kaliwa at kanang bahagi ng katawang iyong sinabi.

20 Nasasabi / natutukoy kung ano ang mali sa larawan.

MATERYALES: 2 larawang ng gawing na hindi tama o naaayon sa inilalarawan PAMAMARAAN: Ipakita sa bata ang unang larawan at tanungin, “Ano ang mali sa larawang ito?” Italâ kung matutukoy o maituturo ng bata ang mali sa larawan at bakit ito mali.

21 Napagtutugma ang mga malalaking titik gayundin ang mga maliliit na titik.

MATERYALES: 2 sets ng alphabet cards ng maliit at malaking titik PAMAMARAAN: Ipakita ang 4 na pares ng mga cards ng malalaking titik na hindi ayos. Sabihin sa batang pagsamasamahin ang magkakapareho. Gawin din ito sa mga cards ng maliliit na titik. Italâ kung mapagtutugma ng bata ang 4 na pares maliit man o malaking titik.

KABUOANG ISKOR

Page 27: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 23

Domeyn na Social-Emotional / Panlipunan

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

1 Natutuwang panoorin ang mga ginagawa ng mga tao o hayop sa paligid.

Sapat ang ulat ng magulang.

2 Sa simula ay medyo mahiyain o may alinlangan ngunit sa katagalan ay lumalapit o makikipaglaro o makikipagkaibigan sa mga hindi kakilala.

Sapat ang ulat ng magulang.

3 Naglalaro mag-isa ngunit gustong malapit sa mga kakilalang nakakatanda o sa mga kapatid.

Sapat ang ulat ng magulang.

4 Tumatawa ng malakas o humahagikgik habang naglalaro.

Sapat ang ulat ng magulang.

5 Nakipaglalaro ng bulagaan.

Sapat ang ulat ng magulang.

6 Nakipaglalaro ng gulungan ng bola sa tagapag-alaga.

Sapat ang ulat ng magulang.

7 Niyayakap o niyayapos ang laruan.

Sapat ang ulat ng magulang.

8 Nagpapakita ng paggalang sa nakakatatanda tulad ng paggamit ng mga salitang “po” at “opo”

Sapat ang ulat ng magulang.

9 Nagpapahiram ng mga laruan sa ibang bata

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 28: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 24

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

10 Ginagaya ang gawaing pang matanda tulad ng pagluluto, paglalaba, pagmamaneho atbp.

Sapat ang ulat ng magulang.

11 Nasasabi o natutukoy ang nararamdaman ng iba

Italâ kung matutukoy ng bata kung masaya, malungkot, nag-aalala, etc. ang kanyang tagapag-alaga. Sapat ang ulat ng magulang.

12 Nagagawa sa tamang pagkakataon ang mga pagbati sa kulturang Pilipino tulad ng pagmano, paghalik sa pisngi, etc.

Sapat ang ulat ng magulang.

13 Inaalo ang kalaro / kapatid na nasaktan o natatakot o nalulungkot.

Sapat ang ulat ng magulang.

14 Nagpupursigi kahit may sagabal sa kanyang gustong mangyari.

Italâ kung sinusubukan ng bata na malutas ang kanyang problema o sagabal sa kanyang ginagawa na hindi umiiyak tulad ng pagtatali ng takip ng kahon kung sira na takip nito. Sapat ang ulat ng magulang.

15 Tumutulong sa gawaing bahay tulad ng pagpupunas ng lamesa, pagdidilig, etc.

Sapat ang ulat ng magulang.

16 Inuusisa ang mga nakikita sa kapaligiran ngunit alam din niya kung kailan titigil sa pagtatanong sa mga nakatatanda.

Italâ kung matanong ang bata tungkol sa mga bagay sa paligid niya, ngunit alam niya kung siya ay nagiging makulit na. Sapat na ang sasabihin ng magulang.

Page 29: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 25

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

17 Marunong maghintay Halimbawa, sa paghuhugas ng kamay, pagkuha ng pagkain Sapat ang ulat ng magulang.

18 Nagpapaalam kapag ang laruan ay ginagamit pa ng iba.

Sapat ang ulat ng magulang.

19 Binabantayan ang pag-aari/gamit nang may determinasyon

Italâ kung mahigpit niyang hahawakan o pipigilan ang iba na kuhain ang kanyang pag-aari (possession). Sapat ang ulat ng magulang.

20 Naglalaro ng maayos sa mga pang – grupong laro (hal. hindi nandadaya para manalo)

Sapat ang ulat ng magulang.

21 Nakapagkukwento ng mga nararamdaman na naranasan (kalungkutan, pag-aalala, galit)

Sapat ang ulat ng magulang.

22 Tinatanggap/sinusunod ang isang kasunduang ginawa kasama ang tagapag- alaga. (Hal. makapaglalaro lamang sa labas pagkatapos linisin / ayusin ang kanyang silid o laruan).

Sapat ang ulat ng magulang.

23 Binabantayan ang mga nakababatang kapatid o miyembro ng pamilya.

Sapat ang ulat ng magulang.

Page 30: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 26

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan

Present Mga Komento 1st 2nd 3rd

24 Nakipagtutulungan sa mga nakatatanda o kagrupo upang maiwasan o mabawasan ang hindi pagkakaunawaan o pag-aaway.

Sapat ang ulat ng magulang.

KABUOANG ISKOR

Page 31: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 27

TALÂ NG EKSAMINER

Pangalan ng eksaminer: _________________________________________________________________

Petsa ng pagsasagawa: _________________________________________________

Lugar ng pagsusulit: _________________________________________________

Para sa eksaminer: Sagutan ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon. Maraming salamat.

Isulat ang iyong talâ, deskripsyon, at obserbasyon sa sumusunod na paksa:

Kaligiran ng bata (hal. ugali, kalusugan, atbp.)

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

Kaligiran ng pamilya (hal. kalusugan ng miyembro ng pamilya / problema ng pamilya /

kondisyong pang-ekonomiko, atbp).

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

Mga gawain ng magulang para sa bata (Ano ang mga gawain o bagay na ginagawa ng magulang

upang matulungan ang pagdevelop ng bata?) ________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

Kaligiran sa tahanan (hal. mga gamit / uri ng bahay / aytem sa bahay / interaksyon / atbp)

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________

Iba pa

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

Page 32: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 28

Panuto: Ilipat ang raw score sa bawat domeyn sa talahanayan sa ibaba. Gamit ang Talahanayan ng Scaled

Score Equivalent of Raw Scores Table, i-convert ang raw score sa Scaled Scores na angkop sa edad ng

bata. Upang makuha ang Sum of Scaled Scores, idagdag ang Scaled Scores sa lahat ng domeyn. Upang

makuha ang Standard Score, sumangguni sa Talahanayan ng Standard Score Equivalent of Sum of Scaled

Scores. Isulat ang edad ng bata sa bawat ebalwasyon.

DOMEYN

EDAD

Unang Petsa ng Ebalwasyon: _______________________________________ Edad ng Bata: _______________________________________

Ikalawang Petsa ng Ebalwasyon: _______________________________________ Edad ng Bata: _______________________________________

Ikatlong Petsa ng Ebalwasyon: _______________________________________ Edad ng Bata: _______________________________________

Raw Score Scaled Score Raw Score Scaled Score Raw Score Scaled Score Gross Motor

Fine Motor

Self-Help

Receptive Language

Expressive Language

Cognitive

Social-Emotional

Kabuoan ng Scaled Score

Standard Score

Interpretasyon

Page 33: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Page | xxix

Page 34: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 30

Page 35: Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang

Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2) | 31