15
ARALIN 3: ANG IBA’T IBANG URI NG NEGOSYO Bb. MARY ANN M. ENCINAS

Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan

Embed Size (px)

Citation preview

ARALIN 3: ANG IBA’T IBANG URI NG NEGOSYO

Bb. MARY ANN M. ENCINAS

Pag-awit: (tono: Leron-Leron Sinta)

Tindahan ni InaySa aming PamayananAng tingian tindahanMay sariwang Isda

May gulay na MasustansyaPrutas na makulay

Dagdagan pa ng pansahogTindahan ng aking inay

Laging bago ito.

1. Ano ang nabanggit na tinda ng kanyang ina?2. Bakit kaya ito itinitinda?3. Paano ito itinitinda?4. Marami kaya ang bumibili?5. Ano ang tawag sa tindahang ito?

Sino ang mayroong tindahan sa inyo?

Ano ang inyong paninda?

Naranasan na ba ninyo ang bumili sa tindahan sa inyong pamayanan?

Ano ang inyong nabili?

MAY DALAWANG PARAAN PARA MAGKAROON NG SARILING NEGOSYO:

(1) pagprodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang-yaman, at

(2) pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran.

Magmasid at alamin ang iba’t ibang sitwasyon: A. Bumuo ng tatlong pangkat.

Unang grupo: Isulat sa manila paper ang naranasan at namasdan sa isang fast food na restuarant.

Pangalawang grupo: Isadula kung paano maipapakita ang pagsilbi sa mga mamimili o kliyente sa isang fast food restuarant.

Pangatlong grupo: Isulat sa manila paper ang magagandang katangian ng isang negosyo at mga salita na naging trademark o identity.

SERBISYO

Click icon to add picture

1. __________________2. __________________3. __________________4. __________________5. __________________

SERBISYO

1. __________________

2. __________________

3. __________________

4. __________________

5. __________________

SERBISYO

1. __________________

2. __________________

3. __________________

4. __________________

5. __________________

Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may personal touch ay ang pagbigay ng komportable at kasiya-siyang

paglilingkod. Mga halimbawa sa pamayanan: pagkain,

pagawaan ng sirang gamit, labada o laundry shop, school bus service, at iba pa.

Mahalagang Gawain sa Pamamahala ng Tindahan

1.Maayos at malinis na Pananamit- Palaging maging kaaya-aya ang anyo sa mamimili

2.Pamimili ng mga Ititinda- isaalang-alang sa pagpili ng paninda. Ang bilihin ay hango sa pinaka mababang halaga

3.Pagsasaayos ng Paninda- ayusin ang paninda ayon sa uri, lagyan ng tamang presyo.dapat na may sapat na kaalaman sa itinitinda upang madali itong maipakilala sa mga mamimili

PAGLALAHAT:

Bawat pangkat. Isadula kung paano maipapakita ang

pamamahala ng tindahan.

Sumulat ng 3 pangungusap tungkol

dito.

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung tama at titik M kung Mali. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga mamimili. _____2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo. _____3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang oras. _____4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo ang inaasahan sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo. _____5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang pinakaimportante para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.

Paghambingin ang Hanay A at B. Pagtapatin ang magkatugma. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Vulcanizing Shop a. Pag-ayos ng bahay 2. Home Carpentry b. Pag-ayos ng gulong 3. Tahian ni Aling Josefa c. Pag-ayos ng sirang gamit sa bahay 4. School Bus Services d. Pananahi ng damit 5. Electrical Shop e. Pagsundo at paghatid ng

mga bata sa eskuwelahan

Awtput: Ilagay sa portfolio

Gumupit ng mga larawan ng tindahan, sumulat ng tatlo

hanggang limang pangungusap na naglalarawan sa iyong

pangarap na tindahan.