14
REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXVI Blg.3 Hulyo-Setyembre 2004 Inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Inilalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Pagpapalaya sa Dalawang POW, Tagumpay! POW 1Lt. Ronaldo Fidelino POW Pfc. Ronel Nemeæo A las otso ng umaga, Agosto 18, nagsimula ang pangkulturang pagtatanghal para sa pagpapalaya sa dalawang bihag ng digma (POW). Hitik ng r rebolusyonaryong mga kanta, tula at malikhaing galaw ang pabaon ng custodial force ng NPA kina 1Lt Ronaldo Fidelino at Pfc Ronel Nemeæo. Sa loob ng mahigit limang buwan, maluwag at makatao ang naging pagtrato ng custodial force sa mga bihag. Isinaalang-alang ng mga pulang mandirigma ang mga kahilingan ng mga bihag, sa abot ng pinapahintulot ng sitwasyon. Isang halimbawa lamang nito ang pagpayag kay 1Lt. Fidelino na makausap ang kanyang asawa sa pamamagitan ng cellphone. Ang pagpapalaya mismo sa dalawa ay batay sa makataong kunsiderasyon. sundan sa pahina 2

Inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF filebuksan ang programa para sa unang yugto ng pagpapalaya ... Komunista ng Pilipinas, na ipinakita. Kinulayan ng mga

  • Upload
    vannga

  • View
    307

  • Download
    18

Embed Size (px)

Citation preview

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Taon XXVI Blg.3

Hulyo-Setyembre 2004

Inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Inilalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Pagpapalaya sa Dalawang POW,Tagumpay!

POW 1Lt. Ronaldo Fidelino POW Pfc. Ronel Nemeño

Alas otso ng umaga, Agosto 18, nagsimula ang pangkulturang pagtatanghalpara sa pagpapalaya sa dalawang bihag ng digma (POW). Hitik ngr rebolusyonaryong mga kanta, tula at malikhaing galaw ang pabaon ng custodial

force ng NPA kina 1Lt Ronaldo Fidelino at Pfc Ronel Nemeño.Sa loob ng mahigit limang buwan, maluwag at makatao ang naging pagtrato ng

custodial force sa mga bihag.Isinaalang-alang ng mga pulang mandirigma ang mga kahilingan ng mga bihag,

sa abot ng pinapahintulot ng sitwasyon. Isang halimbawa lamang nito ang pagpayagkay 1Lt. Fidelino na makausap ang kanyang asawa sa pamamagitan ng cellphone.

Ang pagpapalaya mismo sa dalawa ay batay sa makataong kunsiderasyon.

sundan sa pahina 2

2 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Pagpapalaya saDalawang POW,Tagumpay!

EditoryalSampung PuntongPrograma ni Gloria,Hungkag

Tigil ang UsapangPangkapayapaanObligasyon ng GRPKailangang Tupdin

Ulat KoresponsalSipi mula sa Pananalitang Isang Bihag ng Digma

Ulat KoresponsalPagsasanay sa Paglikhang mga �PelikulangBayan� Idinaos saRehiyon

Deklarasyon ng SOMOLinalabag ng Militar

SILYABALITA

Ulat KoresponsalKumperensyang Militarng Prubinsya, Ilinunsad

Diwang Rebolusyonaryo�Bakas�

Batoy

NilalamanHulyo - Setyembre 2004

p. 1

p. 3

p. 5

p. 7

p. 8

p. 9

p. 11

p. 13

p. 14

p. 14

Salamin ng rebolusyonaryong kultura ang bawat pakikitungosa kanila ng mga pulang mandirigma. Sa gitna man ng hamonng matinding sakripisyo, hindi binitawan ng mga kasama angprinsipyadong pagturing kina Fidelino at Nemeño. Kung kaya�thindi nakapagtatakang binigkas ni 1Lt Fidelino ang taimtimna pasasalamat sa mga kasamang nangalaga sa kanila.

Isang kanta ng pamamaalam sa isang kaibigan ang iniwanni Fidelino sa mga pulang mandirigma.

Alas singko-singko ng hapon,kinanta ang Internasyunal upangbuksan ang programa para saunang yugto ng pagpapalaya kinaFidelino at Nemeño. Labingpitongpulang mandirigma ang naghatidsa mga bihag sa sentro ng Brgy.Becalen, Presentacion. Pormal naipinasa ang dalawa sa mgakinatawan ng InternationalCommittee of the Red Cross (ICRC)at NDFP ang mga bihag.

Binasa ng commanding officer(CO) ng custodial force ang orderof release mula sa NDFP.Pinirmahan ito ni Kasamang LuisJalandoni, tagapangulo ng NDFP

panel para sa usapang pangkapayapaan. Ang CO ng custodialforce na rin ang pormal na nagpasa sa dalawang bihag saICRC at NDFP. Sinuri kinatawan ng ICRC ang mga bihag upangtiyaking mabuti ang kanilang kalagayan. Matapos nito,pinirmahan na ng CO, ng dalawang bihag at ng mga kinatawanng ICRC ang release form.

Saksi ang masa sa baryo sa maayos na proseso ngpagpapalaya sa dalawa. Tinapos ng muling pagkanta ngInternasyunal ang unang yugto ng pagpapalaya. Mabilis atmaingat na nagmaniobra palayo sa lugar ang mga kasamangnaghatid sa dalawang bihag.

Bandang alas sais y medya ng hapon, dumating sa lugar ngikalawang yugto ng pagpapalaya, ang mga bihag at mgakinatawan ng ICRC at NDFP. Sa Brgy. Tanauan, Presentacion,ginanap ang ikalawang yugto. Mahigit tatlumpung minuto angbyahe mula sa unang yugto patungo sa lugar na ito.

Hinihikayat ngistap ng SILYABang istap ng mgalarangan atprubinsya namagpadala ng mgaUlat Koresponsal,para sa masmayamangbahagian ngrebolusyonaryongkaranasan sarehiyon.

Pagpapalaya sa Dalawang POW, Tagumpay!

sundan sa pahina 3

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 3

EDITORYAL Sampung Puntong Programa niGloria, Hungkag

sundan sa pahina 4

Pagpapalaya sa Dalawang POW, Tagumpay!Dito ay pormal silang ipinasa sa

kinatawan ng Gubyerno ng Republika ngPilipinas (GRP). Si Cong. Rolando Andayang Camarines Sur ang tumanggap sa kanila.Yakap at luha ng kaligayahan angisinalubong sa dalawang bihag ng kanilangmga kapamilya.

Bago mag-alas syete ng gabi, dumatingsa lugar ng ikatlo at huling yugto ngpagpapalaya ang dalawang bihag. Ginanapito malapit sa sentro ng bayan ngPresentacion.

Hinarap nina Nemeño at Fidelino ang mgataga midya na naghihintay sa kanila.Kasabay na ring sumalubong ang mgamyembro ng mga organisasyongnagsusulong ng kapayapaan at karapatangpantao. Lumahok din ang mga taongrelihiyoso at propesyunal.

Isang media forum ang ihinanda para sadalawang bihag. Sinabayan ito ngpagpapalabas ng mga progresibo atrebolusyonaryong bidyu. Isang maiklingbidyu-pagpapasalamat mula satagapagsalita ng NDF-Bikol na si KasamangGreg Bañares, ang ipinalabas. May bidyu-

pahayag ding ipinakita mula kay Ka Gregorio�Roger� Rosal, tagapagsalita ng PartidoKomunista ng Pilipinas, na ipinakita.

Kinulayan ng mga banderitas ng NDF anglugar na pinagdausan. Pinalipad ang mgalobo at kalapating puti bilang simbolo ngpaglaya ng dalawa.

Sa gitna ng pagdiriwang na ito, papuriang tinanggap ng buong rebolusyonaryongkilusan dahil sa husay ng pangangalaga atpagpapalaya nito kina Nemeño at Fidelino.Maging ang kinatawan ng GRP panel na siSilvestre Bello III ay nagpasalamat sa NDFPat sa RJC.

Hindi makaimik ang terorista atreaksyunaryong AFP. Muling pinatunayan ngNPA na ito ang hukbong tunay natumatalima sa mga internasyunal na batastungkol sa mga bihag ng digma. Ipinakitang mga pulang mandirigma ang mahigpitna pagtangan nila sa mga alituntuningnagtitiyak na gawing sibilisado ang digmangbayang nagaganap sa kasalukuyan. Salabanan sa pulitika, hindi maitatatwa angmalaking tagumpay na natamo ngrebolusyonaryong kilusan.

Ipinagmayabang ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang sampung puntong programa,sa muli niyang pag-upo bilang presidente ng Pilipinas. Ayon sa kanya, anim na milyong

trabaho sa loob ng anim na taon ang ibibigay ng kanyang rehimen. Ipinangako niya ringmagiging balanse ang gastos ng Pilipinas, sa badyet nito. Dagdag pa, tutugunan daw ngkanyang rehimen ang mga kulang na silid-aralan, gusali at iba pang pasilidad ng mgapampublikong paaralan.

Hindi kailanman matutupad ni Macapagal-Arroyo ang kanyang mga pangako.

Pagkalugi at utangHindi pa man natatapos ang isang buwan ng kanyang muling panunungkulan, inamin

mismo ni GMA na may piskal na krisis ngayon ang bansa. Hindi makahulagpos angekonomya sa kabuuang 5.76 trilyong pisong utang. Ang 3.1 trilyong piso ay utangpanlabas. Ang iba naman ay utang ng gubyerno sa loob ng bansa.

Kung susumahin ang utang ng rehimeng GMA, sa nauna nitong tatlong taong pag-upobilang presidente, higit na mas malaki kumpara sa naunang sa kanyang tatlong pangulo.

S

4 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Sampung Puntong Programa ni Gloria, HungkagSa unang hati pa lamang ng taong ito,

P80.1 bilyon na ang depisito sa badyet ngbansa. Mas malaki ito kumpara sa targetna P79.6 bilyon. Ibig sabihin, labis-labisang gastos kumpara sa itinakdang badyetsa loob ng panahong nabanggit.

Dalawang bilyong piso ang nawawalataun-taon sa kabang yaman ng bansa, dahilsa mga katiwalian at korapsyon.

Nananatiling mas mahal ang inaangkatng bansa kaysa sailinuluwas nitongp r o d u k t o .Ipinagpapatuloy ni GMAang mga patakarangnag-aalis ng restriksyonsa pagbaha ng mgaimported na produkto sabansa. Alinsunod ito sadikta ng kanyang amongimperyalistang US.

Langis ang isa samga mayor naproduktong inaangkatnatin. Sa kasalukuyan,sunud-sunod angpagtaas ngpandaigdigang presyong krudo. Kontrolado angsuplay nito ng iilangmonopolyo kapitalistangkorporasyon. Kungkaya�t naididikta nila angnapakataas na presyo.

Walang katuparangmga pangako

Sa loob daw ng anim na taon, anim namilyong trabaho ang lilikhain ng rehimenni Macapagal-Arroyo. Kung matatandaan,ganito rin ang kanyang ipinangako noonguna siyang sumumpa bilang presidente.Ngunit ang tantos ng walang hanap-buhaysa kasalukuyan ay tumaas hanggang 13.7porsyento. Hindi pa rito kasama ang mga

mamamayang kulang sa trabaho ounderemployed at kontraktwal lamang angtrabaho.

Ang mga may trabaho naman aynananatiling kulang na kulang ang kinikita.Barya lamang ang idinagdag sa sweldo ngmga manggagawa sa Bikol. Dose pesoslamang ang umento sa arawang minimumna sahod sa rehiyon, kumpara samakatarungang kahilingan na P125.

Mas prayoridadngayon sa badyet ngbansa ang gastusingmilitar. Sa katunayan,binawasan pa nga angbadyet sa edukasyonat iba pang serbisyongpubliko.

Upang tumaas dawang produksyon saa g r i k u l t u r a ,ipinangako ng anti-magsasakang si GMAna maglalaan ng isahanggang dalawangmilyong ektarya nglupa para sa mgam o n o p o l y o -k a p i t a l i s t a n gagrikorporasyon. Sakabila nito, bingi angrehimen ni GMA sakahilingan ngkalakhang mgamagsasaka namagkaroong nglupangsariling lupa

mula sa repormang agraryo.

Mamamayang pinaparusahan,lumalaban

Desperado ang mga hakbangin niMacapagal-Arroyo upang magposturang maykalutasan ang krisis ngayon sa ekonomya.

sundan sa pahina 5

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 5

Sampung Puntong Programa ni Gloria, Hungkag

Andyan ang paghingi niya ng economicemergency powers upang makabuo raw siyang mga desisyongmakakapagsalba saekonomya. Kaliwa�t kananang batikos na inabot ngganitong panukala, magingsa hanay ng mga kapartidoniyang senador.

Nagkukumahog siyangmakaipon ng sapat napambayad sa utangpanlabas ng bansa at mapunan ang depisitosa badyet. Kung kaya�t malaki ang tinapyassa badyet ng bansa na nakalaan saserbisyong publiko at lokal na gubyerno.

Dagdag na buwis ang nais naman niyangipatupad sa mga produktong langis at ibapang produkto upang madagdagan ang kitang gubyerno. Dalawang piso ang itataasng buwis sa mga produktong petrolyo.

Kakargahin ng mamamayan ang pasaninng dagdag na buwis dahil ipapasa rin langnaman ito sa kanila ng mga monopolyong

korporasyon ng langis. Mula Enero, pitongbeses nang tumaas ang presyo ng gasolina.Pagsirit ng pasahe at mga presyo ng bilihinang naging resulta nito.

Bulok sa kaibuturan ang kalagayan ngekonomya ng bansa. Angmalaking depisito sa badyet,dambuhalang utang ng bansaat kawalan ng hanap-buhay aymga indikasyon lamang nito.Hindi malayong sumadsadpang lalo ang ekonomya.

Kung kaya�t ramdam niMacapagal-Arroyo anggumegewang-gewang niyangtrono bilang pangulo. Hindipinatatahimik ang kanyangpanunungkulan ng sunud-sunod na mga protesta sa

lansangan. Mapagpasyang mga dagoknaman ang natatamo ng kanyang rehimensa pag-igting ng armadong pakikibaka sakanayunan.

S

Tigil ang Usapang PangkapayapaanObligasyon ng GRP Kailangang Tupdin

Agosto 20, 2002, isinabay ngimperyalistang US sa listahan nito ng

mga foreign terrorist organization (FTO) andCPP-NPA at ang chief political consultantng NDFP na si Jose Ma. Sison.

Nitong Agosto, muling isinabay ng USang rebolusyonaryong kilusan sa listahannito ng mga teroristang organisasyon.Malisyosong hakbangin ito ng imperyalistaupang siraan ang integridad ngrebolusyonaryong kilusan at pwersahinitong itigil ang pagsusulong ng digmangbayan.

Hindi pagtugon sa mga obligasyonBatay sa napagkasunduan sa usapang

pangkapayapaan, nitong Hunyo, sa pagitan

ng National Democratic Front of thePhilippines(NDFP) at Gubyerno ng Republikang Pilipinas (GRP), ihinapag ng NDFP angpag-alis sa CPP-NPA at kay Kasamang JoseMa. Sison sa listahan ng mga terorista.

Inutil ang GRP na igiit ito sa amo nitongimperyalistang US.

Bagkus, parang sirang plaka angreaksyunaryong rehimen ni GloriaMacapagal-Arroyo sa pag-aalingawngaw ngimbing paratang na terorista angrebolusyonaryong kilusan.

Hindi lamang ang obligasyong maalis angCPP-NPA at si Kasamang Sison sa listahanng mga terorista ang hindi tinupad ng GRP.

sundan sa pahina 6

6 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Hanggang ngayon ay nananatiling nakapiitang mga bilanggong pulitikal. Nangako angGRP na palalayain ang tatlumpu�t dalawangbilanggong pulitikal nang hindi lalampasang Mayo 5. Sampu lamang ang pinalaya.Pito ang dati nang napalaya, at labinlimaang nananatiling nakabinbin may gawa-gawang kasong kriminal.

Batay sa listahan ng mga bilanggongpulitikal, mayroong 270 ang kabuuangnakapiit sa buong bansa.

Kaugnay nito, hindi parin ibinibigay angkumpensasyon sa mgabiktima ng paglabag sakarapatang pantaonoong panahon ngBatas Militar ngdiktadurang Marcos.Matagal nang nanalo ang mgabiktima sa kanilang kaso laban kayMarcos.

Walang NegosasyonAyon sa pahayag ni Kasamang

Jose Ma. Sison, pansamantalangihininto ang usapangpangkapayapaan dahil mulingibinilang ng US angrebolusyonaryong kilusan samga teroristangorganisasyon. Mulingitinakda angnegosasyon ngayongdarating na Setyembre.Ngunit, maaaringtumungo sasuspensyon hanggangpagputol ng usapangp a n g k a p a y a p a a n ,kapag hindi pa rin tumupad ang GRP samga napagkasunduan.

Dagdag pa ni Kasamang Sison, hindimakikipag-usap ang NDFP sa GRP, sa ilalimng ganitong malisyosong bansag.

Kailangang gumawa ng kongkretonghakbang ang GRP upang maalis sa listahanng mga terorista ang CPP-NPA. Kailanganding itigil ng GRP ang paglalakong teroristaang rebolusyonaryong kilusan.

Malinaw na ang layunin ngimperayalistang US aypwersahin angrebolusyonaryong kilusan nasumuko. Binibigyan din nitong rason ang papet na

rehimen ni Macapagal-Arroyo na magdeklarang todo-gera laban saCPP-NPA-NDFP, satabing ng �gera labansa terorismo.�

Pananabotaheng usapangpangkapayapaan

ang layunin ngpagsasama sa CPP-

NPA at kay KasamangSison sa listahan ngmga terorista.Pagyurak ito sap a m b a n s a n gintegridad atsoberanya ngbansa.

I k i nu -kubli ngganitongparatangang tunayna ugatn gdigmangbayan naisinusulong

ngayon sa Pilipinas. Pagwasak sarebolusyonaryong kilusan ang tunguhinnito, pagdidiin ni Kasamang Jose MariaSison.

S

Tigil ang Usapang Pangkapayapaan

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 7

Ulat KoresponsalSipi mula sa Pananalita ng

Isang Bihag ng Digma

�Ito na siguro angpagkakataon parasabihin sa inyo nanagpapasalamat dinkami, although(kahit) iba ang atingpinagmulan.

Isang hayagangpasasalamat angpinapaabot namin sainyo, sa inyong pag-aalaga. Nagkataonlang siguro na saganitong pagkakataonay pinagtagpo tayo ngtadhana.

�siguro wala na rinakong masabi dahilnaramdaman namannamin ang inyong pag-aasikaso, angpagtanggap n�yo saamin, although kami aybihag, salamat uli.

Ito naman ay makakarating sa aming mga pamilya. Maipaliwanag namin kung anoang nangyari sa buhay namin dito, kung sakaling magkaroon o patnugutan tayo ngpagkakataong mai-release kami. Na iyon naman talaga ang hinihintay namin, alang-alang na lang sa aming mga pamilya.

Yung hinihingi namin sa inyo na i-release na kami, dahil si Ronel, magkakapamilyana yan�

Bilang isang officer ng military, naninindigan ako sa aking sinabi dito na bilangpropesyunal lang. Kung ano man ang mga nabitiwan naming mga salita noon namasasakit sa inyo, siguro ito ay unawain ninyo dahil ito yung resulta nung nangyari.

Kayo na rin ang umunawa sa mga pagkukulang namin.Siguro wala na akong masasabi. Yung nire-request ninyo na magpagupit kami,

siguro wag na muna, kasi parang tinitingnan ko lang ang evolution (pagbabago) ngmukha ko. Kung ano ako pagtanda, pagmahaba ang buhok, kasi for the first timengayon lang ako nagpahaba ng buhok.

Muli, salamat.�

1Lt Ronaldo �Butch� Fidelinoika- anim ng Agosto 2004, sa isang sonang gerilya sa Bikol

Si 1Lt. Fidelino (kanan) habang sumasailalim sa isangmedikal tsek ap ng isang medik (kaliwa) ng RomuloJallores Command-NPA Bikol.

S

8 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Ulat KoresponsalPagsasanay sa Paglikha ng mga

�Pelikulang Bayan� Idinaos sa Rehiyon

Nitong Hulyo at Setyembre, idinaossa rehiyon ang dalawang

pagsasanay sa paglikha ng mga �pelikulangbayan� o mga rebolusyonaryo atprogresibong produksyong bidyu.

Tinalakay sa pagsasanay ang wastongoryentasyon ng gawaing audio-biswal, angkatangian ng isang �pelikulang bayan�, atang proseso ng paglikha nito. Itinuro dinkung paano gumawa ng konsepto,balangkas at iskrip, ang paggamit ng isangdigital video camera at ang paglagay sakompyuter ng mga kuhang bidyu.

Gamit ang ilang laptop kompyuter,nagsanay ang mga kalahok sa �editing� oang pagtatagpi-tagpi ng mga materyalesbatay sa isang iskrip upang makabuo ngisang produksyong bidyu. Itinuro ang iba�tibang istilo sa pag-edit upang magingepektibo ang likhang sining. Bilang huling

aktibidad, ang mga kalahok nahinati-hati sa ilang grupo aynaghanda ng mga maiiklingpelikulang bayan na ipinalabassa huling araw ng aktibidad.

Ito ang kauna-unahangpagkakataon na nagdaos sarehiyon ng isang pagsasanaysa gawaing audio-biswal.Idinaos ang pagsasanay natumagal ng isang linggo, saloob ng sonang gerilya.

Mga audio-biswalproduksyon

Bago pa man ang mgapagsasanay, marami nangnalikhang mga produksyongbidyu sa rehiyon. Ilan lamangsa nalikha ay ang Bagati,

Asolt, isang dagliang reportahe tungkol saambus sa Tinambac at ilang maiikling bidyu-kanta at bidyu-tula. Ang mga kasama saMasbate ay nakalikha na rin ng pelikulang�Buhay Masbateño.�

Nagkaroon na rin ng ilang pagsubok nagawing poduksyong bidyu ang Dagundongng Bikol.

Simple at EpektiboSimple lamang ang paggawa ng mga

pelikulang bayan. Sa minimum, laptopkompyuter na antas Pentium ii okahalintulad nito ang bilis at may firewireport, Digital Video Camera na may firewireport, firewire cable, at pang-bidyu edit naprograma sa kompyuter.

Isang kasamang nag-aaral mag-edit ngisang produksyong bidyu.

sundan sa pahina 9

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 9

Hindi kailangang may pormal nakasanayan sa paggawa ng pelikula upangmatutong lumikha ng mga pelikulangbayan. Kagaya ng iba pang gawain sarebolusyon, determinasyon at kahandaangmatuto lamang ang kinakailangangpuhunan.

Ang bawat produksyong bidyu ay dapatna laging alinsunod sa linyang masa. Sausapin ng nilalaman, nakapokus ang mgaproduksyon sa mga rebolusyonaryonggawain ng mga kasama at masa. Kahit sapag-edit, sinisikap ng mga kasama na lapatna lapat sa masa ang estilo.

Ang mga pamamaraan sa pag-edit ayinstrumento upang gawing malinaw angmga materyal sa produksyong audio-biswal.Kailangang mapatingkad ng pag-eedit angmensahe ng isang produksyon upang masmabilis at epektibong tumagos ito sa mgakasama at masa.

Propaganda sa Pelikula

Bahagi ng pag-unlad ng gawain sapropaganda ang paglikha ng mga audio-biswal na produksyon. Positibo ang nagingtugon ng mga kasama at masa sa mga ito.

Sa kanayunan, kung saan lumalaganapang panonood ng vcd, malaking hamon kungpaano tatapatan ang mga burgis at pyudalna pelikulang naglalaman ng bulok nakultura. Kung kaya�t kailangang magkaroonng mga alternatibong papanoorin ang mgakasama at masa.

Epektibong porma ng propaganda angpagpapalabas ng mga produksyong audio-biswal na may rebolusyonaryong nilalaman.Pinapataas nito ang diwang mapanlabanng masa at dinadakila nito ang kanilangpatuloy na pagsuporta at paglahok saarmadong pakikibaka. Ang mga artista aymga kasama�t masa kung kaya�t malapitna malapit sa kanila ang mga ganitongpalabas. Hindi lamang nakalilibang,punung-puno rin ang mga ito ngrebolusyonaryong imahe.

Pagsasanay sa Paglikha ng mga �Pelikulang Bayan�

S

Deklarasyon ng SOMO,Linalabag ng Militar

Hindi tinupad ng 9th Infantry DivisionPhilippine Army ang dineklara nitong

Suspension of Offensive Military Operations(SOMO) para sa pagpapalaya ng dalawangbihag ng digma (POW) ng Bagong HukbongBayan (BHB).

Nagdeklara ng SOMO ang Philippine Armysimula noong Agosto 15. Saklaw nito angmga prubinsya ng Albay at Camarines Sur.Hanggang ika-25 ng Agosto dapat angidineklarang SOMO, isang linggo mula nangpalayain ang dalawang POW.

Ngunit patuloy ang mga operasyongmilitar sa kanayunan ng dalawangprubinsya.

Sakyada sa Albay

Nagsagawa ng operasyong militar ang65th Infantry Batallion PA nitong Agosto 21,sa Brgy. Catumag, Guinobatan.

Bilang bahagi ng aktibong depensa ngmga pulang mandirigma, hinaras ang mganag-ooperasyong militar.

Ilang araw mula nito, nagkaroon ulit ngoperasyon ang parehong batalyon. Ika-24ng Agosto, pinasok naman ng mga militarang Brgy. Macalidong, Ligao City.

Samantalang sa buong buwan ng Agosto,walang puknat ang panunuyod ng mgamilitar sa mga liblib na barangay ng Oas.Re-engineered Special Operations Team(RSOT) ang nagsagawa ng mga operasyon.

sundan sa pahina 10

10 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Ang RSOT ay bahaging operasyongsikolohikal ng mgamilitar upanglinlangin at takutinang masa nasumuporta sarebolusyonaryongkilusan. Sapanahong may RSOT

sa Oas, naganap ang pananampal ng isangelemento ng 65th IB PA sa punong guro ngTalisay Elementary School.

Bagong BinihagKaugnay nito, dalawang CAFGU ang

nabihag ng mga pulang mandirigma nitongika-25 ng parehong buwan. Nahuli sinaHenry Nabor at Allan Madara sa Brgy.Tagoytoy, Camalig, Albay. Nagsasagawa ngpag-eespiya ang dalawa, hinggil sa kilosng BHB, nang mabihag sila. Nagrereklutarin sila ng mga karagdagang CAFGU nangpanahong iyon. Pinalaya rin lang namanang dalawa matapos pangaralan ng mgakasama. Ipinaliwanag sa kanila na isinubosilang magsagawa ng paniniktik sapanahong malinaw na may SOMO. Inilinawrin ng mga kasama na walangpagmamalasakit ang mga upisyal ng militarsa mga tulad nilang CAFGU.

Panggagalugad sa Camarines SurSa buong panahong may deklarasyon ng

SOMO, hindi kailanman ihininto angpanggagalugad ng mga militar sa ikatlongdistrito ng Camarines Sur. Nagkaroon itong iba�t ibang anyo at katawagan. Ngunitmalinaw na ang layunin ng mga ito ay upangireskyu ang dalawang militar na nagingbihag ng BHB.

Kunwa�y mga civil military operation angginagawa ngunit kaalinsabay nito angpandarahas sa mga taumbaryo upangmakuhanan ng impormasyon tungkol sa

Deklarasyon ng SOMO, Linalabag ng Militar

dalawang POW. Kasabay nito, nagpakawalang mga ahenteng paniktik ang AFP upangmatukoy ang kinalalagyan ng dalawangbihag.

Isinantabing deklarasyonHindi hihinto ang pananalasa ng mga

pasista. Ito ang malinaw na mensahe nghindi nito pagsunod sa sariling deklarasyonng SOMO.

Maaalalang bago pa man angidineklarang SOMO nitong Agosto 15, maydati nang SOMO na pilit na itinatanggi ngAFP. Nitong Hulyo 27, may atas na mula saDepartamento ng Pambansang Depensa namagpatupad ng SOMO kaugnay ngpagpapalaya sa mga bihag ng digma.Ngunit nagbingi-bingihan lamang ang mganasa pamunuan ng militar.

Sa sumunod na negosasyon, mariingnaging kundisyon na ng RJC at NDFP angpagsisiwalat sa publiko ng SOMO at SOPO.Kung kaya�t napilitan ang reaksyunaryongsandatahang lakas na magkaroon ngpakitang-taong pagsunod sa SOMO atSOPO.

Sa ngayon, hindi nakapagtataka nawalang kahihiyang isinantabi nito angsariling deklarasyon.

Paghahabol na makaganti sarebolusyonaryong kilusan ang layunin ngmga sakyada ng kaaway. Isang malakingsampal sa kanila ang maging bihag ng BHBang dalawa nilang kasamahan.

Ngunit anuman ang gawin ng mgapasista, hindi na nito mababawi angmatinding kahihiyang tinamo. Sa kalakhanng masa, matagal nang kinasusuklamanang bawat pagtuntong ng mga militar sasonang gerilya.

Samantalang ibinibigay ng masa angmataas na pagrespeto, pagsuporta, atpaglahok sa armadong pakikibaka naisinusulong ng Bagong Hukbong Bayan.

S

Sa kalakhan ngmasa, matagalnangkinasusuklamanang bawatpagtuntong ngmga militar sasonang gerilya.

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 11

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITAMga Pulang Mandirigma,Nagsanay sa Teatro

Nadagdagan na naman ang mga artistang bayan. Mahigit sa sampung pultaym

na Hukbo ang lumahok sa isang katatapospa lamang na pagsasanay sa teatro.

Nitong Hulyo 26, sinimulan ang treyning.Tatlong araw ang ginugol ng mga kasama.Mula sa iba�t ibang yunit ang lumahok namga pulang mandirigma. Hindi inalintanang mga kasama ang maputik napinaglunsaran sa pagpupursigeng masanaysa rebolusyonaryong sining.

Bilang sumada ng aktibidad, itinanghalng mga kasama ang maiikling dula na silamismo ang bumuo ng istorya at iskrip. Lahatay nagpapatungkol sa iba�t ibang karanasanng Hukbo sa paggampan sa gawaing masa.

Dahil malapit na malapit sa kanila angmga paksang isinadula, makatotohanan ang

naging pagganap ng mga kasama. Isangnakatutuwang tagpo ang paggaya ng isangmandirigma sa isang masang kahit matandana ay patuloy pa rin sa pagtulong sa mgakasama, sa abot ng kanyang makakaya.May isang iskit din na nagtatampok sapartikular na karanasan sa pakikibaka ngmga manggagawa. Lumundo ang dula sapagtungo ng manggagawa sa kanayunanupang lumahok sa armadong pakikibaka.Ang isang dula naman ay tungkol samanerang gerilya ng mga kasama, lalunasa panahong may kilos ang kaaway sa erya.

Matapos ang aktibidad, hindi lamangmga baril at pak ang bitbit ng mga pulangmandirigmang pumakat na sa kani-kanilanggawain. Nadagdagan rin ang kanilang armasupang pagyabungin ang rebolusyonaryongsining sa hanay ng masa.

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA

sundan sa pahina 12

Intel sa Camarines Norte,Pinarusahan

Nitong Agosto 2, pinarusahan ng isangyunit ng NPA si Avelino Andaya ng Brgy.

Matacong, San Lorenzo Ruiz. Si Andaya aymasugid na intel ng militar. Napatunayangresponsable siya sa dalawang beses napagpapakubkob sa mga kasamang kumikilossa erya.

Kapwa mga Militar, Nagbarilan

Nagbarilan sa loob ng isang videoke barang mga elemento ng 42nd IB PA, nitong

Agosto 14, na nakadestino sa detatsmentng Colacling, Lupi, Camarines Sur.

Nagpalitan ng putok ang lasing na mgamilitar. Namatay ang isang sarhento atsugatan ang tatlo pang mga myembro ngPhilippine Army.

Matapos maganap ang barilan, kaagadna nagpahayag ng kasinungalingan sa midyasi Col. Serafin Raymundo, ang tagapagsalitang 9th Infantry Division PA. NPA daw angmay kagagawan ng pamamaril.

Pinalabas pa ng Philippine Army napananabotahe diumano ito ng NPA saidineklarang SOMO noong panahon ngpagpapalaya sa dalawang bihag ng digma.

Iligal na panghahalughog ng 65th

IB PA

Hinalughog ng isang platun ng 65th

Infantry Batallion Philippine Army angbahay ni Rodulfo Llames nitong Agosto 31.Si Llames ay nakatira sa Brgy. Bigao,Daraga, Albay. Walang search warrant angmga may kagagawang militar.

S S

S

12 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

BALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITA SILYABALITAPwersahang pinasok ng mga pasista angbahay ng masa.

Pinagbintangan si Llames na taga-suporta ng NPA. Binantaan pa ang kanyangpamilya matapos ang ginawangpanghahalughog. S

Pagbisita ni GMA sa Albay,Sinalubong ng Protesta

Nagprotesta laban sa kahirapan ang mgamilitanteng grupo sa pangunguna ng

Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sapagbisita ni Gloria Macapagal-Arroyo noongSetyembre 25 sa Guinobatan, Albay.

Binatikos ng BAYAN ang hungkag na mgaprograma ng rehimen na lalongnagpapahirap sa mamamayan.

Habang isinasagawa ang nabanggit napagkilos, pwersahang inaresto ng mgaelemento ng Presidential Security Group oPSG ang 6 na kabataang-estudyante mulasa Unibersidad ng Bikol. Kinasuhan sila ngiligal na pagtitipon at nadetini ng ilang oras.

Upang iprotesta ang pangyayari,nagpiket ang mahigit sa isandaangestudyante sa harap ng Camp Simeon Olasa Albay. S

S

Limang Taong Gulang, WalangAwang Pinaslang ng CAFGU

P inagbabaril ng isang CAFGU siHoneybee Morada, limang taong

gulang, nitong Setyembre 8. Nangyari angkrimen sa Brgy. Macalaya, Castilla.

Isang nagngangalang Glen Arcega,CAFGU ng 22nd IB Philippine Army nanakadestino sa Macalaya detatsment, angmay kagagawan.

Batay sa ulat, tatlong punglo angtumagos sa katawan ng bata. Ito ang sanhing kanyang agarang pagkamatay.

Hinahanap, diumano, ni Arcega ang amang paslit. Nang hindi matagpuan, binalinganniya ang limang taong gulang na siHoneybee.

Hindi lamang ito ang insidente ngpamamaslang ng mga elemento ngPhilippine Army na nakadestino saSorsogon. Noong Hulyo, pinagbabaril dinng mga tropa ng 2nd IB PA, ang dalawangnagpapataya ng huweteng sa bayan ng

Juban. Pinagbintangang kasapi ng NPA angdalawang sibilyan.

Matatandaang ang 2nd IB PA rin angsalarin sa pagkamatay ng magkapatid naMylene, 13 taong gulang, at RaymondGolloso, 6 taong gulang, sa bayan ng Bulannoong Mayo. Ang walang habas napagpapaputok ng mga militar malapit sabahay ng mga Golloso ang naging dahilanng pagkamatay ng dalawang bata.

SILYAB * Hulyo - Setyembre 2004 13

Ulat Koresponsal

Matagumpay na naidaos ang unangpamprubinsyang kumperensya sa

gawaing militar sa prubinsya ng Masbatenoong Hulyo hanggang Agosto.

Dinaluhan ito ngmalaking bilang ngmga kadrengmilitar atPartido mulaa n t a siskwad, platun atkumpanya bilang mgadelegado.

Ang kumperensyang militar aypinangunahan mismo ng mga nakatalagasa Pamprubinsyang Kumand sa Operasyon.

Inialay ang nasabing aktibidad sa labing-tatlong mga martir sa mga labanan, simulanoong 1996 hanggang 2004 na sinaklaw ngnaging paglalagom.

Halos kalahati ng mga delegado ay maylampas sa walong labanang linahukan. Angmay pinakamababang bilang ay may dibababa sa dalawang operasyong militar nalinahukan. Apat sa mga delegado ay mgakasamang babae na naging kalahok sa mgaopensiba at kahit depensibang labanan.Halos dos-tersyo ng mga dumalo ay mgakadreng militar na may di bababa sa limangtaong tuluy-tuloy na pagkilos sa Hukbo.Nagmula ang mga delegado sa halos lahatng mga pormasyon ng hukbong bayan nakumikilos sa iba�t ibang munisipalidad nasaklaw ng prubinsya.

Sa loob ng sampung araw ay tinalakayat sinuri ang hindi bababa sa tatlumpu�tapat na iba�t ibang tipo ng taktikal naopensiba na kinatatampukan ng reyd,ambus, isparo, isnayp at haras. Malalimanring tinalakay at sinuri ang sampungnaganap na depensibang labanan.Apatnapu�t apat ang sumada ng mgalabanang linahukan ng mga delegado. Mula

Kumperensyang Militar sa Masbate, Ilinunsadrito ay humalaw ng mayayamang aral atresolusyon. Nabuo ang dokumentong �50Bagong mga Resolusyon�. Napinal angmga naunang dokumento ng �Tsek List�at �Paalala�. Ang dalawang dokumentongito ay tumatalakay ng mga usaping maykinalaman sa paglulunsad ng taktikal naopensiba.

Ang dokumentong �Maalam� ay gabaypara makaiwas sa mga depensibanglabanan.

Tinalakay ang mga usapin ng baril atbala, lohistika, medikal at pasyente, intelat saywar, disiplina at alituntunin, at angaraw-araw na pamumuno sa Hukbo.Pinagtibay ang iba�t ibang aral at konseptokabilang na ang �Pitong Pang-araw-arawna Paalala�. Tumatalakay ito sa latag ngkumprehensibong gawain ng Hukbo sa araw-araw.

Sininop ang mga dokumento sabalangkas ng mga batayang teorya ngdigmang bayan na linalaman ng mgabatayang dokumento ng Partido Komunistang Pilipinas. Ilan lamang sa mgapinagbatayan ay ang Muling Pagtibayin,MNT, PKDB at ilang artikulo mula sakaranasan nina Mao Tse-Tung sa Tsina.

Pinag-aralan din ang labindalawangtaong paglalagom ng Masbate, angpinakahuling pagtatasa at angpamprubinsyang panlipunang pagsisiyasat.Kasabay na ihinapag ang Direksyon ngPaglalatag at Pagsusulong ngPakikidigmang Gerilya sa parehong isla.

Bandang huli, bilang pansarado ngkumperensya, binasa at binalikan angkasaysayan ng kabayanihan ni KasamangJose Rapsing. Ang kanyang ngalan angginagamit na kumand ng Bagong HukbongBayan sa Masbate.

S

14 Hulyo - Setyembre 2004 * SILYAB

Diwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang Rebolusyonaryo

BakasSalvador Rojo

sa paglipas ng panahonmarami, iba�t iba ang bakasna nalilikha ng mga taonghinulma ng lupa ang mga paa

bakas ng pagsisimulabakas ng paglakasbakas ng paglihisbakas ng paghinabakas ng pagbangonbakas ng pagwawastobakas ng muling paglakas

mga paang walang kahapuangnaglalakbay

paang nakayapakpaang nakatsinelaspaang nakasapatospaang nakagoma,

hinahanaptinataluntonang tunay na

kalayaankatarungandemokrasyamasaganang pamumuhayat minimithing kapayapaan

tayo na mga kasama at masamatapat na likhain angbakas ng pakikibakalaban sa gahaman at pasista

nababanaag naang bakas ng paglayasa tanglaw ng pulang tala.

Aba! Mukhang maysakyada na naman.Walang kadala-dala angmga militar.

Ang galing ng mgakasama!Kahit militarang mga bihagtinrato ng maayos.Yan ang makataonghukbo.

�Buti sa inyo palayasin! Mgaabusado at walang galang sa

karapatang pantao.