13
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 1: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: Dapitan City National High School

Ikalawang Markahan- Modyul 1: Mga Sinaunang Kabihasnan ......Alamin Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito. (AP7KSA-IIb-1.3) Nasusuri ang konsepto at kahulugan

  • Upload
    others

  • View
    718

  • Download
    34

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 1:

    Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    7

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: Dapitan City National High School

  • Alamin Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito. (AP7KSA-IIb-1.3) ● Nasusuri ang konsepto at kahulugan ng kabihasnan at

    sibilisasyon ● Naipapaliwanag ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan ● Nakapagtala ng mga pangyayari at pagbabagong naganap sa

    bawat panahon (Paleolitiko, Neolitiko at Metal)

    Balikan

    Gawain 1

    Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang tinutukoy na mga kahulugan sa bawat bilang sa ibaba. Titik lamang ang piliin ng may katumbas na tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kwaderno.

    A. Populasyon F. Unemployment rate B. Gross Domestic Product (GDP) G. Literacy Rate C. Life Expectancy H. Migrasyon D. GDP per capita I. Population Growth Rate E. Bansa J. Employment Rate

    1. Pandarayuhan o paglipat ng tirahan. 2. Dami ng tao sa isang lugar/bansa. 3. Bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at

    sumulat. 4. Bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o

    pinagkakakitaan. 5. Kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng

    isang taon. 6. Kita ng bawat indibidual sa loob ng isang taon sa

    bansang kaniyang panahanan. 7. Bahagdan ng bilis na pagdami ng tao sa isang bansa

    bawat taon. 8. Bahagdan ng populasyon na may trabaho o

    pagkakakitaan.

  • 9. Inaasahang haba ng buhay ng mga tao na naninirahan sa isang bansa.

    10. Isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga g rupo ng tao na maymagkakatulad na kulturang pinanggagalingan kung saan makikita ang iisa o pareparehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

    Tuklasin

    Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na gawain na may kinalaman sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan.

    Aralin 1 Sinaunang Kabihasnan sa Asya

    Ang kabihasnan ay isang pamumuhay na kinagawian at pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao. Sinasabing ito ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, naninirahan sila sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang hanapbuhay. Dahil dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan o nakagawian. Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer,

  • Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad sa kaniyang pagkatao. May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsulat. Kung susuriin, ang Sumer, Indus, at Shang ay mga lungsod na nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Lumaki ang kanilang populasyon na luminang sa lupain ng agricultural na pagkalaon ay pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay at nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang iba naman ay napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos na tinawag na Politeismo. Nakapagtayo ng mga templo, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa metal na nagamit sa kalakalan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga artian. At ang huli ay ang pagka-imbento ng sitema ng pagsulat. Ang mga nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon. Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang tao noong panahong Paleolitiko (400,000-8500 BCE) kung saan ang panahong ito ay kilala sa tawag na panahon ng lumang bato o Old Stone Age. Sa panahong ito umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito. Nomadiko ang ganitong pamumuhay.Kahit ganito ang kanilang sistema,nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng kasangkapang yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit sa pangangaso.Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng apoy.

  • Sa panahong Mesolitiko (8000-2700 BCE) nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag-agay sa pagbabago ng kapaligiran. Natutong magpaamo ng mga hayop at gumawa ng mga damit na galling sa mga balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan. Kakaiba ang nangyari noong panahong Neolitiko (7000-3000 BCE) kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao. Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinatawag itong Rebolusyong Neolithic. Naging dahilan ito ng mga tao upang sila ay manatili sa mga agrikultural na lugar at sa mga tabi ng ilog at lambak.Ito ay upang mabantayan nila ang mga pananim at alagang hayop. Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan. Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang kasanayan o aspekto ng pamaumuhay at nagkakaroon rin ng pag-uuri sa lipunan. Nagsimula ang ib’t ibang hanapbuhay ng mga tao tulad ng pangingisda at pagsasaka.Nabuo na rin ang pundasyon ng isang kabihasnan. Bunsod ng pagbabago sa lipunan,nabuo ang panahon ng Metal (4000 BCE- kasalukuyan) sa magkakaibang lugar sa Asya. Hindi ito naganap ng sabay-sabay. Sa panahong ito ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa salat sa mapagkukuhanan ng tanso napalitan naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito rin ang nakapagpalawak sa kanilang pamumuhay.

  • Suriin

    Gawain 1

    Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang katangian ng kabihasnan at sibilisasyon. Sa bilang na 2 ibigay ang pagkakatulad ng dalawa. Isulat ito sa sagutang papel.

    Gawain 2

    Panuto: Itala mo sa bawat kahon ang mga salik at batayan sa pagbuo ng kabihasnan at sibilisasyon. Maaari mong balikan ang mga binasang teksto. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa Araling Panlipunan 7.

    Kabihasnan Sibilisasyon

    1 2 3

    Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan

  • Pamprosesong mga Tanong

    Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.

    1. Ano ang katangian ng kabihasnan? 2. Bakit mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng

    kabihasnan. 3. Kung mawawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa

    bang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot?

    Gawain 3

    Panuto: Isulat mo sa bawat kahon ng ladder web ang naging pag-unlad mula sa panahong paleolitiko hanggang panahong metal. Maaari mo ring balikan ang mga binasang teksto.

    Pamprosesong Tanong:

    1. Ano anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?

    2. Paano nakaapekto ang kapaligiran sa pagbuo ng kabihasnang Asyano?

    Pagyamanin Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kawaderno sa Araling Panlipunan sa ikapitang taon. 1. Ang panahong nagsisilbing transisyon sa mga kulturang paleolitiko at neolitiko M __ __ o __ __ t __ __ __

    Panahong Paleolitiko

    Panahong Mesolitiko

    Panahong Neolitiko

    Panahon ng Metal

  • 2. Tumutukoy sa Old Stone Age o panahon ng lumang bato P __ __ __ __ l __ __ __ __ __ 3. Panahon ng pagtuklas ng paggamit ng bakal,tanso,at bronze P __ __ ah __ ng __ __ t __ __ 4. Ang tawag sa malawakang pagtatanim R __ __ ol __ __ y __ __ g N __ __ l __ __ hic 5. Pamumuhay na nakagawian at pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao K __ __ b __h __ __ n __ n 6. Paniniwala sa maraming diyos at diyosa P __lit __i __mo. 7. Paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng lipunan E __ __ lu __ yo __ 8. Uri ng pamumuhay ng mga sinunang Asyano kung saan palipat lipat sila ng tirahan N __ __ ad __ __ o 9. Dito nakadepende ang mga sinaunang Asyano sa bawat panahon __ __ pa __ i __ ir __ n 10. Ibang tawag sa salitang “sangkap” S __ __ l __ __

    Gawain Panuto: Punan ang kasunod na konsepto sa talahanaya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno sa Araling Panlipunan.

    Pamprosesong Tanong

    1. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang hamon ng pagbabago ng kapaligiran? Ipaliwanag ang sagot.

    Iba’t Ibang Panahon sa Pamumuhay ng

    mga Sinaunang Asyano

    Pamumuhay ng mga Sinaunang Asyano

    Paleolitiko

    Mesolitiko

    Neolitiko

    Metal

  • Isaisip Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.

    1. Ano ang pagkakaiba ng salitang kabihasnan at sibilisasyon. 2. Ano-ano ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan? 3. Ano-ano ang iba’t ibang panahon sa pag-unlad ng pamumuhay ng

    mga sinaunang Asyano.

    Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

    1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan? A. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain B. Paninirahan sa malalapit at maunlad na pamayanan C. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng

    mamamayan D. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao 2. Paano nabuo ang isang kabihasnan?

    A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring panlipunan,sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat,at masalimuot na relihiyon B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

    3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?

    A. Organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining,arkitektura,at pagsusulat

    B. Sinaunang pamaumuhay,relihiyon,pamahalaan,mga batas,at pagsusulat

    C. Pamahalaan,relihiyon,kultura,tradisyon,populasyon,at estado D. Pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura,at pagsusulat

    4. Alin sa sumusunod na bagay ang ginamit ng mga sinaunang Asyano upang makapagluto ng hilaw na pagkain?

    A. Balat ng hayop B. Ilog

  • C. Sandata D. Apoy

    5. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan na ginagamit ng mga sinaunang tao sa Asaya sa kanilang pamumuhay, maliban sa _____________? A. Bato B. Punongkahoy C. Baril D. Balat ng hayop 6. Ang mga sumusunod ay mga salik sa pagbuo ng kabihasnan maliban sa ___________. A. Pagkakaroon ng sentralisado at organisadong pamahalaan B. Masalimuot na relihiyon. C. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, Arkitektura at sistema ng pagsulat.

    D. Pagkakaroon ng malawak at matatabang lupain. 7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang na mga bagay na ginamit ng mga Asyano sa pagbuo ng sinaunang kabihasnan? A. Apoy B. Kuweba C. Balat ng hayop D. Itak 8. Paano nabuo ang isang kabihasnan? A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining,arkitektura,at sistema ng pagsulat B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura,at sistema ng pagsulat C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan 9. Anong uri ng pamumuhay ang naranasan ng mga unang Asyano? A. Pangingisda at pagsasaka B. Palitan ng mga produkto o barter C. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa D. Pagmimina 10. Saan unang umusbong ang sinaunang kabihasnan sa Asya? A. Lambak at Ilog B. Baybaying dagat C. Kapatagan D. Disyerto

    Karagdagang Gawain Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

    Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang kuwaderno sa

  • Araling Panlipunan.

    1. Sa iyong sariling opinyon, Kung mawawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

    2. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan? Bakit?

    Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Rosemarie C. Blando et.al., pp. 105-115.

    Susi sa Pagwawasto

    Tayahin 1.D 2.A 3.A 4.D 5.C 6.D 7.D 8.A 9.A 10.A

    Pagyamanin 1. Mesolitiko 2. Paleolitiko 3. Panahong Metal 4. Rebolusyong Neolithic 5. Kabihasnan 6. Politeismo 7. Ebolusyon 8. Nomadiko 9. Kapaligiran 10. Salik

    Balikan 1. H 2. A 3. G 4. F 6. D 7. I 8. J 9. C 10. E

  • Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.

  • 1