3
IMPERIAL, Kirsten Mireille P. WIKAKUL A52 24 Inareglong Kasal Ang buong dokumentaryo ay nakasentro tungkol sa kasunduang pagpapakasal. Ipinagkakasundo ng kanilang mga magulang ang mga ikakasal sa murang edad pa lamang, katulad nina Fajad at Olily, na nasa grade school pa lang nang ipagkasundo sila. Anim na taon pa lang sila nung ipangkasundo sila. Samantalang sina Ibrahim at Johanifah, mga ipinagkasundo rin, ay naipagkasundo nang maging tinedyer na sila. Sa pagkakatanda ko, ipinagkasundo sila para matigil ang pag-aaway ng kanilang pamilya, dahil ang pinsan ni Ibrahim ang pumatay sa kapatid ng tatay ni Johanifah. Ang tradisyong ito ng kasunduang pagpapakasal ay nagmula sa mga Maranao at tinatawag na “Inareglong kasal”. Masasabing ang tradisyong ito ay isa sa mga rason kung bakit katangi-katangi ang mga Maranao. Kumpara sa ibang tribo sa Mindanao, sila lang ang nagsasagawa ng tradisyong ito. Ngunit katulad ng madaming tradisyon – katulad ng napanood namin sa “Huling Prinsesa” tungkol sa mga binukot – hindi lahat ng mga tradisyon ay nasusunod. Kahit gaano pa kaganda ang isang tradisyon at kayaman ng kultura na pinagmulan nito, maaaring magkaroon ito ng hindi magandang katangian. Kaya naman ipinakita rin sa dokumentaryo na hindi lahat ng mga Maranao ay sumusunod sa inareglong kasal – katulad ni Minang Sharief. Sinuway niya ang kahilingan ng ama niya na ikasal siya sa sarili niyang tiyuhin sa edad na 13. Sa tingin ko ay kahanga-hanga ang ginawa niyang ito dahil nagpalakas ito ng loob sa iba pang mga kababaihan na ipinagkakasundong

Inareglong kasal ref paper

Embed Size (px)

DESCRIPTION

For wikakul

Citation preview

Page 1: Inareglong kasal ref paper

IMPERIAL, Kirsten Mireille P.WIKAKUL A52 24

Inareglong Kasal

Ang buong dokumentaryo ay nakasentro tungkol sa kasunduang pagpapakasal.

Ipinagkakasundo ng kanilang mga magulang ang mga ikakasal sa murang edad pa

lamang, katulad nina Fajad at Olily, na nasa grade school pa lang nang ipagkasundo

sila. Anim na taon pa lang sila nung ipangkasundo sila. Samantalang sina Ibrahim at

Johanifah, mga ipinagkasundo rin, ay naipagkasundo nang maging tinedyer na sila. Sa

pagkakatanda ko, ipinagkasundo sila para matigil ang pag-aaway ng kanilang pamilya,

dahil ang pinsan ni Ibrahim ang pumatay sa kapatid ng tatay ni Johanifah.

Ang tradisyong ito ng kasunduang pagpapakasal ay nagmula sa mga Maranao at

tinatawag na “Inareglong kasal”. Masasabing ang tradisyong ito ay isa sa mga rason

kung bakit katangi-katangi ang mga Maranao. Kumpara sa ibang tribo sa Mindanao, sila

lang ang nagsasagawa ng tradisyong ito. Ngunit katulad ng madaming tradisyon –

katulad ng napanood namin sa “Huling Prinsesa” tungkol sa mga binukot – hindi lahat

ng mga tradisyon ay nasusunod. Kahit gaano pa kaganda ang isang tradisyon at

kayaman ng kultura na pinagmulan nito, maaaring magkaroon ito ng hindi magandang

katangian. Kaya naman ipinakita rin sa dokumentaryo na hindi lahat ng mga Maranao

ay sumusunod sa inareglong kasal – katulad ni Minang Sharief. Sinuway niya ang

kahilingan ng ama niya na ikasal siya sa sarili niyang tiyuhin sa edad na 13. Sa tingin ko

ay kahanga-hanga ang ginawa niyang ito dahil nagpalakas ito ng loob sa iba pang mga

kababaihan na ipinagkakasundong ikasal. Maraming kababaihan na rin ang

sumusuway sa mga kahilingan ng kanilang magulang.

Alam nating lahat na mahalagang ipakita natin ang respeto para sa ating mga

magulang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila. Pero para sa sitwasyong ito, mas

dapat pahalagahan ang karapatan ng mga ipinagkakasundo na makapili ng kung sino

ang nais nilang pakasalan. Dahil para sa’kin, ang pagpapakasal ay isang sagradong

bagay. Ang pagpapakasal ay dapat parehong sinasang-ayunan ng mga ikakasal nang

kusa, nang hindi ipinipilit o minamanipula. Ang pagpapakasal ay proseso ng pagdeklara

ng iyong pagmamahal, at ito ay permanente na hanggang sa kamatayan. Maaaring

sabihin ng iba na pwede ka namang matuto na magmahal, ngunit kung ikaw ay kagaya

nina Fajad at Olily na ipinagkasundo na agad noong bata pa lang sila, wala ka pang

Page 2: Inareglong kasal ref paper

IMPERIAL, Kirsten Mireille P.WIKAKUL A52 24

kaalam-alam tungkol sa pagpapakasal. Naisasakripisyo rin ang kabataan nila at ang iba

pang pwede nilang gawin habang bata pa sila. Sa dokumentaryo, hindi lang simpleng

pagkakasundo ng kasal ang ipinakita. Kahit mga musmos ay nasasangkot na dito, Ang

mga musmos na ito ay hindi pa kayang magdesisyon para sa mga sarili nila. Madami

pa dapat silang matutunan. Kaya naman sa tradisyong ito, nawawala ang

pagkasagrado ng pagpapakasal. Nagiging isang bagay na lamang ito na ipinipilit gawin.

Dapat, ang pagmamahal ay hindi ipinipilit. Binigyan tayo ng free will o sariling pag-iisip

para makapagdesisyon sa sarili nating mga kapakanan. At dapat, kung ikaw ay

magpapakasal, hindi para sa mga dahilang katulad ng pagtigil ng pag-aaway ng

dalawang pamilya. Kung magpapakasal, dapat ang dahilan ay pagmamahal.